Beautiful Mistake (Mafia Seri...

Od Clovertell

7.8M 202K 126K

She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mothe... Více

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's note
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Please Read!
THAIRON STORY!
Basahin niyoooo
I miss y'all:(

Kabanata 10

206K 6.2K 1.8K
Od Clovertell

"Sige na, gusto ko lang naman malaman eh" pangungulit ko kay Dion. Tinatanong ko siya tungkol kay manong driver na pinatanggal ni Thaigo.

Nandito kami ngayun sa kusina. Gumagawa kasi ako ng assignment ko, hindi pa nga ako tapos. Bumaba ako kasi bigla akong nagutom at nakita ko siya dito sa kusina, kumakain.

"Wala nga akong alam" sabi nito habang kumukuha ng ulam

"Imposible namang wala kang alam" humalukipkip ako at napa buntong hininga " Naaawa lang ako sa kanya" biglang lumungkot ang tono ng boses ko kaya napatingin si Dion sa akin "Kasalanan ko naman yun eh"

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Dion bago binaba ang kutsara "Oo, na sasabihin ko na" wika nito at uminom ng tubig

Napangiti naman ako

"Hindi siya tinanggal ni Thaigo, pinalipat lang. Doon siya magtatrabaho sa bahay ng magulang nina Thaigo"

"Talaga?? mabuti kong ganoon" Napangiti naman ako sa sinabi ni Dion. Mabuti naman at hindi siya tinanggal ni Thaigo

"Ewan ko ba't nagbago isip niya" sabi ni Dion bago sumubo ng kanin " basta bigla niya lang ako sinabihan kanina na huwag na lang daw tanggalin"

Napa tango nalang ako habang iniisip ang sinabi ni Dion. Oo nga, galit na galit siya kanina,akala ko talaga tuluyan ng mawawalan ng trabaho si Manong.

Magpapaalam na sana ako kay Dion ng mapansing kung kumakain siya ng ice cream

Napabalik ako sa upuan ko

"S-San.. ka bumili ng ice cream?"

Napahinto siya sa pagbukas ng ice cream " ah, eto?" Tanong niya

Tumango ako

"Hindi ba sinabi sayo ni Thaigo?" Nag tataka niyang tanong

"Yung alin?"

Napangisi siya bago magsalita "He bought you a fridge full of ice cream" at may tinuro siya sa may bandang gilid ko "Yan oh"

Napakunot naman ang noo ko at nilapitan ang isang ice cream freezer. Ngayun ko lang napansin na meron palang ice cream freezer!

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng ice cream. May ice cream in a cone, meron din yung sa stick and yung sa tub. Bigla naman akong naglaway

"Paborito mo raw kasi kaya binilhan ka niya" biglang sumulpot si Dion sa tabi ko habang kumakain ng ice cream

"Pero... Siopao naman pinaglilihian ko diba? baka naman akala niya, pinaglilihian ko din to?"

Nagkibit balikat lang si Dion bago bumalik sa upuan niya

Napatingin ako sa freezer at kumuha ng isang magnum ice cream na nasa tub.

"Sige, balik na ako sa taas. Hindi pa ako tapos sa assignment ko" paalam ko kay Dion tumango naman siya


Past twelve na at hindi parin ako tapos. Inaantok na nga ako, siguro bukas ko nalang tatapusin yung iba.linggo pa naman bukas.

Nakaupo ako habang nakatingin sa kawalan habang kumakain ng ice cream ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Nakita kong medyo nagulat si Thaigo ng makita ako. Sa kama siya unang tumingin, akala niya siguro tulog na ako.

Medyo madilim kasi lamp shade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto pero halatang parang bagong gising lang siya. Naka white sando siya kaya naman kitang kita ko ang tattoo niya sa dibdib at sa braso.

Medyo magulo ang buhok niya pero ba't ang gwapo niya parin???

Walang nagsalita sa amin hanggang sa umiwas siya ng tingin at tumikhim

"Why are you still awake?" He asked in a hoarse voice

Tumayo naman ako at nilapag ang ice cream sa mesa " uh, g-ginawa ko kasi mga assignments ko"

Tumango naman siya

"Ikaw?.." agad siyang napaangat ng tingin saken " b-ba't ka nga pala nandito?"

"Uminom lang ako ng tubig sa baba and I just wanna check if you lock your door and guess what," he sighed "You forgot to lock it again"

"Hindi pa naman ako matutulog eh" pagdadahilan ko

Humalukipkip siya at napaangat ng tingin sa wall clock bago ako binalingan " It's already late. you should sleep" malamig nitong sabi. Nakita kong dumapo ang mga mata niya sa ice cream sa mesa sa likod bago ito umikot para talikuran ako

"Salamat pala sa ice cream" mabilis kong sabi kasi lalabas na siya

Napatigil siya sa pagbukas ng pinto at unti unti akong binalingan

Ewan ko ba ba't ako kinakabahan sa tuwing tiningnan niya ako

"Nasabi ni Dion na bumili ka raw ng bagong ref at... ice cream" unti unting humina ang boses ko.

Ba't ba bigla akong nahihiya sa kanya?

Tumango lang siya bago tumikhim at hinawakang muli ang door knob

"May pupuntahan tayo bukas kaya matulog ka na" he said without looking at me at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto

Tumango naman ako kahit hindi niya iyon nakita

___

Kinabukasan

"Mga lalake talaga"

Muntik ng mapatalon si Dion ng bigla akong magsalita sa likod niya. Nasa garahe kami, may pupuntahan daw kami ngayun ni Thaigo. Nauna na akong bumaba at nakita ko si Dion, may pinapanood sa cellphone niya.

Mga babaeng sumasayaw sa tiktok

"You scared the shit outta me" sabi naman niya saken at tinago ang cellphone niya. Tinawanan ko naman siya

"Mahilig ka ring mag tiktok?" Tanong ko sa kanya at sumandal sa kotse sa likod ko

"Hindi ako marunong sumayaw, mahilig lang ako manood" sabi niya at sinarado ang itim na jacket na suot niya. Nakita ko naman ang baril sa likod niya ng umangat ang damit niya "What about you? Do you know how to dance?" tumaas ang sulok ng labi niya

"Yung mga sayaw sa tiktok?"

"Yup, the sexy one" he smirked

Marunong naman ako sumayaw pero hindi ako sumasayaw ng mga ganung sayaw sa tiktok, yung mga pa sexy. Mahilig lang ako manood.

umiling lang ako bilang sagot

Napatingin nalang ako sa mga sasakyan sa paligid. Madami palang kotse si Thaigo, yung iba sports car, may limousine, van,may mga motor at lahat yun puro itim. Hindi ko kilala ang ibang brand pero familiar ako sa Ferrari , mercedes benz at Aston martin.

"Dion" tawag ko sa kanya

He hummed in response

"Ang dami palang sasakyan ni Thaigo no?" Sabi ko habang nakatitig sa mga sasakyan

"Yup, he also owned a yacht, a chopper and-"

"Chopper?" medyo gulat kong sabi

Never pa ako nakasakay dun kahit sa eroplano hindi pa ako nakakasakay

Gusto kong ma experience yun!

"Yup, he has a chopper" nanliit ang mga mata niya "why do you sound so schock?"

Napakamot naman ako sa aking batok "w-wala lang, hindi pa kasi ako nakakasakay ng chopper o kahit anong sasakyang pang himpapawid"

Tumango naman si Dion "Kung gust-"

Napatigil si Dion sa pagsasalita ng dumating si Thaigo

Agad niyang binalingan si Dion

"Anong pinag uusapan niyo?"

"Si Eris, hindi pa daw siya nakakasakay ng chopper" Nakangising sabi ni Dion.

Sinenyasan ko naman si Dion na tumahimik pero kinindatan niya lang ako

"And?" Seryosong wika ni Thaigo at binuksan ang pinto ng kotse niya

Agad kong binaba ang kamay ko ng balingan niya ako. Sinisenyasan ko kasi si Dion.

Magsasalita pa sana si Dion ng magsalita si Thaigo

"Pumasok ka na" sabi niya at agad akong lumapit sa kotse niya.

Habang abala ako sa pagsusuot ng seatbelt ay biglang sumulpot si Dion sa gilid ko. Yumuko siya para mag lebel ang mga mukha namin

"Sabihin mo, gusto mong sumakay ng chopper" bulong  sa akin ni Dion.

"Ayoko nga" bulong ko pabalik at binalingan si Thaigo na abala sa kanyang cellphone.

"Sige na, bahala ka-"

"What are you two talking about?" Tanong ni Thaigo sa tabi ko.

Napabaling ako kay Thaigo at nakita ko itong nakatitig na pala sa amin.

"Wala" mabilis kong sagot. Lumayo naman si Dion sa bintana ng kotse.

I heard him sighed kaya napatingin ako sa kanya

"You want to ride in a chopper?" Thaigo asked me. I nodded like a kid.

Yeaheeey!!

Umiwas siya ng tingin at napalunok bago nagsalita. "ok then, we will use the chopper"

Hindi ko masabi kung napipilitan ba siya o ano. Walang emosyon kasi ang mukha niya.

"T-Talaga??" Gusto kong sumigaw at yakapin siya sa sobrang tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko. Napakagat nalang ako sa aking labi habang pinipigilang mapangiti.

Tumango naman siya bago kinuha ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa.

Lumabas kami ng kotse niya habang may katawagan siya. Gusto kong pasalamatan si Dion kaso hindi ko alam kung nasaan na siya

____

Sorry to keep y'all waiting:(( may ginawa lang po ako at gabi narin kami umuwi kagabe kaya medyo pagod. I hope y'all understand.

Tysm for reading hindi ko po akalain na madami ang magbabasa nito. I really appreciate all of your comments and votes. Thank you po talaga huhu

You can follow me on my twt acc po @ clovertell for updates:)

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

11.7K 333 7
Adonis doesn't want to believe in love anymore because of what happened to his parents. If you don't want to get shot by Cupid's arrow, you must... K...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
143K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?