Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 15

2.7K 49 1
By zxantlyx


Chapter 15

Judgment

ISANG buong buwan na simula nang makapagbukas si Hugh ng kaniyang bar. Mas napapadalas lamang ang aking punta doon dahil doon na kami madalas nagkikita ni Hugh. Patuloy pa rin naman ng padala si Jake ng kung ano-anong bagay.

Kapag weekdays ay ako ang nag-aadjust at pumupunta sa kaniya dito sa bar. Minsan ay sinasama ko si Maia at Nica pero kahit sila ay nagiging abala na rin sa kani-kanilang sariling gustong gawin.

Minsan nga ay kasama pa ni Maia si Andre. Totoo nga yung sinabi nila. Fuck buddies nga lang ang balak nila. Akala ko marupok silang dalawa at magiging sila pa sa huli.

Si Nica naman ay may sariling problemang inaasikaso. Katulad na lamang ng dati, madalas niyang problema ang panggastos ng kaniyang mga kapatid. Siya pa rin kasi ang nag-proprovide sa mga kapatid niya dahil umaasa lang rin sa kaniya ang nanay niya.

Kapag naman weekends ay si Hugh ang kusang pumupunta sa aking condo. Katulad na lamang ngayon, biglaan na lamang siyang sumulpot sa labas ng aking condo.

Bagong gising pa lamang ako dahil medyo napuyat din ako kagabi kaka-ayos ng report ko para sa trabaho kaya medyo na-late na rin ako ng gising ngayon. 

Nagising na lamang ako dahil sa malakas na pag-ring ng aking telepono. At katulad nga ng inaasahan ko, si Hugh ang tumatawag.

Antok na antok pa akong lumabas ng kwarto habang sinusuklay pa ang aking magulong buhok. Nang buksan ko ang pintuan ng aking condo ay bumungad sa akin ang lalaking ayos na ayos. 

Nginitian ko ito at saka sinenyasan na pumasok sa loob. May bitbit itong paper bag sa kaniyang kamay.

Pinanood ko itong maghubad ng kaniyang sapatos at pumasok sa loob ng aking condo. "Ano 'yan?" mahina kong tanong sabay turo sa paper bag na hawak niya.

Itinaas niya iyon at saka ngumiti sa akin. "I bought you breakfast," maiksi niyang sagot.

Humikab pa ako at saka umupo sa tapat ng kitchen counter. Hinihilamos ko ang aking palad sa aking mukha nang maramdaman ko ang presensya ni Hugh sa aking likuran.

Naramdaman ko na lamang ang kaniyang kamay sa taas ng aking ulo at saka ginulo iyon nang kaunti. "'Wag mong galawin, Hugh! Magulo na nga eh, mas guguluhin pa," saway ko rito.

Tumawa lamang ito nang mahina at saka inilapag sa aking harapan ang pagkain na binili. Sinilip ko ang loob noon at nakakita ng dalawang balot ng tapsilog at hotsilog. 

Agad namang napawi ang pagkakunot ng aking noo at napalitan iyon ng ngiti sa aking labi. "Thank you!" makulit kong sabi rito at kinuha na mula sa loob ang pagkain.

Binuksan ko ang dalawang balot ng pagkain at inilapag ang isa sa harapan ni Hugh. "Akin 'tong tapsilog, ha," paalam ko.

"Eat what you want, Jade. That's all for you," sagot niya.

Napataas ang aking kilay sa narinig. "Kumain ka na sa bahay mo?" tanong ko.

Tumango ito at umupo sa aking katabing kitchen stool. Tumuhog ako ng maliit na piraso ng tapa at inilapit sa kaniya.

Nang tumingin ako sa gawi nito ay nakatitig ito sa akin at kinagat ang nakatuhog na tapa. 

"Sarap?" tanong ko. Tumango ito bilang sagot. "Okay. Naninigurado lang ako na walang lason. Kapag meron, eh di parehas tayong patay," dagdag ko.

Narinig ko itong tumawa nang mahina sabay iling. Tumawa rin ako at nagpatuloy na sa pag-kain. Nakatingin lamang ito sa akin habang kumakain ako. Minsan ay binibigyan ko siya ng ulam para naman hindi siya ma-bored.

"Nga pala, naalala ko yung asaran niyo ni Jaydee noong bagong bukas yung bar mo. Nililigawan pala ni Jaydee si Hana?" tanong ko.

Kumunot ang noo nito sabay iling. "No. Not Hana," sagot niya.

"Ha? May kapatid ka pa bang iba?"

Tumango ito at saka kumuha ng isang hiwa ng hotdog. "Yeah. I have two more sisters, that I know off."

Tumango-tango ako habang ngumunguya ng pagkain. "Shayang. Gushto pa naman ata ni Nica shi Jaydee," sabi ko at nilunok ang pagkain.

Hindi naman sinasabi sa amin ni Nica kung may gusto ba talaga siya kay Jaydee, pero tuwing nagkakasama kasi kaming pito ay lagi siyang nakangiti kapag nandyan si Jaydee. Lagi kasing naka-poker face ang babaeng 'yon. 'Di ko alam. Minsan masungit ang mukha pero mabait naman. Minsan mabait ang mukha pero masungit naman.

Tumingin ako nang sandali kay Hugh at nakita itong ngumisi. "Gusto mo pa?" tanong ko at itinaas ang huling hiwa ng tapa. Umiling ito kaya agad kong sinubo ang ulam.

Tumayo ako mula sa upuan at tinapon ang mga kalat. Hinimas-himas ko ang aking tyan dahil busog na rin ako.

"Alis ka na," sabi ko at ngumiti rito.

Halata ang pagkagulat na dumaan sa kaniyang mukha sa biglaan kong sinabi. "You're kicking me out after eating the food I gave you?" tanong nito at pinagtaasan pa ako ng kilay.

Pinaningkitan ko ito ng mata at inilagay ang dalawa kong kamay sa aking baywang. "Kusa mong binigay. Ngayong nakain ko na lahat, umalis ka na," pang-aasar ko pa.

Tumawa ito nang mahina at saka dahan-dahang tumayo mula sa upuan. Natawa ako nang hindi niya na ako tinignan pa at dire-diretso lamang sa paglakad papunta sa pintuan ng aking condo.

Agad ko siyang hinabol at hinila sa kamay. Niyakap ko ang kaniyang braso at saka ito nginitian nang malawak. 

"Salamat sa pagkain, Hugh!" makulit kong saad. 

Nang tignan ko siya ay may maliit pa ring ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi. Alam kong nagets niya yung joke ko at nakisabay lamang sa aking trip.

"Aalis din kasi ako. Pupunta ako kayna Maia kasi may kukunin akong damit. Wala ka namang magagawa dito, kaya pinapaalis na kita," dagdag ko pa.

"Will it take you long?" tanong nito.

Umiling naman ako. "Hindi naman siguro. Baka nga paalisin agad ako ni Maia pagkatapos ibigay sa akin ang damit at baka busy pa siya sa gagawin nila ni Andre," sagot ko.

Natawa naman ito sa sinabi ko. "Then, I'll stay here. I'll just cook lunch for you," sagot niya.

Plano na rin kasi niyang ipagluto ako ngayong araw pero naalala kong may kailangan nga pala akong puntahan.

Ilang beses ko pa siyang tinanong kung ayos lang ba talaga siyang mag-isa doon at ilang ulit din niya akong sinagot na magluluto nalang daw siya. 

Sa huli ay napapayag niya na rin ako na hayaan siyang mag-isa. Mabilis lamang akong naligo at nagpunta na sa condo ni Maia.

Since fashion designer kasi ang nanay ni Maia ay marami-rami ring damit ang bumabagsak sa kaniyang kamay. Kaya tuwing kailangan namin ng susuotin ay sa kaniya ang diretso namin imbis na bumili ng bagong damit.

Ayos lang naman sa kaniya 'yon. Mas gusto pa nga daw niya ang ganoon dahil nasasayangan siya sa ibang damit at hindi na raw niya nasusuot sa sobrang dami.

Nang makarating ako sa kaniyang condo ay nagulat ako nang madatnan din doon si Nica. Nang malaman pala ni Nica na pupunta ako doon ay pumunta na rin siya. Ugh, masyado naman akong na-mimis ng mga kaibigan ko!

"Kailangan ko ng kulay nude brown na dress, Maia," sabi ko nang makapasok kami sa kwarto kung saan nakatambak ang sandamakmak na mga damit.

Hindi na kumasya ang lahat sa kaniyang closet at ang iba'y nandito na sa stock room niya, nakabalot ng plastik habang naka-hanger.

"Chiffon or satin?" tanong nito.

"Chiffon. Para mukhang inosente," pagbibiro ko.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Nica. "You wouldn't look innocent anymore, Jade. You look too old for that," pang-aasar ni Nica.

"Kapal naman ng mukha mo. Palibhasa mukha kang anghel dyan, eh," sagot ko pabalik. "Sabagay, masyado akong sexy para magmukhang inosente," dagdag ko.

Tumawa ito nang malakas at hinampas pa ako sa braso. "Gago! Kung makapanakit naman aba," reklamo ko. 

Napatigil lamang kaming dalawa sa pag-aasaran dahil biglaan na lamang sumingit sa pagitan namin si Maia na may hawak-hawak nang damit.

"Here. That's a short dress though. If you need a long one, then I can find another one for you," sabi nito.

Kinuha ko iyon at saka tinignan. It was a chiffon nude colored dress with a long v in the middle. Long sleeves din iyon na medyo may pagka-puffy sa baba. May belt sa gitna kay mas hapit iyon sa baywang. Maluwang ang baba nito na umaabot hanggang sa taas ng aking tuhod.

Napangiti ako nang makita ito. "Ayun! Thanks, Maia!" tuwang-tuwa kong sagot. Hinalikan ko pa ito sa pisngi at tumingin sa gawi ni Nica na nakatingin lamang sa aming dalawa. "Selos ka? Oh sige, kiss na rin kita," makulit kong sabi kay Nica at hinalikan din siya sa pisngi.

"Are you two planning to eat here? I don't have cooked food though," tanong ni Maia sa amin.

"Just say that you'll be busy fucking with Andre, that's why you want us to go already," pang-aasar ni Nica habang may malawak na ngiti sa kaniyang labi.

Nanlaki ang aking mata nang marinig ang sinabi nito. Wala namang preno ang bibig!

"Yeah, I will be. Do you want to watch?" pakikisakay ni Maia sa joke ni Nica. Ngumisi si Maia nang ngumiwi na lamang si Nica. Tumawa pa ito nang mahina dahil natahimik na lamang si Nica sa sinagot niya.

Napailing na lamang ako sa topic ng dalawa kong kaibigan. Inangat ko ang aking kamay at saka umaktong hinihilot ang aking sentido.

Si Nica, mukha lang inosente pero hindi talaga.

"Pota, yung biruan niyo 'di nakakatuwa. English quiz bee ba 'to?" singit ko sa dalawa.

"Oo. First place na 'ko. Nanahimik na si Nica eh," sagot ni Maia at tumatawang lumabas ng kwarto.

Sumunod lamang kaming dalawa sa kaniya. Bitbit ko na ang damit na hihiramin. Nang makarating kami sa sala ng kaniyang condo ay umupo pa doon ang dalawa. Humiga pa si Nica sa hita ni Maia at hinayaan lamang siya ni Maia.

"Aalis na 'ko," paalam ko habang sinisilid nang maayos ang damit sa malaking paper bag.

Nang tumingin ako sa dalawa kong kaibigan ay taimtim na silang nakatitig sa akin. "Ikaw ba talaga si Jade? Bakit nangunguna ka atang umalis ngayon?" tanong ni Maia.

Tumawa ako sa kanila. "May naghihintay kasi sa akin sa bahay," sagot ko. I even flipped my hair ang batted my eyelashes as a joke, acting like I have a lover waiting for me to come home.

"Who? Did you come back to Jake again?" walang emosyon na tanong ni Nica.

Nanlaki ang aking mga mata. "Gago, hindi! 'Di na 'ko babalik sa gagong 'yon, 'no!"

"Then who's waiting for you to come home? Is it a fuck buddy, just like what Maia has?" tanong pa ni Nica.

"Tangi. Kaibigan. Si Hugh," sagot ko.

Mabilis na napaupo si Nica mula sa pagkakahiga sa hita ni Maia. Nakita ko namang tumawa nang mahina si Maia sabay iling. 

"I swear, Jade. Hugh doesn't look at you like a friend," singit ni Maia.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito. "Ano na naman ba?"

"Are you numb or something? Hugh clearly likes you, Jade," sabi naman ni Nica.

Napairap na lamang ako sa kanilang dalawa. Sasagot pa sana ako sa pang-aasar nila nang biglaan kong maalala ang pag-uusap namin kanina ni Hugh.

Mabilis akong naglakad papunta sa couch at tumabi kay Nica. "Hoy, gagi, alam niyo ba? Si Nica wala nang pag-asa sa crush niya," bulong ko na para bang hindi ko lang katabi si Nica.

Napakunot naman ang noo ng dalawa habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Nica. "Luh, may crush ako?" tanong nito sa akin.

Tumango ako. "Oo. Desisyon ako eh," sagot ko. "'Di ba si Jaydee? Grabe ka makangiti kapag kasama natin siya eh!" 

Nanlaki ang mata ni Nica nang banggitin ko ang pangalan ni Jaydee. Mabilis namula ang kaniyang maputing mukha at pilit pa niya iyong tinago sa amin. 

Tumawa ako nang malakas at tinulak-tulak pa ito sa braso nang makumpirmang si Jaydee talaga ang gusto niya. 

Sabi na nga ba eh! Iba ang ngiti niya kapag nandoon si Jaydee!

"How did you know that Nica doesn't have a chance anymore, Jade?" tanong naman ni Maia habang may maliit nang ngiting nakapinta sa kaniyang mukha.

"I got it from a very very reliable source. Kumbaga, primary source siya," sagot ko. "Kasi, narinig ko si Hugh at Jaydee na nag-uusap noong bagong bukas ang bar ni Hugh. Tapos tinanong ko pa si Hugh kanina, gusto daw ligawan ni Jaydee yung isa pang kapatid ni Hugh pero natotorpe lang," mahaba kong pagpapaliwanag.

Nanatiling tahimik si Nica, hindi alam kung anong isasagot. Napailing na lamang si Maia nang marinig ang chismis na nasagap ko.

Naglabas ako ng malalim na buntong-hininga at saka inakbayan si Nica. Tinapik-tapik ko pa ito sa kaniyang braso. "Okay lang 'yan, Nics. Better luck next crush," sabi ko.

Tumawa lamang si Maia at saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Umalis ka na nga, Jade. Baka umiyak pa si Nica," sabi ni Maia, mas lalo pang inaasar si Nica.

Napahalakhak na lamang ako sa sinabi ni Maia. Si Nica naman ay sinungitan kami at hindi naman daw siya apektado doon. 

Pagkatapos ng ilang pag-aasaran ay umuwi na rin ako. Sumunod na rin sa akin si Nica.

Nang makapasok ako sa loob ay sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng adobo. Mabilis akong pumasok sa loob at nadatnan si Hugh na nakaharap sa kalan, ang kaniyang likuran ang nakaharap sa akin.

Suot-suot pa rin niya ang kaniyang kulay pink na apron habang tinitikman ang nakasalang sa kalan. "Adobo niluluto mo?" excited na excited kong tanong dito. 

Hinagis ko ang paper bag sa couch at sinaluhan siya sa kusina. Nakatingin na ito sa akin at may nakahanda nang kutsara para tikman ko. Hinipan niya muna iyon bago inilapit sa akin.

Agad sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi nang matikamn iyon. "Ang sarap!" sabi ko at binigyan pa siya ng thumbs up.

"Is it not too salty?" tanong niya. Umiling ako bilang sagot.

Nang makatapos siyang magluto ay kumain na rin kami ng tanghalian. 

"Nga pala! Pakita ko sa 'yo yung nahiram kong damit kay Maia!"

Mas nauna pa akong natapos ditong kumain kaya naisipan kong ipakita muna sa kaniya ang nakuha kong damit kay Maia.

Mabilis akong tumayo at nagpunta sa aking kwarto. Mabilis ko lamang iyong nasuot at lumabas din pagkatapos. 

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang ay nakatingin na agad sa aking direksyon si Hugh. Umiinom pa ito ng tubig mula sa baso at agad kong napansin ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi nang makita niya akong lumabas ng kwarto.

"Ano? Bagay ba?" makulit kong tanong at umikot-ikot pa sa kaniyang harapan.

Binaba niya ang tubig na hawak-hawak habang nanatili pa rin ang tingin sa aking suot. Iginala niya ang kaniyang mata mula sa aking balikat pababa sa aking tuhod. 

"Magsusuot pa 'ko ng nude heels para tumangkad pa 'ko. Ano sa tingin mo? Kulot o straight na buhok? Mag-bag pa ba ako o purse nalang?" sunod-sunod kong tanong.

Tumawa ito nang mahina at sunod-sunod na tumango. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa aking mukha hangga't sa magtagpo ang aming mga mata.

"You would look great in anything, Jade," sagot nito.

Pinaningkitan ko ito ng mata at saka piningot sa ilong. "Kailangan ko ng matinong sagot, Hugh! You choose, straight or curly hair?" 

"Straight."

"Bag or purse?" 

"Purse."

Pumalakpak ako nang makuha lahat ng kaniyang sagot. "Kapag ako, pangit bukas, ikaw ang sisisihin ko," saad ko.

Tumawa naman ito at saka umiling. "You will look beautiful tomorrow, Jade. Trust my taste," sagot niya.

Katulad ng sinabi sa akin ni Hugh ay ganoon din ang ginawa ko kinabukasan. Mayroon kasi akong pupuntahan na kasal ng aking kamag-anak sa side ng aking tatay. Light brown ang theme ng kanilang kasal kaya iyon ang hiningi kong kulay ng damit kay Maia.

Inunat ko ang aking medyo wavy na brown na buhok at naglagay lamang ng kaunting makeup. Ayaw ko namang masyadong kapalan at baka mas pakak pa ang aking makeup kaysa sa bride.

Maaga pa lamang ay nagsimula na akong mag-drive papunta sa venue. Nasimulan ko ang kasal nila sa simbahan hanggang sa pinakadulo. Nang matapos ay sumunod din naman ang pagpunta namin sa venue kung saan gaganapin ang reception.

Naka-arrange na ang mga upuan kung saan uupo ang mga bisita. Nang makalapit ako sa aking table ay nakita ko agad doon ang aking ama at ang iba pa nitong mga kapatid. 

Lumapit ako doon at agad din naman nila akong napansin. Binati ko muna ang dalawa kong tiyahin at ang isa kong tiyuhin. Huli kong nilapitan si Papa na nakaupo lang sa kaniyang upuan at hindi manlang ako binabati.

Nang makaupo ako sa kaniyang tabi ay wala manlang nagsasalita ni isa sa amin. Tinignan ko pa ito at napansin ang kaniyang suot.

Saan siya nakakuha ng pangbili ng para sa formal attire niya? Naka-coat kasi ito at saka naka-slacks. Ang dati niyang inattendan na kasal din ng aming kamag-anak ay naka-tshirt at pantalon lang siya. 

Hangga't sa magsimula na ang pagpasok ng bagong kasal ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Papa. Hinayaan ko na lamang siya at baka ayaw niya rin akong kausapin.

Maya-maya pa'y nagserve na rin ng pagkain. Nagulat na lamang ako nang makitang tumuturo sa akin si Papa. Nang tumingin ito sa akin ay nakatingin pala siya sa aking palapulsuhan.

"Anong nangyari dyan?" tanong niya.

Napatingin ako doon at nakita ang peklat ng sugat na galing kay Jake. "Wala. Sugat lang," walang emosyon kong sagot.

"Sinong gumawa?" tanong pa niya.

Naglabas ako ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy sa pag-kain. "Si Jake," sagot ko.

Akala ko ay titigil na siya doon nang biglaan ko itong marinig na tumawa nang mahina. "Mana ka nga sa nanay mo," bulong niya na mas nagpakulo lamang sa aking dugo.

Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na hindi gumawa ng eksena sa kasal ng aking pinsan. 

Kalma, Jade... Masyadong maraming tao para magbangayan kayo ng tatay mo.

Hinayaan ko na lamang siya at binalewala ang kaniyang sinabi.

"Ikaw? Saan galing 'yang damit mo? Never ka naman nagsuot ng mga ganyan, 'di ba?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Pakialam mo ba? Eh sa may nakuhanan ako ng pera? Uto-uto masyado eh," sagot niya sabay halakhak.

Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. At saan naman siya nakakuha ng kukuhanan ng pera? Ano? May sugar mommy na ba siya? Tanda niya na para magkaroon ng ganoon.

Maya-maya pa ay nakisalo na rin sa amin ang mga tiyahin at tiyuhin ko.

"Grabe, buti pa 'tong si Pauline, kabata-bata pa ay successful na sa career niya," sabi ng isa kong tita. Tinutukoy niya ang aking pinsan na bagong kasal. Engineer kasi. Kaya mataas ang tingin nila, may title sa pangalan.

"Oo nga. Nakasungkit din ng isa pang engineer, tulad niya. Mukha pang mabait," sagot naman ng aking nag-iisang tito.

"Ikaw ba, Jade? Kailan ka ikakasal? Hindi ba't may jowa ka ng tatlong taon na?" singit ng isa ko pang tita.

Tumawa ako nang mahina at saka umiling. "Ah, hindi po, Tita..." bulong ko.

"Hindi? Bakit? Hindi pa ba hinihingi ang kamay mo sa kasal?" tanong nito.

"Ah, hindi po. Naghiwalay na po kami ni Jake," sagot ko.

"Ay, ilang taon ka na ba, hija?"

"Twenty-five po."

"Halos kasing-edad mo lang pala si Pauline! Grabe, kasal na siya tapos ikaw hiniwalayan pa ng jowa. Anong edad ka na mag-aasawa nyan?" sabi nito sabay tawa. Nakitawa rin sa kaniya ang iba ko pang tiyahin at tito.

Kasalanan ko bang ginago ako ng jowa ko? Ginusto ko ba na magloko siya?

Kung alam lang nila ang dahilan, hindi siguro nila masasabi ang mga salitang 'yan.

But, they don't know my story. They don't know my whole story that's why they easily judge me. And it fucking hurts, but I can't do anything. I can't do anything but to let them judge me, because in the end, they wouldn't believe in my story.

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

1M 34.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
158K 3.8K 33
She is the daughter of Albuera's former mayor. The looks. The wealth. The power. She has it all. She can get what she want. Who she wants. Wherever a...
127K 3.1K 49
Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if there is a will, there is a way. She wil...