HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 17

271 1 0
By arisxixey

Chapter 17

Pagbaba ko sa taxi sa harap ng malaking gate ng mga Vasco, agad akong nagbayad at isinukbit ang bag na puno ng damit ng mga bata.

Inayos ko din ang buhok at damit ko. Kinakabahan nga ako kasi baka mapansin nila ang pamumugto ng mga mata mo.

Nag-door bell ako at ilang segundo lang, tanaw ko na si Levis na tumatakbo patungo dito sa may gate at binuksan.

"Good evening, Levis," bati ko.

"Good evening, Maya. Come, they are waiting."

Huh? Bakit naman maghihintay? Ano ba kasing nangyayari.

"Mama!" sigaw ni Caly ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa main door.

Nagtakbuhan kaagad ang apat at sinalubong ako ng yakap.

"Hello, kamusta dito?"

"Ikaw Mama, kamusta ka? Hindi mo sinagot tawag ko, nag-alala kami. Hindi din kami makapasok sa bahay dahil wala sa'kin ang bag ko eh nandoon susi ko, dinala mo pala." Napatango ako at napatawa na lang nang halik halikan nila ako at niyayakap ng mahigpit.

"Para naman tayong hindi nagkita kanina," natatawa kong saad.

Nang satisfied na sila sa pagkamiss sa akin, napadako ang tingin ko sa mga nakaupo sa sofa.

Nandoon si Ma'am Fasaia at Achie. Nakaupo si Ma'am, nakatayo si Achie.

Agad kong naalala ang mga salitang binitawan ko kaya ay iniwas ko ang tingin ko at pilit na ngumingiti habang papalapit sa nakaupo na si Ma'am Fasaia.

"Natutulog ka lang pala sa bahay niyo? Kulang na lang eh magtawag ng pulis itong si Ach---"

"Mom," putol nito na agad nagpalipat ng tingin ko sa kaniya.

Ibinababa ko ang bag na may laman ng mga damit ng mga bata sa sofa at humingi ng tawad .

"Pasensiya na ho, may nangyari lang kasi tapos napagod ako kaya nakatulog. By the way, ito po ang mga damit nila. Saktong pang isang linggo ang mga damit na 'to---"

"Wait Ma, ano 'to? Akala ko ngayon lang kami matutulog dito? Saan ka pupunta? Sinong makakasama mo sa bahay? Paano kung babangutin ka---"

"Rehan.."

"Ma hindi, naalala mo iyong last time? Kung hindi ko pa nabuksan ang nakalock mong pinto gamit ang hairpin ni Caly baka ano ng nangyari sa'yo. Ma, ayoko. Kahit sila Caly, Mark at Briel na muna dito, sasamahan kita doon sa bahay. 'Wag makulit."

Kita mo 'tong batang 'to, parang siya iyong tatay.

"Fine... Ang tanong, papayag ang tatlo?" Agad naming nilingon ang naglalaro na mga bata at tinanong.

"Opo, Mama! Tabi po kami kay Lola," nakangiti at excited nitong saad.

"Then that settled everything. Those three kiddos will stay with me for the whole week. Thank you Maya." Tinanguan ko siya at inakyat na ang kwarto kung saan sila matutulog—sa master's bedroom.

"Ako na," Achie interfere.

"Okay lang, kaya ko."

"Maya---"

"Edi bitbitin mo." Agad niyang dinampot ang bag at napatingin ako kay Rehan na masama ang tingin kay Achie.

Hinaplos ko ang nangungunot niyang noo gamit ang aking hinlalaki at nginitian. 

Nauna siyang umakyat at nakasunod ako sa kaniya.

Nang marating namin ang kuwarto at nasirado, agad niya akong naitulak sa pinto ngunit hindi naman kalakasan at walang sabing hinalikan ang labi ko na parang uhaw na uhaw.

Sino ba naman ako para hindi tumanggi?

Kidding.

Pilit ko siyang pinapalayo sa akin ngunit mas malakas siya. Itinaas niya ang dalawang kamay ko sa uluhan para hindi ako makahawak sa kaniya.

"Fuck! Don't you dare do that again."

Hindi pa ako nakakasagot pero hinalikan niya ulit ako!

May balak ba akong patayin nito ha.

Hindi ako nakakahinga ano baaa.

"A-Achie—hmm..." Hindi ko napigilang kumawala sa labi ko.

Ramdam ko ang pagngisi niya. Ang isang kamay niyang nakahawak sa dalawa kong kamay at ang isa ay sa aking beywang.

Tangina ganito pala ang halik.

Dahan dahan, pinakawalan niya ang dalawang kamay ko at ipinatong sa braso niya. Ang halik niya'y banayad at tila nilalasap ang bawat paglalapat ng aming labi.

Kusang pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya para mas diininan siya sa akin habang hinahaplos niya ang likod ko habang nakayakap sa akin.

Kasalanan ang ginagawa namin pero napakasarap ng kasalanang ito. Parang ayoko na matapos.

Hinawakan niya ang mukha ko at naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

Magkadikit ang mga noo namin at parehas na habol ang hininga.

Sa tingin ko ay namumula ang labi ko dahil kinakagat niya iyon.

Parang tanga. Kung gusto niya ng kakagatin, may chicken joy naman. Labi ko pa kakagatin. Paano kapag nagkasugat??????

"Your lips, they're red."

Doon na ako nabuhayan sa kahibangan. Natulak ko siya ay napatakip sa labi ko.

What did I do?!

"Maya..."

"D-Don't. Don't come near me. Nahihibang ka na ba ha?! Ang fiancee mo, Achie! Ikakasal ka na! Mali itong ginagawa natin. Maling mali, " saad ko habang umiiling at napadaosdos sa likod ng pintuan.

"A-Ayoko maging kabit. Ayoko, Achie," bulong ko at hindi ko alam kung narinig niya.

"Maya, hindi. Hindi ka kabit, ikaw ang nangunguna dito oh. Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sa'yo kanina. Nababaliw ako Maya, mababaliw ako. Sa isipin pa lang na mapunta ka sa iba, parang wasak na wasak na ako. Maya, hindi ako ganito kay Vix dati. Maya ibang iba ang takot na nararamdaman ko kapag ikaw ang pinag-uusapan. Kaya patawad at nasigawan kita kanina. Hindi ko sinasadya." Nakuluhod na din ito sa harap ko at mahinang hinahaplos ang nanginginig kong kamay.

Hindi ka kabit Maya, hinding hindi ka magiging kauri ng Papa mo. Hinding hindi.

"Maya, look at me." Tiningnan ko siya sa mga mata. May takot ang kaniyang ang mga mata. Tila lahat ng sasabihin ko ay may epekto sa kaniya kahit gaano pa ito kaliit.

"Maya, kapag napalaya ko na ang sarili ko sa kaniya, pangako ikaw ang una kong tatawagan. Ikaw ang una kong hahanapin. Maliligawan na kita, magagawa ko na ang matagal ko ng gustong gawin, mapapakita ko na kung gaano ka kaimportante sa akin. Hindi nakisama ang panahon noon kaya nahuli ang lahat, ngunit nandito ka na. May rason na akong palayain ang sarili ko kahit na anong mangyayari. At ikaw ang ihaharap ko sa altar, Hindi si Vix at lalong hindi ibang babae."

Walang salita ang makaka-describe sa nararamdaman mo ngayon.

Kung ang lalaking kaharap ko ay nagsasabi ng totoo, maghihintay ako basta siya ang mahahanap ko sa dulo.

Kaya ay ako na mismo ang humila sa kaniya para pagsaluhan ang isang banayad at puno ng emosyon na halik. 



MAGANDA ang umaga ko kahit na mag-isa lang ako sa kuwarto nang magising ako.  Katabi ko matulog si Rehan kagabi dahil takot siyang bangungutin ako.

This past few weeks kasi, lagi kong napapanaginipan iyong papa ko na naghanap ng iba pang pamilya na para bang hindi niya naramdaman sa amin whichis masakit sa part ko kasi buong buhay ko, hindi ko na nakausap Papa ko. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil noong huling pakikipag-usap ko sa kaniya ay noong nag-away sila ni Mama at pinalayas na siya.

Hindi niya man lang ako matingnan sa huling pagkakataon. Hindi nila naisip ano mararamdaman ng mga anak nila sa ginagawa nila. Puro mga sarili lang nila ang iniisip nila.

Nang makatingin ako sa orasan ko na relo, napagtanto kong alas otso na kaya panigurado nasa  eskwelahan na ang mga bata. Matapos kong maghilamos at mag toothbrush sa cr ng kwarto ko dati, lumabas na ako at dahan-dahang naglakad patungo sa may main door para magtanong kung talagang nagpunta na sa school ang mga bata.

"Good morning, may I ask if my kids went to school?"

"Yes, Ma'am. Mrs Vasco and Sir Achie accompany them. You may go to the kitchen hall to eat since all us were done." Tumango na lamang ako.

Sa tingin ko ay sina Levis at Xaven ang nagmaneho ng sasakyan dahil hindi ko sila nakita eh at ibang guwardya ang nagbabantay sa main door.

Nang makarating ako sa kusina, gulat ako nang may nakahanda na napagkadain doon. Sakto lang naman iyon sa akin sa tingin ko nga ay madami na para sa isang tao. 

Naglinga-linga ako ngunit walang tao kaya habang kumakain ako, muling pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi.

Matapos kasi noon muli niya akong hinalikan na siyang buong puso kong tinugon. 

Nangako siya sa akin kaya maniniwala ako sa kaniya. Maghihintay ako kasama ang mga salitang binitawan niya kagabi. 

Muntik na nga kaming mahuli dahil ilang minuto lang matapos nun ay may kumatok, sinabi ko na lang na hindi pa ako tapos at nauna nang lumabas si Achie sa kuwarto pero nagnakaw pa ng halik na siyang ikinatawa ko. 

Mula kagabi hindi ko na sita nakita. Baka nasa  opisina na 'yon ngayon kasi anong oras na.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako na uuwi muna ako sa bahay at magbibihis para pumunta sa trabaho. Masaya ako na hinatid ako ng isang driver sa bahay kaya naman ay nagbihis agad ako at hindi na naligo dahil nakakahiya naman sa magmamaneho sa akin patungo sa trabaho.

Late pa!

"Salamat po sa paghatid!" Agad kong sinirado ang magarang sasakyan at pumasok sa building.

Nang nakaakyat ako sa office, kunot ang noo ko dahil hindi ko nakita ang gamit ni Achie. Anong oras na, bakit wala pa siya dito?

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa may tumawag sa selpon ko, si Rehan.

"Hello, 'Nak? Anong oras na, may klase kayo ngayon bakit ka tumata---"

"Are you Rehan's Mother?" tanong sa kabilang linya.

Kahit na nalilito sinagot ko ito.

"I'm sorry if we reach out to you late but your kids are in the hospital right now and currently in the ICU. They got into an accident."

Tila nawalan ng lakas ang buo kong katawan dahilan ng panglalambot ng tuhod ko at napaupo habang nasa tenga pa din ang telepono.

Kahit nanghihina, agad akong bumaba at nag-abang ng taxi na mabuti na lang at available.

"Pakidalian po. Ang mga Anak ko," garalgal ang boses kong utos.

Parang napansin iyon ng driver at mas binilisan ang pagtakbo. Laking pasalamat ko at walang traffic kaya nang makababa ako sa taxi at nakapagbayad, agad akong humakbang ako papasok.

"Pedrosa, Vasco. Pedrosa Vasco na pasyente please!" Kulang na lang ay hilahin ko sa kwelyo ang lalaking nurse.

"I'll bring you to their room, Ma'am."

Agad akong sumunod sa kaniya at parang may nahagip ang mata ko na pamilya na pigura pero mas nababahala ako para sa mga Anak ko.

Mamamatay ako kung may nangyaring masama sa kanila. Ikakamatay ko.

"Dito po, apat po silang nasa lo---" Hindi ko na pinatapos ang Nurse at binuksan ko na ang pinto.

Biglang tumigil ang puso ko sa nakita.

Benda sa mga ulo, sa braso at may kahoy sa kamay para hindi magalaw.

Kusang tumulo ang mga luha ko at tahimik na umiyak habang nakatingin sa kanilang apat. Tulog ang mga ito. Si Caly, Briel at Mark ang may tig-iisang kama habang tulog. Si Rehan ay nakaupo sa isang stool habang nakadukdok ang ulo sa kama ni Caly.

"A-ano ang nangyari," bulong ko sa sarili.

Parang ang saya saya ko lang kagabi. Isa sa pinakamasayang mga araw sa buhay ko. Ngunit bakit sa isang iglap naging ganito. Sa isang tulog lang nagkaganito na.

"Mama?" Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at pilit na ngumiti bago lumapit sa kama ni Mark.

"My baby," iyak ko at dahan dahan ang paghaplos sa noo niyang may parang sugat sugat na maliliit.

"Ano nangyari? Bakit naaksidente?" Umiling ito at pinipigilan ang luha. Agad kong inalo si Mark.

"Shh, no cry cry. Look oh, hindi umiiyak si Mama. Brave si Mama, brave din dapat ikaw." Tumango ito at pinunasan ang luha.

"Rehan," bulong ko nang bumangon ito. Tumayo ito yumakap sa akin.

"Ma, n-natakot ako. Baka hindi ko na kayo makita. A-akala ko m-mamamatay na kami... Ma," mapaluha nitong bulong sa gitna ng pagyayakapan namin.

Kailangan kong maging matatag sa ganitong panahon.

Hinaplos ko ang likod nito para hindi na umiyak at baka magising pa ang ibang mga kapatid.

At may pumasok sa isip ko.

"S-Si Achie?"


PIGIL ANG luha na tumulo habang nakatingin sa babasaging salamin mula sa labas ng kuwarto ni Achie.

Mga puting tubo, tunog ng mga makina.

"We're glad that he was brought here fast enough before his brain caused much more big problems." Napatingin ako ng ilang segundo sa doktor at balik sa walang malay na Achie.

"A concussion is a type of traumatic brain injury that occurs when your brain strikes the inside of your skull as a result of a sudden change in movement or momentum, such as during a car crash. Concussions can range in severity and often include the following symptoms: Possible temporary loss of consciousness, but to his state right now, we don't know if that's all what he have now. When he wake up before 48 hours, we can say that everything is under control. But," he paused.

"B-but?"

"But if not, we don't know. We have to transfer him to abroad for them to have a better look. Their technology is more advance than us here in the Philippines. He might have an amnesia—temporary or permanently. Depends on how much the accident caused him."

Paano kung makalimutan niya ako? Paano k-kung makahanap siya ng iba o hindi kaya'y piliin niya si Vix? Paano ako?

Nagdadasal akong nakatingin sa kaniya mula sa bintana ng kaniyang silid. Parang awa mo na, gumising ka.

Ang pangako mo Achie! Dapat mong tuparin! Nangako ka, parang awa mo na. Alalahanin mo  ako.

Sabi ng doktor ay kailangan kong bumalik sa kuwarto ng mga bata dahil dadating na daw ang Ama ni Achie. Ayoko namang makisawsaw kahit na gustong gusto ko madamay.

"Mama," saad ni Caly kaya agad ko silang niyakap ay umiyak.

"P-paano kung malala ang nangyari sa inyo. Paano ako."

"Shh, we're okay Mama. Look, we can still dance and sing," nagpapatawang ani ni Rehan.

Ginulo ko ang buhok nito at sinabihang magpahinga na muna at maiwan ko sila dahil dadalawin ko si Ma'am Fasaia.

Katabi lang na kuwarto ang kay Ma'am Fasaia. Maliban kay Achie na nasa ibang parte ng hospital dahil comatose.

Pagkakatok ko, narinig ko ang boses ni Sir Vlad para pumasok. Nang makapasok ako, hindi nila ako patingnan sa mata na siyang pinagtaka ko.

Pero ang totoo, nilalamon ako ng guilt. Trabaho ko iyon eh. Tungkulin ko bilang magulang nila na ihatid sila sa school. Baka kung ako pa ang nakaratay doon ay okay lang.

Pero ang lalaking gusto ko iyong nandoon eh. Embes na ako ang magdusa, nandoon siya at maraming tubo na nakatusok sa katawan na hindi ko maintindihan.

"Ma'am, Sir."

"I'm sorry po. I know it's my responsibility to take care of my kids but I became reckless that lead to endangering you only son. G-gusto ko po si Achie. At masakit sa kalooban na makitang wala siyang malay. Mas gugustuhin ko pang pagalitan niya ako sa trabaho kesa ang tahimik at delikado doon sa apat na sulok."

Parang hihiwalay sa dibdib ko ang puso ko sa kaba.

"Wala kang kasalanan. It was that drunkard's fault. Ang lakas ng loob niyang magmaneho kahit lasing. Kinasuhan na namin siya. Mabuti na lang at okay ang mga bata. Pasensiya at matagal kang natawagan, inasikaso pa muna nila ang mga bata at siniguradong maayos lang ang lagay nila bago ka papuntahin dito." Napatango ako at nagpasalamat.

"Ikaw, Ma'am? Kamusta ang pakiramdam mo? And ulo mo?" May benda kasi ito sa noo. Sobrang lakas siguro ng pagkaalog o pagkabangga ng sasakyan nila sa truck na 'yon.

Eh ang kwento ni Rehan ay nagkakantahan sila nang biglang may malakas na busina pero huli na ang lahat para mag-preno dahil mabilis din ang pagpapatakbo ng lasing.

Wala akong galit sa mga lasing noon dahil alam kong umiinom sila dahil sa problema na gusto nilang kalimutan o takasan pansalamatala. 

Sa sobrang lakas, nabasag ang salamin sa harap ng sasakyan dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagok ni Achie doon. Habang si Ma'am Fasaia ay sa parang may Aircon lang ng sasakyan na untog.

Pasasalamat ko na lang sa Diyos na walang masamang nangyari sa mga bata kundi talagang hindi ko malalaman ang mangyayari sa'kin.

Lumipas ang isang oras at kumakain kami sa kwarto ng mga bata nang may kumatok sa pintuan namin. Si Rehan na ang bumukas at halatang nagulat ito. Nang tingnan ko, nagulat din ako kung sino.

"Magandang araw po, Tita."

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko okay lang ako?" rinig kong saad ni Rehan.

"And do you think I'll just sit there and expect yiut to be really okay without me seeing for myself? Tumabi ka d'yan at kakamustahin ko ang mga kapatid mo." Walang nagawa si Rehan nang tuluyang pumasok ang babae na may dalang mga prutas.

"Ate!" sabay na sigaw ng tatlo nang makita ang babae.

So they know her too? Hmm.

Something fishy is going on here.

"Hi mga bebe ko." Kumaway ito sa tatlo.

Nakangiti lang ako sa babaeng nasa harap ko habang si Rehan sa may pinto ay hindi pa din umuupo ulit.

"Hi, Tita Maya. I know you don't know me po so I'll introduce myself. I am Moffet Dianne Reeves." Ka-surname ng tutor ni Rehan.

"I am the the youngest daughter of Rehan's tutor. We are... friends. Yes, we are friends." Napatango tango ako sa kaniya.

"It's nice meeting you, Moffet. Do you pronounce it Ma-fey or nah?" Tumango ito at ngumiti.

"Ikaw Rehan? Wala kang balak na umupo ulit o ako hihila ng pwet mo paupo?"

"Ma!" namumulang nitong saway sa akin at tahimik na bumalik sa upuan.

"Andito ka naman na, can you help us feeding these siblings of mine?"

"Rehan! It's your friend, okay? Nandito siya para dalawin ka...at ang mga bata." Namula ang tenga ni Rehan at binigay pa din ang isang plato na may pagkain kay Moffet na tinatawanang tinanggap ni Moffet at nagsimulang pakainin si Briel.

Ngunit ang masaya naming kulitan ay naputol nang bumukas ang pinto ng walang sabi at iniluwa doon si Sir Vlad na humahangos.

"Si Achie, gising na."



KARIPAS ang pagtakbo ko sa room ni Achie. Nang makarating kami doon, nandoon na si Ma'am Fasaia at...si Vix. 

"Dad," saad ni Achie nang makapasok si Sir Vlad kung nasaan sila Ma'am Fasaia at Vix habang ako'y nanatiling nakatanaw mula sa bintana.

Abot langit ang saya ko habang nakatingin sa kaniya na nakangiti kahit na may bendang nakaikot sa ulo nito pero ang mabuti ay wala na itong tubo sa bibig.

"I'm glad you're fine, sweetheart. I missed you." Yumakap si Vix sa kaniya at gulat ako nang ginantihan ito ni Achie na para bang miss niya din ito.

Paano kung...

Nakomperma ang hinala ko nang mapunta sa akin ang tingin niya at para bang wala lang ako. Na para bang...

Hindi niya ako kilala.

"Who is she, Mom? My personal nurse?"

Pagak akong natawa sabay ng pagtulo ng luha ko at pag-alis ko.

Potangina kailan pa ako nagmukhang Nurse?

Umiiyak akong naglakakad papunta sa harden ng hospital at doon na umiyak ng lubusan.

Hindi niya ako kilala, hindi niya ako maalala. Tangina ang sakit.

Para akong pimagsakluban ng langit at lupa sa sakit na nararamdaman ko. Kahit kailan hindi ako humiling na makaramdam ng sakit na tulad nito ngunit kusang binigay sa akin.

Bakit ba ako na naman Lord.

Paborito mo ba akong saktan.

Dalawang lalaki na ang hindi ako maalala.

Si papa at ang lalaking gusto ko.

Lahat na lang. Pagmamahal lang naman at aruga nila ang gusto ko bakit hindi ko pa makuha. Kailangan ko pa bang dumaan sa butas ng karayom bago ko makamit iyon?

Alam kong may mga Anak ako pero may kulang pa din. At sila 'yon.

Parang ang saya saya pa namin kagabi. Nagnakaw pa siya ng halik. Nangako pa siya. Tapos biglang ganito.

"Panyo, miss." Tinanggap ko kaagad ang nag-alay ng panyo kahit hindi ko alam kung sino ang nagbigay maliban sa isa itong lalaki.

"Alam mo, iiyak mo lang 'yan. Para isang bagsakan na lang... Ang unfair ng mundo no? Kung kailan mo pa ginustong maging totoo doon pa naglanda letche letche ang buhay."

Nanatili akong nakayuko habang pinupunasan ang luha gamit ang panyo niya.

"Bakit kasi gano'n. Sa dinami-dami ng tao, bakit siya pa. Bakit siya pa na mahalaga sa akin."

"Ramdam ko ang nararamdaman mo. Dahil ang babaeng pinakamamahal ko ngayon at nasa emergency room, nakikipaglaban sa kamatayan para mabuhay. Natatakot ako na mangyari ang lagi niyang sinasabi." Bulong ang huling parte ng pagsasalita niya.

"Ano ba sinasabi niya lagi?" tanong ko at inayos ang mukha na basa dahil sa luha.

"Na mamatay siya at mabigay sa akin ang mga mata niya," mahinang bulong nito.

Agad akong napalingon at muntik na malaglag sa kinauupuan nang makitang bulag nga siya.

"Habang siya nakikipaglaban para mabuhay, ako naman ay nakikipaglaban sa mga salita niyang mahiwaga. Baka bigla na lang akong magising at kita ko na ang mundo. Kung makikita ko man and mundo pero ang kapalit ay mawala siya, mas gugustuhin kong maging bulag habang buhay kesa makakita ngunit sakit at pangungulila ang haharapin."

Sa lalim ng sinabi niya at sa pag-iisip ko, hindi ko man lang nakuha ang kaniyang pangalan o hindi ko man narinig ang pagpapaalam niya.

Matapos ng ilang minutong pananatili sa harden, naisipan kong pumunta sa chapel ng hospital para magdasal.

"Alam kong nakikinig ka ngayon, gusto ko lang sana ng kasagutan kung bakit niya ako napiling kalimutan? Kung bakit niya hindi matutupad ang pangako niya? Kung bakit...k-kung bakit ako nasasaktan ng ganito? Ano bang ginawa kong mali? Nagkulang ba ako? Lord, hindi ko na nga naranasan ang mayakap ng isang Ama, hindi ko pa mayayakap ang taong gusto ko? Lord naman, ang sakit naman nun."

"Naging mabuti akong Anak, Lord. Naging mabait akong kapatid kahit na hindi nila ako gusto sa bahay. N-naging sunod-sunuran ako kay Mama. Nabuhay ako sa takot dahil sa mga barkada ni Kuya. Tinanggap ko lahat ang mga pambibintang ni Ate dati. Lord naging mabuti akong Anak! Bakit niyo naman gagawin sa'kin ang gan'to?" Pinunasan ko ang luhang tumakas.

Walang tao sa maliit na dasalan kaya nabubuksan ko ang sarili ko sa kaniya.

"Nagpasalamat ako na walang masamang nangyari sa mga Anak ko pero Lord, Lord...iyong lalaking g-gusto ko. Hindi ako maalala. Iyong t-tingin niya sa akin kanina, nakita mo 'yon? Walang kislap sa mga mata niya, Lord! W-walang pagmamahal o pagkagusto akong naramdaman nang tumingin siya sa'kin! Para akong nakatingin sa ibang tao, Lord! Lord! Sige na naman oh. Ipaalala mo ako sa kaniya. Kahit ito lang, regalo na sa kaarawan ko. Kahit i-advance mo na. Sige na naman po. Parang awa mo na. Masyadong masakit... H-hindi ko kaya."

Tahimik akong umiiyak hanggang sa may yumakap mula sa gilid ko at nang tingnan ko iyon, Si Ma'am Fasaia iyon.

Tumikhim ako at pilit na nagsalita. "M-maam." Agad kong tinuyo ang luha kasabay ng malungkot na ngiti.

"I'm sorry Ija but the least thing I can do is to let you in now in his room where he is now asleep and resting." Agad akong napatayo sa sinabi ni Ma'am.

Sunod sunod ang pagtango ko at pagpunas ng natuyong luha.

Nang tingnan ko ang natutulog na Achie, mas parang kinurot ang puso ko. Sa isiping makakausap ko lang siya kung saan tulog siya, masakit.  

"Ang daya mo naman, Achie. Kung kailan okay na tayo, naging ganito ka naman, hindi ako maalala. Hindi ba pwedeng languyin mo ang utak mo para hanapin ang isang Ako d'yan? Humalik ka pa nga kagabi 'di ba, hindi ko inamin pero gustong gusto ko 'yon. Pero paano masusundan kung wala na ako sa 'yong memorya." Agad ko namang pinunasan ang luhang nakatakas.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niya. Gano'n pa din tulad ng dati, mainit at napaksarap sa pakiramdam.

"Hindi ba sabi mo maghintay ako? Pero paano kung wala na talagang pag-asa?  Paano kung sign na 'to na hindi talaga tayo para sa isa't isa? Paano na?"

Napatingin ako kay Ma'am Fasaia na kakapasok lang. Hindi ko na tinanggal ang pagkakahawak sa kamay niya dahil sa mukha ni Ma'am parang ilalayo na niya sa akin, sa amin si Achie.

"Dadalhin namin siya sa ibang bansa. Doon namin ipagpapatuloy ang paggagamot sa kaniya. Masyadong naapektuhan ang utak niya sa impact ng banggaan dahilan para hindi niya maalala ang mga nangyari. Kasalukuyang bente ayos ang pag-iisip niya ngayon. At girlfriend niya si Vix sa bente anyos na 'yon." Nawalan na ako ng sasabihin.

Ilalayo ka na nila ng tuluyan. Mas nagiging malabo na matupad ang pangako mo sa'kin.

"Patawarin mo ako Maya at bilang Ina niya ang gusto ko'y gumaling siya. Hindi ko alam kung kailan kami makakabalik o kung makakabalik pa nga ba tutal may bahay kami doon sa bansang pupuntahan namin."

"G-gano'n po ba," nahihirapan kong tugon.

Parang wala buhay akong tumango at mas hinigpitan pa.

"Kung hindi man kayo babalik, pwede po ba makahiling?" bulong ko pero sapat na iyon para marinig niya ako.

"Ano 'yon?"

"Pwede po bang padalhan niyo ako ng litrato niya bawat buwan? Para sa paraang 'yon maramdaman kong nakatingin siya sa'kin kahit sa totoo'y sa camera lang."

Matapos ang ilang minutong pag-uusap at pagsosolo doon sa natutulog na Achie, napagpasyahan ko ng lumabas. At habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na naman ang bulto ng lalaking papasok sa emergency room at sa pagkakataong ito, naanigan ko na ang mukha niya at isa lang ang pumasok sa utak ko kung sino.

"Papa."

Continue Reading

You'll Also Like

257K 9K 67
** COMPLETED ** Transferring to Beacon Hills High from Davenford Prep, Avalon Dunbar knew life wasn't gonna be the same. But she never expected her l...
1.9K 130 25
Tagalog/English Lilian grew up knowing only one thing about her life and that is the fact that she was abandoned. As she grew older the mystery surr...
40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
3.5M 149K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...