Kabanata 19

197K 5.4K 5.3K
                                    

"b-balik na muna ako sa loob. Medyo malamig na" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya

"Oh, o-okay" sabi niya at lumayo sa akin at inalalayan ako makatayo

Pagkatapos kong patuyuin ng malinis na towel ang paa ko ay agad akong nagpaalam sa kanya

"s-sige, punta muna ako sa loob" nauutal kong wika at agad na umalis. Tumango lang siya pero bakas ang pagtataka sa mukha niya.

Pagkapasok ko sa kwarto ay sumandal ako sa pinto at hinawakan ang kaliwa kong dibdib.

Grabe! Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ba't niya ako hinalikan?! At nagpahalik naman ako??

____

"hmm..." napamulat ako ng mata ng may maramdaman akong humahawak sa noo ko.

Nakatulog pala ako

"Thaigo?" nagtataka kong tanong ng makita si Thaigo sa harap ko. Nakahawak ang isa niyang kamay sa noo ko.

"Nilalagnat ka" wika niya

Bumangon ako at umupo sa kama. Doon ko palang naramdaman ang pagkahilo. Hinawakan ko ang leeg ko at hindi naman ako sobrang init.

"Anong oras na ba?"

"It's already 3 in the afternoon" tumayo siya at lumapit sa intercom. Narinig kong nagpahanda siya ng soup. "Nagpatawag na ako ng Doctor" wika niya at umupo sa gilid ng kama

Medyo nabigla naman ako sa sinabi niya "lagnat lang naman to"

Huminga siya ng malalim bago tumayo. Hindi pinansin ang sinabi ko. Lumapit siya sa closet ko.

Anong ginagawa niya sa mga damit ko???

"Here" wika niya at nilapag ang asul na bestida sa tabi ko

"Magbibihis ako?... "

Tumango siya at muling lumapit sa akin. Inalis niya ang kumot sa katawan ko.

"Pinunasan na kita kanina habang natutulog ka. Magpalit ka na lang ng damit" napabaling ako sa puting bimpo na nasa mesa.

Kahit hindi naman ako magbihis. Wala naman akong ginawa mula kaninang umaga,natulog lang.

Kinuha ko ang binigay niyang damit

"sige, magbibihis na ako" sabi ko para lumabas na siya pero nanatili siyang nakaupo sa tabi ko.

"lumabas ka muna" sabi ko. Tumayo siya.

Bumaba naman ako sa kama

"I can help you-"

"kaya ko-" napahawak ako sa braso niya ng muntik na akong ma out balance.Napapikit ako ng makaramdam ng hilo pero hindi ko iyon pinahalata kay Thaigo, agad akong lumayo sa kanya at inabot ang zipper ng dress ko sa aking likod.

Bwesit, ayaw pang bumukas ng zipper ko!

Dalawang kamay na ang gamit ko pero hindi parin ito bumubukas. Biglang lumapit si Thaigo at siya na mismo ang bumukas sa zipper ko. Magkaharap kaming dalawa habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko.

"salamat, a-ako na.." napaatras ako ng binaba niya ang strap ng dress ko

"I'm just helping you" wika niya at hinila ako palapit sa kanya. Gusto ko sanang umangal kaso sa reaksyon ng mukha niya ngayun ay parang natatakot ako. Napakaseryoso ng mukha niya.

Hinawakan niya ang dalawang strap ng dress ko at dahan dahan iyong binaba sa balikat ako. Pakiramdam ko mas lalong umiinit ang katawan ko dahil siya ang naghuhubad sa akin.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon