Revee Academy (On-Going)

By Maxchy18

85 7 2

Isang akademyang malayo sa normal na kabihasnan ng mga normal na mga tao. Akademyang nakalaan upang hasain at... More

Revee Academy
Chrisianne
Aura
Mission
Poseidon
Transferees
Delphi
The Three Major Gods

Fir

9 0 0
By Maxchy18

"F*ck!" Pagmumura ni Craige habang iniilagan ang mga tira ng kalaban niya.

Napilitan kaming makipaglaban sa mga villagers dahil hindi kami makausad sa gitna ng village kung hindi namin sila malilinlang na patulugin pansamantala hanggang hindi pa namin alam ang nangyari.

Ayaw pa nga sana akong payagan ni Craige kanina na makipaglaban pero wala din siyang nagawa ng sugurin kami ng mga villagers.

Kada minuto siya kung lumingon sa akin para tignan kung ano na ang kalagayan ko saka babalik sa pakikipaglaban kapag nakikitang nakakapatumba ako ng kalaban na tulog na pansamantala sa lapag.

Napapangisi pa siya kapag hindi ako magawang tirahin ng mga kalaban. Paano ba naman kasi, nilagyan niya ako ng shield. Unfair siya pero advantage na rin namin iyon para maayos agad itong gulo ngayon.

"Craige ilag!"

"Captain!"

Nagulat kami ng biglang tumalsik sa malayo si Craige dahil hindi niya nakita ang tinira ng kalaban niya. Sunod na tumumba ay yung lalaking tinawag siyang captain. Ako na lang ang nag-iisang nakatayo ngayon dito habang dahan-dahan akong pinapalibutan ng mga kalaban naming tila wala sa wisyo at parang robot na nakikipaglaban sa amin.

"Make sure to not kill anyone of them as long as we're not yet sure who's the ally from our enemy."

Napabuntong-hininga ako nang maalala ang paalala sa amin ni Craige kanina bago kami makipaglaban. Tama naman. Kaso ang hirap gawin iyon kung hindi mo kabisado ang kalaban mo. Paano pala kung magtutulog-tulogan lang pala ang kalaban at tirahin ka nito habang nakatalikod ka? Overthink pa self.

Napalingon ulit ako kung saan tumilapon si Craige at yung kasama namin pero hindi ko na sila makita dahil sa mga wala sa wisyong villagers na nakapalibot sa akin. Napapikit ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Ang tanga self, mag-isip ka!

Kapag hindi kailangan ang galing kong mag overthink tapos kapag kailangan lumilipad na ang utak ko. Kainis.

Sa hindi ko malamang dahilan ay may mga imaheng pumasok sa utak ko.

Isang batang babae na pinalilibutan ng dalawa pang magkasing-edad na batang lalaki, isang lalaking siyang nasa harapan ng batang babae at isang babae na siyang katabi ng mga batang lalaki sa tabi na tila pinapanood ang nagaganap sa batang babae sa gitna.

"Ipunin mo ang lahat ng enerhiyang iyong nararamdaman sa iyong katawan at utusan ito ayon sa iyong kagustuhan. You should always be the superior, not your revee over you."

Pumikit ako at pinakiramdaman ang enerhiyang tila gustong kumawala sa loob ko. Magkahalong init at lamig ang nararamdaman ko ngayon ay unti-unti ko nang nararamdamang kumakawala mula sa palad ko. Pagbukas ng mata ko ay ang pagkawala ng salita mula sa bibig ko at siya namang pagbagsak sa lapag ng mga kaninang wala sa wisyong villagers.

"Poong likha, alisin ang lahat ng tinta ng kasinungalingan sa kanilang puso't isipan. Bukal ng katotohanan, buksan ang pinto ng pag-uunawa at unawain ang iyong likhang wala sa sarili't pukawin ang natutulog na damdamin patungo sa kagalingan. Aking alagad tinatawag kita. Fir, espiritu ng kagalingan lumabas ka!" Kusang lumabas sa bibig ko mga katagang hindi ko alam kung saan nanggaling na parang alam ko ang ginagawa ko.

Tumambad sa harap ko ang isang babaeng naka berde ang damit, puti ang kulay ng buhok at mata at may tengang parang sa isang dwende sa haba. Nakayuko ito sa harapan ko na tila nagbibigay galang sa akin.

"S-sino ka?" Nang matauhan ay biglang tanong ko.

"Ang ngalan ko po ay Fir. Tinawag niyo ho ako kanina mahal na theá." Aniya. May gusto pa sana akong itanong pero unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Naramdaman ko na lang na sinalo ako ni Fir nang matumba ako sa sobrang panghihina at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Craige Alfierro

Fir? What is he/she?

"Ako na ang bubuhat sa mahal na theá. Kailangan nating tapusin ang kaguluhan sa bayang ito. Magmadali." My forehead creased hearing what she said. Is she ordering me around?

"Paumanhin, Θεέ μου (theé mou)." She apologized. I just ignored it and looked at the girl in her arms. I want to take her away from this being but looks like she won't let me.

"Eímai o prostátis tis, árchontá mou. Tha tin prostatépso me ti zoí mou, pistépste me. (I am her protector, my lord. I will protect her with my life, trust me.)"

I just heaved a sigh in defeat. Fine. But that won't stop me from killing her if something happens to Sia because of her. I sent her a warning through telepathy. She just nodded her head in disbelief.

We walked towards the village where the villagers are fighting each other senselessly like the ones we encountered earlier. Their eyes are blank and lifeless meanwhile their body's moving like a madman. Fir, this being we are with made us a shield that whoever tries to attack us will instantly lose consciousness.

We walk around the village observing each parts, looking for clues of the origin of the mess.

"M-My lord." Our attention drifted from the surroundings to the villagers who surrounded us.

My eyes squinted to see what looked like a thread that could hardly be seen because of its color from the back of their necks. Perhaps the perpetrator is just around the corner!

I run as fast as I could towards the back of the village where this sh*t started. The two behind me were running after me. We're all got shocked with what we saw.

The portal of nightmares...

"The portal of nightmares..."

Nadine

Nagising akong lumulutang -- nakapasan pala ako sa likod ng isang nilalang na may puting buhok. Napansin niya yatang gising na ako kaya tumigil na ito sa paglalakad at binaba ako sa kama. Gulat kong pinagmasdan ang paligid ko. Nasa kwarto ko na ako dito sa dorm sa academy! Hala anong nangyari doon sa village?

"Mi lady. Mabuti at gising ka na po." Nailang ako ng lumuhod siya sa harapan ko habang ang kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib na naka kamao habang nakaluhod ang kaliwang tuhod at ang kanan ay hindi.

"Anong nangyari?" Wala sa sariling tanong ko na narinig niya yata kaya sumagot siya.

"Matagumpay na nabigyang sulosyon ang kaguluhang naganap sa bayan ng mga fire gorgons." Fire gorgons?

"Fire gorgons ang tawag sa mga naninirahan sa pulang bayan na nagkaroon ng kaguluhan kanina." Paliwanag niya na tinanguan ko. Malamang si Craige ang nakaalam ng nangyari. Wala manlang akong naitulong.

"Magpahinga ka po muna at ako'y maghahanda ng iyong makakain." Aniya nito saka lumabas ng kwarto ko.

Pagkalabas niya ay nakasalubong niya pa sila Des na papasok na sa kwarto ko na nagtatakang sinundan ng tingin ang mahiwagang nilalang na galing dito sa kwarto ko.

"Sino iyon?" Tanong ni Sophie pagkapasok nila sa kwarto ko. Saka ko naalala ang pangalang sinabi ng nilalang kanina sa akin bago ako mawalan ng malay.

"Fir. Bagong kaibigan ko." Sagot ko na ikinataas kilay nilang dalawa ni Des.

"Hindi ka naman friendly, sa pagkakatanda ko. Bakit dumadami yata ang kaibigan mo ngayon? Extrovert ka na ba bestfriend?" Tanong ni Des sa akin.

"Sadyang tinulungan lang nila kami nila Craige kanina nang nakipaglaban kami sa mga villagers ng fire gorgons nang magkaroon ng kaguluhan doon kanina." Paliwanag ko na ikinalaki ng mga mata nila saka nila ako sinipat at panic na ininspeksyon ako mula ulo hanggang paa.

"Ayos ka lang ba bestfriend? Anong ginawa nila? Sinaktan ka ba nila?" Sunod-sunod na tanong nilang dalawa habang pinipilit kong alisin ang kamay nila sa katawan ko.

"Ayos lang ako ano ba kayo." Sagot ko na nagpatigil sa kanila sa ginagawa nila sa akin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Sophie sa akin.

"Hindi ko pa alam. Nawalan ako ng malay pagkatapos lumabas ni Fir kaya hindi ko na alam ang iba pang nangyari. Itatanong ko nga rin iyon mamaya sa kaniya." Napatango-tango naman sila at sinabihan akong magpahinga muna at babantayan daw nila ako. Sinabihan ko na nga silang kahit huwag na dahil nandiyan naman si Fir at isa pa ay kaya ko naman ang sarili ko pero lalong hindi sila nakinig.

Nagkaniya-kaniya sila ng gawain pero hindi sila lumabas ng kwarto ko kaya hinayaan ko na lang. Kilala ko sila Sophie at Desiree at sa oras na may sabihin sila gagawin talaga nila.

"Wala ba kayong klase ngayon?" Tanong ko sa kanila dahil naalala kong baka may pasok sila tapos nandito sila ngayon nagbabantay sa akin.

"Duh bestfriend nakalimutan mo na bang Martes ngayon?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nila. Ano nga ba'ng meron tuwing Martes?

"Training day, the whole day... Pero since we're royalties, puro missions lang kami this day." Ahh..

"Pero walang binigay na mission sa amin ngayon kaya andito lang kami sa dorm." Dagdag ni Sophie sa paliwanag ni Des.

"Buang. Tayo lang ang hindi binigyan ni Sir Kyle at ni Leader ng mission dahil kailangan tayo dito ni Nads." Ha?

"Oo nga pala. Pasensya naman." Nasabi na lang ni Sophie habang nagkakamot ng batok. Hindi ko sila masundan. Nakabalik na kami mula sa Fire Gorgon Village kanina lang tapos nasa mission ang iba maliban kila Sophie at Desiree dahil pinaiwan talaga sila rito para abangan ang pagdating namin ni Fir at bantayan ako? Tama ba?

***

Nasa loob lang ako ng kwarto buong araw kasama sila Sophie at Desiree at nakahilata lang o hindi kaya ay natutulog lang ako dahil hindi nila ako pinapayagang magkikikilos masyado dahil kailangan ko raw magpahinga.

Alas-sais na ng gabi ngayon at nandito pa rin ako sa kwarto at nakahiga sa kama ko. Bumaba na kanina sila Sophie para maghanda ng hapunan namin. Hindi pa rin dumadating ang iba naming kasama at umalis na muna pansamantala si Fir kanina, sabi niya tawagin ko lang daw siya sa pangalan niya at kahit anong oras ay magpapakita siya sa akin.

Naiintriga ako sa kung ano yung mission nila Craige.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa baba. Nandiyan na yata sila. Kahit ayaw nila at paniguradong mapapagalitan ako kapag nakita akong lumabas na sa kwarto ko ay lumabas pa rin ako. Naiinip na ako sa loob, kanina pa ako gising at hindi na makatulog.

"How's she?" Rinig kong tanong ng kung hindi ako nagkakamali ay si Craige.

"Nasa taas natutulog." Sagot ni Des.

Pagdating ko sa sala ay tama ang hinala ko. Nandito na nga silang lahat na mga kasamahan namin. Marahil ay hindi nila ako napansin dahil tuloy-tuloy lang sila sa mga ginagawa nila. Napaisip ako kung bakit ako bumaba at ano namang gagawin ko pero nasagot ang tanong ko ng may tumawag sa akin gamit ang telepathy---si Clea.

"Chrish! Pwede ka ba naming makausap? Nandito kami sa dorm."

Hindi na ako sumagot at agad na nagteleport sa dorm nila. Room 203 girl's dorm. Namangha pa ako ng nakaya kong magteleport kahit ito ang unang beses ko itong ginawa.

"Hi!" Masiglang bati ko sa kanila na nasa sala at ang seseryoso ng mukha. Napatalon pa sila Clea sa gulat kaya natawa ako.

"Nads naman e! Aatakihin kami sa puso sa iyo." Natawa na lang ako sa kanila.

"Buti at pinayagan ka ng mga Reveels na pumunta dito." Tanong ni kuya Chrys kaya napaface-palm ako sa realization na hindi nga pala ako nagpaalam.

"Hindi ka nagpaalam no?" Napakamot batok na lang ako bilang tugon sa kanila. Napailing naman sila. Sinenyasan naman ni kuya Azi si Clea na nakapout na tumayo at pumunta doon sa may telepono. Kakaiba ang telepono dito, kung sa mundo ng mga tao ang telepono nila ay yung may string tapos ilalagay lang sa tenga. Dito ay para siyang tablet na nasa dingding at kapag pwede kayong magkakitaan ng kausap mo sa kabilang linya.

At dahil nga sa hindi ako nagpaalam na pumunta dito, si Bia na ang nagpaalam sa akin. Muntik pa nga siyang mapagalitan nila Craige dahil nagteleport na lang ako basta papunta rito kahit naman nandoon na sila sa dorm pero buti na lang nagpakita kami nila kuya Azi at kumalma sila. Nagsorry na rin ako sa ginawa ko. Kaso may binigay silang curfew ko! Hanggang 8pm lang daw dapat ako. Pumayag naman ang mga kasama ko at nagpresintang ihahatid ako pero sabi ni leader ay sila Iron daw ang susundo sa akin. Wala naman kaming nagawa kundi sumang-ayon.

"Bakit niyo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kanila nang maalala kung bakit ako nandito.

"Gusto mo bang magtraining bukas?" Tanong ni Bia. Training? Oo naman.

"Sige ba. Actually may training nga dapat ako ngayong week kaso maraming ginagawa ang Reveels kaya napo-postpone."

"Kung ganun, bukas kami ang magtre-train sa'yo." Tumango naman ako sa kanila bilang pagsang-ayon.

"Kumain ka na Chrish?" Tanong ni Clea na ikina-iling ko. Maghahapunan pa lang kami dapat kanina bago ako pumunta dito.

"Tara kain muna tayo. Nagluto kami ni Bia kanina." Halos magningning naman ang mata ko sa narinig. Sabi nila kuya Chrys, masarap daw magluto yung dalawa kaya excited ako.

Pagdating namin sa hapag-kainan ay nagkaniya-kaniya na kaming upo at kuha ng pagkain. Adobo at caldereta ang niluto nila. Ang mga nanay at ang queen daw nila ang nagturo sa kanila paano magluto at syempre with secret ingredients.

Unang subo ko pa lang ay nasarapan na ako, dagdag pa na paborito ko ang adobo at caldereta.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na yung dalawang lalaki ng pinagkainan namin at kami naman ay umakyat sa kwarto nila ni Clea para manood ng sine at mag-bonding. Naroon ang naglaro kami ng scrabble na si kuya Azi lagi ang nananalo, nagchess na si kuya Chrys naman at ako naman ang nananalo tapos nagpillow war din kami pero biglang sumulpot si Fir habang naglalaro kami.

Seryoso ang mukha nito na nakatitig sa akin kaya kinabahan ako. Ilang sandali pa ay may narinig kaming pagsabog sa hindi kalayuan sa dorm kung nasaan kami. Agad namang nakagawa ng shield sila Fir at kuya Azi nang mabasag yung salamin ng bintana sa kwarto nila Clea.

May pumasok na limang black revees mula sa sirang bintana at pilit na winawasak ang shield na nilagay nila Fir at kuya Azi. Nagtagumpay naman siya sa pagsira sa shield kaya napilitang makipag laban sila Kuya Azi at Chrysler. Hanggang ang limang black revees ay nadagdagan pa ng sampu at pati kami ay nakikipaglaban na. Lalo silang dumadami sa paglipas ng ilang minuto. Naka sampu na ang napatay namin at parang hindi sila nauubos.

Nahihirapan kaming patayin sila dahil hindi mapagkakailang malalakas sila kaysa sa ordinaryong black revees. Unti-unti na rin kaming napapagod na anim hanggang sa pinaglaho ko na si Fir para magpahinga dahil natumba na rin siya katulad ko at lalong nababawasan ang lakas ko dahil ika niya sa akin siya kumukuha ng lakas.

"Ibigay niyo sa amin ang prinsesang iyan!"

"Karapat-dapat siyang mamatay!" Iyon ang dalawang salitang paulit-ulit nilang sinasabi hanggang mamatay sila at mula sa lumilipad na abo nila ay nakita namin sila King Poseidon na hawak ang trident niya, si God Hades na hawak ang scythe niya at si God Zeus na hawak ang lightning bolt niya.

"Ayos lang ba kayo?" Napatango naman kami kahit na tulala at halos mangatog na ang tuhod namin sa kaba dahil sa presensya nila. Isama pa ang hingal at pagod namin sa pakikipaglaban sa mga animal na iyon.

"Ako na ang bahala sa panunumbalik ng mga napinsala sa labas." Paalam ni God Zeus saka siya naglaho.

Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang lumitaw sa likod ko si Craige na seryoso ang aura. Kasunod niya ay sina Sophie at Air.

"Babalik kami dito bukas. Kayo na muna ang bahala rito. I'm counting on you, young man." Ani ni King Poseidon sa lalaking nasa likod ko saka siya naglaho kasama si God Hades. Pero hindi nakatakas sa akin ang pagsulyap at pagngiti niya kila kuya Azi at kuya Chrysler.

Walang sabi-sabing nagteleport sila Craige bitbit kaming lima nila Bia papunta sa dorm naming mga Reveels. Pagdating namin ay niyakap ako agad ni Des at Jacky na hindi napigilang maiyak dahil yata sa pag-aalala. Hindi namin alam kung gaano kalala ang naging pinsala ng pagsabog kanina pero alam naming seryoso at malaki ang pinsala sa labas dahil biglang nagpakita sa amin ang three major gods.

"Anong nangyayari?"

"Ayos ka lang ba?"

Magkasabayang tanong namin ni Desiree. Tumango ako sa tanong niya. Maliban sa hingal at pagod ay maayos naman ako. Nanghihina ako pero kaya pa. Nagkibit-balikat naman siya at tumingin sa mga lalaki lalo na sa leader namin na kanina pa tahimik.

Ilang sandali pa ay lumitaw sa harap namin si God Zeus para sabihing nilagyan niya muna nang lightning barrier ang buong eskwelahan para maging proteksyon namin kapalit ng nasirang barrier namin saka siya naglaho. Naiwan kami sa dorm na tulala.

Kinabukasan ay nagpasya si Headmaster Klein na suspendihin muna ang klase ng lahat kasunod ng nangyaring pagsalakay ng mga black revees kagabi para kumpunihin ang mga nasirang istruktura sa paligid.

Nasira kasi ang ilang bahagi ng academy kasama na ang dorm nila Clea at Bia. Nasira din ang training room namin at ang ilang bahagi ng mga classrooms kaya habang inaayos ang mga iyon ay gumawa muna ng pansamantalang tutuluyan ang mga Reveels at nila Headmaster.

Ngayon naman ay wala dito sa dorm ang mga prinsipe't prinsesa dahil pinatawag sila nila Headmaster para sa isang misyon sa labas ng academy. Kung ano iyon, ay hindi namin alam.

Kasama ko ngayon sila Clea dito sa dorm, pinakiusap kasi nila Sophie na habang nasa misyon sila ay dapat may maiwan na kasama ko dito at dahil na rin sa sira pa ang girl's dorm pati ang ibang parte ng boy's dorm ay dito na muna sila sa dorm namin titira. Nilagyan naman ni Headmaster ng pansamantalang third floor ang dorm namin para magkasya kaming lahat. Sa unang floor ang sala, kusina, entertainment room, at ang hidden meeting room. Sa pangalawang floor naman ang room namin nila Sophie at sa third floor ay ang kwarto naman nila kuya Azi, Chrys, Clea at Bia.

"The academy is under code E." Ayan ang maririnig na usapan ng lahat. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nilang sabihin pero alam kung seryosong bagay iyon.

"Omyghad!" Napanganga kaming lahat ng may portal na lumabas sa gitna ng field at lumabas mula roon ang sangkaterbang mga warriors mula sa Olympus at underworld.

Continue Reading

You'll Also Like

136K 3.8K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
132K 262 91
Erotic shots
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]