Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

182K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 13

2.8K 48 3
By zxantlyx


Chapter 13

Friend

"CONGRATULATIONS on your newly opened bar, Hugh."

Hinigpitan niya ang hawak niya sa aking kamay at saka ngumiti. He interwined my fingers with his and nodded.

"Tara na?"

Hinayaan ko na lamang siyang hilahin ako papasok ng kaniyang bar. Ang mga taong kanina'y kasama lamang namin sa labas ay mas nauna nang nakapasok kaysa sa aming dalawa.

Nang makapasok sa loob ay bumungad sa akin ang malamig na paligid. Ang mga tao ay nagsipuntahan sa kani-kanilang mga kaibigan. Binati rin kami ng malakas-lakas na tugtog na matagal ko nang naririnig kahit nasa labas pa lamang.

Nakatayo pa rin sa aking harapan si Hugh habang hinihila ako sa aking kamay. Iginala ko ang aking tingin sa buong paligid at agad iyon dumapo sa unahan, kung saan nakapwesto and tatlo pang kaibigan ni Hugh.

"Where do you want to go?" bulong ni Hugh sa akin tainga. Nakalapit na pala ito sa akin dahil hindi ko siya maririnig nang maayos dahil sa malakas na tugtog.

"Nasa unahan sina Andre at Jaydee! Pwede na naman ako doon," sagot ko.

Tumango ito at agad din naman niya akong iginaya papunta sa unahan. Habang papunta kami roon ay ilang beses pang naharang si Hugh ng iba niyang kakilala.

Maraming iba't-ibang tao ang bumati sa kaniya. May isa pa nga ata akong nakitang pamilyar na mukha. Artista ata o baka model? Grabe, sobrang bibigatin na ba nitong mga kakilala ko? Pati artista ay kaibigan niya na?

Parang nakakahiya tuloy na ako pa ang sinasamahan ni Hugh. Makikita pa ng mga tao na nakahawak pa siya sa aking kamay habang kinakausap sila. 

Kung alam ko lang na makakahadlang pa pala ako sa pakikipag-usap niya sa iba niya pang kaibigan edi sana dinala ko dito sina Nica at Maia. Baka kasi iniisip lang niya na mag-isa ako kapag umalis siya sa tabi ko!

Ilang tao pa ang nadaanan namin na ilang beses din siyang binati. Nang makarating na kami sa harapan ay agad kaming binati ng tatlong lalaking nakasandal sa counter ng bar.

Si Andre ay hawak-hawak pa rin ang basong kanina pa niya hawak. Pero ngayon ay mukhang napa-refill niya na ang kaniyang inumin. May maliit na ngising nakapaskil sa kaniyang labi nang makalapit kami sa kanilang tatlo.

Si Jaydee naman ay may malawak at mapaglarong ngiti habang nakatingin sa amin. Yung ngiti na handang-handa nang asarin ang kaniyang kaibigan. Habang si Kurt ay wala na namang emosyong nakatingin lamang sa kaniyang harapan.

"Here comes, Mr. Popular Guy!" pang-aasar ni Andre.

Narinig ko ang pagtawa ni Hugh at saka umiling. Si Hugh ba ang pinakamaraming kakilala sa kanilang apat? I guess so. He's very friendly and nice to everyone.

Tumayo nang maayos si Jaydee at saka lumapit sa gawi namin. Inangat niya ang kaniyang kanang kamay at saka inakbayan si Hugh. Lumayo ako nang kaunti sa kanilang dalawa at binitiwan na rin ang kamay ni Hugh.

"Kumusta ang pakikipaglandian sa labas, sikat kong kaibigan?" pang-aasar ni Jaydee.

"Kumusta ang pag-iisip kung paano lalapitan ang aking kapatid, torpe kong kaibigan?" hirit pabalik ni Hugh.

Napatigil si Jaydee nang marinig ang sagot ni Hugh. Si Andre at Kurt naman ay natawa na lamang nang malakas. 

"Tangina, foul ka na, ha!" sagot ni Jaydee sabay bitaw mula sa pagkaka-akbay kay Hugh.

Bumalik si Jaydee sa tabi ni Andre at umorder na lamang ng sarili niyang inumin. Muling ibinalik ni Hugh ang kaniyang tingin sa akin.

He placed his hands inside the pockets of his pants and walked towards me. 

"Do you want a drink?" tanong nito sa akin.

Pinaningkitan ko ito ng mata at saka tumingin sa bar. "Sure ka na sa pag-alok sa akin ng alak? Baka hindi ako makauwi nito. Very low ang alcohol tolerance ko, kung hindi mo pa napapansin," sabi ko.

Baka kasi maabala ko na naman siya! Mag-iisang buwan pa lamang kaming magkakilala, pero ilang beses niya na akong nadatnan na lasing. Halos siya pa ang nag-aruga sa akin ng mga oras na 'yon.

Nakakahiya kaya ayaw ko nang maulit pa. Marami pa siyang kailangan asikasuhin, lalo na ngayong marami siyang kaibigan dito. Ayaw ko nang maging pabigat! Magbabagong buhay na ako.

"Don't worry, I can take you home," sagot niya.

Mahina ko siyang hinampas sa kaniyang braso at saka umiling. "Gago, dapat nag-fofocus ka sa mga bisita mo at sa bago mong bar. Hindi sa pag-aalaga ng isang kaibigan dahil lang nalasing siya," natatawa kong sabi.

"I was the one who invited you here, Jade. I should be responsible for you," pagdadahilan pa niya.

"Bakit? Hindi mo ba inimbita yung ibang tao dito? Eh 'di dapat papanagutan mo rin sila kapag nalasing sila?" 

He let out a soft laugh and shook his head to the side. "You're alone here, Jade. Ako lamang ang ka-close mo dito. All of my friends here have other common friends too."

Pabiro ko siyang inirapan at saka nagkibit-balikat. Sumilay naman ang maliit na ngiti sa aking labi. "Bahala ka. Sinabi mo 'yan, ah?" paninigurado ko. Tumango siya at saka ngumiti. "Try ko pa ring hindi malasing nang todo! Promise, hindi ako mag-papass out!" 

Iginaya ako ni Hugh papunta sa unahan at siya na ang umorder ng aking inumin. Inorder niya ang hindi gaanong kataas ang alcohol content para hindi daw ako mabilis malasing. Natawa na lamang ako dahil sa sinabi niya.

Nag-usap pa kaming dalawa ng ilang minuto hangga't sa may lumapit na sa kaniyang isang babae. Kulay blonde ang mahabang buhok na mayroong medyo maputing kutis.

"The others are already looking for you, Hugh. Hindi mo daw ba kami pupuntahan?" nagtataka nitong tanong. 

Napaiwas na lamang ako ng tingin kasabay ng pagsimsim ko sa inumin na nasa aking harapan. 

May sumunod ding lalaki at tumigil sa tabi ng babae. "Grabe, congrats, pare!" bati nito at inapiran pa si Hugh. "Hindi ka ba pupunta sa table namin? Hinahanap ka na rin ng iba nating kaibigan!" 

Kita ko kung paano binigyan ni Hugh ng maliit na ngiti ang dalawa niyang kaibigan bago umiling. "I'm sorry, but I have to entertain someone else tonight," pag-ayaw niya sa offer ng kaniyang mga kaibigan.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Kita ko kung paano lumipat ang tingin ng babae sa likuran ni Hugh at dumapo sa akin. "Bago mo ba?" diretso nitong tanong.

Hindi na ako nakapagpigil pa at tumingin na sa kanilang gawi. Nginitian ko siya nang maliit at saka umiling. Napatingin naman sa akin si Hugh nang maramdaman akong lumapit sa kaniyang tabi.

"Oh no, she's rejecting you already, Hugh," sabi ng babae sa isang nakakaasar na tono.

Tumawa nang mahina si Hugh. "There's nothing really special, Kaylee. She's just a friend," sagot ni Hugh.

Makulit akong tumango sa sinabi nito.

"Well, if you don't want to join us because you want to stay with her, then why don't we let her join us? Maluwag-luwag pa naman ang space sa couch namin!" 

Agad napatingin sa akin si Hugh, ang kaniyang mga mata ay nagtatanong kung ayos lang ba sa akin ang sumama sa iba niyang kaibigan.

I smiled at him and nodded. "Okay lang ba 'yon sa inyo? Hindi niyo nga ako kilala," natatawa kong sagot habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Kaylee.

"What's your name?" tanong niya at pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Jade."

"Great. Now I know you. Can you join us now?" mabilis niyang tanong.

Natawa ako sa kaniyang sinabi. She looks like a fun and out-going person. Wala namang problema sa akin kung makikihalubilo ako sa ibang kaibigan ni Hugh. I can easily socialize with other people.

Nang umoo ako kay Kaylee ay agad niya akong tinabihan at kinuha ang aking braso. She entangled her arm with mine and smiled widely at me. "We're going to be bestfriends," bulong niya.

Mas nauna pa niya ako hinila kaysa kay Hugh na totoo nilang kaibigan. Hindi gaanong kalayo ang kanilang couch kung saan kami nakapwesto ni Hugh kanina. 

Tama nga siya at marami-raming space pa nga sa kanilang upuan. May dalawa lamang na tao ang nakaupo sa couch. The two of them were laughing at each other.

Isang babae at isang lalaki. Halatang mayroong namamagitan sa dalawa dahil sa sobrang touchy ng babae sa lalaki. Ang lalaki naman ay grabe kung makatitig sa babae.

"Guys, welcome Jade! Jade, si Chelsea and Denver. Ang dalawa pa naming kaibigan," pagpapakilala ni Kaylee.

Umupo siya sa tabi ni Chelsea at saka ako hinila paupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng isang bote ng alak at saka uminom mula doon. "Drink if you want to. We have loads of free drinks for tonight," malawak ang ngiti niyang sabi.

Nginitian ko lamang si Chelsea at Denver. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang presensya ng dalawa pang lalaki na naiwan namin ni Kaylee.

Sinundan ko ng tingin si Hugh na nasa likuran ni Kian. Umupo si Kian sa aking tabi dahilan para mas makita ko nang ayos si Hugh. 

Nakatingin lang din ito sa akin at halata sa kaniyang mukha na hindi siya masyadong nasisiyahan sa aming ayos. 

Nagtagpo ang aming mga mata dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso. He looks like he's not in the mood.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at kumuha na lamang ng isang shot ng alak. Inamoy ko iyon at agad nalaman kung ano iyon nang walang maamoy na amoy.

"That's vodka, by the way," paalala ni Kaylee sa akin.

Naramdaman kong gumalaw si Kian sa aking tabi at saka iginaya palapit sa aking harapan ang asin at lemon.

"I know how to drink it. Thanks," sagot ko sa dalawa.

Tingin siguro nila ay hindi ako marunong uminom dahil sa inorder na inumin sa akin kanina ni Hugh. I know how to drink! I just don't know how to not get drunk.

I heard Kian scoffed beside me and stared at me, wanting to watch me drink the shot.

Tumango ako sa kaniya at akmang iinumin na ang shot nang biglaan akong makaramdam ng malaking kamay na pumalibot sa aking palapulsuhan. Agad akong napatigil at napatingin sa gilid.

Nakita ko si Hugh na seryosong-seryoso ang ekspresyon ng mukha. Lumapit siya sa akin at hinila ako sa aking kamay. Nagpatinaod lamang ako sa kaniyang hila patayo mula sa upuan. 

Kunot-noo ko siyang pinanood na bumulong kay Kian. Nang matapos niya itong bulungan ay agad naman natawa si Kian at umusog na sa kanina kong inuupuan.

Umupo si Hugh sa tabi ni Kian at saka ako tinignan pabalik. Pinagtaasan ko ito ng kilay, gulong-gulo sa kaniyang ginagawa.

"Sit here, Jade," he said and pat on the space beside him.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Kaylee habang nakatingin sa aming gawi. "Seriously, Hugh? Just a friend?" pang-aasar niya kay Hugh.

Umiling lamang si Hugh at muling ibinalik ang tingin sa akin. Sumunod na lamang ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.

"Pwede na ba akong uminom?" sarkastiko kong sabi sa kaniya at inangat ang aking kamay na hawak-hawak pa rin ang shot glass.

Tumango siya at saka kinuha ang asin at lemon sa lamesa. "I'm sorry for that. I don't want you to be uncomfortable since you just met him," saad niya. "Here," dagdag niya at hinawakan pa ang asin at lemon.

Kumuha ako ng asin mula doon at dinilaan iyon. Inangat ko ang aking kamay at diretsong ininom ang alak. Napapikit ako nang mariin nang malasahan iyon. Parang apoy na gumuhit sa akin lalamunan yung alak. 

Agad kong kinuha ang lemon mula sa kamay ni Hugh at kumagat mula doon. 

"You good?" he softly asked. 

Nang idilat ko ang aking mga mata ay nadatnan ko itong taimtim na nakatingin sa akin. Tumango ako sa kaniya at saka siya binigyan ng maliit na ngiti.

"You can contact Nica and Maia if you want to. I won't be able to entertain you the whole time," dagdag niya.

Mas lalo lamang lumawak ang aking ngiti nang marinig ang kaniyang sinabi. "Tatawagan ko sila, ha?" paninigurado ko.

"Go ahead. You deserve to have fun too."

Tinawagan ko rin ang dalawa kong kaibigan pagkatapos noon. Nang matawagan sila ay nakisali na rin ako sa pagkukuwentuhan nina Kaylee at iba pang kaibigan ni Hugh. I drank another shot after a few minutes.

Ilang minuto lamang ang lumipas bago ako makatanggap ng text na malapit na daw sina Nica at Maia. Nagpaalam muna ako kay Hugh at sa mga kaibigan nito na susuduin ko sina Maia at Nica.

Nang masundo ang dalawa ay nanatili muna ako sa kanilang tabi. Sabay kaming pumasok na tatlo at tumigil muna sa isang tabi. 

"Wait, I'll just text him that you two already came," paalam ko sa dalawa dahil hinahanap din nila si Hugh.

Mabilisan ko lamang tinext si Hugh at ilang minuto lamang ay nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin. Naglakad kami papunta sa gawi nina Maia at Nica na nag-uusap-usap lamang sa isang tabi. 

"Nica, Maia!" tawag ko sa dalawa dahilan para makuha ang atensyon nila.

"Congrats on your newly opened bar, Hugh!" bati ni Maia kay Hugh nang makalapit kami dito.

"Thanks, Imo."

"Congrats, Hugh!" maliit ang ngiting bati ni Nica.

"Thanks, Nica," he replied. "Do you guys want to come in? I already got you a private room, if you want to hang out with just the three of you," he offered.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang kaniyang sinabi. Sandali lang akong nawala, may private room na agad! The perks of being the owner of the place. We'll be fine out here though! 

Nakita ko na pinagtaasan pa ako ng kilay ng dalawa kong kaibigan. Nagkibit-balikat ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko naman talaga ni-request ang private room.

"I got the room for the three of you, because most of the guests that I invited are not related with the three of you. It's totally okay if you want to hang out here, but if you're feeling uncomfortable around them, then I can lead the way to the private room," pagpapaliwanag niya sabay tawa nang mahina.

Lumapit ako sa kaniyang tabi at siniko siya nang mahina sa kaniyang braso. "No, we're fine out here," sagot ko.

Lumipat ang tingin sa akin ni Hugh at saka ako nginitian. "Okay, then. If you want to talk to someone, just call me, okay? I think Jaydee, Kurt, and Andre is just around the place. You can find them if you want to," bilin pa niya. "I'll get going then. I still need to talk to some friends," paalam niya.

Tumingin ito sa akin. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa gilid ng aking braso at saka mabilis na lumapit sa akin tainga. 

"If you're too drunk to drive, just call me. I'll gladly drive you home," he whispered in my ear.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. He caressed my arm a little before totally letting go, making sure that I'm fine. Nang tumingin ako sa gawi ng dalawa kong kaibigan ay nakangiti na ito sa akin.

"What's up with you and Hugh?" mapang-asar na tanong ni Nica sa akin.

Agad kumunot ang aking noo nang marinig iyon. "Nothing!" 

"Oh, really?" ulit pa ni Nica.

Ang gulo nilang lahat! Magkaibigan lang naman talaga kami ni Hugh! Ano bang meron at lahat nalang ay pinapansin 'yon!

Pumunta na kaming tatlo sa harapan at agad naman akong umorder ng inumin. I drank a shot and ordered another after. Agad iyon napansin ni Maia at mabilis akong sinita.

"Jade, calm down. You still need to drive yourself home," saad nito.

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Nang tumingin ako sa kaniyang gawi ay unti-unti nang lumalabo ang aking paningin. I think the alcohol I drank earlier is slowly taking its effect on me.

"Drive myself? What do you mean? Hugh is just around the corner, so I'll be fine," sagot ko. 

"Are you drunk already? You only had a shot of alcohol and you're already tipsy?" Naramdaman ko ang kamay ni Maia sa gilid ng aking braso. "Jade, Jade. Are you drunk already?" paulit-ulit nitong tawag sa akin nang hindi ako agad sumagot sa kaniya.

"I had two, three, or maybe four shots of vodka earlier, so I'm probably a bit tipsy," magulo kong sagot sa kaniya. Hindi ko na maalala kung ilan na ba ang nainom ko kanina!

Narinig ko itong bumuntong-hininga at saka tumingin sa bartender. "Excuse me, what drink is this?" tanong ni Maia at tinuro ang iniinom ko.

"Vodka, Maam," sagot ng bartender sa kaniya.

Muli akong tumingin sa unahan at saka kinuha ulit ang kanina ko pang naorder na alak. I picked it up and quickly drew it closer to my mouth. Ilalayo pa sana iyon sa akin ni Maia nang mabilisan ko iyon ininom. 

"Jade, seriously. How will you get home when you're drunk?!" iritadong tanong sa akin ni Maia at saka hinablot mula sa aking kamay ang baso.

"Hugh will take me home..." bulong ko. "He whispered it in my ears earlier... That he will come back to me. He always comes back to me..." dagdag ko pa.

Totoo naman eh! Binulungan niya naman talaga ako kanina na kung hindi ko na kakayaning mag-drive, he will gladly drive me home. At saka, ilang beses na ba siyang nagpabalik-balik para siguraduhin na hindi ako na-o-out of place?

Iminulat ko nang kaunti ang aking mga mata at naabutan pa ang pag-irap sa akin ni Maia. Huh, this sassy friend of mine.

"Jade, what's up with you and Hugh, huh? Do you still remember that you just came from a breakup weeks ago?" pagalit nitong tanong sa akin.

Napakunot ang aking noo sa tanong niya. Umupo ako nang ayos sa bar stool at hinarap siya nang ayos. "Yes, but is it wrong to hang out with Hugh?" naguguluhan kong tanong.

Hindi ko sila gets! Ano bang iniisip nila at lahat nalang ay sinisita? Eh magkaibigan lang naman talaga kami!

"No, but if you're going to hang out with him to forget about your ex, then yes, it is wron—"

Inangat ko ang aking kamay at tinapalan ng hintuturo ang kaniyang labi. Ipinikit ko ang aking mga mata habang paulit-ulit kong nararamdaman ang pag-ikot ng aking ulo.

"What's wrong? He's clearly enjoying my company. He can hang out with me as much as he wants. And he can even help me forget about who ever that fucking bastard that I need to forget about," natatawa kong sagot.

Tangina, napapa-english na ako ha! Lasing na nga ako.

Totoo lang din naman na na-eenjoy naming dalawa na magkasama kami? Sinabihan na rin ako ni Hugh na tutulungan niya akong maka-move on sa putangina kong ex, pero as a friend lang?

Hindi ko alam kung yung lasing na utak ko lang ba ang may problema o sadyang hindi ko gets ang pinupunto ni Maia.

"Jade, if you're going to use Hugh, then stop it. That is wrong," madiin niyang saad.

Mas lalo lamang kumunot ang aking noo sa narinig. Use? More like 'help'. Tutulungan niya lang ako!

"As long as I don't hang out with Jake, it's fine, right? I'm not with him right now, at this moment, I mean—" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglaang mablangko ang aking utak.

Hindi ko talaga gets. Anong kailangan kong i-explain?

"As long as Hugh and I are not seeing each other romantically, then it's fine. I'm not cheating on someone! I mean, I'm single, so whether I hang out with either Jake or Hugh, no one cares!" dagdag ko.

Napagkasunduan namin ni Hugh na tutulungan niya akong makalimutan si Jake. Wala naman talaga akong ginagawa! I'm not seeing any of them romantically! 

Ang tanging gusto ko kay Jake ay ang mapatawad siya! Hindi na ulit ako babalik pa sa kaniya, pota naman 'oh!

"Jade, are you still seeing Jake?" muling tanong ni Maia.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Kakakita ko lang sa kaniya noong Lunes, 'di ba?

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang tumango bilang sagot. Napangiwi na lamang ako nang biglaang maramdaman ang kuko ni Maia na bumaon sa aking braso.

"Aray, masakit!" angal ko sabay hampas sa kaniyang kamay dahilan para mapabitaw siya.

"Do not play with a decent man, Jade. It's none of my business, but Hugh is a good friend of mine. So, do not play with him," madiin nitong banggit.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko na itong naglalakad palayo sa akin. Gulong-gulo ko siyang piananood na maglakad palayo. 

Napatingin sa akin si Nica dahil kahit siya ay naguguluhan din sa nangyayari. "What happened?" 

Nagkibit-balikat ako kasabay ng pagsalampak ko ng aking mukha sa counter. "Hindi ko alam kung anong nangyari kay Maia. Baka stressed dahil ilang linggo nang walang dilig..." nagbibiro kong sagot at tumawa pa nang mahina.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaang makatulog ang sarili. Antok na antok na ako! Tangina, sabi ko kay Hugh hindi ako mag-papass out! 

Maya-maya pa ay nakaramdam na lamang ako ng tapik sa aking braso. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at agad bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

"Jade, you still okay?" mahina ang boses nitong tanong. 

Kunot-noo akong tumingin dito. "Hugh..." bulong ko.

"Here drink some water," he offered and gave me a bottle of water.

Hinintay ni Hugh na maubos ko ang bote ng tubig at saka umupo sa katabi kong bar stool. "You good?" he asked with a small smile painted on his lips.

Tumango ako at napatitig na lamang sa kaniya. Ano bang pinupunto ni Maia kanina at galit na galit siya sa akin? Hindi ko pa rin talaga gets...

"Hugh, alam mo namang hindi kita ginagamit, 'di ba? Like, for my personal gain," diretso kong tanong dito.

Kumunot ang noo nito at saka umiling. Tumawa pa siya nang mahina bago nagsalita. "Are you still drunk?" natatawa niyang tanong.

See? 

Ilang minuto pa kaming nag-uusap lamang ni Hugh nang dumating na si Maia at Andre. Kinausap muna ni Hugh si Andre habang ako naman ay pasimpleng nagnanakaw ng tingin kay Maia. Mukhang okay na naman siya ngayon.

Lumapit ito sa akin at hinanap pa si Nica na kanina'y nasa tabi ko lamang.

Napansin ko ang unti-unting paglambot ng mukha ni Maia at saka lumapit sa akin. "I'm sorry, Jade. But, please do think about your actions more. Especially if it can affect someone else's feelings," malumanay niyang sabi.

Tumango na lamang ako bilang sagot. Tangina, lasing pa rin nga ata ako. Hindi ko pa rin magets hanggang ngayon!

Naramdaman ko na lamang ang pamamasa ng aking mga mata kasabay ng pag-angat ko sa aking braso. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak! I must be still drunk.

Mas lalo pa itong lumapit sa akin at tinanggap ang aking yakap. "Yeah... I'll think more about it..." bulong ko.

I will really think more about it. On why she reacted violently. Dahil kaming dalawa ni Hugh ay hindi alam kung anong sinasabi niya.

No one is using someone. He's just helping me and I'm just also helping myself move on by trying to forgive Jake. 

And, I'm grateful to have a friend like Hugh to help me. 

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

840K 24.4K 49
Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa...
877K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
21.4K 552 22
Vixiena Marie Sandoval was never fond of his brother's best friend, Axel Valderama. She hates his gut, his smirk, his confidence, his presence.. ever...