The Billionaire's Wicked Dare

By desiredink

182K 4.1K 541

Reverio Twins #2: Theodore Aradame Seanelle Leon Villasanta was a breadwinner of her family and she would do... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 22

3.5K 87 10
By desiredink


PAULIT-ULIT na sinasabi ng utak ko na tigilan ko nang umasa kay Theodore, pero itong puso ko naman ay iba ang isinisigaw. Gusto ko siyang intindihin, pero paano ko gagawin 'yon kung paulit-ulit niya akong tinutulak palayo kapag malapit na ako sa kaniya.

I really wanted to understand him. I wanted to know what's running in his mind. I wanted to know what he truly feels, but I felt like he was suppressing himself. For what reason, though?

Mabilis na lumipas ang mga araw. Wala akong ibang ginawa kung 'di ang pumasok sa eskuwela, magtrabaho, at asikasuhin si Tatay. Sa mga araw na nakalipas ay hindi nagparamdam si Theodore. Wala siya lagi sa opisina at ang sabi ni Santi ay nasa ibang bansa raw ulit siya.

I sighed. Where is he? Nandoon ba siya kay Zreinessa? Siya ba ang pinupuntahan niya sa ibang bansa? Alam kong walang kasalanan si Zreinessa, pero nasasaktan lang ako dahil ganoon na lang ang atensyon na ibinibigay sa kaniya ni Theodore. Well, Zreinessa's his first love afterall.

"Sean? Saan ka mag-OJT?" tanong sa akin ni Milan nang mag-lunch break.

"Hindi ko pa alam. Sa The Neri siguro?" patanong na sabi ko.

Kung papalarin sa hotel ng mga Nerillano ay doon ako mag-OJT. Hindi naman ako ganoon kasama na porque pagma-may-ari nila Zreinessa ang The Neri ay hindi na ako susubok doon. Maganda kasi ang mga naririnig ko tungkol sa The Neri kaya sa tingin ko ay magiging maganda rin ang OJT experience ko roon.

"Ayaw mo sa LACS?" tanong pa ni Milan.

Napataas ang kilay ko. "Nako, hindi ako makakapagtrabaho ro'n lalo na kapag nando'n si Xav."

Natawa naman si Milan. "Sabagay. Ang protective sa 'yo no'n. Hindi ba siya nanliligaw sa 'yo?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang cafeteria. Naupo muna kami sa puwesto namin palagi.

"Ano bang tanong 'yan?" I chuckled.

"Oo at hindi lang ang sagot, Sean," sabi pa ni Milan na pangisi-ngisi.

I rolled my eyes. "Kaibigan ko lang si Xav."

"Yow, my loves!" Napatigil kami sa pag-uusap nang marinig ang boses ni Denver. Malamang ay si Milan ang tinatawag niya. Mula yata no'ng birthday celebration ni Milan ay naging malapit ang dalawang 'to.

"My loves your face!" singhal naman sa kaniya ni Milan at inirapan siya.

"Ouch, ha!" Humawak pa siya kunwari sa dibdib niya bago umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya si Jenesis na nginitian naman ako bago naupo rin. "Parang no'ng birthday mo ay hindi ka mahiwalay sa 'kin!"

"Tse! Sinamantala mo 'ko! Madaya ka!" asik ni Milan na tinawanan namin.

Sina Jenesis at Denver na rin ang um-order ng makakain namin. Nag-abot din naman kami ng bayad pambili.

"Sina Jacky?" tanong ko. Paniguradong magkasama sila ni Kobi ngayon. Hindi na rin napaghiwalay ang dalawang 'yon.

"Who knows? Alam mo naman si Jacky..." makahulugang sagot ni Milan sabay halakhak.

Napailing na lang ako at naghintay sa pagkain namin. Medyo marami ang tao sa cafeteria, late na rin kasi kami di-ni-smiss ng professor namin. Natigil ako sa pag-obserba sa paligid nang mag-ring ang phone ko.

Xav calling...

"Xav!" I happily greeted when I answered his call.

Matagal-tagal na rin 'yong huling pag-uusap namin. Saglit na napatigil din si Milan sa pagce-cell phone niya at sumulyap sa akin saglit bago ulit nag-cell phone.

Tumawa si Xav sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay medyo lumalim pa ang boses niya. Nakaka-miss naman talaga 'tong lalaki na 'to!

"Miss me, babe?" pang-aasar niya.

Umirap ako. Ayan na naman siya sa pa-babe niya. "Hindi kita na-miss."

"Weh? Excited ka nga no'ng sinagot mo 'yong tawag, eh." He chuckled.

I pouted. "Ang tagal mo kasing hindi nakatawag."

"Sorry about that, babe. Tinapos ko na lahat ng kailangang tapusin para makabalik na 'ko sa 'yo," he replied softly.

I stiffened with his remarks. Mariin akong napalunok bago ulit nagsalita, "Oo na. Kailan ka babalik niyan? Next week ka na uuwi, 'di ba?"

"I miss you..." he muttered instead of answering my question.

I pursed my lips. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Miss ko rin naman siya, pero baka mabigyan niya ng ibang kahulugan kung sasabihin ko 'yon.

"Can't wait to see you again, Seanelle..." he added. "I miss you so much."

I gulped. Napaangat ang tingin ko kina Jenesis na nakabalik na pala bitbit ang mga pagkain namin. Nakatingin sa akin si Jenesis habang si Denver ay na kay Milan na ang atensyon.

"I'll wait for you, Xav. Take care, okay? Mag-uusap pa tayo, 'di ba?" sabi ko na lang. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may ginagawa akong mali. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag.

He chuckled. "I know, babe. Lunch time ninyo, right? Kumain ka nang marami, okay? I'll hang this up first."

"Mmm. Ingat ka, Xav," tugon ko.

"I love you..." He ended the call.

Tahimik na ibinaba ko ang cell phone mula sa aking tainga bago ko ibinalik sa bag 'yon.

"Si Xavier?" tanong sa akin ni Jenesis.

I smiled. "Yep. Malapit na raw siya umuwi."

"I see." He nodded his head.

Inilapag niya sa harap ko ang pagkaing pinabili ko. Matapos no'ng nangyari sa birthday celebration ni Milan ay nakipag-usap ako kay Jenesis. I apologized for what I did, I was drunk that time. Akala ko ay magiging awkward para sa aming dalawa pero hindi. Naging malapit nga lang kami ngayon.

Though he asked me once if he could court me, but I immediately turned him down. Noong nakaraang araw lang 'yon, wala naman kasi akong balak pa. Madami akong mas kailangan unahin. Buti na lang at napakabait nitong si Jenesis at walang sama ng loob sa naging desisyon ko.

"Nga pala, Sean." Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang magsalita si Denver.

"Bakit?" malumanay na tanong ko.

"Nabanggit kasi ni Jenesis na hindi raw kapatid mo ang sumundo sa 'yo no'ng birthday ni Milan," mahabang sabi niya.

I chuckled. "Kakilala ko 'yon. Huwag kayong mag-alala."

Bakit ngayon pa nila binuksan ang tungkol doon? Ilang araw na nga ang lumipas, eh! Akala ko ba naman ay nalimutan na nila 'yon.

"Hoy, hindi ko alam 'yan!" singit ni Milan at humarap sa akin. "Sino'ng sumundo sa kaniya? Jenesis, sigurado ka bang hindi si Stanley ang sumundo sa kaniya?"

"Hindi," tipid na sagot ni Jenesis. He then looked at me. "Theodore Reverio picked her up."

Milan gasped in shock. "R-Reverio? Hala! Boyfriend mo si Theodore?!"

I looked at her with wide eyes. Pa-simple rin akong tumingin sa paligid at mukhang wala naman yatang nakarinig dahil may kaingayan ang cafeteria.

"Ano ba, Milan!" saway ko sa kaniya. "H-Hindi ko boyfriend 'yon."

"Weh?" pang-iintriga pa ni Denver.

"Hindi nga sabi," sabi ko na lang at bumalik sa pagkain.

"Hindi ba talaga?" singit naman ni Jenesis. Napatingin ako sa kaniya at mukhang may iniisip siya dahil nakahawak siya sa kaniyang baba at bahagyang nakakunot ang noo. "Kulang na lang ay mamatay ako sa titig niya sa 'kin nang makita niya tayo. Remember na nakakandong sa 'kin, 'di ba?"

I felt my cheeks flushed. Napainom na lang ako ng tubig bago sumagot. "Huwag n'yo na lang pansinin 'yon. Boss ko lang 'yon."

"Nagta-trabaho ka sa kaniya?!" gulantang na tanong ni Milan.

Mariin akong napapikit. Ano ba, Seanelle? Bakit ba nadulas ako? Tsk. Makakaligtas na sana ako, eh!

"Sa RC na ang bago kong trabaho. Janitress," I replied.

"Shit ka! Bakit hindi mo sinabi!" reklamo pa ni Milan. "Edi sana ay dinadalaw kita para makita ko si Tredore Reverio!"

Napangiwi na lang ako kay Milan na mukhang binuhusan na ng asin sa puwesto niya habang si Denver naman ay puro nagmi-make face kay Milan. Napailing na lang ako sa pag-i-imagine ni Milan na magkakausap daw sila ni Sir Tredore kapag nagkita sila sa Reverio Corporations.

"Inuwi ka naman nang maayos ni Theodore, 'di ba?" seryosong tanong pa ni Jenesis. Natahimik naman sina Milan dahil sa seryosong tanong ni Jenesis.

"O-Oo naman," sagot ko.

He nodded. "That's good to know."

Naging tahimik na kami matapos ang usapan. Si Milan na lang ang maingay na nagpa-plano na dadalawin niya raw talaga ako sa trabaho at pupuslit na makita si Sir Tredore. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.

NANG mag-gabi ay pumasok ako sa trabaho. Dumaan muna ako sa ospital para kumustahin si Tatay. Sa totoo lang ay gusto ko nang maganap ang operasyon, but at the same time, I was scared. Alam kong hindi pa sapat ang perang naipon para sa gastusin, kahit isama ko pa 'yong in-advance kong dalawang buwan na sahod.

"Magandang gabi, Santi," bati ko kay Santi na busy na naman sa pagta-type sa computer desk niya.

"Magandang gabi rin, Sean," bati niya pabalik.

Ngumiti ako bago itinulak muli ang utility cart para makapaglinis na. Mabagal ang naging pagkilos ko sa paglilinis, kahit hindi naman na talaga ipinalinis sa akin 'yong opisina ni Theodore ay binabagalan ko pa ring maglinis. Sa pagkakaalam ko ay si Ariane o si Grace ang nakatokang maglinis ng opisina.

Tsk! Akala niya talaga na lilinisan ko pa 'yang opisina niya? Manigas siya!

Mas binagalan ko pa ang kilos ko sa paglilinis. Ayoko lang na matapos agad ang mga gawain dahil paniguradong lilipad na naman ang isip ko kay Theodore.

Speaking of, mukhang wala pa rin siya rito. Nasa ibang bansa pa rin ba siya? Kumusta ang world tour niya kung gano'n? Napailing na lang ako sa isip ko at nagpatuloy sa paglilinis.

Hindi ko alam kung ilang oras ang iginugol ko sa paglilinis dahil sa sobrang kupad ng kilos ko. Pabalik na ako sa storage room nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Theodore.

Napahinto ako sa paglalakad nang maamoy ko ang pamilyar niyang amoy. Ang paningin ko ay nasa bandang leeg niya dahil hanggang doon lang ang tangkad ko sa kaniya. Wala sa sarili na napaluha ako, pero pinigilan ko na magbagsakan ang mga 'yon. Ilang araw na nga ba ang lumipas? Lima?

I don't want this feeling but I miss him.

I missed him. I missed his presence near me. I missed his comfort when I felt so pressured. Kahit nasa malapit lang siya ay gumagaan ang mabigat kong pakiramdam. I missed his embrace...

"S-Sir Theo..." I muttered as I swallowed the lump on my throat.

Hindi siya nagsalita at nilagpasan lang ako. Nanikip ang dibdib ko dahil doon. I felt a tear rolled down on my cheeks. Hinayaan ko 'yon at hindi pinunasan bago nagsalita.

"I want to understand you..." I trailed off. Hindi ko alam kung nandiyan ba siya sa likod ko o tuluyan nang umalis. "...but you kept on pushing me away. Akala ko ba ay gagawin mo 'kong sa 'yo? I'm tired, but I don't want to give up. Pero kung ganito, baka nga sumuko na lang ako sa 'yo, Theodore..."

Suminghap ako bago itinulak muli ang utility cart. Tahimik na ibinalik ko 'yon sa storage room at nang makapasok ako sa kuwarto ay doon ko na pinigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pagod na akong magbaka-sakali sa 'yo. Pagod na akong umasa na may pag-asa ako sa 'yo. Pero ito na yata 'yong sign para tigilan ko na ang kahibangan ko sa 'yo, Theodore. Alam kong simula pa lang ay malabo na ang gusto kong mangyari, pero ako lang naman 'tong umasa.

Natawa ako habang umiiyak. How funny that I fell in love with the man whom I hated the most on our first met?

He's a walking red flag, but I am more than willing to hold that flag proudly, and scream that I love him.

Gusto kong hayaan 'tong nararamdaman ko para sa kaniya, pero nasagad ko na yata ang limitasyon ko. Nakakapagod nang umasa sa kaniya. Ako lagi ang dehado sa huli, dahil wala lang namang ibig sabihin sa kaniya ang lahat ng ginagawa niya sa 'kin.

Huminga akong malalim nang mag-ring ang cell phone ko. Stan's name was displayed on the caller's ID.

"Stan?" bungad ko at pinipigilan ang mga hikbi ko.

"A-Ate... si Tatay ooperahan na. Inatake siya ulit k-kanina. Kailangan na raw niyang operahan agad..."



DESIREDINK

Team Xavier muna ako HAHAHA charr

Continue Reading

You'll Also Like

955 63 5
[REINCARNATED TRILOGY 2] An not so ordinary girl who accidentally reincarnated at her favorite fantasy novel as a villainess is nowhere to be found...
180K 4K 57
[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] π–π€π‘ππˆππ†: π‘πŸπŸ–+ | πŒπ€π“π”π‘π„ This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. Fo...
27.9K 1K 49
Series#2 [BRYCE SHAUN SALDAVIGA] Started date : October 7, 2020 Finished date : March 7, 2021
374K 8.5K 52
MATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Juanito 'Juanczo' Vergara II Stevielyne Alonzo also known as Stevie DorΓ© is a total performer. She can act, sin...