The Billionaire's Wicked Dare

By desiredink

184K 4.1K 543

Reverio Twins #2: Theodore Aradame Seanelle Leon Villasanta was a breadwinner of her family and she would do... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 15

3.5K 86 6
By desiredink


"T-TEKA! Ano'ng nangyayari? 'Tay?" tarantang tanong ko nang makitang sinapo ni Tatay ang kaniyang dibdib at nahihirapang huminga sa gitna ng kwentuhan namin.

"STAN?! CALL THE DOCTOR!" sigaw ko habang nakaalalay kay Tatay na kasalukuyang nakaupo sa hospital bed niya at naghahabol ng hininga.

Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Kami nang bahala rito, Miss Villasanta." Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Doc. Liam. May kasunod siyang mga nurse at agad nilang dinaluhan si Tatay.

Nanghihinang lumabas ako ng silid. Hindi ko kayang panoorin na naghihirap si Tatay. Iyong imahe niya na nahihirapang huminga ay talagang pumipiga sa dibdib ko.

"A-Ate..." Umangat ang tingin ko nang marinig ang kapatid ko.

Tuluyan akong lumabas ng silid at tahimik na isinara ang pinto. Agad na naagaw ni Stan ang atensyon ko. Napakunot ang noo ko nang makitang nakatapis lang siya tuwalya at tanging ang ibaba niya lang ang nakatapis.

"Ba't ganiyan hitsura mo?" nagtatakang tanong ko. Pinipigilan ko namang matawa nang tingnan ko ulit ang mukha ng kapatid ko. Pulang-pula ang mukha niya, pati ang mga tainga at leeg niya.

"N-Naliligo kasi ako kanina, 'tapos bigla kang sumigaw. B-Buti nga ay nakapagtapis pa 'ko ng tuwalya..." nakangusong paliwanag niya.

Hindi ko na napigilan at marahan akong tumawa. Napailing na lang ako habang na-i-imagine ang hitsura ng kapatid ko na binaybay ang daan papunta kay Doc. Liam nang nakatapis lang ng tuwalya.

"Guwapo ka pa rin naman. Normal lang ang kaunting kahihiyan..." natatawang sabi ko at niyakap siya. Agad naman siyang yumakap sa akin pabalik at isinubsob ang mukha sa leeg ko. Hiyang-hiya talaga siya sa nangyari sa kaniya. Ngayon ko lang din napansin na matangkad talaga 'tong kapatid ko. Lagpas sa akin ang height niya.

Napaayos kami ng tayo nang lumabas ng silid si Doc. Liam at kasunod ang mga nurse.

"D-Doc.," kabadong tawag ko.

Doc. Liam sighed. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa ginawa niya.

"I won't say any words to make you feel better, but..." he started. My chest was pounding so hard. "His condition became worst. He needs an operation as soon as possible. Malaki pa ang successful rate ng operation kung maagang maisasagawa ang operasyon."

Nangilid ang luha ko at wala akong mabanggit na kung anong salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nakapanghihina ang balitang dala ng doktor.

"May tatlong hospitals na kaming may update na may possible heart donor. It's not yet confirmed, but I'm doing the very best I could do, to get any possible donor for your father," he added.

I nodded my head. "T-Thank you po, Doc. Liam. Gawin n'yo po ang lahat para kay Tatay. H-Huwag n'yo po siya susukuan."

"We're doing our best, Miss Villasanta," he replied.

"Maraming salamat po," tugon ko.

"I'll go ahead. I'll assign a personal nurse aside from the nurse who's checking him, in case of any emergency again," sabi niya.

I bowed my head. "Thank you po ulit."

"Mr. Villasanta is fighting. He wouldn't go this far if he doesn't. Let's all believe in your father and of course, in Him." Nanatili akong nakayuko at tumango sa sinabi niya.

"And young Mr. Villasanta..." Napaangat na ang ulo ko nang mukhang si Stan naman ang kinakausap ni Doc. Liam. "Wear clothes, and don't run along the hallway with just a towel wrapped on your body."

Marahan akong tumawa.

"N-Naliligo po kasi ako kanina..." mahinang sagot ni Stan.

Doc. Liam chuckled. "Alright. Magdamit ka na at baka magkasakit ka." Tumango naman si Stan bilang tugon. "At saka, may emergency button naman sa silid ni Mr. Villasanta. You just need to press it."

I bit my lower lip. "N-Nawala po sa isip ko  dahil sa pagkataranta."

"It's fine, but you know what to do next time, okay?" paalala niya na tinanguan namin ni Stan. Nagpaalam na rin si Doc. Liam matapos no'n.

Sabay kaming pumasok ng kapatid ko sa silid ni Tatay. Dumiretso naman ulit sa banyo si Stan para siguro makapagsuot na ng damit.

Lumapit ako sa higaan ni Tatay. Malungkot akong ngumiti nang ikinabit ulit sa kaniya ang oxygen mask niya. May mga naka-konekta rin sa katawan niya at may tumutunog na mga makina sa tabi ng higaan ni Tatay.

I sighed as I held my father's hand. "Huwag mo kaming iwan, 'Tay, ah? Alam kong malakas ka po. H-Huwag na huwag mo kaming iiwan ni Stan."

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Gusto ko nang matapos ang paghihirap ni Tatay. Ang sakit sa dibdib na makita siyang nahihirapan. Mas masakit pa 'to kaysa sa sakit na nararamdaman ko kay Theodore.

"Ate, pahinga ka muna. Ako muna ang magbabantay kay Tatay," sabi ng kapatid ko nang makalabas siya ng banyo.

Tumango ako. "Dito na 'ko magpapahinga. Hindi muna 'ko uuwi."

"Sige, Ate. Babantayan ko kayo," tugon niya. "Ipahinga mo muna 'yang utak mo, Ate. Midterms n'yo na bukas."

Bumuga ako nang malalim na buntonghininga. Nawala sa isip ko na bukas na pala ang midterms namin. Nagre-review naman ako nitong mga nakaraang araw, pero pakiramdam ko ay hindi sapat dahil sa kung ano-anong pinoproblema ko.

I sighed. Sa trabaho naman ay namomroblema pa ako sa dalawang gabi na nakita ko si Theodore na may kaniig.

Dapat ba na masanay na ako? Ipinapakita na ba niya ang totoong siya? At ano naman 'yong mga motibong ipinahiwatig niya? Iyong payakap-yakap niya? Iyong pagpapakalma niya sa 'kin kapag natataranta ako?

I sighed again. Ako lang naman ang umasa na may kahulugan ang lahat ng 'yon.

Kahit Linggo ngayon at walang trabaho at pasok sa eskuwela, pakiramdam ko ay pagod na pagod pa rin ako. Kaya wala na akong nagawa nang lamunin agad ako ng antok nang makahiga ako sa mahabang sofa rito sa silid.

NANG sumapit ang araw ng Lunes ay inabala ko ang sarili sa pagre-review pa rin. Hindi ako mapakali kapag hindi ako nagbabasa bago ang exam namin.

"Kalmahan lang natin, Mareng Sean. Baka ma-perfect mo lahat ng exams, aba!" Napatigil ako sa pagbabasa ng notes ko nang marinig ang president namin sa tabi ko.

"Last minute review na lang 'to," tanging sagot ko sa kaniya.

She chuckled. "Birthday ko sa Friday. Sama ka sa 'min."

Isinara ko ang binder na hawak at inilapag sa ibabaw ng desk ko at tiningnan si Milan.

"Tingnan ko," tugon ko.

Paniguradong after class gaganapin ang plano niya. May trabaho ako sa gabi at hindi ako puwedeng basta-basta na lang um-absent sa trabaho, dahil nag-advance ako ng sahod. Dalawang buwan pa.

"Sige na please...?" she pleaded. Kinurap-kurap niya pa ang kaniyang mga mata na para bang nagpapaawa siya. "Isang gabi lang naman, eh..."

I smiled. "Hindi ko sure, Milan. Alam mo namang may trabaho ako sa gabi."

Alam nila na kahera ako noon sa Dex Store. Kaya hindi rin nila ako maaya-aya sa mga gala nila dahil may trabaho ako pagkatapos ng klase. Hindi ko nga lang nasasabi na sa Reverio Corporations na ako nagta-trabaho ngayon.

Ngumuso siya. "Sa Friday pa naman. Baka magbago ang isip mo, habol ka sa 'min."

Tumango na lang ako bilang sagot. Tuwang-tuwa naman siya dahil malakas daw ang pakiramdam niya na makakapunta ako roon sa birthday celebration niya. Hindi naman talaga kami close ni Milan, pero kaya siya ang naging presidente namin ay dahil kaya niyang pakisamahan ang lahat sa 'min.

Nang dumating ang proctor namin ay agad na ipinatabi ang mga notes namin. Agad din naman niyang ibinigay ang mga test questionnaire na sasagutan. Huminga muna ako nang malalim bago nagsagot ng exam.

"Shit... ang sakit ng likod ko..." I mumbled as I stretched my hands upwards.

"Natapos din!" maligayang sigaw ni Milan sa tabi ko nang lumabas ang proctor.

"Mayro'n pa bukas," natatawang sabi ko at agad naman siyang napanguso.

Napailing na lang ako at inayos ang mga gamit ko. Mabilis na naubos ang mga kaklase ko sa room kaya lumabas na rin ako para makauwi muna bago pumuntang ospital.

Nang makauwi sa bahay ay agad akong naligo at nagbihis. Nagdala na rin ako ng panibagong mga damit namin para dalhin sa ospital. Dinala ko na rin ang mga notes at libro na babasahin ko para sa mga natitirang exam bukas.

Habang nasa tricycle papuntang ospital ay tumunog ang cell phone ko. Agad ko 'yong kinuha at nakitang si Xavier ang tumatawag kaya sinagot ko.

"Xav!" medyo malakas na boses na bati ko dahil umaandar ang tricycle.

"Bakit ang ingay? Nasa biyahe ka?" tanong niya.

"Yep. Papuntang trabaho na," I replied.

"Maaga pa ah?" Nakarinig ko ng pagbukas ng pinto sa kabilang linya. "By the way, kumusta si Tito?"

Mariin akong napalunok bago sumagot, "Ayos naman si Tatay. Huwag kang mag-alala."

"That's good to hear," he uttered. "Eh, 'yong exams mo?"

I chuckled. "Nakasagot naman ako nang maayos. Hindi ako babagsak."

Humalakhak siya. "Yabang, oh! Sana all matalino!"

"Huwag ako, Xav!" Umirap ako. "Baka magna cum laude ka no'ng gr-um-aduate ka?"

"Tsamba lang 'yon!" Tumawa ulit siya.

"Sige na. Ibaba ko muna 'to, nandito na 'ko. Ingat ka!" paalam ko nang huminto na 'yong tricycle sa tapat ng Montesori Hospital.

"I love you!" The line ended.

Napahinto ako sa pagbaba ng cell phone mula sa tainga ko nang marinig 'yon. Mariin akong lumunok at tanging kaba lang ang nararamdaman ko kaya bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko ay hindi 'to tama...

Hindi pa ako mahihimasmasan kung hindi pinukaw ng driver ang atensyon ko. Kaagad akong humingi ng pasensya at nagbayad sa kaniya. Dala ang isang duffle bag ay pumasok ako sa loob ng ospital.

Alas kuwatro na ng hapon. Malamang ay pauwi na rin 'yon si Stan. Na-postponed kasi 'yong exam nila ngayon. Next week na raw ang exam ng engineering department.

Nang makarating sa silid ay tahimik na inilapag ko ang duffle bag sa sofa. Sa kabilang kamay naman ay bitbit ko ang isang paper bag na pagkain ang laman. Nagluto ako ng makakain bago pumunta rito.

"Seanelle, anak..." mahinang usal ni Tatay.

I smiled. Mas lalong pumayat na si Tatay at namumutla. Sa bawat araw na nakikita ko siyang ganito ay may sumisipa sa dibdib ko. Gustong-gusto ko na siyang gumaling.

"Nagluto po ako ng pagkain, 'Tay. Kain po tayo?" Pinilit kong pasiyahin ang tono ko para hindi maipakita ang lungkot na nararamdaman ko.

Ngumiti naman si Tatay at marahang tumango. In-adjust ko 'yong higaan niya para umangat ang katawan niya at makakain. Wala na ulit siyang oxygen mask pero may mga naka-connect pa ring mga aparato sa katawan niya.

Ako ang nag-asikaso ng lahat. Sinusubuan ko rin si Tatay at nagkukwentuhan kami. Sa gitna ng pagkain at kuwentuhan namin ni Tatay ay dumating naman si Stan. Imbis na magbihis muna ay agad siyang sumalo sa pagkain at magiliw na nakipag-kuwentuhan din sa amin.

Mas maganda sana kung wala kami rito sa ospital. Mas maganda kung walang sakit na dinaramdam si Tatay. Mas maganda kung kumpleto pa rin kami. Mas maganda kung gagaling na talaga si Tatay.

"Papasok na po ako, Tatay," paalam ko at humalik sa noo niya. "Mauna na ulit ako sa 'yo, Stan."

"Sige, Ate. Mag-iingat ka," habilin ng kapatid ko.

"Ikaw rin." Tumango naman siya sa 'kin. Bumaling naman ako sa personal nurse na ipinadala ni Doc. Liam. "Kayo na po muna ang magbantay kay Tatay."

"Opo, Ma'am," tugon naman niya. Sa palagay ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon 'tong babae.

"Salamat po," magalang na sambit ko.

Nagpaalam ulit ako bago tuluyang umalis ng silid ni Tatay. Tahimik na tinatahak ko ang daan palabas ng ospital. Nakailang buntonghininga na rin ako dahil sa kaisipang makikita ko na naman si Theodore.

I shook off the thoughts. Masyado ko na naman siyang iniisip. Dapat ay hindi na ako magpaapekto sa kaniya. Hindi ko na dapat siya pinagtutuunan ng pansin.

Ang pangit ng ugali niya! Nakakainis siya! Argh!

Naalala ko na naman na inis na inis nga ako kay Theodore dahil sa mga pangmamaliit niya sa akin noong una kaming nagka-usap, kung saan niya ako hinalikan nang dahil sa isang dare. Napailing na lang ako. Hindi ko na dapat inaalala pa 'yon.

Nagmo-move on na nga 'ko, eh...

Teka! Wow naman, Seanelle?!

Kung makapagsabi na nagmo-move on ako kay Theodore ay parang naging kami talaga? Ako lang naman talaga 'tong umasa sa kaniya.

Pa-fall siya! Na-fall din naman ako! Argh!

"Ouch!" Napasapo ako sa ilong ko nang tumama 'yon sa matigas na bagay.

Ano 'yon pader? Shit! Baka dumugo ang ilong ko! Agad kong kinapa ang ilong ko at para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makitang walang dugo sa ilong at kamay na pinanghawak ko.

"You should watch your steps, Leon." Napakunot ang noo ko nang makarinig ng hindi pamilyar na boses.

Nag-angat ako ng tingin at isang matangkad na lalaki ang nasa harap ko. Bahagyang umawang ang bibig ko dahil ang guwapo nitong lalaki na 'to. Maputi siya, mahaba ang mga pilikmata, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay, manipis ang labi niyang mapula, at ang kulay tsokolate rin niyang mga mata.

Namangha ako dahil parang may pagkakaparehas ang mga mata namin. Pero teka, tinawag niya akong Leon! Paano niya ako nakilala? Unang pagkikita pa lang namin ngayon!

"Do I know you po..." Tiningnan ko ang kabuuan niya. "...Sir...?"

He chuckled. At shit lang! Lalaking-lalaki rin ang pagtawa niya, pero mas lamang pa rin si Theodore. Sorry not sorry!

"I know you though," he answered.

Napataas ang kaliwang kilay ko. "Huwag mo pala akong tawagin sa second name ko. Hindi tayo close."

He smirked. "Mataray nga."

"Anong sabi mo?" mataray na tanong ko.

Aba! Akala niya hindi ko narinig 'yong sinabi niya? Well, totoo naman na mataray ako, pero sa piling tao lang din naman.

"Nothing." He smiled. May dimple siya sa kanang pisngi niya! "I just want to say na babangga ka na sana sa poste." Itinuro niya ang makapal na pillar sa likod niya.

Napakamot ako ng kilay at nahihiyang tumingin sa kaniya. "P-Pasensya na po. Thank you rin po."

He chuckled again. "Don't mention it. By the way, I'm Skyren." He offered me his hand.

Mariin akong napalunok. Pa-simple ko munang ipinunas ang aking palad sa jeans ko bago tinanggap ang pakikipag-kamay niya.

"Seanelle," pagpapakilala ko rin.

"I know." Ngumiti ulit siya.

"Sana all my dimple..." I absentmindedly mumbled.

"You're pretty," he complimented as he chuckled again.

"I know po," sagot ko pabalik.

"Drop the 'po' thingy. Parang ang tanda ko naman masyado. Six years lang ang tanda ko sa 'yo," ani Skyren.

Parehas lang sila ng tanda ni Theodore.

"Okay, Sir," I replied. "Mauna na po— mauna na pala ako. Baka hinihintay na ako ni Sir Theo."

"Theo?" kunot noong tanong niya.

"Sir Theodore po," sagot ko.

"Leon." Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang baritonong boses ni Theodore sa likuran ko. Sunod-sunod din ang mga naging paglunok ko at para na namang nagkakarera sa bilis ng tibok ang puso ko.

Shit naman! Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?!

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Theodore habang nakatingin siya kay Skyren.

"S-Sir Theo..." utal na bati ko at pilit na ngumiti sa kaniya, pero mukhang na kay Sir Skyren na ang atensyon niya.

"I didn't know you're back, Bermudez," malamig pa sa yelo na sambit ni Theodore.

Bermudez?

Napalunok ulit ako at ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan ng mga titig nila.

"May dinalaw lang ako rito," rinig kong sagot ni Skyren.

Nanatili akong nakaharap kay Theodore at pinapanood ang bawat reaksyon ng mukha niya.

Umigting ang panga ni Theodore. "Is that person important? At talagang tumapak ka pa rito?"

Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila pero nanatili ang paningin ko kay Theodore.

"Yes, she's important," sagot naman ni Skyren.

"Let's go, Leon." Napakurap-kurap ako at natagpuan na lang ang sarili na marahang hinihila ni Theodore palayo kay Skyren.

Okay...?

What happened?




DESIREDINK

Continue Reading

You'll Also Like

218K 3.9K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
484K 18K 40
Tereesa is in trouble. Dahil sa kaniyang pagtakas mula sa sariling engagement party, siya ngayon ay pinaghahanap ng kaniyang buong angkan. In order...
31.4K 617 32
For the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside...
204K 4.9K 31
Warning: R18+ Brother's Code Series 1 Phoenix hates Hailey. Kung hindi lang niya kailangan ng pera ay hindi niya ito pakakasalan. Nang ikasal sila ay...