HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 15

301 5 0
By arisxixey

Chapter 15

"At least I'm ready to be a parent. How about you?" sagot ko sa kaniya.

"Kung mag-aaway kayo, pwede na kayong lumabas sa opisina ko. Ayoko masira ang mood ko sa araw na 'to. If you two want to fight again, fight in the street, ladies." Parehas kaming natahimik ni Vix sa pagsasalita ni Achie.

"And you Maya, what time will you leave?"

"Eight thirty, Sir." Isang beses itong tumango at bumalik sa pagbaling sa mga papel na binabasa nito.

Nagsimula ang pagsasalo sa main cafeteria ng building. Nagtutgtugan at nagsisiyahan. May na close kasi na deal ang kompanya. A very big deal na international, that's why we're celebrating.

Habang naghahanap ng tyempo para magpaalam, lumapit ako kay Achie na nakatayo mag-isa sa may gilid at may hawak na inumin.

"Achie, pst...hoy Sir." Bingi ba 'to?

"Achie!" Sa wakas ay napalingon ito sa akin. Ngayon ko naisipang magpaalam kasi wala sa tabi niya si Vix.

"Aalis na'ko," I mouthed while pointing the exit.

Tumango ito at bumalik sa pag-iinok. Umagang umaga, psh.

Tahimik akong lumabas sa building at nag-abang ng taxi. Umaga pa naman pero bakit wala na masyadong nadaan na sasakyan?

Ang dalawang minuto ay naging limang minuto. Napapadyak na lang ako ng isang paa no sa inis. Eight forty na, alam ko namang hindi agad magsisimula ang meeting at sampong minuto lang ang tatakbuhin ng sasakyan papunta sa paaralan, pero kasi nakakahiya maging late doon, lalo na at bago pa lang si Rehan.

Isang busina ng sasakyan ang nagpaigtad sa akin at nang tingnan ko kung sino, lihim kong kinagat ang dila ko. Weird 'di ba.

"Sakay na, I'll bring you there. Baka ma-late ka pa."

"Paano ang celebration, Achie? Ikaw pa naman ang vida dapat kasi ikaw naka-close ng deal."

"Hindi ko naman dala ang kakainin at iinumin nila so... they'll manage." 

Tahimik lang ako sa buong byahe. Medyo natagalan pa nga ng kaunti kasi traffic. Pagkadating ko sa school nila, nakita ko si Rehan na nasa labas ng room nila.

Napatingin ako sa relo ko, alas nuwebe na. Baka nag-ooverthink na 'tong panganay ko.

Mana sa Nanay.

"Rehan!" tawag ko sa kaniya at kumaway. Napakunot naman ang noo niya nang makitang nakasunod sa akin si Achie.

Malay ko ba d'yan. Sama daw siya eh. Hindi ko naman pag-aari paa niya, tsaka matanda na siya.

"Ma," bulong nito nang nakatayo ako sa harap niya habang nakabuka ang dalawa kong braso para yayain siya sa isang yakap.

"I thought hindi ka dadating, sabi mo kasi 8:30," bulong nito habang niyayakap ako.

"Na traffic lang po. Tsaka ako pa ba? Hindi dadating? No way, high way." Sabay kaming natawa sa turan ko.

Tumuwid naman ng tayo si Rehan at napatingin sa likod ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito Sir Achie. Ikaw po ba naghatid kay Mama? Kung oo, salamat. Makakaalis ka na po." Natampal ko ang braso nito sa sinabi.

"Respeto, Rehan."

"Gumamit ako ng po, Ma." Aba't pilosopo.

"A part of this School is mine so, I'm not leaving," balik na sagot ni Achie.

Kunot noo kong nilingon siya, ang dami niya namang pag-aari?

"Ma'am? Pasok na po kayo para makapag simula na—Mr Vasco! Omg, good morning, Sir. What brought you here?" tanong ng guro ni Rehan.

"Naki-epal lang Ma'am—Ma aray!"

"Umayos ka. Hilahin ko iyang tenga mo, sige ka," pananakot ko. Patawa-tawa ito, tumikhim at naging seryoso.

"Fine. I'm sorry," saad nito ay humalik sa noo ko.

"Good, mauna ka na sa loob at susunod ako." Tumango ito at tumalikod. Hindi pa nakaligtas sa akin ang lihim na pag-irap nito kay Achie.

"Pasensiya na kayo Ma'am ha, pagsasabihan ko ho iyong si Rehan mamaya," nahihiya kong saad sabay ng awkward na ngiti.

"It's okay, but lagi ba siyang gano'n?"

"Ang alin, Ma'am?"

"You know, kissing your forehead?" Napatawa ako sa narinig bago tumango.

"Oho, Ma'am. Normal na po iyon sa amin, it's a way of ours po na we're serious. Hobby na po iyon ni Rehan, kapag magkikita kami, kapag ihahatid at susunduin, hahalik po talaga iyon sa noo ko o hindi kaya'y sa ulo ko. Gano'n din yun sa mga kapatid niya. He's not shy on showing his love toward others."

"What a sweet boy. Anyway, Mr Vasco?"

"Hinatid ko lang itong..."napahinto ito at napatingin sa akin."friend...of mine."

Shot puno.

"I see. Pasok na ho tayo sa loob para po makapag simula na tayo. Mauuna na kami Mr Vasco," ani ng guro.

"Salamat sa paghatid, Achie. I owe you. Pasensiya na din sa ugali ni Rehan, alam niya kasi 'yong nangyari. Mauuna na ako, balik ka na doon." Kumaway ako sa kaniya at tuluyan ng pumasok sa classroom.

"Ang tagal mo, Ma," bulong ni Rehan sa'kin habang siya ang nakatayo sa may likod ng upuang inuupuan ko at nakayakap sa nay leeg ko ang braso niya.

Tiningala ko siya ay bumulong din pabalik, "Ayoko maulit ang gano'n, 'Nak. Hindi iyon maganda."

Tumango ito sa akin at humalik sa noo.

"Opo, Ma...pero depende pa din." Tumango ako kahit na hindi ko na narinig ang huling mga salita na sinabi niya dahil bulong na lang talaga sa sarili niya.

Nagsimula ang meeting at napagalaman kong may gaganapin palang activity ang buong school para sa mga nasa kalsada, in short, para sa mga kapos ay palaboy na hindi napagtutunan ng pansin.

Kaya pala excited itong si Rehan e.

Next week na daw gaganapin at tutal Friday ngayon, hindi na sila magkaklase mamayang hapon dahil maghahanda ang eskwelahan para sa lunes. Lahat ng grade levels walang klase mamaya kaya makakauwi kami ng maaga.

"Salamat sa inyong pagdalo, makakauwi na po ang gustong umuwi."  Nagpasalamat kami bago  tuluyang lumabas.

Nakahawak sa braso ko si Rehan at naglalambing habang panay sabi kung gaano siya kinakabahan. Alam kasi ng guro niya na dating palaboy si Rehan kaya nais nila itong ipag-speech sa araw ng lunes pero kung ayaw daw nito, ay okay lang din, hindi naman sila namimilit.

Nawala pa nga pagkabibo niya kanina eh. Natahimik na after sabihin ng guro niya sa kalagitnaan ng pagpupulong.

"Mama what if mautal-utal ako doon? Edi mapapahiya ako?" bulong nito habang ako'y patawa-tawa lang.

"Nandoon naman ako Anak, nandoon ang mga kapatid mo. Sa amin ka lang tumingin kung gugustuhin mo." Napa hays naman siya ay hinila ko na lang para sunduin ang mga kapatid niya.




"MAMA!" biglang sigaw ni Mark ng makita ako. Patakbo itong lumapit sa amin at yumakap.

"Hi, baby. Kamusta ang pag-aaral?"

"It's okay Mama. Perfect ko ang test sa English kanina," proud nitong saad.

"Wow, ang galing naman niyan. Proud si Mama."

"At si Kuya." Ginulo ni Rehan ang buhok ni Mark at hinawakan ang kamay.

Ilang segundo lang, nakita ko ang patalon-talon na si Briel. May pasuntok pa sa hangin ang loko bago naglakad palapit sa amin.

"Hello, Mama ko. Ang pretty mo po today," saad nito at may pilyong ngiti sa mga labi kaya naisipan kong sabayan.

"Hmm, ngayong araw lang? Hindi ba ako pretty everyday?" kunwari malungkot kong sabi na nagpalaki ng mata niya.

"H-Hala, hindi po Mama. Pretty po ikaw lagi 'wag ka na lungkot Mama ayaw ko lungkot ka," deretso niyang saad at walang hinto hinto para huminga kaya tumawa ako sa kaniya.

"O ano, nakahinga ba?" Kumakamot sa kilay itong tumango at ngumuso.

"Si Caly? Hindi niyo ba nakita?" Umiling silang lahat kaya siguro ay nasa loob pa iyon ng classroom nila.

"Sunduin na natin at baka inaaway na naman 'yun."

Nang matanaw ko ang classroom nila, wala akong makitang Caly sa labas. Sumilip ako sa may bintana, hindi ako magpakita talaga kasi baka naiwan at nagsusulat, ma-distact pa namin.

Pero iba ang nakita naman.

"Aba. Kausap na naman ang rich kid," bulong ng isa sa magkakapatid. Pinatahimik ko sila kasi baka marinig kami.

Hindi kalayuan ang upuan ni Caly dito sa bintana kaya naririnig namin usapan nila. Nasa harapan ni Caly si Moses at tila sobrang seryoso ng usapan nila hanggang sa nagsalita ulit si Moses.

"Don't be jealous na kasi, you know naman na ikaw lang ang baby girl ko. Sa tingin mo magla-lie ako sa harap ng Mama mo? No, I not lie, Caly. Baka ilayo ka ni Tita sa akin."

Napataas ang dalawa kong kilay. Hito na naman po ang love life ng Anak ko.

Si Caly naman ang nagsalita habang nakanguso.

"Promise? Akala ko kasi crush mo ako tapos crush mo din si Alex. Pili ka lang ng isa sa'min, ayoko may kaagaw."

Napa tsk naman si Rehan na siyang pigil kong tinawa dahil baka pumasok ito sa loob.

"Yuck." Reaksyon ni Mark.

"Eww." Reaksyon ni Breil.

"Shh!"

"Promise, baby. Ikaw lang talaga." Nakita kong tumango tango si Caly ay yumakap kay Moses.

Huli na nang makatago kami dahil malalaki ang mga itong tumingin sa may bintana sabay bulong ng "Mama..."

Sa reaksyon ng mukha niya, para siyang nakakita ng multo, para siyang may ginawang krimen tapos caught in the act.

"Hi, princess!" bati ni Briel a siyang nagpatulak ni Caly kay Moses na bumagsak sa sahig.

Alam kong gusto niyang tulungan pero nahihiya kasi nakatingin ang tatlong kuya niya.

"Mama," bulong nito nang makayakap sa hita ko at gustong magpakarga.

Agad namang sumunod si Moses sa labas at may balak na lumapit kay Caly nang harangan ito ni Mark at Briel.

"Saan punta mo, rich kid?" Napailing na lang ako. Lagi ko na silang sinasabihan na tigilan ang kakatawag ng ganiyan kay Moses dahil mabuting bata naman talaga ito.

"K-Kay Caly po," sagot nito at napayuko.

"Kuya! 'Wag niyo nga awayin baby ko! Mama oh, epal sila Kuya," sumbong ni Caly sa'kin at naglalambing na yumakap sa leeg ko para kampihan ko siya.

"D'yan ka lang, don't lapit to our princess," ani Briel na nagpatawa sa akin. Conyo malala itong batang 'to.

"Hindi pa po kami tapos mag talk ni bab—Caly po. Wala po kasi pasok mamaya kaya hindi ko siya makikita. Matagal pa mag-monday."

Ako na mismo ang nagbaba kay Caly sa harap ni Moses na biglang namula sabay sabing, "Hello po Tita."

"Sige mag-usap na kayo...Kayong tatlo, doon na kayo sa may gate, susunod kami ni Caly. Ang sasama ng tingin niyo d'yan eh bata lang 'tong si Moses. Sige na, lakad na," pagtataboy ko sa tatlo.

Napa I'm watching you pa si Mark kay Moses na napahawak sa kamay ko dahil siguro nasindak.

"Oh sige na, may lakad pa kami."

At nag-usap na nga silang dalawa. Sa pangalawang pagkakataon, para na naman akong invisible dahil may sariling mundo ang dalawa. Nang matapos na, humiling si Moses sa akin.

"Tita, pwede ko po i-hug si Caly po?" Tumango ako kaya naman at niyakap niya ito na siyang gustong gusto ni Caly dahil napataas pa ang isang paa nito tulad sa mga pilekula.

Aba't saan naman niya natutunan 'yan?

"Mauna na kami."

"Ba-bye, Caly. Ba-bye Tita!"

Malaki ang ngisi ni Caly habang nakahawak sa kamay ko. Para siyang nanalo sa loto sa ngiti niyang 'yan.

"Saya ah." Bungad ni Rehan nang makalapit kami sa kanila.

"Saan punta natin, Ma? Uuwi na tayo?" tanong ni Rehan.

Napaisip naman ako, baka pagod ang mga bata. Baka mamayang gabi na lang namin o ako dadalawin ang tatlong aso.

"Oo, uwi na lang tayo. Sa bahay na lang tayo maglu---"

"Maya."

"Psh. Andito na naman siya," rinig kong bulong ni Rehan.

"Oh, bakit ka pa andito? Akala ko ba bumalik ka sa celebration?" tanong ko kay Achie pero bago pa siya makasagot, nag-unahan na ang tatlo sa pagpapakarga, pero syempre sino pa ba ang hindi natatalo—Caly.

Dismayadong yumakap na lang sa magkabilang tuhod niya ang dalawa.

"Can we get inside the car? I'll explain to you there. Mainit na dito at baka pagpawisan pa itong mga bata."

Napapikit ako nang hindi na sa akin humawak ang dalawa, sa bulsa ng pantalon ni Achie sila humawak! Parang kanina sobrang dikit nila sa akin? Tapos ngayon?

Mga traydor!

Tapik ni Rehan ang nagpabalik sa akin kayaedyo kumalma agad ako.




"TALAGANG d'yan kayo?" nagtataka kong tanong.

Paano ba naman, si Briel at Mark, magkatabi sa passenger seat habang si Caly ay naka kandong kay Achie habang nagmamaneho.

"Ikaw naman Achie, ngisi ngisi ka lang d'yan. Paano kung ma-distact ka ha?"

"Come on, Maya. Don't be so negative. Caly here is sitting pretty so I'm good."

"Ewan ko sa inyo."

Kanina ko pa inaaya na dito na lang sa backseat kasi dapat ako ang nandoon, kidding. Pero kasi ano...basta. Delikado.

Talaga ba? O baka naman inggit ka lang sa kanila kasi sila ang katabi?

I scoffed to what crosses my mind. Two to three minutes pa lang kaming bumabyahe.

"Anyway, anong ginagawa mo at bakit ka naghintay sa 'min?"

"Mommy wants you to visit the mansion once you're done with Rehan's meeting but then I said that there will be no classes in the afternoon since I asked the guard kanina. So, she said to bring you five to the empire right now then we'll head home in the afternoon to continue the celebration of the three doggos." Napatango ako at sumang-ayon.

Tahimik kaming dalawa ni Rehan sa likod habang yakap yakap ang mga bag ng tatlo habang ang tatlo ay nagkakantahan na siyang sinabayan ni Achie.

"The door in the busy go open and shut, open and shut, open and shut. The door in the bus go open and shut all through the town..Yayyy!"

"Ang iingay." Rinig kong bulong ni Rehan at pumikit.

Ilang minuto pa ang nagdaan, sabay sabay kaming lumabas sa sasakyan na walang dala maliban sa sling bag ko dahil pinaiwan ni Achie tutal doon din daw kami sasakay mamaya.

"Good afternoon, Sir," bati ng mga gwardya sa labas. Tinanguan lang sila ni Achie habang karga karga pa din si Caly at nasa magkabilang gilid niya pa din ang dalawa.

Sabay naman kami ni Rehan na naglalakad sa likod nila na bumabati din pabalik.

"Kaninong Anak 'yan?"

"May Anak na si Sir?"

Kaniya-kaniyang bulungan sila. Nang makarating kami sa harap ng elevator dahil nasa taas daw ang mag-asawa at nagpapahinga ayun sa front desk, dumeretso na kami dito.

"Hali na kayo, Anak. Dito tayo sa transparent na elevator. Hindi kaya ni Mama dyaan sa kabila." Nagpadyak-padyak ang mga ito at yumakap sa leeg at sa tuhod ni Achie na ikinairap ko sa hangin.

"Ako na bahala sa mga bata, mauna na kayo." Walang magawa, sumunod ako kay Rehan nang pumasok na ito sa elevator at inialay ang kamay sa akin na siyang tinanggap ko naman.

"Bye, Mama!" huling rinig ko bago magsirado ang pinto ng elevator namin.

Kita komg hindi ba umaakyat ang elevator na sa tingin ko'y sasakyan nila.

Nang bumukas, humakbang ako palabas at gano'n din si Rehan. Ilang minuto lang, bumukas ang pintuan at pinakita sa amin ang naghahalakhakang mga bata habang naka piggy back ride si Caly. N

Abnormal ba 'tong si Achie?

Alam naman niyang nahihirapan ito dahil halata naman, nakatawag pa din ito kahit na kulang na lang kumabit sa kaniya ang dalawa.

"Tinawa-tawa niyo?"

"Wala, tara na." Wala daw pero panay naman tawa. Abnormal.

Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang nakahigang Ma'am Fasaia sa mahabang sofa na mabilis na tumayo nang makita kung sino ang pumasok.

"Good afternoon po," sabay na bati ng apat at nagtinginan sabay pigil na tumawa.

"Oh my god, kids!" Kulang na lang ay magtatalon-talon si Ma'am Fasaia sa tuwa.

Agad namang lumapit ang tatlo at nagmano kay Ma'am Fasaia at Sir Vlad maliban kay Caly na nakapiggy back ride pa din kay Achie na nakangisi lang din.

"Tingnan mo itong si Achie, pwede ka na magkaanak," pabirong saad ni Sir Vlad sabay aya na maupo kami.

"Should we have kids now, Dad?" sabat ni Vix. Hindi ko namalayang andito siya. Kidding.

"You're funny, Vix," sagot ni Sir Vlad at iniba ang usapan.

"How's your school?" tanong ni Ma'am Fasaia sa kanila at sumagot sila isa isa.

"Okay lang po, lagi po perfect po ang test ko po." Si Mark.

"Malaging po ako sa school ko po." Si Briel.

"Malaging?"

"He meant magaling po, Ma'am," paglilinaw ko. Bulol pa din talaga si Briel minsan.

"Bulol po si Kuya ko po. Ako naman po, very good din ako sa school. Tapos po ano," huminto at biglang nagtakip ng mukha.

Agad kong narinig na bumuntong hininga si Rehan at napailing.

"Ano?" tanong nito sa Caly na ngayon ay naka-kandong kay Achie. Mainit ang tingin ni Vix kay Caly dahil panay irap ito sa bata pero hindi namin pinapansin.

"May ano po ako hehe...baby po," pagtutuloy nito at tuluyang yumakap at itinago sa leeg ni Achie ang mukha niyang namumula.

"Omg! May baby ikaw? Tapos si Mama mo wala?" pabirong sagot ni Ma'am na nagpasamid sa akin.

"Okay ka lang Ma?" tanong ni Rehan at tinanguan ko ito.

"Know your limits baby Caly ha... Ikaw naman Rehan? Kamusta?"

Umayos ng upo si Rehan at tumingin sa akin bago sumagot.

"Sobrang saya po and I'm very thankful for the help you gave us. Hindi ko po akalain na mararating ko ang ganitong buhay." Tumingin ito sa akin at sumandal sa braso ko.

"I'm very happy Mama found us and chose to keep us. She's the reason why we're and experiencing life." Pigil ang luha ko sa narinig ko sa kaniya.

Rehan never hide his love for me and his siblings. Every time he have the chance to show it, he'll show it. And I'm grateful for that.

Tanging halik sa noo niya ang sinagot ko dahil parang may kung anong nasa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita.

Too overwhelmed.

"Aww. I'm glad that our help didn't go to waste." Tumango si Rehan.

Hinalikan ako nito sa pisngi bago umupo ng maayos at tumingin kay Ma'am Fasaia na parang maiiyak din sa nakikita habang sa gawi ni Vix ay panay panunuya.

"Anyway po, we have an activity coming this Monday for the homeless. And I was thinking if you could come? I'll do some talking pi kasi since I was one of the homeless not until our Angel found us." Nang banggitin niya ang Angel, nakatingin ito sa akin nang mag ngiti.




"SO SAAN ako sasakay?" maarteng tanong ni Vix habang nasa labas kami ng sasakyan ni Achie.

"Can these kids sit in the back? This is my spot, next to you, Achie!" parang bata nitong saad.

"Come on Vix, will you let them sit in the passenger seat? You can sit in the back with Maya and Rehan."

Kahit na napipilitan siya, wala siyang nagawa kaya heto kami ngayon, awkward na magkakakatabi sa likod habang pinapagitnaan si Rehan.

Habang ang tatlo ay nasa gano'ng pwesto tulad ng kung paano kami nagpunta sa building. Nagkakantahan sila at alam kong naririnig si Vix dahil panay bulong ito na siyang binubulong sa akin ni Rehan.

"You okay there, three?" biglang tanong ni Achie kaya napatingin sa amin ang tatlo.

"Yeah, I guess," sagot ni Vix at walang gang tumingin sa bintana.

"Malapit na tayo sa bahay." Tumango na lang kami sa sinabi ni Achie.

Si Rehan ay tagang nabagot na dahil sumandal na sa balikat ko ay nagsimulang laruin ang mga daliri ko.

Bored na bored, 'Nak?

Sa buong byahe, tahimik lang kaming tatlo habang ang apat sa harap ay sobrang saya.

Napatingin ako sa likod ni Achie. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka saya. Simula kasi ng medyo sagutan namin, hindi ko na siya masyadong ramdam maliban nung sa elevator at doon sa office na mabilisang usapan. 

Napaka blooming niya today and I am happy for him.

Sana lagi na lang ganito.

Which is hindi mangyayari kasi baliw ang mundo at ang mga tao.

"Ingat sa pagbaba," rinig kong sabi ni Achie nang buksan niya ang pinto.

Una niya ding binuksan ang sa pinto sa akin pagkatapos niyang lumabas sa driver seat.

"Bagot na bagot siguro si Rehan at nakatulog na." Napatango naman ako at nagpasalamat sa pagbukas niya ng pintuan.

Mahina kong tinapik ang balikat ni Rehan at buti na lang agad itong nagising. "Sarap ng tulog mo ah."

"Haha sorry na Ma, komportable ako sa sinasandalan ko eh," sagot nito.

"Oo na, rarason pa. Labas na tayo, iyong mga kapatid mo parang nakawala sa hawla."

Nang tingnan namin ang mga ito, magkahawak itong umaakyat sa hagdan papunta sa main door ng mansyon.

"Hi Levis, hi Xaven!" bati ko sa dalawa at hindi ko mapigilang yakapin sila sa tuwa.

Matagal-tagal na din nung huli naming pagkikita.

"Hi there, Maya. You're blooming. You have a lover?"

Is it bad if I consider Achie my lover?

"None of course, I'm just pretty eh? Anyway, remember Rehan? This is him," pag-iiba ko sa usapan.

"Oh, hi kiddo. You're tall, if I don't know that Maya's your mother, I'll consider you two dating," saad ni Levis na nagpatawa sa akin.

"If ever I'll date someone, I'll probably date someone who think the same like my beautiful mother. She's a standard."

"I see and I agree. Well then, good luck finding someone like your beautiful mother."

"Thanks man. We'll head inside, my siblings were like a prisoner who got out from the prison."

"Kids," sabay na saad ni Levis at Xaven.

Hindi kasi sila nagkita dati dahil may inaasikaso ang dalawang bantay. Bilib akong napatingin kay Rehan.

"You speak English fluently huh," bulong ko at birong binangga ang siko niyang muntik ng pumantay sa'kin.

"Come on, Ma. That tutor did great and I did great." Napatango ako sa kaniya ay sumunod na sa mga taong nasa kusina.

Madilim na ang labas at naghahanda ang lahat para sa hapunan. Napagdesisyonan kasi nila Ma'am at Sir na hapon na lang ipagdiwang ang kaarawan ng tatlo.

Speaking of the three, papunta ako doon sa dog house nila.

Malayo pa lang ako ay rinig ko ang alulong nila.

"Lasorous, Lawi, Lukie!"

Nang marinig ang boses ko, agad na nagtakbuhan ang mga ito sa akin at napahiga ako sa tuwa nang magtatalon-talon sila.

"T-Teka—Hahaha. Wait! Teka lang—h-hoy aba. SIT!"

Humahangos akong tumayo mula sa pagkakadagan nila. Tinuro-turo ko isa at pinagsabihan kasi alam kong naiintindihan nila ako Hindi lang nila alam paano ipakita o sagutin.

"Muntik niyo nang masira pisngi ko kakadila niyo," pagsisimula ko.

Nakalinya silang tatlo gaya nang kung paano kami magtraining noon.

"Anyway, happy birthday!"

"Happy birthday Lukie!" binigyan ko siya ng kiss sa noo.

"Happy birthday Lawi!" ni-kiss ko din siya.

"And happy birthday Lasorous!" I kissed him in the forehead too at niyakap ko silang tatlo.
Kinabig ko sila para sa isang mahigpit na yakap.

Naiwan ang lahat sa loob habang ako ay nandito at nagkikwento sa kanila.

Kwento ng mga nakaraang nangyari, tanging pag twitch ng mga tenga nila ang tugon at ang mukha ng pagtataka which is super cute.

Siguro mag-iisang oras din ako doon at nagsasalita habang katabi ang tatlo. Sinadya ko talagang hilingin na makasama sila at maayos naman dahil walang nang-estorbo sa amin hanggang sa makarinig ako ng boses sa may likuran ko.

"Maya, let's eat."

"Achie."

"Hmm?" Tumayo at nagpagpag ng jeans.

"Nothing."

Tinawag ko ang pangalan ng tatlo para sana mauna kaming maglakad nang magsalita siya.

"Ang hirap, Maya." Napatingin ako sa mukha niya. May bahid ito ng lungkot na hindi ko mapaliwanag. Parang kanina lang ang saya saya niya.

"Mahirap ang alin?" tanong ko.

Bakit hindi mo na lang kasi sabihin nang maintindihan ko?

"Ang hindi ka malayang mahawakan sa harap ng ibang tao, dahil sa paningin nila boss at empleyado lang tayo. But I know we're more than that. I can feel it, Maya. You like me too. But you too is afraid of getting known by someone." Humakbang ito sa akin at inabot ang dalawang kamay ko.

Ang init ng mga palad niya, kay sarap damdamin. Hindi ko maalis ang tingin ko doon.

"To hold these precious hands, I need to sacrifice something. I swear I have my reasons but it's not the right time to let you know about it. Seeing you sitting in my office makes me calm and collected. I'm very grateful that you chose to came back even if it's not for me but for the kids." Nang tingnan ko siya sa mga mata, nakatingin din siya sa'kin.

Sa madilim na kapaligiran, kita ko ang mata niyang kumikislap.

"Okay lang naman sa akin, masakit ay mahirap pero ano ang magagawa ko? Gusto kita at hanggat kaya ko, maghihintay ako sa'yo."

There.

Nasabi ko din.

"W-what?" gulat na tanong nito.

"Gusto kamo kita. Kakasabi mo lang kanina na alam mong gusto din kita tapos gulat gulat ka ngayon," natatawa kong sagot.

Umiling ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

"It's nice to hear if from your mouth... I know this so not romantic but, please wait for me, Maya. Wait for me until I free myself," bulong niya bago ako gawaran ng halik sa labi.

He kissed me!

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 104 42
She's beautiful,rich,at hinahangaan sa campus nila her name is Angela MoleΓ±o who had a friends like Sean the great playboy,Lance Costallona nerd or s...
1.5M 47.1K 42
"Miss Montgomery, you start at 8am tomorrow morning in my office, not a minute late. If you are as good as you say you are, I may just apologise", he...
3.5M 148K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
750 55 34
ang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...