Beautiful Mistake (Mafia Seri...

By Clovertell

7.7M 200K 126K

She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mothe... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's note
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Please Read!
THAIRON STORY!
Basahin niyoooo
I miss y'all:(

Kabanata 12

193K 5.8K 3.9K
By Clovertell


Madaling araw kami umalis kaya naman pagkadating namin sa mansyon ay natulog ulit ako.

Nagising ako ng maramdaman kong naiihi ako

Laking gulat ko ng makita si Thaigo na nakaupo sa may sofa, nakatitig ito sa akin habang nakahalukipkip

Umupo ako sa kama at inayos ang buhok ko

Nakakahiya! Bagong gising pa man din ako, hindi ko alam kung anong itsura ko ngayun!

"k-kanina ka pa ba?"

He stood up and shove his hands on his jeans pocket

"I waited for you to wake up"

So, kanina pa pala siya nandito?!

"I thought you're already preparing for school-"

"May assignment pa pala ako!" agad akong tumayo

Hindi pa ako nakakaligo! Ang sabi ko pa naman maaga akong babalik sa school ngayun.

Papasok na sana ako sa cr ng mapansin ko siyang nakatayo lang sa may gilid.

"m-maliligo na ako" paalam ko sa kanya, wala na akong ibang maisip na sabihin sa kanya

"here" sabi niya at may inabot siyang papel

Napatingin naman ako doon bago ko ito kunin

Magtatanong pa sana ako kung para sa saan yung papel na binigay niya pero nagulat nalang ako ng makitang assignment ko iyon na hindi ko natapos!

"t-teka..." wika ko habang nakatitig sa papel na hawak ko

Seryoso ba 'to? Siya ang gumawa ng assignment ko??

"I'm one hundred percent sure my answers are correct so stop staring at it and go take a bath" sabi niya at inagaw ang papel sa kamay ko

Hindi ko naman mapigilang mapangiti

Wait, kinikilig ba ako???

Tumango naman ako bago siya talikuran

"Stop smiling like an idiot"

Dinig kong sabi nito habang naglalakad patungo sa pinto. Napahinto naman ako sa paglalakad.

Galit agad? Ayaw niya palang nginitian siya?

"Ang suplado! akala mo kung sinong gwapo" mahina kong sabi habang tiningnan siyang binubuksan ang pinto

Kinabahan ako ng tumigil siya sa pagbukas nito at hinarap ako

"Anong sinabi mo?"

Patay! narinig niya!

Napaatras ako ng lumapit siya sa akin

"wala" sabi ko at yumuko. Nasa harap ko na siya

"I heard you mumbled something. What is it?"

Unti unti ko namang inangat ang ulo ko

He was looking at me intently

"wala yun..." pagsisinungaling ko

Ayokong sabihin baka magalit siya at baka punitin pa niya assignment ko!

Nakita kong gumalaw ang panga niya bago lumayo sa akin

"Maligo ka na nga" inis nitong sabi

Napatulala naman ako sa harap niya

"What?!" medyo galit nitong sabi habang nakatitig ako sa kanya

Ngayun ko lang ulit kasi natitigan ang mukha niya

Baby, ang gwapo ng Daddy mo!

"Maliligo ka ba o gusto mong paliguan pa kita?"

"H-ha?.."

Gago, ano daw?!

"Umalis ka na, m-maliligo na ako" sabi ko

Nakita ko pang tumaas ang sulok ng kanyang labi bago ko siya talikuran

Pagkasarado ko ng pinto ay agad akong sumandal at napahawak sa aking puso

Huy! Kumalma ka nga!

___

Hindi ko maiiwasang hindi mapansin ang mga mata ng estudyanteng nakamasid sa akin ng bumaba ako ng kotse. Palagi na kasing nay naghahatid at sundo sa akin simula nung tumira ako kay Thaigo kaya siguro nagtataka ang ibang estudyante kung bakit kotse na palagi ang sinasakyan ko.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko si Axel mula sa malayo. He immediately waved his hands to me, nginitian ko lang siya.

Axel is not really my close friend. He's popular, handsome and rich pero hindi ko siya gusto. Nag-iisa siyang anak at meron silang kompanya, ewan ko nga ba't dito siya nag-aaral eh, public naman tong school namin. Halos lahat ata ng babae dito school ay gusto siya, may pagka playboy din kasi siya.

Transferee siya at medyo nagulat pa nga ako nung unang araw palang niya dito ay kilala na niya ako at nakikipag close pa siya sa akin, akala ko titigil din siya sa pagsunod sa akin kalaunan pero hindi, palagi siyang sumasabay sa akin kumain tuwing lunch at pinipilit pa akong sumabay sa kanya pauwi pero palagi akong hindi pumapayag, tumigil din siya kalaunan sa pag yaya sakin na sumabay sa kanya pauwi.

Alam ko namang may gusto siya sa akin, nag confess siya at sumubok na manligaw pero ayaw ko at ang sabi niya naman ok lang daw, handa raw siya maghintay sa akin. Okay naman siya eh, mabait naman siya at hindi niya naman ako ginugulo kaya pumapayag nalang akong samahan siya tuwing lunch

Iniwan niya ang mga babaeng kasama niya at lumapit saken

"Ang aga mo ngayun ah" nakangiting sabi niya "kanina pa kita hinihintay"

"g-ganun ba?... uh, hindi mo naman ako kelangang hintayin"

"I have to" sabi niya habang nakatitig parin sa akin "alam mo namang, ikaw lang ang kumokumpleto ng araw ko"

awkward naman akong ngumiti at binilisan ang lakad ko, agad naman siyang sumunod sa akin.

___

Lunch time at magkasama kami ni Axel sa canteen. Pinadalhan ako kanina ni manang Isabel ng baon,inutos daw ni Thaigo sa kanila na paghandaan daw ako palagi ng pagkain na dadalhin ko sa school

Napatingin si Axel sa dala kong pagkain. Lilibrehin niya sana ako kaso sinabi kong may baon ako.

"Ang dami mong pagkain ah" sabi niya

Napatitig ako sa lunch box ko at halos kompleto nga iyon. Kanin,ulam, may karne,gulay at prutas. Sa isang separate na maliit na lunch box ay merong dessert at may Siopao!

"Kuha ka" sabi ko kay Axel "madami naman to"

"No, thanks" sabi niya at nagpatuloy sa pagkain

Susubo na sana ako ng biglang lumapit sa table namin

"h-hi... Eris" nahihiyang bati ni alfred

"Oh? Alfred bakit?" sabi ko sa kanya

Napatigil din si Axel sa pagkain at binalingan si Alfred sa gilid namin

"y-yung...notebook mo. Naiwan mo sa room" sabi niya sabay bigay ng notebook ko

Hindi ko napansin na naiwan ko pala to

"Naku, maraming salamat. Mabuti at nakita mo" sabi ko at nginitian siya agad naman siyang namula

Si Alfred ay kaklase ko. Mahiyain siya at tahimik lang sa classroom namin pero matalino.

"Wala ka ng ibang sasabihin?" masungit na sabi ni Axel habang matalim na tinitigan si Alfred

Agad na napawi ang ngiti sa labi ni Alfred. Mukha na itong kinakabahan

"w-wala naman..." medyo nanginginig niyang wika at inayos ang kanyang salamin

"Edi, umalis ka na!"

Nagulat naman ako sa inasta ni Axel sa kanya

"s-sige, Eris mauna na ako" nagmamadali nitong sabi at mabilis na naglakad palabas ng canteen

"tss.." napailing si Axel habang tamad na tinutusok ang karne sa pinggan niya

"Hindi mo naman siya kelangang sigawan" sabi ko

"eh, nakakainis eh" iritado nitong sabi. Kumunot naman ang noo ko

"Mabait yun" sabi ko at nagsimula ng kumain

He scoffed "Palagi ka bang kinakausap nun? May gusto ata sayo yun eh" padarag niyang binaba ang kutsara at uminom siya ng tubig " Iba makatingin sayo, nakakabwesit"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy nalang ako sa pagkain


___

Naglalakad na ako palabas ng school, pauwi. Hinahanap ko ang panyo ko kasi ang init pero hindi ko iyon makita sa bag ko.

Ilang beses ng palaging nawawala ang panyo ko! Hindi ko naman iyon nilalagay kung saan saan.

Speaking of my assignment, tama nga si Thaigo,tama lahat ng sagot niya! Pano niya kaya nalaman sagot nun? Sinearch ba niya sa internet??

Palabas na ako ng gate ng makita ko ang kotse na susundo sa akin.Didiretso na sana ako kotse ng makita ko si Axel sa may shed, nakatayo siya doon.

"Axel!"

Tawag ko sa kanya, mukha naman siyang nagulat ng bumaling sa akin.

"Hindi ka pa uuwi?" sabi ko sa kanya. Medyo malapit lang naman kasi ang waiting shed.

Agad niyang binaba ang kamay niya na kanina ay nasa mukha niya.

"Uuwi na, may... hinihintay lang" sabi niya at tinago ang kanang kamay niya sa kanyang likod.

Tumango ako pero natuon ang mga mata mo sa kamay niyang tinago niya sa likod niya.

Nakita kong parang may hawak siyang tela...

Parang kakulay ng panyo ko?...

Inalis ko naman iyon sa isip ko at kinawayan siya "Mauna na ako" sabi ko.

"Sige, See you later!" sabi niya.

I just don't get him. Palagi yan sinasabi niya saken sa tuwing magkikita kami kapag uwian.

'See you later'

kahit di naman na kami nagkikita pagkatapos ng klase??

____

Sino si Axel? char

Please don't forget to vote^^

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
542K 19.9K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...