HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 12

257 6 0
By arisxixey

Chapter 12

The next days was more hellish. Vix is constantly visiting Achie's office that annoys me so much especially when she's being too clingy and baby talking like, girl. It doesn't suit you like right now. The scene in front me is giving me bitterness.

"Samahan mo ako mamaya, sweetheart?" maarteng tanong nito na nagpaikot sa mga mata ko.

Hindi ko ba mawari ang dahilan niya kung bakit araw-araw na lang siyang nandito sa opisina. Itong si Achie naman ay parang gustong gusto pa na nandito si Vix.

I mean, okay lang naman. Hindi naman ako nagseselos kasi bakit naman ako magseselos 'di ba.

But the fact that he won't make her leave? Ah... nevermind.

"I can't, Vix. I'm going to my mom later. She wants to talk to me."

Parang magpintig ang tenga ko sa narinig. Puwede kayang makisakay? Miss ko na sila Lasorous, Lawi at Lukie. Matagal na din nang huli kaming magkita na apat.

"But...can I go instead?" tanong nito ulit at narinig kong napabuntong hininga si Achie bago nagsalita.

"Mom wants me to bring Maya with me and I don't want you two to fight on my way there. I've been so stressed lately and I don't want you two to add to it, so no."

Pilit ang ngising gustong mabuo sa labi ko dahil ramdam ko ang matalim na tingin ni Vix sa gawi ko. Nagpanggap naman akong walang narinig at iniyuko ang ulo sa halip para magkunwaring matutulog.

"I promise, I'll be quite. So quite that you won't even realize that I'm there in the car. Tita would love to see me too, I swear." Muling napaikot ang mga mata ko.

Masyado niya talagang kinakarer ang pagiging mapagpilit sa sarili.

"Okay fine. You keep your promise this time, Vix."

"I will!"

Patuloy pa din ang pag-uusap nila at dahil sa sobrang bored ko habang nakikinig sa kanila, habang nakayuko pa din, ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Nagising na lamang ako dahil sa ilang beses ng pagtapik sa balikat ko. Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko ay una kong nakita ang inis na mukha ni Vix sa harap ng mesa ko at nang tingnan ko si Achie na nasa gilid ko lang ay magsalita ito.

"You okay? Mom wants to see you so I'm taking you with me." At dahil narinig ko naman talaga ang usapan nila kanina, tumango ako at inayos muna ang sarili bago dinampot ang bag at sumunod sa kanilang dalawa.

As usual, nakahawak si Vix sa siko ni Achie.

Nang nasa harap na kami ng elevator, deretso na akong pumasok sa glass elevator na hindi talaga sa literal na glass. Kumaway agad ako sa kanila nang pasirado na ang pinto ng elevator kung nasaan ako kahit na parang may sasabihin pa si Achie.

Dumeretso na din ako sa parking lot pagkabukas ng elevator door dahil ayoko lang makita ang paglalampungan nila pagbukas ng pinto.

Naglakad ako deretso sa spot kung nasaan karaniwang nakapark ang kaniyang sasakyan.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din sila nakakalabas ng building. Sa paghihintay ko ay nadaanan ako ni Draco na nagmamaneho ng sasakyan.

Si Draco ang nasa kabilang office ng same floor. Hindi sila magkaibigan pero magkakilala sila at minsan lang nakakapag-usap.

"Ano ginagawa mo dito ng mag-isa, Maya? May maghahatid sa'yo?" tanong nito.

Kumaway ako sa kaniya at tumango bago sumagot.

"Oo, Draco. Medyo nabagalan lang ata sa loob." Napatango-tango naman ito bago nagpaalam sa akin.

"Sige, sige. Ingat!"

Ilang beses ko pang tinapik ang sandal ko sa semento nang sa wakas ay nakita ko na ang dalawa.

Napakatagal maglakad!

"Ang bilis mo naman maglakad, Maya," ani ni Vix at umikot sa kabila at naghintay na buksan ni Achie ang pinto para sa kaniya.

Anong mabagal? Sadyang mabagal ka lang maglakad.

"Get in the backseat. Mom just texted me, we're gonna have a dinner there. Tawagan mo na lang si Rehan mamaya sa byahe."

Yeah. Para namang may ibang option.

Nang makasakay ako sa sasakyan ay agad kong kinuha ang cellphone ko at nagsimulang mag type ng text para kay Rehan.

To: Mama's Eldest
Rehan, magluto ka na lang dyaan ng uulamin ninyo ng kapatid mo dahil pupuntahan namin si Ma'am Fasaia. I'll be back as soon as possible.

Then I hit send.

Ilang minuto lang ang dumaan at nakatanggap na ako ng reply.

From: Mama's Eldest
Maaaaaaaamaaaaaaq.

To: Mama's Eldest
Ano?

From: Mama's Eldest
Wala po haha. Ingat ka po d'yan Ma! No boys!

Napailing naman ako sa nabasa. Kahit kailan talaga itong batang 'to. Talagang kawawa ang maglakagusto kay Caly, talagang bantay sarado sa Kuya. Which is very good lalo na sa panahon natin ngayon na mas madami na ang pangako kesa sa aktwal na kilos at gawa.

Nag-reply ako sa kaniya at ilang segundto lang ang lumipas ay nakatanggap na ako ng reply.

From: Mama's Eldest
Ma gusto daw kayo makausap ang tatlo. Okay lang na tumawag ako?

"Who you talking with? Your lover?" Napatingin ako sa nagsalita na walang iba kundi si Vix. Chismosa din pala ito.

"My son."

Napasinghap siya at napalingon sa akin sabay tanong. "You already have a son?!"

"Not son by blood but son by heart, Vix." Tanging sagot ko sa kaniya at tamang tama, tumunog ang ringtone ko hudyat na tumatawah si Rehan.

"Mamaaaa! Hello po!" rinig kong hungad ni Caly.

"Mama, hi-Mama si Ma-Ma inaaga-teka teka lang! Ako na maghahawak! Ang gulo niyong tatlo hindi tayo maiintindihan ni Mama...Umayos kayo ng upo doon sa sofa...oh Breil maayos ba 'yan? Kapag piniktsuran kita d'yan at ipapakita kay Mama, mapipitik nun ang tenga mo sige ka....Caly! Isumbong nga kita...Mark iyang paa mo ba. Iayos mo bakit mo ipapatong sa paa ni Breil? Teka lang ha. Shush ang lahat ako muna magsasalita...Mama? Andyan ka po ba?"

Patawa tawa ako habang nakikinig sa kanilang apat. Gano'n talaga palagi ang eksena nila kapag tatawag sa akin. Dapat nakaupo sa sofa at mangngangaral na naman si Rehan sa mga kapatid dahil sa kakulitan ng mga ito.

"Yes 'Nak, andito si Mama."

Gano'n ko pinalipas ang buong byahe namin papunta sa mansyon. Nanatiling nakatawag sila sa akin kahit na nung nagluluto na ang Kuya nila hanggang sa magpaalam ako kasi nakarating na kami na siyang sinang-ayunan nila.

Pagkabukas ng pinto ng sasakyan ay agad akong lumabas at nagpasalamat kay Xaven at naglakad patungo sa pintuan.

"Ma'am!" Nang lingunin ako ni Ma'am Fasaia ay nagsimula na itong tumili habang patungo sa akin.

"Oh my god! Dear your here!" tili nito at niyakap ako pero unti-unting nawala ang ngiti niya nang makita kung sino ang nakasunod sa akin.




"SO WHAT brought you here, Vix? It's a surprise your here," tanong ni Ma'am Fasaia habang nag-uusap kami sa kalagitnaan ng pagkain.

"Achie wants me to go with him so why would I refuse," may ngiti sa labi nitong sagot.

Napa 'nyenye' ako ng patago sa narinig. It's obvious because she want to force herself to Achie. Lahat kami ay napatingin sa gawi ni Achie matapos sumagot ni Vix pero tila walang narinig ito dahil napa 'what' sa amin.

Ang lalim naman ng iniisip niya.

"I see... How about you, Maya dear? How have you been? The dogs missed you I can tell."

Isang masuyong ngiti ang nabuo sa labi ko bago ako sumagot.

"I missed them too, Ma'am Fasaia. And i am okay, the kids are happy and okay. All thanks to you from sponsoring their studies. I owe you a lot ma'am."

"Oh it's nothing, dear. I'm glad I can help." I nod and continue eating not until Vix whisper which she might not know that we all heard it.

"Kids? What the. Shouldn't she enjoying her life rather than taking care of some pulubi?"

Enough.

Pabagsak kong inilapag ang kamay ko sa mesa dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nilang lahat na nasa mesa.

"Vix, una sa lahat I AM enjoying taking care of them. Second, I don't like the way you said pulubi because you don't know what they've been through just to survive the day before they met me... Ito 'yun eh. Ito ang isa sa problema sa ibang mga mayayamang tao na tulad mo. Ang dali mong sabihin na pulubi when first of all you don't know their story and the reason why they end up in the street! Taking care of them, letting them experience life, that was the biggest achievement of my life. So how dare you judge me for not saying I'm not enjoying what I'm doing. At least ako naghahanda for motherhood, how about you? What you doing? Forcing yourself to someone who's obviously not interested in you anymore?"

I did not think that i would snap that way.

I couldn't help myself.

She's pestering me enough.

"How dare you---!"

"Silence! Everyone calm down and sit!" Padabog siyang naupo samantalang ako ay marahang yumuko sa mag-asawang nakasaksi.

"This is what I'm saying. You two can't stay in one room. I told you Vix that you don't need to come but you still insisted." Hindi makapaniwalang nakatingin si Vix kay Achie.

"What are you saying? Didn't you hear what he just said to me? She's playing with me!"

"I. Am. Not, Vix. You started it. Why brought up about my kids? You know nothing so shut up."

"Ha! The audacity of you to talk back to Achie's fiancee!"

"Vix!" sabay sabay nilang sigaw.

Tila nabingi ako sa narinig. Is it true? He's engage with Vix? Fiancee? What the hell is happening?

"What do you think you're fucking doing, Vix? We have talked about this!" sigaw ni Achie.

Hindi ko na sila maintindihan dahil nakatanga lang ako sa platong nasa harap ko habang pinakikinggan silang magsisihan.

Kung gano'n. Wala palang silbi iyong pag-amin ni Achie sa akin.

Then why does it hurt?

Bakit parang gusto kong sabunutan si Vix at sigawang bawiin niya ang sinabi niya? Na gawa gawa niya lang iyon?

Sa mga sandaling iyon, nagsibalikan lahat ng mga pagkakataon na magkasama ang dalawa. Kaya pala laging nandoon si Vix sa opisina, kaya pala walang pake si Achie kahit na kulang na lang doon tumira si Vix sa harap niya, kaya pala hindi niya mapaalis si Vix, kaya pala hindi niya nagagawa ang mga sinasabi niya sa akin, kaya pala kasi ikakasal siya kay Vix.

Magpapakasal silang dalawa.

At sobrang sakit sa puso isipin iyon. Siya ang unang lalaking nagustuhan ko. Na pumasok sa isip ko kasama ang mga planong sabay na nabuo.

Kaya naman pala sobrang lamig kasi may nagmamay-ari na. Kaya naman pala kasi nakatali na siya.

Potangina, bakit ka nasasaktan Maya? Hindi ba ito ang gusto mo? Ang tuluyang mawala ang nararamdaman mo para sa lintik na lalaki na 'yon? Huwag kang iiyak sa harap nila! Huwag kang iiyak!

Kahit na parang may nakabara sa lalamunan ko ay sapilitan ko itong nilunokcat ngumiti sabay nagpalipat lipat ng tingin sa dalawang ikakasal na sa hindi malaman kung kailan.

"Congrats." Gusto ko pa sana magsabi ng ibang salita pero iyon lang ang kayang mailabas ng bibig at utak ko.

Tinapos ko ang pagkain ko ng tuluyan, uminom ng tubig, "Excuse me. Tawagan ko lang ang mga Anak ko." tumayo at tumalikod.

Nagpunta ako sa may sulok kung saan ako dati nagtatambay. Agad kong ni-dial ang numero ni Rehan at nang sagutin niya ito, kusang nagsituluan ang luha ko.

"Ma? Hello?"

"R-Rehan..."

"Ma? Umiiyak ka ba? Bakit? Nasaan ka ngayon? Ligtas ka ba? Ma? Ma!" Bakas ang pag-aalala sa tono ng mga tanong ni Rehan sa akin.

"Hindi okay si Mama 'Nak, g-gusto ko ng umuwi."

Ayoko na dito. Masyadong masakit.

Overreacting siguro ako kasi bakit ako nasasaktan ng ganito gaying hindi naman naging kami. Unamin nga siya, wala din naman.

"Umuwi ka na Ma. Maghihintay kami," sagot nito.

Pinunasan ko ang mata ko bago pumasok sa loob at balak ng magpaalam.

"Maya..." bulong ni Achie.

Nginitian ko siya, "Congratulations sa paparating na kasal, Sir Achie."

"Ma'am, Sir. Uuwi na po ako ah. Miss na daw ako ng mga bata eh. Heto nga at katawagan ko ngayon kasi gusto na akong pauwiin ng mga kapatid niya." Yumuko ako sa mag-asawang parang may awa sa mga mata na nakatingin sa akin bago magpasalamat.

"Salamat sa pagkain, hindi kumupas ang luto ng mga chef ng mansyon. Kayo na lang po ang magsabi sa mga aso na nandito ako at dinalaw sila kahit maintindihan nila o hindi."

"Ihatid ka na ni Achie---"

"No. Achie stays."

"Vix!"

"It's okay. Vix just want her soon-to-be husband near her. Magpapahatid na lang ako kay Levis. Mauna na po ako."

Tinawag ako ni Achie pero hindi ko na pinasan dahil isa lang ang gusto kong mangyari ngayon.

Ang makaalis sa mansyong 'to.




"HUWAG ka ng babalik doon ha. Magagalit na ako Ma kung babalik ka pa doon... Kung alam ko lang na may fiancee na si Kuya Achie edi sana hindi ko na siya hinayaan noong nagpunta kayo sa bahay na dalawa. Psh."

Hindi ko sinagot si Rehan na nakaupo sa dulo ng kama. Nandito na ako sa kwarto at nakakumot, namumugti ang mata kakaiyak na mukhang tanga. Kasi bakit ako iiyak ng ganito ka sobra.

"Hays. Matulog ka na Ma, babantayan kita."

Matapos ko kasing makwento sa kaniya nang mapatulog ko ang tatlo, agad akong pumasok sa kwarto at sumunod siya. Doon na nagsitulo muli ang mga luha ko.

Hinahagod niya lang ang likod ko hanggang sa kumalma ako medyo at nahiga na agad niya namang kinumutan.

"Kung talagang alam ko lang, Ma. Ayokong nakikita kitang ganito."

Kanina pa siya salita ng salita pero walang natatanggap na pagsang-ayon o sagot.

"Balik ka na sa kuwarto niyo. Matutulog na ako huwag kang mag-alala," bulong ko at pinakiramdaman siya. Pumikit na lamang ako at nagpanggap na nakatulog bago ko siya maramdamang nawala ang bigat sa kama at ang tunog ng pagsara ng pinto.

Muli kong iminulat ang mga mata ko at hindi mapigilan ang mapaisip. Bakit niya pa sinabi ang bagay na 'yon gayong ikakasal na siya?

Pero bakit grabe ang epekto sa akin e hindi naman naging kami. Hindi din ako umamin na may gusto ako sa kaniya. Pero kung masaktan, iyak iyak pa.

Pilit kong huwag imulat ang mga mata ko nang sa gano'n ay makatulog na ako.

Pagsapit ng umaga, hindi ko namalayang matagal ako nagising dahil nang pumunta ako sa kusina ay sulat ni Rhan ang nasa mesa at nakasaad dito na nagluto na daw siya ng makakain ko at nauna na sila dahil may pasok sila ngayon.

Agad akong kumain at matapos kong hugasan ang pinggan na ginamit ko ay bumalik na ako sa kwarto at muling nagmukmok na dahilan ng hindi namalayang pagkatulog.

"Maya! Ang batang 'to parang bingi!"

Napatingin ako sa pintuan at naroon si Mama na umaapoy sa galit na nakatingin sa akin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mong bata ka? Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot! Gusto mong parusahan kita?" Agad na naalarma ang buong pagkatao ko nang marinig ang salitang parusa. Ayokong maparusahan ulit dahil may mga pasa pa ako sa may ikod ng hita na hindi pa gumagaling at ayokong madagdagan na naman.

"Mama sorry po gumagawa kasi ako ng project ko sa school," saad ko habang kinikiskis ang dalawang palad dahil sa kaba.

Tinaasan niya ako ng kilay at naglakad palapit sa akin...hindi, sa bahay na ginagawa ko gamit ang mga recycled materials. Napasigaw na lamang ako ng sipain niya ito dahilan ng pagtilapon nito sa dingding at pagkawasak.

Kusang tumulo ang luha ko sa nasaksihan at nanlalabo ang mga matang tumingin kay Mama na halatang walang paki sa ginawa niya sa project ko.

"Iyan ang makukuha mo sa hindi pagkinig sa akin. Ngayon, mag-init ka ng tubig at ako'y timplahan mo ng kape. Timplahan mo na din ang ate at kuya mo," aniya at nilampasan ako bago malakas na isinarado ang pinto dahilan ng pag-igtad ko.

Lumuluha akong lumapit sa sirang bahay-bahayan ko at isa isang pinulot ang mga parteng humiwalay kahit na sobrang nanlalabo ang mga mata ko.

Bukas na ang pasahan nito tapos nasira pa. Talagang babagsak na ako nito kapag hindi ko pa ito nagawa at napasa. Pigil ang hikbi kong inilagay ang sirang bahay-bahayan sa dulo ng kama ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko bago naglakad palabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.

Nang makapasok ako ay naroon sa mesa si Mama at Ate na nagseselpon. "Tagal mong bumaba ah."

"Pasensiya po. Pinulot ko pa iyong project kong narisa."

"Buti nga sa 'yo." Rinig kong bulong ni Ate.

Pagkatapos kong mag-init ng tubig ay agad ko silang tinimplahan ng kape at inilagay sa harap nilang tatlo sa mesa.

"Potangina?!"

Napatingin ako sa gawi ni Kuya at nakalabas ang dila nito habang galit na nakatingin sa akin.

"Maya, may balak kang pasuin ako sa init ha?!" bulyaw niya sa akin at dinuro duro ang noo ko.

"K-Kuya nagsabi po akong mainit po," taranta kong sagot sa kaniya.

Patuloy ang pagbubulyaw niya sa akin nang sumigaw si Mama at tumayo at naglakad palapit sa akin habang hawak ang kape niya.

Inihanda ko na ang sarili ko sa posibling mangyari sa akin . Pilit kong inaatras ang maliit kong katawan pero hawak ako ni Kuya kaya hindi ako makatakas sa kaniya.

"Gusto mong maramdaman ang init ng kapeng binigay mo sa Kuya mo? Oh hetong sa 'yo."

"AHH!"

Sigaw ko nang itapon sa akin ni Mama ang laman ng baso niya at tumapon ito sa aking leegan. Pa atras-atras ako habang pilit na pinupunasan gamit ang sariling kamay ang mainit na pakiramdam.

"Karma. Parang tanga kasi."

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso ako sa hagdan at tumatakbong umakyat papunta sa kwarto habang umiiyak.

Bakit ba nangyayari sa akin ang gan'to! Ginawa ko naman! Naging sunod-sunuran ako sa kanila! Sinusunod ko lahat ng utos nila kahit alam nilang ikakasakit ko!

Lord bakit ba ako? Bakit lagi na lang ako?!

Kahit ilang beses kong sundin at maging Yaya nila hindi pa din nila ako maturing na pamilya? Hindi ko ba deserve and isang Ina at mga kapatid?

Ako na lang ba lagi ang magbabayad at magdusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa?

Kasalanan ko ba na masilang ako sa panahong hindi nila gusto?

Kasalanan ko ba na pinili ni papa ang kabit niya?

Kasalanan ko ba na hindi ko maabot-abot ang standard ni Mama?

Kasalanan ko ba?

Kasalanan ko ba maging Anak nila?

Kasalanan ko ba maging kapatid nila?

Lord, kasalanan ko ba?!

KUSANG namulat ang mga mata ko pagsapit ng alas dose ng hapon. Nakatunganga habang nakatingin sa kisame, lumuluha ng hindi namamalayan.

Pinunasan ko ang luha ko at pilit na iwinaksi ang kabigatan ng aking kalooban at nagpunta sa kusina para maghain ng aking makakain.

Pinalipas ko lamang ang aking hapon sa panomood at hindi ko namalayang ako ay muling nakatulog hanggang sa marinig ko na lang ang bulungan ng mga bata sa aking harapan.

"Ang ganda ni Mama pero bakit siya umiiyak," saad ni Mark.

Hindi ko minulat ang mga mata ko at nanatiling nakapakit habang nakikinig sa usapan ng magkakapatid.

"May umaway ba kay Mama, Kuya?" tanong ni Caly sa Kuya niyang naghahanda sa kusina.

"Wala naman, baka sa pinapanood lang niya. Huwag kayong maingay d'yan ay baka magising si Mama. Magbihis na lang kayo doon at ako'y nagluluto na ng ating hapunan."

Agad na nagsilakaran ang tatlo pero bago 'yon ay hinalikan muna nila ako sa pisngi at nagsibulong ng "Love you, Mama."

Laking pasalamat ko kay Rehan ay hindi niya sinabi sa mga kapatid niya ang nangyayari sa akin. Baka kasi makaapekto ng pag-aaral ng mga bata. Mas mabuti na wala silang alam.

Iminulat ko ang mga mata ko at umayos ng higa at hindi ko namalayang ako ay nalunod na naman sa isipang hindi ko mapaliwanag hanggang sa narinig ko ang yapak ni Rehan at ang halik niya sa noo ko.

"Be okay, Ma. We need you. Love you." At bumalik ulit sa kusina.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga narinig.

Ano nga ba ang ginagawa ko?

Bakit ko hinahayaan na malunod ang sarili ko sa kaniya? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo.

Nahihibang na ata ako at iniiyakan ko ang lalaking wala lang naman ako sa kaniya.

Gising na Maya. Kailangan ka ng mga Anak mo.

Sa gabi ding 'yon, habang nasa hapagkainan kaming lahat, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa bawat kwento ng tatlo habang nailing naman ang Kuya nila.

"Mama alam mo sabi ni Teacher ang pretty ko daw po," saad ni Caly at sinubo ang huling kutsara ng kanin bago humagikhik.

Agad namang umalma ang pangatlong kuya na si Breil at kumunot ang noo.

"Kaya pala noong nisundo ka namin ni Kuya sa room niyo may katabi kang bata!" Nais kong matawa sa pananalita niya. Hindi niya ba alam na siya'y bata rin.

Napatingin naman kay Mark na napasinghap habang nakatingin kay Breil.

"Ang batang 'yon? Iyong may dalang maraming crayons na malalaki? Iyong spiderman ang bag at may spiderman na baunan? Caly crush mo ba 'yon? Bawal ka may crush! 'Wag ka na makipaglaro doon sa kaniya! Ang mukha niya parang madaming girls! Kuya oh!" sunod sunod na saad niya at napainom pa ng tubig matapos niyang magsalita ng mabilis.

Napahagikhik naman si Caly at tumaas ng kaunti ang kilay ko at napatingin ako kay Rehan. Hindi lang pala ako ang napatingin sa kaniya, pati na din si Breil at Mark.

"Ano? No one is allowed to flirt with our princess. And you, princess Caly, please, no boys. Just us Kuyas, no boys in school. Okay?"

Kung tutuusin, hindi naman gaano ka seryoso ang usapan sadyang mga overreacting lang ang mga kuya niya. Si Rehan naman na halatang kilala din ang pinag-uusapan ng dalawa ay nakisabay.

Kawawa ang magkakagusto sa prinsesa namin.

Limang araw. Limang araw na akong hindi pumapasok sa opisina. Wala namang tawag kaya hindi na muna ako pumasok.

Pinalipas ko ang oras sa pamamagitan ng paglilinis ng buong bahay. Mula sa mga tuping damit nila na nakakabilib dahil hindi gaanong magulo, hanggang sa Cr na malinis na din pero nilisan ko ulit.

Inabot na ako ng alas tress ng hapon matapos kong mapalitan ang mga kurtina ng buong bahay.

Pinapaypay ko ang aking leegan gamit ang palad ko habang nainom ng tubig sa kusina.

Tapos ko na ang lahat ng pwedeng gawin.

Pagod akong umupo sa upuan ng kusina at nag-isip. Kung iisipin ay baka wala na akong balikang trabaho sa opisina at hindi puwedeng umasa kami sa ibibgay na groceries ni Ma'am Fasaia na para lang naman dapat sa mga bata.

Bigla akong napaisip kung magtatrabaho ba ako sa palengke o huwag na lang at bumalik sa trabaho? 

Ayoko na muna sanang makita si Achie at si Vix na magkasama.

Magmo-move on na muna ako kahit hindi naman naging kami.

"Mama!" Agad akong napatingin sa pintuan nang bumukas ito at bumungad ang sigaw ni Caly habang naka sunod naman ang mga Kuya niyang nakabusangot sa hindi ko alam na dahilan maliban kay Rehan na may dala pang puting supot.

"Mama, I miss you!" ani ni Caly at yumakap sa leeg ko bago humalik sa pinsgi ko.

Gano'n din ang ginawa ni Mark at Breil, si Rehan ang humalik sa ulo ko at dumeretso sa kusina.

"Mama si Caly!" parang galit na pagsisimula ni Breil.

"Oh anyare? Ano nangyari sa princess namin?"  sagot ko at umaktong nag-aalala.

Napahingos naman si Mark bago siya kunot noong humarap sa akin, hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inihrap sa kaniya na parang ayaw niyang mapunta sa iba ang atensyon ko at dapat makinig ako sa kaniya.

Nakipagtitigan pa sa akin.

Narinig namin ang yapak ni Rehan at napalingon ako sa gawi niya nang iharao muli ako ni Mark sa kaniya gamit ang mga kamay niyang may kaliitan.

"Ano bang nangyayari?" tanong ko at umiling si Mark na mas ipinagtaka ko.

"Mark, tigilan mo na 'yan. Lagay mo na ang bag mo sa kwarto niyo at magbihis ng pambahay na damit bago niyo ikwento kay Mama ang nangyari."

Nangyari? Ano naman kaya?

Kahit alam kong gusto na niyang sabihin sa akin, hindi na niya nagawa dahil hinila na siya ni Breil at Caly na nakakapagtaka kung bakit malaki ang ngiti.

Ano na naman kaya ang ginawa mo Caly at gigil ang mga Kuya mo?

Napatingin ako kay Rehan na nakaupo sa pang-isahang sofa habang malalim ang iniisip. Paano ko nalaman na malalim? Kanina ko pa siya tinatawag pero talagang wala sa earth ang utak niya. Halatang problemado.

"Rehan!"

Napatalon siya ng kaunti sa pagkakaupo niya at humihingi ng tawad na napatingin sa akin sabay gulo sa buhok niya. Sunod naman na nagsidatingan ang mga kapatid niya at isa isa ay nagsiupo sa mahabang sofa maliban kay Caly na naupo sa kandungan ko at yumakap yakap pa.

Hmm. May kasalanan siguro si Caly.

"So ano ang nangyari?"

Ilang minuto pa ang itinagal at hindi sila nagsalita.

"Kanina gusto niyong sabihin sa akin, ngayon hindi na?"

"Mama kasi..."

"Kasi...ano?"

Silence.

"Isa---?"

"Wala ng first kiss si Caly! Hinalikan siya nung mayamang bata!"

Oh. My. God.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 47.1K 42
"Miss Montgomery, you start at 8am tomorrow morning in my office, not a minute late. If you are as good as you say you are, I may just apologise", he...
14.7K 456 30
Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from that past, she's acting like a numb and...
3.5K 594 11
هي لم ترتدي الأسود مُطلقًا... بدأت: ١٢/١/٢٠١٩ انتهت : ٦/٩/٢٠٢٠ مُترجم من deanrvng@ © جميع حقوق الكتابة تعود للكاتبة الأصلية وحقوق الترجمة لي.
3.7K 162 38
[COMPLETED] "Kaaway kita eh, pero bakit ganitong pakiramdam ang nararamdaman ko? Bakit nahuhulog ako sa'yo?" - Zace Axel **** November 2021 - January...