Six Months Agreement with Mr...

By marya_makata

1.5M 33.7K 3.6K

"Six months isn't enough, I want to spend a lifetime with you." -Hot Hotelier Series 1 *** Hindi madali ang l... More

Warning: SPG (R-18)
Happy 1M Besties!!
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Wakas
Special Chapter
New Book Alert!!

Kabanata 63

14.2K 349 33
By marya_makata

MargarineGirl ikaw talaga nagpapasaya sa comment section ko, nag uupdate na lang yata ako para makibalita sa mga crush mo. Keep on fighting bb, ako nga eight years na di kinakrassback buhay pa rin, ikaw pa kayang krass ng bayan.

***

KABANATA 63 :: FAMILIAR

"Usap tayo mamaya ha anak?" I kissed he cheeks and stood up. "Erna sa loob muna kayo pupunta lang ako sa home owners ek-ek, wag mong palabasin ng bahay baka mamaya makapatay na yan."

Mang makapasok ang dalawa sa bahay ay saka ako tumulak paalis. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa opisinang sinasabi ni Erna kaya naglakad na lamang ako. Wala rin naman akong choice dahil wala akong kotse.

The fat woman near the door greeted me politely, kabaligtaran nang nadatnan ko sa loob.

Ang mga ulo ay halos sabay-sabay na bumaling sa akin kaya taas noo akong pumasok sa loob.

Limang tao ang nasa silid. Ang babaeng nakaupo sa swivel chair, ang isang babaeng sopistikada at isang lalaki sa tabi niya. Ang dalawa pang babae ay nakatayo sa gilid ng nasa swivel chair.

"Good afternoon po, sorry I'm late kagagaling ko lang kase sa trabaho..." I said softly and sat to the chair across the couple.

"No wonder napapabayaan ang anak," the sophisticated woman scoffed immediately.

I cleared my throat and pretended I heard nothing.

"Miss Lavaigne, Mister and Mrs. Culminarez, nandito po tayo ngayon para i-settle ang naging pag-aaway ng mga anak niyo," kalmadong pahayag ng ginang sa aking harapan. "Ang sumbong po sa amin, naging bayolente ang anak ninyo Miss Lavaigne, hindi naman po maitatanggi ang pasang natamo ng anak nina Mr. And Mrs. Culminarez."

I nodded.

Mali ang terminong ginamit niya sa akin. It should be Miss Avzayde or Misis Lavaigne pero hindi na ako nagsalita para hindi na humaba pa ang usapan.

"I'm so sorry about my daughter's sudden aggressive behavior," magalang na panimula ko. "Hindi po talaga ganon si Kendria, pinalaki ko po siya ng tama. Kaya lang-"

"Stop defending your child! Ginagawan mo lang ng palusot ang kapabayaan mo bilang magulang!" putol sa akin ng babae.

"Laira calm down," anang home owners' association president sa harapan para sawayin si Mrs. Culminarez. "Sige Miss Lavaigne..."

Nakipagtagisan ng tingin sa akin si Mrs. Culminarez kaya naman pinakatitigan ko siya nang mabuti.

"As I was saying, my daughter is sweet and gentle. Minsan lang nati-trigger po sya kapag may threat sa paligid, humihingi po ako ng paumanhin-"

"Sinasabi mo bang kasalanan pa ng anak ko na sinapak sya ng anak mo?" she sigh dramatically while her husband is quite beside her.

"Mrs. Culminarez ano ba ang gusto mong mangyari? Hindi naman aabot sa ganito kung walang kadalanan din ang anak mo, I mean away bata lang po ito at handa naman akong umako sa responsibilidad. Ako na po ang sasagot sa gamot o check up ng anak ninyo para-"

"We can pay for that!" bulyaw niya sa akin at marahas na tumayo.

Hindi na ako nakapagpigil.

Tumayo na din ako at dahil five inch ang pumps na suot ko ay di hamak na dwende lamang siya kumpara sa akin.

"Eh di ikaw ang magsalita nang magsalita kung ayaw mong makinig sa akin. You keep on cutting me off as if you don't need me here, ano bang gusto mo? Sige sabihin na nating nanapak ang anak ko at nasaktan ang anak ko pero hindi ma more than physical pain mas matagal mawala ang emotional damage?"

Nilingon ko ang ginang na nakatulala sa aming dalawa.

"Miss..." I glanced at her desk where her name plate is located. "I mean Mrs. Hidalgo, Misis President if the home owners association doesn't tolerate aggressive behavior then might as well I'll tell my complaint here. My daughter is a victim of bullying. Kids in this neighborhood keeps on teasing her putok sa buho at ampon dahil single mom ako. And the kid of this kind Mrs. Culminarez here..."

I gave her a sarcastic smile.

"Is one of her bullies. Dapat siguro maging patas tayo dahil kung lalaki pa ang usapang ito, lalabanan ko sila o kayo. I already said sorry but the harm is done kaya naman..."

"Alright kumalma muna kayo ladies..."

Hindi natagalan ang usapan. Nakipag areglo din ang mag-asawa. Sa natitirang oras ng usapan ay si Mr. Culminarez ang nakipagkasundo. Ang asawa niyang bungangera ay tahimik lamang sa isang tabi.

Umuwi din ako pagkatapos at sumabay sa hapunan ni Ken.

"Mimi what happened?" tanong ni Kendria habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok.

"Wala naman, nagkaayos kami ng parents nung sinuntok mo. What is his name again?"

"Miggy..."

I caught her yawn kaya tinapos ko na ang ginagawa.

Nakaupo siya sa kama kaya nag squat ako para maging magkalebel ang mukha naming dalawa.

"Look at mommy, baby..." I said softly. "Hindi maganda yung nanapak okay? Mabuti na alam mo kung paano idefend ang sarili mo pero mas maganda kung sa mabuting paraan. Hindi mabuti ang nanakit okay? Bad yun."

"Copy!" aniya at sumaludo pa sa akin.

I smiled when she giggled.

"Pasensya na ha kung hindi ako agad nag take ng action. Hindi ko alam na aahot sa ganito. Next time pag may aaway sayo, mag sumbong ka sakin para mapagsabihan ko ha?"

"Yes Mimi! Lalalab you!"

We prayed together before I tucked her to bed. Dahil siguro sa pagpd ay agad siyang nakatulog.

I spent that night trying to look for a gown that would fit on me. Wala na akong panahon na pumunta sa physical store kaya nagkasya na lamang ako sa online shopping.

Hindi lang basta ang pagpili ko, tiningnan ko pa ang mga feedbacks ng costumers at karamihan sa mga store na may magagandang gown ay bad feedbacks ang natatanggap.

It's a formal party surely for elite people the reason why I can't risk it. Hindi naman pwedeng irepresent ko ang kompanya ni Kuya Kendrick nang mukha akong basahan.

I found a ready made one near my location. Nakausap ko ng personal ang seller at nag decide kami mag meet up bukas para ma-check ko ang kondisyon ng gown. I don't have much time dahil sa Sabado na iyon mabuti at pumayag na ideliver sa cafe.

Kinabukasan ay para akong naglalakad na zombie papasok. Late na ako sa usapan namin ng seller kaya naman wala na akong time mag-ayos.

"Good morning Ma'am... Vanna?" salubong sa akin ng seller na tumayo kaagad ng makita ako.

Pagod akong ngumiti.

"Hi! Sorry naghintay ka ba? I was honestly tired from last night..."

We shook hands and sit adjacent to each other.

"Hindi naman, mababait ang employees mo dito. They gave me my favorite cake," aniya.

Tumango-tango ako pero agad ding kumurap-kurap nang may mapagtanto.

I thought the seller was a girl- well not that I have a problem that he's not. Akala ko lang.

Na naman. Madami nga pala talagang namamatay sa maling akala.

"Ma'am?" untag niya sa akin.

Nailabas na pala niya ang gown, hindi ko lamang agad napansin dahil sa saglit na pagkatulala.

"Y-Yeah sorry. Medyo naalog pa yata ang utak ko sa byahe," I laughed awkwardly.

I checked the gown while he's explaining the details. I liked it. Malambot ang tela at walang sequin kaya hindi agaw pansin.

I'll just probably sit there like a wallflower and go home afterwards.

"Thank you, uhm... what's your name again?"

"Fred po," he leaned and whisper, "Frida sa gabi."

I laughed hard because of his hilarious facial expression. Kanina ko pa napapansin ang pagpilantik ng kamay niya habang nagpapaliwanag, akala ko naman feminine lang.

"Well then umaga naman, thanks Fred. Mabuti na lang puyatera ka, kung hindi baka naghahanap pa din ako ng damit," ngisi ko.

"Walang thank you thank you, dapat libre ang snack hindi ka nagsabing yayamanin ka pala."

Nagkwentuhan pa kami saglit bago siya nagpaalam. Inihatid ko lang sya ng tanaw habang palabas saka ako nagtungo sa kusina para icheck ang sitwasyon.

It's still the same busy kitchen. Nakakapag adjust na ang lahat sa pagkawala ni Thana. It's an urgent hiring so baka next week makahanap na kami ng papalit sa kanya.

"Ma'am Vanna, nasa labas po si Miss Thana kung pwede daw po kayong makausap," ani Shiela na na biglang sumulpot sa kitchen suot ang kanyang waitress uniform.

"Thanks Shiela, nag lunch ka na ba?" tanong ko habang inilalagay ang huling batch ng chocolate chip cookies sa oven.

"Hindi pa po Ma'am," she flashed her usual shy smile, "Sa university na lang."

"Oh sige mag out ka na. Goodluck din sa exam," I said smiling.

Isa sya sa mga college student na nagtatrabaho dito sa cafe. Actually sila nga ang priority, mas gusto ko ang mga working student. They work hard and stufy harder.

Ibinilin ko kay Rara ang bini-bake bago nag-alis ng hairnet at apron. Habang palabas ng kusina ay inaayos ko ang aking buhok na bahagyang nagulo ang pagkakaponytail.

Napatigil pa ako sa paghakbang nang maaninag ang pamilyar na mukhang papasok sa cafe, idagdag pa ang pagtunog ng wind chime nang bumukas ang glass double door.

Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso kung nasaan si Thana kahit pa ramdam na ramdam ko ang mabigat na paninitig ni Kleindro sa akin.

I pretended to be unbothered kahit pa nga na-conciuos ako bigla na gumalaw.

"Thana, kamusta? Buti naman dumalaw ka," ani ko.

"Ayos lang, I'm still adjusting. Simula nung magtrabaho ako dito parang naging buhay ko na ang baking eh, try ko naman gumawa ng bago ngayon," aniya na tumayo pa para bumeso sa akin.

Her castleton green hair is dancing in the air in every move. The last time I checked it's cherry red and now she nailed it more with a straight long hair.

"That's good. Bakit ka nga pala napadalaw?"

We settled down. May drinks na siya sa harapan, nag-order na lang kami ng pagkain kay Dallia. Kahit umay na umay na akong kumain dahil ako din ang nagluto, nag order din ako.

"I just wanna talk to you, personally. Sorry biglaan ang resignation ko."

"Okay lang yun, Thana. Alam ko namang gusto mong alagaan ang fiance mo."

"You're so kind Ma'am, natatandaan ko pa nung mag apply ako dito..."

I remembered what she's saying.

Mas bata kase sya sa akin ng dalawang taon. Pareho kami ng school na pinanggalingan sa Baguio kaya naman nang mag apply sya ay tinanggap ko kaagad. Nung una ay waitress lang pero nang malaman kong interesado siya sa baking ay nag offer ako ng panibagong trabaho.

We trained and attended work shops together. Noong kinailangan ko nang mag focus kay Ken ay si Rara na ang isinasama niya.

Sa pagkakaalam ko nursing student si Thana, nag drop out lang kaya pinalayas sa kanila.

"Eto naman, wag mo na akong paiyakin sige ka baka bumaha dito. Imbitahin mo ako sa kasal mo ha?" I said half joking.

I heard the rumors about her engagement. Sikat din ang mga magulang niya kaya ilang beses ko na iyong nakita sa front page ng dyaryo. Also, Joryl and the staffs specially Rara are talking about it non-stop kaya naman alam ko.

"Oo naman Ma'am."

"Ma'am? Vanna na lang, you're not working here anymore."

She smiled and looked at the chocolate apple cake she ordered.

"The food is amazing, Vanna mukhang babalik-balikan ko talaga ito."

After a while Thana left because of an emergency call.

Natahimik ako sa kinauupuan.

That familiar stare from that familiar asshole. This familar feeling but this time, I won't fall. Never again.

Continue Reading

You'll Also Like

180K 3.4K 28
Si Arianna ay mag isang namumuhay at tahimik sapagkat namatay na ang kanyang magulang ang tahimik niyang buhay ay nagulo nung makilala niya ang panga...
85K 2K 22
Ysabella Morales. Isang dalagang hindi na umaasa na makakatagpo pa ng "other half" niya. Sa edad niyang magti-trenta na, matagal na niyang tanggap na...
9.3K 156 6
⚠️SPG | MATURED CONTENT | ⚠️ (Photos not mine credits to the rightful owner..) *hwork hwork hwork!!!* *gwork gwork gwork!!!* Yun lang ang maririnig s...
89.8K 2.8K 47
C O M P L E T E D | U N E D I T - "THE MAFIA IS INLOVE WITH THE DOCTOR." - THANNANOS KYO TRAUXWELL × MILES GRAY MILLER S T O R Y - ENJOY! Started: A...