A S H E
"Wa---" sisigaw palang sana ako pero naunahan niyang takpan ang bibig ko. Agad ko naman 'yun tinanggal at lumayo sa kanya. A-anong klaseng nilalang 'to?
"A-ano ka?" tanong ko. Palapit siya ng palapit sa'kin habang ako naman palayo ng palayo.
"Ano ka ba talaga?" tanong ko uli.
Bigla naman siyang tumigil sa paglapit sa akin nang ma-realize niyang malapit na akong makalabas. Buti naman dahil kung hindi, nakita na ako ng mga halimaw dito at pinatay na nila.
"Saan ka galing?" tanong ko uli. Bigla namang lumungkot yung mukha niya. Bakit? Ano namang problema nito?
Alam niyo yung itsura niya? Di siya tao eh. Kaya 'ano ka' yung tanong ko sa kanya.
"Egg." sabi niya ng cute at mahinang boses sabay yuko.
H-ha? Egg? Anong meron sa itlog??
Agad naman akong lumapit sa kanya at tinitigan siya. Umupo ako para matingnan ko siya ng mabuti. Ang liit kasi niya. Mga hanggang tuhod ko siguro. Nag-aalangan din ako kung hahawakan ko ba siya o hindi.
Papalapit na sana yung daliri ko ng bigla niya akong yakapin.
"H-Hoy! Ang init mo, nakakapaso! Lumayo ka sa akin!" syempre sa utak ko lang yan. Remember na hindi ka pwedeng sumigaw kung ayaw mong mamatay. Mabuti naman at binitawan niya din ako kaagad. Ang init niya kasi talaga. Buti nalang at hindi ako nasunog.
"Egg." sabi niya uli pero this time nakangiti na siya. Omg! Ngayon ko lang narealize na sobrang cute niya pala!
Hmm, ano kaya 'yung egg na sinasabi niya?
Oo nga pala! Siya yung egg na nasa inventory ko at na-hatch na! Wow kaya pala lumalaki yun. Pero paano siya na-hatch?
"Wait... isa ka bang fox?" tanong ko at umango-tango naman siya. Waaahh!! Ang cute niya talaga! Sumasabay pa 'yung tenga niya sa pagtango niya! Para siyang 'yung small version ni Tomoe sa Kamisama Kiss. Ang pinagkaiba lang nila kulay copper red ang buhok at buntot nito.
"Teka, bakit ang init mo?" tanong ko. May pinakita naman siya sakin na maliit na apoy na nabuo sa kamay niya. Wow! May kapangyarihan siya. Isa siyang flame kitsune.
"Uy ang galing! Ano pa kaya mong gawin? 'Yan lang?" tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang nalungkot.
"Sorry pero naka-base ang lakas at ability ko sa master ko. Kung gaano kalakas ang master ko, ganun din ako kalakas." sabi niya. Woah! Nagsasalita talaga siya! Pero anong ibig niyang sabihin?
"M-master?" taka kong tanong.
"Yes! I'm your familiar." sabi niya.
Wait.
*processing... processing*
Woy! Seryoso?! Master?! Familiar?! Ako ang master ng fox na 'to? Grabe totoo ba talaga 'to?
Teka kumalma ka muna self. Kumilos ka na parang master.
"Okay. Pwede bang ipaliwanag mo muna sa'kin ang lahat? Kung bakit ka biglang lumitaw sa harap ko at kung ano ang purpose mo sa mundong 'to?" tanong ko.
"Hai Ashe-sama!" sabi niya. Anak ng tokneneng nagja-japanese pa nga. Teka paano niya nalaman real name ko?
Biglang naging seryoso ang mukha niya at tumingin ng diretso sa'kin. Wow hanep ah.
"You are now in FWO's First Phase: The World of Monsters. In this world, kaming mga katulad ko ang magiging sandata niyo sa pakikipaglaban. 'Yun ang purpose namin kaya nag-appear kami dito sa WOM. Kami ang magiging familiar niyo. Meaning kung ano ang iutos niyo, gagawin namin. It's also our duty to protect our masters. Kung sino lang ang nagmamay-ari sa bawat familiar, siya lang din ang may kakayahang makakapag-utos at kumontrol dito." sabi niya. Ah, I see, I see. Eh paano ko naman kaya siya napalabas? Ang dami kong tanong.
"Kung iniisip mo Asky-sama kung paano ako bigla nalang sumulpot ay dahil na-overcome mo na ang weakness mo. Lumabas na ang tunay na tapang mo. Hindi ka nagpalamon sa takot mo at nagkaroon ka ng tiwala sa sarili mo." nakangiti niyang sabi.
"Ako ang bahala sa'yo Asky-sama. Just trust me." sabi niya. Kinilig naman ako doon hahaha! Nginitian ko siya sabay pinisil yung pisngi niya.
"Ikaw na bahala sa'kin ah." sabi ko. Tumango nalang siya tapos niyakap niya ako.
"T-teka bakit di ka na mainit?" taka kong tanong sa kanya kasi hindi na siya nakakapaso ngayon.
"Because I'm finally recognized by my master." masaya niyang sabi. "Pero hindi naman ako mahahawakan ng iba." dugtong niya.
Wow. As in wow. Mukhang kakainin ko ata lahat ng sinabi ko noon. Posible din palang magkatotoo ang mga bagay-bagay.
"May naiisip ka na bang dapat nating gawin?" tanong ko sa kanya.
"Sa ngayon Asky-sama wala pa. Pero I have a feeling." sabi niya in a serious tone.
"A-ano yun?" tanong ko sa kanya. Please be a good feeling.
"I have a feeling that we can leave now." sabi niya.
"Totoo? Are you sure?" sabi ko ng nag-aalangan.
"Yes. Wala na sila dito." sabi niya sa akin ng nakangiti.
"W-wala na?" takang sabi ko.
"Yup! Tingnan mo pa." sabi niya at sinunod ko naman siya.
Sumilip ako ng konti and then... tsaran! Wala na nga 'yung mga halimaw.
"How did you know?" tanong ko sa kanya.
"One of my special ability. I can sense enemies na nasa paligid mo even 'yung paparating palang din sa lugar mo." sabi niya sa akin.
Hay. Bakit kailangan ko pang maranasan 'to? Talaga bang nakatadhana sa akin na mangyari ito?
"B-bakit Asky-sama?" tanong niya na parang na-iilang kasi nakatingin ako sa kanya.
"Wala lang. Naisip ko lang na maswerte pa rin ako. Kasi may mga katulad mo na nandyan pa rin para sa akin. Sa totoo lang, dalawa nalang kami ng kuya ko. Pero ngayon, mag-isa nalang ako." huminga muna ako at nagsalita uli.
"Hindi lang ako. Hindi lang ako ng ako ang kailangang protektahan. Ngayon na parte ka narin ng buhay ko, hindi ko rin hahayaan na may mangyaring masama sa 'yo. Poprotektahan din kita kahit ano mang mangyari. Magtutulungan tayo... Yume." sabi ko.
"Y-Yume??" taka niyang tanong tapos nag-bend pa 'yung ulo niya habang sinabi niya 'yan.
"Yes. Dream ang ibig sabihin niyan. Para sa akin, isa lang panaginip ang lahat ng 'to. Sa totoo lang, di ko kayo pinaniniwalaan eh. Naiinis nga ako sa sarili ko. Dahil sa pinaglalaban ko. Pinaglalaban ko na hindi kayo totoo. Pero ngayon, napahiya ako. Nangyari mismo sa harap ng mga mata ko." sabi ko.
"Isa ka sa mga parang panaginip na nagkatotoo at masaya ako dahil nandito ka ngayon sa tabi ko. Simula ngayon, yan na ang pangalan mo. Yume." sabi ko.
"I like it! Salamat Asky-sama! I'm so fortunate dahil ikaw ang naging master ko. Wag kang mag-alala dahil wala ka namang kasalanan. Di mo kasalanan kung bakit di ka naniniwala sa mga ganitong bagay. Hindi kita pababayaan Asky-sama!" masayang sabi niya sabay yakap sa akin.
"So as I, Yume. Ako na din ang bahala sa'yo." sabi ko at kumalas na sa pagkayakap niya.
"Hai!" sagot niya. Natutuwa talaga ako dito sa nilalang na'to. Nakuha pa talagang mag-japanese.
"Teka lang Asky-sama, diba may problema ka pa?" biglang sabi niya.
"O-oo. Pa'no mo nalaman?" taka kong sabi.
"As part of being your familiar, alam ko na din ang lahat tungkol sa'yo. Likes and dislikes. Kahit ano pa 'yung tumatakbo sa isip mo. I can sense it all." sabi niya.
"Haha! Talaga? Wala na pala akong maitatago sa'yo." napakamot ako sa ulo pagkasabi ko nun.
"That's right!" masigla niyang sabi.
"By the way, balik tayo dun sa problema ko. Di ko nga alam kung pa'no ko maso-solusyunan eh." dugtong ko.
"You don't have to worry anymore. Buksan mo na yung gift. Matutuwa ka." sabi niya.
Oo nga no! Di ko pa pala nakikita 'yung laman nun.
"Open it! Open it!" sigaw niya.
"Wait, eto na."
Napatigil ako dahil sa nakita ko. Ano 'to?
M-mask?