Beautiful Mistake (Mafia Seri...

Von Clovertell

7.8M 202K 126K

She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mothe... Mehr

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's note
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Please Read!
THAIRON STORY!
Basahin niyoooo
I miss y'all:(

Kabanata 11

208K 6.5K 3.4K
Von Clovertell

Ngayun lang ako nakapunta sa rooftop ng mansyon kaya namang manghang mangha ako sa laki at lawak nito

Mas lalo akong na excite ng makita ko ang chopper at umaandar na ito. May mga tauhan sa paligid na nakatingin lang sa amin.

Habang naglalakad kami ni Thaigo patungo sa chopper ay umangat ang suot kong bistida dahil sa hangin. Napansin ni Thaigo ang paghawak ko roon kaya naman hinawakan niya ako sa aking paluspusan at binilisan ang lakad.

Pinauna niya ako sa pag akyat, agad akong inalalayan ng isang lalake mula sa loob ng chopper habang nasa likod ko naman si Thaigo.
Inabot ko ang dalawang kamay ko sa lalake sa loob at inangat ang paa ko.

Naramdaman kong umangat ang palda ng bistida ko sa likod pero hindi ko iyon mahawakan kasi nakahawak na ang dalawang kamay ko sa lalaking umaalalay sa akin.May cycling shorts naman ako pero maiksi  'yon! At nahihiya ako baka makita iyon ni Thaigo.

I stiffened a bit when I felt his hand at the back of my thigh.

I looked down at him and saw him holding the skirt of my dress while he's looking at the other direction. His hair was ruffled by the wind.

Napansin niyang huminto ako sa pag akyat kaya naman binalingan niya ako. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin at tuluyan ng pumasok sa loob ng chopper.

I scooted over when he entered and sat beside me. Napasulyap siya sa akin bago tinanguan ang tao sa harap at lumipad na kami.

Medyo kinabahan ako ng maramdaman kong umangat na kami. Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa bintana. I did the same thing.

Napa 'wow' ako ng nasa taas na kami. Ang mansyon ay unti unting naging maliit sa paningin ko pati ang mga tao na nandun kanina, maski ang mga puno.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang langit at mga ulap.

Mas lalo akong lumapit sa bintana ng may makita akong ibon na lumilipad. I giggled when I saw another bird. I think they're couple? Sabay silang lumilipad na dalawa at magkatabi pa.

Nang lumayo na sila ay lumayo na ako sa bintana. Sumulyap ako kay Thaigo at nakita ko siyang seryoso na nakatitig sa akin.

Nginitian ko siya but he just averted his gaze at tumingin sa labas. Napawi ang ngiti ko at sumandal nalang sa upuan ko.

Pagkababa namin ay inalalayan naman ako ni Thaigo. Agad na may sumundo sa aming sasakyan and after a couple of minutes ay dumating narin kami sa aming pupuntahan, I guess?

Nakita kong may nagsidatingan na dalawang kotse at isang van that's for sure are Thaigo's bodyguards. Nakita ko rin si Dion na bumaba sa isang kotse at agad na naglakad patungo sa amin.

Nag umpisa ng maglakad ni Thaigo kaya agad akong sumunod sa kanya. Sumulyap ako kay Dion sa likod, nginitian niya naman ako.

Maraming puno sa paligid at may nakita akong bahay mula sa malayo. I looked at the surroundings at parang nasa farm kami??? parang nasa probinsya kami pero maganda ang tanawin at presko ang hangin.

Nasa malawak na garden kami ngayun at may kinakausap si Thaigo sa mga tauhan niya.

Nakita ko namang naglalakad palapit sa akin si Dion

"Dion, bakit tayo nandito?" Tanong ko ng makalapit na siya sa akin

"Well...." He mockingly said. Pinanliitan ko naman siya ng mata "Surprise, Mrs. Villamor!" malakas nitong sabi napatingin tuloy ako sa paligid. Nagsilingunan ang ibang tauhan sa amin pati si Thaigo ay napahinto sa pagsasalita sa kausap nito pero agad ding nagpatuloy

"Pwede ba hinahaan mo naman boses mo" saway ko sa kanya. He just chuckled before moving closer to me.

"Guess what? Thaigo bought this farm for you!" he cheerfully said and even clapped his hands like a kid

What?!

Napatingin ako sa paligid at napahinto sa malaking bahay sa harap namin "Pati yan?" sabay turo ko rito

Tumango naman siya " Kasama yang rest house na yan sa binili niyang farm"

"Ba't naman bumili siya ng farm? Para sa negosyo niya?"

He chuckled

"Nope, and as I said, it's for you. Tumingin ka dun" sabay turo niya sa hindi kalayuan. Nakita ko ang malawak na lupain na maraming puno "Those are different kinds of Fruit-bearing trees. Mangoes, guavas, bananas. Meron ding mga pineapples, grapes and even root crops and vegetables, I think"

"t-teka... binili niya to kasi naglilihi ako sa prutas?"

"Exactly! at ayaw niyang maulit yung nangyare noon nung nagpakuha ka ng mangga at bayabas sa labas ng mansyon kaya bumili nalang siya ng farm where you can freely eat any fruits you want, fresh from the tree at unlimited pa" then he winked at me

"Pe-"

"The air is also fresh here and the scenery will also help you to decompress from everything that stresses you out and there's also the inevitable stress since nagtatrabaho ka at nag-aaral at the same time" napatingin siya sa tiyan ko " and I don't want that to affect the baby, so we will go here at least twice a week for you to unwind"

Tumango naman ako sa sinabi ni Thaigo. Hindi ko man lang napansin na lumapit na pala siya sa amin.

"Let's go inside, lunch is ready" sabi niya at nauna ng maglakad. Umalis naman si Dion

Pagkatapos naming kumain ng lunch kanina ay niyaya ko si Dion na mamitas ng prutas kanina.

Nandito kami ngayun sa terrace, nakaupo, sa gitna namin ang isang bilugang mesa habang kumakain ng mga prutas na kinuha namin kanina.

Nasa tabi ko si Thaigo at nakikikain ng kinuha naming prutas ni Dion kanina.

Puro ubas lang ang kinakain niya samantalang mangga naman sa amin ni Dion.

"Hindi ba masyadong maasim yan?" tanong niya habang nakakunot ang noo niya

Agad naman akong umiling "Masarap kaya" sabi ko at nilapit ang kamay kong may mangga sa mukha niya "tikman mo"

He just stared at me

"Naks, sweet naman" mahinang sabi ni Dion sa harap namin

Napabaling si Thaigo sa kanya. Muli niyang sinulyapan ang mangga sa kamay ko bago umiwas ng tingin "No. I'm stuffed" sabi niya sa akin at kumuha ulit ng ubas

Malungkot ko namang binaba ang kamay ko.

"Akin nalang" sabi ni Dion.

Napatingin ako kay Dion ng magsalita siya

"Ubos na yung akin" nakangisi niyang sabi

Napasulyap ako kay Thaigo na seryosong tinitigan si Dino habang mabagal niyang nginunguya ang ubas sa loob ng bibig niya.

Yung kahit sa paraan ng pag nguya niya ay halatang galit siya

Umiwas ako ng tingin sa kanya and extended my arms to Dion but was halted when I felt a strong hand held my wrist.

Napatingin ako kay Thaigo na seryoso ang mukha. Wala sali salitang nilapit niya ang kamay kong may mangga sa bibig niya at kinain ito.

Napakurap kurap ako sa ginawa niya habang narinig ko namang nagpipigil ng tawa si Dion. Nakita kong napangiwi siya sa asim kaya naman hindi na napigilan ni Dion ang sarili na matawa. Huminto lamang ito ng binalingan siya ni Thaigo

"Dion, go back to the Mansion" Thaigo coldly said

___

6pm na pero hindi parin tumitila ang ulan. Nagtago nga ako dito sa bakanteng kwarto ng magsimulang umulan kanina, kumukidlat din kasi kaya natatakot ako.

Nakita kong gumalaw ang doorknob kaya naman napaayos ako ng upo

"Are you okay?" tanong niya habang naglalakad patungo sa akin

Tumango ako kahit medyo natatakot na baka biglang kumidlat

Lumakad siya patungo sa glass sliding door at hinawi ang kurtina

"It's still raining outside" sabi niya. Napatingin ako sa labas at nakita ang malakas na ulan. Madilim narin sa labas

Sinarado niya ang kurtina at hinarap ako "Delikado kung uuwi tayo ngayun na ganito ang panahon,"

Tumango lamang ako bilang sagot

"Dito nalang tayo magpalipas ng gabi"

Medyo gulat akong napabaling sa kanya "Pero may pasok ako bukas"

"Maaga tayong aalis" mabilis niyang sagot at tinalikuran niya ako

Hala! Hindi pa pala ako tapos sa assignment ko!

Magsasalita pa sana ako ng lumabas na si Thaigo at sinarado na ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako at humiga sa kama.

Kelangan ko talagang magising ng maaga bukas. Sa school ko nalang siguro gagawin ang assignment ko. Urgh!

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Sabay kaming kumain ni Thaigo at wala naman kaming pinag usapan kanina.

Bumalik nga si Dion sa Mansyon habang may mga tauhan kaming kasama dito.

Napahawak ako sa aking tiyan at naisip si Thaigo

Tulog na kaya siya?

Napatingin ako sa bintana bago tumayo sa aking kama. Umuulan parin sa labas pero hindi na gaano kalakas.

Lumabas ako ng kwarto at napatingin sa paligid.

Walang tao

Lumapit ako sa kabilang pinto at nilapit ang tenga ko doon. Hindi ako sigurado kung ito nga ang kwarto ni Thaigo.

Wala akong narinig, baka natutulog na siya?

Kusa namang gumalaw ang mga paa ko patungo sa baba. Himala at walang mga tauhan ngayun sa loob. Nakita kong may ilaw sa sala kaya dumiretso ako. Naka dim lang ang ilaw pero kitang kita ko si Thaigo na nakaupo mag-isa sa sala habang umiinom ng alak.

Kanina pa ba siya umiinom?

Hindi kaya lasing na ito??

Balak ko na sanang bumalik sa taas ng mag tama ang mga mata namin. Napalunok ako bago umiwas ng tingin at tatalikod na sana ng magsalita siya

"Come here" he said using his deep voice.

Napatagil naman ako sa paghakbang at kinakabahang naglakad patungo sa kanya. Tumayo ako sa gilid niya habang nakaupo siya pero bigla niya akong hinila papunta sa harap niya.

Halos manindig ang balahibo ko ng masuyo niya akong hinawakan sa aking bewang at mas hinila pa ako palapit sa kanya.

Ang tiyan ko ay sobrang lapit sa mukha niya

Unti unti niyang inangat ang isa niyang kamay at hinawakan ang tiyan ko. Napaatras naman ako sa ginawa niya.

"Stay still,Victoria" bakas sa boses niya ang galit kaya naman hindi na ako gumalaw and the way he call me by my name Victoria, alam kong galit siya

Halos itulak ko siya ng lumapit siya sa tiyan ko at masuyo itong hinalikan. Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi baka magalit siya at ngayun lang niya ginawa ito, ngayun lang niya hinawakan ang tiyan ko.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga habang tinitigan ang tiyan ko bago niya ito yakapin.

Naestatwa ako sa ginawa niya

Totoo ba 'to? Si Thaigo? Niyayakap ang tiyan ko??

He's always been cold to me at kahit ramdam ko naman na may pakialam siya sa anak namin, never naman niyang hinawakan ang tiyan ko, ngayun palang.

I heard him sighed at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap niya sa tiyan ko

"I can't believe I'm going to be a father " wika niya. Hindi naman ako nakapagsalita, naramdaman ko nalang na lumuwag ang pagkakayakap niya sa tiyan ko at muling itong tinitigan.

"Baby," he gently said habang nakahawak sa maliit na umbok sa tiyan ko.

Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko. Matutuwa? magugulat? o maaawa?

Masuyo niyang hinawakan ang tiyan ko bago pinagpatuloy ang sasabihin niya " I'm not a good person, I admit that," he looked down " I killed a lot of people" mapait siyang tumawa habang nakahawak sa tiyan ko "But I'll do my best to be a good father to you..."

Nang inangat niya ang ulo niya ay nakitaan ko ng sakit at lungkot ang mga mata niya pero may munting ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang tinitigan niya ang tiyan ko

"I will be a good father, baby. I promise" he smiled while caressing my baby bump.

I can't help myself to smile because of what he said pero ba't pakiramdam ko ay may kulang parin?

Pilit akong ngumiti habang tinitingnan siyang nakatingin parin sa tiyan ko.

I'm happy that he accepted our child but...

will he accept me too?

____

tysm for reading please don't forget to vote! ^^

You can follow me on my twt acc po for updates. We can also talk there, just dm me^^

@ Clovertell

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

7.5M 213K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
179K 3.1K 29
Started: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
595 94 6
Mowi Montalban already learned her lesson from crossing the line that her family built. She was the first one to experience the wrath of their clan...