The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 7: Mind Magic
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 11: Illusions
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 25: Compulsion
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 33: Vampress
Chapter 34: Love and Lies
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 37: Awaited Answers

50.5K 1.2K 173
By AleexJin

Chapter 37: Awaited Answers

Pagkagising ko ng umaga, dun ko lang narealize na wala palang oras na nabanggit dun sa sulat ni Viex. So ano'ng oras ako pupunta dun? Napabuntong hininga nalang ako. Baka maya-mayang hapon nalang ako pumunta. Tutulungan ko muna si Mimi dito sa bahay.

"Morning, Mi." I greeted pagkababa ko sa dining room. Nilapitan ko siya and kissed her cheeks. Naghahain na ng pagkain si Mimi pero wala pa si Didi dito sa baba. Baka nag-aayos pa sa taas. May pasok kasi siya ngayon.

"Good morning, bibi. Kain ka na." She greeted back, smiling.

Tumango lang ako at naupo sa usual seat ko. "Si Didi po?" Tanong ko habang nilalagyan ng fried rice ang plato ko. Okay lang naman kasi samin minsan na kumain kahit wala pa si Didi. Nagagalit kasi siya kapag hinihintay siya.

"Naku bibi, pumasok na. Maaga ang pasok niya ngayon e." Sagot niya at saka umupo sa harap ko.

Napatango ako at saka napatingin sa wall clock dito sa dining area. 7:35 palang pala. May limang wall clock dito sa bahay. Isa sa dining room, sa sala, sa kwarto ko, sa kwarto nila mimi at didi saka sa guest room. Speaking of guest room. Do'n nga pala natulog si Cyrus. Tumahimik lang ako habang kumakain at nagconcentrate para marinig ko kung natutulog pa ba siya o ano.

Halu-halong tunog ang bumungad sa'kin. May iyak ng baby, busina ng sasakyan at kung anu-ano pa pero nawala rin 'yon kalaunan. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa guest room. Naliligo pa pala yung isa.

'Wag mo ngang pakinggan ang mga kilos ko. Privacy naman, insan.' Narinig kong sabi niya and then I heard a chuckle. Paano niya nalaman na pinapakinggan ko ang kilos niya? Gusto ko lang namang alamin kung pababa na siya e. Napasimangot ako at tinry kong hindi na makinig. Hindi ako sumagot dahil hindi naman niya maririnig ang sagot ko. Saka isa pa, baka mapagkamalan akong baliw ni Mimi.

"Nga pala, bibi. Si Cyrus ba dinaanan mo sa guest room? Hindi pa 'yun kumakain e." Tanong sa'kin ni Mimi. Tumango nalang ako kahit hindi ko naman talaga siya dinaanan.

"Naliligo pa po siya, Mi." I answered at saka pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Nasaan nga pala si Wren?" Nagulat ako nang biglang itanong ni Mimi ang bagay na 'yon pero nakarecover naman ako agad.

"Nasa kanila po, Mimi. Baka hindi po pu--" napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig akong biglang pumasok sa gate namin. At alam ko na agad kung sino. Napapailing nalang ako na binawi ang sinasabi ko kanina. "Nandyan na po pala siya, Mi." Walang ganang sabi ko.

"Huh?" Nagtatakhang tanong ni Mimi. Magtatanong pa yata siya dapat nang may biglang pumasok sa dining room. At si Wren nga 'yun.

"Good morning, tita." Nakangiting bati niya kay Mimi na binati rin naman siya agad sabay tingin sa'kin. "Good morning din, Zeira." Then, he winked. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa pagkain.

"Morning." I greeted back. Nagtatakha na ako sa werewolf na 'to. May bahay naman sila pero dito siya nakikikain ng nakikikain. Masarap rin namang magluto si Tita Isa a? Hindi naman sa nagdadamot ako ng pagkain. Pero ayoko lang na dito siya laging tumatambay. Lagi rin kasi kaming nagca-clash e.

Bigla siyang umupo sa tabi ko. "Mukhang masarap, tita." Amaze na amaze na sabi niya kay Mimi.

Natawa si Mimi sa reaksyon niya. "Sige na at kumain ka na lang."And he did. Mas marami pa nga yata yung kinuha niyang pagkain kesa sakin.

Sipsip talaga. Anong nakaka-amaze sa fried rice, egg at bacon? Buti ba kung lumilipad yung mga pagkain at kusang papasok sa bunganga niya. E hindi naman.

"Yo. Good morning-- Sino 'to?" Bigla nalang sumulpot si Cyrus sa pinto at nagtatakhang napatingin kay Wren. Tinignan rin siya ni Wren. Hindi ba sila magkakilala? Pero bakit kilala ni Cyrus si Viex?

"Ako ang pinakagwapong lalaki dito. Bakit?" Nang-aasar na sabi ni Wren. Mukhang hindi naman nagustuhan ni Cyrus ang sinabi niya. Medyo pikon pa naman ang isang ito.

"Ano'ng pinagsa--" hindi na siya pinatapos ni Wren sa pagsasalita.

Huminto si Wren sa pagkain at parang may kinukuha siya sa bulsa niya na parang hindi naman niya nakita. "Gusto mo ba ng autograph? Sorry, wala akong dalang ballpen dito." He smirked.

Napailing nalang ako at inunahan ko na si Cyrus bago siya magsalita. Baka kasi bigla nalang magkaroon ng nagwawalang sorcerer dito habang may dalang apoy habang hinahabol ang isang mapang-asar na werewolf. I wouldn't want that to happen. Especially not in front of Mimi.

"Siya si Wren, Cy." Sabi ko sa kanya at saka tumingin kay Wren. "Wren, si Cyrus. Pinsan ko. Wag kang makulit kung ayaw mong mapalayas dito." Medyo hininaan ko lang yung huli kong sinabi para hindi marinig ni Mimi. Pero mukhang narinig niya dahil tumawa siya.

Wren looked at me while sticking his tongue out. Napailing lang ako at tinignan siya ng masama. I didn't know that he has this childish side. Puro kayabangan at pang-aasar kasi ang alam e.

--

Since this morning, hindi na natigil sila Cyrus at Wren na mag-asaran. I mean, mang-aasar si Wren at mapipikon si Cyrus. Gusto ko na nga silang pag-untugin dahil pati panonood ko, naiistorbo nang dahil sa asaran nila e. Isa pa 'tong Wren na 'to. Napaka-moody rin. Kapag yung mga Welshes ang kasama namin, ang sungit sungit sa'kin. Tapos kapag kami lang dalawa, ang bait bait! Kapag naman si Cyrus, ang isip bata niya.

Nagbabasa lang ako ngayon habang nag-iingay naman yung dalawa sa tabi ko. Ginamitan ko na nga sila ng spell kanina para lang tumahimik. Hindi ko sana tatanggalin kaso biglang sumulpot si Mimi. Napilitan tuloy akong i-dispell.

Napatingin ako sa wall clock dito sa sala. 3:56 na. 5 ako aalis dito sa bahay para pumunta sa school. Nagpaalam na rin naman ako kay Mimi at pumayag naman siya. Ihahatid rin daw ako nitong dalawa. Hindi sana ako papayag pero hindi rin daw papayag si Mimi kapag hindi ako nagpahatid. Kaya wala na akong nagawa.

Iniisip ko palang na makakasama ko silang dalawa hanggang mamaya, parang gusto ko nalang wag nang pumunta. Kaso si Viex 'yun e. Almost two weeks na siyang hindi nagpapakita sa'kin. I really miss him so much. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Ang dami kong kwentong baon. Gusto ko siyang yakapin. I don't know. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong bagay, as far as I can remember.

Yung feelings ko kay Wren dati ay exception dahil hindi ko naman maalala yung naramdaman ko nun. Pero mas okay na rin siguro 'to. He deserves someone better. Makikita niya rin ang taong para sa kanya. Maybe we're not really meant for each other. Kasi kung oo, hindi mangyayari 'to. I know hindi ko pa alam ang ending ng love story namin ni Viex, but if it's real, it won't end.

Tumayo na ako sa sofa na inuupuan ko at akmang aakyat na nang tinawag ako nung dalawa.

"Saan ka pupunta?" Tanong no Cyrus.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa CR. Sasama ka?"

"Yuck! Di na." Natawa lang ako sa reaksyon niya. Baliw talaga 'to kahit kailan.

Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang bigla na namang sumingit si Wren.

"Ako! Sama ako." He said, smirking. I flushed. Binatukan naman siya ni Cyrus. Buti nga sa kanya. Napaka-isip bata niya talaga ngayon. I wonder why.

--

Magfa-five na nang matapos akong mag-ayos. Pagbaba ko, si Cyrus nalang ang nadatnan ko sa sala. Hawak yung cellphone niya at may katext yata. Sa 16 years na nandito siya, hindi naman nagbabago ang itsura niya at parang hindi naman siya tumatanda. I mean, oo. Mas matanda lang siya sa'kin ng dalawang taon pero bihira ko kasi siyang makita dati nung mga bata pa kami dahil nasa Manila nga siya. Parang wala kasing nagbabago sa mukha niya. Nagtataka rin ako dati pero parang hindi naman 'yun napapansin nila Mimi. Pero ngayon, alam ko na kung bakit.

"Nasaan si Wren?" Tanong ko sa kanya. Wala rin si Mimi. Sa tingin ko, nagpapahinga siya sa taas.

"Kukunin raw yung sasakyan niya." Sagot niya. Nagtaka ako nang bigla niyang ibaba sa lamesa yung phone na hawak niya at tumingin sa'kin ng mataman. "Ano'ng meron sa inyong dalawa?" He asked, looking at me with scrutiny.

My forehead creased on his question. "Absolutely nothing, Cyrus."

Tumayo siya at naglakad papunta sa kinatatayuan ko. He's still looking at me like a predator looking at his prey. "Really?"

Tumango ako agad. "Yes. Really."

Mukhang hindi pa rin siya satisfied kaya tinaasan ko nalang siya ulit ng kilay. "Fine." He said and walked towards the door. Buti naman at tumigil na siya. "Tara. Sa labas na natin siya antayin."

Tumango ako at sumabay na sa kanya palabas. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam kay Mimi pero hindi na bale, uuwi rin naman siguro agad.

Eksaktong 5 dumating si Wren dala yung kotse niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan paglabas ko ng gate. Napatingin agad ako sa kwarto nila Mimi at Didi. Nakasara yung ilaw, meaning nagpapahinga nga si Mimi.

"Bakit Zeira?" Cyrus asked. Naramdaman ko ang pagtabi niya sakin habang nakatingin pa rin ako sa kwarto nila Mimi at Didi sa second floor ng bahay.

"Kinabahan ako bigla." I answered, honestly. Tumingin ako sa kanya. "Wait, Cy. Can you do some spell na magpo-protect kila Mimi at Didi?" I asked him.

"I know one. Pero yung mismong bahay lang ang mapo-protect. As long as they're inside this house, they're protected. Pero hindi na no'n sakop kung lalabas man sila."

I nodded. "Okay lang. Just do it." Sabi ko na sinunod naman niya. He casted some spell na hindi ko alam at saka kami umalis. I just really need to be sure na hindi sila masasaktan. Sana umuwi na agad si Didi.

--

Nakarating kami agad sa Finelry dahil hindi naman masyadong traffic. Nagulat nga ako dahil hindi na masyadong nag-aasaran sila Cyrus at Wren habang bumabyahe kami. Habang ako naman, hindi nagsasalita. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit sobra sobra yung nararamdaman kong kaba. Na parang anytime, lalabas yung puso ko sa dibdib ko dahil pati siya hindi na kaya.

"Dito nalang kayo. Hahanapin ko pa kasi si Viex." I said and started to walk away. Sila rin kasi ang maghahatid sa'kin pauwi. Bago ako tuluyang makaalis, I caught a glimpse of Wren's pained expression. Hindi ko siya magets. Kung nasasaktan siya, dapat hindi na siya sumama, right? Nagi-guilty tuloy ako e.

Inisip ko agad kung saan ko siya pwedeng makita. Bakit kasi hindi niya hinabaan yung message niya? Kailangan ko pa tuloy mag-isip kung saan siya pupuntahan. Buti nalang wala pang students dito sa Finelry. Naglakad lakad lang ako kahit hindi ko naman alam kung nandito ba siya o wala. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng dormitories. Wala na kasi akong ibang place na maisip na pwede niyang puntahan bukod dito at sa mismong room niya. E hindi naman siya nagsi-stay sa room niya.

Napadaan ako dun sa punong pinagsandalan niya sa'kin dati nung pinagtangkaan niya ang buhay ko. It's odd but I just found myself smiling while looking at the tree. Kahit kasi ang haba ng oras na meron siya nun, hindi niya pa rin ako pinatay.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang presensiya ng isang tao sa likod ko. Kilalang kilala ko kung sino 'yun.

Humarap ako agad sa kanya nang nakangiti. And I was right. "Viex!" I said excitedly and literally run to hug him. "I missed you!" Masayang sabi ko at saka hinigpitan ang yakap ko sa kanya pero nawala yung ngiti ko nang hindi siya magreact. I can hear his heartbeat but it's not as excited as mine's. He also didn't hug me back.

Nakakunot ang noo kong humiwalay sa kanya. He looking at me, coldly kaya kinilabutan ako lalo. Sanay naman ako sa ganyang tingin niya but now? Something's different with his stares. Like he could kill a person at this very moment without even regretting about it.

"V-viex? What's the problem?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. May problema ba kami? Bakit ganito siya sa'kin ngayon? Marahan siyang umiling.

"Nothing." Natuwa ako nang magsalita siya pero mas lalo yata akong kinilabutan sa tono ng boses niya. Ngumiti nalang ako ng pilit kahit alam kong may kakaiba. Hindi ko naman kasi siya pwedeng kulitin dahil baka mas magalit pa siya sa'kin.

"Good. I have something to tell you." Sabi ko at saka hinawakan ang kamay niya. "Tara! Doon tayo sa office." Nakangiti kong sabi at saka siya hinila pero napahinto ako nang bigla niya rin akong hinalahin kaya napabalik ako sa pwesto ko at napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya. "Aray." Mahinang daing ko dahil marahas yung pagkakahila niya sa'kin. Bigla ring humigpit yung hawak niya sa braso ko. "V-viex, nasasaktan ako." Napatingin ako sa kanya bigla and all I can see in his eyes is hatred. Parang hindi siya yung Viex na nakilala ko. Mas nakakatakot siya ngayon.

Gusto kong maiyak dahil hindi ko naman alam kung bakit siya nagkakaganito. Nakadagdag pa 'yung pahigpit ng pahigpit na hawak niya sa braso ko.

"Viex, nasasaktan sabi ako." Pilit kong binabawi sa kanya yung braso ko pero hindi niya pa rin 'yon pinakakawalan.

"Why did you do that?" He just said. Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi niya at hindi rin ako makapagfocus dahil sobrang nasasaktan na ako sa ginagawa niya sa'kin.

"Why did I do w-what?" Nagtatakha kong tanong. "Stop this Viex. Please. Nasasaktan ako." Ayokong umiyak. Please, don't cry, Zy. This is just a misunderstanding. Don't cry.

"Stop acting like you did nothing!" Nagulat ako nang marahas niya akong bitawan na naging dahilan kung bakit ako napasalampak sa sahig. Pero mas nagulat ako nang bigla niya akong sigawan. I gulped really hard to suppress myself from crying. Ano bang problema niya? "Why Zeira? Why did you hurt Roanna? I'm trying hard to protect you from her but what did you do? You killed her! Damn it! You made a decision so impulsively." Sa sobrang galit niya, pinagsusuntok niya yung puno na malapit sa'min.

She died? No! That's impossible! Ang sabi ni Wren, hindi siya mamamatay. She's a vampire! "I didn't kill her, V--iex." I heard my voice cracked. And the next thing I know, sobrang umiiyak na ako. Umiiling ako habang nakayuko at nakasalampak sa sahig. "I didn't do anything. Wag ka namang magalit sa'kin." I said, almost pleading. Alam kong tanga ako pagdating sa mga ganitong bagay pero wala akong pakialam. Kung mukha na akong kawawa dahil sa pag-iyak ko sa harapan niya, I could care less. It's Viex, for pete's sake! I love this man!

Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin patayo. Nasasaktan ako way ng paghawak niya sa braso ko. "Technically, you did. And now you're crying?" Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko kahit patuloy pa rin namang tumutulo ang luha ko. Geez, Zeira! I said don't cry!

"I'm sorry." Napamura ulit siya. I know by this time, na sobrang galit na siya. Gusto kong sabihin ng paulit ulit na hindi ko naman talaga siya pinatay. At kung ginawa ko 'yun, alam ko namang mabubuhay siya ulit. I didn't stab her through her heart! She won't die. Pero hindi naman siya naniniwala.

Marahas niya akong binitawan and walked away. Kung hindi ko pa nga naalalayan ang sarili ko, mapapasalampak na naman ako sa sahig. Sinundan ko agad siya nang makarecover ko. Tumatakbo ako habang pinupunasan ang pisngi ko pero sino bang niloloko ko? Hindi naman tumitigil ang mga mata ko sa pag-iyak.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya pinigilang maglakad. Ayoko ng ganitong feeling. Pakiramdam ko, wasak na wasak ako. Pakiramdam ko, mamamatay na ako sa sobrang sakit.

"Viex, please. This is just a misunderstanding. I--I promise I won't do it again. Please." Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa sobrang galit niya sakin o dahil may iba pa. Binawi niya yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko at nagsimula na ulit maglakad palayo. No, Zeira. Ngayon ka lang naging masaya. Hindi mo pwedeng hayaan nalang na mawala sayo si Viex.

Tumakbo ulit ako para habulin siya ko. Mabilis siyang maglakad pero naabutan ko pa rin siya. I hugged him from the back that made him stop. I just can't let him go. Not now na mahal ko na siya. Not now. "Viex, I love you. Please don't-- don't do this to me." Nagmamakaawa kong sabi but he still didn't say anything. Wala rin akong maramdamang kakaibang emosyon sa kanya kung hindi galit. Galit para sa'kin. Bakit ganito siya kagalit? Her sister killed me too. Pero bakit sobra-sobra naman yata yung galit nya ngayon?

I heard him sighed at saka marahang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Humarap siya sa'kin pero ganoon pa rin yung expression ng mukha niya. Walang nagbago. Galit pa rin siya.

"Remember when you asked me if I'm a vampire?" He asked. "I'm not a vampire, Zeira. I'm not even a werewolf. Sa umpisa palang, nagsisinungaling na ako sa'yo. I lied to you countless of times." Umiling siya but I just listened. "You can't love a liar like me. Especially when I'm not even in love with you." That hits me dumbfounded. I don't really care if he's a liar, a sinner or even a saint. I love him. I love his good or bad side. Kahit masaktan pa ako, hindi ko mababago ang katotohanan. But the fact that he's not really in love with me? It hurts like hell.

Hindi ko alam kung bakit natawa ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. "You're really a terrible liar. So no, Viex. You love me. I know that." I held his hand but he just shook it away. Mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa niya sa'kin.

"None of what I said before was true. Even that kiss. I don't love you, Zeira. I just pretended that I do because of Roanna. That's part of our plan." He stated.

Umiling ako at napayuko. "Stop."

"Yes, I'm a terrible liar." Pagpapatuloy niya pero umiiling pa rin ako. Ayoko nang makinig sa kanya. Ang sakit sakit na. Tama na please. "But I can assure you that what I am about to say is true." Patuloy pa rin ako sa pag-iling. He's a heartless beast. Bakit niya to ginagawa sa'kin?

"Roanna and I... we're not really blood related." Napahinto ako sa pag-iling at napatingin sa kanya. Ano'ng sabi niya? Nakatingin lang siya sa'kin na parang seryosong seryoso siya sa sasabihin niya. "She's my girlfriend... and I love her. I will do everything for her. So stop this. I'm sorry." Then he walked away.

Napaupo ako sa sahig at patuloy lang na umiyak. This isn't true, right? This isn't true.

------------------------xx----------------------
A/N: Lol. I'm sorry guys. There are just some things that need to end for others to start. So yeah. I hope you liked it.

~Alee

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 55.1K 77
There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's fa...
48K 3.4K 49
Noong bata ako, may napanood ako sa telebisyon na advertisement tungkol sa isang Zombie Scholarship Program sa Asphodel School of Zombies and Other D...
234K 8.3K 46
Let's witness the journey of Angelina Theresse Maxwell as Maria Titania Marquez in Musical Academy! Enjoy reading. Highest Rank Achieved: #1 in Music...
8.2K 604 24
REALM SERIES #3 VALLASEA Start: May 28, 2023