OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATI...

By Ic3ythromycin

1K 132 66

Logan was forced to enter the club as a cross-dresser so that he could pay for his sister's surgery. At the s... More

P A N I M U L A
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
NOW PUBLISHED!

KABANATA 9

30 6 4
By Ic3ythromycin


NANLALAMIG ako kahit na tirik na tirik ang araw. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Dapat nga ba akong magalit? O dapat ba akong matakot?

Ikinuyom ko ang mga kamao ko at handa na siyang sapakin nang hawakan ni Travis ang mga kamay ko. Pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng eskandalo at pinakalma ang sarili.

“Ang laki mo na at lalo ka pang kuminis,” mabilis ang mga kamay niyang hinaplos ang pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at iwinaksi ang kamay niya. Mahina pa siyang tumawa sa ginawa ko.

Isa-isa nanamang bumabalik ang mga alaala na kinalimutan ko na.

“Matagal na rin simula nung—”

“Tama na!” sigaw ko at hindi ko na napigilan pang sapakin ang mukha niya, napaatras siya ng bahagya at dumugo pa ang labi niya. Tumawa lang siya at hindi ininda ang pagkakasapak ko sa kan'ya.

“Lumalaban ka na ngayon.” Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. “Mukhang magsasaya tayo nito.” Hahablutin sana niya ang braso ko nang pigilan siya ni Travis. Itinago niya ako sa likod niya at siya na ngayon ang kaharap ni Tito Romel.

“Subukan mong hawakan siya at hindi lang suntok ang aabutin mo,” matapang na sumbat ni Travis. Hindi naman nagpatinag si Tito Romel at ngumisi pa ito.

Bente-singko lang si Tito Romel at may itsura naman, pero walang tumatagal sa kan'ya dahil sa ugali niya. Maging ang asawa at anak niya ay iniwanan siya.

“Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka pa umalis,” bulyaw ko. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin bago tuluyang umalis. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaluhod at naghahabol ng hininga. Pumantay sa akin si Travis at inilahad ang kamay niya. Ilang segundo ko ito bago tinanggap at tuluyang nakatayo sa tulong niya.

Tulala pa rin ako buong magdamag sa hospital. Pakiramdam ko ay lumulutang ang buo kong katawan sa ere. Ni hindi ako makausap ng matino nila Travis. Nabalik lang ako nang yakapin ako ni Yrich nang mahigpit. Ibinalik ko ang yakap niya at hinalikan siya sa noo.

“Galit ka po ba sa akin?” malambing niyang tanong.

“Hindi ako galit sa 'yo, tama na siguro 'yon para matigil na ako sa pagsisinungaling.” Piningot ko ang ilong niya ng marahan kasabay nang paggulo ko sa buhok niya.

Bigla namang pumasok ang doktor niya kaya natigil kami sa ginagawa namin.

“Ok naman na ang lahat sa pasyente, kailangan niya lang ng pahinga, pwede niyo na rin siya ilabas ngayon kung gugustuhin niyo,” may mga isang papel siyang binigay— reseta na dapat bilhin sa tuwing sasakit ang ulo ni Yrich.

“Maraming salamat po,” saad ko bago tuyang umalis 'yong doktor.

Kaagad din kaming lumbas ng hospital at si Travis na ang nagbayad sa mga bayarin namin. Nakakahiya man pero siya lang ang may kakayahan sa ngayon na tumulong sa amin.

“Ako na ang bahalang magbuhat sa kan'ya,” offer ni Travis, nakatulog kasi si Yrich habang nagbya-byahe kami. Idineretsyo naman niya si Yrich sa isang kwarto at inihiga sa kama. Nang masigurado naming maayos ang tulog niya ay saka kami lumabas ni Travis.

“Ano bang nangyari sa inyo ng Tito mo?” napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. “S-Sorry, iba na lang itata—”

“G-Ginahasa niya a-ako,” ngumiti ako. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Namuo naman ang galit sa mga mata ni Travis. Tinapik-tapik ko na lang ang balikat niya at nagpatuloy na naglakad papunta sa sala. Umupo ako sa sofa at hinintay siyang umupo rin. Takbong lakad ang ginawa niya para puntahan ako at hablutin ang kamay ko.

“Dapat siyang makulong!” bulyaw niya sa akin. Sinenyasan ko siya na 'wag maingay at baka magising si Yrich.

“Ginawa ko na 'yan, pero wala akong napala...ang akala nila ay gumagawa lang ako ng storya,”

“The heck? Mga gag* pala sila e,” singhal niya habang napapasabunot sa buhok niya.

“Hayaan mo na lang, mahirap na talaga makakuha ng hustisya ngayon, lalo na at parte ako ng LGBT,”

“Naririnig mo ba sarili mo? Hayaan? Nahihibang ka na ba? Kailangang mabigyan ng hustiya ang ginawa sayo ng tito mo— kailangan niyang makulong,”

“Paano? Paano 'yang sinasabi mong hustisya kong hindi naman nila pinaniniwalaan ang kahit anong sabihin ko?” nagulat ako sa sarili ko. Nagulat ako na wala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko. Siguro ay napagod na rin ito sa walang sawang pag-iyak.

“Bukas na bukas ay tatawagan ko si Atty. Paulo para sa kaso mo, at tinitiyak ko sayo na mananalo tayo,”

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Travis ay tumunog ang cellphone ko. Hindi naka-save ang number kaya nagbaka sakali akong na-wrong send lang. Ipinatong ko na lang ang cellphone ko sa mesang nasa harap ko at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Travis.

Pursigido talaga siya na makulong si Tito Romel. Hindi ko na siya napigilan pa at sumang-ayon na lang sa gusto niya.

“Pwede mo ba ako kuhaan ng maiinom? Biglang sumakit ulo ko,” utos niya habang hinihilot ang kan'yang noo. Tumayo naman ako agad at pumuntang kusina para kumuha ng juice at ilang makakain, bumalik din ako pagkatapos.

“Heto, uminom ka na muna.” Inilapag ko sa mesa ang mga dala ko at umupo ulit sa sofa. Tinignan ko ang cellphone ko para basahin sana 'yong message kanina pero wala namang laman ang inbox ko. Hindi kaya ay namamalik mata lang ako? Nagkibit balikat na lang ako at inilagay ang cellphone sa bulsa.

HUNI ng mga ibon at sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko ang siyang gumising sa akin. Nag-unat ako at binati ang kakagising lang ding si Yrich. Sabay na kaming bumangon at nagpuntang banyo para maghilamos. Hindi man ganun kalaki ang bahay ni Travis ay hindi ko pa rin ito makabisado. Mabuti na lang at alam na ni Yrich ang pasikot-sikot dito.

Naabutan namin si Travis sa may sala na may kausap sa cellphone. Nang makita niya kami ay agad din niyang ibinaba ang tawag at nilapitan kami.

“Anong gusto niyong breakfast?” nakangiti niyang tanong. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niya ngayon pero nakakasigurado ako na peke ang mga ito.

“Gusto ko ng hotdog at sinangag!” sigaw ni Yrich na parang kasali sa rally.

Walang katulong dito si Travis kaya tumulong ako sa kan'ya sa paghahanda ng almusal. Isinuot niya sa akin ang kulay pink na apron na may nakalagay na ‘Mommy’, samantalang kulay alsul sa kan'ya na may nakalagay namang ‘Daddy’.

Nangunot ang noo ko at kating-kating nagtanong. “May asawa ka na pala?”

“Wala,” mariin niyang depensa.

“Anong ibig sabihin nito?” ngumuso ako at itinuro ang mga nakalagay. Nangamot siya sa batok niya at umiwas ng tingin.

“Ah...eh...”

“Ano?”

“Nagugutom na ako,” nakangusong reklamo ni Yrich. Ipinatong niya ang baba niya sa mesa at pinaglaruan ang baso sa harap niya.

“Hintay ka muna ng ilang minuto,” saad ni Travis at inatupag ang pagpriprito ng hotdog. Ako naman ay nagsangag ng kanin at si Yrich na ang naghanda ng mga plato.

Ang sayang pagmasdan na magkakasama kaming tatlo. Tila ba walang problemang nagdaan, lahat kami ay nakangiti at wala kang makikitang bahid ng lungkot.

Nang matapos kami sa pagluluto ay kaagad din kaming kumain. Sa gitna ng aming pagkain ay may dumating na lalaki na nakasuot ng pormal na damit. Ipinakilala siya sa amin ni Travis bilang si Atty. Paulo. Kaagad naman naming tinapos ang aming pagkain at si Yrich na mismo ang presinta na maghuhugas ng mga plato.

Nagpunta kaming tatlo nina Travis at Atty. Paulo sa sala upang pag-usapan ang kaso ko. Detalyado kong ikwinento ang nangyaring panggagahasa sa akin ng akin tiyuhin. Habang nagkwekwento ako ay ramdam kong nagtataasan ang mga balahibo ko, napayakap na lang ako sa sarili at nagpatuloy sa pagkwento.

“Pwede natin siyang kasuhan ng rape at attempted murder. Hindi ganun kadali ang proseso pero sinisigurado ko na makukulong siya,” saad ni Atty. Paulo. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko, kita rin sa mga mata ko ang saya dahil sa narinig.

“Salamat po,”

Tumayo si Atty. Paulo at nakipagkamay sa akin at kay Travis. Hindi na rin siya nagtagal pa at umalis na rin kalaunan.

Huminga ako ng malalim at humarap kay Travis. Kinurot ko ng bahagya ang pisngi niya, pero agad din niyang tinanggal ang kamay ko. Nagkunwari akong galit sa kan'ya kaya todo suyo siya, nang mapagod siya kakasuyo ay ninakawan ko siya ng halik sa pisngi at bumulong. “Salamat, Travis,”

Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali, dahil hindi na nakagalaw si Travis. Para bang isang kahoy na walang buhay.

“Huy, Travis!” Niyugyug ko siya, dahilan para bumalik siya sa ayos. Patakbong pumunta naman sa amin si Yrich na kakatapos lang maghugas.

“Anong nangyari Kuya?” naguguluhang tanong ni Yrich. “Anong nangyari kay Kuya Travis?” Tumingin ulit ako kay Travis. Gaya kanina ay hindi ito gumagalaw at nakatulala lang sa kawalan.

Kinabahan ako nang bigla siyang ngumiti habang nakahawak sa pisngi niya, hindi nga kaya nababaliw na siya?

“Anong ginawa mo kay Kuya Travis, Kuya? Bakit parang kinikilig siya?”

“Kinikilig?”

“Opo, tignan mo ang mga pisngi niya...” Tumingin ako sa pisngi ni Travis at nagunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Yrich. “Tignan mong mabuti,” naningkit na ang mata ko kakatingin kong ang meron sa pisngin ni Travis, pero hindi ko pa rin ito maintindihan. “Namumula ang pisngi ni Kuya Travis, mukhang may ginawa ka sa kan'ya, dahilan para kiligin siya,” pagpapatuloy ni Yrich.

“Hinalikan ko lang naman siya sa pis—”

“Gotcha! kinilig siya dahil hinalikan mo siya.” Umiling-iling ako sa sinabi ni Yrich. Bakit naman kikiligin si Travis?

“Hinahalikan din naman kita sa pisngi at noo, pero bakit hindi ka kinikilig?”

“Syempre kapatid mo ako, pero...hindi mo pa napapansin?” pambibitin ni Yrich sa sasabihin niya.

“Napapansin ang alin?”

“May gusto si —” pareho kaming nagulat nang biglang tumayo si Travis at tinakpan ang bibig ni Yrich. Pilit na nagsasalita si Yrich kahit na nakatakip ang bibig niya, hindi ko naman ito maintindihan kaya pinitik ko ang kamay ni Travis.

“May gusto si?” pang-uulit ko, pero hindi na nagsalita pa si Yrich kaya nalukot ang mga noo ko. Tumingin ako kay Travis pero nginitian niya lang ako. Nagkibit balikat na lang ako at isinawalang bahala ang lahat.

Pumunta ako sa kwarto ko para sana kunin ang cellphone ko pero nakita kong makalat ang kabuuan ng kwarto. Hindi ako sanay na makalat ang kwarto o bahay kaya agad akong kumuha ng walis at dustpan. Tinupi ko na rin ang mga kumot at inayos ang mga una.

Naiwan lang sa sala sila Yrich at Travis na mukhang may pinag-uusapan, hindi na ako nakiisyoso pa at nagpatuloy ako sa paglilinis. 
~~~~~ will edit~~~~~~~~
Mga ilang minuto rin ang binuo ko at natapos rin sa wakas ang paglilinis ko. Inilagay ko sa isang plastic ang mga basura at inilabas ito. Bago ko pa maitapon ang hawak kong basura ay nasipa ko ang trashcan, tumilapon ang laman nito at nagkalat. Agad ko namang ibinaba ang hawak ko at isa-isang pinulot ang mga basura, puro mga papel lang ito— mga sobre at tila may laman itong mga liham.

Dahil kuryusidad ay isa-isa kong tinignan ang laman ng sobre atw hindi nga ako nagkamali, ito'y may laman na liham.

Liham ni Jairus...para sa akin.

Karamihan ay matagal-tagal na pero meron ding mga bago, gaya ng hawak ko ngayon, ang petsang nakalagay ay ang petsa ngayon.

“To Logan, Ilang beses kong tinatawagan ang cellphone mo pero mukhang naka-block na ako. Hindi ka rin sumasagot sa mga sulat na pinapadala ko, siguro nga ay galit ka sa akin. Pero, kung nababasa mo man ito ngayon ay sana magkita tayo sa beach kung saan ako nga propose...aasahan kita, from Jairus,” basa ko sa liham habang tumutulo ang mga luha ko. Bakit nandito ito?

Isa-isa kong inilagay sa isang plastic ang mga liham nia Jairus at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko pa sila Travis sa sala habang nanonood ng TV.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Travis at nilapitan ako.

“May problema ba Kuya?” Lumapit na rin sa akin si Yrich at pinunasan ang mga luha ko.

“Ito...” Itinaas ko ang hawak na mga liham. “Bakit nasa basurahan ito?”

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 355 22
(Where I Want To Be Book II: Alex) . "...sino crush mo?" tanong ko. "...pano kung... sabihin kong ikaw?" Hindi ako sumagot. "Joke." habol n'ya. "Per...
13.4K 556 96
[Epistolary] Two broken hearts. A text. An understanding. And maybe an enchanted moment to fall in love.
389 69 12
The music supposed to be everyone's happy pill and their strength in working, but Asher never imagined that hearing him sing would be his biggest sin...
440K 6.2K 24
Dice and Madisson