Six Months Agreement with Mr...

By marya_makata

1.5M 33.7K 3.6K

"Six months isn't enough, I want to spend a lifetime with you." -Hot Hotelier Series 1 *** Hindi madali ang l... More

Warning: SPG (R-18)
Happy 1M Besties!!
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Wakas
Special Chapter
New Book Alert!!

Kabanata 57

14.1K 333 12
By marya_makata

KABANATA 57 :: DARK

Natagalan pa kami bago makarating sa dapat puntahan dahil dumating na din ang ibang empleyado. Medyo nagkwentuhan pa kami dahil tuwang-tuwa sila sa presensya ng anak ko.

Bitbit ang isang malaking duffel bag na naglalaman ng mga pangangailangan ni Kendria gaya ng gatas, pamalit na damit at ilang mga laruan ay nagpunta kami sa opisina. Dumating kase si Hailey na akala namin ay male-late.

"Mimi, work. Me, play. Go Mimi go!"

Hindi ko maiwasang halikan ang pisngi ni Kendi habang pareho kaming nakaupo sa couch sa loob ng opisina.

Itinuro na niya ang lamesa ko kung sana nakapatong ang mga reports mula sa tatlo pa naming branch. Once a month ay binibisita ko ang mga iyon, mas tutok lang ako sa Manila branch dahil mas malapit sa amin, hindi ko na kailangang iwanan si Kendria.

"Ang bait-bait naman ng anak ko! Dahil dyan... Anong gusto mong lunch?"

Nagliwanang pa lalo ang kanyang mukha at kung wala siya sa kandungan ko ay tiyak nagtatatalon na sa sobrang tuwa.

Akala ko noon kasinungalingan ang sinasabi nilang sumasaya ang ina sa kasiyahan ng anak niya pero nang ipanganak ko si Kendi, napatunayan kong totoo iyon. Ngiti nya ang nag-aalis sa lahat ng pagod at pag-aalala ko.

"Clecleam!"

"Anak, hindi pwedeng tanghalian ang ice cream..."

Ngumuso siya at nagmamakaawang tumingin sa akin.

"Mallows?"

"Mas lalo na ang marshmallows. Sasakit ang tummy mo."

Inikot niya ang mata sa kawalan ngunit hindi na nagsalita pa. Kung siguro pwedeng itanong sa akin kung bakit pinapili ko pa siya pero lahat ng sabihin niya ay hinihindian ko, ginawa na niya.

"Okay, what about a happy meal? Sa favorite mong fast food!"

Bumalik ang sigla niya at agad na sumang-ayon sa suggestion ko.

Kaya naman ng magtanghalian ay lumabas kami para kumain sa mall saglit.

Ang mga papeles na inire-review ko ay hindi pa nangangalahati kaya kailangan pa naming bumalik pagkatapos kumain. Nadi-distract kase ako sa tawa ni Kendi, although naglalaro siyang mag-isa, minsan ay natutulala ako sa kanya bigla.

"Mimi there!"

Excited na itinuro ni Kendi ang fastfood. Alas onse na at medyo mahaba ang pila ngunit madali kaming nakahanap ng bakanteng lamesa na pangdalawahan.

"Okay Kendi... Pipila si Mimi, anong gagawin mo?"

"No talk to stlangel. Behave. Wag likot. Dito lang upuan," tuloy-tuloy niyang saad, bulol pa sa letrang r.

Sa kinatagalan ay memorya na niya ang litanya ko kapag iiwanan ko siya sa table.

"Kapag may nagtanong, sinong kasama mo?"

Itinuro niya ako agad at inip na sumulyap sa menung nakadisplay sa may counter.

"Fine, oorder na ako. Behave ka ah! Wag aalis hanggang wala ako. Okay?"

"Kay! Kay, Mimi," aniya at ipinakita pa ang thumbs up sa akin.

Pumila ako at nag order saka binalikan si Kendria sa lamesa.

Di tulad ko, independent siya at madalas mas gustong gawin ang mga bagay na mag-isa.

Ni hindi ko na sya kailangang alalayan sa pagkain, kumakain siya mag-isa. Agad na nilantakan ang pagkain namin pagkadating na pagkadating niyon.

"Nagustuhan mo?" tanong ko kahit tuwang-tuwa siya sa bawat subo.

"Yum Mimi! Eat!"

Tumango-tango ako at sumubo na din.

Naalala ko bigla ang isang beses na nakita ko siyang naglalakad. Galing ako noon sa shop at si Erna ang kanyang bantay pero iniwan siya saglit para magtimpla ng gatas.

Naabutan ko siyang nangunguyapit sa mahabang sofa sa sala, sinusubukang humakbang. Nakatulala ako nun habang pinapanood siyang sumubok muli pagkatapos matumba. Nakakapagtaka na imbis umiyak, sa bawat pagbagsak ay mas bumibilis ang kanyang pagtayo.

She's brave, also very thought. And that's my baby, I wish I was as strong as her.

She smiled at me.

"Mimi, fries..."

Ibinuka ko ang bibig ko para kainin ang fries na isinusubo niya sa akin.

"Hmm... Ang sarap," pumikit pa ako at umarteng sarap na sarap para sa kasiyahan ng anak.

Tama nga ako dahil humahagikgik siya ng dumilat ako.

"Yum?"

"Yum!"

Our day ended well. Madami ang customer at hindi ko na hinintay na magsara. Pagod na si Kendria kaya dumaan muna kami sa isang diner bago umuwi.

Gaya ng dati ay kanya-kanya kaming punta ni Kendria sa aming mga kwarto pero madali kong tinapos ang pagbibihis para mapuntahan ang anak.

"Kendi?" kumatok ako ng tatlong beses sa banyo, "Baby okay lang?"

Bumukas naman iyon at idinungaw ni Kendi ang kanyang ulo. Nakabihis na ngunit ang bibig ay bumubula pa, nagto-toothbrush.

"Need mo ng help?"

Inilingan niya ako at hinayaan ang nakabukas na pintuan ng banyo.

Pinanuod ko siya hanggang sa makapagtuyo siya ng mukha at mailigpit ang mga ginamit.

May ipinasadya akong upuan na may three step ladder. Doon umaakyat at tumutuntong si Kendria kung kailangan niyang gamitin ang lababo.

"Okay ka na? Sleep na tayo?"

Tumango-tango siya at agad na sumampa sa kama, ako naman ay lumapit sa study table kung saan maayos na nakalagay ang mga story book niya.

Gabi-gabi kaming magkatabing matulog. Either sa kuwarto niya o sa kuwarto ko at gabi-gabi din binabasahan ko siya ng story book hanggang makatulog.

"Anong plano mo?"

Bumuntong hininga ako at sinulyapan si Kendria na kalaro ang alagang aso ni Dairene.

"Hindi ko alam..."

Naikwento ko kase ang mas mapapadalas na paghahanap ni Kendi ng isang ama. Hindi sapat ang pagbisita ni Kuya, ang hinahanap niya ay isang daddy na nasa tabi niya palagi gaya ng sa iba.

Mas natatakot ako dahil sa darating na pasukan ay kailangan na niyang mag nursery. Ayokong isipin niyang hindi normal ang pamilya niya dahil wala siyang ama.

"Bakit hindi mo sabihin kay Kleindro ang-"

"Dairene! Baka marinig ka ni Kendi hindi yun titigil kakatanong."

Sinulyapan ko ang anak na humahagikgik pa din habang nakikipaghabulan sa golden retriever puppy. Panay ang takbo niya at tili sa tuwing maabutan ng aso, walang panahon para intindihin ang diskusyon namin ng ninang niya.

"Sorry okay... Hindi naman kita pinapangunahan pero don't you think it's about time? Parang anak ko na si Kendi at saksi ako sa lahat ng paghihirap mo," she paused. "Deserve nyang makilala ang ama nya..."

Umiling-iling ako at mapait na ngumiti.

For the past three years wala akong ibang ginusto kundi pagbigyan ang hinihiling ni Kendi taon-taon, ang makilala ang daddy nya pero paano ko yun gagawin kung linggo-linggo laman ng iba't-ibang magazine ang ama niya ka-date ang iba't-iba ring mga babae.

Ayokong isali siya sa gulo namin ni Kleindro pero madadamay at madadamay siya oras na magkakilala sila. Mas gugustuhin ko pang ganito muna kesa lumaki siyang nakikita ang ginagawa ng ama.

"Panahon na-"

"Dairene hindi yun ganon kasimple. At hindi pa ako handa!"

"Kailan ka magiging handa Vanna? Kapag uugod-ugod ka na at may sarili na rining pamilya ang anak mo?"

I scoffed at her.

"Sasabihin ko rin naman kalaunan, pero hindi pa ngayon..."

"Anong kaibahan ng bukas, ngayon at sa isang taon? Malalaman nya din dahil magkamukhang-magkamukha sila!"

I sigh and gave up.

"Pag-iisipan ko..."

Dumating ang araw ng birthday ni Tito Rod. Ako ang nag drive hanggang Antipolo, kasama din namin ni Kendria si Erna para may katulong ako sa pagbabanatay incase maging hypher ang bata sa party.

"Vanna!" ang matanda agad ang sumalubong sa amin pagkarating na pagkarating namin sa backyard kung nasaan ang party.

"Tito! Happy birthday!"

Nag beso kami at nakipagkamayan naman siya kay Erna na kilala na niya dahil sa ilang beses na pagdalaw sa amin ni Kendi.

"Lolo, gift!" bibong saad ni Kendria at iniabot ang paper bag na naglalaman ng regalo na siya mismo ang pumili.

"Naku! Ang apo ko! Salamat dito."

Niyakap niya si Kendi na mas ikinatuwa din ng anak ko.

Sa kabila ng kulubot na mukha at mga wrinkles, napakaliwanang pa rin ng kanyang anyo palibhasa ay palangiti at animo'y napakadaling lapitan.

Kahit hindi niya ako kadugo itinuring na din niya akong parang tunay na anak ganon din ang trato niya kay Kendria, palibhasa ay sabik sa apo.

"Halika na, samahan mo si Lolo maglibot tayo," yakag niya kay Kendi.

Ipinagpaalam niya ang pagsama kay Kendi pagpapaalala na huwag kaming mahihiya sa iba pa niyang bista.

Marami na sa mga pamangkin ni Tito Rod ang may asawa at mga anak kaya nagmukhang children's party ang 70th birthday ng matanda. Approachable naman ang mga tao doon at ang iba ay nakilala ko na noong nakaraang taon.

Maingay ang table ng mga businessman di kalayuan sa table na inupuan namin ni Erna.

Casual ang pagdiriwang pero dahil high profile ang may kaarawan ay hindi naalis ang sosyalan.

Sa isang gilid ay ang mahabang buffet kabukod ang dessert table na dinadayo partikular ng mga bata. Doon ko nakita si Tito Rod hawak ang kamay ni Kendi at ng isa pa niyang apo.

Nakasunod din sa matanda ang iba pang mga bata, tuloy mukha siyang baby sitter bigla kahit ang ilang nanny ay nakaabang sa kanya-kanyang alaga.

"Ma'am, andaming tao nakakahiya..." bulong ni Erna.

"Ano ka ba, kapag mayaman ka na ganitong party na din pupuntahan mo."

Sa tagal ni Erna sa akin, para ko na siyang kapatid. Kung noon ay ilag siya, ngayon ay walang habas siyang makipagbiruan sa akin.

"Naku ayokong yumaman kase kapag yumaman ako, sinong mag-aalaga kay Kendi?"

"Oo nga ano!"

Nagtawanan kami pero mahina lamang dahil ang mahabang lamesa na kinauupuan namin ay maraming umuukupa, may kanya-kayang topic din.

"Vanna where is Kendria?" bagamat at mahina at hinihingal ay malinaw kong narinig ang tanong ni Kuya Kendrick nang makalapit siya amin, humahagusgos.

Kinunutan ko siya ng noo.

Problema neto?

"With Tito Rod, bakit?"

"He's here."

Napamaang ako dahil hindi agad nakuha ang sinabi niya.

"He, who?"

"Your ex!" iritado niyang sagot habang nagpapalinga-linga.

"Sino? Si Atticus?"

"Si Kleindro, damn it!" tensyonado niyang sagot habang minamasahe ang sentido.

Maraming katanungan sa utak ko gaya na lamang ng paanong pupunta si Kleindro gayong huling kuwento niya ay magkaaway sila.

Pinili ko na lamang munang isantabi iyon at mag focus sa paghahanap kay Kendria dahil kailangan na naming umuwi.

Hindi ito ang tamang oras at pagkakataon para makita niya ang kanyang ama dahil tama si Dairene, magkamukhang-magkamukha sila.

Si Erna kahit hindi aware sa nangyayari ay tumulong na din sa amin kaya tatlo kaming natataranta sa paghahanap kay Kendria sa dagat ng mga batang naglalaro malapit sa swimming pool.

Pero imbis na si Kendria, isang pamilyar na kulay tsokolateng mata ang natagpuan ko. At isa lang ang sigurado, madilim yun at blangko.

Continue Reading

You'll Also Like

181K 3.4K 28
Si Arianna ay mag isang namumuhay at tahimik sapagkat namatay na ang kanyang magulang ang tahimik niyang buhay ay nagulo nung makilala niya ang panga...
9.4K 156 6
⚠️SPG | MATURED CONTENT | ⚠️ (Photos not mine credits to the rightful owner..) *hwork hwork hwork!!!* *gwork gwork gwork!!!* Yun lang ang maririnig s...
Her Skies By LG

Short Story

12.6K 218 20
/The Book 2 of Captured by the prince/ For almost three years she was there for him when his in coma but when he woke up from a long period of sleepi...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...