KABANATA 5

50 2 0
                                    

Kabanata 5

Ngayon ko lang napagtanto na nakakausap pala naman ng maayos itong si Sir Jandrich. Magaan ang awra niya nitong lumipas na araw. T'wing may pasok ay sa kanya na ako sumasabay dahil iyon ang utos niya.

Napansin ko rin na medyo iwas na siya sa babae sa school ngayon. Wala na siyang kalampungan t'wing nakikita ko siya. Isang himala siguro ang nangyari sa kanya.

"Manang!" rinig kong sigaw ni Jandrich mula sa kanyang kwarto.

Nasa tabi ko si Manang at naglalaba ng mga damit nila. Ewan ko ba doon sa Ostrich na iyon at napakahilig sumigaw. Napabusangot si Manang dahil doon.

Mayamaya ay narinig namin ang yabag ng mga paa niya pababa sa hagdanan. Hawak nito ang kanyang polo habang nakabusangot ang mukha.

"Bakit amoy ipis 'to?!" pasigaw na tanong niya.

Nangunot naman ang noo ni Manang at inagaw ang polo nito. Inamoy niya iyon.

"Hindi naman ah. Ang bango nga e." sabi niya at humarap sa akin. "Hindi ba ikaw ang naglaba nito kahapon?"

Tumango ako. Nang humarap kami ni Manang kay Sir Jandrich ay nahuli namin kung paano nawala ang busangot nitong mukha. Ibinigay ni Manang ang polo niya sa akin. At tama naman. Mabango nga, malamang dahil may Downy 'yan.

Saan naman kaya niya nakuha ang amoy ipis?

"Mabango naman ah.." sabi ko matapos amoyin ang polo niya.

Palihim pa siyang umirap sa akin pero nakita ko naman iyon. Asar niyang kinuha sa kamay ko ang polo at walang imik na umakyat pataas ng hagdan. Mukhang may sapi ang ostrich.

Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglilinis ng bahay.

Mayamaya naman ay lumabas na si Sir Jeric na purmadong purmado. Hindi ko alam kung may lakad ba siya o outfit of the day niya lang iyon. Sabagay, ang mayayaman nga naman, kahit nasa bahay lang kung makapagbihis wagas.

Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumungo nang mapansin kong sa gawi ko ang lakad niya.

"Good morning, Sir." bati ko.

Ngumiti rin siya. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid.

"Nakita mo ba si Mama?" tanong niya.

"Opo, kaaalis lang kasama si Sir."

Naupo siya sa sofa at nagbukas ng tv. Prente lang siyang nakaupo bago nagpakuha ng kape kay manang. Mabuti pa ang isang 'to, tahimik lang pag-umaga. Hindi kagaya ng isa, parang sirang plaka ang bunganga kapag umaga.

Sa loob ng ilang buwan ko na ring pagtigil dito sa mansyon nila ay masasabi kong maayos naman ang pakiramdam ko. Kahit masungit ang isang ostrich ay tinatawanan ko nalang. Para lang naman kasi siyang isip bata na nagpapapansin.

Sa lahat ng nangyari sa past ko ay hindi ko nga akalain na makakapag-aral parin ako. Tama nga si Lola, walang imposible sa taong nagpupursige.

Dahil sa mga naranasan ko sa nakaraan, akala ko ay walang wala na ako. Akala ko ay wala na akong pag-asa, na wala ng mangyayari sa buhay ko dahil pakiramdam ko noon ay wasak na wasak na ako.

Pero ito ako ngayon oh, unti-unting bumabangon. Gusto kong makalimutan ang masasamang nangyari sa akin. Gusto kong mawala ang trauma ko sa mga bagay-bagay.

"Malalim ang iniisip mo ah." tinabihan ako ni manang. Andito kasi ako sa kwarto ko at nag-aaral.

Nasa harapan ko lahat ng mga notebooks and papers ko. Ewan ko nga ba. Nakakapatulala kapag may iniisip kang malalim.

Hold me tight, My Haciendero [ Isla De Provincia Series #8] Where stories live. Discover now