FANTASY Book 1: THEY EXIST

By Neribel_Aldama

177K 3.2K 440

Ito ang kwentong magbibigay sayo ng pag-asa na kahit magkaiba pa kayo ng mahal mo ay mayroon pa ring chance n... More

FANTASY
Prologue
#MenOfHerDreams
#BirthdayGift
#Warning
#Escape
#Trouble
#OfficialSynopsis
#TheExist
#BadExistence
#MoonMeYouAndAKiss
#LifeExtension
#ThirstForYourBlood
#Alliance
#TheJealousExist
#FirstLove
#AtTheAttic
#Seduction
ANNOUNCEMENT
#IAdmitILoveYou
#ForbiddenLove
#Feelings
#Love and Lies
#MysteriousActs
#SpreadofProphecy
#OtherSide
#NothingCanStopThisLOve
#TheNightThatWillChangeEverything
#TheCovenant
#SavingLove
#Trust
#NewMemories
#Help
#Chase
#Conditions
#ThreatsAndLovers
#SurprisesOfReunion
#GoForLOve
#Comeback
#OneHotNightWithYouAgain
#UnexpectedBattle
#DeathsAndEscapes
#Prophecy
Thank You.
Thank you 2016 and Social Media Updates
Neri Keme Vlog
Youtube and Instagram PLUS a surprise for you
Exclusive Monthly Perks for YOU Dearest
Want to win load, wattpad coins and more?
May 2020 Raffle Winners

#ReunitedInDevilsPlace

1.5K 48 8
By Neribel_Aldama

Nakilala niyo na ba si Frangie ng THBIT? Siya na po ang profile pic ko sa FB. Ang tanong ay friend na ba kita??? Soon ang iba pang real life characters ang makikilala mo in person kaya add mo na ako at doon naman tayo magkulitan. Wink! Tapos kung late reader na kita, you can still add me at ia-accept naman kita! You are very welcome! Kalkalin mo nalang ang account ko hehe! Sina Jorizce at Joven nga pala ng FTE ay makikilala mo rin dun soon. J

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

Friendship-Readers! J Kumusta naman kayo? Naku marami pa kayong dapat na abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Book 1 ng FTE! Please join the comment party, share and vote na rin po. Thank you so much! Mwah!

33. #ReunitedInDevilsPlace

Naunang nagising si Miah. Naging komportable naman ang kanyang pagtulog dahil sa ginawang pagtabi sa kanya ni Jorizce. At one point ay thankful talaga siya rito. Gayunpaman ay hindi naman niya ginustong magising sa mga bisig nito. Tulad ng nang pagmulat niya ngayon sa kanyang mga mata.

"Oh?" bulong niya. Kasalukuyang magkayakap ang dalawa. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang mga kamay sa katawan nito. Kaso lang ang mga bisig nito ay nanatili sa kanya. Kaya naman marahan din niyang tinanggal ang kaliwang bisig nito na buong-buong nakalingkis sa kanya.

"Hooh!" mahinang pagbubunti niya. Kaso lang ay bigla na namang binalik ni Jorizce ang bisig sa pagkakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung nananadya na ito. Hinilig niya tuloy ang ulo sa mukha nito. Napakaamo nito. Mukha ka namang mabait eh. Nakaramdam ako na safe ako dahil sayo. Sana yan talaga ang tunay na ikaw. Lihim niya iyong sinambit sa kanyang isipan. She can't help but to stare at him. Walang halong mahika o kung ano pa mang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanya ngayon para pagmasdan ang Exist. This time she has enough reason para gawin ito.

Kusang gumapang ang kanyang kanang kamay papunta sa mukha nito. Dinampi niya ang hintuturo mula sa noon nito pababa sa pisngi nito hanggang sa marating niya ang mga labi nito. Artistahin ang kinis ng kutis nito. Napakalambot din ng labi nito. Huwag mong sayangin ang chance na binigay ko sayo upang tuluyan kitang mapatawad. Dugtong niya sa kanyang isipan. Nang alisin niya ang hintuturo sa mukha ng lalaki ay ilang minuto rin syang nanatiling nakatitig dito.

"Kaso lang sumosobra ka na sa pagyakap sa akin!" sigaw niya habang pabiglang bumangon dahilan para magising ito.

"Ano ba'ng problema mo? Ang sarap ng tulog ko nambubulabog ka! Nananaginip pa naman din ako." Reklamo nito habang nagpupunas ng mata. Namumungay pa ang berde nitong mga mata.

"Wala akong pakialam sa panaginip mo! Kung makayakap ka sa akin parang masyado kang nawili na hinayaan kitang matulog sa tabi ko!" saka siya humalukipkip at lumabi.

"Kaya pala ikaw ang napaginipan ko. Kasi yakap kita." Bumalik ito sa maayos na pagkakahiga. Hindi niya maintindihan ang biglang pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi nito.

"You must be wet dreaming about me!" naiirita niyang tugon dito. "Manyak talaga ang isang to." Bulong pa nya.

"Wag kang judgemental huh. Maayos ang panaginip ko. Nagde-date daw tayo. Sobrang saya raw natin." Pagpapasubali naman nito sa naging pahayag niya. Para itong batang nakikipagtalo at nagkukwento.

"Ewan ko sayo. Kapitan ka ng lugar na ito ngayon kaya bumangon ka na dyan. You need to check your constituents." Tinalikuran na niya ito. Dagling puminta ang isang ngiti sa kanyang mga labi. She even bite her lower lip. Napaganipan niya raw ako oh.

Pagbaba niya ay didiretso na sana si Miah sa kusina ngunit naagaw ng taong kumakatok sa pinto ang kanyang atensyon. Tinungo niya iyon upang buksan. Nagdadalawang isip siyang buksan iyon dahil baka masamang loob na naman ang sumalubong sa kanya.

"Tao po? Kapitan? Si Ramon po ito." Nakahinga naman siya ng maluwag ng marinig kung sino ang nasa labas. Binuksan na niya ang pinto. Tumambad nga sa kanya si Ramon na may dalang isang basket ng mga pagkain. Mayroong prutas at ilang lutong ulam na nakalagay sa garapon. "Magandang umaga po binibining Jeremiah." Pagbati matipunong lalaki.

"Magandang umaga. Maaga ka yatang nabisita Ramon?"

Inabot nito ang basket. Kinuha naman niya iyon. "Dinalan ko po kasi ng makakain ni kapitan. Pasasalamat dahil simula palang ng pamamalagi niyo sa aming lugar ay napakarami niyo ng naitulong sa amin."

"Walang anuman iyon. Maraming salamat sa dala mong pagkain para sa amin. Pagkakain namin ay mag-iikot kami sa lugar upang mas makita ang sitwasyon niyo rito." Saad niya rito saka pilit na ngumiti.

"Maraming salamat po. Mauna na ako." Saka tuluyang umalis si Ramon.

"Talagang mag-iikot tayo ah? Gusto mo pa yatang maglibot sa lugar na ito." Narinig niyang ang boses ni Jorizce sa gawing likuran niya. She turned around to face him.

"We need to look at the place para kapag umalis na tayo sa lugar na ito ay maging madali para sa atin." She said with authority. Saka naman siya lumakad papunta sa kusina. Kumuha ng plato at inilagay ang mga pagkaing dala ni Ramon.

"That was brilliant. Ibang klase talaga ang Panginoon ko." Dinig nyang sambit nito.

"Baka naman sabihin mo masyado lang kitang inaalipin dito eh. Gusto ko rin namang makatulong bilang master mo." Tinapos niya ang paghain ng pagkain. "Tara na kumain na tayo." Anyaya niya rito.

Harapan sila sa maliit na mesa sa kusina. Sinimulan nila ang pagkain. Napansin niya ang pagseseryoso ng mukha nito.

"Mukhang may iniisip ka. I want to know it." She said before chewing the food inside her mouth.

"Dahil sa nangyari kagabi. Sa pagsugod ng bampira dito. Lumakas ang kutob ko na mapanaginib talaga sa lugar na ito. Matapos nating mag-ikot ngayong araw sa lugar na ito, bukas na bukas din ay aalis na tayo. I need to take care of you kaya dapat malayo kita sa manganib na pwedeng harapin natin dito." Paglalahad nito sa mga iniisip. May bahagi sa kanyang puso na natuwa dahil sa concern nito sa kaligtasan niya. He's really doing the right things so far. Ngiti lang ang naitugon niya rito.

Maghapon na inaral nila ang lugar. Kunyari'y nakikisalamuha sila sa mga taga-baryo ngunit tinitingnan na nila ang mga pasikut-sikot sa paligid. Kung saan sila daraan palabas ng baryo. Ano ang mga nakapaligid at iba pang mga detalye upang maging madali ang kanilang pag-alis.

"Napansin mo ba ang napansin ko?" bulong nito ng magtatakip-silim na.

"Oo. Mukhang mahihirapan tayong makaalis." Tugon niya rito.

"Mamaya na natin pag-usapan kapag nasa bahay na tayo." Muling pagbulong nito. Maingat sila. Hindi pa rin buo ang tiwala nila sa mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi rin naman sila nakakasiguro kung totoo ang ipinapakita sa kanila ng mga taong narito. Mas mabuti na ang mag-ingat.

"Ano ang pag-uusapan ninyo sa bahay kapitan?" tila narinig ni Ramon ang sinabi nito. Laging nakasunod sa kanila ang lalaki.

"Sinabi lang sa akin ng inyong kapitan na sa bahay nalang namin pag-uusapan ang mga plano namin para sa lugar na ito. Kahit hindi naman kami talaga magtatagal dito ay mayroon pa rin kaming mga gusting maiambag dito." Hindi siya sanay maging makata pero kailangan niya umisip ng idadahilan dito.

"Ano'ng sabi ng binibini? Hindi rin sila magtatagal sa baryo natin? Paano na tayo?" isang matandang babae ang pumuna sa kanyang sinabi. Naging mitsa iyon ng mga bulung-bulungan.

Pinapawisan siya ng malapot. Namutla. Nagtago tuloy siya sa likod ni Jorizce.

"Uy pagtanggol mo ako ah." Bulong niya rito.

"Kung anu-ano kasi ang pinagsasasabi mo. Alam mo namang si Ramon lang ang nakakaalam non." Tila sinermonan pa siya nito. Napaismid tuloy siya.

"Ahhhhhh!" isang malakas na sigaw ng isang babae ang kumuha ng atensyon ng lahat. Dagli silang lumapit sa pinanggagalingan ng sigaw. Dinatnan nila ang ulo ni Diego sa lupa, sa harap ng babaeng sumisigaw. Si Diego ang dating kapitan ng lugar na nakalaban ni Jorizce dahil sa binastos siya.

Nangilabot siya sa nakita. Napakapit siya sa braso ng Exist. "Oh my God." She uttered.

"Ano'ng nangyari? Sino'ng gumawa nito?" tanong nito na may buong katapangan.

"Hi-hindi ko po alam. Nakita ko nalang po dyan sa lupa ang ulo niya." Nanginginig na tugon ng babae.

Nagkatinginan sila. Matapos ay hinarap nito si Ramon.

"Ramon ang mabuti pa ay kayo na ang bahala sa ulo." Utos nito bago harapin ang mga tao. "Gabi na ho. Umiwi na tayong lahat sa kanya-kanya nating mga bahay. Ikandado ninyo ang inyong mga pinto at bintana. Maghanda rin kayo ng mga armas o kahit na anong pwede ninyong magamit upang mapagtanggol ninyo ang inyong mga sarili sa panganib." He commanded everyone. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito dahil sa narinig.

Lumisan na rin sila. Hindi nila maiwasang mapatingin sa rebulto sa gitna ng plasa ng lugar. Parang may kakaibang takot ang binibigay ng rebultong iyon. Pag-uwi sa tinutuluyan nilang bahay ay nagkandado na rin sila ng lahat ng pinto at bintana.

"Jorizce mas lalo akong natakot sa nadiskubre natin. Nakakapangilabot pa ang nangyari kay Diego." Napatakip siya ng bibig habang nakaupo sa dulong bahagi ng papag.

"Sinadyang dalin tayo sa lugar na ito. Hindi tayo nakatakas. Lalo lang tayong ikinulong." May galit ang mahinang tinig nito. Napapadagdag iyon sa takot na nararamdaman niya.

"Ano'ng?" hindi niya naituloy. Alam niya ang tinutukoy nito dahil nakita niya ang lahat. Gusto niya lang marinig magmula rito.

Huminga ito ng malalim. "Nakita mo naman may mga harang at bakod ang buong baryo. May mga nakita rin akong nagbabantay sa lugar na ito sa hindi kalayuan. Isa itong bitag Miah. Hindi ko alam kung paano tayo makakatakas."

Tuluyang tumayo ang balahibo sa kanyang buong katawan.

..........

Nanginginig na tumayo si Tasya. Nanghihina ang bawat kalamnan sa kanyang katawan. Kaharap niya ang pinakamasama at pinakamalupit na bampira. Totoong alam na niya ang propesiya. Nakita na niya ang lahat sa panaginip. At kasama sa propesiya si Euclid. Tumulo ang pawis mula sa kanyang noo pababa sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang leeg.

"Ano'ng ginagawa namin dito sayo? Bakit nandito kami?" buong tapang niyang tanong dito. Hindi man siya nautal pero halata pa rin sa boses niya ang takot dahil sa nanginginig iyon.

"Malayo pa naman ang katuparan ng propesiya Fantasia. Malayo pa." Simula palang ng pagsasalita nito ay nakakapangilabot na. Sa ilalim ng lupa, doon sa impyerno tila nagmumula ang boses nito. "Tinitipon ko lang kayong lahat upang hindi naman ako mahirapang makita ang pagsasakatuparan ng propesiya." Pagpapatuloy nito.

"Tinitipon? Ano'ng ibig mong sabihin? Nasan si Jelan?!" bulalas niya. Pilit pa ring hindi pinapansin ang takot na kumakabog sa dibdib nya ngayon.

"Hindi ko alam kung nasaan ang Exist na pinakamamahal mo. Hindi namin sya nakuha ng lumabas siya ng Origin. Marami na akong malalakas na alagad na nag-aabang sa inyong lagusan. Hindi namin magagawang pumasok sa mundo ng mga Exist pero kaya namin silang tambangan paglabas nila sa kanilang mundo. Iyon ang dahilan kung bakit kayo narito. Sa kasamaang palad ay hindi namin nakuha si Jelan Areus. Marahil ay patay na siya!" paglalahad nito. Mas lalo lang siyang natakot at namuhi rito.

"Hindi!!! Hindi totoo yan! Hindi pa patay si Jelan! Buhay siya!" she can't control her emotion. Lalo pa't nabanggit nito ang lalaking pinakamamahal. Hindi maaaring ganun-ganon nalang ang buhay ni Jelan. May isang buong taon pa silang dapat na pagsamahan. Isang buong taon upang bumuo ng mga alaalang habang buhay niyang dadalhin.

"Pssshhh!" nilagay nito ang kanang hintuturo sa mga labi. Para talaga itong demonyo. "Hindi pa ako tapos magsalita. Ang ibig ko namang sabihin sa tinitipon kayo ay malalaman mo lang kapag umalis na kayo rito sa aking tahanan." Saka siya nito tinalikuran ngunit bago iyon ay isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito.

"Hayop ka! Wala kang kasing sama Euclid!!!" mainit na mga luha ang sumunod na tumulo sa kanyang mga mata. Tumahimik ang paligid. Naisip niyang wala syang oras na dapat aksayahin. Muli niyang hinarap ang nakahandusay na sina Eva at Joven.

"Eva! Joven! Gumising kayo! Kailangan nating makaalis sa lugar na ito!" muli niyang pinagyuyugyog ang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay tuluyang nagising ang mga ito.

"Ta-tasya?" garalgal pa ang boses ni Eva ng magising. Si Joven naman ay iginala ang mga mata sa paligid.

Hinawakan niya ang babaeng Exist ng mahigpit sa mga braso nito. "Ako nga Eva. Tara na at kailangan nating umalis sa lugar na ito."

"Ha? Nasan ba tayo? Masaya akong nagising ka na." Saka nito binalingan si Joven. "Ayos ka na rin Joven. Nasan si Jelan? Siya ang nagdala sayo rito sa mundo ng mga tao." Tanong ni Eva kay Joven.

"Wala na tayong panahon para magkwentuhan. Gusto ko ring mahanap si Jelan ngunit nasa panganib tayo hangga't nandito tayo!" bulalas niya.

"Nasaan ba tayo?" tanong ni Joven.

"Nandito tayo sa tinutuluyan ni Euclid!" pagbubunyag niya. Kitang-kita nya ang pamumutla ng dalawa. Walang salita ang namutawi sa labi ng bawat isa. Nagpalitan sila ng mga titig at malalalim na buntong hininga. Ilang sandali pa ay isa-isa silang tumayo at saka kumaripas ng takbo.

Pagdating sa labas ay mas nakita niya ang takot sa mukha nila Eva at Joven. Tila nakarating na nga sila sa lugar na ito.

"Dito naganap... ang gabing iyon..." nanginginig ang boses ni Eva.

"Ito ang bahay na pinagtaguan nila kay Miah." Sambit naman ni Joven.

"Ano?" natanong ni Tasya sa narinig na reaksyon ng dalawa. Nagtig-isa ang dalawa sa paghawak sa kanyang mga kamay saka sila dali-daling umalis sa lugar na iyon. Nanghihina pa si Eva kaya hindi nito magamit ang kapangyarihan ng teleport. Si Joven naman ay hindi pa rin tuluyang nagbabalik ang lakas. Tumakbo sila sa abot ng kanilang makakaya. Lumalalim ang gabi.

"Ha-ha!" huminto sila upang bumawi ng paghinga. "Gabi na. Kailangan nating makahanap ng pansamantalang matutuluyan." Suhestyon ni Tasya.

"Walang tao sa paligid. Walang ibang bahay. Hindi naman tayo pwedeng bumalik sa dati nating tinuluyan noong nandito pa tayo. Alam na iyon ni Euclid." Si Eva.

"Kailangan niyo ba ng matutuluyan?" isang lalaking matipuno ang gumulat sa kanila. Nanggaling ito sa likod ng isang malaking puno. May hawak itong sulo na nagsisilbing tanglaw nito.

"Huwag kang lalapit!" banta ni Joven sa lalaki. Pumorma itong susuntok anumang oras.

"Hindi po ako masamang tao. May inutos lang sa akin ang aming kapitan kaya ako napadpad sa bahaging ito ng kagubatan. Mabait at malakas ang aming bagong kapitan. Siguradong patutuluyin niya kayo sa aming baryo. Maaari kayong sumama sa akin. Mapanganib na dito. Nagkalat ang mga bampira." Pagbubunyag ng lalaki.

Nagkatinginan sila. Hudyat iyon upang sumama sila rito. Ang lalaki ay nagngangalang Ramon. Hindi man nila ito pagkatiwalaan ay kinakailangan nila ng matutuluyan upang palipasin ang panganib na hatid ng gabi. Tao laman ito ay Exist pa rin si Eva samantalang bampira naman si Joven. Mas may laban pa rin sila.

Isang baryo sa ibaba ng kagubatan ang lugar na kanilang tinungo. Gawa sa kahoy at sawali ang mga kabahayan. Dahil sa dala ng lalaking sulo ay nakita nila ang labis na pagkakakandado ng bawat bahay. Nagkapit-kapit silang tatlo habang sinusundan ang lalaki.

Isang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy ang kanilang kinahantungan.

"Kapitan?!" kumatok si Ramon sa pinto ng bahay. "Kapitan si Ramon po ito. May mga naliligaw po na mga tao dito malapit sa ating baryo. Nais ko po sana silang patuluyin sa inyo upang malayo sila sa panganib."

"Sandali lamang!" isang tinig ng lalaki ang narinig nilang nagsalita mula sa loob ng bahay. Narinig din nila ang yabag ng paa pababa sa isang tila kahoy na hagdan. Ilang sandali pa ay tuluyang bumukas ang pinto. Isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa kanila. Tulad nila Jelan at Eva ay kakaiba rin ang kulay ng mga mata nito. Tila umiilaw iyon kahit na madilim na ang gabi.

"Jo-jorizce?" sambit ni Eva.

Continue Reading

You'll Also Like

32.5K 1.3K 48
Namatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio
3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
648 84 13
Storya ni Mark Castro kung saan biktima ng pambu-bully at nang pang aabuso. Ano kaya ang kayang Gawin ni Mark upang protektahan ang sarili sa magpa a...
11.4M 571K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...