A Second chance to Loved you...

By sleepwelluntilurest

3.3K 406 11

COMPLETE | UNEDITED | JEJE DAYS ______________ Elaine, a girl who likes her stepsister Valerie's boyfriend. W... More

DISCLAIMER
PART ONE
PART TWO
PART THREE
PART FIVE
PART SIX
PART SEVEN
PART EIGHT
PART NINE
PART TEN
PART ELEVEN
PART TWELVE
PART THIRTEEN
PART FOURTEEN
PART FIFTEEN
PART SIXTEEN
PART SEVENTEEN
PART EIGHTEEN
AUTHOR'S NOTE
PART NINETEEN
PART TWENTY
EPILOGUE
CHARACTERS REVEAL
SPECIAL PART
‼️ANNOUNCEMENT‼️

PART FOUR

154 17 0
By sleepwelluntilurest


______________

•𝗝𝗲𝗿𝗶𝗰𝗵𝗼'𝘀 𝗣𝗢𝗩•

Binigyan ko ng isang malakas na sampal si Valerie dahil sa nalaman ko. Ako, ginamit lang?

"Hindi sa ganun yun Jericho. Hindi kita basta ginamit lang. Para naman sa atin yung bahay na makukuha ko kapag namatay na si ate Elaine. Para sa ating dalawa, sa future natin!" Umiiyak na sabi ni Valerie habang hawak-hawak ang pisngi nya.

"Lintik na future na yan! Wala akong paki sa kagustuhan mo. Ginamit mo lang ako para mapasayo ang bahay ng ate mo. Baliw ka naba? Sinayang mo yung pagmamahal ko sayo. Ginamit mo lang pala ako at hindi minahal. Sana pala hindi ko na niloko pa si Elaine. Wala kang kwentang girlfriend!" Sigaw ko sa kanya.

Umalis ako ng bahay nila. Kahit malayo na ako ay rinig ko pa rin ang pagtawag ni Valerie sa pangalan ko.

"JERICHO!"

Ini-start ko na yung kotse ko. Pupuntahan ko si Elaine at ipapaliwanag ang lahat lahat sa kanya. Na plinano lang ni Valerie ang lahat. Na gaya nya, ginamit lang rin ako ng kapatid nya. Sobra akong nakokonsensya sa ginawa ko kay Elaine.

Mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko.

Nang makarating ako. Agad kong kinatok ang pinto ng bahay nya.

"Elaine! Elaine, lumabas ka dito at mag-usap tayo!" Sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

Ngunit wala pa ring Elaine na lumabas. Kaya kumatok ulit ako.

"Elaine i'm sorry. Sorry sa mga nasabi ko sayo nung gabing yun. Hindi naman talaga totoo yung mga yun. Plinano lang ni Valerie ang lahat. Ginamit nya rin ako. Elaine, mahal kita. Totoong mahal kita!"

Kinakatok ko yung pinto pero wala pa ring Elaine ang lumabas. At sa panglabing dalawang katok ko. Sa wakas at binuksan na, pero....

"Ohhh hello Jericho. Bakit ka naparito?" tanong ng kaibigan ni Elaine na si Sunday.

"Sunday, bakit ka nasa bahay ni Elaine?" Tanong ko.

"Umalis si Elaine, sa akin na muna nya pinabantay yung bahay nya habang wala sya dito." Sagot ni Sunday.

Nangunot ang noo ko. "Bakit saan ba sya nagpunta?" tanong ko ulit.

Nangamot sa ulo si Sunday bago sumagot. "Hindi mo ba alam?" tanong nya pabalik.

"Alam ang ano?" tanong ko.

Umirap pa sya bago magsalita.
"Okay okay. Umalis si Elaine ng bansa. Papunta sya ng New York ngayon para magtrabaho. At limang taon pa sya bago makabalik dito sa pinas. Kung gusto mo syang pigilan sa pag-alis nya. Gora na't sundan mo na sya at wag ka ng tumayo lang jan! Alis na, puntahan mo na sya sa Airport at baka maabutan mo pa!" Ang sabi ni Sunday.

Kaya dali-dali akong sumakay ng kotse at pinaandar ito ng mabilis.

"Sana maabutan mo si Elaine at mabago mo ang isip nya!" Pahabol na sabi ni Sunday.

Papunta ako ng Airport ngayon para abutan si Elaine at pigilang makaalis ng bansa.

Nang marating ko ang entrance ng Airport ay masugid kong hinanap si Elaine. Nakita ko syang dala dala ang isang maleta. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

Mabilis ang pagtakbo ko pero huli na 'ko. Nakasakay na sya ng eroplano. Balak ko pa sanang pumasok sa eroplano kaso hinarangan na ko ng guard.

"ELAINE! ELAINE! I'M SORRY ELAINE. PLEASE WAG KANG UMALIS, PLEASE! PAKI-USAP WAG MO KONG IWAN! ELAINE, MAHAL KITA! ELAINE, WAG MO KONG IWAN!"

Napaluhod nalang ako ng magsimulang lumipad ang eroplano. Mabilis na lumandas ang mga luha ko at pumatak sa damit ko.

Naluluha akong sumakay ng kotse at bumalik sa bahay ni Elaine.

"Naabutan mo?" bungad na tanong ni Sunday habang kumakain ng chitchirya.

Umiling ako at nagsimulang umiyak. Hinagod ni Sunday ang likod ko.

"Siguro naman, makakaya mong maghintay ng five years?" taas kilay na tanong nya.

"Para kay Elaine, oo!" Sagot ko.

"Anong nangyari at biglang nagbago ang isip mo? Matapos mong utuin at gamitin si Elaine tapos babalik ka? Ano bang nangyari? At kayo ni Valerie, bakit hinahayaan ka lang nyang pumunta dito?" sunod sunod na tanong ni Sunday.

"Mahabang kwento, kami ni Valerie. Hiwalay na. Nalaman ko kasing ginamit nya lang ako." Sagot ko.

"Wow, GINAMIT naks naman. Anong pakiramdam, masakit ba?" natatawang tanong ni Sunday.

"Oo masakit magamit lang. Alam ko na yung naramdaman ni Elaine." Seryosong sagot ko.

"Karma is real kuno! Dapat lang sayo yan no. Kung hindi mo ba naman inuto at ginamit si Elaine, sana nandito sya ngayon at kasama mo diba? At hindi mo na kailangan sanang mahintay ng limang taon para makasama sya." Sabi nya.

"Pinagsisisihan ko na yun." Sabi ko.

"Hahahaha pinagsisisihan? Patunayan mo sa kanya!"

"Paano ko nga mapapatunayan kung hindi ko sya kasama?" tanong ko.

"HAHA gamitin mo nga yung utak mo! Shempre, ipakita mo sa kanyang sincere kang nagsisisi ka na sa ginawa mong paggamit sa kanya. Kapag nagkita na kayo makalipas ang five years. At sana hintayin mo sya dahil hindi ko mapapangakong may hihintayin ka pa! Hindi ko sinasabing hindi sya babalik, babalik sya dito after five years pero yung hihintayin mo. Ibang Elaine na!" Sagot ni Sunday.

Nalungkot ako sa sinabi ni Sunday. Pero kahit ganun, matiyaga ko syang hihintayin kahit umabot pa yan ng sampung taon.

______________

•𝗘𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩•

Nakasilip ako dito sa bintana ng eroplano. Kahit papaano, nabawasan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nakalaya ako sa isang hawlang nakakandado ng ilang taon. Napaayos ako ng upo ko.

"Mam, gusto nyo po ba ng drinks? We have po!" Nakangiting sabi ng Flight Attendant.

"No, thanks nalang." Ang sabi ko.

Umalis na ang Flight Attendant. Muli akong napasilip sa bintana.

After five years, babalik ako sa bansa. Pero, ano kayang mangyayari sa akin after five years? May mga magbabago kaya o ganun pa rin mula ng iwan ko? Siguro, kailangan ko munang ituon ang atensyon ko sa bagay-bagay. Para hindi ko mamalayan ang paglipas ng taon.

Pumatak ang luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nalang ito pinansin at natulog nalang.

**********

"Miss, I'm Elaine Cañete Mendosa. I'm just staying here at the hotel." Ang sabi ko sa bantay ng hotel.

"Hello mam, this is the key to your room. Room 077 is your room number." Ang sabi nito.

Inabot nya sa kin ang susi at ngumiti. "Thank you very much!"

"Your welcome mam. Have a nice day ahead."

Masuyo kong hinanap ang room number ko at nang makita ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto.

Itinabi ko sa gilid ang bagahe ko. Inilibot ko ang paningin ko. Swak na swak at affordable ang unit.

Sumilip ako sa bintana at nakangiting sumigaw. "After five years, hindi na ko magiging marupok!"

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. "Malayo na ako sa kanila, kailangan kong magfocus sa trabaho ko dito. After five years, makakalimutan ko na sya."

Huminga ako ng malalim at masuyong ngumiti. Nilabas ko ang dala kong unan at niyakap ito. Dala ko ang unang naging karamay ko nung nasaktan ako.

Ipinangako ko na sa sarili kong pipiliin ang taong mamahalin ko. Pipiliin ko ang taong tunay na nagmamahal sa akin. Ang taong hindi ako uutuin at gagamitin. Kasi hindi naman ako uto-uto at hindi ako isang bagay para gamitin lang. Tama nang nasaktan ako for the SECOND TIME.

______________

•𝗝𝗲𝗿𝗶𝗰𝗵𝗼'𝘀 𝗣𝗢𝗩•

Two year ago.....

"Jericho, please. Let me explain... Hindi naman kita ginamit. Minahal talaga kita. I love you more than you love me. Do you love me right? So let me explain." Ang sabi ni Valerie.

Palagi nya kong kinukulit kesyo, hindi naman daw nya ko ginamit. Minahal nya daw ako. Eh ano yung instrumento?

"Pwede ba Valerie, ayoko nang makinig sa mga paexplain explain mo dyan. Oo minahal kita pero ako ba minahal mo ba? Instrumento, narinig mo na ba yung salitang REJECTION? Kapag hindi ka pa tumigil sa kakukulit mo sa akin. Irereject kita!" Ang sabi ko.

"Ako naman ang nanalo ah pero bakit dun ka pa sa talunan na si Ate Elaine? Iniwan ka na nya, pinagpalit ka nya sa pangarap nya. She doen'st deserves you! Ako, deserve ko ang lalaking tulad mo." Sabi nya.

"Hindi talunan si Elaine. Actually panalo sya kasi sya yung hinabol ni Jericho. Kaya babay ka Valerie." Natatawang singit ni Sunday.

"Mali ka Valerie. Ako ang nang iwan sa kanya. Iniwan ko ang babaeng minahal ako ng totoo. Elaine deserves a man who loves her the most. At ako yun. You dont deserve me, Valerie." Sabi ko.

"Ouch'ie, sakit nun Valerie. Padoktor ka na!" Sabat pa ni Sunday.

"Shut up, little stupid." Sabi ni Valerie.

"Anong..... Ako little stupid? T*ng ina mo!" Sabi ni Sunday.

"You're not belong, tapos satsat ka ng satsat. Tama lang na sabihing TANGA KA." Sabi ni Valerie.

"Gusto mo yata ng away Valerie? Ano sabihin mo lang, hindi kita uurungang tang ina ka!" Inis na sabi ni Sunday.

Inawat ko na si Sunday at baka magkagulo pa dito.

"Please Valerie. Leave us ALONE. Please, wag ka na sanang magpakita sa'kin." Ang sabi ko.

"I'm sorry, Jericho." Sabi ni Valerie kasabay ng pag-alis nya.

"Neknek mong loser ka. Yan sige, umalis ka na tang ina mo!"

"Shh.. tama na Sunday." Saway ko.

"Sya kasi, little stupid ba daw!"

Two years na ang nakalipas, hinihintay ko pa rin si Elaine. Nagbabakasakali lang.

"Anong balita kay Elaine?" tanong ko kay Sunday.

"Ayus lang sya. Kapag kinausap nya ulit ako, balitaan kita." Sabi ni Sunday.

Paminsan minsan, dumadalaw ako sa bahay ni Elaine na binabantayan ni Sunday. Para makasagap ng balita tungkol sa kanya. Tunay ngang mapagkakatiwalaan si Sunday, hindi nya sinasabing may koneksyon sya sa akin.

"Tawagan mo ko kapag nakausap mo na si Elaine ahh." Ang sabi ko kay Sunday.

"Yes sir!"

Umalis na ako at umuwi sa bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 776 22
"I found the love I no longer believed was real." All Jericho Sebastian ever wanted is for her sister to be happy and to be loved even if it means s...
2.4M 14.6K 7
The photo is not mine. Credit to the rightful owner of the pic. that I've used as book cover. TEMPTATION SERIES #1 Date Started : March 11, 2016 Dat...
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
559K 27.5K 44
1/3 of Lord Series "He's like a lightning. He will strike you once and it's either you'll be destructed or you will be marked. In my case, I am both...