Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

182K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 14

2.6K 52 3
By zxantlyx


Chapter 14

Love Sucks

PINANOOD ko ang mga tao habang abala sila sa pagpapaalam sa kanilang kaibigan. Nakaupo pa rin ako sa bar stool habang pinapanood si Hugh na kausapin ang kaniyang mga bisita.

Ramdam ko na ang sakit ng aking ulo na may kasama pang pag-ikot ng aking paningin. Antok na antok na rin ako, gustong-gusto nang umuwi, pero ayaw pa akong payagan nina Hugh, Maia, at Nica na umuwi nang mag-isa.

Inilipat ko ang aking tingin sa katabi kong babae. Nakasalampak na ang mukha ni Nica sa counter top ng bar at hindi na kinaya ang antok.

Si Maia naman ay nasa kabilang bar stool, busy sa kaniyang cellphone. Umalis na rin kasi si Andre kaya wala na siyang makakalandian. Hindi ko alam sa kanila.

Unti-unti nang napipikit ang aking mga mata dahilan para kurutin ko ang aking sarili sa braso. Luminga-linga ako sa aking paligid at napansin ang ibang taong nag-aalisan at ang iba naman ay nagsisipasukan pa lamang.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa aking harapan, kung saan mayroong bartender sa isang gilid. Inangat ko ang aking kamay at agad naman itong lumapit sa akin.

"One shot of vodka, please," mahina kong sabi.

Tumango naman ito ngunit agad din napatigil nang tumingin sa aking likuran. Kumunot ang aking noo at saka inilipat ang aking tingin sa likod. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita si Hugh at Maia.

"Don't give her more alcohol, please. Give her water instead," utos ni Maia sa bartender habang taimtim na nakatingin sa akin. Mukhang papatayin niya na ako sa matatalim niyang titig eh!

Tinignan ko ang bartender, hinihintay kung susunod ba siya kay Maia. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Maia at sa huli ay tumigil iyon kay Hugh.

Itinaas ko ang aking kamay at saka iyon iwinagayway sa harapan ng bartender. Nginitian ko ito, sinusubukang kunin ang kaniyang atensyon.

"Mojito nalang, kuya," bawi ko. Mas hindi na 'yon nakakalasing! Baka naman hindi pa nila ako payagan!

Tumingin sa akin nang sandali ang bartender at saka muling inilipat ang tingin sa aking likuran. Napairap na lamang ako nang makita itong dahan-dahang umiling sa akin.

Nang tumingin ako sa aking likuran ay binigyan ko ng masamang tingin ang may pakana kung bakit ayaw akong bigyan ng inumin. "Inaantok na 'ko, Hugh! Kailangan ko ng pangpagising!" nagtatampo kong angal sa kaniya.

Napailing-iling na lamang sa akin si Maia habang si Hugh ay natawa na lamang nang mahina. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at inilagay ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang pambaba.

Nakakunot pa rin ang aking noo habang nakatingin sa mga mata nitong mapaglaro. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin at saka umiling.

"Stop pouting and just drink juice, Jade," he whispered.

"Kailangan ko ng pangpagising, Hugh," madiin kong ulit dito.

Muli itong umiling at tumawa nang mahina. Inilayo niya ang kaniyang mukha mula sa akin. Inangat niya ang kaniyang kamay at iniligay sa taas ng aking ulo. Naramdaman ko iyong marahan niyang hinahaplos.

"Alcohol would just make you sleep faster, Jade. If you don't want juice, then get her a bottle of water, please," magalang nitong utos sa bartender.

Agad nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang inutos nito. Humarap ako sa bartender at agad itong nadatnan na kukuha na ng tubig.

"'Wag! Mag-jujuice na lang ako. 'Wag tubig. Ayaw ko ng tubig," pagpigil ko sa bartender. Agad naman itong tumango at kumuha na ng juice.

Nang makaalis ito ay muli kong binigyan ng masamang tingin ang dalawa kong kaibigan.

"Tangina niyong dalawa," inis kong bulong sa kanila. Nilipat ko ang aking tingin kay Hugh at pinaningkitan ito ng mata. "Kanina pa ako ihi nang ihi dahil puro tubig binibigay mo sa akin! Nakaka-ilang bote na ba ako, ha? Balak mo na atang gawing tubig ang dugo ko."

"Don't be dramatic, Jade. You only drank three-fourths of the bottle of water I gave you earlier," sagot nito.

Kumunot ang aking noo nang marinig iyon. 'Di ko ba naubos yung binigay sa aking isang bote ng tubig kanina? Tangina, feeling ko kanina pa ako umiinom ng tubig dito eh. Naka-ilang balik na rin ako sa banyo.

Sa huli ay tinanggap ko na lamang na hanggang juice at tubig na lamang ang aking maiinom. Wala eh. Bantay-sarado ako ni Maia nang umalis si Hugh para kausapin ang iba pa niyang kaibigan.

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa bar hangga't sa medyo umayos-ayos na ako. Gising na rin si Nica at dumating na rin si Jaydee at Kurt. Nakasandal lamang si Nica sa gilid ni Maia habang nakatayo iyon sa tabi ng inuupuan ni Nica.

Pansin ko ang paunti-unting pagnanakaw ni Nica ng tingin sa gilid nina Kurt at Jaydee. Hinihintay rin kasi nilang matapos si Hugh.

Finally, the last group of his friends got to say goodbye to him. Natapos na rin!

Lumapit siya sa amin at agad ding kinausap ang dalawa niyang kaibigan na lalaki. Nagpaalam si Jaydee at Kurt sa aming tatlo. Pansin ko pang tumigil si Jaydee sa harapan ni Nica at kinurot sa kaniyang pisngi.

Natanggal din ang aking tingin sa kanilang dalawa nang lumapit na rin sa akin si Hugh. "You ready to go?" tanong nito sa akin.

Makulit akong tumango sa kaniya at saka mabilisang tumayo. "Finally! Tangina, ang tagal ko nang gustong humilata sa counter!" nang-aasar kong sagot at hinampas pa nang kaunti ang bar counter.

Tumawa ito nang mahina at ginulo ang aking buhok. "Are you sober enough to drive?"

Magsasalita na sana ako nang biglaang sumingit sina Maia at Nica. Nakaakbay na si Nica kay Maia dahil medyo tipsy pa ito. "I think Jade can drive herself home now. We'll get going now. Thank you for the drinks, Hugh."

Nang umalis sina Maia at Nica ay maya-maya'y sumunod na rin ako sa kanila. Nakabuntot pa rin sa akin si Hugh, sinisigurong kaya ko nang mag-drive.

"Kaya ko na nga, Hugh! Tignan mo, maaabala pa kita kapag hinatid mo 'ko! Bumalik ka nalang doon sa loob, mag-asikaso ka ng customer," sabi ko nang makalapit sa parking lot, kung saan ko pinarada ang aking sasakyan.

"Jade, come here," mahina niyang tawag.

Hindi ako tumigil mula sa paglalakad at palapit na sana sa may driver's seat nang biglaan kong maramdaman ang kaniyang kamay sa aking braso. Mahina niya akong hinila at saka hinarap sa kaniya.

"Walk in a straight line then. I'll let you drive if you can do that," paghahamon niya.

I let out a dramatic sigh and rolled my eyes at him. "Kaya ko na nga mag-drive! Marunong akong mag-drive, 'wag kang mag-alala," sagot ko.

Bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa akin at saka pinagkrus ang kaniyang braso. "How do you drive then?" tanong nito at pinagtaasan pa ako ng kilay.

Napatigil ako nang marinig ang kaniyang tanong. Pucha, tinatanong pa niya 'yan? Kahit lasing na lasing na 'ko, alam ko kung paano mag-drive. Pro kaya ako! Ipikit o piringan niya man ang mga mata ko, kaya kong makauwi!

"Mag-dridrive ka lang," maiksi kong sagot.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "How?"

Naglabas ako ng malalim na buntong-hininga at saka inangat ang aking kamay. I stretched my arms forward, squatted a little then scoffed. Umakto akong parang may hawak na manibela.

"Ganito 'oh. Vroom vroom," mapaglaro kong sabi at inikot-ikot pa ang aking kamay na parang nagmamaneho. Sumabay pa ang aking katawan sa paggalaw at umandar nang kaunti.

Tumawa ito nang mahina at saka umiling. "Yeah. Get in the passenger's seat," sabi nito at kinuha mula sa aking kamay ang susi ng aking kotse. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa driver's seat.

Napanganga na lamang ako nang pumasok ito sa loob ng aking kotse. Kita ko pa itong tumingin sa akin mula sa salamin ng kotse. Pinagtaasan niya ako ng kilay at saka itinuro ang passenger's seat.

Wala na lamang akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Pumasok ako sa loob at saka isinuot ang seatbelt.

Hindi naman sa ayaw kong ihatid niya ko, pero kasi dapat nasa loob siya ng bar niya at hindi naghahatid ng lasing na kaibigan!

Nanatili akong tahimik sa buong byahe namin. Ilang minuto na lamang ay makakarating na rin kami sa condo building ko. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang minamasahe ang aking sentido. Ramdam ko na ang sakit ng ulo ko.

Sinarado ko ang aking mata nang umikot ang aking paningin. Sinubukan kong matulog para hindi mahilo, pero hindi ko talaga mapigilan. Naramdaman ko na lamang na umiikot ang aking tyan kasabay ng pagpipilit ko sa sarili kong hindi masuka.

Inangat ko ang dalawa kong kamay at tinakip ang isa sa aking bibig at ang isa nama't pinangtapik ko kay Hugh. Agad itong napatingin sa akin.

"M-masusuka ako!" sigaw ko.

Kita ko ang pagdaan ng pagkataranta sa kaniya mukha. "Wait, Jade," natataranta nitong sagot.

Naghanap muna siya ng pwedeng lugar kung saan pwede kaming tumabi at nang maitabi niya ang kotse ay agad akong bumaba at sumuka sa damo sa tabi. Buti na lamang at hindi gaanong kadaming tao ang naglalakad-lakad dito at walang makakatapak sa suka ko.

Naramdaman ko ang preseniya ni Hugh sa aking likuran at tinulungan akong hawakan ang aking buhok. "And you still wanted to drive yourself home," mahina niyang banggit.

Ngumiwi ako dahil hindi na maganda ang aking pakiramdam. Agad niya naman akong inabutan ng panyo at pinunasan ko ang aking bibig.

Nang alam kong naisuka ko na lahat ay muli kaming bumalik sa loob ng kotse. It only took us a few more minutes after arriving at my condo. Hanggang sa taas ay hinatid pa ako ni Hugh.

Palakad pa lamang kami papunta sa pintuan ng aking condo. Nang makalapit kami sa pintuan ng aking condo ay napatigil ako nang makakita ng bulaklak sa labas ng pintuan.

Kunot-noo ko iyong nilapitan at saka pinulot mula sa lapag. May card na nakapatong sa bouquet. Punong-puno ng kulay pink at red na rosas ang bouquet. Binuksan ko ang card at binasa kung kanino iyon galing.

From: Jake

I'm sorry, Jade.

'Yun lamang ang nakasulat sa maliit na card.

Nang tumingin ako kay Hugh ay umiling na lamang siya. "Jade?" tawag niya.

Agad ko namang binuksan ang aking condo at dire-diretsong pumasok sa loob. Nang makalapit sa aking couch ay agad kong ibinagsak ang aking katawan doon at hinayaang mahulog ang bouquet sa sahig.

"You still need to clean yourself up," rinig kong sabi ni Hugh sa aking tabi.

Inabot niya ang bulaklak na nahulog sa sahig at saka ipinatong sa maliit na lamesa sa tapat ng aking couch.

"Ayaw ko na. Inaantok na 'ko," bulong ko at ipinikit ang aking mga mata.

Pagkatapos noon ay wala na akong narinig pang sumagot siya sa akin. Unti-unti na akong hinihila ng antok nang biglaan akong makaramdamn ng malamig na bagay sa gilid ng aking labi dahilan para magising ako.

Bumungad sa akin si Hugh na seryosong-seryoso ang mukhang pinupunasan ang aking labi. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi nang mapagtantuang nililinis niya ang aking bibig dahil sumuka ako kanina.

May hawak-hawak na siyang maliit at basang bimpo at dahan-dahang dinadampi sa gilid ng aking labi. I swear, napakabait at mapag-alaga niya sa mga kaibigan niya!

"Thanks, Hugh," bulong ko rito at muling ipinikit ang aking mata. Dinama ko na lamang ang marahan niyang paglilinis sa aking bibig.

"You still need to brush your teeth," sagot niya.

Tumango ako at nanatiling tahimik. Maya-maya pa ay hindi ko na lamang napigilang mapabuntong-hininga.

"Just to be clear, hindi ako babalik kay Jake," I randomly said. Alam ko kasing nakita niya kung kanino galing yung mga bulaklak. Ang sama ko namang tao kung hindi ko i-eexplain ang side ko sa taong nandyan para sa akin.

"That's good. Because it will all be useless if you will just get back with him," sagot niya.

Hindi ko alam. Feeling ko ay kailangan ko na tuloy i-explain ang lahat kay Hugh dahil sa reaksyon ni Maia kanina. Baka kasi maisip din ni Hugh ay pinaglalaruan ko lang siya at hindi sineseryoso ang gusto kong pag-momove on.

"Seryoso ako sa pag-momove on, Hugh. Gusto ko kasing mapatawad si Jake dahil feel ko ay part 'yon ng pag-lelet go ko..." bulong ko.

"You don't have to explain to me, Jade. If you know that you're not doing anything wrong, then it's all fine. I trust you."

Nang matapos niyang linisin ang paligid ng aking bibig ay nagsipilyo na rin ako. Umalis na rin siya pagkatapos ng sandaling kwentuhan.

Lumipas ang ilang araw na paulit-ulit ang pagpapadala ni Jake ng kung ano-anong bagay. Lagi iyong may letter na 'I'm sorry'.

Napadalas na rin ang aking pagbisi-bisita sa bar ni Hugh. Kahit malayo-layo sa condo ko ay mas pinipili kong doon pumunta. Hindi kasi masyadong matao lalo na kapag maaga-aga pa lamang. Umaalis na rin naman kasi ako nang maaga kapag weekdays.

Ngayon, dahil weekend ay napagtripan kong pumunta ulit sa bar niya. Hindi ko na naisipan pang tawagan siya dahil noong mga nakaraang araw ay lagi niya akong sinasamahang uminom.

Mabilisan akong umupo sa pang-isahang upuan at saka humarap sa counter. Itinaas ko ang aking kamay upang makatawag ng atensyon ng isang bartender. Mabilis naman itong rumisponde sa aking tawag at lumapit sa akin.

Nag-order ako ng isang beer dito. Pagkatapos ay habang hinihintay itong makarating ay iniikot ko muna ang aking paningin sa buong paligid.

Dito na ako madalas nagpupunta kung kailangan ko ng... syempre, alak. Alcohol is my friend, but sometimes it can be my enemy too. May love and hate relationship na ata talaga ako sa alak.

Marami-rami na rin ang mga taong nasa loob ng bar. There were some people partying to the loud music coming from the big speakers. Mayroon namang ibang nakikipaglandian lang sa mga hindi nila kakilala. There were some who are already passed out.

Maaga-aga pa nang kaunti kaya hindi pa masyadong puno ang bar. I mean, Hugh's bar is probably one of the most high-end bars around the city, so most of the people here are rich. Hindi basta-basta nakakapasok, kumabaga exclusive.

Hindi ko ba alam kung paano ako nakaka-party dito eh hindi rin naman ako mayaman. I guess, it's just the perks of being close friends with the owner.

Muli kong ibinalik ang aking tingin sa counter nang marinig ang pagkakalagay doon ng beer na aking inorder. Sumimsim ako mula sa baso, unti-unting tumataas ang gilid ng aking mga labi. It has been quite a while since I last drank beer. Parang nakalimutan ko na nga ata ang lasa nito.

Dahan-dahan kong ininom ang beer habang palinga-linga sa buong paligid. Unti-unting kumunot ang aking noo. I want to party so bad already! But, I'm still not drunk enough to have the guts to do it.

It's my own rules about myself. If I want to dance freely in the middle of the crowd, I should at least be a little tipsy.

Yes, I am friendly to others and definitely a lot more out going compared to Maia and Nica. Pero, minsan tinatamaan din ako ng kahihiyan sa katawan 'no! Hindi naman pwedeng puro kapal lang ng mukha ang mayroon ako.

Nagbabalak na sana akong tumayo mula sa upuan, iiwan na sana ang natitirang beer na ininuman ko nang biglaan akong makatanaw ng pamilyar na mukha mula sa malayo. I squinted my eyes to see the person's face clearly through the multiple colored lights shining inside the room.

Agad sumilay ang malaking ngiti sa aking mga labi nang mapagtantuan kung sino ito. Unti-unti itong lumalapit sa akin ng may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. It's Hugh!

Sinundan ko ito ng tingin hangga't sa makaupo ito sa aking katabing upuan. "Having fun partying again, Jade?" pang-aasar nito sa akin habang may malawak na ngisi sa kaniyang mga labi.

Umiling ako sa kaniya at hinarap ito nang maayos. "Bakit? Masama na bang magpakasaya?" tanong ko rito pabalik.

Naramdaman ko ang paghagod ng kaniyang mga mata sa kabuoan ng aking katawan. He was checking my outfit out.

"You should've told me that you're coming over. I could've talked to you while you were drinking. You know I'm always available, right?" anito kasabay ng pagtaas niya ng kilay sa akin.

I laughed at his words as I threw a light punch on his arm.

"Gago, nakakahiya pang tawagin kita. Syempre, busy ka rin sa trabaho mo 'no. At saka, ayos lang naman akong mag-isang umiinom. Maya-maya mawawala din naman ako sa tabi mo, nag-paparty na sa gitna," natatawa kong sagot sabay turo sa dance floor kung saan marami na ang taong sumasayaw.

Sabi ko rin sa sarili ko ay parte na rin ito ng pag-momove on ko. Hindi ko na lilimitahan ang aking sarili dahil lamang broken-hearted ako sa kaniya.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga nito kasabay ng pagiging seryoso ng ekspresyon sa kaniyang mukha. "Why are you here alone, Jade? Any problems with your love life again?" he asked with a serious tone.

Agad naman akong napatigil nang marinig ang kaniyang sinabi. Tumawa ako nang mahina at saka umiling.

Wala naman akong literal na love life ngayon. Sadyang, hindi pa ako nakaka-move on nang tuluyan. I still haven't gotten my closure from my last relationship of three years.

At kaya nga nagiging madalas na ang pagkikita namin ni Hugh ay dahil tutulungan nga daw niya akong maka-move on, as a friend.

"You know, love really sucks."

Napaangat ang aking tingin nang marinig ang muling pagsasalita ni Hugh. Tumitig ako rito habang nakatingin lang naman ito pabalik sa akin.

"I think I'm starting to like someone. A woman, who I know wouldn't like me back. A woman who still hasn't moved on from her past," dagdag nito.

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkalaglag ng aking panga sa gulat. "Talaga?! Bakit? Ang tanga mo naman, Hugh!" I exclaimed.

Napailing na lamang ito sa akin kasabay ng pagtawa niya. His laugh echoed in my ears. "Coming from you, Jade? Someone who tolerated her boyfriend's bullshit for three years?" pang-aasar nito.

"Hoy! Hindi naman tatlong taon nang ganyan si Jake! Mga dalawa pa lang... Mabait naman siya sa akin noong first year together namin..." sabi ko, unti-unting humihina ang boses sa mga huli kong sinabi.

Jake was really not abusive to me before. I just... I don't know what happened.

Binalewala ko na lamang ang mga sinabi ko at saka muling inabot ang natitirang beer sa aking baso kanina. I drank it in one go and looked back at Hugh.

"Bakit ka ba kasi nagmahal ng taong hindi pa pala nakaka-move on sa kaniyang nakaraan? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ka nagmahal ng taong hindi ka naman pala kayang mahalin pabalik?"

⛓️

-zχαnтℓуχ-

Continue Reading

You'll Also Like

135K 4.7K 43
The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris Segovia, it is also the home of her dream...
21.4K 552 22
Vixiena Marie Sandoval was never fond of his brother's best friend, Axel Valderama. She hates his gut, his smirk, his confidence, his presence.. ever...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
130K 3.3K 36
𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the second time around so what would happen...