Kissing My Kryptonite [GL-Sap...

By moshhihart

3.2M 121K 369K

✪ KISSING MY KRYPTONITE • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE (UNEDITED) Ezra Meziah, a transfer student at... More

PROLOGUE
KMK
Chapter 1 - Mission Impossible
Chapter 2 - Plan A
Chapter 3 - Abort
Chapter 4 - Beautiful In Black
Chapter 5 - Hallo Win
Chapter 6 - Stick O
Chapter 7 - Black & White
Chapter 8 - LF Girlfriend
Chapter 9 - Game Of Medals
Chapter 10 - Sweet Off Feet
Chapter 11 - Spellbound
Chapter 12 - Truth or Nah
Chapter 13 - Dark To Light
Chapter 14 - Tickle To Death
Chapter 15 - 50 Shades Darker
Chapter 16 - Kryptonited
Chapter 17 - Exigency
Chapter 18 - Never Again
Chapter 19 - Wind Of Change
Chapter 20 - Tide Turned
Chapter 21 - Last Night
Chapter 22 - Alfa Democrats
Chapter 23 - Overnight
Chapter 24 - Ride
Chapter 25 - City Lights
Chapter 27 - Wishy-washy
Chapter 28 - Deal
Chapter 29 - Softie
Chapter 30 - Hasta La Vista
Chapter 31 - Confession
Chapter 32 - Puzzle Pieces
Chapter 33 - Eat or Dare
Chapter 34 - Aftermath
Chapter 35 - Catriona
Chapter 36 - Piano Lesson
Chapter 37 - Adios
Chapter 38 - Training
Chapter 39 - Cabin House
Chapter 40 - Low-key
Chapter 41 - High-key
Chapter 42 - Red Ribbon
Chapter 43 - Bombshell
Chapter 44 - Game Over
Chapter 45 - Trigger
Chapter 46A - Rafa Eli
Chapter 46B - Cordova
Chapter 47 - Shed
Chapter 48 - X and Y
Chapter 49 - Stronger Together
Chapter 50 - Mission Accomplished
EPILOGUE
KMK'S FINAL SCROLL

Chapter 26 - Evil Eye

51.6K 2.1K 5.2K
By moshhihart

KISSING MY KRYPTONITE

(A/N: I will get back to every chapter after completing this story to remove the parts na hindi ko mabibigyan ng justice until the epilogue. Kabado pa rin ako sa kalalabasan ng story T,T Sa ngayon, confusing man for some, makisabay muna tayong lahat sa agos ng KMK, I promise to do better each chapter. I will edit the entire story ulit kapag tapos na. Thank you for being with me this journey #softhour ♡)

"Bakit 'di ka dumating kagabi? Everyone was looking for you!"

"I don't wanna get into trouble, Lucca," sinipa ko 'yung volleyball niyang tumama sa tuhod ko. Pagkatapos ng game of medals hindi niya na tinigilan ang paglalaro ng volleyball hanggang sa naging opisyal na parte ito ng team.

I'm happy for her, although I failed to join my dream sport's team kahit papaano ay may konting direksyon na ngayon ang buhay studyante ko.

Natutuwa akong ang squad kong puro kalokohan lang ang alam dati ay may kanya-kanya nang pinagsasakatuparan ngayon. Life is not all fun though, time flies and doing nothing is exhausting. We're done beating a dead horse. Having to make our own choices, trying something new and moving on are pretty great way to kickstart the year.

"I'm guessing Professor Cordova didn't let you go," she grins profoundly, I hang my head.

"Ba't naman niya gagawin 'yan?"

"Manahimik ka, 'yung babaeng kasama mo kagabi alam kong siya 'yon! After everything that she heard?! Pero bakit ka naman no'n pala pipigilan?"

Gosh she's saying so much, I glared at her.

"Kasama mo rin siya sa Bridge of Rainbows right? Nagkakamabutihan na ba kayo?"

"Lucca!" I picked up the ball and was about to smash it in her face when we both heard an unanticipated noise behind the library building. Parating na ako sa entrance ng library's ground floor para sa 1 day multi-series workshop na kailangan kong pasukan at si Lucca naman ay sa gym.

" 'Yung kabit 'yan ng tatay mo 'di ba.."

I slapped her mouth to refrain her from talking, yeah it's Chanel Velazco and Professor Cordova.

"Hindi pa naco-confirm."

Kinaladkad ako ni Lucca papunta sa tabi ng museum building dahil muntik ko nang ipasubo ang sarili ko, naninigas ang tuhod ko at hindi makagalaw sa nakikita.

I saw it it with my own two eyes, Chanel Velazco attempted to slap the professor across her face, but she was able to avert the threat by gripping her wrist. Ano'ng ibig sabihin nito? Magkakilala sila? Posible naman pero sa nakikita namin ngayon, hindi ko pa muna masabi, naguguluhan ako.

"Then what's going on? May something ba sila?" pinagrabeng badya ni Lucca. Kanina kabit, ngayon binibigyan pa niya ng malisya ang dalawa. Mga marites talaga, eh 'no?

"Stop it, Lucca. Kabadingan mo lang 'yan, Professor Cordova is straight."

"Si Chanel Velazco, straight ba?"

"Imposible, ibasura mo 'yan," ang wild ng imagination ng babaeng 'to.

"Bakit parang mas gusto mong kabit nalang siya ng daddy mo kaysa 'yung posibilidad na si Chanel at Professor Cordova ang may something?"

"Lucca mas gusto kong manahimik ka na lang kung ayaw mong busalan ko 'yang bibig mo ng semento."

Nagkibit-balikat ako at inirapan siya. In the best way possible, I hate wasting time worrying and overthinking about useless matters. We're just ending up accusing people na walang matibay na basehan, kung hindi ako magtatanong ay wala muna akong sasabihin hangga't sa may mapatunayan ako sa mga akusasyong 'to. I don't wanna ruin anyone's life over an allegation.

I have to think 10x first before I react.

"Where are you going?!" nagpipigil na asik ni Lucca, hinila niya ako pabalik.

"Let's distract them before they hurt each other."

Hindi ko mabasa si Professor Cordova, the last time I saw her mad was on that CCTV footage with dad, ngayon I can't explain pero si Chanel Velazco ay kulang nalang bumuga ng apoy. Hindi namin dinig ang usapan nila but the way I see it, I could tell that they're having a heated discussion.

Chanel looks like she's about to raid some village.

"Meziah, ayokong makialam."

"Kaya sabi ko, distract lang. Hindi tayo makikialam sa pinag-uusapan o pinag-aawayan nila," pilit ko, ang totoo niyan pakialamera lang talaga ako o dahil may nagtutulak sa 'kin.

"Are you really sure.." Lucca's eyes popped out, nabitiwan niya 'yung bola at napansin agad iyon ng dalawang nagtatalo.

Sinubukan naming magtago ulit pero huli na, nakita na nila kami.

"Miss Veneracion and Miss Chua?"

Humakbang ako palayo para tumakas ngunit hinila ako ni Lucca pabalik.

"Tangina ka talaga ngayong nahuli na tayo? Tatakbuhan mo pa ako? Help me explain here!" naiinis niyang bulyaw, pinarinig pa talaga sa dalawa. 'Yung takot ko 'di ko na masukat eh, pakiramdam ko sasabog na si Professor Cordova sa pagkadismaya nang makita niya kami, mas lamang pa 'yon sa gulat niya.

"Were you listening to us?" matalas na kwestyon ni Professor Cordova, ang hirap niyang salubungin sa mata, para siyang nag-iba ngayon.

"Ma'am hindi po! Kadarating lang namin, we didn't mean to see you here," hindi mapakaling palusot ni Lucca, palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

Susundan ko sana ng mahaba pang litanya ang sinabi ni Lucca pero naglakad na palayo si Chanel Velazco at walang imik na iniwan kaming tatlo. Base sa itsura niya ay hindi pa siya kumakalma, her emotions are at the peak level.

"I have to go first, my classmates are waiting for me!"

Tarantang pinulot ni Lucca 'yung bola, kumaway lang ito saglit at iniwan akong mag-isa kasama ang propesor.

"Lucca!" I cursed in annoyance. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa, umawang ang bibig ko pero walang salitang lumalabas kaya napatikom lang ulit ako.

As if nothing happened, she quietly takes a glance on her watch before speaking firmly, "Let's go, we're 9 minutes late for the creative workshop."

Medyo nakahinga ako ng maluwag pagkatapos nito akong talikuran. Pagdating namin sa 15th floor nagulat ako kasi puro pamilyar na muka ang mga makakasama ko, Blain is here as usual at ang buong Alfa Democrats. May mga miyembro rin mula sa iba't ibang partido na nakasalamuha ko muna bago ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Blain.

"Is this coincidence?" nagtatakang tanong ko kay Blain.

"Not exactly, inaabangan lang talaga mga workshop trainings kapag si Professor Cordova ang host. Ma'am Averie also endorsed this workshop for aspiring student leaders, marami tayong matututunan dito."

"Great, this floor is occupied by brilliant people," matalino rin naman 'daw' ako pero tamad lang according to the living philosopher I know kaya I deserve to be here.

Nanahimik ang lahat as soon as Professor Cordova entered, nagpaiwan pa kasi ito sa office niya kanina kaya mag-isa akong umakyat muna ng venue.

Nag-ayos siya, I can see it. Medyo stressed ito sa naging tagpo nila ni Chanel Velazco kanina, ngayon ay parang wala na ulit. Mas stable na ang awrahan niya ngayon kaysa sa mental health ko. She looks calmed, composed, and just fine.

Tinahak niya ang daan papunta sa taas ng puting platform. Dala ang isang black marker ay nagsulat muna ito sa white board bago siya pormal na bumaling sa aming lahat, gaya ng nakasanayan sa tuwing nasa klase siya, walang mababasang kahit nakakubling emosyon sa muka niya.

"For today's workshop, since majority of you here are candidates for the upcoming Supreme Student Council Election, I'd like this 1-day moment with you to establish a great leadership's vision and mission through exercises and experiential activities.."

Masinsinan kaming nakinig sa kanya, you're gonna miss half of your life if you won't.

Tama si Blain noon, Professor Cordova is a lot different kapag nasa workshop na, nanglalamon siya ng atensyon. Best of all, the approach she's using to develop her discussion leadership skills is what makes her more effective..she's an absolute class.

Kahit natural na wala kang interes kumbaga sa partikyular na topic ay kaya niyang ilabas 'yon sa 'yo, gustuhin mo man o hindi, makikinig ka at matututo.

I met her dark gaze because I was staring and adoring her too much. Feeling a bit nervous, I glanced away.

"Meziah, you forgot to sign the attendance," Blain turns to my side and hands me the sign in sheet.

I pick up my bag, grabbing her ballpen and signing my name on the time card atop her desk.

"Kumusta kayo ni Adriana, Finnegan?" usisa ko habang nagmadaling pumirma.

"Good."

"Ano'ng good? I wanna know why did you reject her?" I lift my head to stare her eyes seriously.

Matias Adriana has changed quite a bit since the rejection, she's still struggling to figure out who she is that she began to distance herself from us. As a friend, I want to help her as I don't want to see her slowly caging herself because she's afraid for another rejection again.

"Meziah, it's none of your business.."

"Matias needs you," huminga ako ng malalim. "The friendship that you both have, I think it wouldn't be right to throw it under the bus just because of her confession."

Kaya nakakatakot umamin, eh. And I admire Matias Adriana for risking it all.

"The friendship is still there, hindi naman mawawala 'yon because it's the only thing that I can give," tumayo siya. "She knows I like someone else."

With curiosity in my eyes, I gently held her chin. I chuckled because she quickly averted her gaze.

"I was about to ask who-"

"Miss Veneracion, let me take a look at the sign in sheet."

Tila yelong asik ng propesor mula sa desk niya, nanlamig ako bigla. Nabigla ako nang hablutin ni Blain 'yung ballpen niya sa kamay ko, tahimik ko lang siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalabas ito sa pintuan pagkatapos niyang magpaalam kay Professor Cordova.

Bumalik ang tingin ko sa guro na nag-aayos ngayon ng gamit sa table, tahimik ang buong palapag dahil kami nalang ang natira. Lumapit ako sa table dala ang sign in sheet, tahimik at maingat sa galaw.

"Ma'am.." napapikit ako dahil sa malakas na taguktok ng pagbagsak ng makapal na libro sa harapan ko.

"Can you put all of these books on their designated shelves?" malamig na utos niya sabay hablot sa sign in sheet na dala ko. What's going on?

Walang imik ko itong pinagpatong isa't isa, apat din 'to pero makakapal at siguradong mabigat.

"Saan banda ma'am?"

"Didn't your eyes read what's written on their covers? Consider donating your eyes out, Veneracion."

Bakit ba ng susungit ng mga babae ngayon? Sungitan ko rin kaya siya? Nah, it's a bad idea, I love my life. I have to believe she is not in a good frame of mind today because of what we have encountered previously. Kung hindi lang siya dating strikto ay sasabihin kong apektado ang workshop kanina.

Sumunod nalang ako sa utos ng kagalang-galang, 'yung isang libro sa 10th floor pa galing kaya natagalan ako.

Si Paula na ang kinausap ko tungkol sa huling libro dahil hindi ko talaga mahanap kung saan ko 'yon ibabalik.

"Tinatawag ka," pagbibigay alam ni Paula. "Hindi niya gustong nasasayang ang oras niya, bilisan mo."

Handa na akong umalis nang muntik matumba ang hagdang gamit ni Paula dahil may inaayos ito sa itaas ng book shelf. Mabuti nalang nasa tabi pa niya ako kaya nasuportahan ko ito agad, nagtawanan pa kaming dalawa.

"Thank you," singhal niya, gulat na gulat pa rin.

"Number two sa balota," sagot ko na sinundan ko ng welcome, napangiti ako nang tumango siya at nakipag-shake hands pa sa 'kin.

Nobody can resist the charm of Ezra Meziah Y Veneracion!

Bumalik ako kung saan ko iniwan si Professor Cordova, nakaupo ito ngayon nang bahagya sa gilid ng desk niya, nakatupi ang mga braso sa dibdib at hindi birong nakatingin sa paglapit ko.

"Flirting is a dangerous way to earn votes, Miss Veneracion," she remarks in a fading, annoying tone. Nasa isang kamay niya ang sign in sheet na iginalaw niya para ibalik sa 'kin.

And what did she say? Nag-isip ako saglit, maaaring narinig niya ang sinabi ko kay Paula kaya niya nasasabi 'to.

"I don't do flirting for votes, ma'am. I'm not that desperate," tinanggap ko ang sign in paper at muling tiningnan kung ano'ng mali roon.

She stared at me looking unconvinced, "Really?" her gaze flitted toward Paula arranging books on the higher part of the bookshelf.

Our eyes lock afterwards, silence envelopes us for a heavy and tensed moment.

"My flirting abilities are limited for one person exclusively, the sad part is I'm not quite sure if it works on her," ngumiti ako, wala naman kaso sa 'kin if it works or not. Ang mahalaga, nasasabi at nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong iparating sa kanya sa ganoong paraan.

She fixes her posture before I could take another step closer to her desk, giving back the attendance paper.

"About that, you forgot to write your full name. Complete it if you don't want me to mark you absent," masungit niyang saad, tiningnan niya lang ang attendance paper na pilit kong iniaabot sa kanya kanina.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa biglang pagliko ng usapan, napunta agad sa attendance paper. Ayon na 'yon? Wala siyang sagot sa huling sinabi ko?

Checking back the paper, first & second names ko lang pala sinulat ko at pirma. Naglabas ako agad ng ballpen para kumpletuhin 'yon pero bago pa man ay sinalubong ko ulit ang malditang mga mata niya na hindi pa rin naalis sa akin.

Tinitigan ko siya, "I forgot to write my last name, can I use yours, Professor?"

"Use my last name or I'll pretend you didn't attend this meeting? You choose," madiin ang boses niya, kahit sa balat ko ay dama ko ang gigil niya.

Napalitan ng takot ang malokong ekspresyon ko, dagdag points din 'to sa isang subject ko eh. May certificate din at alam niyang conscious na ako sa mga ganitong usapin ngayon dahil pahirapan kong bini-build up ang academic record ko.

Isinulat ko ang dapat isulat at mabilis na ibinalik 'yon sa kanya bago pa magbago ang isip ko't ipagpilitan ang gusto ko. If I can't have her surname, she'll have mine.

"Hindi ka tatandang Cordova lang ang apilyedo mo, professor," I rolled back my shoulders.

"I can't disagree, I'm getting married eventually," walang pakialam niyang balik. Sa ilang sandali para akong walang marinig bukod sa huling sinabi niya, si Arthur kasi agad naisip ko eh, nakaka-badtrip.

Hindi na ako umangal pa at kinuha ang bag ko sa upuan na iniwan ko lang ulit kanina.

"Where are you going?"

"I'm leaving, ma'am," lalayas na ako bakit ba.

Iminuwestra niya ulit ang upuan, pinapabalik niya ako. Gusto ko sanang magmatigas pero matalim ang mga tingin niya, nakakatakot tanggihan at labanan.

"Could you give me a minute? Let's discuss about what you saw outside," umikot ito at bumalik sa upuan niya.

Sila ba ni Chanel Velazco? Tungkol 'to sa naabutan namin kanina panigurado.

"Wala naman kaming nakita-"

"That's impossible," her jaw tightened, I sat back on the chair.

"Narinig, wala kaming narinig but we saw you almost got slapped by her," walang bahid ng kasinungalingang paliwanag ko, napakuyom ang mga kamay ko sa naalala. How I wish narinig nalang namin lahat ng pinag-usapan nila para hindi na rin kami nagtataka pero sana pala..hindi nalang namin sila nakita para hindi na sila dumagdag sa iniisip namin.

"It's nothing serious," bumaba ang boses niya, her elbows perched on the top of her desk. "You may go, Miss Veneracion."

Tumayo ako dahil ayoko na ring patagalin 'to pero hindi ako aalis na hindi man lang nakukuha ang pagkakataong magtanong.

"I don't want to intrude on your privacy, but I would like to ask what happened. Do you know each other personally?" magkasunod na tanong ko, kapag hindi niya sinagot kahit isa jan ay mananatiling tanong 'yan sa isipan ko at hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang sagot.

"No," maagap na sagot niya. "We're not friends.."

"Bakit muntik ka niyang saktan? I don't understand," hindi ako kumukurap para lang mabantayan ang mga mata niyang hindi ko pa rin mabasa, she's good at concealing her emotions, I can't read her until now damn.

Hindi ko mabasa..pero palagay akong may mali.

"I think it's better if you don't ask too many probing questions. Can we pretend what you guys saw never happened and just get on with our lives?" wika niya habang inaayos ang mga gamit sa desk niya na tingin ko naman ay organisado na, malinaw na ayaw niya talagang pag-usapan 'to.

"If that's what you want, Professor Cordova," I replied dryly.

I'm gonna quit asking questions about them, so I am ending it here. But I'll never stop trying to find out who the new mistress is..kaya hindi pa ako tapos kay Chanel Velazco.

"Miss Veneracion.." tinawag niya ulit ang apilyedo ko, hindi pa ako nakakalabas ng pinto.

"Ma'am?" I said, trying to quell my unwanted emotions.

"In my office," she marches firmly into her office.

Iniwan niyang bukas ang pinto, hinihintay akong pumasok. Napabuga ako ng hangin na sumunod sa gusto ng mahal na boss kahit medyo inis pa 'ko.

Gaya ng nakagawian niya ay nakasandal lamang ang likod nito against the table, prenteng nakatiklop ang mga braso sa dibdib nag-aabang sa pagpasok ko. Hindi pa ba siya tapos sa interogasyon niya?

"Updates about last night," she begins with a commanding tone of voice. "Tell me."

Hindi nga ako nagkakamali pero hindi ko inaasahang tungkol sa nangyari kagabi ang itatanong niya. Nagkatitigan pa kami saka ako nagpasyang magsalita.

I toss my hair out of my face with my hand, "I went out for a ride with the most beautiful human being in the world."

She huffs a scowl as she stares at me intensely.

"Only decent answers are acceptable today," may hinugot siyang bagong pakete ng wipes sa likod niya saka niya iyon ihinagis sa 'kin na agad ko rin namang sinalo.

"Truth should be the perfect word, ma'am."

"Okay, where were you last night when we parted?" her sharp eyes are pointed at me like a gun, and if I don't speak up, I'll be dead.

"I did as you instructed, went home right away, and slept with a smile on the face," mahimbing ang tulog ko kagabi at walang masama kung malaman niya 'yon kasi siya rin naman ang dahilan, hindi ko na ipagkakaila.

But she doesn't seem to believe what I'm saying. She let herself to be led off her desk toward me, who's standing some few steps away.

"Hindi ka naniniwala, ma'am?"

She takes sheets of wipes from the package I'm holding and hands them to me, instructing me to use them.

"Wipe your face and neck.." her fingers fidgeting on her sides like she's waiting to confirm something.

"I don't use make-up often," kunot-noo kong himig, iniisip kung para saan itong ginagawa niya hanggang sa unti-unting namuo sa isipan ko kung bakit.

"Just do what I said," she firmly orders.

"I was telling you the truth, hindi ako lumabas kagabi. Walang Mix it UP, walang inuman at mas lalong walang threesome kaya walang kiss marks or whatever-" I trailed off when she reached the wipes from me.

"As a concerned teacher, I'm just making sure you're telling me the truth and everything that I said last night made sense to you," rason niya, nag-iwas pa ito ng tingin sa 'kin.

"Concerned teacher.." dudang pag-uulit ko. Ka-vibe lang ng concerned citizen, eh.

"Ako ang huling taong kasama mo, Veneracion. It's normal to ask if you went home safely and nothing wrong happened to you.."

Buhay pa naman ako? Nakakausap niya ngayon?

"I know that's not it," when I move closer, she takes more steps back.

"Don't move.."

Hindi apektado itong nakipagkarerahan ng tingin sa 'kin, kusang lumapit ang isang kamay niya sa gilid ng leeg ko. Ayon na nga't hindi pa siya tapos, wala siyang gamit na wipes but she's doing her own way to find out what it is in her mind. Nangangatog ang tuhod ko sa ginagawa niyang paghaplos sa balat ko, wala siyang kamalay-malay sa ginagawa niya.

"What I stated was exactly what I intended," she curls her lips.

"And what I'm thinking at this moment perhaps is what you're feeling right now," without warning, I was able to carry her by the waist, positioning her on top of her own desk.

"Veneracion! What the hell are you doing?!" gulat na gulat niyang reaksyon, muli ay nakatanggap ako ng hampas ng pagmamahal sa balikat ko.

"Pinaupo lang kita, baka nangalay na mga paa mo kakatayo," I huff a teasing chuckle, her face turning pink.

"Put me down.." mahinang pakiusap niya, naiinis, pinipigilan ko ang sarili sa pagngiti dahil sa itsura niya.

"Not until you tell me what I want, professor," kunwari'y seryoso ko pang saad, paniwalang paniwala siya sa mga paganito ko minsan, eh. Para siyang hindi sanay na nakikita akong seryoso.

Nagawa pa niyang mag-ikot ng mata, "I said put me down, Veneracion!"

She slowly scoots her hips forward, planning about going down but my body pressing her knees won't allow her.

"Nakakainis ka na," she lets out a surrendering sigh, a flush creeps out of my nape.

Holy hell, how adorable that look on her face right now, my heart can't handle it. I smiled proudly, "It's an honor na naiinis kita, ma'am-"

"I believe you," her voice suddenly turns to velvet, it's so soft as well as her arms slowly making their way to my shoulders. She forced herself to speak nicely, "This is enough, naniniwala na 'ko.."

"Na?" nasa desk ang mga kamay ko para sa ikabubuti ng lahat.

Nagtaas-baba muna ang kilay niya, "That you listened to me."

Gumalaw ulit siya at marahang tumalilis paharap. Nagdikit lalo ang katawan naming dalawa dahil sa ginagawa niya, hinawakan ko siya sa baywang habang ang mga braso niya ay nasa mga balikat ko.

"Why do you always make things difficult for me?" bulong ko sa kanya na nagpatalas lamang sa mga mata niya. I could smell her cherry scent because of our close proximity.

"I asked you a question, ang dali lang sagutin, Veneracion."

"Sinagot ko ng maayos 'yung tanong, ang hirap mong maniwala, ma'am," kaya umaabot sa ganito eh tapos kapag siya tinanong, mas alanganin siyang sumagot.

Kumapit siya ng mahigpit sa 'kin nang ibaba ko na siya pero kapalit no'n ay isang malakas na mura ang pumuslit sa bibig ko dahil sa sakit. This professor stepped on my feet causing me to shrink and groan in pain.

Nung marinig kong kumakatok na si Paula sa pintuan, malamang ay dahil sa ingay mula rito ay nilakasan ko pa ang sigaw ko.

"Veneracion, it's not cute. Para kang tanga.."

"Fuck!" groaning, I stepped backward pulling my balance straight but I only ended up landing on the ground. "Wren, you motherfucker!"

She lets out a chuckle, "C'mon, Ezra! You're doing better! Get up!"

This stupid scumbag keeps blowing shits on me until I lost my fucking balance.

Isinisingit ko talaga ang pagpunta rito sa Fist Boxing Studio ng mahal kong pinsan for workout purposes as reasoning kapag tinatanong ako ni mommy. It's because aside from swimming, I'm taking full advantage of this opportunity to switch things up, and boxing is quickly becoming my second favourite pastime..sport.

It's where I get to bond with my cousin, also, I'm preparing for another match with Cyan in the future pero hindi pa niya alam. Hindi lang magandang muka at katawan ko ang nasuntok niya noong araw na 'yon, dinurog niya kahit pride at ego ko.

"Are you in the mood? Did something happen? You're not here for this, Ezra!"

"Wala akong problema bukod sa muka mo," I stepped back and forth, balancing my weight as I try my best not to collapse again. Dripping with my own sweats and executing my next attack, I throw my right fist out in a curve punch at her cheek.

Tumakbo ako palabas ng ring na tawang-tawa, nakatatlo na ako eh at 'di 'yan titigil hangga't hindi nakakaganti. Nagtanggal agad ako ng gloves at iba pang boxing gears para hindi niya na ako hilain ulit pabalik at mabigyan ng flying uppercut.

"Game over loser," halakhak ko at itinungga ang natitirang laman ng water bottle ko.

"Ang kapal ng muka mo," 'yung tubig niya sa tumbler na akala ko iinumin niya ay binuhos niya sa katawan ko.

"Gusto mo itapon kita sa labas?!" banta ko pero tawang-tawa pa rin dahil sa 'di maipintang muka niya. It's her fault, I told her to wear protective gears for her head and face but she underestimated me too much.

Actually, tinutulungan niya ako to improve more and she should be proud of me for beating her today.

Sinalo ko 'yung towel na hinagis niya, habang nagpupunas ako sa katawan ay panay tingin ako sa phone ko. Naghihintay ng response ni Professor Cordova sa text ko na hanggang ngayon ay wala pa. Today is Red's swimming lesson, nagsabi akong susunduin ko sila pero tumanggi siya dahil kailangan niya raw magdala ng sasakyan dahil maggro-grocery pa sila after.

"Ezra, the professor is waiting outside!" sigaw ni Wren mula sa kung saan, hindi ko na siya inabalang tingnan dahil lumabas na ako agad para salubungin ang mga magkapatid.

"Pulang oxygen!" I wave at Red, but my gaze is only directed to his sister, who is standing firmly behind him na hindi ko agad nakilala. The professor's hair was tied in a messy bun, hinahangin kaya nakakaagaw atensyon. Oversized black button down long sleeve ang damit na yumayakap sa katawan niya, black leggings and shades.

"Ate Meziah!"

With a big smile on my face, I spread my arms pero kay Professor Cordova ako nakaharap. Panira ng diskarte si Red dahil siningit pa rin niya talaga sarili niya, as if namang yayakap din kasi sa 'kin 'yung antipatikang propesor.

"Why are you late?" panggagaya ko sa tono niya kapag tinatanong niya ako ng ganyan, nagtanggal siya ng shades, ayan na naman po siya.

"We are here on time, Veneracion. You're busy hurting yourself when we arrived," tinaasan niya muna ako ng kilay, lumatag ang nanunuring mga mata niya sa buong katawan ko. "Didn't you learn your lesson the previous time you were knocked out by Cyan? Hindi ka pa nadala? Masochist ka ba?"

"Boxing is a great aerobic exercise, ma'am. It's an incredible way to workout kapag tinatamad akong lumangoy," I said throwing a punch in the air beside her.

"But never to the point that you need somebody to fight against! Tignan mo nga 'yang sarili mo!" she glares at me, then turns to Red and commands him. "Go to the shower room and change."

I called the attention of the swimming instructor I hired for him, Coach Ryker. Siya ang pinili ko for this para siguradong makasundo niya ito agad, instructor din si Kuya Ryker sa CU Senior High, eh.

"Where are you going?" she points the chair next to her. "Sit down."

Sumunod ako at tahimik na umupo, nalilito sa mga galaw niya. Iniwan niya ako saglit at pagbalik niya ay may dala na itong bottled water na siguradong malamig pa dahil sa freezer yata galing kasi may yelo pa. Walang patalastas niyang ihinagis 'yon sa 'kin, napasalo akong napapatanong pa rin. Uminom na ako ng tubig kanina, eh?

"Thank you, but I'm not thirsty?"

Binuksan ko pa rin 'yon para bawasan pero nakita niya ang ginawa ko kaya niya hinablot 'yon sa 'kin ulit.

"I didn't tell you to drink it!" she groans, stepping to my side. Yumuko siya para pantayan ang muka ko, with the cold water bottle on her hand and gently pressing it to my jawline.

"Ah-fudge!" I gasped at the first touch of the cold bottle on my face, she narrowed her dark eyes which I find so attractive. Medyo may kalapitan ang muka niya sa 'kin kaya malaya ko siyang natitigan panandalian. Ang totoo niyan wala naman akong sugat sa muka pero panigurado mamaya puro pasa na dahil sa bugbog, mainit na rin sa pakiramdam at tingin ko ay namumula na rin ako.

"See?" umarko ang kilay niya. "Who was with you inside that ring?"

"My.." my eyes drop to her lips, damn it. Patawarin niyo ako, nagmamagandang loob lang itong tao tapos kung anu-ano nang naiisip ko.

"Who?" mariing tanong niya kasabay nang pagdiin ng bottled water sa muka ko. Napadaing ulit ako sa sakit, wala na, napakapit na 'ko sa baywang niya na ikinagitla niya.

"Wren Skeeter, siya lang ma'am," I responded under my breath, feeling as if I were in a serious one-on-one interrogation whereby if I didn't answer, she would have no choice but to punish me.

She immediately grabbed my hand from her waist at inilipat niya 'yon sa bottled water sa muka ko. Hinawakan ko ang kamay niya na hindi agad niya naalis, pumatong ang isang palad ko sa likod ng kamay niyang nakadaop din sa bottled water.

"I think your hand is more effective than the water bottle," pumikit ako, nagugustuhan ko na 'yung ganito, laging katabi siya o 'di kaya'y nakadikit ang balat niya sa 'kin. Hinahanap-hanap ko na 'yung libo-libong pamilyar na boltahe ng kuryente sa katawan ko na siya lang ang nakakapagpabuhay.

"My hand is warm, it doesn't help at all," she hums softly.

"I don't give a damn, you're giving me comfort that no one else could," I said seriously like a known fact.

"I wanna put on a duct tape to your mouth now, sweet talker," pambabara niya.

"Swim with me," seryosong alok ko sa kanya na nagpabawi sa kamay niya mula sa akin, tumikhim ako. "Ang ibig kong sabihin, join the lesson for free. Sabi ni Red hindi ka raw marunong lumangoy, I can teach you."

"Veneracion you hired a swimming instructor for Red para rito?" hindi siya natutuwa pero 'di ko rin alam kung naiinis siya.

Mapaglaro akong ngumiti, "Ayaw pumayag ni Mr. Cordova kung walang instructor, eh. That's why I'm offering you my service, baka pumuti lang mata mo rito kakahintay sa 'ming matapos. Better join us, professor."

"Playing around? I don't have room for any right now," masungit niyang sabi.

Ngumuso ako, "It's for free, hindi na nga ako hihingi ng kapalit eh. Ikaw bahala-"

"No," walang tonong pagtanggi niya.

"I have never been rejected until today," I replied dramatically.

"Just because you're a swimmer doesn't mean you can swim in any water with just about anyone, playgirl," umiling siya, animo'y nagbibiro ako sa sinabi at naglalaro na naman.

"Ma'am? Bakit hindi mo nalang ako lunurin?" I gently move the water bottle on my temple.

"Don't dare me," her sensual eyes grew darker.

"I respectfully dare you, lunurin mo ako ng pagmamahal, Professor Cordova.." I nibbled my bottom lip. "Oh ikaw nalang lunurin ko?"

"Flirt.." tanging sagot niya pero sa mahinang boses pa.

"Love.." panggagaya ko sa tono niya.

"There's a lot of fish in the sea but you have no clue how to fish," pambabara niya sa mapang-asar na ngisi ko.

Hang on a minute..

"What's that? A rejection? I'll just take it as a joke," a gentle of seriousness ruffled my voice.

"Yeah, I'm not swimming in that pool with you. Hanap ka ng ibang paglalaruan mo," tumayo siya at mukang wala ng balak ituloy ang usapang 'to.

"I heard my name here earlier, may kinuha lang ako sa loob kaya natagalan pagbalik ko rito," malapalakang sulpot ni Wren, not sure kung ano kinakain niya basta naka-pita bread tapos maraming gulay sa loob.

"Wala naman kaming pinag-usapang pangit?" bira ko sa kanya, badtrip ako eh. "We don't need you here.."

"Gusto mo ng black-eye?" irap niya, tumungo 'to kay Professor Cordova. "Nag-lunch na ba kayo, Miss Rafa? We prepared a special lunch treat at the dining hall, I hope you can join us?"

Professor Cordova stands up firmly, in her assertive tone, "Another lunch doesn't fit in to my food plan for the day but thanks for the offer, Wren."

Walang muwang na tinanggap ni Wren 'yung water bottle na binigay sa kanya ng propesor.

"For me?" may kilig pang nagningning sa mga mata niya.

"No, it's for Miss Veneracion," itinuro ni Professor Cordova ang magandang muka ko. "You did it to her face right?"

"But she also punched me! Talo nga ako sa match kanina!" arte ng pinsan ko, hinagis niya sa 'kin 'yung bottled water pabalik.

Throwing a look over my shoulder, sumilay ang inis sa muka ko nang makilala ko kung sino'ng tao 'yung nilapitan ni Professor Cordova malapit sa medic site. Nagtaas pa ng kamay si Arthur para kunin ang pansin namin, deep down ay napairap ako at tumayo na para hanapin si Red.

We started off the swimming lesson right away.

Nakabantay lang si Coach Ryker sa 'min at ako ang nakaalalay kay Red sa mismong tubig. Nanonood naman sa kabilang banda sina Professor Cordova kasama si Arthur, napapairap ako minu-minuto sa 'di malamang dahilan. Gets ko na bakit ayaw niyang magpaturong lumangoy, nandito kasi ang lalaking 'yon.

'Di nagtagal ay lumapit si Professor Cordova sa pwesto namin, she's taking pictures of us. Narinig ko ay para may maipakita siya kina Blue, Mr. and Mrs. Cordova.

"Red, look up here!" utos niya sa kapatid na sumusunod naman, kahit si Coach Ryker ay kasama rin habang ako ay sinasadya ko talagang umiwas at tumatambay sa tabi kapag kumukuha na siya ng shots. Ayokong sumali kasi hilaw na ngiti lang ang kaya kong ibigay.

"Ate one more! With Ate Meziah naman!" kumapit si Red sa braso ko, gustuhin ko mang umatras ay wala akong nagawa kundi sumabay pero hindi pa rin makatingin ng diretso sa camera.

She is silently taking pictures.

"Miss Veneracion.." madiing bigkas niya para kunin ang atensyon ko.

Shrugging my shoulders, I lift my eyes to see her. Nakababa na ang phone niya, masama ang tingin sa 'kin.

"What's wrong?" her brows drew together, umiwas ako ng tingin at tumutok kay Coach Ryker at Red na nagsasanay pa rin.

"I'm just thirsty, ma'am," balewala kong sagot, lumusong ulit ako sa malalim na parte ng pool, kulang na lang ay tumira ako sa tubig. Pag-ahon ko ay may dala na ulit itong tubig pero sa baso na nakalagay, napakurap ako at bahagyang nagulat.

"Here," she's handing it to me.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, nawala na 'yung eyesore na sumira sa araw ko, naiinis pa rin ako pero kailangan kong umayos.

"Thanks," tahimik kong tinanggap 'yung baso ng tubig at kinalahati 'yon. Hindi siya umalis sa tabi ko at nanatili lang itong nakatayo, tahimik pero ramdam ko 'yung mga mata niyang mabigat na nakapukol sa 'kin.

Minutes passed, her phone rang as she put back the glass on the table. Pinapanood ko lang siya mula rito at kahit hindi ko gustuhin ay naririnig ko ang usapan nila ng kumag na nasa kabilang linya ng phonecall.

"What?" her eyebrows furrow, she cocks her head up to the YAF hotel behind us.

And there I saw Arthur sa pinakamataas na palapag ng hotel, nasa isang balcony siya, he's waving at us with the phone on his hand. I really don't understand what's on Arthur's face, gwapo naman 'daw' siya but he's ticking me off like hell.

"Is there anything else you need?" she asks after the call, tossing her phone on the table. Oh? Ako pala tinatanong niya, akala ko 'yung gorilla sa taas na kumakaway kanina. Bakit 'di nalang siya tumalon?

"Why did he call?" I answer with another question, I'm referring to Arthur.

"He's asking me to bring his things in the hotel," she answered, my face went black.

"Ano'ng kailangan niya? I can ask someone to take it there," medyo iritado kong tanong.

She pauses for a moment, then answers, "His duffel bag?"

At ginawa pa siyang utusan? Unless..damn it, whatever.

"Veneracion, you don't have to do it."

"He's not your boyfriend, hindi ka rin niya utusan, ma'am." namumula na muka ko sa inis, hindi na siya umangal pa after that.

For her sake, nag-utos ako ng ibang tao para dalhin lahat ng kailangan ng Arthur na 'yon, may pasyente raw pala siya sa loob ng hotel kaya siya nando'n. Iba na nasa isip ko kanina kaya nadagdagan inis ko, bakit kasi sa dinami-dami ng uutusan si Professor Cordova pa? Masyadong magaling.

Having said that, may sumilay na tuwa sa loob-loob ko, wala siyang violent comeback sa sinabi ko. Ibig sabihin, hindi pa niya sinasagot ang lalaking 'yon, I need to upbeat my flirting skills then. But the thought of this guy having the opportunity to get her 'yes' dissuades me from doing so.

No, I'm not gonna stop.

"How deep is the water?" she asks unexpectedly.

My cheeks flushed with surprise as she perched on the edge of the pool, dropping her bare feet in the water.

"H-hey," kabado akong napalangoy para lapitan siya, kumapit ako sa tabi niya para masiguro ang seguridad niya. Hindi siya marunong lumangoy, kinabahan ako kasi baka mahulog siya sa ginagawa niya. Nakakapit lang ako sa nosing tiles bandang gilid kung saan siya nakaupo rin.

"What?" she lifts an eyebrow.

"It's deep here, 12 feet is the maximum depth," hindi mapalagay na paliwanag ko. The pool where Red is having his lesson is 3-5 feet for safety while here has a maximum depth of 12 feet.

"Please be careful, the water in front of you is approximately 9 feet high," may pulang marka do'n kung saan ako nakatingin mula rito sa pwesto ko.

"I'm not going to jump here," she bats her eyelashes while pulling down her hair like a model.

"I know, but you could slip, mahulog ka pa jan."

"Thanks for the concern," her lips tug up slightly.

"Ngayon lang 'to, I won't give warning kapag alam kong sa 'kin ka naman mahuhulog," may ngiting balik ko sa kanya. "Para hindi ka na makaahon."

Tumayo siya at binalewala ang sinabi ko. Sinundan ko lang siya ng tingin, binabasa niya 'yung marka ng pool at huminto ito sa mas mababaw na parte. Gaya ng ginawa niya rito ay sa concrete tiles siya umupo, ang paa ay nakalubog sa tubig.

"Veneracion you're like a book, and I've learned a lot.." she carefully dips her fingers into the water.

Lumangoy ako at tumayo sa tapat niya.

"Lessons? It's shameful because you only know me for my infamous names, not my story," my expression closes up, I brush the drips of runoff water over my face and rake my fingers back through my locks.

Poor acads, loser and being a playgirl. Just infamous..for everything.

"I didn't mean it that way.." she fixes her gaze firmly to the pool.

"What do you mean by the way?" what she said puts me slightly at ease.

Later gravity, she starts unbuttoning her buttoned down long sleeve shirt. I attempted to distract myself and look away, fighting for my life not to look at her.

Ang intense kasi ng dating kahit naka-black t-shirt lang naman pala siya sa loob, ayoko rin itong tumatakbo ngayon sa isip ko..masyadong sexy at mapaglaro sa damdamin.

"Can you explain what you are doing?" walang paligoy-ligoy kong tanong, akala ko trip lang niya magbabad ng paa kanina kaya todo ingat ako na baka mabasa siya o mahulog. Ayokong mabasa siya at mahulog sa iba.

"Swimming?" kasywal na sagot niya, hinagis niya sa tabing upuan 'yung top clothes niya pagkatapos niyang hubarin.

I beamed, "Yeah, right but you don't know how to swim."

"How will I know if you won't teach me?" she chewed on her bottom lip.

May pagka-clown din pala ang propesor na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

638K 32.1K 45
✪ LOST IN TIME, FOUND IN LOVE • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE In a twist of time, CASH VIEL Y VENERACION and SAINT VISHA LAW are two lovely st...
2.8M 97.7K 60
Savien Dela Vega's Story. GirlxGirl. Date started: April 30, 2020 Date finished: June 29, 2020
1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.7M 119K 55
Venine Amary Madrigal is a conservative girl. Graduating sa kursong Architecture at kilala sa kanilang school dahil sa taglay na ganda at talino. Nag...