UNRIVALED!

By PeachyyyPie

284K 16.3K 4.3K

So, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then... More

PROLOGUE
* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!
* CHAPTER 2 ~ I am not interested.
* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..
* CHAPTER 4 ~ Will you be our friend?
* CHAPTER 5 ~ Tick tock! Timebomb!
* CHAPTER 6 "War on!"
• CHAPTER 7 "Protect your base."
• CHAPTER 8 "Protect your base"
• CHAPTER 9 "The Giant Bird"
• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"
• CHAPTER 11 "Pendant"
• CHAPTER 12 "Relic"
• CHAPTER 13 "Proxy"
• CHAPTER 14 "Captor"
• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"
• CHAPTER 16 "Contenders Profile"
• CHAPTER 17 "Battle for cause"
• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"
• CHAPTER 19 "Eugi vs Alistair"
• CHAPTER 20 "Serendipity"
SPECIAL CHAPTER
• CHAPTER 21 "Trap"
• CHAPTER 22 "Default"
• CHAPTER 23 "Instinct"
• CHAPTER 24 "Payback!"
• CHAPTER 25 "Visit"
• CHAPTER 26 "Call away"
• CHAPTER 27 "Hierarchy "
• CHAPTER 28 "Barricade"
• CHAPTER 29 "Rogue!"
• CHAPTER 30 "Violators"
• CHAPTER 31 "Monitor"
• CHAPTER 32 "Missing"
• CHAPTER 33 "Justice"
• CHAPTER 34 "Help"
• CHAPTER 35 "Player's ready!"
• CHAPTER 36 "Hide and Seek"
• CHAPTER 37 "The Plan"
• CHAPTER 38 "Abduct"
• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"
• CHAPTER 40 "Stolen"
• CHAPTER 41 "Paintings"
• CHAPTER 42 "Ambush"
• CHAPTER 43 "Operation"
CHAPTER 44 "The Plan"

CHAPTER 45 "The Royale Heir"

4.1K 262 178
By PeachyyyPie


Blue Haven west building attacked by unknown terrorist!

Iyon ang bumungad na headline sa balita nang buksan ni Eugi ang TV para manood. Komportable siyang naka'upo sa sofa habang panaka-nakang dumudukot ng tsitsirya na naka'lagay sa bowl. Hinawakan n'ya ang remote para ilipat ang channel, pero nag-bago ang isip n'ya nang makita ang reporter na nag-interview sa kan'ya kanina.

"-Dahil sa pangyayaring ito, panandalian munang ipinasara ang ilang gusali sa Blue Haven Academy upang imbestigahan ang umanong pag-labag sa.. blah blah blah.."

Dahil sa trahedya, tatlong araw din sinuspende ang kanilang pasok para imbestigahan ang nangyaring pag-atake. Bukod pa 'don, nag recruit rin ang Blue Haven nang mga veteran na wizards at guardians para pag-tibayin ang seguridad ng kanilang eskwelahan.

"Hey," narinig n'yang tawag ni Deven sa kan'yang tabi. "Are you going outside later?"

Hindi n'ya ito pinansin.

"Hey!"

Hindi pa rin n'ya ito pinansin.

"Are you deaf!? Hey—"

Tiningnan n'ya ito gamit ang gilid ng kan'yang mata. Sumasakit ang ulo n'ya sa gan'tong klase ng pag-uugali. Walang peace of mind kapag may kasamang bata sa bahay. Kung hindi lang talaga krimen ang pumatol sa bata. 'H'wag mong hintayin na maging kriminal ako..'

Naramdaman n'ya itong tumahimik sandali. Pero maya-maya rin ay—

"Waaaaaaaaah!" malakas itong umiyak. Tiningnan n'ya lamang ito.

'Umiyak ka lang.. Wala 'kong pake sa 'yo..'

"Oi, ano na naman ba 'yan??" sumilip ang kapatid n'ya mula sa kusina. May hawak pa itong plato at sponge. Sinamaan s'ya nito ng tingin. "Hindi mo talaga papa'tapusin 'yung araw ng 'di mo napapa-iyak 'yang bata, no?"

"S'ya 'tong 'di pinapa'tapos ang araw ng hindi umiiyak.."

"Eh bata 'yan malamang iyakin! Ikaw ang mas matanda, ikaw dapat umintindi di'ba??"

"Hindi ko naman pina-iyak 'yan.. Abno lang talaga bigla-biglang umiiyak.."

"Kung anu-ano pa sinasabi mo.. Tumulong ka nalang mag-linis d'yan nang may silbi naman 'yang araw mo.."

"Mas walang silbi ang araw ko pag nag-linis ako.."

"Ah ga'non.. Okay.. Hindi nalang kaya kita bigyan ng extra allowance para—"

"Mag-li'linis ako dito sa sala.."

"Very good.."

'Strawberry Milk is lyf'

*Bonk* Napa-lingon s'ya sa kanan nang tumama sa ulo n'ya ang pillow na ini'hagis ni Deven! Tumakbo ang bata pa'puntang kusina para lumayo sa kaniya. Napa'kunot ang noo ni Eugi pero hindi nalang binigyan ng pansin. Abno talaga..

Tumayo s'ya para simulang mag-linis. Una s'yang nag-walis sa ilalim ng sofa. Gamit ang kaliwa n'yang kamay, inangat ni Eugi ang buong sofa para linisin ang dumi sa ilalim. Habang winawalisan ang sahig, napansin n'ya ang naka-kalat na piraso ng papel. May magandang lettering ito sa unahan. Yumuko s'ya sandali para damputin 'yon at tingnan ang naka-sulat.

Hello Altex,

Meet me at June 17. Central Park tayo mag-kita ng 3 PM. I'll give you something special..

—Zafrina :)

Zafrina? That name rings a bell. Tiningnan n'ya ang likod ng papel. Wala nang naka-sulat 'don. Sandali s'yang lumingon sa gawing kusina bago binulsa ang papel. Dahan-dahan n'yang inilapag ang sofa at nag-pa'tuloy sa pagwa'walis. June 17? Kung 'di siya nagkaka'mali, dalawang araw 'yon mula ngayon. At ano naman ang 'something special' na ibibigay ni Zafrina sa kuya niya.

Pamilyar sa kan'ya ang pangalan na 'yon pero hindi na n'ya ma'alala kung 'san n'ya ito narinig.

'Hindi kaya Girlfriend—Hmm.. si kuya?? Masyadong imposible..'

"Tulungan mo 'ko dito.." napa-lingon s'ya kay Altex nang lumabas ito mula sa kusina. Dala-dala nito ang malaking kaldero, 'saka 'yon nilapag sa lamesa. Sandali n'ya itong pinag-masdan habang nagda-dalawang isip kung sa'sabihin 'yung tungkol sa letter na nakita n'ya.

"Kuya.."

"Oh?"

"Anong meron sa June 17?"

"Ha? Bakit, ano ba meron??"

"Ikaw nga tinatanong ko ee.."

"Bakit, holiday ba?"

"Wala.. Nevermind.."

"Okay.. tulungan mo nalang ako dito.." Hinanda ni Altex ang mga plato sa lamesa at nilabas sa ref ang isang pitsel ng tubig. Tumulong rin si Eugi mag-lagay ng kubyertos at lagyan ng laman ang bawat baso. 'Saka sila umupo para kumain. Nauna na s'yang mag-sandok ng kanin. Naramdaman n'ya ang masamang titig ni Deven pero 'di n'ya 'yon pinansin.

Ang lola naman nila ay nasa itaas ng kwarto kumakain.

"Kuya.."

"Ano?"

"Ano 'yang sugat sa pisngi mo?"

Napa-tingin si Altex sa kan'ya at tumigil sa pag-sandok ng ulam. "Ahh.. Wala 'to.. Nakagat lang ako ng pusa.."

"Kuya.." nag'ta-takang s'yang tumingin sa kaniya.. "Wala tayong pusa.."

"Bakit, sinabi ko bang pusa natin??"

"Ano naman 'yang black eye sa mukha mo? Suntok din ng pusa?" sarkastikong tugon n'ya.

"Black eye?"

"Mm.."

"..."

"May naka-away ka ba?"

Kunot-noo s'yang tumingin kay Eugi. "Pinagsasabi mo?"

"Oo o Hindi?"

"Hindi! Bat naman ako makikipag away??"

"Malay ko sa 'yo.. 'San galing 'yang black eye mo?"

"Ang daldal mo ngayon ahh.. Kumain ka nalang d'yan.."

Hindi na lamang nag-salita si Eugi pero hindi mapalagay ang loob n'ya. Napansin n'yang kakaiba ang kinikilos ng kaniyang kapatid. Halos araw-araw n'ya itong madatnang umuwi ng hating-gabi. Pagka'tapos ay mabilis na dumi'deretso sa banyo para maligo. Hindi n'ya 'yon pinansin 'nong una pero habang tumatagal, napapansin nya ang ilang mga sugat nito sa katawan.

"Paabot nga.." tinuro n'ya yung baso.

"Mag le-leave pala ko next month.. Mga isang linggo.."

"Haba naman ng isang linggo.."

"U'uwi si mama next month ee.."

Biglang napa'tingin si Eugi sa kaniya. Tumigil ito sa pag subo dahil sa narinig. Seryoso ba ang kuya n'ya??

"Si.. Mama?"

"Ayy! Oo nga pala 'di ko nasabi sa'yo, uuwi muna siya this month.."

Bigla s'yang nakaramdam ng excitement. Hindi 'yon makikita sa kaniyang mukha, pero natutuwa s'ya na makita uli ang mama n'ya.

"Hey," singit ni Deven. "Your mama is what?"

"She's coming home next month.." tugon ni Altex.

"I see.."

"Kelan pala 'yon?" Tanong ni Eugi.

"Sa July 3 pa naman.."

"A-absent ako kung ga'non.."

~•~•*•~•~

"Do you think the rumor is true?" tanong ni Siasca sa kaniyang mga kaibigan. Nakuha n'ya ang atensyon ng mga kaklaseng busy sa kani-kanilang cellphones. "Do you think the royal princess is here?"

"There's a high chance na totoo ang mga posted pictures.. But it can also be fake.."

"Naniniwala ka ba sa post 'dun sa forum?"

"Well, I have my doubts.. But if its true, then I want to meet her.." sagot ng kaklase niya.

"Me too.. Matagal na 'kong interesado sa mga Royal bloods.. Curious ako.. Why do they hide so much?"

"Security purposes? I dunno.. Probably Royal rules?"

"Royal families are known for being hella strong, why would they need to hide for security purposes?" sabi ni Siasca. "Aside from that, they are classified to be the cream of the crop, and no one would even dare to speak against them.. Kahit ang Blue Haven ay hawak nila.."

"Agree ako d'yan" tugon ng babae n'yang kaklase. "But why are they here?? Why would they suddenly want to make an appearance?"

"How would I know, mukha ba kong member ng Royal family?"

"Baka lang may ideya ka.."

"Wala.. At isa pa, hindi rin sila uma-attend ng mga special gatherings.. Every time na may gathering ang mga world leaders, si President Azure lang ang may'rong presensya sa media.. His whole family are always incognito.."

"Come to think of it, we don't even know if the heir is a prince or a princess? At kung ilan ang mga anak niya.. Kahit si Queen Celestine ay hindi pa rin natin naki'kita.. They are definitely hiding something.."

"Sila na nga mismo nagtatago ee, hiding something pa kaya?"

"If i'm not mistaken, the royal heir is a girl.."

"'Yun din ang pagkaka'alam ko ee.."

"Dahil ba 'dun sa mga pictures na naka-post sa forum?"

"Yup.. Mahaba buhok ee.."

"Anong pinag-uusapan n'yo?" tanong ng lalaki nilang kaklase. Hinila nito ang upuan sa katabing lamesa at umupo malapit sa kanila. "Tungkol ba 'dun sa bombing attack 'nong nakaraan?"

"Tungkol sa Royal family.. Nandito na daw ang Royal princess.."

"Really? Wala naman akong nakita kanina ahh.. At kung nan'dito man s'ya dapat ay alam na ng buong school.. Pero wala naman ako naririnig tungkol sa kaniya.."

"Kaka'labas pa lang kasi ng balita.. Bruh.."

"E'di sorry! Kung nan'dito man s'ya for sure maraming sa'salubong sa kaniya, at marami rin ang curious kung ano ang itsura n'ya.. Siguro mala-diyosa no??"

"For sure 'yan.. President Azure is a good looking man.. He looks very young despite his age.. Matik na maganda lahi nila.. At maganda ang prinsesa.."

"Ohh.. So our next ruler will be a woman??"

"Yeah, may problema ba 'dun?"

"Wala naman.. Nag-tanong lang.."

"Hehe alam n'yo guys may nai-isip ako.." sabi ng kaklase nilang lalaki, may malawak itong ngiti habang naka-tingin sa kanila.

"Ano 'yun?"

"Why don't we make a bet? Sa'tin-sa'tin lang.. Nan'dito s'ya o wala??"

"Ayan ka na naman sa pustahan ee!"

"Pass ako d'yan.."

"Ba't naman napunta sa pustahan? Nag k'we-k'wentuhan lang tayo ahh.."

"Ewan ko dito kay Jorvin.. Humahanap lang 'yan ng t'yempo makapag-pusta.."

"C'mon minsan lang naman ee, saka isa pa 'di mo rin sure kung legit 'yang mga posts sa forum.."

"Sige na nga.. Magkano ba??"

"Maliit lang muna.. O'sige mag-la'lapag na ko, 100k!"

"Maliit yon!? 50k lang sa'kin!"

"150k!"

"Nice nice! Oi! Kayo d'yan, ano pusta n'yo? Nandito ba ang prinsesa o wala??"

Naging abala ang mga estudyante sa pag-pusta. Hanggang sa dumating ang guro, doon lamang sila na'tahimik.

~•~•*•~•~

Dumaan ang ilang oras at mas lalong kumalat usap-usapan na balita sa forum. Binabasa ni Ceref ang mga comments at discussion ng mga students habang naka'sandal sa pader at naka'sapak ang dalawang earphones sa kan'yang tainga. Mula kaninang umaga hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang usapan tungkol sa pag-pasok ng royal member sa kanilang academy.

Sa totoo lang, hindi ga'non na pumukaw ng atensyon n'ya ang balitang ito. Mas interesado s'yang malaman kung bakit hindi nag-papa'kita ang kahit na sinong Royal members maliban sa kanilang presidente. Alam n'yang si Azure ang pinaka-nire'respetong pinuno kahit sa iba mang kaharian dahil sa galing nito na mamahala. Pero ga'non pa man ay napaka-private ng buhay nito.

"Hey," may kumalabit sa kaniya. Na'alis ang tingin niya sa hawak na cellphone at nalipat sa babaeng kaharap niya. Si Visla. Halata na hindi ito masaya na makita s'yang abala sa pag ce-cellphone..

"Why are you here? Tapos na ba ang klase mo?" tanong ni Visla.

Tinanggal niya ang earphones sa tainga at ibinulsa ang hawak na cellphone. "I'm waiting for you, and yes kata'tapos lang ng second subject ko.." nakangiting sagot ni Ceref. Lumapit pa siya kay Visla at hinawakan ito sa baywang pa'palapit sa kaniya. "I miss you already.." aniya saka mabilis na siniil ng malalim na halik ang kaniyang fiance.

"Ceref!" tulak nito sa kaniya, namumula ang mukha. Mabilis itong tumingin sa paligid, sini'sigurado kung may ibang naka'kita sa kanila.. Mabuti na lamang ay walang mga estudyanteng duma'daan dahil lahat ay nasa-klase. "May susunod pa 'kong klase.."

"Tss.. Can you ditch your next class just for once?"

"Stupid.."

"Just kidding.." Tumawa si Ceref. "Okay, i'll come back later.."

"Meet me at the main cafeteria after nitong class ko.."

"I will.. See you there," pina'nood niyang mag-lakad si Visla palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

"I saw that.."

Nagulat si Ceref nang makita si Vix sa kaniyang tabi.

"Kanina ka pa ba dito??"

"Yeah.."

"Tss.. Do you have nothing better to do other than stalking!?"

"I'm not stalking you.. Kanina pa nga kita hina'hanap ee.. Sadya'ng nakita ko lang 'yung sweet moments n'yo hahaha.."

Umi'iling na umirap si Ceref sa kaniya. "Ano bang kailangan mo?"

"Invite sana kitang mag-hunt ng blood supplier ee.. Kanina pa 'ko nag-ce'crave sa dugo.."

"I'm not in a mood for that.. Artificial blood lang ang ini'inom ko sa ngayon.. Some mortals left a bitter taste of blood in my mouth.."

"Speaking of, nakita ko 'yung ano.. Si ano.. Ano nga uli name 'nun?"

"Sino??"

"'Yung mortal na nagpa'pakulo ng dugo mo??"

"Si Uji!?"

"Oo 'yun! Hahaha!"

"Oh ano meron??"

"Wala.. Nakita ko lang.. Natu'tulog sa library.."

"Tss, paki-alam ko sa kaniya!"

"Ahh so wala ka na pake sa kan'ya??" tanong ni Vix. "You're finally giving up?"

"Anong giving up?? Mukha n'ya! Hinding-hindi s'ya makaka'takas sa karma n'ya!"

Naramdaman ni Ceref ang init ng kaniyang ulo nang banggitin ang tungkol kay Eugi. Dumaan ang ilang araw na naging busy s'ya at ma'limit nalang mag-krus ang landas nila kaya natigil rin ang pang-ti'trip n'ya dito. Pero kahit kailan ay hindi nawala sa isip n'ya na pa'tahimikin ang buhay ni Eugi. Hindi yun mangyayari. Ang sinimulan n'ya ay dapat n'ya ring tapusin.

"Then what are your next moves?" tanong ni Vix.

Sandali s'yang tiningnan ni Ceref bago ngumisi at tumingin sa malayo. "May nai'isip ako na mas magandang comeback trap sa kaniya.. And this time, she won't suspect a thing.."

Napa'kamot ng ulo si Vix. "Parang naka-ilang comeback kana ahh.. Wala pa rin nangyayari.. Immortal yata 'yang kalaban mo.."

Masama s'yang tiningnan ni Ceref. "She just got lucky.. But today is the day she will run out of luck.. You'll see.." saka s'ya nag-lakad palayo. Sinundan naman siya ni Vix.

~•~•*•~•~

Lunch break. Napuno ang mga seats sa canteen dahil sa mga estudyanteng kumakain. Isang malakas na tugtog ang nangga'galing sa mega speaker, pero hindi 'non nasa'sapawan ang ingay ng mga estudyante sa paligid. Dala-dala ni Sheiko ang tray ng kaniyang in-order na italian spaghetti, veggie side dish at lemon juice. Nag-lakad s'ya sa pinaka-dulong lamesa at 'don nilapag ang hawak na tray.

"Anong binili mo?" tanong ni Neo.

"E'di 'yung usual meal ko.."

"Hindi ka ba nagsa'sawa d'yan?"

"Hindi.. Hehe.." ipinulupot n'ya sa hawak na tinidor ang spaghetti at sinubo. "Kumusta pala 'yung training mo?"

"Gusto ko nalang umiyak t'wing naa'alala 'yun.." sagot ni Neo. Nilaro-laro n'ya ng kutsara ang pagkain sa pinggan. "Ang taas masyado ng expectation nila sa'kin.. Dahil 'to kay Eugi.."

Napatingin si Eugi sa kaniya nang may pag tataka. Wala itong naintidihan sa pinag-uusapan nila. Nasa iba kasi ang isip n'ya. "Eh?"

"Ikaw kasi.. Masyado mong tinaas ang standard, hindi tuloy ma-reach ni Neo.."

"Hindi ba pwedeng mag-resign?" Tanong ni Eugi.

Umiling si Neo. Tulala itong naka-tingin sa kaniyang pagkain. "Naiiyak talaga ko.. Nakikita ko nang mata'talo 'yung team natin sa tournament dahil sa'kin.." halata sa ekspresyon nito ang pagka'balisa. Sa tuwing mag te-train sila, siya ang nahu'huli. Palagi s'yang napapa'galitan ng coach at napapa'hiya sa harap ng ka-team mates n'ya. "Ilang weeks nalang bago 'yung regional battle.."

Lumingon si Sheiko kay Eugi na kaswal lang na sumusubo ng tinapay. Bumalik ang tingin niya kay Neo na tulala pa rin. Hindi n'ya alam ang sasabihin.

"So ano nang balak mo? Mag back out?"

"Hindi ko alam," tumingin siya sa mga estudyanteng naglalakad-lakad. "What if baliin ko uli yung binti ko para si Eugi uli ang maging proxy ko?"

"Subukan mo lang, ako mismo ba'bali sa binti mo.." monotonong sagot ni Eugi.

"Hala joke lang ee!"

"Ayaw mo ba talaga lumaban ulit sa regional?"

Umiling si Eugi. "Muntikan na nga 'kong mahuli last time.."

"Hindi nga pala pwede!" sagot ni Sheiko. "Pag si Eugi uli ang lumaban sa regional battle, mas lalong ta'taas ang expectation nila sa'yo.. At hindi pa 'yon, baka isalang ka pa nila sa mas ma'taas na competition.. And worse, gawin kang pillar!"

"Alam ko.. talagang lagot ako nito.."

"Kelan alis n'yo pa'punta dun?"

"Next week.. Kailangan daw nan'dun kami one week before ng battle.. And since cancelled na rin ng one week ang buong class sa Academy, sumama na kaya kayo sa'kin next tuesday.."

"Okay.. Pero hindi ako available this wednesday.."

"Anong araw yun?"

"June 17.."

"Hm, bakit?"

"Basta.."

"Okay.. but make sure maka'punta kayo next friday.. Sunday ang mismong event—"

"MAY BAGONG POSTED PICTURES!"

Natigilan mag-salita si Neo. Mabilis silang napa'tingin sa mga estudyanteng nag-uusap sa kabilang lamesa. Si Eugi ay patuloy na kuma'kain at hindi man lang nag-abalang lumingon.

"Legit!? Patingin nga!"

"Ano to? Ba't buhok lang?? We want to see the whole face!"

"Sis look.. Buhok pa lang mukha nang high maintenance.."

"Anong meron sa forum?" bulong ni Neo. Tumingin s'ya kay Sheiko na nagkibit-balikat lang. Na-curious s'ya sa pinag-uusapan ng mga estudyante kaya dinukot n'ya ang cellphone sa bulsa. Hindi siya updated sa mga bagong balita sa forum dahil na-busy sa pag-o'overthink ang utak n'ya sa darating na laban. Nang maka-pasok siya sa website, ni-click n'ya ang trending news. Isang pinned post ang bumungad sa kaniya.

Binuksan n'ya ang thread at nakita ang mga litrato na-post mula sa isang anynomous student. Ilan sa mga pictures ay blurred pa ang kuha, senyales na patago itong kinuhanan ng nag-post. Ini'scroll n'ya pababa sa maraming comments pero dahil sa dami nito, timamad siyang basahin lahat. Ang mga top comments lang ang kaniyang nabasa.

"Anong balita?" tanong ni Sheiko bago sumubo ng spaghetti.

"Nan'dito daw ang royal heiress.."

Napa-lunok si Sheiko bago mag-salita. "Yung anak ng President?"

Tumango si Neo. In'urong niya ang kinau'upuan para lumapit kina Sheiko. Pina'kita niya ang screen ng cellphone sa kanila. "Look.. Na-spott-an daw kanina sa white hall garden.. Eto pa 'yung mga pics.." ini'scroll niya lahat ng mga posted pictures. Si Eugi ay halatang hindi interesado sa mga pictures na pina'pakita ni Neo. Gusto na n'yang umuwi.

"Sure ba sila na s'ya 'yon?"

"I dun'no.. Sabi nila ee.."

Tini'tigan ni Neo ang mga litrato. Isang tao na naka'talikod mula sa camera. May'ron itong mahaba at napaka-gandang silver hair. Halatang matangkad na tao. Mahaba ang buhok nito na tuma'takip hanggang ba'wang. Likod pa lang ay halatang hindi ka bi'biguin kapag humarap.

Mula sa kaniyang cellphone, ramdam ni Neo ang intimidating aura ng taong ito. Pero, bakit nga ba ito nan'dito? Kaunti lamang ang alam n'ya tungkol sa mga Royal bloods. Kilala sila sa kanilang signature trait; silver hair and deep red eyes.

~•~•*•~•~

*Click*

*Click*

*Click*

Sunod-sunod na ni-click ng babaeng estudyante ang capture button sa kaniyang cellphone, patagong kinu'kuhaan ng litrato ang isang tao sa di-kalayuan. Naka-tago s'ya ngayon sa isang haligi na pader, nanginginig na hawak ang cellphone at panaka-nakang sini'silip ang taong 'yon, ini-ingatan na huwag siyang mahuli.—Siya ang anonymous student na nag-po'post sa forum.

Bawat post n'ya ay uma'ani nang maraming likes at comments sa loob lamang ng ilang segundo. Dahil 'don, patuloy siyang kinu'kulit ng mga estudyante sa forum na mag-update.

Kanina pa siya dito. Hini'hintay na makuhanan ang mukha nito. At sa hindi ina'asahang pagkaka'taon ay lumingon nga ang taong ito, isang magandang pagkaka'taon para kuhanan ng litrato.

*Click*

Tiningnan n'ya ang kuha na litrato. Na-blangko ang isip ng babae nang masilayan ang buong mukha nito, May'ron itong napaka-gandang mukha. Maputi na balat, mapulang labi, matangos na ilong at ang ang mata nito na matalim kung tumingin. Isang salita lang ang pumasok sa isipan niya. Isang perfect definition ng 'Ethereal Beauty'

Bukod pa sa itsura nito, isang bagay lang ang ikina'gulat niya.

Ito ay isang.. Lalaki!!

Mabilis n'yang in-upload lahat ang mga bagong kuha na litrato. Sa pagmamadali n'ya, hindi na niya ito nilagyan ng caption.

"This is a very bad spot for stalking.." Sa hindi mai'paliwanag na dahilan, tumaas ang balahibo ng babae dahil sa isang boses sa kan'yang likuran. Nang maka'lingon siya nang tuluyan ay 'saka siya napa-tigil. Hindi s'ya naka-pagsalita.

Ang lalaking kinu'kuhanan n'ya lamang sa malayo ay ka'harap na niya ngayon. Marami na siyang naki'kitang gwapong lalaki sa buhay niya. Pero hindi katulad ng lalaki sa harapan niya. May presensya itong tuma'tagos sa kaniyang pag-ka'tao. Wala siyang magawa kun'di ang pagmasdan ito. Ni-isang salita ay walang lumabas sa bibig niya dahil sa gulat.

Isang royal prince lang naman ang nasa-harapan n'ya. At nahuli pa nito ang pang i-i'stalk niya!

Hindi pa rin s'ya maka-paniwala.

Isa ba 'tong dating game at ito ang main character!?

~•~•*•~•~

"Lalaki siya!?" sabay-sabay na bulalas ng mga estudyante nang makita ang latest posts sa forum.

"Ehhh???"

"Halaa sheeet! Long haired guy!? Step on me please!!"

"Oh my.." bulong ni Siasca habang tiniti'tigan ang mga pictures. "He looks like a real shoujo character.. What the freaking eff—"

"What a twist.. I was expecting a princess.. That long hair got us fooled.."

"Mukha siya'ng lumabas sa libro.. 'Yung mga main character sa historical romance novel.. diba??"

"For real! He looks very intimidating and unpredictable at the same time.. Superr gwapoo.."

"E'di may inspirasyon na 'ko pumasok araw-araw.."

"Hindi naman s'ya dito nag-aaral ee! Bumisita lang s'ya.. And I agree, he did not disappoint! He looks very ethereal.. He does not resemble our president, maybe he got his looks from Queen Celestine??"

"De'bale na kung kanino s'ya nag-mana.. Ang mahalaga ma'pansin n'ya ako.."

"Pumila kayo girls, marami tayo hahahaha!""

"As if naman mapansin niya kayo.. Itsura palang mukha nang suplado ee.." singit ng lalaki nilang kaklase. Hindi man n'ya aminin pero mas lalong tumaas ang insecurity n'ya matapos makita ang mga pictures nito. Siguro nga unfair talaga ang mundo.

"Inggit ka lang ee.."

"Hah.." sagot ng lalaki. "'Tamo hindi kayo pa'pansinin n'yan.. Lalo na wala kayo sa standards nyan.."

"So what? Hindi naman masama mana'ginip ng gising diba??"

Ilang metro lang ang distansya ni Eugi sa mga nag-u'usap niyang kaklase. Malakas ang boses ng mga ito. Kulang nalang ay abutan n'ya ito ng megaphone para doon sila mag-salita. Tapos na ang kanilang klase kaya inili-ligpit na n'ya ang mga gamit sa loob ng kaniyang bag. Si Neo ay maagang na-dismiss dahil sa training at si Sheiko naman ay nauna nag'paalam ng umuwi.

Tumayo siya at sinabit sa kanang balikat ang kaniyang backpack. Lumabas siya ng classroom, pero imbis na dumiretso sa pababa ng hagdan naisipan n'yang lumiko ng daan sa hallway para bumili ng strawberry milk.

Sa dulo ng hallway, naka'tayo ang malaking vending machine para sa mga drinks.

Natigilan s'ya sa pagla-lakad nang makita si Ceref na lumapit sa vending machine. May pinindot ito at may kinuha sa ilalim ng machine. Magla'lakad na sana si Ceref pa'alis nang ma'pansin ang presensya ni Eugi. Nag-tama saglit ang tingin nila.

Hindi nalang 'yon pinansin ni Eugi at nag-patuloy lumakad palapit sa vending machine.

Coke. Juice. Melon. At iba pang mga drinks. Nilibot n'ya ang mata sa mga drinks pero wala ang hina'hanap n'ya.

"Ah, my bad.. I got the last strawberry milk.." lumingon s'ya nang marinig si Ceref.

Hindi niya inasahan ang sunod nitong ginawa. Inilahad nito ang hawak na bote sa kaniya. "Here.. Have it.." Sa pagta'taka ay sandaling tiningnan ni Eugi ang kamay ni Ceref bago bumaling sa mukha nito.

"What? You don't want—"

"Gusto ko.." kinuha 'yon ni Eugi. Inosente itong tumingin sa kaniya. "Are you sure?"

"Yeah.. You can have it.." muling sabi nito bago siya talikuran. Tiningnan ni Eugi ang papalayong pigura ni Ceref at napa-isip..

Sinong sumapi don??

****
Somehow I forgot how to write that's why I needed to take my time writing this chapter.

Comments. Follow. Share.

Continue Reading

You'll Also Like

80.6K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.
34.1K 563 25
WIFE SERIES UNDER PAPERINK IMPRINTS Rainnance Verdadero & Ghon Angeles
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
240K 4.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...