I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

133K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 5

3.3K 128 6
By PeeMad

Chapter 5: Skills and Abilities

NOONG makapasok si Erisse sa kanilang palasyo, napansin niya agad ang kanyang kuya na naglalakad papunta sa kanya.

"Si Esang ba ang nakausap mo?" bungad na tanong ng kuya niya at makikitang patingin-tingin ito sa likuran niya na animo'y may hinahanap.

Malawak na ngumiti si Erisse at tumugon, "Oo at kasama niya ang kanyang ate."

Lumaki ang mga mata ng kanyang kuya. "S-s-si Elaine?"

Tumango si Erisse bilang tugon at nakangiting pinanliitan niya ng tingin ang kuya. Lumapit siya rito at mahina niya itong siniko-siko sa tagiliran. Ngumisi siya na sa likod ay may pang-aasar na babalakin, "Ikaw ha! Akala ko ba wala kang gusto kay Ate Elaine?"

"A-anong gusto?!" Humalukipkip ang kanyang kuya at lumihis ng tingin. "Si Elaine kaya ang may gusto sa akin."

Si Elaine Suarez ay isang klase ng taong hindi nagsisinungaling at kung ano ang nilalaman ng kanyang utak, ito'y agad niyang sasabihin. Kaya bago maglakbay si Elaine, inamin niya sa binata na may gusto siya rito ngunit hindi siya gusto ng binata. . . hindi nga ba?

"H-hindi ko nga siya gusto!" bulyaw ng kuya kay Erisse.

"Weh? Bakit may pag-utal?"

"Manahimik ka nga!"

Tinawanan lang ni Erisse ang nakatatandang kapatid at muling naglakad patungo sa looban ng kanilang tahanan. Subalit siya'y napahinto nang may maalala at lumingon sa kanyang kuya.

"Oo nga pala. Wala pa lang maalala si Ate Elaine at hiniram niya iyong libro mo."

"Iyong Mahika Ah-bidad? Akala ko ba pinahiram mo 'yon sa kapatid niya ng walang permiso ko?" Sa bawat salitang binigkas ng kanyang kuya ay mararamdaman ang inis.

"Si Ate Elaine naman ang nanghiram kaya alam kong papayag ka," pang-aasar muli ni Erisse.

Sinamaan siya ng tingin ng kanyang kuya. "Tigilan mo ako sa kakaganyan!"

"Opo, kuyang torpe," natatawang asar ni Erisse at mabilis na naglakad paalis dahil kung hindi, baka kung anong gawin sa kanya ng kapatid.

𔓎𔓎𔓎𔓎

PUMATAK ang dilim at nakauwi na ang magkapatid na Suarez. Sinalubong sila ng kanilang inang si Helena na may ngiti sa labi.

"Kumusta ang pamamasyal? Nakaalala na ba ang Ate mo?" tanong niya kay Esang.

"Wala. Mukhang matatagalan talaga ang paggaling niya," paliwanag naman ni Esang.

"O' siya, sakto ang dating niyo dahil nakahanda na ang hapunan."

Pumasok na sila sa looban ng tahanan at nadatnan nila sa lamesa ang napakaraming pagkain. Ngunit ang lahat ng ulam ay purong gulay.

Umupo na ang lahat at kapansin-pansin ang isang upuan na bakante. Anim kasi ang upuan at kapag umupo sila Elaine, sobra ng isa.

"Nasaan iyong isa- I mean, si kuya?" tanong ni Elaine. Naninibagong may tinatawag siyang kuya na hindi niya nakasanayan.

"Nasa kaharian," sagot ni Esang na nakaupo sa kanang bahagi niya.

Ang hapagkainan ay may anim na upuan at hindi kalakihang lamesa. Kasalukuyang nasa gilid ng lamesa sila Elaine at Esang, habang nasa tapat naman nila si Jacobe at ang isang blangkong upuan. Sa kanang gilid ay nakaupo si Helena at sa kaliwa naman ay si Duardo.

"Royal knight si Kuya Joziah," sambit ni Jacobe at sumubo ng gulay.

Pinalo ni Helena ang kamay ni Jacobe na napa-aray sa sakit.

"Hindi pa tayo nagdadasal anak!" suway niya.

"Ay! Sorry hehe." Binalik ng bata ang ibang ulam na kinuha niya sa laglagyan.

Maikling ngumiti si Helena at bumaling muli kay Elaine.

"Bumisita lang siya kanina dahil sa 'yo pero tungkulin niyang magsilbi sa palasyo ng Anastasia kayawala siya rito," paliwanag niya at hinawakan ang kamay ni Jacobe. Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay nito kay Elaine. "Halina't magdasal na tayo."

Nagtatakang inabot ni Elaine ang kanyang kanang kamay kay Helena at ang kaliwa naman ay hinawakan ni Esang. Yumuko at pumikit ang lahat maliban kay Elaine. Hindi niya alam ang gagawin kaya pinagmasdan niya na lamang ang magkakahawak nilang mga kamay.

Sabay-sabay magdadasal? Ngayon ko lang 'to nalaman, sa isip-isip ni Elaine.

Kahit wala na ang kanyang mga magulang, hindi niya nakalimutang magpasalamat sa diyos kaya nagdadasal din siya bago kumain. Iyon nga lang, mag-isa niya itong ginagawa.

"Ate Elaine! Yumuko ka at pumikit!" inis na bulong ni Esang.

Agad itong sinunod ni Elaine at nagsimulang magdasal ang kanilang ina.

Nang matapos, hudyat na maaari ng maghapunan. Hinarap ni Esang ang kanyang mga kamay sa harapan ng hapagkainan.

"Wind Skill, Gentle Tiny Whirlwind," enkantasyon ni Esang at lumikha ng malilit na ipo-ipo sa tatlong ulam na nasa harapan niya. Nasa ilalim ng plato mahikang ipo-ipo at umikot ito ng dahan-dahan para ang ulam ay dumaan sa bawat isa.

Nang huminto sa harapan ni Elaine ang ulam, namangha siya dahil para itong turntable na iniikot para hindi na mahirapang mag-abot pa ng mga ulam. Ang kaibihan nga lang, wind magic ang ginamit sa lamesa.

"Kung tutulala ka lang d'yan, uubusan ka namin ng pagkain," sambit ni Esang na nakakuha na ng tatlong putahe ng ulam at kanin.

Agad namang natauhan sa pagkamangha si Elaine at kumuha na rin ng pagkain.

Masaya ang hapagkainan at may mga kwentuhan pang kasama na hindi maintindihan ni Elaine dahil konektado ito sa mahika at mga nakaraan ni Elaine Suarez. Kahit gano'n, nagkaroon ang buhay niya ng kasiyahan kahit sa simpleng kainan lang. Hindi niya ito naranasan dahil siya'y mag-isa lamang. Kahit may titang nag-aalaga sa kanya, hindi niya ito naramdaman simula noong mawala ang kanyang mga magulang.

Paunti-unti niyang natatanggap ang bagong mundong muli siyang nabuhay. Mundong hindi niya aakalaing kakaiba sa kanyang nakasanayan.

Iba na 'to, Elaine. Ibang-iba na 'to dahil walang mahika sa dati mong buhay. Kailangan mong tanggapin ang ganitong eksena, sa isip-isip ni Elaine at kumain.

Nang matapos kumain, dumiretso na si Elaine sa kanyang kwarto dahil pinagpapahinga ulit siya ni Helena. Baka raw kapag nagising siya kinabukasan ay makaalala na ito.

Wala namang nagawa si Elaine kung hindi'y sundin ito dahil siya ang ilaw ng tahanan sa pamilyang iniwan sa kanya ni Elaine Suarez. Kailangang sundin ang ina. Naninibago pa ito noong una ngunit kahit papaano, natatanggap niya na ang lahat.

Binuksan niya ang kabinet at naghanap ng pantulog. Tanging puting manipis na bistida lamang ang nakita niya kaya ito na lang ang sinuot niyan. Tumungo siya sa bintana at tinanaw ang maliit na Bayan ng Dikub; napapaligiran ito ng matataas na puno, iba't ibang klase ng bukid, at mga nayon. Ang nayon na kaniyang tinitirhan ay ang Nayon ng Yalug na matatagpuan sa itaas ng maliit na bundok. Kaya makikita sa bintana ang kabuuan ng bayan na medyo malayo sa kanila.

Tahimik sa lugar na ito, ibang-iba sa nakaraang buhay ni Elaine. Kahit gabi noon, may mga maiingay na kotse o establisyementong sa gabi lang nagbubukas. Ngayon, kuliglig at ihip ng hangin lang ang maririnig.

"Walang building, airplane, cellphone, at sasakyan. Makaluma ang pamumuhay nila at umaasa sila sa mahika."

Umupo si Elaine sa bintana at tiningnan ang bilugang buwan.

"Natupad ang hiling ko pero hindi ko inaasahan na ganitong buhay ang kahaharapin ko. Hindi ako nagrereklamo, sa katunayan nga ay masaya pa ako dahil nakaranas ako na magkaroon ng kapatid at pamilya. Salamat. . . maraming salamat at binigyan mo ako ng tsansang mabuhay muli."

Inangat niya ang kanyang mga kamay, pinagmasdan ito, at muling kinausap ang kawalan, "Elaine Suarez, kung nasaan ka man ay nagpapasalamat din ako sa 'yo dahil pinagkaloob mo sa akin ang katawan mo. Huwag kang mag-alala, ipaghihiganti ko ang mga taong gumawa sa 'yo na kinamatay mo. Huwag ka ring mag-alala dahil mamahalin ko ang pamilyang kinagisnan mo. Mula ngayon, ako na si Elaine Suarez. Makakaasa kang ipagpapatuloy kong muli ang buhay mo pero hindi ko mapapangakong magiging katulad kita dahil magkaiba tayo. Ikaw ay Suarez at ako'y. . . Hidalgos."

Bigla niyang naalala ang apelyidong Hidalgos. Pumasok siya sa kanyang kwarto at kinuha ang librong nakapatong sa maliit na mesang katabi ng kanyang kama. Tumungo siyang muli sa bintana at doon binuklat ang libro. Binasa niya ang sumunod na pahina ng tatlong kaapelyidong naging emperor. Dito'y pinaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng Mahika Ah-bilidad.

Ang Mahika Ah-bilidad ay isang salita na ginagamit para malabas ang magic power ng isang tinakdang supreme spirit. Ang salitang ito ay nilikha ng kauna-unahang naging emperor na may apelyidong Hidalgos at isa rin itong naging supreme spirit.

Magkaiba ang pag-cast ng spell ng magic skills sa Mahika Ah-bilidad.

Ginagamit lamang ang magic skills kung ang magka-cast ng spell nito ay normal lamang na tao. Sa kabilang banda, ginagamit lamang ang Mahika Ah-bilidad sa tinakdang supreme.

Nakalagay din sa libro ang pagpapaliwanag kung paano gumagana ang magic skills. . .

[1 out of 100 person, they have one elemental magic attribute with 2 unlocked natural magic skills;

Natural Magic Skill: Generate
Natural Magic Skill: Control

Example: Kaya mong lumikha ng apoy sa iyong kamay (Generate) at ibabato mo ang nilikhang apoy sa kalaban (Control).

If you train intensely, you will obtain special magic skill and if you're lucky, you will obtain unique magic skill.

Special Magic Skill: Create
Unique Magic Skill: Mimicry

Remember: Casting this two skills needs the magic circle to protect the creation for failing to summon.

To summon a solid magic, you need a machine to perfectly produce your creation. The machine itself is the magic circle.

Example: Water is liquid. So water magic is independent and can produce without magic circle. However, if you want to create a large serpant using water magic, you need a magic circle to handle the solid creation.

And Mimicry is a large scale of magic and needed a large amount of mana. To produce it perfectly, you need a machine(magic circle) to change your appearance.]

Napatango-tango si Elaine at sunod na binasa ang sunod na pahina.

[Magic Abilities. There are 4 magic abilities. This abilities obtained by family blood, environment, or from unique attributes.

1. Healing Magic Ability - Halimbawa: Kapag pinaghalo ang Heal Magic Ability sa Fire magic, ang apoy ay pwedeng maging panggaling ng mga sugat. Minsan pa nga'y ang apoy ay nag-iiba ng kulay kapag nahaluan ng ibang magic. Tulad na lang ng Blue Fire na pahiwatig na isa itong Healing Magic.

2. High Regeneration Ability - Halimbawa: Kapag nahiwa ang kamay mo, gamit ang apoy ay gagaling ito at babalik sa dati ang kamay na parang walang nangyari. Ang abilidad na ito ay karaniwing nakikita lamang sa mga myth mages at supremes.

2. Teleportation - Gumagana lamang ito sa mga Shadow, Dark, and Light Magic.

3. Adaptation - Halimbawa: Kapag nasanay ang isang tao na mababad sa tubig, ang kanilang mahika ay humahalo sa karagatan at magkakaroon sila ng abilidad na makahinga sa tubig.]

"Ang magic abilities ay bihira lamang natatamasa ng isang tao. Karaniwang ang mga Supreme Spirits ay kayang gumamit ng heal, high regeneration, at teleportation," pagbasa ni Elaine sa dulong bahagi ng pahina at binuklat niya ang kasunod na pahina, dismaya lang ang nakuha niya.

"Tama nga si Esang, wala nang makikita pa sa libro," pagkakausap niya sa sarili habang nakatitig sa binabasa.

Nilipat niya pa sa ibang pahina ngunit wala na itong nakasulat pa. Pero sapat na ang kanyang mga nabasa para maintindihan ang mahika sa ginagalawan niyang mundo.

Isinara niya ang libro at tumingin sa buwan. Nakakuha nga siya ng impormasyon ngunit hindi sa apelyidong Hidalgos at isa lamang ang alam niya rito, sila'y kayang gumamit ng lahat ng mahika.

Kapag ikaw ay isang Supreme spirit, ikaw ang susunod na Emperor ng Southwest Land.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SUMAPIT na ang araw sa nayon ng yalug ngunit tulog pa rin si Elaine. Nagising lamang siya sa malakas na pagkatok mula sa pinto ng kanyang kwarto. Minulat niya ang kanyang mga mata. Hindi siya nakaramdam ng antok ngunit sinasabi ng pagod niyang katawan na magpahinga't matulog.

Weird, sa isip ni Elaine. Anong oras na kasi ito nakatulog kagabi. May nadiskobre kasi ito sa kanyang katauhan at ginaya niya ang mahikang sinabi ni Esang na mana sharing— nagbabaka sakaling magkaroon ng teksto ang mga blangkong pahina ngunit pagod lamang ang kanyang natamasa.

Muli siyang nakarinig ng katok kaya bumangon na siya para harapin ito. Binuksan niya ng kaunti ang pinto at sumilip. Nakita niya si Esang na masama ang tingin at bihis na bihis. Nagtaka siya nang makita ang botang suot ng kanyang kapatid.

"Hoy! Bakit ngayon ka lang gising? Aba't hindi ka pa nakabihis ha!" bulyaw ni Esang na nakatingin sa damit ni Elaine.

"Bakit? Anong meron?" walang ganang tanong ni Elaine dahil sa antok.

Pumewang si Esang, magkabilaan. "Anong meron?! Baka nakakalimutan mo-"

"Nakalimot nga ako 'di ba?" pagpapatigil na salita ni Elaine kay Esang.

Lumaki ang mga mata ni Esang at napasapo na lang sa kanyang noo. "Oo nga pala! Ang hirap ng may sakit na kapatid!"

Wala naman akong sakit, sa isip-isip ni Elaine.

"Papasukin mo nga ako!" Tinulak ni Esang ang pinto at tuluyan na itong pumasok. Sinara niya ang pinto at humalukipkip. Tiningnan niya si Elaine na nakataas ang kanang kilay. "Pinapaalala ko sa 'yo na isang taon kang nawala dahil sa nilibot mo ang Southwest Land. Tapos umuwi ka at naaksidente. Pagkatapos isa tayong merchant kaya sa umaga'y kailangan natin magtanim at alagaan ang mga tinanim. Maliwanag ba?!"

Tumango na lamang si Elaine bilang tugon. Hindi na siya nakapagreklamo dahil nakakatakot ang tingin ng kanyang kapatid.

"Kaya magbihis ka na dahil babawi ka pa sa pagtatanim! Isang taon ka kaya nawala!" dagdag pa ni Esang.

"A-aye aye captain!" Ayan na lamang ang nasabi ni Elaine at dali-daling nagbihis. Hinintay lamang siya ni Esang na makabihis ng maayos bago sila bumaba papunta sa likuran ng kanilang bahay. May malaki ritong palay at sa gilid ay may taniman ng gulay. Napakalawak ng lugar at sa kabilang ibayo pa'y may ilan pang palay at taniman na iba na ang may-ari nito kaya makakakita rin sila ng ibang tao na magtatanim ng ganitong kaagang oras.

Sumilip si Elaine sa harapan ng kanilang bahay at wala siya ritong nakikitang taniman. Sa likod lamang ng kanilang bahay makikita ang iba't ibang taniman nila at ng mga taong nakatira sa kanilang nayon.

"Papa!" sigaw ni Esang at kumaway.

Tumingin si Elaine kay Duardo na may hawak na pang-araro sa sakahan. May suot itong strawhat at bota. Nakatapak ito sa maputik na sakahan at pinagpapawisan kahit hindi pa tirik ang araw.

Tinitigang mabuti ni Elaine ang pang-araro at may hinahanap siya ritong kulang.

"Bakit walang kalabaw?" tanong niya.

"Kalabaw?" takang tanong ni Esang.

"Oo, iyong hayop na nagtutulak ng araro?"

"Anong hayop? Bakit kailangan ng magtutulak kung kaya namang gamitan ng mahika?"

Agad na tumingin si Elaine sa kanilang ama at nakitang hindi ito nahihirapan sa pag-araro dahil sa gilid nito ay may malakas na mahikang hangin na nagtutulak. Tumingin din siya sa ibang sakahan at nakita naman na ginagamit ang mahikang tubig sa pag-aararo at pagdilig sa mga taniman.

"Huwag kang tumunganga diyan dahil magtatrabaho tayo para mabuhay!" sambit ni Esang at hinatak si Elaine papunta sa sakahan.

Napahinto si Elaine nang makatapak siya sa basang lupa ng sakahan ngunit muling nakapaglakad dahil sa paghatak ni Esang.

Sa nakaraan niyang buhay, hindi niya ito naranasan dahil abala ito sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya. Nalaman niya lang na may nag-aararong kalabaw dahil pinag-aralan niya iyon noong bata pa siya.

Tumungo ang dalawang babaeng magkapatid sa pang-araro na gawa sa kahoy at kinuha ni Esang ang isa.

"Ikaw diyan sa isa at ako rito!" masiglang sabi ni Esang. Hinawakan nito ang pang-araro at nag-enkantasyon, "Wind Skill, Tiny Whirlwind." Lumitaw ang apat na maliliit na ipo-ipo sa gilid ng pang-araro niya at nagsimula itong gumalaw.

Namangha na naman muli si Elaine ngunit nangamba dahil sa hawak niyang pang-araro.

Itutulak ko ito? Sa isip-isip niya dahil hindi siya marunong magmahika. Pinag-aralan niya ang mahika kagabi ngunit kahit anong gawin niya, hindi ito nagtagumpay.

Itutulak na sana ni Elaine ang pang-araro ngunit bigla na lamang nagkaroon ng maliliit na ipo-ipo sa gilid nito. Paglingon niya, nakita niyang nakatapat ang kamay ni Esang sa pang-araro niya.

"Ngayon lang 'yan ha?! Bukas ay kailangan mo ng maalala kung paano gumamit ng magic," nakangiting sambit ni Esang at muling bumalik sa pag-araro.

"Sandali!" sigaw ni Elaine na ikinatigil ni Esang.

"Ano 'yon?"

"Paano mag-araro?" nahihiyang tanong ni Elaine.

"Huh?! Pati ba naman 'yan nakalimutan mo?!"

Napakamot na lamang sa noo si Elaine.

Hindi sa nakalimutan, hindi ko lang talaga alam kung paano, sa isip-isip niya.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 359 32
"Sometimes, sacrificing yourself isnʼt the only way to survive others." Will they survive? @irish [COMPLETED]
47.2K 2.2K 48
Ellie Kate Calmerin is a simple girl with a good heart. She was living a normal life but with just one accident, different turns of events happened...
6.2K 413 11
Seer Riete came from a wealthy and respected family. People who did not know Seer's background envy her while the others who know, pity her. Seer was...
15.2K 621 42
HIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their nor...