Kissing My Kryptonite [GL-Sap...

By moshhihart

3.2M 121K 369K

✪ KISSING MY KRYPTONITE • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE (UNEDITED) Ezra Meziah, a transfer student at... More

PROLOGUE
KMK
Chapter 1 - Mission Impossible
Chapter 2 - Plan A
Chapter 3 - Abort
Chapter 4 - Beautiful In Black
Chapter 5 - Hallo Win
Chapter 6 - Stick O
Chapter 7 - Black & White
Chapter 8 - LF Girlfriend
Chapter 9 - Game Of Medals
Chapter 10 - Sweet Off Feet
Chapter 11 - Spellbound
Chapter 12 - Truth or Nah
Chapter 13 - Dark To Light
Chapter 14 - Tickle To Death
Chapter 15 - 50 Shades Darker
Chapter 16 - Kryptonited
Chapter 17 - Exigency
Chapter 18 - Never Again
Chapter 19 - Wind Of Change
Chapter 20 - Tide Turned
Chapter 21 - Last Night
Chapter 22 - Alfa Democrats
Chapter 23 - Overnight
Chapter 24 - Ride
Chapter 25 - City Lights
Chapter 26 - Evil Eye
Chapter 27 - Wishy-washy
Chapter 28 - Deal
Chapter 30 - Hasta La Vista
Chapter 31 - Confession
Chapter 32 - Puzzle Pieces
Chapter 33 - Eat or Dare
Chapter 34 - Aftermath
Chapter 35 - Catriona
Chapter 36 - Piano Lesson
Chapter 37 - Adios
Chapter 38 - Training
Chapter 39 - Cabin House
Chapter 40 - Low-key
Chapter 41 - High-key
Chapter 42 - Red Ribbon
Chapter 43 - Bombshell
Chapter 44 - Game Over
Chapter 45 - Trigger
Chapter 46A - Rafa Eli
Chapter 46B - Cordova
Chapter 47 - Shed
Chapter 48 - X and Y
Chapter 49 - Stronger Together
Chapter 50 - Mission Accomplished
EPILOGUE
KMK'S FINAL SCROLL

Chapter 29 - Softie

51.2K 2K 5.6K
By moshhihart

KISSING MY KRYPTONITE

(A/N: UNEDITED)

"What happened?" tanong ko kina Yesha, nadatnan kong puno ng studyante ang corridor, sa labas nitong classroom namin mismo. Mukang may komosyong nangyari dahil may sugat pa si Matias sa labi na nasisigurado kong sa suntok o sampal niya 'yon nakuha.

"Those assholes mocked my girl!" Matias Adriana is breathless with anger, dinuro-duro niya ang labas ng silid namin. Yesha drags her out of the room and tells us they're heading to the clinic.

Sasama sana kami pero namura lang kami ni Matias, malayo raw sa bituka ang sugat niya kaya 'wag na namin alalahanin.

"Are you okay?" Lucca asks Blain worriedly, the latter nods her head and wraps her arms around herself.

"Ano'ng ginawa nila sa 'yo?" dagdag na tanong ko, nakita ko kasi sa labas kanina 'yung grupo ng mga hayop na ginawang katatawanan si Professor Cordova noon. Those scumbags who poured a black slime with super glue all over her hair and scalp.

"I caught them vandalizing my locker," Blain snorts. "Matias was also with me, nagalit siya kaya nagkagulo kanina."

"Matagal ka na bang trip ng mga hayop na 'yon?" o ngayon lang 'to nangyari? Limang miyembro sila sa grupo, tatlong babae at dalawang lalaki. Muntik ko na basagin muka ng mga 'yon noon eh, sana tinuloy na lang pag-expel sa kanila.

She shakes her head, tahimik itong tumayo. She swings her bag on her arm and silently walks through the door.

"Where are you going?!" pahabol na tanong ni Lucca sa kanya.

"I'm gonna see, Matias Adriana," was all she said, her pace accelerated.

Sumilip ulit ako sa labas, wala na siya pero naroon pa rin si Richelle, abalang pinapalayas ang mga malalaking kalat sa corridor. Napatayo ako dahil nahagip ng mata ko 'yung isang pangit na miyembro ng grupong nanggago kay Blain at Professor Cordova.

I really like to smash him in the face right now, but I realise I can't because of some constraints I ought to consider. I'm running for SSC President, and physically unable to do so.

"Don't make a scene. Mababawasan ka lang ng boto sa gagawin mo, just let the outgoing ssc officers handle it," Lucca pulls my arm, making me drop back to my chair.

"Lucca!" I groaned in pain and shoved her hand away from me. My left arm was sprained two week ago as a consequence of reckless driving, which I have regretted so much.

The previous two weeks, I reunited with my high school racing gang and we wagered into a motorbike race. I missed my high school days that I had too much fun with the game, and put myself in this predicament. Mahigit dalawang linggo na akong hindi nakakapag-drive ng sports bike, naging hatid sundo na rin ako ng bagong driver namin dahil sa kondisyon ko.

"Fuck," walang pigil na mura ko sa sakit dahil pabirong kinurot pa ako ni Lucca sa braso.

"Kaya mo 'yan, malakas ka naman kay satanas, eh. Hindi ka agad susunduin no'n," pang-aasar pa niya.

"Gusto mo bang ikaw ang ipasundo ko ngayon na?" angil ko na lang.

May punto naman talaga siya, hindi ko itatanggi dahil ilang aksidente na nga ba ang dinaanan ko simula pagkabata pero nalulusutan ko pa rin si kamatayan? Gano'n na ba ako kasamang damo dahil buhay pa rin ako hanggang ngayon? Baka sa taas talaga ako may kapit, hindi kay satanas.

"Holy cow?" I whisper to myself as I stare at the mounted giant elephant skeleton of the Zoology Department. I'm currently here at Cambridge Museum, where I'm learning to appreciate the historical artifacts on display.

Pumunta ako rito para matuto pero nagtatago ako ngayon sa isang sulok ng museum ma 'to, kasalukuyang kausap kasi ni Ma'am Hanzella si Professor Cordova nang dumating ako kasama si Yesha at Mighty Deev. I don't want her to see me like this much as possible. We struck a deal, and having her witness me this way feels like a defeat to me because of my sheer incompetence.

"Kanina pa siya nandito, she's close to becoming a living skeleton in her own history, sana nga umabot pa siya sa election sa kabila ng kapansanan niya.."

Is that Yesha joking around about me? I also heard my name..

"Pinagchi-chismis-san niyo ba ako?" humarap ako kay Yesha na palagay ko kanina ay nasa likod ko lang at kausap si Mighty Deev. I got bowled over when I saw Professor Cordova with her, nabura 'yung kamalditahan ko sa katawan at naging maamong tupa bigla.

"No, we're talking about the elephant," a controlled titter escaped Yesha's mouth. As if on cue, she left me with the professor, who is currently studying the crap out of me.

Tumagilid ako, akala mo may magagawa 'yon para itago ang kamay kong naka-sling at bendahe. Dang, I hate this, I feel so ugly, stupid and looking knocked down now. This professor has always the capacity to make me feel a spectrum of feelings simply by her piercing eyes.

"Why didn't you tell me?" her stern voice is low, she folds her arms above her chest and leans slightly against the wood framework of the figurine behind her.

"I told Coach Ryker about it, nagsabi naman ako na hindi ako makakapunta last Sunday because I'm injured," I explain politely. Magdadalawang linggo yata kaming hindi nagkita, Sunday na naman bukas at base sa kondisyon ko ay hindi pa ako makakapag-swimming.

Walang imik siyang lumapit sa 'kin, tahimik ang buong museum kaya rinig ang lagapak ng heels niya sa floor.

"Red's swimming lesson will be cancelled tomorrow, take your time to rest but please be reminded with the event happening next week," naging mapaghanap ang mga mata niyang kanina pa sinusuyod ang buong katawan ko, bakas ang inis sa tingin niya nang makita niya ang mga gasgas ko sa siko.

"Checking me out, professor?" nagawa ko pang mang-asar na nagpairap sa kanya.

"Did you hear what I said?" nangunot ang kanyang noo, ang tino naman kasi ng sagot ko.

With a nod, "Bakit ika-cancel, ma'am? How is he? Ayos lang ba siya?"

"He's fine," nakatingin pa rin siya sa injured arm ko. "Do what you need to do first, don't worry about him. The SSC Election is fast approaching.."

"Damn it, ang lapit na pala," I shake my head and put my free hand in my pocket. "Siya nga pala ma'am, natanong mo na ba si Tita Violet?

"About what?"

"Kung boto siya sa 'kin?" maangas kong sabi.

Kasi ako boto ako sa sarili ko para sa kanya..

"Veneracion..tss.." she breathed out, I was waiting for her to give me a savage comeback that will burn me alive pero masyado siyang seryoso ngayon.

I look around, "I'm going to your house tomorrow, ma'am."

"What for?"

"Itatanong ko si Tita Violet kung boto ba siyang," natawa ako saglit dahil sa mapait na pag-ismid niya. "Kung boto ba siya with my suggestion na sa bahay na lang ituloy ni Red ang swimming lesson niya.."

Matagal ko na 'tong pinag-isipan, mabilis natuto si Red base sa obserbasyon ko. Naituro naman na ni Coach Ryker lahat sa kanya kaya oras na para alisin ang papel niya bilang swimming instructor ni Red.

"Don't worry, walang life guards sa bahay but I can guarantee you that he's safe with me," paninigurado ko pa.

"It's a no, Veneracion. Okay na si Red sa YAF," she said with finality. "I can decide for my brother, you don't have to talk to my mom.."

"I have a training pool at home, it's perfectly suitable for his lessons. Bakit ayaw mong pumayag?" huling subok ko para kumbinsihin siya.

"There's a lot of things you need to prioritize rather than wasting your time with other people's business."

"But I'm free tomorrow," hindi siguradong sambit ko, iniisip kung tama ba ang nasabi ko.

"Miting de Avance will take place on Monday, which is yet another significant event in your SSC journey," she stated firmly, it sounds more like a reprimand than reminder. "I've been warning you to be mindful with your actions, but you keep putting yourself in danger, Veneracion. How can you be so reckless?"

I took my midterm exam in this kind of state. Kailangan bago mag-finals ay may maideklara ng panalo sa SSC. Tama siya, hindi ako naging mas maingat, kahit si daddy ay galit na galit sa naging kapabayaan ko sa sarili.

"What you said means a lot to me, ma'am," kanina pa ako napapangiti, muka na naman akong ewan dahil sa kanya. "Irrespective of the consequences of our deal, why does it seem like you really want me to win this?"

The thought of her silently rooting for me despite the deal makes me wanna win this more.

"I can live without you winning it, Miss Veneracion," she rolls her eyes at me. Taking a step backwards, Ma'am Hanzella calls out a few of the students who were raising disturbance and infringing the museum's policies.

"Kakabahan ka kapag ako nanalo kasi sa bahay bagsak mo-" napatalon ako dahil sa may kalakasang pagtunog ng cellphone ko, lahat tuloy ng mga mata rito sa loob ay napadako sa pwesto namin.

"Whose phone is that? Don't make me confiscate it," Ma'am Hanzella's voice echoing against the walls of this museum. Professor Cordova weaves her way towards her fellow teacher's desk.

Taranta kong inilabas phone ko sa bag, it's not in my pocket today kasi hindi ko masyadong nagagamit. Hindi ko pa nabubuhay ang screen nito ay tumunog ulit, isang kamay lang gamit ko kaya ang bagal ko gumalaw. Ma'am Hanzella calls out again, louder and more frantically this time.

"Miss Veneracion?" striktong sambit ni Ma'am Hanzella, nakatayo na sa isang upuan sa harap niya si Professor Cordova na parang walang nangyari. Iniwan ako, pwede ba 'yon?

"I'm sorry, ma'am," I apologize, immediately cancelling the incoming call. Si Daddy 'yung tumatawag, kahit na mukang importante ay kinansel ko.

Sumunod na rin sa 'kin si Yesha at Mighty Deev na mukang masaya pa sa nangyari sa 'kin sa loob.

"What did she tell you?" usisa ni Yesha sa 'kin, naglalakad na kami ngayon pababa ng hagdan, kahit si Mighty Deev ay naghihintay ng sagot.

"Ano bang sinabi mo sa kanya kanina? You know I was hiding!"

"Sabi niya kailangan ka raw niya kausapin tungkol sa swimming lesson ng brother niya? That's all she said, may sinabi pa ba siya sa 'yo?"

Iyon nga naman ang pinag-usapan namin kanina.

"Just about the swimming lessons, nothing else," I replied.

"Did you ask her out?" maintrigang tanong ni Mighty Deev, may gulat na gumuhit sa muka ni Yesha dahil sa tanong niya.

"What are you talking about? Bakit ko naman gagawin 'yan?" hindi seryosong reaksyon ko, 'yung muka ni Yesha ay hindi na ma-drawing. Tumawa pa ako ng marahan at wala na naman sa timing 'yung pagtunog ng phone ko na nasa uninjured hand ko na.

Not a phone call, it's a message, obvious naman kapag sa messenger. Akala ko si daddy ulit kaya hindi ko na binalak buksan pa pero itong si Yesha na hindi mabilang ang mata nabasa pa.

"Elrafa Cordova?" nagtatakang banggit niya habang binabasa ang nasa screen ng phone ko, lumundag ang puso ko sa narinig.

"Yesh!" hinablot ko ang cellphone ko sa kanya at hindi nagdalawang isip lumayo sa kanila. Kanina ko pa talaga gusto manapak pero iisang kamay lang ang may silbi ngayon sa 'kin.

Elrafa Cordova:

Where are you?

Parang hindi kami nag-usap kanina, ah? Nabagok ba 'to?

My lips formed into a curve, I replied fast.

Ezra Meziah Y Veneracion:

Okay lang ako, nangungulila
pa rin sa 'yo, ma'am.

I clicked send with a playful smile on my face. Is that important enough for a response from her? Let's see that now.

Elrafa Cordova:

I SAID WHERE ARE YOU

Damn, akala ko how are you, eh.

Ezrah Meziah Y Veneracion:

Otw to Tourism building po.
Galit ka ma'am? Pag-usapan
natin 'to.

Elrafa Cordova:

See me after your class
today, in my office.

Kinabahan ako. Para saan? I replied asking her about it pero hindi na siya sumagot.

My day went well. Naging sobrang abala ako na kahit pagkain ng lunch ay nakaligtaan ko pa.

I was waiting for my driver to come pero mag-iisang oras na ay wala pa rin ito. I took in another sharp intake of air as I glanced on my watch. While waiting, there's a car stopped next to this main building. Achira's face got my face crumpling, she's the owner of it. Hindi siya nag-parking lang kasi trip niya kundi dahil nasiraan pala siya.

"Meziah sige na, sabay na lang ako sa 'yo? My house isn't too far distant from yours."

"I can't drive like this, okay? And no, hindi ako sa bahay uuwi ngayon."

"You really can't go anywhere unless you change the tire," bitaw kong pangungusap pagkatapos maayos 'yung sasakyan niya, dagli ay naalala ko si Professor Cordova at ang message niya kanina.

Nasa office niya pala dapat ako ngayon, napatayo ako at paakyat na ng hagdan pero natigilan ako dahil sa panibagong sasakyang huminto sa harap ng main gate.

The urgent blare of the car drew my attention back. Akala ko sasakyan lang ulit ni Achira na hindi pa rin umaalis hanggang ngayon dahil pinipilit niya akong sumakay roon pero mali ako. Si Professor Cordova ang may-ari no'n kaya maingat akong lumapit. Binuksan niya ng kaunti ang bintana sapat na para makita ko siya sa loob, she's commanding me to get inside her car.

"I'm waiting for my driver to fetch me-"

"I said hop in!" she cuts me off impatiently.

"Ligawan mo muna ako.." lumawak ang ngiti ko kasi para siyang pusang mangangarate na naman.

"For tonight, call your driver lucky because I'm taking over his job," pambabalewala niya sa pang-aasar ko na may kasabay na pag-irap. Hindi niya suot ang eyeglasses niya ngayon, ganyan talaga siya sa tuwing nasa labas na ng school..

"Bakit for tonight lang? Kung pwede naman akong sumakay sa 'yo habang buhay," wagas akong ngumisi sa sinabi.

"Do you also want to be like that forever?" tukoy niya sa injured arm ko.

"Kailangan ba may bali kamay ko bago ako makasakay, ma'am?" pilyang balik ko, nagtagal ang mga mata niyang naniningkit na sa pagkabwisit sa muka ko.

"She's waiting," ang tingin nito ngayon ay nakadirekta sa side mirror ng kotse niya, malinaw roon ang buong pigura ni Achira na nakasandal sa sariling sasakyan..nakatingin sa 'min. She shrugs her shoulders dismissively, "Sa kanya ka na lang sumakay, court her..I wouldn't mind Veneracion."

Napasimangot ako at agad na pinigilan ang sasakyan niya. Nakakaasar, gano'n niya lang ako kabilis ipamigay? Kay Achira pa talaga?

"Ma'am naman, nagbibiro lang, eh! Ang mga babaeng katulad ko dapat ipinagdadamot, hindi pinapasa sa iba basta-basta!" I shouted, not bothering if people would hear me.

"I'm not a laughing dummy, Veneracion. Always na lang.." dismayadong sambit niya, binuksan ko ang pintuan sa tabi ng driver's seat at agarang sumakay. Nakasimangot pa rin siya pagpasok ko, tahimik niyang muling binuhay ang makina.

"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin paano ko patatawanin ang isang Rafa Eli Cordova, eh," hindi effective pagiging jokerist ko sa kanya, iyong sense of humor ko 'di swak sa panglasa niya. Ganyan ba mga matatalino?

"Wanna make me laugh?" tumingin muna siya sa 'kin, umarko ang gilid ng labi niya saka ito muling nagsalita. "Okay, put on your seatbelt using your left arm."

My left arm is injured! Naka-arm sling nga 'di ba?

"Ang hirap mo naman pasayahin, ma'am," napalabi ako at ikinabit ang seatbelt gamit ang kanang kamay ko.

"Ang bagal mo, Veneracion-"

"Binagalan ko lang para magtagal tayo," lumawak ang ngiti ko, nagawa ko namang ikabit 'yon kahit papaano, huli na 'nong sinubukan niya akong tulungan.

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagda-drive, sinusungitan na lang ako ng mga mata niya kapag nagkakatagpo ang mga tingin namin sa rear mirror.

Muntik niya akong dalhin sa mansion noong una, mabuti na lang at hindi ako nakatulog sa biyahe. I told her to take me to my new condo unit after informing my driver not to pick me up tonight.

Two weeks na ang injury ko kaya pinayagan na ako nina mommy na sa condo na mag-stay. Isa pa sa dahilan ay same condominium building kami ng doctor ko, I can easily contact her if self-care doesn't seem to help me anymore kaya mas mapapadali ang buhay ko.

"Are you living alone here?"

"Yeah.."

"In that condition?" hindi makapaniwala niyang tanong, tumango ako bilang tugon. Bumaba ito ng kotse at mas una pang naglakad sa 'kin. May binulong siya na hindi ko naintindihan dahil hangin naman yata ang kausap niya at hindi ako.

"Magaling na 'ko, ilang araw na lang hihintayin ko para maalis ang sagabal na 'to. The other day lang naman ako lumipat dito, I can handle myself ma'am."

"Are you sure?"

"Don't think about this too much, kaya pa rin naman kitang yakapin pero isang kamay lang muna-"

Humarap siya sa 'kin, pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. Parang isang daldal ko ulit ay pagsisihan kong nabuhaynpa ako sa mundo. "I'm taking care of your dinner tonight.."

"That's out of my driver's job anymore, ma'am," kinagat ko ang ibabang labi ko kasi nangingiti na naman ako. "That's either my mom's job or my girlfriend's..ah soon-to-be my wife's duty."

"I am your professor, Veneracion," she presses her lips together, I chuckle as she grabs the key from my hand like a boss.

"You are a professor, my former teacher. Hindi na nga kita subject teacher, eh."

Umangat ang isang kilay niya, "You can just tell me if you don't want it."

"Gusto! Siyempre gusto ki..gusto ko!" pahabol ko pa, kinailangan kong tumakbo para habulin siya kasi sobrang layo na niya.

Ilang ngiti na ba ang pinigilan ko ngayong araw para lang hindi ako magmukang tanga sa harap niya? Professor Cordova is cooking for my dinner, aayaw pa ba ako? Walang aayaw, kahit dito pa siya matulog ay hindi ako tatanggi.

Mabuti na lang dumating si mommy dito kahapon, siniguro niya talagang may stocks ako ng pagkain at puno ang ref ko.

She was tying her hair into a bun when I emerged to the kitchen, nagtanggal siya ng suit blazer niya kaya nakaputing blouse na lang ito at pencil skirt. I came into a halt and stared at her perfect back frame while she's doing her thing..

"Where are you going?" dinig kong tanong niya, nakatalikod na kasi ako at nagbabalak magtago sa kwarto. Para akong tanga, hindi ko alam kung bakit. Ang ganda niya kasi damn it, I didn't sign up for this. 'Yung lahat ng gagawin niya, basta-basta na lang akong nagagandahan tapos mamaya parang rurupok na tuhod ko.

"Ma'am?" dahan-dahan akong humarap.

"What do you want for dinner?" she's busy searching in the refrigerator for something to cook.

"You," nakagat ko ang dila ko. Tumikhim ako, "You, uhm whatever you decide. Ikaw naman may food allergy dito, I can eat everything, ma'am."

"Do you want raw food for dinner?"

Halos mabuga ko 'yung tubig na iniinom ko dahil sa tanong niya.

"Hindi ka kumakain ng raw food 'di ba?" I pulled a tissue to wipe my mouth.

"But you like it, right? I can make sushi rolls for you," sambit niya, na nakatingin pa rin sa loob ng ref.

"Just cook something na pwede sa 'ting dalawa, ma'am."

"Magluluto lang ako, Veneracion," tumingin siya sa 'kin, umiling ako bilang hindi pagsang-ayon. Ayaw niya bang mag-dinner dito?

"Magluluto ka nang kakainin nating dalawa, ma'am," pinal kong saad para wala na siyang lusot. "I didn't complain when you volunteered to touch my kitchen for the first time-"

"Okay fine," she squints her eyes at me.

It's an honor to watch her cook in my kitchen and of course for me. I think she's preparing a lasagna dish, barbeque ribs and something na may sabaw. Nagprisinta akong tumulong at nagpumilit kaya hinayaan niya rin ako bandang huli.

"Isn't it too sticky?" she asks, while staring at my white home-made sauce for the lasagna. Ako nagtimpla no'n base sa instructions niya na sa palagay ko naman ay nagawa ko. Walang lasagna sauce na nabili si mommy kaya gumawa na lang ako. I was confident kasi wala naman iyong pinagkaiba masyado sa ginagamit na white sauce for pizza making.

"Muka lang but that will melt under the oven, don't worry," I dipped my forefinger slightly in the sauce and tasted it.

Napangiti ako kasi sakto lang sa panlasa ko at hindi gaanong maalat. Tawang-tawa ako sa hitsura niya habang pinapanood ako, parang hindi siya paniwalang paniwala na masarap nga 'yung white sauce. My hands are clean, nakailang hugas din ako kanina, eh.

She was about to taste it with a spoon on her own pero nauna nang lumapit 'yung index finger kong may white sauce sa harap ng labi niya.

"Taste it," ngumiti ako, direktang nakatingin sa mga mata niyang may halong pagkabigla. Inaasar ko lang naman siya kasi napakapikunin niya, hindi ko masyadong napaghandaan nang bitiwan niya 'yung kutsara sa harap ko, tumingin muna siya sa 'kin.

"Did you wash your hand?" humina ang boses niya, mabagal akong tumango, tama bang kabahan ako ngayon? This is just a white sauce, Ezra..

Her sensual eyes are saying something, I take a gulp as I watch her slowly tilting her head forward to taste the white sauce around my finger. Higit isang sentimetro na lang ang pagitan ng mga labi niya sa index finger ko nang bulabugin kami ng malakas na tunog ng door buzzer.

I couldn't help but to let out a swear word because I don't fucking remember having a guest tonight! Not in my condominium unit! Hindi ngayon! Oh! Sinusumpa kong maging single pa sa mga susunod na taon 'yung kabuteng 'yan!

The person outside sounded the buzzer again. Her head fell back, she abruptly took a tissue and cleaned my finger instead. She nodded after telling her I was going to see who was outside.

"Rhio naman," napalabi ako pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto, nakita ko na siya sa monitor kanina kaya kalmado na ako pagbukas ko ng pinto.

"Can we talk a moment, Ezra," wika niya, sumenyas siya sa dalawang bodyguards niya saka ito pumasok ng unit ko at naiwan sila sa labas.

"What is it, senpai?" nasa living room kami ngayon, akala ko uupo na siya sa couch pero ang pinsan ko dumiretso pa sa kusina.

Nagulat siya sa nakita, maraming pagkain sa table. Hindi ko alam kung hihinga ba ako ng maluwag dahil hindi namin nadatnan si Professor Cordova rito o ano kasi naghahanap pa rin si Rhio at hindi kumbinsidong mag-isa lang ako.

"Are you waiting for a guest? The barbeque took me here," seryoso niyang saad, binuksan pa nito ang ang chiller ko at kumuha ng pineapple juice. It's the only juice I actually bought and stored in my chilller. The rest of my drinks are beers and wines.

"Pwede ka naman mag-dinner dito," alok ko sa kanya, mapipilitan akong ilabas si Professor Cordova kapag um-oo siya. Professors naman sila pareho, hindi naman masama kung maging magkaibigan din?

"Nag-dinner na 'ko, I'm just thirsty," dala ang canned juice ay prente itong naglakad pabalik sa living room na sinundan ko lang ulit. Hindi ito pupunta rito kung hindi importante ang sasabihin niya, naghintay ako hangga't sa magsabi ito.

"You can fly a private plane, right?" she firmly inquires, her eyes dropping to my arm supported by a sling. "I need you next month, Ezra."

May ideya na ako sa sasabihin niya. Next month siguradong magaling na ang injury ko pero hindi ako palagay na sasapat ang kaalaman ko sa pagmamaniobra ng isang private plane papunta sa gusto niyang destinasyon. Ito ang rason kung bakit ko gustong pumasok sa flying school, pinsan kong piloto lang ang nagturo ng kung ano mang nalalaman ko ngayon.

"I don't have a license yet, senpai. Baka ikapahamak pa nating dalawa 'yang gusto mong mangyari," I start to explain the risks of the favor she's asking me. Papatayin ako ni Tito Steven kapag ginawa ko ang gusto niya.

"I'm going to fix everything, Ezra. Take me to England just once.."

Hindi muna siya pwedeng lumabas ng bansa dahil 'yon ang napag-usapan, Tito Steven doesn't want distraction, wag ngayong hindi pa tapos ang kaso dahil mas lalo lang siyang mahihirapan.

"Okay," tumayo ako at huminga ng malalim. "I'm gonna refer you to one of my Ymannuel cousins, the pilot who taught me all of this. Just promise me senpai, na ngayon lang 'to.."

Nag-shower ako pagkatapos niyang umalis dahil suot ko pa pala ang Alfa Democrats shirt ko. I am wearing my shirt when Professor Cordova knocks my door, hindi ako umiimik kaya natawa na lang ako nang buksan niya ang pinto.

"I thought you're dead," she shakes her head.

"Hindi ko pa natitikman lasagna mo kaya 'di pa ako pwedeng mamatay," sagot ko rito at pahirapang isinusuot ang panibagong shirt ko. Nasuot ko na 'yung pajama ko at sports bra ko kaya kumportable lang siyang pinapanood ako sa ginagawa. Kailangan kong magdamit pa dahil agaw niyang nakikita akong ganito ang lagay sa harap ng pagkain.

In a few seconds, she walks closer and helps me put on my shirt. Nakatayo siya ngayon sa pagitan ng mga binti ko na hindi ko man lang napansin kung paano.

"Self-care isn't enough, Veneracion. The way I see it, you need someone to take care of you here until you fully recovered," naiiling niyang pangaral. "Or better go back home for your family to assist you as necessary."

"Nandito ka naman," I said as she completely put on my shirt, humakbang siya patalikod pero pinigilan ko iyon gamit ang isang kamay ko na mabilis na dumaan sa baywang niya.

Tumigil siya at sandaling napatitig sa 'kin. I could feel her body reacting to my touch. She quietly gasped, disguising it with her stern demeanor, "This is just for tonight.."

"I know," napalunok ako at ngumiti ng bahagya. "Thank you.."

"No need to thank me, this is a little gesture for your efforts in helping my brother about his swimming lessons.." hinawakan niya ang kamay ko sa baywang niya saka niya 'yon pinisil at ibinalik sa kandungan ko.

"Free naman 'yon," tumayo na 'ko dahil nakalabas na siya ng kwarto, malaki ang condo pero 'yung masarap na aroma ng mga niluto niya kahit saan ka magpunta ay maaamoy iyon.

"Knowing you?" she snaps her dark eyes at my direction.

"Sige, lahat ng utang mo sa 'kin bayad na. Kahit 'yung juice sa Heaven CU-Land, kakalimutan ko na rin," tumawa ako at naghila ng mauupuan pero itinulak niya lang 'yon pabalik gamit ang paa niya kaya nagitla ako.

"Sit beside me so I can help you finish your food," balewalang utos niya, umupo na ito sa kabilang side kung saan may bakanteng upuan sa tabi niya. I seated next to her, my wounded hand facing her side.

Nakatingin lang ako sa kanya, titig na titig sa magandang muka niya. Nagtataka sa mga galaw niya, sino bang sumanib dito? Bakit ang bait? Climate change na naman ba?

"Yung dumating na babae kanina. She's my cousin, si Rhio," paliwanag ko kahit na hindi naman niya hinihingi.

"I know.." she cuts a square slice of lasagna for my plate.

"Would you come out to meet her if I ask you to?"

"I'm not sure, I don't want any complications more than possible," she takes a bite on her lasagna.

"How about introducing you as my girlfriend?" ngumisi ako at lalong lumapad 'yon dahil sa maasim na reaksyon ng muka niya.

Napainom pa ito ng tubig, "What about breaking your other elbow if you ever said it?"

Tumikom ang bibig ko para magpigil ng ngiti at nagsalita ulit, "Kaya nga sabi ko, hindi muna kayo magkikita. Kailangan ko munang magpagaling para maipagtanggol ko sarili ko sa mga mapanakit jan.."

Nagsalubong ang mga kilay niya, "What?"

"Kapag ready ka na, you should meet her someday. Tingin ko she'll pass your vibe," dagdag mapang-asar kong wika. Uminom ako sa baso niya na may lamang tubig, gatas kasi tinimpla niya sa 'kin, eh.

"Miss Rhio Ritchel is one of my classmates for PhD," seryosong pagbibigay-alam niya.

They're both completing their PhD, Doctor of Philosophy, their chosen doctorate degree. This is why they are considered as legit Professors of Cambridge University. Academically accelerated si Rhio ng ilang taon kaya parang magkasabayan na lang sila ngayon kahit pa mas matanda ng ilang taon si Professor Cordova.

She swapped our plates after slicing chunks of the mouth-watering pork rib barbecue for me, damn I appreciate that gesture so much.

"Makes sense," tumango ako sa nalaman, una ko munang tinikman iyon na nagpangiti sa 'kin. "Wow? This is really good!"

The bbq tastes better than I expected.

"I'm 101% sure now magkakasundo kayo ni mommy sa kitchen, ang galing mong magluto," sinserong kumento ko, walang halong panglalait kasi mahusay naman talaga siya. "Pwede na 'kong mag-asawa.."

I stop chewing because of her sharp gaze trailing my face, I tilt my head to fixate my eyes on hers.

"Your parents should not allow you to get married if you continue putting yourself in danger or accident," she stares back to her food. "Hindi ka pa nadadala.."

"What do you mean, ma'am?"

"You'll die first before your lifetime partner," she deadpans.

"I'm not gonna let that happen," I shake my head. "I don't want to claim that negative energy, hindi kita hahayaang mabyuda agad. Tatanda tayong magkasama hanggang sa dulo ng walang hanggan, maalala mo kaya at magpakailanman-"

"Language, Miss Veneracion," sinamaan niya ako ng tingin, not finding what I said humurous at all. Dumapo ang mga mata niyang iyon sa injured arm ko. "Set aside the jokes and tell me this is the last time I'm seeing you like this.."

By the use of my fork, I was about to toss another barbecue chunk from my plate into my mouth but she stopped me. Kinuha niya 'yung tinidor mula sa kamay ko saka niya 'yon ibinalik sa plato ko habang ang mga tingin niya ay hindi pa rin binibitawan ang mga mata ko.

"Don't ignore me," garalgal na bulong niya, inulit niya ulit ang sinabi niya sa mas malakas na tono. "What I said, don't ignore it.."

Ignore her? Nasa kanya na nga buong atensyon ko, kulang na lang umikot mundo ko sa kanya ngayon. With in a second, "Professor, I'm taking care of myself from now on kasi aalagaan pa kita.."

"Inform me once you're ready to speak with me properly without injecting your flirtatious quips, and I'll preset my alarm clock for it," she comments, raising her perfectly arched eyebrow.

"If I won the deal, you can't easily complain like that anymore, professor," inilapit ko ang muka ko sa kanya, napangisi ako sa alertong paggalaw ng ulo niya paatras. "I know when to be serious naman ma'am. Just that, teasing you has become my daily dose of vitamin, you can't blame me.."

"That explains why'd you come up with the deal? Is it even a real thing?"

"I recall discussing it with you ma'am, and we finished up having you agreeing to me."

She straightened her back against the chair, "Why do you like turning anything into games, Veneracion?"

"Ang rami ko na kasing talo sa buhay, gusto ko namang manalo," tinawanan ko pa ang sarili dahil sa sinabi ko. "But honestly, over the last few months of my life, I've struggled to understand something but I did. There are things meant to be played and those that aren't. I need to take my life seriously now before it plays me and fucks me up to death."

Keeping myself engaged with games, competitions or by means of sports allows me to exist in this world.

Kaya kung ano mang pinasok ko sa mga nagdaang panahon ng buhay ko, gusto kong ipanalo at kung hindi man kayanin..kahit lumabas lang ng buhay..

"You really want it, do you?" kalaunang tanong niya sa gitna ng 'di maalis-alis na pagtitig niya sa mga mata ko.

"The SSC position? Yes," ngumiti ako.

"How about that deal.." she added.

"By all means, ma'am," I nodded once, it's like hitting two birds in one stone.

She turns to her plate, breaking our intense eye contact, "I'm sure you've heard about the polling data, mainly the recent one."

Alam ko namang tagilid ako, kaya ibubuhos ko na lahat sa miting de avance manalo man o matalo sa huli.

"Why are you taking this lightly?" dugtong na tanong niya sa una niyang sinabi.

"The deal, ma'am?" I inquire closely peering into her face.

"If you lose it, you're not going to bother me anymore.."

"I know, ikaw gumawa ng usapang 'yan," nakakatakot nga, pero 'yan din naman ang gusto niyang mangyari hindi ba? What she said in YAF are still playing in my head.

Because of too many expectations, I don't know where I see myself after the election yet. Sure enough I'll get screwed up, and I don't want her to see me like that. Whichever the outcome, sisiguraduhin kong babangon pa rin akong matatag.

"Bakit mukang hindi ka masaya, ma'am? Mukang mananalo ka naman, eh," may pang-aasar ang tono ko, natawa na lang ako nang irapan niya ako.

"I don't know why I came to an agreement with you, this is starting to make no sense," she says while looking deeply in my eyes.

"Ma'am, you will obtain the things you want after this..magiging malaya ka na," madrama ko pang saad.

"Not at all, you're making it harder for me," walang gana nitong tugon.

Kahit sarili ko pinapahirapan ko na rin, lalo ngayong wala pa ring pagbabago 'yung poll results, lagi akong nasa pangalawa. Next week will be my last opportunity to showcase myself and do my absolute best to give it my all.

"What do you mean, ma'am?"

"Let's just eat and cross our fingers in that deal," she picks up her cutleries and resumes eating.

Hindi pa ako sumusuko, lalaban ako.

Some time later, she even washed the dishes and everything else she used in my kitchen. Walang nagawa ang kahit na ano'ng pagpigil ko sa kanya, like a boss, she always gets her way in any circumstance between us.

Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko siya kukumbinsihing manood sa Miting De Avance. Nabanggit kasi niya kanina na may lalakarin siyang importanteng bagay sa lunes at hindi siya makakapasok kaya malaki ang posibilidad na hindi siya makaka-attend sa activity.

I'd like to bring the same energy I got throughout the debate to the Miting De Avance, which means I'd love to feel her presence on the specified day again.

"Ma'am.."

Pagbubuksan ko sana siya ng pinto pero hindi ko pa tinuloy dahil sa sasabihin. I leaned against the door with my free hand in my pocket, our eyes connected for a few seconds before I spoke again.

"Ano," tumikom ang bibig ko at nag-isip. I really don't know how to put this into words.

"Do you have anything to say?" kunot-noo niyang tanong, puno ng pagtataka ang kanyang muka habang ako ay titig na titig pa rin.

I've never been like this to my previous girls, never even been intimidated, baffled for words, and my heart rumbling for what to feel at the time.

Kunwari'y malakas ang loob kong lumapit ng isang hakbang sa kanya. I slowly move my head forward with my eyebrows twitching as I stare at her face. I stuck out my hand and took nothing on her cheek, "May kanin.."

Wala talagang kanin, hindi ko rin 'to pinag-isipan, lumabas na lang sa bibig ko. Kunwari'y may kinuha akong butil ng kanin sa pisngi niya na nagpakunot sa noo niya.

"Are you serious?" her cheeks began to flush at the realization. Hinuli niya 'yung kamay kong mabilis kong kinuyom nang subukan niyang tingnan kung may kanin nga ba.

"Wag mo nang tingnan, tinanggal ko na nga ma'am eh," I balled my fist even more because her firm, candle-like fingers were pressing me to open it.

"Show it to me, isa.." masungit niyang turan, mapilit ang reyna habang ako ay 'di ko na kinakaya dahil masyado siyang malakas tapos isang kamay lang gamit ko at naka-sling pa itong isa.

I didn't realize I was already biting my lips to stop myself from laughing until she had to use two of her hands to open my fist. Sumama ang tingin niya sa 'kin nang makita niyang wala talaga akong tinatago sa kamay. Akala ko makakatikim ako ng hampas so the next thing I did was pull her wrist toward my body. I felt the cold door behind hit me as a consequence of my sudden force and her body pushed me against it.

"Are you making fun of me, Veneracion?!" napasigaw siya sa inis saka niya ako kinurot sa tyan, imbes na masaktan ay nakiliti pa ako.

"Go easy, ma'am. Kaka-dinner lang natin, sa susunod ka na magpandesal," I stopped laughing, her poker-face made me do it.

"Is there anything else you need to say?" kumalma ang boses niya pero matalim pa rin ang mga mata niya. She isn't exerting her considerable weight onto my body because my arm in a sling is resting in between our chests.

"Kailangan kita sa Miting De Avance," hindi na ako nagpatumpik pa.

"To cheer you up on how to lose it?"

Napasimangot ako dahil sa sagot niya, kaya ako nagdadalawang isip kausapin siya tungkol dito, eh. It's kind of ironic because she wants me to win it at the same time lose it because of the deal. May isa pa akong dahilang hindi nasasabi kung bakit ko gustong ipagpatuloy ang deal and I'm gonna say that kapag dumating siya sa Miting De Avance.

"Hear me out," tanging sambit ko.

"And if I don't?" her lips curling.

"I'll have no choice but to make you listen to me, Professor Cordova," hinapit ko siya ng mabagal sa baywang, her body is pressing mine. "You need to be there to make it official."

"About the deal again? Didn't we already do that?" tila pagod na siyang pag-usapan 'yung deal dahil sa malalim na buntong-hininga niya.

"Hindi pa pero pwede namang gawin na natin ngayon, hindi natuloy sa YAF eh," I moved my face closer to her, and I was astonished when she didn't move to avoid me.

"Here you are again.." here's her velvety voice and sensual eyes again, yes.

My heart beats are slowly accelerating as our faces barely touching. Nakatingin lang ako sa mga labi niya pagkatapos kong malunod ng ilang minuto sa mga mata niya.

"I'm serious, ma'am," bulong ko pa, halos hindi mabigkas ang buong pangungusap.

"I think the thing you should tell me now is the reason why your knees are shaking and your hand is squeezing my waist like there's no tomorrow.." she mumbles, her voice is confrontational, and it made my body's dilemma worse than it had been in the previous seconds.

"I wanna ask that question to my knees and hand too," nanghihinang sagot ko sa kanya, naramdaman ko na lang ang pag-akyat ng dalawang kamay niya patungo sa mga balikat ko kasabay nang marahang paglayo ng muka niya.

"I'm going," she sighs, trying to push lightly my shoulders. "I will try to attend the activity on monday."

"Maghihintay ako," I tilt my head on her side to whisper it.

"Veneracion let me go out of this door in 10.." she trails off counting as my nose touches the side of her head, her shampoo is too addicting and I can't help but to get drawn to it. She stopped talking and her hands from pushing me.

The growing sensation reminds me of our 50 shades of grey handcuff and blindfold game. Tonight hits different because it feels crazier and real. I can not even believe it's happening again, and it certainly feels a million times more breathtaking than the first time.

"I can't just find myself able to pull away," walang lakas kong bulong. I let my nose slowly trail its way down to the side of her neck, her fingernails on my shoulders sinking slightly against my skin.

"Ven.." the only thing I heard her mumbled, I was too lost at trailing her neck, searching for the sweeter scent. I think my ability to listen abruptly stopped as a side effect of her perfume and the adrenaline coursing through my veins.

"Ikaw lang, sa 'yo lang ako ganito," as cheesy as it sounds, I managed to murmur..backed away a little, and allowed my face return to the path I had traced up to her face. Sa mga labi niya lang ako nakatingin, nakalimutan ko nang tingnan siya sa mga mata. Thus and so, my possessive lips are about to claim hers but she slipped her thumb between our mouths.

Our gazes lock, my head falls back a little to give her a confused look.

"Your breath stinks like rotten pork barbecue," she comments, she chews her lips once. Her thumb is still pressing my lips.

"Pwede ka namang sa susunod gumanti ma'am, bakit ngayon pa?" pinilit kong magsalita sa sama ng loob, hindi ako naiinis sa sinabi niya dahil hindi naman 'yon totoo. Medyo nanghinayang lang ako kasi 'di natuloy 'yung kiss pero sigurado na akong mahimbing na naman tulog ko mamaya.

"I have to go," tinulak niya 'ko, siya na ang nagbukas ng pintuan para sa sarili niya dahil hawak ko pa rin ang isang kamay niya.

"Thank you for tonight," natutulala ako dahil sa nangyari pero nagawa ko pa namang magpasalamat kahit papaano.

"Okay," was all she replied not glancing at me as she tried to jerk her hand off me. "Veneracion.."

Tiningnan ko ang oras, hindi ko mabitiwan ang kamay niya, "You are welcome to spend the night here.."

"I can't.." tanging sagot niya.

"Why not?"

"Art is waiting for me.."

Hindi na pala mahimbing tulog ko mamaya, prank lang 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 103K 58
(Treasure Town #1) R18+ ✔ One town with a powerful family bloodline has a surname that means "wealth". Each family member was bound by the rules set...
3.7M 119K 55
Venine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Nag...
1.1M 52.6K 46
Cee lives her life hiding her true identity as a woman just to be accepted into the Seriantel family. She may be pretending as a man, but she is cert...