SIMULA

179 16 15
                                    

Chapter Content: triggered warning (suicidal attempt)

Simula

Sabi nila, habang buhay may pag-asa. Na sa buhay, kung nasa mababa ka, darating 'yong panahon na mararanasan mo rin sa taas. Na kapag malas ka, darating 'yong panahon na magiging swerte ka.

Sabi nila, kapag mabuti kang tao, lahat ng hinihiling mo, matutupad.

Mapait akong napangiti.

I only have one wish. Ang mahalin ako ng totoo ng magulang ko.

I did my best. I already tried everything just be what they want, kahit ang mahirap.

"Jiharah! Bakit ang kalat dito?! At itong damit ko, bakit andito parin? Diba kahapon ko pang pinalalabhan 'to?!" ibinato niya sa akin ang damit niya na tumama sa aking mukha. "Lintek kang bata ka! Kung ano-anong ginagawa mo! Ito, ano na naman 'to?!"

Hinablot niya ang mga papel sa lamesa. Napapiksi ako sa takot nang akma niya itong pupunitin.

"Ma, r-research ko po 'yan...sa s-school.."

Ngumisi siya sa akin. "Ito? Ito ang inaatupag mo? Lintek na! Palalamunin ka ba nito? Ha?" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa panga. "Itigil mo na 'yang kahibangan mo! Dagdag gastos lang 'yan! 'Yong perang bigay ni Nanay, nasaan? Ibigay mo sakin!"

"P-Pero Ma, kay Lola 'yon...pang check-up niya 'yon.."

Malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. Binuksan niya ang bag ko na nasa lamesa at kinuha ang wallet ko. At bago pa siya umalis sa harap ko ay isa-isa niyang pinunit ang papel ko...research paper na pinagpuyatan kong gawin.

Sa panlulumo ay napaupo nalang ako sa sahig at tulala. Unti-unting lumandas amg luha sa aking pisngi.

Pera 'yon ni Lola. Gusto ni Lola na maka-graduate ako, gusto niya na nag-aaral ako. That's why she's giving me a monthly allowance. Pero hindi ko iyon ginagastos dahil gusto kong ipunin iyon para sa check-up niya.

Pero lahat ng ipon ko ngayon, wala na. Mapupunta na sa pang-sugal ni Mama, at pang-droga ni Papa.

Hindi ko alam kung bakit sila palaging galit sa akin. Ayaw nila akong pag-aralin, palagi akong binubugbog ni Papa, palagi akong sinasaktan ni Mama.

Pero sa kabila ng lahat ng nararanasan ko sa kanila, mahal ko pa rin sila.  Naghahanap parin ako ng pagmamahal sa kanila. They're still my parents. I'm still hoping that one day, they will love me and see me as their daughter.

Si Lola lang ang nararamdaman kong nagmamahal sa akin dito sa bahay. Mabuti nalang at kasama namin siya dito. She's the mother of my Mama, at kahit siya...walang magawa para baguhin si Mama. May edad na rin kasi siya at hindi na kayang gumalaw ng maayos. Kaya kahit sinabi niya sa akin noon na lalayo siya at isasama ako, hindi rin niya magawa dahil bukod doon, wala na rin naman kaming mapupuntahan at mapagkukunan ng pera.

"Apo, hayaan mo na 'yon. Pagpasensyahan mo nalang ang Mama mo." narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Pero La, ipon ko po 'yon para maipa-check up kita. W-Walang natira kahit p-piso sa bag ko..." pinahid niya ang luha sa aking pisngi. Si Lola, siya palagi ang nakakapagparamdam sakin na may karamay ako sa hirap ng buhay. "La, kung...t-tumigil na kaya ako sa pag-aaral?"

Agad siyang napasinghal at sumama ang tingin sa akin. "Yan ang 'wag mong gagawin, Jiharah. Ginagawan na nga natin ng paraan diba? Kailangan mong makapagtapos, para magawa mo ang gusto mo. At higit sa lahat...para m-makalayo ka dito!"

"Pero Lola, hindi naman habang buhay na nakadepende ako sa inyo. Gusto ko ng magtrabaho, gusto kong ako ng tumulong sa inyo."

"Jiharah, napakabata mo pa para magtrabaho. Tigilan mo iyan. Gagawa tayo ng paraan ha?"

Hold me tight, My Haciendero [ Isla De Provincia Series #8] Kde žijí příběhy. Začni objevovat