Hold me tight, My Haciendero...

By cessias

1.2K 102 54

At her young age, Jiharah Blythe Palconan suffered through a lot of circumstances and problems in life. Her f... More

Isla De Provincia Series
DISCLAIMER
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7

KABANATA 5

51 2 0
By cessias

Kabanata 5

Ngayon ko lang napagtanto na nakakausap pala naman ng maayos itong si Sir Jandrich. Magaan ang awra niya nitong lumipas na araw. T'wing may pasok ay sa kanya na ako sumasabay dahil iyon ang utos niya.

Napansin ko rin na medyo iwas na siya sa babae sa school ngayon. Wala na siyang kalampungan t'wing nakikita ko siya. Isang himala siguro ang nangyari sa kanya.

"Manang!" rinig kong sigaw ni Jandrich mula sa kanyang kwarto.

Nasa tabi ko si Manang at naglalaba ng mga damit nila. Ewan ko ba doon sa Ostrich na iyon at napakahilig sumigaw. Napabusangot si Manang dahil doon.

Mayamaya ay narinig namin ang yabag ng mga paa niya pababa sa hagdanan. Hawak nito ang kanyang polo habang nakabusangot ang mukha.

"Bakit amoy ipis 'to?!" pasigaw na tanong niya.

Nangunot naman ang noo ni Manang at inagaw ang polo nito. Inamoy niya iyon.

"Hindi naman ah. Ang bango nga e." sabi niya at humarap sa akin. "Hindi ba ikaw ang naglaba nito kahapon?"

Tumango ako. Nang humarap kami ni Manang kay Sir Jandrich ay nahuli namin kung paano nawala ang busangot nitong mukha. Ibinigay ni Manang ang polo niya sa akin. At tama naman. Mabango nga, malamang dahil may Downy 'yan.

Saan naman kaya niya nakuha ang amoy ipis?

"Mabango naman ah.." sabi ko matapos amoyin ang polo niya.

Palihim pa siyang umirap sa akin pero nakita ko naman iyon. Asar niyang kinuha sa kamay ko ang polo at walang imik na umakyat pataas ng hagdan. Mukhang may sapi ang ostrich.

Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglilinis ng bahay.

Mayamaya naman ay lumabas na si Sir Jeric na purmadong purmado. Hindi ko alam kung may lakad ba siya o outfit of the day niya lang iyon. Sabagay, ang mayayaman nga naman, kahit nasa bahay lang kung makapagbihis wagas.

Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumungo nang mapansin kong sa gawi ko ang lakad niya.

"Good morning, Sir." bati ko.

Ngumiti rin siya. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid.

"Nakita mo ba si Mama?" tanong niya.

"Opo, kaaalis lang kasama si Sir."

Naupo siya sa sofa at nagbukas ng tv. Prente lang siyang nakaupo bago nagpakuha ng kape kay manang. Mabuti pa ang isang 'to, tahimik lang pag-umaga. Hindi kagaya ng isa, parang sirang plaka ang bunganga kapag umaga.

Sa loob ng ilang buwan ko na ring pagtigil dito sa mansyon nila ay masasabi kong maayos naman ang pakiramdam ko. Kahit masungit ang isang ostrich ay tinatawanan ko nalang. Para lang naman kasi siyang isip bata na nagpapapansin.

Sa lahat ng nangyari sa past ko ay hindi ko nga akalain na makakapag-aral parin ako. Tama nga si Lola, walang imposible sa taong nagpupursige.

Dahil sa mga naranasan ko sa nakaraan, akala ko ay walang wala na ako. Akala ko ay wala na akong pag-asa, na wala ng mangyayari sa buhay ko dahil pakiramdam ko noon ay wasak na wasak na ako.

Pero ito ako ngayon oh, unti-unting bumabangon. Gusto kong makalimutan ang masasamang nangyari sa akin. Gusto kong mawala ang trauma ko sa mga bagay-bagay.

"Malalim ang iniisip mo ah." tinabihan ako ni manang. Andito kasi ako sa kwarto ko at nag-aaral.

Nasa harapan ko lahat ng mga notebooks and papers ko. Ewan ko nga ba. Nakakapatulala kapag may iniisip kang malalim.

"Wala lang po. Naisip ko lang na...medyo nagtatagal na ako dito." I smiled at her. Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Thank you, manang. Tinulungan mo ako. Kung hindi dahil sayo ay...baka kung saan na ako napadpad ngayon. Siguro nga ay...hawak ako ng isang sindikato o...siguro baka wala na ako ngayon."

"Jusko kang bata ka! Kung ano-anong iniisip mo." napahinga siya ng malalim at hinagpos ang aking buhok. "Kung nagkataon man na hindi kita nakita noon, mananatiling nasa maganda ka paring kapalaran ngayon. Gagabayan ka ng Diyos, anak. Hindi ka niya hahayaang mapunta sa masamang kapalaran, dahil napakabuti mong bata."

Napangiti ako sa kanya. "Salamat po talaga, manang ah. Dinala mo ako dito. Nagkatrabaho na nga ako tapos tinulungan mo pa ako para makapag-aral. Pangarap ko talaga iyon."

"Wala iyon. Ikaw pa." pareho kaming natawa. "At diba sabi mo ay tumatagal kana dito?...Oo nga ano?....Eh si Sir Jandrich nga pala? Kamusta ang trato sayo?"

Speaking of that ostrich. Naalala ko ang ginawa niya kanina. Naulan kasi no'ng umuwi siya kaya basang-basa ang bata. Tapos ay sinusungitan niya pa ako.

"Shit! Anong klaseng panahon ba naman ito? Hindi man lang ako hinayaang makauwi ng maayos bago umulan!"

"Sir, ito po ang towel niyo." inabutan ko siya ng towel gaya ng utos ni manang.

Tinitigan niya lang iyon. "Ano namang gagawin ko dyan? Mawawala ba ang init ng ulo ko sa towel na 'yan ha?"

"H-Hindi po...pero, basang basa kayo. Baka magkasakit kayo niyan." napaiwas ako ng tingin nang tumitig siya sa mukha ko. "Hindi po mawawala ang init ng ulo niya...baka madagdagan pa nga pag nagkasakit kayo."

Narinig ko ang singhal niya. "Tsk, naulanan lang magkakasakit agad? Anong tingin mo sakin? Ganun kahina?" umirap pa siya bago ako nilampasan.

Naiwan tuloy sa ere ang kamay kong may hawak na towel. Napabuntong hininga ako dahil sa katigasan ng ulo na taglay ng ostrich na iyon.

Hindi daw magkakasakit ah? Tingnan natin.

Napangiwi ako sa tanong ni Manang. "Wala paring pagbabago, Manang. Minsan naman okay, minsan hindi. Ewan, depende sa mood niya ang pagtrato niya sa akin."

Natawa nalang siya dahil alam niya ang katigasan ng ulo ng lalaking iyon na alaga na rin niya mula pagkabata.

"Nadalahan mo na ba siya ng pagkain sa kwarto niya?" mayamaya ay tanong niya.

"Hindi pa po. Pagdinadalahan ko naman siya ay pinababalik ulit niya sakin pababa ang pagkain. Parang pinagti-tripan niya lang ako, Manang. Ewan ko ba sa lalaking iyon." napairap ako sa kawalan. "Kaya naman niyang bumaba, Manang. Hayaan mo siya, malaki na siya."

Ini-expect kong tatawanan lang ako ni Manang pero kinunutan niya ako ng noo.

"Anong hayaan? Sayo ibinilin ni Madam si Sir, lalo pa ngayon at may sakit ang batang iyon. Naku, sige na. Puntahan mo na 'yon sa taas, at baka mamaya ay nagdidileryo na iyon!"

"M-May sakit?" tama ba ang rinig ko sa sinabi niya?

"Oo, may sakit si Sir Jandrich. Nagpaulan pa kasi e."

_

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa nalaman.

May sakit ang ostrich. May sakit ang ostrich.

Bago ako pumunta sa kwarto niya ay nagluto muna ako ng sopas at naghiwa na rin ng mga prutas. Dinagdagan ko ang mansanas dahil napapansin ko na paborito niya ito. Dinalhan ko na rin siya ng gamot.

Kumatok muna ako sa pintuan ng kwarto niya pero binuksan ko din naman agad nang hindi siya tumugon.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita ko agad siya. Nakabalungot ng kumot at nakabaluktot ang katawan, mukhang giniginaw.

Lumapit ako sa table na nasa tabi ng kama niya para ilapag ang pagkain na dala ko. Nakikita ko ang mukha niya ngayon. Tulog na tulog.

Ang yabang ah. Sakit daw agad? Anong napala niya ngayon?

Napangisi ako. "Ayaw pang tanggapin ang towel. Sungit na sungit. Huh! Ano ka nga-"

"mmm"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang umungol. At mayamaya ay unti-unting nagmulat ang kanyang mga mata. At talagang sakto na sa akin agad iyon nakatingin.

"Sinong masungit?" halos bulong niyang tanong. Isinandal na niya ang kanyang ulo sa headboard ng kama at mas ibinalot ang kumot sa kanyang katawan.

Mabilis akong umiling. "Ah, ito na po ang pagkain niyo. Andito na rin po ang gamot niya. Bilin po iyan ni Madam, dapat daw ay inumin niyo kaagad."

Tumingin siya sa mga dala ko. Pero pansin ko ang tagal ng titig niya sa gamot. Kung kanina ay parang nanghihina na siya, ngayon ay parang mas nagdoble iyon.

Dahil ba sa gamot?....Teka, takot siya sa gamot??

"Tatayo ka lang ba diyan?" tanong niya na ang tingin ay nasa gamot parin.

"Sige po. Lalabas na ako." hahakbang palang ako papunta sa pintuan ay nagsalita na ulit siya.

"You're not going outside my room, unless I told you."

Napalunok ako at nasa akin na ang tingin niya ngayon.

"Binilin ako ni Mama sayo diba? So come here, alagaan mo ako."

"H-Ha?"

Napakurap ako at napakamot sa batok. Ayan na naman siya.

Kaya hindi na lang ako umangal dahil alam ko na ang ugali ng makulit na ito. Kapag gusto niya at sinabi niya, dapat masunod. Iyon siya e.

Nasa tabi niya ako at sinusubuan pa siya ng sopas. Tsk, dinaig pa siya ng mga bata na kumakain mag-isa kahit may sakit. Sa pagkakaalam ko ay ulo ang masakit sa kanya, bakit parang ang nangyari ay nabalian siya ng kamay?

"Sinong nagluto niyan?" tanong niya. Tinutukoy ay ang sopas.

"Ako,"

"Kaya pala....Hindi masarap." umirap pa siya.

Nakakainit din naman nga ng ulo minsan ang ostrich na ito. Hindi ba talaga siya marunong maging thankful? Pwede namang kumain nalang siya, kailangan talagang sabihin na hindi masarap. Nakakainsulto. Next time talaga, pritong tuyo nalang ipapakain ko dito e.

"Nganga,"

He arched his brow on me. "Inuutusan mo ba ako?"

I sighed. Ibinaba ko na ang kutsara. "O sige, 'wag kanang ngumanga."

"Inuutusan mo talaga ako?"

Ako ang napanganga dahil sa kakulitan niya.

"Wag ka nalang kaya kumain?"


__
cessias

its been a decade HAHAHAHAHAH charossss sori po. busy po aq e dina gaya ng dating cessias na pakalat lng sa epbi 🤧🤞 misyowall

Continue Reading

You'll Also Like

2M 110K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
914K 54.6K 49
𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐞𝐛𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐮𝐫𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡𝐬, 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐞𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐞𝐬𝐦𝐞𝐫𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 �...
569K 46.8K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
4.4M 279K 104
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...