District Survival Online

De gold_luv

14.3K 1K 594

As Euphrasia Yesenia Kristopher played District Survival Online she started to dream about becoming a Profess... Mai multe

gold_luv
Chapter 1: District Survival Online
Chapter 2: The Captain with Principles is No Longer Ruling
Chapter 3: Introducing Captain's
Chapter 4: Captain Lazarus
Chapter 5: Nesfruta Buko Why Not!
Chapter 6: Pulling Out with Principles
Chapter 7: Welcome to District Survival Online!
Chapter 8: Welcome to District 1!
Chapter 9: Wild Rabbits
Chapter 10: Big Rabbit Head
Chapter 11: Auditorium of Illegality
Chapter 12: Kicked and Furious
Chapter 13: Party Quest
Chapter 14: The Warlock
Chapter 15: Rant with Tears
Chapter 16: DSO ANNOUNCEMENT
Chapter 17: Principium's
Chapter 18: Singh City
Chapter 19: Against Bandits and Zombies
Chapter 20: 1v1 with the Captain of Principium
Chapter 21: Who Won?
Chapter 22: Leveling with Captain Aexl
Chapter 23: District Survival Online League
Chapter 24: District Survival Online League Battlefield
Chapter 25: The Captain
Chapter 26: The Blue Wolf
Chapter 27: Strange Gestures
Chapter 28: Mysterious Island is Mystery
Chapter 29: Poseidon's Lair
Chapter 30: "The Captain's"
Chapter 31: Game Plan
Chapter 32: Team Dinner
Chapter 33: Changes is Madness
Chapter 34: The Tournament Day
Chapter 35: District Survival Hideous Night
Chapter 36: Tears of Madness
Chapter 37: District Survival Line Up
Chapter 38: Nonsense Quarrel
Chapter 39: District Survival Day 14
Chapter 40: Cellphone
Chapter 41: District Survival Last Skirmish
Chapter 42: District Survival Last Skirmish (Part 2)
Chapter 43: The Result
Chapter 44: DSO Domination
Chapter 45: The Girlfriends
Chapter 46: District Survival Tournament
Chapter 47: With Silent Peace
Chapter 48: Contacted
Chapter 49: DSO PH PARTY
Chapter 50: The Meeting
Chapter 51: Officially Married
Chapter 51.2: Boothcamp
Chapter 52: Hideous Clash, First Game
Chapter 53: Illegal Clash
Chapter 54: Touch of Hunger
Chapter 55: Used
Chapter 56: Accused
Chapter 57: Blessings in Disguise
Chapter 58: Happy Birthday
Chapter 59: New House
Chapter 60: First Tournament
Chapter 61: Out of Financial
Chapter 62: Paid
Chapter 63: Holding On
Chapter 64: Truth
Chapter 65: Wiping Tears
Chapter 66: Against Silent Peace
Chapter 67: Captain
Chapter 68: Luctor et Emergo versus Commanders Cry
Chapter 69: Luctor et Emergo versus Blue Whale
Chapter 70: Luctor et Emergo versus Onyx Steal
Chapter 71: Media
Chapter 72: The Dangerous Captain
Chapter 73: Practice Play
Chapter 74: Clash for Survival
Chapter 75: Veneracion
Chapter 76: Beach of Memories
Chapter 77: Pageant Night
Chapter 78: Money
Chapter 79: China
Chapter 80: Town Survival
Chapter 81: Disappointment
Chapter 82: ⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄
Chapter 83: (っ˘з(˘⌣˘ )
Chapter 84: ♡(> ਊ <)♡
Chapter 85: Starting Point
Chapter 86: New Information
Chapter 87: Introducing Captain's
Chapter 88: Summer Cup
Chapter 89: Summer Cup (2)
Chapter 90: Last Clash for Chance
Chapter 91: Accused to Cheating
Chapter 92: ('∩。• ᵕ •。∩')
Chapter 93: Missing
Chapter 94: Roar for Luctor et Emergo
Chapter 95: Luctor et Emergo vs. Tremendous Burn
Chapter 96: District Survival: Overpowered Captain's
Chapter 97: The Result
Chapter 98: Celebration/Recruiting
Chapter 99: Interview: Summer Cup Captain's
Chapter 100: Dinner Night
Chapter 101: Team Discussion
Chapter 102: Live
DSO: Merry Christmas
Chapter 103: Announcement of Cancellation
Chapter 104: Tiger
Chapter 105: Zilch
Chapter 106: Aberra's Dragon Head
Chapter 107: The Farewell Wildness
Chapter 108: Preparing
Chapter 109: The Return
Chapter 109.2: Back to the Island of Mystery
Chapter 110: It's All Coming Back
Chapter 111: Luctor et Emergo
Chapter 112: Interview
Chapter 113: Hi Home
Chapter 114: Chimera Ant Raid
Chapter 115: Chimera Ant Raid: The King's bow
Chapter 116: 'Euphrasia cheated'
Chapter 117: A Call
Chapter 117.2: Luctor et Emergo's Interview
Chapter 118: Out for Delivery
Chapter 119: District Survival Online Season 7
Chapter 121: District Survival Day 1
Chapter 122: District Survival Day 2
Chapter 123: Luctor et Emergo vs. Death List
Chapter 124: Slot
Chapter 125: Luctor et Emergo vs. Hidden Descendants
Chapter 126: Came from the Worst
Chapter 127: Number
Chapter 128: La Union
Chapter 129: Collectors of Captains
Chapter 131: Rose Among Thorns
Chapter 130: Next Figure [District Survival Day]
Chapter 131: Backing Him Up
Chapter 132: Premonition
Chapter 133: Doubt
Chapter 134: The Quarter Finalists
Chapter 135: Second in Command
Chapter 136: Black Angel
Chapter 137: Wrath of Principles
Chapter 138: Escaping
Chapter 139: Cottagecore
Chapter 140: Level 10
Chapter 141: Trust
Chapter 142: Korea's Heartthrob
Chapter 143: Sparks

Chapter 120: The Head

65 9 5
De gold_luv

After they played the video, we're called na pumunta sa backstage to wave our groups flag and here's the girls now. Inaayos nila ang buhok ko, nilagyan naman ako ni Sierra ng lipbalm para daw hindi ako magmukhang maputla.


When they're done, nilahad sa akin ni Rie ang flag. This one is black-gold mix, katulad ng jersey na suot namin ngayon. Tumayo na ako at nagpaalam sakanila. 


I'm peacefully walking when someone elbowed me at nakisabay sa paglalakad ko. Nilingon ko agad si Aexl. 


"Hi miss, may boyfriend ka na?" he asked.


"Wala." sagot ko.


"Pwede bang pa-apply?"

"Wala akong pang sweldo." sagot ko, tumawa naman kaming dalawa.


"Pogi mo ngayon a." I told him. Pasimple niyang kinuha ang kamay ko at pinagsiklop ang daliri namin sabay lagay sa bulsa niya. That made me chuckled.


"Alangan naman magpahuli ako e ang ganda mo." Aexl uttered.


"Ang laki ng arena no?" I diverted the topic at tumingin sa kung saan saan para iwasan ang sinabi niya. It's really corny but my heart flutters like hell.


Narinig ko naman ang pagtawa niya. Nilingon ko siya at napatawa na lang rin. "Diba?"


"Mukha ka nang gasul na puputok. Kinikilig ka ba?" nangaasar siyang tumawa.


"Hindi, tangina mo." I hissed and tried to make my expression stoic to make him believe pero ang gago binigyan ba naman ako ng sure-ka-ba? look tapos naka-nguso pa ang labi niya. Tumawa ako. I leaned on his shoulder sabay kagat.


"Yah!" he cracked a laugh after niyang lumayo sa akin pero hindi niya naman binitawan ang kamay ko. Bumungisngis ako.


Naghilahan kaming dalawa habang naglalakad parin, wala naman kaming may nagagambala dahil walang katao tao ang papunta sa backstage.


Napatigil nga lang ng may tumikhim. Aexl and I look back seeing Raiven, Sven and Levi. May mga hawak na tubo, mukhang mga flag nila.


"Pagpatuloy niyo na 'yan, okay lang kami rito sa likod." Ani Sven, tumango naman ang dalawa.


Napailing si Aexl habang may ngisi. "Hanap na kasi, madami don."


"At nang bugaw ka pa."


"Syempre, parang nung Season 2 ka pa walang girlfriend e." Aexl told Sven who dramatically held his chest.


"Pigilan mo 'ko pre." sumandal sandal siya kay Raiven pero tinulak lang siya nito.


"Ayoko nga." he hissed. We all burst into laughters.


Pagkarating sa likod kumpleto na nga kami dahil nandito na rin sila. Nakipagbatian naman ako kina Kuya Arthur at kina Fillian na ang iingay parin.


They gathered us sa likod ng malaking projector kung saan bubukas para makapasok kami, then there's a staff that told us instructions.


Maingat rin naman kaming nakikinig, after that, pinalinya na kami. Ako ang nasa pinakahuli samantalang si Smile ang nasa harapan ko, kasunod niya naman si Aexl na sinundan ni Hero and so on.


We're called one by one and hindi mawala wala ang lakas ng dagundong ng dibdib ko. Hindi ko man nakita sina Mama kanina pero alam kong nandito sila and the other thing is, I fear people, but still, I have to represent my team.


Nang tawagin si Aexl, sinulyapan niya muna ako. Binigyan ko siya ng tango kaya ayon na siya, lumabas na sa kung saan kaming dalawa na lang ni Smile ang natira.


"Kinakabahan ka no?" baling niya sa akin.


Tumango ako. "Medyo."


"Stop thinking what those people think of you, think of those people who's around you, sila ang meron ka at hindi ang mga dagsa dagsang tao na 'yan. They can only criticize but never let them dragged you to the dirt. You team will be affected cause you know. The strenght of the team always comes first from the Captain."


Iyon ang mga sinabi ni Smile bago siya lumabas and i'm thankful with that. People around me always say that they're always with me but here am I thinking about strangers who only criticize me, iniisip ko ang mga susunod na sasabihin nila hanggang sa magpakalunod nanaman ako sa isipin na kung ano nanaman ang makakarating sa pamilya.


Malalim akong napabuntong hininga. Lolo must be here. I should show that the youngest is not weak, kailangan ko paring ipakita na matapang ako kahit ang totoo nangingisay sa takot ang loob loob ko.


"Town Survivor! Captain Roaaaaaaaaaaar!"


I was startled, pero agad ring nakabawi ng bumukas ang projector. Ngayon ko lang rin na-realize na walang tubo na paglalagyan 'tong flag, but it doesn't matter.


Lumabas ako, there's nothing in my face than an amuse smirk. They were booing me but I don't give a fuck after I saw my mother looking straight at me na baka kapag nagpadaig ako sa mga taong 'to, e paluin niya ako. Mas takot ako sa nanay ko kesa sa mga taong 'to.


My friends in e-sport are all standing while cheering, kulang na lang daigin nila ang sigaw ng nasa paligid. Kahit kasi ang mga grupong hindi naisali sa Season 7, nandito para manuod.


Niladlad ko ang watawat ng makarating ako sa gitna. I turned around and walked, showing the flag fully. After i finished, lumapit ako kung saan na sila nakatayo. They went at the center and Aexl and Smile made a space in between at itinuro sa akin kaya doon ako tumayo.


Habang nasa gitna, napatingin ulit ako sa pwesto ni Mama, nilukob na ulit ako ng kaba ng makita si Lolo na nakaupo katabi si Papa, Mama at ang mga kapatid ko. My eyes darted to my nephews. Kumaway sila sa akin kaya ngumiti ako at pasimpleng kumaway.


Akala ko magpapakita lang kami rito pero hindi e, may tanungan pa pala. Isa isa nanaman kaming tinanong hanggang sa umabot na nga kay Aexl.


"Captain Cerberus, for being the champion for 4 consecutive times, may aasahan ka pa bang iba sa season 7?" the host asked. Pinasa ni Raiven ang hawak niyang mic kay Aexl.


"Of course, I do have. And that is..." kunwari siyang nag-isip samantalang ang Principium sa baba kani-kaniyang sigaw na maliban kay Chevi na tumitili. "Our 5th win." 


Ang mga kapatid ko proud na humiyaw kasama ang buong Principium kahit nasa upuan sila kung nasaan sina Lolo.


"Lahat naman habol ang tropeyo ngayong season 7." the host chuckled. "Next up, Captain Roar of Luctor et Emergo."


"Roooooaaar!" that was Luctor et Emergo cheering na sinabayan rin ng mga players sa ibaba.


Ipinasa ni Aexl sa akin ang microphone.


"This will be the first Disctrict Survival of Luctor et Emergo right?" he asked right away. "and before this, what competitions are you into?"


"It is, this is our first season." I answered, ang watawat namin nakasablay lang sa likod ko. "Well, we had several clash, but most of them were local, mga kalaban namin ang mga grupo ring nagtatayo sa bandera ng Pilipinas pagdating sa larangan ng e-sport."


Umangat ang sulok ng labi ko. "And the biggest competition we had was the Town Survival where Luctor et Emergo was titled as the Town Survivor, inuwi lang naman namin ang unang panalo ng Pilipinas."


"LAST SURVIVOR YAN!" hindi ko kilala kung sino ang sumigaw pero lumakas bigla ang hiyawan. Si Aexl sa tabi ko pumapalakpak pa.


I smiled and raised my thumb, nag-thumbs up ako sa sumigaw.


After we finished the little talking, bumaba na kaming lahat dahil sasabihin na ang magiging schedule namin.


Day 2 ang laro namin, kalaban namin ang Death List na hindi kami masyado pamilyar but in that span of days, pinag-aralan naman namin sila kaya I'm confident that my team can surpass and defeat them.


After the ceremony, nilapitan ako ni Papa. "Nak, sumunod kayo agad ni Lachlan sa bahay. Dalhin mo na kotse ko. Nauna na ron ang Lolo at Lola mo kaya sumunod ka agad ha?"


Tinanggap ko naman ang susi ng kotse ni Papa.


Tumango ako kay Papa. "Opo, magpapaalam lang ako sa mga kasama ko."


"Mag-ingat ka." ginulo ni Papa ang buhok ko. Si Mama wala na sa loob, ayaw nun nang may kumakausap sakanya e. Alam mo na reserve na tao ang mama ko and she don't like being entertained or to entertain unless it's necessary or utos ng mga magulang niyang pinaka-strikto.


"Babalik rin kami after dinner siguro." I told them.


"Good luck, girl." tumawa si Loki. He already meet Lolo nung college kaming dalawa, sa pagkakatanda ko, galing kaming laguna non para lang mag-EK, e nalaman, edi napagalitan kaming dalawa since hindi kami nagpaalam. Pinaghalaan pa nga kaming may relasyon nun. It's still funny to me.


"Sama ka kaya." pag-aya ko kay Loki na nakaangot ang braso kay Eustace na nagse-cellphone.


"Gaga, ayoko. Nakakatakot Lolo niyo." aniya, napatawa naman kami ni Lachlan.


After we bid a farewell, dumulong kami kung nasaan ang sasakyan ni Papa, ginamit niya ang Lamborghini LM002 niya. It's cool.


"Ako na magda-drive." I told him. Wala naman siyang kontra dahil bago pa siya makapagsalita naunahan ko na siya sa driver's seat.


Napangiwi na lamang siya at umikot sa kabila.


"Hindu ka na ba magpapalit?" he asked me. Nagpalit siya ng t-shirt na puti pero sinuot niya parin ang jersey namin.


Umiling ako. "Wala akong dala. Mabilis lang naman tayo don, paniguradong kakain tayo sa bahay sabay sandamakmak na tanong galing kay Lolo."


"Kinakabahan ako." aniya habang nasa kalagitnaan kami ng andar. Hindi ko masyadong ginigilid ang sasakyan dahil bike lane na 'yon, pangit naman kapag inukupa ko ang daanan na hindi naman sa akin.


"Ako rin." pag-amin ko. Ang side ni mama ay puno ng mga taong kaugali niya, reserve and passive type of people. Kaya nga natatakot ako kina Lolo at Lola e. Okay naman ang mga pinsan ko sa side na 'yon dahil pare-pareho kami ng description sa mga magulang namin at sa dalawang head ng pamilya. "Sa tingin mo papagalitan ako?"


"If they will do that they're talking nonsense." binuksan ni Kuya ang bintana ng sasakyan at doon binuga ang usok galing sa vape niya. "If they can understand it, maniniwala na talaga ako sa salitang pamilya sa side ne 'yon."


"Nakakatakot sa side na 'yon no?" I chuckled.


He nodded. "Yup, okay naman ang mga pinsan natin ron, si Colonel lang talaga. Nakakatakot kasi, paano na lang kaya kung dito 'yon Colonel, edi hindi tayo makakalabas ng walang kung ano anong ka-striktuhan."


Napatango ako sa sobrang strikto ni Lolo, paniguradong hindi kami ganito ni Lachlan ngayon, paniguradong isa kaming mga bata na tatakas pa muna sa bahay bago maka-gala. I couldn't explain it but if Lolo is living with us, paniguradong ibang iba kami ngayon.


Dumaan muna kami sa isang wine store para bumili, Lolo likes wine, mom always told me that. Isang wine lang ang binili namin ni Lachlan because this wine is rare and cannot be find anywhere, well not really, mahahanap mo raw ito sa mga auction sabi ng seller. It's a screaming eagle wine that cost for 7 thousand dollars just for a single 750 ml bottle.


"Ang mahal ng kinginang wine na 'yan parang gusto kong tikman." aniya ng makapasok kami sa sasakyan.


Napatawa ako. "Hanap tayo sa susunod. O di kaya, bibili ako nito kapag manalo tayo sa DSO."


"Sabi mo 'yan ha, libre ha, libre. Hindi ko sinabing pati ako magbabayad."


Natatawa akong tumango. "Oo nga."


"Hindi ko na 'yan kakalimutan, ilalagay ko sa notes ko." he stated at nagpindot sa cellphone niya.


Pinaandar ko ang sasakyan at akmang aalis na ng biglang may bumunggo sa likod ng sasakyan. Nagkatinginan kami at mabilis na bumaba.


And there we saw a food delivery guy in a bike. Yung bike niya nayupi ang halos kalahati ng bike niya, ang laman ng bag niya nagkalat na sa parking space. Si manong nakaupo lang sa gilid.


"Kuya, okay ka lang po ba?" tanong ko ng makalapit ako. Si Kuya itinayo ang bike niya at isinandal muna sa sasakyan.


Tiningala ako ni Kuya, namumuo ang luha sa mata niya "Ma'am sorry po talaga ma'am. Nabangga ko po yung sasakyan niyo. Mabilis po kasi pagpatatakbo ko, nagmamadali po kasi ako para mag-deliever. Nawalan rin ako ng preno ma'am. Sorry po talaga ma'am."

Nilingon ko ang sasakyan, may yupi nga talaga ang likod pero hinayaan ko na 'yon.


May lumapit sa aming staffs ng store at isang security guard.


"Manong, dumudugo po paa niyo, tara muna sa hospital." pag-aya ko. Hindi magandang iwanan 'tong si Kuya ng ganito. Wala akong problema sa sasakyan dahil pwede pang mapaayos 'yan pero itong si Kuya, mukhang malala ang tama, hindi lang kasi paa niya yung dumudugo kundi yung noo niya at pisnge.


"Ay hindi na po ma'am." Umiling siya. "Hayaan mo na po, pagusapan na lang po natin yung na-damage ko sa sasakyan niyo ma'am, babayaran ko ho."


"Kuya tara na, don't mind the car. Baka maubusan ka na ng dugo jan." I told him. At last pumayag rin. 


We drove to the nearest hospital. We're recognize kaya may umasikaso na sa aming mga nurse.


"Anong plano mo?" tinunggo ako ni Kuya habang naghihintay kami na magamot siya. Good thing wala siyang bali at puro sugat lang.


"I'll pay the hospital bill, sabihin ko na lang rin kay Papa yung nangyari sa sasakyan niya, hindi naman magagalit 'yon."


"Ako na sa casualties. Kawawa naman 'yung tao." napabuntong hininga si Kuya.


"May alam ka bang bilihan ng bike rito?" I asked him.


"Sa tabi ng hospital na 'to, bibili ka ba?"


I nodded. "He's working, at na-damage ang bike niya, hindi na magagamit 'yon."


"Paglabas." I gave him a nod.


After magamot ni Kuya, pinagpahinga muna siya. He keeps saying sorry to us and we said it's fine. He's worried about his deliveries at sweldo niya ngayong araw, hindi ko naman maiwasang maawa.


"H'wag ka na  mag-alala sa ide-deliver mo, babayaran ko na lang po. I-cancel mo 'yung appointments mo sa pagde-deliveran mo Kuya, kami na pong bahala, magpagaling ka na lang jan muna." Pagkausap ni Kuya Lachlan. Itong walang hiyang 'to nagpasuyo pang magpabili ng bike sa security guard ng hospital, mabuti na lang talaga mabait at pumayag.


"Ma'am, Sir, sobra na po. Ako po yung may kasalanan...sorry po talaga, ayos lang po talaga."


Umiling ako. "Okay na po Kuya, magpagaling ka lang po jan. Hindi na natin kailangang magpa-pulis dahil lang sa sasakyan."


Nagpasalamat si Kuya. We then bid a farewell to him after Lachlan gives him another tip, just a little money, I paid the bills at pumunta sa pinag-parking-an ng sasakyan pagkatapos ibilin sa guard na ibigay ang bike kapag nakalabas na siya.


"Pa, nayupi yung likod ng sasakyan." Iyan agad ang bati ko sa Papa ko ng makapasok sa bahay.


His eyes filled with confusion. "Why? Nag-reckless driving ba kayo? Isang oras kayo bago makarating rito, 15 minutes lang ang byahe."


With that, Lachlan and I explained what happened. Sina Kuya na kakalapit lang, nakikiusisa na.


Dad ruffled my hair so as Lachlan. "It's okay, it's just a car. Mapapaayos rin naman 'yon. Wala na bang ibang casualties or may nasaktan pa?"


"Wala na Pa."


"Alright that's good to hear, tara na sa kusina. Better explain to Dad why the two of you are later." tumango kami.


Naglakad kami pero may kengkoy na umakbay sa akin, ngumisi pa siya kaya nagmu-mukha siyang holdapper.


"Kapag binangga ko ba sasakyan ni Papa, bibilhan mo rin ako ng bike?" tanong niya. Inakbayan rin ako ni Kuya Yuri, mga naghihintay ng sagot.


Sabay ko silang siniko sa tiyan. "Mukha ba akong may pera?"


"Oo." they answered.


Napairap ako. "Sa yaman niyong 'yan manghihingi pa kayo sa'kin? Haleerrr, manigas kayo jan."


"Damot, bike lang e." napairap ako, lakas makahingi na para bang hindi sila mayayaman. Magpapaambon nga sana ako e.


Pagdating sa lamesa, both side ng pamilya ko nandito, just the head of the house. Sina Lolo at Lola.


"Why are you late?" Colonel, my Lolo, asked us. Napaigtad pa ako sa lalim at striktong boses niya.


Tinunggo ako ni Lachlan kaya nagpaliwanag ako na sinundan niya rin naman. Ang mga mata ng mga nakakatanda na sa aming dalawa, itinago ko naman ang kamay kong nanginginig sa bulsa ko. Then there's my nephews. Mukha silang iiyak habang nakatingin sa amin habang ginigisa ni Lolo sa mga tanong niya.


"Euphrasia Yesenia." he called. Si Cris tuluyan ng umiyak kaya inalo siya ni Kuya Eiko na gusto siyang tawanan. Siraulo talaga.


"Yes, Colo--"


"Do we look like in a warzone? Hindi ka naman nagta-trabaho sa militar para tawagin akong Colonel."


I swallowed the lump in my throat. That's my bad. "I'm sorry, Lolo."


"Let me ask you...is it necessary to spare money to strangers?" tanong niya. Akmang sasagot ko ng magsalita pa siya muli kaya halos tiklop na tiklop ang labi ko. "Ikaw ang binigyan niya ng casualties because of him being reckless, bakit ka nagbigay? You're not making money...you're working."


Sandali akong nanahimik. Inilabas ko ang kamay ko sa bulsa ko at winahing ang buhok ko. I'm nervous but I have to answer. "May kaya ako, Lo. Kapag naka-kotse siguro 'yon baka hiningan ko na para lang mapaayos ang sasakyan. Besides, he have his reasons, it was an accident. He's rushing and his break was not working properly. Hindi niya naman kasalanang mawalan siya ng break, hindi niya naman siya siguro siraulo para tanggalin ang break at magiging pa-victim. If I can help then I would, i'll help to ease the burden."


"You don't know him." aniya ng may diin.


"Bakit, may pangalan at address ba ang salitang pag mamagandang loob?" I told him.


My brothers was pursing their lips, they didn't expect that. Si Dad naman nilingon si Mama na nakangisi lang.


Tumikhim si Lolo. "Alright, you had your point. Sit down."


Pasimple kaming nag-apir ni Lachlan at umupo.


"Gago ka, ako yung kinabahan para sa'yo." bulong ni Kuya Yuri. Napailing na lang ako.


Pag-upo ko, nilapitan agad ako ng mga pamangkin ko. Natawa ako sa mga mukha nila. I wiped Cris' tears.


"Why are you crying?"


"Lolo in tuhod scolded you. Hurt you?"


"Nah-ah, I'm okay. We're just talking." I smiled at Cris.


Binigay ko kay Lolo ang wine. Mariin niya pang tinitigan iyon at walang reaksyon na ibinaba sa tabi niya. 


"So..."


Kakasubo pa lang namin nagsalita na si Lolo. Gigisahin nanaman yata kami.


"Hanggang e-sport lang ba kayong dalawa?"


Sinipa ko si Lachlan sa ilalim ng mesa, siya na maunang sumagot ako kanina yung sagot ng sagot e.


"No, Lo." ani Kuya Lachlan. "I started franchising..." ikinuwento ni Kuya ang mga balak niya bago umalis sa pagiging e-sport player  at ito ako ngayon, walang may maisasagot.


"That's good, naka-graduate ka?"


"Yes I am."


"Do you have a girlfriend?" deretsong tanong ni Lolo.


"I have a fiance, she's Sierra. She's in the same group with me under Euphrasia's lead. She's a graduate, business and finance."


Gusto kong magpabaon sa lupa at gusto ko ring ibaon si Kuya Eiko sa lupa na kanina pa asar ng asar na lagot daw ako.


"Okay, that's good." that was his last words bago uminom sa wine na naka-hain.


Akala ko nakalampas na ako pero hindi. Tinignan ako ni Lolo.


"Buong buhay ka na lang ba maglalaro, Euphrasia?"


"Uhm... I haven't think of t-that lately."


"You're not planning your future, saan ka papatungo niyan kung ganon?" hindi ako nakasagot. "You're an engineering graduate, bakit hindi mo pinagpatuloy?"


"I focused in my game, earning and such."


"Wala ka bang plano sa buhay mo? Puro ka laro."


Tumingin ako kay Mama para manghingi ng tulong but she just stared back at me na para bang pinapahiwatig na sagutin ko lang ng kung anong sagot ang naiisip ko.


"I have plans and that is to play." I answered. Sunod sunod akong nakatanggap ng sipa sa ilalim ng mesa galing sa mga kapatid ko.


Napatango si Lolo. "You have a boyfriend, your mom told me."


"I have." I answered at sumimsim sa beer na nasa harapan ko. Biglang umangat ang kilay ni Lolo. "Lo, I'm 24."


Napailing iling siya. "Kailan niyo balak magpakasal?"


My lips formed an 'o'. Naitikom ko na lamang ang labi ko ng napailing ang mga kapatid ko at pati na rin si Papa.


"It's early, Lo." ani Kuya Euriel.


"It's not if that man is really sure with you." sabi ni Lolo. "May balak bang pakasalan ka ng boyfriend mo ngayon? Cause if not... I'll introduce you to my friends grandsons."


"Lo." everyone from the table calls out. Pinsan, kapatid at ang mga tita ko.


"What? Isn't it perfect to arrange some marriage?" sumilay ang ngiti ni Lolo. 


Tinunggo ko si Kuya Eiko na nasa tabi ko. I don't like this one. Nasa kalagitnaan ako ng liga sa laro tapos ngayon kaharap ko ang Lolo kong gusto akong ipagkasundo.


"That won't work." nagsalita si Mama. I feel so relief.


"Why not? His boyfriend is not even here."


Gusto kong huminga ng marahas. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Lolo. Bakit ba kasi nandadamay 'to ng love life kong nananahimik?


"I don't have any problems with Lachlan since the woman named Sierra is already his fiance. So...how about you now, Euphrasia? Is you man even graduate?'


"He is."


"Uh-uh." Lolo mumbled na tila ba pinapadagdagan ang sasabihin ko.


"He's a civil engineer." dagdag ko at nagpunas ng labi, this gathering is wrecking my nerve. 


"Did he passed? Sa pagkakaalam ko kasi ikaw wala."


Wow. As in W.O.W


Si Kuya Eiko nabulunan bigla kaya tumalikod muna siya para magpunas. Tinignan ko isa isa ang pamilya ko...pero pakiramdam ko binaon ako sa lupa pagkatapos ko silang makita na nagtatago ng tawa. Ang saya nila sa pangbabara ni Lolo sa akin a.


"Naka-pasa siya but he choose being a player. He's under my brother's management. He's a Captain too."


"Why did you choose that...your playing...if you can just have everything without working? You can travel around and do whatever you want, Euphrasia, hindi iyong magpapapagod ka jan sa paglalaro."


"Using my parents money again?" I didn't mean to be sarcastic pero ano e, parang pinapamukha ni Lolo na kaya akong buhayin ng pera nina Mama kaya piliin ko na lang dapat ang maging tamad. "Hindi na ako bata para humingi pa. Bakit pa ako nag-aral kung gusto niyo lang naman akong mag-ikot."


"You studied but didn't passed the exam."


Pinapa-mukha niya talagang ako lang ang nagi-isang miyembro ng pamilya na hindi naka-pasa sa exam ng iisang beses.


"I didn't nga." I answered. "Can't I retake it?" I asked him. "Hindi sila nauubusan ng papel at hindi rin nauubusan ng ballpen ang national bookstore para hindi ako makabili at makakuha ulit. Besides, I did not even plan to take this course, so why would I force myself if i passed and got the work but I wasn't satisfied?"


"Ikaw nga hindi sumunod kay Lola na kumuha ng medicine so bakit ako kukuha ng exam para maging engineer?" tanong ko ng biglang nanahimik si Lolo. I'm pertaining to his mother. 


Doon kumawala ang tawa ni Mama. Tinapik niya si Lolo sa balikat. "Sorry dad...she had her point."


"Mag-nanay nga kayo." napailing iling si Lolo at napabuntong hininga. "Alright, continue your meal. I guess you still need to come back home and prepare for your game."


"Opo."


Napatango si Lolo. "Ipakilala mo sa akin ang boyfriend mo bago ang laro mo."


"Why?" hindi ko maiwasang mapatanong. Baka kung ano ang itanong ni Lolo, tahimik man 'to pero iba kung magsalita.


"Man talk." aniya, binigyang diin ang salita. I don't have any choice but to nod.


"Text mo si Aexl, sabihin mo ihanda sarili sa rifle ni Lolo." tumawa si Kuya Eiko kaya kinurot ko siya sa tagiliran.


I feel so stressed.



Continuă lectura