I'm a Ghost in Another World

De PeeMad

130K 4.6K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... Mais

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 1

5.7K 167 6
De PeeMad

Chapter 1: Birthday Wish

[Entrepreneur Elaine Hidalgos has achieved global fame as the chief executive officer (CEO) of electric automobile and several tech companies. Despite having a 7 digit amount of incomes, there is missing puzzle in her heart, a loving familyLack of love in terms of her blood relation. She's alone and bored in her life and because of that, the mightiest one gave her a new life.]

NAKAUPO ngayon si Elaine sa kanyang mini office na kung saan ay nakatutok siya sa kanyang laptop habang pinagmamasdan ang litrato ng kanyang mga magulang. Masaya itong napatingin sa bagong silang na sanggol na hawak ng kanyang mga magulang. Natutuwa ito dahil kita sa litrato kung gaano kagalak ang kanyang mga magulang noong sinilang siya. Kahit na maagang namaalam ang kanyang ina't ama at kaunting panahon niya lamang naramdaman ang pagmamahal nito, hindi niya ito naging dahilan para kamuhian sila. Mas naging proud pa si Elaine na dala-dala niya ang apelyido ng kanyang mga magulang dahil ayon lamang ang naiisip niyang paraan para maibalik sa kanila ang mabuti nitong ginawa sa kanya— ang pagsilang sa kanya. Ngunit hindi mawawala ang lungkot sa tuwing naiisip niya kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina't ama sa kanilang anak. Kaya siya'y kumakapit sa mahika ng hiling.

"Hindi masamang humiling subalit masyado ng malayo sa katotohanan kung ang nais ko ay magkaroon ng mga magulang." Ayan ang hiling na tumatakbo sa kanyang isipan.

Sinarado niya ang laptop at bumuntong-hininga. Sa tuwing iniisip niya ang kahilingan, mas lalo pa siyang nalulungkot at nararamdamang mag-isa na lamang siya sa buhay.

Tumayo ang dalaga at dumungaw sa bintana, pinagmasdan ang bilugang buwan at ang malawak na hardin na mayroong matataas na puno. Binuksan niya ang babasaging nakaharang sa bintana at biglang pumikit nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat. Pagkatapos, umupo ito sa bintana at pasalit-salit niyang sinipa-sipa ang dalawang paa.

Muli na naman niyang kinausap ang kanyang isipan, ang paghiling ay libre at hindi ako magsasawang humiling sa kanya.

Tumingin siya sa kalangitang puno ng bituin. Napangiti siya nang maalala ang ibang pinag-aralan niya sa tuwing siya'y may sobrang oras pagkatapos ng trabaho, ito ay tungkol sa maaari kang mabuhay sa kalawakan kapag natamasa mo ang iyong huling paghinga. Tulad na lamang na ang mga bituin ay pwedeng isiping katulad ng celestial body na 'Sun'. Kung may Sun, may solar system na may planetang pwedeng pagtirahan ng nabubuhay na nilalang at ito ay ang 'Earth'. Kung gano'n, malaki ang tsansa na ang kada bituin ay parang Sun na may solar system at umiikot ang ilang planetang pwedeng tirahan tulad ng Earth. Napakaraming bituin sa kalangitan at walang dudang kahit isa rito ay may planetang pwedeng pagmugaran ng mga nabubuhay, ayon iyon sa namuong teorya sa kanyang isipan. Samahan pa ng paniniwala niya sa reincarnation na kapag namatay daw ang isang tao, may posibilidad na mabuhay muli ito sa ibang mundo. At ang gumagawa no'n ay ang pinakadakila sa lahat— ang diyos.

Naniniwala rin ito na libre mangarap at humiling. Kaya siya'y pumikit at nagsimulang magdasal sa bathala. Pagkatapos, humiling ito.

"Sana'y sa susunod kong buhay, bigyan mo po ako ng magandang paglalakbay at isang masayang buong pamilya na kabaligtaran sa mundong kinagisnan ko, para magkaroon ng kulay ang boring kung buhay sa ibang mundo na kahit ang agham ay hindi ito mapapaliwag."

Nagpasalamat muna siya bago dinilat ang mata at tumingin muli sa kalangitan.

"Tama. Kahit ang agham ay hindi pa mapatunayan ang malawak na kalawakan. Kung totoo nga ang ibang mundo, sana do'n ako muling mabuhay tulad sa mga napapanood at nababasa kong kwento," masaya niyang pagkakausap sa sarili.

Nadala niya hanggang paglaki ang kahiligang magbasa ng mga kwento at halos dito ay tungkol sa pantasya. Kaya walang dudang mabilis siyang maniwala sa hindi kapani-paniwalang bagay.

Natigilan si Elaine sa pagngiti at naalala ang mga negatibong mangyayari sa kanyang hiling. Napahawak siya sa kanyang ulo at mahinang itong tinapik.

"Bata pa ako para isipin 'to! Parang hinihiling kong mamatay na ako ha?!"

Mahina siyang natawa at pinalo ng mahina ang magkabilaan niyang pisnge. Bumaba na siya sa bintana at inayos ang kurbata niya at itim na blazer na sa loob ay may puting long sleeve.

"Mamaya sa sobrang bait niya, agahan niyang ibigay 'yong hiniling ko."

Napakamot na lang si Elaine sa kanyang ulo at tiningnan ang orasang nakakabit sa itaas ng dingding. Makikitang alas-onse y medya nang gabi.

"Kaarawan ko pa naman bukas, baka gawing birthday gift niya sa akin 'yon ng wala sa oras," natatawa niyang sambit habang tinatahak ang pintuan.

Ika-labing walo niyang kaarawan kapag pumatak ang alas-dose. Ang iba ay isa itong mahalagang araw ngunit para sa dalagang nasanay ng mag-isa, pinili niyang magdiwang na siya lamang.

Naglakad siya patungo sa kusina. Natagalan siyang makapasok sa looban nito dahil malaki at malawak ang kanyang tahanan. Nadatnan niya rito ang isang may hubog ng katawan ng isang dalagita ngunit matanda na ito dahil sa sigarilyo nitong hawak. Ito ay si Louisa, kapatid ng ama ni Elaine na tumatayong guardian niya. Madalas silang magkita ngunit hindi nakabubuo ng magandang samahan dahil sa ito'y may tinatagong lihim na kasakiman.

Nang nakita ni Louisa si Elaine, ngumiti siya at bumuga ng usok mula sa sigarilyo niyang nakaipit sa kanyang mga daliri.

"Happy 18 birthday sweetie. Sigurado ka bang ayaw mo mag-debut?" tanong niya kay Elaine na abalang kinakalalkal ang refrigerator.

Nang makuha ni Elaine ang isang gatas ng kahon, sinara niya ang refrigerator at humarap sa kanyang Tita na walang pinapakitang ekspresyon.

"May pupuntahan lang akong lugar at doon ako magse-celebrate."

"Hmmm. . ." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Louisa at humithit ng usok sa sigarilyo sabay buga sa hangin. "Saang lugar naman 'yan?"

Nang malagay ni Elaine sa baso ang gatas, ininom niya ito at sumulyap sa kanyang Tita. Matagal niya nang alam na may kakaibang itong kinikilos at masama ang kutob niya ro'n. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit niya ito iniiwasan.

"Mind your own business, ika nga," dahilan ni Elaine at nilagay muli ang gatas sa loob ng refrigerator.

Nag-pout si Louisa at pumahalumbabang tumingin kay Elaine. "Aww. . . hindi ba pwedeng malaman ni Tita ang gagawin ng pinakamamahal niyang pamangkin?"

Hindi na lamang ito pinansin ni Elaine at naglakad papunta sa sala. Kinuha niya ang itim na overcoat na nakakalat sa sofa. Tinanggal niya ang suot na blazer bago niya sinuot ang coat.

"Aalis ka na?" tanong ni Louisa na ngayon ay nakatayo hindi kalayuan sa pintuan na pumapagitna sa sala at kusina.

"Yup at babalik na ako bukas ng gabi," walang ganang sagot ni Elaine at naglakad papaalis.

"Enjoy your day," nakangiting saad ng Louisa habang kumakaway sa dalagang kakalabas lang sa pintuan.

Mapait na ngumiti si Elaine ngunit bakas sa kanyang mata ang kalungkutan.

There's no joy in my life, sa isip-isip niya.

Nang masara ni Elaine ang pinto, ang ngiti sa labi ni Louisa ay nawala. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at may tinawagan.

"She's leaving now. Be sure to finish your job clean." Binaba niya ang tawag at humithit ng usok sa sigarilyo sabay buga. "Happy Birthday Sweetie. Makakasama mo na ang mga magulang mo. 'Yon lamang. . ." Tumalikod siya at lumawak ang ngiti. "Sa kabilang buhay na." Humalakhak siya na para bang nanalo na sa isang labanan.

Sa likod ng maamong ngiti, may tinatago nga itong lihim— lihim na inggit at paghangad ng kapangyarihan. Tama nga si Elaine sa kanyang mga hinala at ang masaklap pa rito, ang kanyang kaanak ang may pasimuno sa miserable niyang buhay.

Sumakay sa sarili niyang kotse si Elaine at nagmaneho papunta sa puntod ng yumao niyang magulang. Ayon lang naman ang espesyal na lugar para sa kanya kaya kada sasapit ang kanyang kaarawan, diretso siya sa puntod ng kanyang mga magulang para magdiwang.

Mahaba-haba ang biyahe kaya huminto muna ito saglit sa gasoline station na may convenience store. Bumili ito ng maiinom na kape at muling sumakay sa kanyang kotse. Bago pa siya makapasok, napansin niya ang dalawang kotseng naka-park malapit sa kotse niya. Nakaramdam siya na para bang may nakatingin sa kanya na nanggagaling sa dalawang kotse. Hindi niya na lamang ito pinansin. Baka ito'y gawa lamang ng antok, dahilan niya na lamang. Uminom muna siya ng kape bago pinaandar ang kanyang kotse.

Sa byahe, tanging ilaw lamang na nangagaling sa headlights ang nagsisilbi nitong gabay sa madilim na daanan. Bago pa ulit siya humigop ng kape, napansin niya sa kaliwang side mirror na may nakasunod na kotse sa likod niya. Tumingin siya sa rear view mirror at napansin na ang dalawang kotse sa likod ay magkatulad sa nakita niya sa gasoline station.

Hindi siya nagdalawang-isip na baka may masama itong balak. Dahil isa siya sa mga mayayamang tao, alam niyang may magkakainteres sa kanya.

Binilisan niya pa ang pagtakbo ng kotse. Gano'n din ang ginawa ng humahabol sa kanya kaya sigurado siyang sinusundan siya nito.

Patingin-tingin si Elaine sa rear view mirror at nahagip ng kanyang mga mata ang oras na nakalagay sa infotainment.

11:55 pm

Mabilis ang pagpapatakbo niya ngunit mas mabilis ang dalawang kotse. Mayamaya'y tumapat sa magkabilang gilid ng kanyang kotse ang dalawa pang kotse. Ngayon, nasa gitna na ang kotse niya na ginigitgit ng dalawa.

Sumulyap si Elaine sa kanan at nakita niyang may hawak na baril ang driver nito. Kumabog ng husto ang kanyang dibdib at animo'y napatigil ang kanyang mundo. Mas dumoble pa ang kanyang kaba nang tinutok ito sa kanya. Lumaki ang mga mata niya kasabay nang pagbalik ng kanyang wisyo. Pinanatili niyang kumalma at ginawa ang lahat para umiwas sa katabi niyang kotse.

"Ow no!"

Napatili si Elaine nang magpaulan ng bala ang magkabilang kotse. Dahil sa despiradong pag-iwas niya, dumausdos ang kanyang kotse sa gilid ng daanan. Ang harapan niya ay umuusok na. Nagtuloy-tuloy pa rin ang takbo ng kotse dahil hindi natamaan ang mga gulong, 'yon lamang, hindi na niya ito makontrol dahil sa lubak na daan.

Ang dalawang kotse ay sinundan siya at pinagbabaril muli. Agad na napayuko si Elaine ngunit hindi niya maiwasan ang mga bala kaya natamaan siya sa gilid ng tiyan, kanang binti, at kanang braso. Napahiga rin siya at ang sumunod na nangyari ay ang pagbangga ng kotse sa isang poste. Sa lakas ng pagkakabangga, nasira ang harapan nito at naipit si Elaine sa loob. Ang airbag sa harapan ng kanyang manibela ay lumitaw ngunit hindi ito naging sapat para hindi siya masaktan.

Sandaling nakaramdam si Elaine ng animo'y umiikot ang mundo. Nang mawala iyon, nakaramdam siya ng paglamig sa kanyang tiyan. Nahihirapang sinulyapan niya ang baba ng katawan at nakitang may nakatusok na bakal sa kanyang sikmura. Nang makita ang kalagayan, doon niya lamang naramdaman ang sakit at hapdi sa mga sugat na natamo niya. Sabayan pa nang pagkahilo niya dahil sa pagsapok ng ulo. Lahat nang iyon ay naghalo-halo na sa kanyang nadarama kaya ang katawan niya ay tuluyang nanghina. Papikit-pikit na tiningnan niya ang dalawang kamay na ngayon ay puno ng dugo.

Napaubo siya dahil sa alikabok na nagkalat sa paligid niya at namilipit siya sa sakit na nararamdaman sa katawan.

Katapusan ko na ba?

Napatingin ang dalaga sa gilid nang may maanigang liwanag ng kotse.

Hindi ko pa kayang mawala.

Saklolo!

Tulong!

Parang awa niyo na!

Hindi ko pa oras ngayon! Kung panaginip ito, gisingin niyo ako!

Mga sigaw niya sa kanyang isipan dahil hindi na kaya ng bibig niya ang sakit na nararamdaman sa mga sugat.

Nawala ang liwanag kasabay nang pagkawala ng pag-asang maligtas. Ngayon, nararamdaman niya na ang paglamig sa buong katawan— sinyales na hindi na maganda ang daloy ng dugo at pagkamanhid ng kalamnan.

Nagawa niya pa ring tumawa ngunit may kasamang luha.

Fvck! I think this is real. I'm going to die.

Bago pumikit, nakarinig ito ng tunog mula sa alarm. Kahit nanghihina, hinanap niya pa rin kung saan nangagaling ang tunog at nalamang galing ito sa kanyang cellphone.

Nagpa-alarm ito sa eksaktong 12:00am— hudyat na kaarawan niya na.

Napangiti ito kahit na ang katawan niya ay bibigay na.

Ang malas! Saktong kaarawan ko pa talaga ako mawawala, pagkakausap niya sa kanyang isipan at tumingin siya sa kalangitan. Pinagmasdan niya ang mga bituin at tuluyang pumikit.

"H-happy birthday self," nahihirapan niyong saad at bumuhos ang luha sa kanyang mata.

"Happy. . . birthd-d-a—" Tumulo ang kanyang luha kasabay nang pagmanhid ng buo niyang katawan.

Sa huling pagkakataon, siya'y humiling,

Kung mamatay man ako ngayon, sana matupad niya ang hiling ko.

Sana matupad.

Sana. . .

Naghintay siya ng ilang segundo ngunit walang nangyari at doon niya napagtantong ito na ang huling pagkakataon sa kanyang buhay.

Sumuko na siya sa mga milagro dahil maaabot niya na ang tunay na kamatayan at pagkakatulog ng walang hanggan. Ngunit isang boses ang yumanig sa kanyang kapaligiran.

"Naririnig kita. Ang hiling ay natupad na."

Nabuhay ang isipan ni Elaine at kamay na malapit sa kamatayan ay kanyang nabawi. Ang kanyang pandama ay nawala ng parang bula— para bang naputulan na ito ng kamay at paa. Wala rin siyanf maramdamang init o lamig at tanging presensya niya lang ang kanyang inaasahan. Hindi niya rin madilat ang mga mata pati ang paggalaw ng bibig. Para ba itong nananiginip sa isang silid na tanging dilim lamang ang mapapansin.

Nanaginip ba ako? O ganito ang feeling kapag namaalam na? Totoo bang wala na ako? Kung gano'n, bakit ko pa nakakausap sarili ko?

Napakadaming tanong ngunit wala siyang makitang sagot.

Mayamaya'y nakaramdam na siya sa kanyang katawan ngunit kakaiba. Para bang hinahatak siya ng malakas na hangin sa isang direksyon.

Anong nangyayari?

Tumagal ang paghatak hanggang sa mahigit isang oras niya itong tiniis.

Sa katunayan, ang katauhan ngayon ng dalaga ay parang isang bituin sa langit, maliit na bilugang liwanag na kumikinang habang nakalutang sa madilim na kapaligiran. Hinahatak ng isang mabilis na liwanag na mahahalintulad sa pag-stretch ng rubber. Isa itong hindi mapaliwanag na pangyayari ngunit mahahalintulad sa paglalakbay sa kalawakan.

[Elastic light by space and time. Traveling in the vast dark domain with a lots of tiny worlds. Picking the best place for the last wish of this poor soul. Poor soul? No. Being alone is what qualifies to live again and very few can handle it. This time, the poor soul reincarnated to another world— a world with family and extraordinary adventure. The world called Planet Maharlika, created by Family Hidalgos. But. . . Every powerful wish starts to zero. It takes hard work before the fulfillment.]

Saan ako dadalhin nitong pakiramdam ng paghatak? Sa isip-isip ni Elaine.

Napalitan ang pakiramdam ng paghatak ng pagkalutang. Nagkaroon ng pandama ngunit ang mga paa ay hindi niya maramdaman. Hindi niya madilat ng maayos ang mga mata lalo na ang kanyang bibig. Muli, ang kanyang isipan lang ang kanyang maaasahan.

Nasaan na ako? Heaven or Hell?

Unti-unting nakarinig si Elaine pero himbis na matuwa, kinilabutan ito dahil sa maraming pagtawa sa paligid niya.

Hindi ganito ang tunog sa heaven ha?! Sa impyerno yata binagsakan ko!

"The New Spirit is born," rinig niyang saad ng batang babae sa paligid niya.

New Spirit?

Dumilat ito at nadatnan ang mahamog na lugar na may matataas na puno, patag ang lupa, at maliliit na damo lamang ang tumubo rito.

Taka ang naging reaksyon ni Elaine dahil nakaangat siya sa hangin. Naging katabi niya na nga ang mga sanga ng mataas na punong walang dahon.

"Teka! Bakit wala akong nararamdamang pagtapak ng paa sa lupa?" tanong niya sa sarili at tumingin sa ibaba.

Halos mapasigaw siya sa gulat nang makitang wala nga itong paa. Puting kulay ang kanyang balat at mahina pa itong lumiliwanag.

Kinapa niya ang kanyang mukha at nanginig sa takot nang walang maramdamang mata at bibig. Tanging matulis lang na bagay sa gitna ng kanyang mukha ang naramdaman, panigurado siyang ilong niya ito.

Tiningnan niya ang kanyang mga kamay at nakitang halos maging transparent na ito sa sobrang nipis. Natatandaan niya kung anong ibig sabihin ng ganitong hitsura sa mga napapanood niya.

"Hindi pwede. . ."

Dahan-dahan siyang pumunta sa katabing mahabang puno upang kumpirmahin kung totoo nga ang kanyang namuong konklusyon. Hanggang sa tumagos ito sa puno na walang naramdamang sakit sa katawan.

"I'm a ghost?!"

~(へ^^)へ• • •

Continue lendo

Você também vai gostar

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
433K 31.5K 51
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
9.8K 260 52
Meet Christina Agruille, A normal girl. A beautiful girl. But, everything will change... A secret will be unfold. The power she has is powerful tha...
236K 7.7K 63
Pain have 2 effects. It's either, you'll be strong because of pain or the pain will change you. 10/01/2020