- Maniac ● Stray Kids
now playing...
─────
Scarlet's POV
─────
"Nasan si Neon?!" nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Elixir. Pawis na pawis ito kaya nagtaka ako. I was confused at medyo hesitant pero tumuro
"S-sa likod ng school. Bakit ba?!" I got back to my senses kaya sinigawan ko siya pabalik. Nagthank you ito sabay takbo ulit. Wait kasama pala nito si Orio.
Sandale ano bang nangyayari. Binatawan ko ang hawak ko.
"Hoy ikaw oo ikaw bantayan mo gamit ko ayusin mo ha? pag may nagkulang diyan lagot ka sakin" sabi ko kay Void na kasama ko dito sa room. Tinaasan ako nito ng kilay pero tumango parin at ibinalik ang attention sa librong binabasa
Lumabas ako ng room at sinundan sina Orio at Elixir. Ano bang nangyayari sa dalawang toh?
Naabutan ko pa sila. Tumago ako at nakita sina Kuya at Elixir na nag uusap. Sa itsura ni kuya mukhang nagtataka rin siya pero tumango ito.
Nagsimula na si Elixir umakyat sa pader at nang maka-akyat na si Elix ganon rin ang ginawa ni Orio. Nakakapagtakang di sumama si Kuya pero nakita ko na itong maglakad palayo. Pupunta siguro si Kuya kay ate Syrie kasi dun siya dumaan.
Wala na si Kuya kaya nagsimula rin akong umakyat ng pader. Shuta nakaakyat nga ako kaso sumabit yung palda ko sa bakal na naka angat kaya hinigit ko nalang ito at unti lang naman yung napunit sa palda ko.
"Cal?" Wait tangina kala ko ba hindi siya susunod?
"Shit" Binilisan kong bumaba. Baka lalo pa kaming mahuli.
"Hey hey hey!" Tumakbo si Void papunta sa pader pero nakababa na ako at nagsimulang tumakbo. Lalo kaming mahuhuli masyado na kaming marami. Well apat lang naman kami so...
Sinundan ko kung saan tumakbo sina Elixir. Nagulat ako sa nakita ko. They we're fighting with someone.
Nakahiga si Orio at sinasakal siya ng mysterious looking guy. What the fck is happening?! Si Elixir ay nakahiga sa gilid habang hawak ang tiyan kasi dun siya pinagsusuntok. Nadugo ang ulo nito habang si Orio naman ay puro sugat na. Wait those wounds... on Orio and Elixir... did that scumbag tried to kill Orio and Elixir with a pocket knife?!
Napansin kong pilit inaabot ni Orio ang pocket knife at mukhang nawawalan narin ito ng hininga.
Naghanap ako ng pwedeng pang hampas at nakakita ako ng tubo sa may tabi ng kalsada. I picked it up and smashed it on the guys back kaya nabitawan nito si Orio at tumingin sakin. Why the fuck is this man's eyes bloodshot red?! what a creep!
"You fcking bitch" Lumapit ito sakin. Nakita ko si Orio na huminga ng malalim habang si Elixir ay pinipilit na tumayo. I tried to hit the man again pero nasalag niya ito at sinuntok ako sa mukha. Damn he's strong..
Bigla akong nanlamig ng bigla itong naglabas ng baril mismo at tinutok sakin. Narinig ko itong pumutok kaya napapikit ako pero naramdaman kong may tumulak sakin
"Cal why the hell are you here? Ako ang papagalitan ng kuya mo neto?!" Elixir said na may gana pa sermonan ako
"Tanga ka ba edi kung di ako pumunta dito edi baka wala na kayong malay!" sigaw ko at pilit na kinuha yung tubo na lumipad nung suntukin ako ng lalaking yun
"Guys... now is not the time para magsisihan please" napatingin kami kay Orio na sinakal nanaman at tinutukan ng baril sa ulo. Balak sana lumapit ni Elixir sa lalaki pero naghesitate siya..
Aba gago toh. Sinakal si Orio tas sasakalin pa ulet?
"Sige subukan mo gumalaw, sabog ang ulo nito" ani ng lalaki pero may biglang dumating at pilit na inagaw ang baril sa lalaki. Nakawala si Orio sa pagkakasakal ng lalaki.
"KUYA!" sigaw ko ng hampasin ng lalaki sa mukha si Neon ng baril
"Scarlet stay back. GAGO VOID ASAN KA NA BA?!" sigaw ni Neon at nakita na may isa pang lalaki na umakyat sa pader at nakita ko si Void na may dalang baseball bat.
Sinipa ng lalaking nakablack si Neon sa tyan kaya napahiga ito. Sinipa-sipa nito si kuya at tumakbo bago pa siya maabutan ni Void. Hinarangan ni Elixir ang lalaki kaso nakalagpas ito at nakatakbo na.
"Scarlet are you okay?" tanong ni Kuya na pinilit tumayo at nilapitan ako. Tumango ako
Tinulungan ko si Kuya na maglakad pabalik. Habang si Void naman ay tinulungan si Orio at Elixir. Bumalik kami sa pader at tinulungan umakyat ang dalawang lalaking bugbog sarado na, Elixir at Orio. Papaakyatin ko na sana si Kuya umiling ito
"Ikaw na umaakyat Scarlet. I'm fine. Susunod nalang ako sayo. Hoy mga bugok tumalikod kayo nakapalda yan si Cal. Ang sumilip dadagdagan ko pa ang pasa kahit bugbog sarado kayo" pinatalikod ni kuya Neon yung mga lalaki dahil daw nakapalda ako. Tumalikod naman sila. I just shrugged and climbed the wall at madaling nakaliban. Pagkaliban ko nakita ko si Stacy na tinulungan na si Elixir.
Pinanuod kong lumiban si Void at Kuya Neon. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa infirmary ng school. Tinulungan ni Stacy si Elixir habang tinutulungan naman ni Void si Orio. Si kuya Neon naman ay naglalakad ng maayos at kala mo hindi siya pinagtatadyakan ng lalaki. Pero halata namang pinipilit lang niya maging okay kaya napailing ako.
"Don't act tough" sabi ko kaya napatingin ito sakin at tinaasan ako ng kilay
"Huh?" pagtataka nito
"Halata namang di ka okay" pagsusungit ko kaya tinawanan lang ako nito
"Okay lang ako" sabi nito kaya tumango nalang ako at sinamaan siya ng tingin
"Okay"
"Wait nag aalala ka ba? Himala nag alala ka sa kapatid mo" tinawanan ako ni Neon. Kung sipain ko rin kaya toh katulad ng ginawa nung lalaki. May balak pa siya mang asar. Sinubukan ko siyang tadyakan pero mabilis itong nakaiwas. Bugbog sarado madali pang makaiwas ng ganon. Sanay na nga pala toh sa bugbugan kaya hindi na ako magtataka.
Habang naglalakad kami nakatingin samin ang mga estudyante. Naririnig ko ang mag bulong ng estudyante. Nabulong ba talaga tong mga ito or nag paparinig?
Tiningnan ko si Kuya Neon na pekeng ngumiti kahit naririnig niya yung mga pinagsasabi ng mga estudyante sa paligid niya.
"Sinong bumugbog sa Elixir ko?"
"Wait kasama nila si Neon?!"
"Hindi kaya binugbog sila ni Neon?"
"Sa pogi ni Neon sa tingin ko di niya magagawa yun"
"Tanga, lagi namang nambubugbog si Neon so hindi porket gwapo nga di niya na kayang manakit ng tao. Hulaan ko si Void at Scarlet nag awat sa mga yan sabay namaday si Orio. Nakakalungkot kasi nadamay pa yung school angel natin sa mga gulo na ginawa ni Neon"
"Don't spread rumors please" may narinig kaming familiar na boses at nakita si ate Kisha kasama si Syrie, Tyco, Cassidy at Harmonia.
"How can you say na rumors pinagsasabi namin" naglakas loob pa talagang magtanong ang estudyanteng sinisiraan si Kuya
"The way you said na 'Hulaan ko'. Hinuhulaan mo lang kasi di ka sure. Now please go back to your classes" utos ni ate Kisha kaya pumasok na ang mga estudyante sa kani-kanilang klase
Madali kaming nakaabot sa infirmary.
"Neonnnn~" sabi ni ate Syrie at pinunasan ang dugo sa labi ni kuya Neon habang nginingitian lang ito ni Kuya.
Tumingin ako kay Ate Kisha na tumingin lang sa ibang direction. May binulong si Void sakanya kaya tumango ito at lumabas na ng infirmary.
"Anong nangyari kanina at bigla nalang nakipagbugbugan tong dalawang toh?!" sigaw ko sabay turo kay Elixir at Orio. Mukhang wala ang mga school nurse kaya si Stacy na mismo nag gagamot kay Elixir habang si Void ay ginagamot si Orio.
"Syrie will you please give us some time to talk about something?" sabi ni Void. Ate Syrie hesitantly nodded at lumabas ng infirmary.
"That scumbag was spying on me. Not just me kasi pinanuod rin niya kami ni Stacy sa rooftop!" iritang sabi ni Elixir kaya nagulat kami. Tiningnan naman ni Cassidy si Stacy na nagtakip lang ng mukha dahil aasarin nanaman siya ni Cass
"Cass now is not the time" ani ni Stacy at patuloy na ginamot ang sugat ni Elixir
"Wala naman akong sinabi nginitian lang kita" pang aasar ni Cassidy na nakangiti parin
"Let's talk about this later. Baka may makakinig pa sa atin. Let's stay alert as well at pakiramdaman kung anong nangyayari sa paligid kasi may possibility na mangyari toh ulit" sabi ni Tyco kaya tumango kami. Lumabas na kami ng infirmary except kay Stacy, Orio, Void, Elixir at Kuya Neon. Nagsimula nang maglakad papunta sa mga klase namin...
TO BE CONTINUED..
_____
{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : NEW UPDATE! Sorry for slow updates and sorry because hindi ko ulit toh naproofread lmao
🖋 : [03. 09. 22]