The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 7: Mind Magic
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 11: Illusions
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 25: Compulsion
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 33: Vampress
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 37: Awaited Answers
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 34: Love and Lies

54.2K 1.4K 108
By AleexJin

Chapter 34: Love and Lies

A week passed...

"Bakit ka ba sunod ng sunod?" Naiinis na tanong ko kay Wren.

"Bakit ba reklamo ka ng reklamo?" Pabalang na namang sagot niya. Napakasama talaga ng ugali! Nakakainis! Geez. For a week, lagi siyang nasa bahay. Kung saan ako pumunta, nandun rin siya. Parang gusto niya nga yatang pati sa banyo, sundan niya ako e! Isang linggo ring sumasakit ang ulo ko dahil puro siya lang ang nakakausap ko. Akala ko pa naman, makakapagpahinga ako sa two weeks na bakasyon pero mukhang wala yata siyang balak na patahimikin ang mundo ko.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakangisi na naman siya na akala mo nanalo siya sa lotto. "It's not funny, Wren. Seriously." I rolled my eyes at him but he just flashed his infamous grin at me. Napipikon na ako pero ano naman silbi? He still won't back off.

Tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa playground ng subdivision. Ramdam ko pa ring nakasunod siya sa'kin pero hindi na ako nagreact. Kung si Viex lang sana ang nandito. I sighed.

I haven't seen him since that night. Namimiss ko siya pero naiinis rin ako at the same time. How could he just vanished after that kiss? He kissed me! He should take responsibility of it. but what now? Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Miss na miss ko na talaga siya. Gusto ko siyang makita kahit sandali lang pero wala talaga. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi magpakita sa'kin o talagang busy lang siya. Pero saan naman siya magiging busy? Hay.

Nang makarating kami sa playground, naupo lang ako sa bench sa may tapat nito. Pumunta lang naman ako rito para mag-isip at never pa rin naman akong naglaro dito sa playground. Lagi kasing volleyball ang nilalaro namin nila Syn nung bata pa kami.

"Bakit nakaupo ka lang dyan?" Naramdaman ko ang pag-upo ni Wren sa tabi ko kaya medyo umusod ako. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to. Napa-tss nalang siya nung napansin niyang lumayo ako.

"Bakit nangingialam ka?" Pabalik kong tanong.

"Nagtatanong ako ng maayos." May halong iritasyon na sa boses niya. Great! Siya pa may ganang mairita ngayon?

"So do I." I simply said. Sa totoo lang, sa loob ng isang linggo, never pa kaming nakapag-usap ng matino. Laging may mamimilosopo, may mangongontra at may mapipikon. Kaya nga nakakainis e. Tapos hindi pa ako binibisita nila Syn at Mishie. Kapag pumupunta naman ako sa kanila, wala sila lagi. Saan naman kaya nagpupunta ang dalawang 'yon?

"Hindi ka na ba makakausap ng matino?" He asked.

"How about you? Kailan ka ba nakausap ng matino?" Tinignan ko siya pero napaiwas ako ng tingin nang makitang nakatingin rin siya sa'kin. Geez. Naalala ko bigla yung tingin niya sa'kin nung concert.

"Tss." Umayos siya ng upo at nanahimik nalang. Napabuntong hininga naman ako. Tahimik lang kami sa mga sumunod na minuto. Nag-iisip lang ako at parang gusto niya rin naman siguro ng katahimikan ng utak.

I sighed for the nth time. Tama bang itanong ko sa kanya 'to? Nagdadalawang isip akong lumingon sa kanya. Napalingon naman siya sa'kin na nagtataka Nang mapansing nakatingin ako. "Can I ask you something?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"You're already ask--" pinutol ko na agad ang sasabihin niya dahil baka hindi na ako makapagtimpi at layasan ko na siya.

"Have you been in love?" Seryoso kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. His green eyes bore into mine. It looks like na nalilito siya dahil biglang ganun ang tanong ko. What? Gusto ko lang namang malaman. Hindi na ganoon kalungkot ang mga mata niya. Hindi gaya nung concert habang kumakanta siya. Siguro nga, fini-feel niya lang talaga yung kanta nung mga panahon na 'yun.

Umiwas siya ng tingin at saka nag-umpisang tumawa. At hindi lang 'yun basta tawa. Parang gusto na nga niyang sumalampak sa sahig dahil lang sa sobrang galak. Napasimangot ako. See? Hindi talaga siya pwedeng makausap ng matino.

"Dyan ka na nga." I said, annoyed as I stood up. Maglalakad na sana ako nang bigla niyang hatakin ang braso ko, dahilan para mapaupo ulit ako sa bench. Napatingin ako sa kanya at this time, hindi na siya tumatawa. Napakaseryoso na ng mukha niya at nakakakilabot ang tingin niya. Ano ba naman 'to! Bakit ang bilis nitong magbago ng mood? Mas nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Anong gagawin niya?

Umusod pa ako ng umusod pero huli na dahil wala na pala akong mauusuran. Hawak niya rin ang braso ko kaya hindi ako makawala. Kapag naman tumayo ako baka magdikit ang mga mukha namin at-- basta! Hindi ako makatayo.

"Paano kung sabihin kong oo? Yes, I've been in love, my princess." Nakangiting sabi niya sa'kin. Kinilabutan ako lalo nang dahil sa tawag niya sa'kin. My princess? Pakiramdam ko, tinakasan ako ng mga dugo ko sa mukha at bigla nalang akong namutla. My princess. Did he just call me my princess?

"How sweet!" A voice teased. Mabilis kaming naghiwalay. Ako naman, napatayo agad at napatingin sa taong nagsalita. She clasped her hands and looked at us, smiling. "I wonder how Viex would react when he sees this!" Pang-aasar pa niya.

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang dahil sa galit. Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'to para magpakita pa sa'kin.

Mabilis akong pumunta sa kinatatayuan niya and in a snap, nasa likod niya na ako. I snaked my wrist in her neck while holding a sharp wood. Mukhang nagulat siya ng dahil sa ginawa ko pero hindi niya pinahalata. I'm a vampress. Kaya kong gamitin ang pagiging mabilis ng isang vampire and use a light to make a wood. Nagulat pa nga ako dahil hindi ako nahirapang gawin 'yon.

"Zeira!" May halong pag-aalala sa boses ni Wren pero hindi ko siya pinansin.

"Ang lakas din naman ng loob mong magpakita pa sa'kin. I'm now stronger than you and I can kill you in a snap. And oh, thanks by the way. For turning me into this." I said. Walang mababakas na takot sa boses ko pero napansin ko ang panginginig ng kamay ko. Please, wag naman sana akong traydurin ng sarili kong katawan ngayon.

Nagulat ako nang biglang tumawa si Roanna na parang hindi pa siya kinakabahan. Mas lalo akong nainis kaya mas lalo ko ring inilapit sa kanya yung wood hanggang sa dumikit na 'yon sa leeg niya. Napailing siya ng kaunti. "Not so fast, dear. I know you can't kill me. We both know that." She said confidently. Like she can read my mind. Pero napansin kong hindi na siya makatawa. And at that monent, I can smell her blood running down her neck. Though, konti lang 'yon.

Napangisi ako kahit inis na inis na ako. "You're right, Roanna. I can't kill you because that's not me. That's you. But--" Unti-unti kong ibinababa yung wood at ramdam kong natutuwa siya dahil akala niya, namamanipulate na naman niya ang utak ko. But no, Roanna. I'm smarter than you think. Walang pag-aalinlangan kong isinaksak sa tyan niya yung wood hanggang sa yung pinakadulo nalang nito ang kita. I stabbed her on the same spot where I stabbed myself. The next thing that I can hear is her pain. Napaupo siya sa sahig habang nakahawak sa tyan niya. Pumunta ako sa harap niya kaya napatingala siya. I smiled triumphantly. "--I can hurt you. Fair enough, huh?"

Tinalikuran ko siya at nag-umpisang maglakad pero napatigil ako nang nag-umpisa na naman siyang tumawa kahit nahihirapan. Baliw ba 'to?

"P-poor you, Wolf. What now? Hindi mo pa rin nasasabi sa kanya ang totoo?" Nahihirapang sabi ni Roanna. Napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Ako ba ang kausap niya?

Pero hindi naman siya nakatingin sa'kin kaya napatingin ako kay Wren na parang namumutla nang dahil sa sinabi niya. Anong totoo ang sinasabi niya?

Nang makabawi si Wren ay naiinis siyang lumapit dito. Lumuhod siya sa harap nito para maging magkalebel ang mga mukha nila. "Manahimik ka kung ayaw mong ako ang magpatahimik sa'yo." He said.

Ayokong makisabat sa usapan nila dahil ayokong malaman ni Roanna na interesado ako sa sinasabi niya. I don't believe her. But how he reacts made me think twice. Ano'ng totoo 'yun? Ano'ng dapat kong malaman?

Roanna smirked. "But you can't stop me from telling her what you can't. You know how much I enjoy hurting her, Wren." May pagbabanta niyang sabi dito.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Wren ang magkabilang pisngi ni Roanna. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin. "I know." He simply said and twist her neck na dahilan kung bakit biglang napahiga si Roanna sa sahig. Nagulat ako nang gawin niya 'yon. Did he just kill her?

"Wren!" Tawag ko sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa'kin na parang walang nangyari.

"Hwag kang mag-alala. Mabubuhay naman ulit yan." Walang pakialam na sabi niya sakin at saka ako nilagpasan. It doesn't matter! He still killed her. It's not like I'm worried. Nagulat lang ako sa ginawa niya. I know he's capable of killing pero kailangan bang sa harap ko pa talaga?

Napapailing nalang akong sumunod sa kanya. Tahimik lang siya kaya tumahimik nalang rin ako hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Oh bibi, Wren. Saan kayo galing?" Tanong sakin ni Mimi pagkarating naming dalawa sa bahay. Nasa gate palang, sinalubong na niya kami.

"Sa playground lang po, Mimi." I answered.

"Ganun ba? Gusto niyo na bang kumain? Dinner's ready." Mimi said. Nagtaka naman ako. Ang aga pa kasi. Mga 5:30 palang siguro pero baka maagang dumating si Didi galing sa trabaho.

"Sige po--"

"Hindi na po tita. Uuwi na rin po ako. Salamat nalang." Sagot ni Wren. Napalingon ako sa kanya na nagsisimula nang maglakad palayo. Nakakunot ang noo kong napatingin kay Mimi. Mukha rin namang naguguluhan siya sa inaasal nung isang 'yon. Parang dito na rin kasi yun nakatira dahil kung makakakain dito, akala mo wala na siyang bahay. Uuwi nalang yun kapag matutulog na.

"Wait, Mi. Sundan ko lang po siya." Sabi ko at hindi ko nahinintay yung sagot ni Mimi saka sumunod kay Wren.

"Huy!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Mas binilisan ko pa ang takbo ko para makasabay sa kanya saka siya kinulbit. "Wren."

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. Walang emosyon ang mga mata niya. Yung mapang-asar na expression niya, wala ngayon.

"Anong problema mo?"

Umiling lang siya sa tanong ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman ako.

"Is it because of Roanna? Dahil sa sinabi niya kanina?" tanong ko ulit. Kumunot lang ang noo niya. "Ano ba yung sinasabi niyang totoo? Ano'ng dapat kong malaman?" Pangungulit ko pa rin sa kanya. Hindi ko alam pero parang hindi na ako sanay na ganito si Wren. Mas okay pa sakin na nambabara at nang-aasar siya kesa maging cold siya. Parang mas cold pa siya kay Viex sa ganitong state e.

"Hwag mo nang isipin 'yon. Wala lang 'yon." Malumanay na sabi niya. Ayoko talaga ng ganito siya. Parang nakakalungkot.

"Kung wala lang, bakit nagkakaganyan ka?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi hindi nalang niya sabihin? Maiintindihan ko naman e. Well, sana.

Huminto siya sa paglakakad at saka humarap sa'kin kaya napahinto rin ako. Kumunot lalo ang noo ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. May iba talaga sa mga kinikilos niya ngayon. At hindi ako mapakali dahil don. "Umuwi ka na, Zeira. Maggagabi na. Baka mapahamak ka pa..." He trailed off. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi naman niya masabi.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"

"Dahil wala ka namang kinalaman don. It's my past. And you're not even a part of it." Seryosong sagot niya. I felt a pang of pain in my chest. I shifted my gaze from him to the floor. Nasaktan ako sa sinabi niya. Alam ko namang wala akong role sa past niya pero bakit kailangan niyang ipamukha? At bakit kailangan pang masaktan ako? Wala naman akong pakialam sa kanya diba?

I sighed. "O-okay." Tinalikuran ko nalang siya at naglakad pabalik sa bahay pero napahinto ako nang bigla na naman niya akong hatakin pabalik sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mga bisig niya. He's hugging me? Bakit?

"W-wren. Ano bang ginagawa--" Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap nya sa'kin pero hindi naman umabot sa point na hindi na ako makahinga. "--mo?"

"Please, hayaan mo muna akong yumakap. Kahit ngayon lang." Napakunot ang noo ko nang maramdaman ko yung lungkot niya. Bakit ba nagkakaganito 'to?

Tumango nalang ako at niyakap siya pabalik. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nararamdaman ko rin yung nararamdaman niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa ganung posisyon. Buti na nga lang, walang masyadong dumadaan sa parteng ito ng subdivision. Papunta na rin kasi ito sa bahay nila.

Maya-maya, humiwalay na siya sa pagkakayakap. Nang tignan ko siya, nagtaka ako nang nakangiti na siya. Kumpara sa pang-asar na ngiti niya, ibang iba yung ngiting 'yon. It looks so genuine. Napangiti nalang rin ako.

"Gusto mo ba talagang malaman?" He asked. He looks so determined. Nagtaka ako pero tumango nalang bilang sagot. Umupo siya sa katabi naming pavement kaya umupo rin ako sa tabi niya.

He was silent for a minute. Ilang beses na rin siyang nagbuntong hininga. Parang hindi pa yata siya ready-ng sabihin sa'kin yung bagay na sasabihin niya.

"Mahal mo ba si Viex?" Diretsong tanong niya sa'kin na ikinagulat ko. Hindi ko ineexpect na 'yan ang itatanong niya. Nag-isip ako sandali. Mahal ko na nga ba talaga si Viex? Sa buong linggo na hindi siya nagpakita sa'kin, nainis ako sa kanya lalo pero mas namimiss ko lang siya araw araw. Naalala ko bigla yung sabi ni Syn sa'kin dati. Am I already crossing the line? That fine line? Wala sa sariling napatango ako.

Natawa siya ng mahina. But I can't find any hint of happiness in his laugh. "Ang tibay talaga ni Zaffre. Pinanindigan niya talaga ang sinabi niya." Naiiling na sabi niya na mas ikinagulo ng utak ko.

"Ano bang sinabi niya?" Takhang tanong ko.

Napatingin siya sa'kin. Nakangiti siya pero hindi naman yun umaabot sa mata niya. Malungkot siya. "Na kapag mas nauna siyang mahanap ka, hindi ka na niya isasauli sa'kin."

"What do you mean, Wren?"

He sighed. "Hindi mo ba ako nabobosesan? My princess?"

Continue Reading

You'll Also Like

4M 154K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...
610K 49.5K 54
|COMPLETED| After the broken engagement, they need to search for the relics and find it before the demons lay a hand on the sacred relics. Adventure...
25.8K 1.6K 34
[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tat...
87.7K 2.6K 49
|COMPLETE| school for you school for me school for us magic wizards witch are allowed welcome to White Tiger Academy school were you came stronger #...