STASG (Rewritten)

بواسطة faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... المزيد

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXVII

7.2K 268 63
بواسطة faithrufo

"...and even if all we'll ever be is just friends. I'll still take that."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Walang tumitigil na pula dito e, dun pa tayo sa may Wesley." sabi ko kay Jared na agad namang tumango sa sinabi ko. Nilingon ko ang ibang kaibigan ko, "Dito na kayo sasakay diba? Sa wesley pa kami e."

"Sabay na ako sainyo, 9th street lang ako e" ani Henry bago humikab.

"Kayo 'Thel?" tanong ko.

Hindi inalis ni Ethel 'yung ulo niya sa braso ni Angelo at nanatiling nakakapit lang dito. Inaantok niya akong tinignan, "Hahatid daw kami ng Daddy ni Angelo e."

"Ikaw din Kei?"

"Oo," sagot niya. "sasabay na din ako kesa naman mag isa lang ako mag jeep."

"Okay," tumango tango ako. "mag-ingat kayo ha? Happy Birthday ulit bes." Nilapitan ko si Ethel at niyakap siya. Tinapik ko sa balikat si Angelo, "Mag ingat kayo."

Ngumiti si Angelo at ipinatong ulit 'yung ulo ni Ethel sa braso niya, "Don't worry, I'll take care of her."

"Okay sige," hinawakan ko braso ni Jared. "una na kami. Henry, tara na."

"Bye bes," bineso ako ni Beatrice. Parehas kasi sila ni Kris na dilaw na jeep ang sasakyan kaya naman sila ang sabay. "Jared ingatan mo 'yan ha. Tatadyakan kita."

Nang sumulyap ako kay Jared, nakita kong namilog ang kantang mata dahil sa sinabi ni Tris. Mahinang siniko ko 'yung tyan niya, "Joke lang 'yun."

Lumipat ang tingin niya sakin at kahit hindi ko nakikita ang pisngi niya, alam kong namumula nanaman siya. "I knew that," aniya bago lumunok.

Napangisi ako, "Sure."

Nagpaalamanan na ulit kami ng mga kaibigan ko bago kami maglakad nina Henry at Jared papunta sa kanto ng Wesley kung saan tumitigil 'yung pulang jeep.

Akala ko tahimik ang buong lakad namin papuntang Wesley, ngunit nawala 'yun dahil bigla na lamang nagsalita si Henry.

"Adi, anong gagawin mo kapag 'yung taong gusto mo, inaapi ka?"

Nangunot ang noo ko pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil umandar nanaman ang pagka assuming ko. "Paanong klaseng pang aapi ba 'yan Hens?"

Yumuko si Henry at may sinipang maliit na bato bago siya nagkibit balikat, "Yung ano.. lagi kang nilalait, binubugbog. Ta's kung tratuhin ka parang ano.. hate ka niya ganun."

"Lalaki dapat tinatanong mo dyan e," sagot ko sakanya. "kasi syempre babae ako, kapag lalaki ginanyan ako aba, tadyakan ko siya sa itlog. Walang crush crush."

"Bakit si Asher?"

"Anong bakit si Asher?" tanong ko sakanya. "Iba naman 'yun e. Hindi ako hate ni Asher, tsaka hindi ka din naman siguro hate ni Tris."

"TRIS?! HINDI SI BEATRICE ANG GUSTO KO!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaan niyang pag sigaw, "Uhm.. okay?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jared na naglalakad sa kabilang side ko. "Defensive," rinig ko pang aniya kaya naman napakagat ako sa loob ng pisngi ko para mapigilan ang ngising nagbabantang lumitaw.

"Ibang babae," pagpapatuloy ni Henry. "maganda. Tangina kahit bagong gising 'yun pucha, para siyang anghel sa paningin ko. Kahit parang lalaki 'yun kumilos ta's hindi marunong manahimik kingina sobrang pagpipigil ko palagi. Alam mo 'yung gusto mo siyang halikan pero at the same time para ano.."

"Ang sarap iumpog sa pader?"

"Oo, ayun." Natawa kami ni Jared. "Nakakagigil siya tangina mahal ko na nga yata."

"Mahal mo kahit sadista?" natatawang tanong ko.

"Ewan ko ba," umiling iling siya. "nababaliw na ata ako."

"That's just how love works," sabi bigla ni Jared kaya naman parehas kaming napatingin sakanya ni Henry. "you fall inlove with the person you never thought you could ever love. It's seems so wrong but it feels so right."

"Okay kunwari nalang naintindihan ko lahat 'yun," ani Henry na nakapagpatawa nanaman sakin. "dapat 'tol mag writer ka nalang e."

"Bakit naman?"

"Andami mong alam," tumawa nanaman ako at ganun na din 'yung dalawa. Tinapik ako ni Henry sa balikat, "Sige na, dito na ako. Babye."

"Bye Hens, ingat ka."

"Bye Henry," paalam naman ni Jared.

Kinawayan kami ni Henry at naglakad na papuntang 9th street. Inilabas ko 'yung cellphone ko at nakitang malapit nang mag 11pm. Napahikab ako at hinawakan na ulit 'yung braso ni Jared para mahila siya papunta sa tapat ng mini stop.

"Inaantok na ako," sabi ko sakanya para lang mabasag ang katahimikan.

Humikab si Jared at napakamot sa batok niya, 'yung damit niya medyo tumaas pa. "Yeah, me too. It's really late na."

"Anong oras ka ba natutulog?"

Pumamulsa niya at nagkibit balikat, "I'm already asleep at this time. But since I'm a light sleeper, palagi din akong nagigising."

"Talaga? Ako naman heavy sleeper, as in kailangan mo pa akong yugyugin para magising."

Natawa siya sa sinabi ko lalo na't inakto ko pa talaga 'yung pagyugyog. Napahawak siya sa batok niya, "So pano ko pala every morning?"

"Yung ate ko hinahampas ako ng walis," biro ko. "De joke, may alarm 'yung cp ko."

"For a second there, I actually thought you were serious."

Ngumisi ako, 'yung tipong ngiti na naging singkit na 'yung mata ko. Hinawakan ko 'yung pisngi ni Jared at pinisil ito, "Napaka uto uto mo, kyot." Tinapik ko muna pisngi niya bago ko ibinaba 'yung kamay ko. "English pa ng english, 'di naman barok magtagalog. Bulol lang."

"I feel like pa-simple mo akong nilalait."

Natawa ako, "Hindi naman masyado."

Inilipat ni Jared 'yung bigat niya sa kanang paa niya sabay itinaas 'yung noo niya bago ako tignang mabuti. Napaka angas ng postura niya, iisipin mo sa lalaking naka suot napaka pormal na damit; pulang button down shirt na naka tupi ang sleeves sa may siko at bukas ang dalawang itaas na butones tapos itim na pantalon at chucks, hindi niya kakayanin ang magmukhang maangas. Pero nagawa niya.

Binigyan niya ako ng isang pilyong ngiti, "Ayos ah."

Humalukipkip ako at itinaas din ang noo ko, "Ah, asan na 'yung mahiyaing Jared? Bigla atang naglaho?"

Ngumisi siya at in-extend 'yung kamay niya saakin, "Hi, I'm Lionel."

"Pfft," bigla na lamang akong napatawa ng malakas. Itinulak ko pa si Jared palayo sakin habang tumatawa.

"What's so funny?"

"Ulitin mo ngaー" ginaya ko 'yung postura niya kanina at in-extend din ang kamay ko sakanya tapos nilaliman ko boses ko. "Hi, I'm LionelーHAHAHA kingina ang korni." Agad na napatakip si Jared sa mukha niya at mas lalo lamang akong napatawa. "Awww nahihiya na siya!"

"Stop it, Adi." Aniya habang nakatakip parin sa mukha niya.

"Ano? Angas pa bilis!" Hinila ko 'yung braso niya para maalis niya 'yung pagkakatakip niya sa mukha niya pero dahil mas malakas siya, wala 'tong masyadong nagawa. "Tanggalin moーayan na 'yung jeep!" Mabilis kong kinurot 'yung tyan ni Jared, "Tara na!" sabay tumakbo na ako papunta sa gilid ng kalsada.

"H-Hey wait!"

Naputol ang pag sigaw ko nang para nung hilain bigla ni Jared 'yung likod ng blouse ko. Sakto naman ay tumigil 'yung jeep sa harap namin. 'Yung gulong dumaan malapit sa tinatayuan ko kanina.

Nilingon ko si Jared, "Hehe, thank you."

Buntong hininga lamang ang isinagot niya.

Sumakay na kaming dalawa sa loob ng jeep at agad na nagbayad. Pauwi na din ang driver kaya naman kami na ang huli niyang pasahero, ibig sabihin tuloy tuloy na ang byahe namin hanggang Block 1 kung saan kami bababa para makasakay pa ng tricycle.

Tahimik lamang kami sa jeep, pinapakinggan 'yung pinapatugtog ng driver. Naalala ko tuloy kaagad 'yung kanina dahil Ngiti din ang pinapatugtog ni Manong Driver.

Sumulyap ako kay Jared para matignan kung naka ngisi ba siya o ano pero nagtaka ako nang makita kong nakasimangot siya sa phone niya.

"Anyare?" tanong ko.

"Huh?" Kunot noong nilingon niya ako bago niya na-realize 'yung itinanong ko. "Oh, uh may nagtext kasi sakin na unknown number."

Ay baka si Asher

"Anong two last number?" tanong ko.

"Uh.. wait.. uhm.. 84"

"Ah," tumango tango ako. "Si Asher nga, anong sabe?"

"Oh uh.. mag-ingat kayo kundiーwho's Whitey.."

"Bakit?" natatawang tanong ko. "Patingin ako."

Iniabot ni Jared saakin 'yung iphone niya kaya naman madali ko nalang nabasa 'yung text ni Asher kay Jared.

+63915*******: Kasama mo ba si Adrianna? Mag-ingat kayo kundi ipapalapa kita kay Whitey.

'Ku po, Asher.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

649K 4.2K 64
Is there such a thing as second chances? Find out what will happen if your 1st love left you and his bestfriend was there to catch you. READ THE PROL...
4.6K 179 151
[Misa de Gallo #2] An overriding message of faith, hope, trust and love- "We don't just meet people by accident."
3.6K 254 8
"Don't be afraid to love as well as to be hurt." Lucy Madrigal
2.2M 98.5K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...