FWO: Fantasy World Online (CO...

By _jammi

350K 14.2K 825

Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?
CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!
CHAPTER 4: TROUBLED THOUGHTS
CHAPTER 5: EXPECT THE UNEXPECTED
FWO: WORLD OF MONSTERS
[W.O.M] CHAPTER 1: THE REAL GAME HAS BEGUN
[W.O.M] CHAPTER 2: WHAT ARE YOU?!
[W.O.M] CHAPTER 3: HIDE MY IDENTITY
[W.O.M] CHAPTER 4: FIRST EVER RARE DROP
[W.O.M] CHAPTER 5: THE COOKING CONTEST
[W.O.M] CHAPTER 6: WE MEET AGAIN?
[W.O.M] CHAPTER 7: FIRST PVP DUEL
[W.O.M] CHAPTER 8: TRAINING START!
[W.O.M] CHAPTER 9: MONSTER ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 10: NEAR DEATH ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 11: SCHOOL GIRL NO MORE
[W.O.M] CHAPTER 12: SAVING A FRIEND
[W.O.M] CHAPTER 13: PECULIAR DREAM
[W.O.M] CHAPTER 14: WORLD OF MONSTERS MULTI-BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF SWORDS
[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES
[W.O.S] CHAPTER 2: TRAPPED??
[W.O.S] CHAPTER 3: ODD MISSIONS
[W.O.S] CHAPTER 4: SEA OF STORM & THE MYTHICAL CAVE
[W.O.S] CHAPTER 5: THE CURSE & GIFT
[W.O.S] CHAPTER 6: ENEMIES' TRICKS & CONFUSION
[W.O.S] CHAPTER 7: NEW ACQUAINTANCES
[W.O.S] CHAPTER 8: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 1)
[W.O.S] CHAPTER 9: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 2)
[W.O.S] CHAPTER 10: A HUMAN'S VULNERABLE HEART
[W.O.S] CHAPTER 11: UNINTENTIONAL DECISION
[W.O.S] CHAPTER 12: KIRO'S REALIZATION
[W.O.S] CHAPTER 13: RULES ARE MADE TO BE FOLLOWED
[W.O.S] CHAPTER 14: FINDING HER
[W.O.S] CHAPTER 15: THE GAME MASTER'S CHANGE OF PLANS
[W.O.S] CHAPTER 16: SOMEONE'S BEEN KIDNAPPED
[W.O.S] CHAPTER 17: PEOPLE'S DISAPPEARANCE
[W.O.S] CHAPTER 18: FOUND HIM
[W.O.S] CHAPTER 19: ASKY'S TRUE STRENGTH
[W.O.S] CHAPTER 20: KIRO'S CONFESSION
[W.O.S] CHAPTER 21: SILVER'S MISTAKE
[W.O.S] CHAPTER 22: SILVER'S PLAN
[W.O.S] CHAPTER 23: KIRO & HIS FAMILIAR, YURI
[W.O.S] CHAPTER 24: ASKY'S DISCOVERY
[W.O.S] CHAPTER 25: THE GUILD LEADER'S TRUE FORM
[W.O.S] CHAPTER 26: WORLD OF SWORDS FINAL BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF FAIRIES
[W.O.F] CHAPTER 1: SHATTERED EMOTIONS
[W.O.F] CHAPTER 2: THE GAME'S NEW FEATURE
[W.O.F] CHAPTER 3: UNKNOWN CIRCUMSTANCES
[W.O.F] CHAPTER 4: KIRO'S DISCOVERY
[W.O.F] CHAPTER 5: THE CLUE
[W.O.F] CHAPTER 6: UNSOLVED QUESTIONS & THEIR OPINIONS
[W.O.F] CHAPTER 7: A FAMILIAR'S APPEARANCE
[W.O.F] CHAPTER 8: TO KILL OR TO BE KILLED
[W.O.F] CHAPTER 9: OVERCOMING FEARS
[W.O.F] CHAPTER 10: THE MYSTERIOUS SKY
[W.O.F] CHAPTER 11: THE ILLUSION
[W.O.F] CHAPTER 12: SILVER'S FEELINGS
[W.O.F] CHAPTER 13: ZETH'S IN TROUBLE
[W.O.F] CHAPTER 14: THEIR WORST NIGHTMARE
[W.O.F] CHAPTER 15: THE TWINS
[W.O.F] CHAPTER 16: A BEST FRIEND'S LOVE
[W.O.F] CHAPTER 17: CRUELTY & DESPAIR
[W.O.F] CHAPTER 18: A RELENTLESS BATTLE
[W.O.F] CHAPTER 19: THE DREADED REALITY
[W.O.S] CHAPTER 27: THE REVELATION
[W.O.S] CHAPTER 28: THE LOST MEMORIES
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 1: THE GAME MASTER
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL
E P I L O G U E
ACKNOWLEDGEMENTS

CHAPTER 2: THE BASEMENT

10.5K 451 34
By _jammi

A S H E

Pagkarating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng kuya kong napaka-pogi. Niyakap niya muna ako bago ako kinausap. 

"Kamusta ang college ng napaka-cute kong lil' sis at astig na pro-gamer pa?" tanong niya.

"Aahh! Kuya naman eh. Hindi na ako little okay? College na kaya ako." sabi ko sa kanya.

"Ah basta. Little ka pa rin para sa akin." sabi niya sabay pisil ng pisngi ko. Grabe ginagawa niya talaga akong bata.

"Bahala ka nga. Siya nga pala, wala kang pasok kuya?" tanong ko.

"Wala. Nag-leave talaga ako ngayon dahil gusto kong makasama ang kapatid ko at para naman may makasama ka ngayong gabi dito." sabi niya. Nginitian ko nalang siya, nagpasalamat sa kanya at dumiretso na sa kwarto ko.

Siya nga pala 'yung kuya ko. Siya si Ashther Luke Garcia. Sa kanya siguro nanggaling yung Ashe. Ten years ang tanda ni kuya sa akin. About sa parents? Nah. Di ko alam kung nasaan na sila. Basta ang alam ko, iniwan nila kami at patay na sila para sa akin.

Isa siyang chef at may sariling restaurant. Siya rin ang nagpapaaral sa akin. Di siya masyadong nakakauwi dito dahil kadalasan busy siya sa buhay niya. Hinahayaan ko naman siya dahil trabaho niya 'yan at malaki na rin naman ako. Kahit kailan, thankful ako sa kanya dahil di niya ako pinapabayaan. Pagkabihis ko, bumaba na agad ako dahil naamoy ko na yung pagkain. Miss ko na yung luto niya.

Madali lang kami magkakitaan dito sa bahay dahil hindi naman ito masyadong malaki. Sinabi ko talaga sa kanya na kapag ipinatayo niya 'to, ayaw ko ng masyadong magara. Gusto ko 'yung simple lang.

Pagkababa ko, nakahanda na yung mga pagkain sa lamesa. Swerte ko talaga at paborito ko pa 'yung mga nakahain.

"Masyado ka na yatang gutom at di ka na makapaghintay." sabi niya.

"Syempre kuya. Na-miss ko kaya 'to." sabi ko sa kanya.

"'Yan lang na-miss mo?" tanong niya na parang nagtatampo.

"Syempre naman kuya ikaw rin. Woshuu, nagtatampo pa eh." pagkasabi ko nun, nagtawanan lang kami at nagsimula ng kumain. Sandali lang kaming natapos at taob yung kaldero. Napadighay pa nga ako ng malakas eh.

"Grabe, halata ngang di mo na-miss yung luto ko." sabi niya.

"Oo nga eh. Di halata no?" biro ko at tumawa nalang siya.

"Oh siya, ako nang bahala dito. Umakyat ka na dun at magpahinga na. Siguradong pagod ka nanaman bukas." sabi niya. 

Ang bait talaga ni Kuya! Napakaswerte ko sa kanya.

"Sure ka kuya? Wala naman akong homework pwede kitang tulungan." pagkasabi ko nun, nginitian niya lang ako at pina-akyat na. Pero hindi pa man ako nakakalayo, may naalala ako. Wala namang masama kung tatanungin ko siya diba?

"Kuya." tawag ko sa kanya at agad naman niya akong nilingon.

"Ah Kuya... uhm, alam mo ba 'yung... alam mo ba 'yung FWO?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi. Ano ba 'yun?" tanong niya. Umiling nalang ako at hindi na nagtanong pa.

"Ah w-wala Kuya, nevermind. Akyat na ako." sabi ko sa kanya at tumuloy na ako sa paglalakad. Pagkapasok ko sa kwarto ko, binuksan ko kaagad yung tv at sinalpak yung cd na anime. Napatulala muna ako saglit at napa-isip.

Bakit ganun? Bakit parang di ako convinced na hindi niya alam? Hmm, baka naman pagod lang 'to. Wag ko na nga problemahin.

Now watching: Sword Art Online

Tahimik lang akong nanonood habang kumakain ng chips. 

Grabe ang galing talaga ni Kirito. Akalain mo yun natalo niya pa 'yun? Wala talagang imposible sa lalakeng 'to.

"Wow! Astig!" napasigaw nalang ako bigla kasi may kamangha-manghang nangyayari. Ang ganda kasi nung sword na gawa sa poop nung ice dragon na tinransform ni Lizbeth sa isang sword.

Matagal-tagal din akong nanood at di ko na napansin ang oras. Itinigil ko lang ang panonood ko nang makaramdam ako ng antok. Agad ko na itong niligpit at humiga na sa kama.


*****


(Time: 10:00 P.M.)


*galaw ng galaw sa kama*


(One hour later...)


*pikit, dilat, pikit, dilat*


(Another one hour later...)


"Aish! Bakit ba hindi ako makatulog? Kanina inaantok na ako tapos ngayon biglang nawala?" inis na sabi ko.  Umupo muna ako at inalog-alog yung ulo ko. Maya-maya, nagulat nalang nang may narinig ako na parang nagsalita.

"Fantasy World Online..."

Bigla ko namang nilibot-libot yung paningin ko at iniisip na baka nakapunta na dito yung kalahi nung babaeng 'yun. Inalog ko uli 'yung ulo ko pero at nagflashback sa utak ko.

"Try mo kasi."

"Astig 'yun!"

"Kita tayo sa FWO!"

Baka nga masaya talaga 'yun? Pano kaya kung subukan ko? Wala namang mawawala diba? Tsaka naalala ko din yung mga kinilos ni Kuya kanina. Hindi kaya may alam din siya dun? Buong buhay namin ni Kuya, wala kaming secrets sa isa't-isa. Pero bakit parang may nagtutulak sa'kin na tingnan ko 'yun?

Tumayo ako at lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa basement. Tinitigan ko ang pinto nito. Ito 'yung laging sinasabi sa'kin ni Kuya na wag na wag ko daw papasukin. Simula bata palang ako, parati niya nalang sinasabi sa'kin 'yun. Bakit kaya? Ano kayang meron dito at bakit kinakabahan ako ngayon? Siguro ito na ang tamang panahon para malaman ko kung ano ba ang nasa loob nito. 

Hinawakan ko ang door knob at napansing naka-lock. Agad akong bumalik sa kwarto ko at naghanap ng hairpin. Pagkahanap ko bumalik narin agad ako sa basement. Tahimik lang akong kumikilos kasi mahirap na baka magising si Kuya. Pinagpapawisan na din ako.

"Sana mabuksan ka..." bulong ko sa sarili ko.

*click*

Hindi ako makapaniwala nang mabuksan ko ito. Halos mapasigaw ako. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko. Finally malalaman ko na kung ano ba ang nasa loob nito! Pagkabukas ko, nagulat ako dahil may isa pang pinto na gawa sa metal.

"Wow." sambit ko. Hindi ko alam na may ganitong bagay pala dito. Napasinghap nalang din ako nang may marealize ako.

"Omg baka may ginto dito. Naka-metal door eh. Kung ganun, ang yaman pala talaga namin." bulong ko.

Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong scanner sa may upper left side ng pinto.

Ngek. Paano ko mabubuksan ito? Tiningnan ko pa itong mabuti at may nabasa ako sa pinakataas.


[Place your right hand on the scanner]


Napahinto muna ako at nag-isip. Paano kung hindi maread yung kamay ko tapos biglang tumunog and much worse, sumabog? Di lang ako lagot nito kay kuya kung hindi ito na ang magiging huling araw ko sa mundo.

Eh paano naman kung i-read? What are the chances diba? Bakit ba ang higpit ng security dito? Siguro may ginto nga talaga dito. 

Maya-maya naramdaman kong may gumagapang sa paa ko kaya napa-lean ako sa dingding este sa scanner?! Saktong 'yung kanang kamay ko ang naipatong ko. Tagaktak na ang pawis ko habang ini-scan ang kamay ko. Hindi na din ako makagalaw kasi binabasa pa 'yung kamay ko.

'Yung pesteng ipis naman kasi! Kasalanan mo 'to pag namatay ako! Gumapang na sakin lahat kahit anong insekto pa 'yan wag lang ipis! Lalo na 'yung lumilipad! Kinikilabutan tuloy ako.

Maya-maya, nagulat nalang ako ng biglang umilaw ang buong pinto at bumukas sa gitna. Halos bumagsak na ang buong katawan ko sa kaba.


[Scanning Complete. You can now enter the room successfully.]


Eh?

How on earth--

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nakita ko. Maraming mga machine sa paligid. Kung anu-anong mga wires ang naka-connect. Sobrang lawak ng room, as in. Ang daming malalaking TV na nakadikit sa pader.

(ctto of the image below)

Seryoso ba 'to? Para akong napunta sa ibang dimension. Para akong napunta sa super high-tech na science laboratory.

Ito ba ang tinatago sa'kin ni Kuya? Ang lahat ng 'to?

Nilibot ko pa ang paningin ko. Nagulat ako nang may makita akong parang hospital bed sa gitna pero hindi siya hospital bed at may mga machines na nakapalibot dito.

Ano 'to? Wag mong sabihing nago-opera din si Kuya?

Hay naku Ashe, kung anu-anong nanamang iniisip mo. Maya-maya, mayroong isang bagay--I mean hindi lang isang bagay kundi marami pang mga bagay ang nakakuha ng atensyon ko. Nakalagay ang mga iyon sa loob ng isang glass cabinet. Nilapitan ko ang mga 'to.

Gosh ang dami nito!

"Ano ang mga 'to? Helmet?" taka kong tanong. Pumunta ako sa may pinaka-mababa, yung abot na abot ko lang. Binuksan ko ito at hinawakan. 

Wag mong sabihing nangongolekta si Kuya ng helmet eh ni hindi nga siya nagmo-motor?

Inikot ko pa ito at inaral ng mabuti. Base sa observation ko, hindi ang ito basta-bastang helmet. Napatakip ako sa bibig ko ng may marealize ako.

"Hindi ka nagbibiro diba? Lakas mo maka-SAO eh." sabi ko at nag-echo ang boses ko. Tumayo ako at tiningnan ulit ang mga bagay na nakalagay sa malaking glass cabinet.

Hindi kaya... hindi kaya totoo ang mga sinabi sa'kin ni Wish? Hindi kaya naglalaro rin si Kuya nun? Naglalaro rin kaya siya ng FWO?

Pero hindi! Ang hirap paniwalaan.

Nilibot ko pa ang paningin ko at pilit na inintindi ang lahat. Unti-unti ng pumapasok sa sense ko ang mga nakikita ko. Siguro nga. Siguro nga hindi nagsisinungaling si Wish. Baka nga totoo lahat ng mga sinabi niya. Pero bakit tinatago sa'kin 'to ni Kuya? Wala namang masama kung naglalaro din siya. At bakit hindi niya man lang nababanggit sa'kin or naku-kwento ang tungkol dito. Maya-maya lang, halos mapatalon ako ng marinig kong bumukas 'yung metal door. Agad akong nagtago sa likod ng mga box na patung-patong.

Nakita ko si Kuya. Hindi ko maiwasang hindi magtaka sa kanya. Hindi ba niya ako pinagkakatiwalaan?

Nilibot niya lang ang paningin niya. Sandali lang siya sa loob at lumabas na rin kaagad siya.

Tumayo ako at tinitigan ko itong hawak ko. Hindi ako namamalikmata at nagkakamali. Isa itong gaming console na mukhang neurohelmet. Medyo may kabigatan ito kaya kailangan naka-steady ka lang talaga or nakahiga kapag ginamit mo ito. 

Kinuha ko ito at lumabas na. Agad akong umakyat at bumalik sa kwarto ko. Ni-lock ko muna ang pinto para sigurado. Isinaksak ko ito, isinuot sa ulo ko at nahiga sa kama. Huminga muna ako ng malalim at bago ko gawin 'to, pinag-isipan ko muna lahat. Simula sa magiging username at iba pa.

Sana hindi ko pagsisihan ang paglalaro nito. Sana talaga. Kinakabahan ako.

"Game start." bigkas ko.


Name: Asky

Language: Filipino/English


[Welcome to Fantasy World Online!]

Continue Reading

You'll Also Like

68.6K 3.4K 26
»Highest Rank Achieved« #14 in Science Fiction (June 15, 2018) Pagkatapos ng insidente na kinasangkutan ng Top 10 at ni Triple Unknown, naging normal...
88.3K 1.9K 32
She doesn't know that some of her memories were gone. At ang dahilan ng pagkawala ng ibang ala-ala niya ay dahil sa taong nagging parte ng kanyang na...
503K 18.9K 87
[UNDER CONSTRUCTION] [COMPLETED 03/21/17] The very exciting VRMMORPG, defend and fight for your kingdom. Build your own army and participate in numer...
1M 27.2K 69
She's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL...