STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXVI

7.1K 271 61
By faithrufo

"I just want you to know that I smile everytime you text me"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Alas nueve na noong mag-vibrate ang cellphone ko. Nagkakatuwaan parin kami ng mga kaibigan ko pero dahil nga nakapatong lang ang cellphone ko sa lamesa, agad nitong nakuha ang atensyon ko.

Nagwala ang puso ko nang mabasa ko ang text ni Asher.

ASHER: Labas ka

Dalawang salita lang, pakiramdam ko mahihimatay na ako. "Uy teka lang ah," medyo nanginginig pa ang boses ko nung sinabi ko 'to kay Kei habang tumatayo.

"San ka pupunta?" kunot noong tanong ni Henry.

Imbis na sagutin siya, iniabot ko nalang ang cellphone ko kay Kei at nagmamadaling lumabas ng Sam's Pizza.

Hindi ko napigilan ang makapunit ngiti na umano sa labi ko nang makita ko si Asher na naghihintay sa labas. Kitang kita ko ang pilyo niyang ngiti habang naka buka ang dalawang braso niya. Tumakbo ako papalapit at agad siyang niyakap.

Humalakhak siya tapos naramdaman ko ang paghalik niya sa aking sentido. Iniangat ko 'yung ulo ko para matignan siya.

"Hello," bati niya.

Uminit ang pisngi ko kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti niya, "Hi."

"Miss mo 'ko?" tanong niya at agad akong tumango kaya naman napahalakhak ulit siya.

Humiwalay na ako sa yakap at hinawakan na lamang ang kamay niya, "Kumain ka na?" tanong ko sakanya.

"Oo," sagot niya. "kanina pa. Nag mcdo kami ni Kuya."

"Anong oras kayo naka balik ng Gapo? Grabe, 'di ko akalain na makakahabol ka pa."

"Mga alas otso, 'di ko na sinabi sa'yo kasi gusto kita i-surprise."

"Sana dito ka nalang kumain," sabi ko habang hinihila siya papunta sa loob ng Sam's. "ang daming in-order e."

"Gusto mag Mcdo ni Kuya Griffin e," aniya. "alam mo naman 'yunー"

"Adik sa nuggets?"

Tumawa si Asher habang itinutulak pabukas 'yung pinto, "Oo haha, maagang mamamatay 'yun."

"KNOCK ON WOOD!"

Ngumisi si Asher at umiling bago niya iginala 'yung mata niya saglit at ibinalik 'to sakin, "Walang wood e."

Inirapan ko na lamang siya at tumalikod na. Narinig ko nanaman ang mahinang halakhak niya kaya naman napangiti ulit ako. Hawak hawak parin ang kamay niya, naglakad kami papunta sa lamesa namin.

"Oh, 'tol eto oh." Tumayo si Henry at inabot 'yung upuan niya.

"Hindi sige, upo ka na dyan." Sagot naman ni Asher. "Saglit lang naman ako."

"Ha?" napasimangot ako. "Hindi ka mags-stay?"

Napakamot si Asher sa sentido niya, "Eh kasi.. pupunta ako kila Enrico. Papunta na nga si Kiko dito."

Mas lalo akong napasimangot. Humalukipkip ako at inirapan siya, "Palagi ka nalang nandun." Tapos padabog akong umupo.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Asher at napasalumbaba lang ako. Mahinang ibinunggo ni Kei 'yung balikat niya sakin at bumulong, "Hindi ka girlfriend."

"Eto naman, alam mo namang 'yun lang mga tropa ko e."

Hindi ka girlfriend

"Okay, sige pumunta ka na." Diretsong sabi ko.

"Oy," tinapik niya 'yung balikat ko. "seryoso? Galit ka?"

Hindi ko siya sinagot. Naiinis ako, hindi ko alam kung sakanya ba o sa sarili ko. Kapag dito samin sasama may excuse pero kapag kila Hero kahit sobrang gabi na go na go siya? Sila Hero nalang syotain niya.

"Hoy bes, pansinin mo naman 'yang syota mo. Pinunta puntahan ka pa dito imbis na dumiretso doon sa Barretto." malakas na sabi ni Ethel kaya naman rinig na rinig naming lahat.

"Hindi ko siya syota," sagot ko naman kay Ethel.

Hinila ni Asher 'yung buhok ko at agad na umatras nang iniangat ko 'yung kamay ko para hampasin siya.

"Oh, mananakit ka nanaman."

Inirapan ko siya, "Sige na lumayas ka na. Puntahan mo na si Hero para maghalikan na kayo."

"Si Enrico, 'di si Hero tanga."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Oh bakit wala ba si Hero doon?"

"Andun," sagot niya.

"Oh tignan mo?"

Nag make face siya sakin bago niya inilagay 'yung hintuturo niya sa kilili ko bago niya 'to inilapit sa ilong niya. "Hmm asim!"

Napa awang ang bibig ko habang humalagakpak naman sa tawa 'yung mga kaibigan ko. Tumayo ako at kinaldagan siya sa dibdib, "Kingina ka!"

Ngumuso si Asher at napahawak sa dibdib niya, "Sakit nun ah."

Bago pa ako makasagot ay sumulpot na si Kiko sa likod ni Asher. "Ash," aniya kaya naman agad siyang nilingon ni Asher.

"Oh, man." Nag apir pa sila.

Nagtama ang tingin namin ni Kiko kaya naman tinanguan niya ako. "Hi Kiko," bati ko sakanya bago bumalik sa upuan ko.

"Sup," bati niya pabalik bago siya napatingin sa katabi ko. Lumawak ang ngisi niya, "Hey beautiful."

"Yieeeeeee!"

"Uuy kinikilig si Taba!" pang aasar ni Henry kaya naman mabilis ko siyang tinadyakan sa ilalim ng mesa. "Aray ku pooo"

Nang lingunin ko si Kiko at Asher, nakita kong nakatitig lamang si Kiko kay Henry. Napansin din 'to ni Asher kaya naman agad niyang tinapik 'yung dibdib ni Kiko, "Tara na brad."

Tumayo bigla si Kei at agad na nilapitan si Kiko, "Tara? Samahan mo ako. Pahangin muna ako saglit."

Lumipat ang tingin niya kay Kei at nakita kong agad na nawala ang inis sa mata nang napaka gwapong si Christopher O'Connor.

"Okay," sagot niya kay Kei kaya naman nagsimula na silang maglakad palabas.

Ngumuso ako at tinaasan ng kilay si Asher na nakatingin ngayon sakin. "Tinitingin tingin mo jan? Hindi ka pa ba susunod dun?"

Pumamulsa si Asher at inilingan ako, "Wala 'to."

"Ano?"

"Halika nga, mag usap muna tayo."

Bago pa ako makapag protesta ay tumalikod na siya at naglakad papunta sa labasan. Nahulog ang puso ko at nakaramdaman ako ng kaba kaya naman napabuntong hininga ako bago tumayo para sundan siya palabas.

Pagdating ko sa labas ay may sigarilyo na si Asher sa pagitan ng labi niya at sinisindihan na 'to.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko sakanya bago tumingin sa paligid. "Tsaka asan si Kiko at Kei?"

Nagkibit balikat siya bago humihit sa sigarilyo niya. "Ba't ba nagagalit ka sakin?" tanong niya pagka buga niya ng usok.

"Hindi nga ako galit sa'yo," sagot ko bago sumandal sa dingding sa may gilid ng Sam's para hindi na ako tumabi kapag may dumadaan.

"Anong hindi e biglang umasim 'yang mukha mo nung sinabi kong 'di ako magtatagal?"

"Wala."

Humihit ulit siya at umiling iling habang ibinubuga 'yung usok na nasa bibig niya. "Hindi e, bigla ka nalang nagalit."

"Wala nga!"

Lumapit siya sakin at medyo hininaan ang boses, "Hindi mo kailangang sumigaw." Inirapan ko siya at nag iwas ng tingin. "Ano ba? Gusto mo mag-stay nalang ako dito?"

"Hindi, sige na pumunta ka na kila Enrico."

"Sure ka?"

Hindi ko siya tinignan, "Oo nga, sige na tumuloy ka na."

"Okay," lumapit siya at hinawakan ako sa baba para matignan niya ako sabay mabilis niya akong hinalikan. "puntahan ko na si Kiko. Andyan lang 'yun sa kanto."

"Okay."

"Ite-text kita mamaya, sinong kasama mong umuwi?" tanong niya bago humithit ulit sabay itinapon niya na 'to sa sahig at tinapakan.

Isinandal ko 'yung ulo ko sa pader sa likod ko, "Si Jared." Sagot ko sakanya.

"Okay," medyo nangunot ang noo niya. "may number ka ba nun? Para mai-text ko siya."

"Wala," pinakiramdaman ko 'yung malamig na pader tapos idinrum ko 'yung mga daliri ko dito. 'Yung galit ko kanina parang biglang naglaho. "hingin ko nalang mamaya tapos i-send ko sa'yo. Ano bang itetext mo sakanya?"

"Basta," sagot niya bago tumingin sa gawing kanan niya. "andyan na si Kiko. Sige na pumasok ka na doon."

Mabilis kong hinawakan 'yung kamay niya nung aalis na sana siya tapos medyo tumingkayad pa ako. Agad na na-gets ni Asher ang gusto ko kaya naman ibinaba niya 'yung ulo niya at hinalikan ako.

"Umuwi kaagad ha, i-text mo ko pagdating mo sainyo. 'Wag tanga Adrian ha, kakaltukan kita."

"Oo na."

"Mag ingat ka, seryoso."

"Oo na nga!"

"Pramis?"

Sininghalan ko siya, "Peksman."

Dumating na si Kei at nagpaalam na ulit kami kay Kiko at Asher. Nakakatampo parin na hindi siya mags-stay pero wala naman kasi akong magagawa doon.

Pumasok na ulit kami ni Kei at bumalik sa pwesto namin. Napansin kong paubos na din 'yung pizza ibig sabihin malapit na din kaming umalis. Nag iba iba na din sila ng pwesto dahil magkatabi na si Ethel at Angelo.

"Ano sabi?" tanong kaagad ni Ethel pagkabalik namin.

"Wala naman," sagot ko habang umuupo. Tinignan ko si Henry, "hoy ikaw, 'wag mong inaasar si Kei kapag andyan si Kiko. Mamaya sapakin ka nun e."

"Malay ko ba," sagot ni Henry.

"Ayos lang na asarin mo siya kapag wala si Kikoー"

"Ah," siniko ako ni Kei. "ayos ah."

Ngumisi ako, "Pero kapag nandito quiet ka lang."

"Lakas ng tama nun sa'yo noh?" kumento ni Kris bago kumagat sa pizza niya.

"Hindi naman," nahihiyang sagot naman ni Kei.

"He looks pretty smitten to me," kumento naman ni Jared. "halatangー"

"Smitten diba 'yung sinusuot sa kamay 'yun?" tanong ni Henry sakanya.

Nangunot bigla ang noo ni Jared, "Huh?"

"Mitten 'yun tanga!" sigaw ni Tris na nasa kabilang dulo ng lamesa. "Bobo neto."

"Ano? Hindi kita marinig ang panget mo kasi!"

"Oh tignan mo, bingi na tanga pa. San ka pa? Kay Henry na! Palakpakan niyo naman 'yan."

Napasalumbaba ako, "Eto nanaman tayo."

"Pangong may poknat!"

"Itang supot!"

"Hindi ako ita!"

"Guys, hanggang dito ba naman?" buntong hininga ni Kristoffer. "Birthday ni Ethel."

"Hindi sige okay lang," napatingin ako kay Ethel nang magsalita siya at napansing may hawak hawak na pala siyang camera at palipat lipat 'to kay Tris at Henry. "enjoy nga e."

Umiling iling ako at sumandal na sa upuan ko. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at pinakinggan ang pag aaway ng dalawang butete.

Napatingin ako kay Jared na mukhang aliw na aliw sa mga pangyayari. Naalala ko 'yung bilin ni Asher kaya naman inilabas ko 'yung phone ko mula sa bulsa.

"Red, number mo nga."

Gulat na napatingin siya sakin sabay sa cellphone ko tapos sakin ulit, "H-Huh?"

"Cellphone number mo," pag ulit ko. "para mai-text kita."

"Oh," kinuha niya 'yung phone ko na agad nanliit dahil sa kamay niya. Hindi naman 'to malaki pero kasi mahaba ang mga daliri niya tapos puro ugat 'yung likod ng kamay niya hanggang braso. Nag w-work out ba 'tong nerd na 'to? "Here you go." Iniabot niya pabalik 'yung phone.

"Salamat."

"Ihahatid kita right?"

"Yup," sagot ko habang ifino-forward kay Asher ang number ni Jared.

"Okay."

Ibinulsa ko 'yung phone ko at nginitian si Jared, "Thanks boss."

Tumango siya, "You're welcome Ma'am."

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 98.1K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
28.6K 1.7K 39
Senior High Series #1 ICT To find the missing piece of her life Amber, a HUMSS student follows her father's step on aviation, even though her mom st...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
380K 11K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...