Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

2.2K 39 2
By zxantlyx


Chapter 23

Are You Okay?

TAHIMIK lamang akong nakatitig sa lalaking mapayapang natutulog sa aking kusina. Ang kanyang isang kamay ay nakababa sa gilid habang ang isa naman ay nakadantay sa kitchen counter. Nakasalampak ang ulo habang marahang nakapikit ang mga mata.

Nang iikot ko ang aking paningin sa aking kapaligiran ay kita ko kung gaano kagulo ang aking condo. Turns out, nagwala pa ito at nagsisira ng gamit sa aking condo.

Nakabukas pa rin ang pintuan ng aking condo na agad ko namang sinarado. Sinimulan ko na ang paglilinis ng aking condo. Pinulot ang mga nabasag na gamit, sinusubukang hindi masugatan kahit nanlalabo na ang aking paningin.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naninikip na lamang ang aking dibdib tuwing iniisip ang dapat kong gawin.

Napatitig na lamang ako sa aking kamay na unti-unti nang naglalabas ng dugo. Naka-squat ako sa sahig habang nakatingin sa malabong imahe sa aking harapan. Nalaman ko lamang na nagdudugo na ang aking daliri dahil naaninag ko ang kulay pulang dugo. My vision was so blurry.

Kahit na nasugatan ay para bang sobrang manhid na ng aking katawan at hindi ko manlang naramdaman ang hapdi noon.

Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi habang patuloy ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha ay ang pagpatak ng dugo mula sa aking kamay sa sahig.

Napaigtad na lamang ako nang biglaang makaramdam ng kamay sa aking balikat. Agad akong napatingin doon at nakita ang mapupungay na mata ni Jake na nakatingin sa akin, halatang kagigising lamang. Nakakunot ang noo at salubong ang kilay.

"Jade, bakit ka may sugat?" punong-puno ng pag-aalala ang kanyang boses.

Nag-squat din ito sa aking tabi at inabot ang aking sugatan na kamay. Nagpalinga-linga muna ito sa gilid, naghahanap ng panyo para ipangpunas doon.

Tulo pa rin nang tulo ang dugo sa aking daliri. Idinampi niya iyon sa aking sugat at mariing pinisil para pigilan ang pagdudugo.

"Aayusin ko ang lahat..." bulong ko sa kanya, hindi siya tinatapunan ng tingin. Pinawi ko ang luha sa aking mata gamit ang isa kong kamay. "I'll fix everything, Jake..." dagdag ko.

Tumayo ako mula sa sahig at kinuha ang walis. Hinayaan ako ni Jake na lumayo at agad din naman niyang binitiwan ang aking kamay. Nahulog ang panyo na may patak ng aking dugo sa sahig. Winalis ko ang natitirang bubog.

Tahimik lamang ang lalaking kasama ko na pinapanood ako. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang ang kanyang presensya sa aking likuran hangga't sa ipalibot niya ang kanyang braso sa aking katawan.

"Mahal na mahal kita, Jade," rinig kong bulong nito at hinalikan pa ako sa pisngi.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at tumango. Gusto ko na lamang magpahinga.

Pagkatapos maglinis ay tuluyan na akong pumasok ng aking kuwarto at sinaraduhan ito ng pintuan. Isinandal ko ang aking likuran sa pintuan habang tahimik na nakatitig sa kawalan. Nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mata.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas at sarado ng pintuan sa labas. Nakahinga ako nang maluwag at napadausdos na lamang pababa hanggang sa makaupo ako sa sahig.

Itinaas ko ang aking mga tuhod at niyakap iyon gamit ang aking mga braso. Isinandal ko ang aking noo sa taas ng tuhod at doon umiyak.

Ngunit kahit anong gawin kong iyak ay para bang hindi nabawasan ang bigat sa aking dibdib. Mas lalo lamang iyong sumikip. Na para bang pinagkakaitan na ako ng hangin na malalanghap.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I just cried there, all night long. Silently pouring all of my heart's content.

Kinabukasan ay nakakuha ako ng text na galing kina Nica at Maia. Nag-aaya ang dalawa na magkita-kita raw kami.

Katulad ng nakagawian ay sa bar kami magpupunta. Sila ang naghanap ng lugar at hindi na ako nagtaka pa nang sabihin nilang sa bar ni Hugh.

Hapon palang ay nagsisimula na akong mag-ayos ng aking sarili. Nagsuot ako ng skinny jeans at itim na sleeveless top. Pinusod ko ang aking buhok gamit ang isang kulay gintong hair clamp.

Hindi ako gaanong nagtagal sa pamimili ng damit, pero masyado naman akong nagtagal sa harapan ng aking salamin. Halatang-halata pa rin ang kaunting pamamaga ng paligid ng aking mata dahil sa sobrang kakaiyak kagabi. Pilit kong pinapakalma ang pamamaga nito gamit ang twalya na may yelo.

Tinabunan ko rin ito ng makapal-kapal na concealer. Naglagay na rin ang ako ng eyeshadow para hindi gaanong mahalata. Naglagay na rin ako ng makeup sa aking buong mukha hanggang leeg.

Nang dumating ang alas-sais ay handa na akong pumunta sa bar ni Hugh. Dinala ko ang aking kotse at nagmaneho papunta doon.

Nang makarating doon ay hindi ko pa nakikita ang dalawa kong kaibigan sa loob. Siguro ay masyado pa akong napaaga.

Naglakad muna ako papunta sa counter ng bar at umupo sa isang bar stool. Nagulat pa ako nang bigla na lamang may tumawag sa aking pangalan.

"Ma'am Jade! Hanap niyo po ba si Sir Hugo?" tanong ng lalaking bartender. Pinaningkitan ko ito ng mata at naalala na siya ang napagtanungan kong bartender noong huli. Kung tama ang aking pagkakaalala, ang pangalan niya ay Josh.

Tumawa ako nang mahina sabay iling. "Hindi. Hindi ko hanap ang boss mo ngayon," sagot ko.

Malawak pa rin ang ngiti nitong nakatingin sa akin. "Talaga po ba? Nandito po siya sa baba at tumutulong sa amin! Nasa kabilang bahagi nga lang po siya ng bar," saad nito.

Malaking bilog kasi ang counter sa bar ni Hugh. Kung ang madalas kong napupuntahan ay isang pahabang counter ang bar ay hindi ganoon ang bar ni Hugh.

Ikiniling ko nang kaunti ang aking ulo sa gilid, gustong silipin ang kabilang bahagi ng bar. Agad itong napansin ng bartender na aking kaharap.

"Hanap niyo siya, Ma'am, e! Tawagin ko na po! Mabait naman po 'yong si Sir, hindi magagalit lalo na't kung kayo naman po ang naghihintay sa kanya," pang-aasar pa nito at pinagtaasaan pa ako ng kilay.

Binigyan ko ito nang maliit na ngiti at inayos ang aking upo. Tumikhim ako at muling umiling.

"Hindi talaga," mahina kong sagot. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin ngayon. Kinakabahan at natatakot ako na mag-usap kami.

"Ma'am, galing-galingan niyo naman po ang pagtatago. Tawagin ko na po ba?" mas lalo pa nitong pang-aasar.

Muli akong umiling dito. "Alam mo, pa-order na lang ako. Sarapan mo, ha!" mapagbiro kong sabi dito, pilit na iniiba ang pinag-uusapan namin.

Ilang minuto lamang ay dumating na rin ang dalawa ko pang kaibigan. Lumipat kami sa isang maliit na couch kung saan mas madali kaming makakapag-usap.

Tahimik lamang akong nakatingin sa aking kandungan habang nakikinig sa kanilang usapan. Nag-uusap sila tungkol sa trabaho.

Agad napansin ng dalawa kong kaibigan ang aking pagiging tahimik. Sabi na nga ba at hindi ako makakatakas sa kanilang dalawa.

"Are you okay, Jade?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nica. Nilapitan pa ako nito at hinagod ang aking likuran. "How about you? Is there something you would like to share?" dagdag pa niya.

Tumawa ako nang mahina at saka tumango. "Okay lang ako!" sagot ko.

"You want to take a shot? Don't worry, I will willingly drive you home," singit naman ni Maia at saka inilahad sa aking harapan ang isang shot ng alak.

Kinuha ko iyon at ininom. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang init na binigay ng alak sa aking lalamunan. Binigyan niya ako ng lemon at pinakagat sa akin.

"Hindi ako maglalasing ngayon! Magbabagong buhay na 'ko," pagbibiro ko.

Ngayon lang ulit ako uminom. Juice lamang ang aking inorder kanina sa bartender at nakaka-isang shot palang ako na binigay ni Maia.

"Hmm... Gusto kong i-share? Nagkabalikan na kami ni Jake. Kagabi lang," sabi ko.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata ng dalawa kong kaibigan. Bahagya pang nakaawang ang mga labi ni Maia. "Jade! Anong nangyari sa pag-momove on?!" matinis ang boses na tanong sa akin ni Maia.

Tumawa ako nang mahina at saka nagkibit-balikat. "Wala eh. Mahal ko," maiksi at nahihiya kong sagot.

"Jade, it was crystal clear that you didn't want to get back with him. Remember? He's an asshole," pagpaalala sa akin ni Nica. Kahit na gulat ito sa aking sinabi ay nanatili pa rin siyang kalmado.

"Nagbago na siya, Nica. Kita ko ang pagbabago niya," mariin kong sagot.

Nang masiguro nilang ayos lang ako ay bumalik na ulit sila sa pagkukuwentuhan. Habang ako ay tahimik na iniikot ang tingin sa buong paligid.

May hinahanap-hanap ang aking mata na tila ba gustong-gusto nitong makita ang mukha ng isang tao. Palihim akong tumingin sa gawi ng bar counter, kung saan ako nakaupo kanina.

Busy na ang kausap kong bartender kanina. Nag-aalog ito ng inumin para sa bagong customer.

Bumagsak ang aking balikat nang hindi makita ang taong hinahanap-hanap ko. Tatanggalin ko na sana ang aking tingin mula doon nang bigla ko ulit ibalik ang aking mata sa direksyon nila.

Ang kaninang kausap na babaeng customer ng bartender ay may katabi nang lalaki. Kahit ang lalaki ay nakatalikod mula sa aking direksyon ay sobrang pamilyar ng kanyang tindig, na sa isang tingin pa lamang ay kilala ko na agad ito.

Malapad na balikat, nakaayos ang kulay silver na buhok, at pamilyar na estilo ng pananamit.

Nakita ko ang pag-angat ng kamay ng katabi nitong babae at inilapat sa braso ni Hugh. Mapang-akit ang tingin ng babae dito.

Tumingin si Hugh sa babae at binigyan ito ng maliit na ngiti. Marahan niya tinanggal ang pagkakahawak ng babae sa kanyang braso at inilagay sa gilid nito. He was still trying to be gentle and respectful.

Hindi pa nagpatinag ang babae at muling humawak kay Hugh. Pero ngayon ay imbis na sa braso nito ay sa dibdib niya na ito nakahawak.

Hindi ako mapakaling gumalaw sa aking kinauupuan at tumikhim dahil sa nakikita. Inulit ni Hugh ang kanyang ginawa kanina at ibinaba ulit ang kamay ng babae.

Bago pa makagawa ng kahit anong paghawak ang babae ay agad nang nagpaalam si Hugh sa kausap na bartender at naglakad palayo.

Nahigit ko ang aking hininga nang ibaling niya ang kanyang tingin at saktong dumapo sa aking direksyon. Muntikan pang magtagpo ang aming mga mata ngunit agad akong umiwas at itinago ang aking sarili.

Pinadausdos ko ang aking katawan pababa sa couch, humihiling sa lahat ng diyos at dyosa na hindi niya ako nakita.

Kita ko ang pagtataka sa tingin ng dalawa kong kaibigan sa aking ginawa. Salubong ang mga kilay na tumingin silang dalawa sa gawi kung saan ako nakatingin kanina.

Nanlaki ang aking mga mata nang iangat ni Maia ang kanyang kamay at kumaway sa gawi ni Hugh.

"Hugh!" tawag nito sa kanyang kaibigan.

Napapikit na lamang ako nang mariin sa ginawa nito. Huminga ako nang malalim at inayos ang aking upo bago pa niya ako maabutan sa ganoong lagay.

Ilang segundo lamang ay nakita ko na ang lalaki na palapit sa aming gilid. Malawak ang mga ngiti niya kaming binati. Inalok pa niya kami ng inumin ngunit umayaw lamang ang dalawa.

Nang matapos batiin ang dalawa ay lumipat naman ang kanyang tingin sa aking gawi. Umiiwas pa rin ako ng tingin dito.

"Hey, Jade?" tawag nito sa aking pangalan.

Para bang awtomatikong nag-react ang aking katawan sa tawag niya sa akin. Napatingin ako sa kanya kasabay ng malakas na kabog ng aking puso. Nginitian ko ito at tumango.

"H-Hello," bati ko sa kanya.

Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay at napatingin na lang kay Maia nang biglaan itong magsalita. "She's literally being weird, Hugh. What the fuck happened to you, Jade?" takang-taka na tanong sa akin ni Maia.

Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya ito kay Hugh. Punyeta naman, Maia! Ang pasmado ng bibig!

"Hmm... What happened?" mahina namang singit ni Nica.

"Did you two fight? Come on, just make up already," simpleng sagot ni Maia.

Agad namang umiling si Hugh. "No. We were good the last time we saw each other. We were even very close," makahulugang sagot ni Hugh.

"Hindi naman pala, Jade! Why are you acting weird?" ani Maia. "Oh... Is it because of that?" makahulugang tanong sa akin ni Maia at pinagtaasan pa ako ng kilay.

Sobrang nagtitimpi na ako na hindi takpan ang bibig ni Maia. Masyado na siyang maraming nasasabi!

"Because of what?" naguguluhang tanong ni Hugh.

Napatingin ako sa kanyang gawi at bumungad sa akin ang litong-lito nitong ekspresyon sa mukha. Para bang pinipiga ang aking puso sa nakikitang wala itong kaalam-alam.

"W-Wala nga kasi!" sagot ko.

Nang isagot ko iyon sa kanila ay tinigilan na rin ako. Umalis na rin si Hugh dahil bumalik na ito sa pagtulong sa mga kasamahan niya.

Katulad nga ng sinabi ko, hindi ako nagpakalasing. Parang mas nalasing pa ata si Maia kaysa sa amin ni Nica. Halos siya kasi ang umubos ng alak na inorder niya. Kulang nalang siguro ay ma-alcohol poisoning ang babaeng 'yon dahil sa sobrang taas ng tolerance niya sa alak.

Buti na lamang at hindi rin nalasing si Nica. Iisa lamang pala ang ginamit nilang kotse dahil nasira na naman daw ang kotse ni Nica. Lagi nalang 'yon nasa pagawaan.

Mag-isa tuloy akong lumabas ng bar. My hands were placed inside the pockets of my pants while walking to my car.

Nang makalapit ako doon ay agad ko iyong pinatunog at napatigil na lamang nang makarinig ng boses na tumawag sa akin. Napalingon ako doon at bumungad sa akin ang lalaking tumatakbo papunta sa aking gawi.

Agad akong napaiwas ng tingin at napatingin sa aking paanan. "Are you okay?" bungad niya sa akin. Hinahabol niya ang kanyang hininga nang makatigil sa aking harapan.

Tumawa ako nang mahina at ngumiti sa kanya. "Oo naman! Ba't naman ako hindi magiging okay?" sagot ko rito.

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay kasabay ng paniningkit ng kanyang mata. Napalunok na lamang ako nang nanatili itong nakatitig sa akin.

"Do we have a problem? Why are you being distant?" gulong-gulo nitong tanong.

Ang maamo niyang mata ay punong-puno ng pagsusumamo, gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Ha? Hindi ako umiiwas."

Mas lalo lamang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Para bang namalik mata ako at nakita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang lalamunan kasabay ng paghugot niya ng malalim na hininga.

"You didn't look for me?" mahina ang boses nitong tanong. "You really won't look for me?"

"H-Hindi nga ako umiiwas."

Nabigla at napatalon na lamang ako sa aking kinatatayuan nang bigla nitong iangat ang kanyang kamay. Napatigil pa ito nang sandali nang mapansin ang aking pagkagulat ngunit agad din niyang tinuloy ang paglapit ng kanyang kamay sa akin.

Mas lalo lamang nanlaki ang aking mga mata nang makitang unti-unti nang tinuturo ng kanyang kamay ang aking leeg. Nang makita niya nang mabuti kung ano iyon ay agad napuno ng pag-aalala ang kanyang mata.

Agad kong inagat ang aking kamay at tinakip sa aking leeg.

"Jade, are you really okay?" ulit nitong tanong sa akin.

Mas lalo lamang akong napaiwas ng tingin sa sobrang kaba. Nanunuyo na ang aking lalamunan, hindi alam kung anong idadahilan sa kanya.

"H-Hindi kasi ano... Naglolokohan kami nung bata sa katabi kong condo! Sabi ko kasi ako yung monster, tapos iyon," pagpapalusot ko.

"Jade, you know that there's no children living in the condo next to you," saad nito.

Mas lalo lamang kumunot ang aking noo doon. Paano niya nalaman? Bakit alam niya 'yon?

"Y-yung pinsan k—"

"Was it Jake?" tanong nito, pinuputol ang aking sasabihin.

Napatigil ako sa sinabi nito. Lumakas ang kabog ng aking puso sa kaba.

"H-Ha?" nauutal kong sagot.

Rinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Mas lalo lamang nanuyo ang aking lalamunan.

Ilang segundo pa akong nakaiwas ng tingin dito at nakatingin lamang sa aming paanan nang makita kong mawala sa aking paningin ang kanyang sapatos.

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nakita itong naglalakad palayo sa akin.

Naramdaman ko na lamang na para bang pinipiga ang aking puso habang pinapanood ito na muling pumasok sa loob ng kanyang bar.

May parte sa akin na gustong magpaliwanag sa kanya, pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang makita siyang masaktan.

Bagsak ang balikat akong pumasok sa loob ng aking kotse. Humawak ako sa manibela at isinandal ang aking noo doon.

Naglabas na lamang ako ng malalim na buntong-hininga. Ilang minuto pa akong nanatiling nakatungo doon habang nakapikit ang mga mata. Nang mapagdesisyunan kong umalis na ay unang bumungad sa akin ang itim na kotse. Pinaningkitan ko ito ng mata at nakitang 'yon ang kotse na nakita ko sa bahay ni Hugh.

Napakunot ang aking noo nang makita itong pinaharurot ang kanyang kotse papunta sa kabilang direksyon.

Hindi naman doon ang daan ng bahay niya, ah? Hindi rin siya umaalis ng ganito kaaga kapag tumutulong sa mga empleyado niya. Minsan nga ay inaabot na ito ng hating-gabi sa kakatulong.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang maisip kung saan ito pwedeng pumunta. Binalot ng kaba ang aking buong sistema at agad sinimulan ang makina ng aking kotse.

"Fuck, no..."

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

38.6K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...
58K 2.1K 52
Zion and Sam both took Computer Engineering course; Sam took this course to show rebel to her family. Zion followed her. Zion loves Sam more than an...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
75.3K 2.6K 38
Trust Issues. Iyan ang problema ko kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Nakita ko kung paano nasaktan si Mama at ang nagiisa kong kaibigan...