Kabanata 18

195K 5.4K 3.5K
                                    

Nagising ako nang maramdam kong parang maduduwal ako. Agad akong nakaramdam nang hilo ng bumangon ako. Wala na si Thaigo sa tabi ko.

Nagpupunas ako ng mukha nang lumabas ako sa banyo.

"Ma'am, gising na po pala kayo" sabi ni Manang Isabel. Napatingin ako sa wall clock, alas diez na pala

Nginitian ko lang siya kahit medyo masama ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko parang magkakasakit ako.

Umupo muna ako sa gilid nang kama nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Ok lang po kayo Ma'am?" Nag aalalang tanong ni Manang ng lumapit sa akin

"ok lang po" sabi ko

"Nasa baba na si Sir Thaigo. Sa labas daw ho kayo kakain ng agahan, sa gilid ng pool"

"Hindi pa po nakakaalis si Thaigo?"

"Hindi raw siya papasok ngayun"

Tumango lang ako bilang sagot bago tumayo

"Magbibihis lang po ako. Pakisabi na susunod na lang po ako"

"Sige" sabi ni Manang bago lumabas nang kwarto

Maliligo sana ako kaso nilalamig ako at medyo hindi maayos ang pakiramdam ko kaya mag ha-half bath nalang ako.

Naglagay ako ng konting liptint sa aking labi bago bumaba. Masyado kasi akong maputla. Hindi naman talaga ako nag lilipstick, minsan lang sa school kapag may program o kapag trip ko lang.

Dumiretso agad ako sa pool area gaya ng sabi ni Manang Isabel

Nakita kong nag aayos ng pinggan si Thaigo.

"Good Morning Ma'am" bati ng isang kasambahay ng dumaan sa gilid ko

"Good morning din po" wika ko

Agad na napabaling si Thaigo sa direksyon ko ng magsalita ako. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at agad akong nilapitan.

"Good Morning" he beamed and touched my baby bump

"Good morning" bati ko sa kanya " Maaga kang nagising?" tanong ko habang nakatitig parin siya sa tiyan ko

He nodded " I cooked our breakfast or should I say...brunch"

"Pasensya ka napasarap ang tulog ko" nahihiya kong sabi "sana ginising mo ako kanina"

Inalis niya ang kamay niya sa tiyan ko at tumayo ng maayos "It's fine. Kahit tanghali ka pa magising, hihintayin kita para sabay tayong kumain"

"Magpapagutom ka pala?" sabi ko habang pinipigilang mapangiti

"Yes"

Weh? Gusto ata niyang kiligin ako eh.

"Kumain na nga tayo" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya

"Ikaw nagluto lahat ng 'to?" sabi ko habang tintingnan ang mga pagkain na nasa mesa

Tumango siya at nilagyan ng kanin ang pinggan ko

"okay na 'yan. Salamat" sabi ko at ako na ang kumuha ng ulam

Ang sarap ng luto niya!

"Masarap ba?" tanong niya

Tumango lang ako kasi punong puno ang bibig ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain pero napatigil ako ng mapansin ko siyang hindi kumakain. Nakatitig lamang siya sa akin. Tila may malalim na iniisip.

"Baket?" inosenteng tanong ko habang pinupunasan ng tissue ang aking labi.

Napakurap siya at parang nagulat ng magsalita ako.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon