KABANATA 1

95 15 24
                                    


Kabanata 1

"Miss, pwedeng doon ka? Nakaharang ka sa paninda ko!"

Saan ba pwedeng tumayo na walang iistorbo sakin?

Napabuntong hininga ako at naglakad na palayo sa karenderya niya. Nakailang tigil na ako dito sa palengke at lahat ng tao ay ipinagtatabuyan ako na parang basura.

Bakit kaya may mga gano'n na tao. Sa halip na tulungan ang kapwa tao nilang naghihirap at palaboy na sa kalye ay kinukutsa at pinandidirihan pa nila.

"Teh, hindi pwede dito ang pulubi! Doon ka! Wala akong ipapakain sa'yo. Maghanap kana lang sa basurahan."

Lumayo nalang ako sa mga tao at naupo sa may tabing daan.

Simula noong umalis ako sa bahay ay wala parin akong natutuluyan, kundi kalye. Walang tumatanggap sa akin sa lahat ng pinapasukan kong trabaho.

Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. At ni sa pagiging kasambahay ay hindi rin ako tinatanggap dahil mukha daw akong kawatan.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong natutulog dito sa kalye kasama ang mga batang pulubi. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na nakakain ako ng maayos. Kung hindi ako maghahanap ng tirang pagkain sa mga basurahan ay wala. Mamamatay ako sa gutom.

Bumalik na ako sa may park dala ang dalawang bag ko na laman ay damit. Naupo ako sa bakal na upuan at pinagmasdan ang paligid.

Delikado dito sa park. Hindi ko alam kung sino sa mga tao dito ang mabuti at hindi. T'wing gabi, maraming lalaki ang nakamasid sa akin. At alam ko ang pakay nila, hinding hindi na mauulit ang kahalayan sa pagkatao ko sa pangalawang pagkakataon.

"Hoy! Magnanakaw! 'Yong wallet ko!"

Napatayo ako nang marinig ang sigaw ng isang ginang sa di kalayuan. Natanaw ko ang lalaking nagnakaw sa wallet niya, at papunta ito sa gawi ko.

Pasimple akong tumayo sa gilid at nang malapit na ito ay pinatid ko agad gamit ang aking paa. Mabilis naman na nakalapit ang mga tanod na humahabol sa kanya kanina.

"Ikulong niyo 'yan! Letse!" sigaw ng ginang at binatukan pa ang lalaking ngayon ay hindi na makapagsalita. "Eneng, naku salamat at naharang mo ang lalaking iyon. Kung hindi lagot ako sa amo ko, budget 'to sa pampalengke e." sabi niya.

"W-Wala po 'yon, sige po." ngumiti ako sa ginang at bumalik na sa pwesto ko.

Ilang minuto pa siyang napatitig sa akin na tila pinagmamasdan akong maigi. Mapait akong napangisi. Siguro iniisip niya na baka kasabwat ako ng magnanakaw na iyon, baka tingin niya sa akin ay isang kawatan din.

Nagulat ako nang lumapit ito sa akin. Naupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng pera na ikinagulat ko.

"Ito, tanggapin mo, hija. Pasalamat ko na sa pagtulong mo sa akin." ngumiti siya.

Napatitig ako sa kanya. So, hindi niya iniisip na kawatan ako? At...bakit niya ako bibigyan ng pera?

Umiling ako. "H-Hindi na po. Wala pong bayad ang pagtulong ko."

Nailang ako sa pagtitig niya sa akin. Para bang kinikilala niya ako. Mula ulo hanggang paa.

Napatitig ako sa aking sarili at napansin na puro dumi na ang damit ko, at pati buhok ko ay napakagulo.

"Ah, hija. Kung ayaw mo ng pera, gusto mo bang kumain nalang tayo sa karenderya?" alok pa niya. Mukha naman siyang mabait, at halos ka-edad lang niya si Mama. "Ano? Payag ka?"

"Hindi na po. B-Busog.." biglang tumunog ang tyan ko. Kapag minamalas nga naman, hindi talaga nakisama ang tyan ko sa kasinungalingan. "B-Busog pa po ako..." napaiwas ako ng tingin.

Hold me tight, My Haciendero [ Isla De Provincia Series #8] Where stories live. Discover now