Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 9

3.3K 64 2
By zxantlyx

Chapter 9

Park

ILANG araw na ang lumipas simula ng huling maghiwalay kami ni Jake. Sa tingin ko ay mag-iisang linggo na rin? Hindi ko sigurado.

Everything went by in just a blur. Sobrang busy ko sa trabaho, lalo na't may tinatapos kaming project ngayon.

Mas mabuti na 'yon, hindi ko na siya masyadong naiisip. Umiiyak pa rin naman ako sa gabi, kapag wala na akong kasama at mag-isa ako. Kapag nararamdaman ko na ang kalungkutan dahil sa tahimik kong paligid.

Hindi na naman siguro 'yon maiiwasan pa. Kakagaling ko lang sa break 'no. Syempre, mas nakakapangtaka kung hindi ako nalulungkot.

I guess, hindi na lang din ako masyadong mahihirapan na kalimutan siya dahil sa inaakto niya sa mga nakaraang araw na kami pa, parang mas gusto ko nalang din kumawala.

Nakakasakal at hindi ako makagalaw sa relasyon namin. Mas mabuti na 'tong ganito. Mas pipiliin ko nalang ang sarili ko sa ngayon kaysa sa kaniya.

Bagong-bago akong uwi sa aking condo, galing pa sa trabaho nang biglaan kong maramdaman ang pag-vibrate ng aking telepono sa loob ng aking bag.

Mabilisan ko munang binuksan ang aking condo at pumasok sa loob bago tinignan kung sino ang tumatawag.

Bumagsak ang aking balikat kasabay ng pagtakas ng malalim na buntong-hininga mula sa aking bibig nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Papa calling...

Nanatili akong nakatitig sa aking telepono, nagdadalawang-isip kung sasagutin ko ba.

Ano na naman kayang kailangan nito sa akin? Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam, tapos ngayon biglaang tatawag. Paniguradong kailangan lang nito ng pera.

Muli akong naglabas ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pagsagot ko sa tawag. Inangat ko ang telepono sa aking tainga at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng aking condo.

Sa una ay wala akong naririnig na nagsasalita. Puro lamang iyon mahihinang bulungan.

"Hello?" bungad ko.

"Ayon, merown na! Jace? Jade? Baka Jane? Jane, ikaw ba 'to? Yung anak ni Arthur?" malalim at magaspang na boses ng isang lalaki ang bumungad sa akin.

Kung ano-ano pang pangalan ang kaniyang nabanggit at sa huli ay hindi pa rin ito tumama. Sobrang labo rin ng pagkakasabi niya na para bang nakatungga na ng ilang bote ng alak.

Hindi na ako nagtaka pa at naupo na lamang sa couch ko na nasa sala. Kaibigan siguro 'to ni Papa.

"Opo, ako po 'yon. Ano pong kailangan sa akin ni Papa?" magalang kong tanong dito.

Kahit may galit ako kay Papa ay mas pinipili ko pa ring maging magalang sa kaniyang mga kaibigan, lasing man 'yan o hindi. Labas na sila sa away naming dalawa.

"A-Ah, ikaw nga!" biglaan nitong sigaw at kasunod noon ay ang mahina niyang tawa. "Arthur, yung anak mo natawagan ko!" rinig kong sigaw niya sa kaniyang mga kasama.

"Bobo ka ba?! Syempre matatawagan mo 'yan, eh ginamit mo cellphone ni Arthur eh!" sagot ng isa pa, na sigurado rin akong hindi boses ni Papa.

"Hello, ano pong kailangan ni Papa sa akin? Kung tumawag lang di po kasi kayo para lamang manggulo, ibababa ko na lang po ito. Marami pa po akong trabaho at walang oras para sa gan—"

"Hindi, hindi! 'W-wag mong ibababa. Pakisundo naman si Arthur. Putangina, bagsak na!" sagot niya sabay halakhak.

Napairap na lamang ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Nag-usap na kami ni Papa dati na hindi ko na siya susunduin sa mga kainuman niya! Hindi niya ako alagad na agad-agarang makakapunta sa kaniya tuwing bagsak na siya sa sobrang kalasingan!

"Kuya, nag-usap na po kami ni Papa na hindi ko na siya susunduin kung sakaling malasing man siya. Tanungin niyo na lang siya kapag nagising na," sagot ko rito.

Malinaw na kasi sa aming dalawa ang usapan na iyon. Hindi ko ba alam kung bakit hindi niya masabi-sabi sa mga kaibigan niya.

"H-Ha? Eh 'di paano na 'to uuwi ngayon?" nag-aalalang tanong ng aking kausap sa kabilang linya.

"Hindi ko rin po alam. Tanungin mo na rin sa kanya kung paano siya nakakauwi sa mga dati niyang inuman session," pabalang kong sagot.

"Bagsak na bagsak na siya eh! Paano na si—"

Naputol ang pagsasalita ng lalaki nang biglaan kaming makarinig ng isang garagal na boses. Isang boses na kilalang-kilala ko. Boses na hinding-hindi ko malilimutan.

"Pare, sino 'yang tinatawagan mo?" boses ni Papa.

Napatigil ako sa aking kinauupuan at papatayin na sana ang tawag nang marinig pang magsalita ang kaibigan ni Papa.

"Yung maganda mong anak! Si Jane ba 'yon?"

Narinig ko ang malakas na pagkalampag ng mga bote ng alak sa kabilang linya kasabay ng pagsasalita ni Papa.

"Si Jade? Bakit mo tinatawagan, eh wala naman kwenta 'yang anak kong 'yan! Tangina, akin na nga 'yang telepono ko. Ako ang kakausap—"

Bago ko pa marinig nang buo ang kaniyang sasabihin ay mabils ko na ring binaba ang tawag.

Hindi na rin ako nagulat pa sa tawag niya sa akin. Ganyan na naman siya simula pa noong bata ako. Laging kami ni Mama ang walang kwenta, laging siya ang magaling.

Binalewala ko na lamang ang nangyaring pagtawag nila sa akin dahil hindi na naman iyon bago sa akin. Pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang aking trabaho na itutuloy ko sa bahay.

Ilang oras pa ang ginugol ko roon nang biglaan akong makatanggap ng text notification. Kumunot ang aking noo at tingnan kung kanino iyon galing.

From: Unknown Number

Good evening, Jade. How are you doing?

Mas lalo lamang napakunot ang aking noo nang mabasa ang text.

"Luh, sino 'to?" bulong ko sa aking sarili at saka pinulot ang aking telepono na nasa gilid.

To: Unknown Number

sino ka muna?

Balak ko na sanang ilapag ang aking cellphone sa lamesa nang mabilisan lamang akong nakakuha ng reply.

From: Unknown Number

The irresponsible dog owner.

Nanlaki ang aking mga mata nang makilala kung sino ito. Isang tao lamang ang mabilis na pumasok sa aking isip. Si Hugh!

Mabilis kong pinalitan ang kaniyang pangalan sa aking contacts at agad din nagtipa ng reply.

To: Hugh

gago, ikaw lang pala! akala ko kung sino nang nakakuha ng number ko, tatanungin ko na sana sina maia kung may pinagbigyan ba sila ng number ko.

bakit ka nga pala napa-text? hehe, may kailangan ka ba?

From: Hugh

I would just like to ask you when I will be able to make it up to you for what Archie did? I still feel guilty about what happened last week.

Agad akong napatigil nang mabasa kung ano ang kaniyang pakay. Tumayo muna ako mula sa pagkakaupo sa unahan ng aking laptop at naglakad papunta sa kitchen counter.

Iniisip ko pa rin kung ano bang gustong kong gawin para makabawi siya sa akin. Ano bang pwede? Pwede naman sigurong kumain na lang kami. Ilibre niya nalang ako, tutal matakaw naman ako.

Ibinaba ko muna ang aking telepono sa kitchen counter at nagtimpla muna ng kape habang nag-iisip ng gagawin para sa pangbawi ni Hugh. Halos alas-onse na rin ng gabi, pero marami-rami pa rin akong gagawin kaya kailangan ko ng pampagising ngayon.

I was busy stirring my newly made coffee when an idea suddenly popped in my head. Medyo na-excite pa ako, dahilan para masanggi ko ang kapeng tinitimpla ko.

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagtapon ng kaunting kape sa screen ng aking cellphone. Napasigaw ako kasabay ng mabilisan kong pagdampot sa aking telepono. I immediately dried it off and examined it.

Mas lalo lamang akong nagulat nang makita ang aking screen.

Calling Hugh...

Masyado nang huli nang matuyo ko nang ayos ang screen ng aking cellphone. Pucha, nasagot na niya yung tawag!

Kabado ko iyong tinignan at inilapit sa aking tainga ang telepono. Tumikhim pa ako para malinaw ang aking boses.

"Good evening, Jade," his sleepy and raspy voice was the first thing that greeted me.

Nanlaki ang aking mata kasabay ng awkward kong pagtingin sa aking kape na natapon. Kumuha ako ng tissue at pinunasan iyon.

"S-sorry, natapon kasi kape ko sa cellphone ko. Hindi ko naman sinasadyang matawagan ka..." nahihiya kong sagot.

Nakakahiya kasi! Mukhang inaantok at patulog na rin kasi siya tapos matatawagan ko pa! Tangina, ang katangahan ay dapat inilulugar, Jade!

"Pasensya na talaga, Hugh. Mukhang inaantok at patulog ka na rin naman. Pwede namang bukas nalang tayong mag-usap!" napalakas pa ang huli kong sinabi dahil sa sobrang ka-awkwardan.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya bago ito sumagot. "No, it's fine, Jade," he replied. "What do you want to do for tomorrow then?" dagdag pa niya.

Muli akong bumalik sa aking kinauupuan kanina at inilapag sa malayo-layo ang tasa ng kape.

"Dalhin mo si Archie. Gagantihan ko siya," nagbibiro kong sagot. I even made the tone of my voice sound like I was mad at the dog.

Mas lalo lamang itong natawa sa aking sinagot. "You're going to get back at the dog? What will you do? Pee on him too?" natatawa nitong sagot.

Halos mabuga ko na ang iniinom kong kape nang marinig ang kaniyang sinabi. "Hoy, grabe naman! Gago, kadire, ba't ko iihian 'yon?"

"Okay, okay. Good thing is he's with me right now. Hana gave him to me earlier again."

"Ay, weh? Ano 'yan? Weekends sa 'yo na nakatira?"

"Technically, no. Nagkakataon lang na maraming ginagawa si Hana ngayon..." he whispered.

"Parang close na close kayo ni Hana 'no? Pati aso niya, nakikitira na sa 'yo," pang-aasar ko.

Baka kasi may something sa kanilang dalawa! Who would leave their pet dog with a friend they don't fully trust? At saka, sino rin namang tao ang papayag na alagaan ang asong hindi naman special sa kanila ang taong 'yon?

"Of course I should be close to her. Afterall, she's my sister."

Napatigil ako nang marinig ang kaniyang sinabi. That's why they kind of looked alike when I saw them at the park! Parehas maputi ang kutis at halos pareho rin ang mga mata.

Ang plano ko noong gabing iyon ay matapos ang aking natitirang trabaho, ngunit hindi ko na iyon nagawa pa.

I planned to drink coffee to pull an all-nighters for my work, but I ended up staying up all night because of a man. Naging sobrang haba ng aming usapan na kahit na inaantok na kaming parehas ay patuloy pa rin kami sa nagkukwentuhan.

I only stopped blabbering things when the other line went completely silent. Nakarinig na lamang ako ng mahinang kahol, si Archie siguro, at wala nang sumagot pa. So, I assumed that he was already asleep.

He deserves to sleep too. Bago pa ako nakatawag ay mukhang inaantok na siya.

The next day, as we planned, we both decided to go to the park. We both agreed that he will bring Archie with him. Medyo hapon na rin ang napagpasyahan naming oras para hindi gaanong kainit.

Binibiro ko lang naman na babawi ako doon sa aso, gusto ko lang talagang malaro iyon. Ang cute kaya niya! Mukhang asong walang-wala sa sarili.

I wore a simple white t-shirt and loosely tucked it in my maong shorts. Pinatungan ko iyon ng gray cardigan at kinuha ang white shoes na binili ko noong isang linggo. Tinali ko lang aking buhok sa mataas na ipit para hindi ito humarang sa akin mukha. I only applied a bit of tint on my lips and headed out.

Naglakad nalang ako papunta ng park dahil malapit-lapit lang naman iyon sa aking condo. Exercise nalang rin.

Palakad palang ako sa gitna ng park, kung saan marami-rami na ang benches ay agad ko nang nakita ang lalaking nakaupo sa isang bench sa gilid.

The brown dog beside him was quietly sitting while looking around. Archie's tongue was stuck out.

Agad sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi kasabay ng pagtakbo ko sa direksyon nila. "Archie!" I called the dog in a small voice.

Agad napatingin sa aking ang dalawa. Napansin ko ang maliit na ngiting sumilay sa labi ni Hugh nang makita ako. Ngunit agad akong napatigil nang makita ang reaksyon ng aso.

Imbis na tumakbo palapit sa akin ay agad itong tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa at naglakad palapit pa sa tabi ni Hugh. Sinubukan ko pa itong lapitan at halos lumusot na ito sa ilalim ng bench.

I dramatically gasped as I gave the dog a bad look. "Ayaw mo sa akin, Archie?" nagtatampo kong tanong dito na para bang naiintindihan ako noong aso.

Natawa lamang si Hugh sa eksenang nakikita niya. I looked at him with furrowed eyebrows. "Bakit umalis?" tanong ko rito.

"He's just surprised, Jade. Approach him in a bit more calm manner, he'll warm up."

Muli akong tumingin sa aso na nakatingin din pala sa akin. I squatted in front of him and slowly placed my hand below his chin. Hindi na ito lumayo at hinayaan lamang akong hawakan siya.

"Ayaw mo pala sa makukulit na tao, Archie... Paano ba 'yan? Sobrang makulit ako. Kasama mo ako halos buong araw ngayon," bulong ko rito.

Ilang minuto rin na kasama ko si Archie ay unti-unti na itong nag-wawarm up sa akin. Hugh showed me some tricks that Archie knows. Marunong siya ng maraming tricks! Katulad na lamang ng play dead, sit, lie down, at ng pagbibigay ng kaniyang kamay.

Halos isang buong oras lang namin nilaro-laro si Archie. Mas nauna pa kaming mawalan ng energy ni Archie kaysa kay Hugh.

"You're tired already, Jade?" habol-habol ang hininga ni Hugh na tanong sa akin nang umupo ako sa bench.

We were playing catch with Archie earlier. Salitan kami ni Hugh ng pagtapon ng laruan ni Archie at agad niya rin naman iyong hahabulin. Nang mapagod ako ay napagpasyahan kong umupo sa bench at nagulat na lamang ako nang makitang sumunod sa akin ang aso.

Mas ikinagulat ko pa nang tumuntong si Archie sa bench at inihiga ang kaniyang ulo sa aking hita. Parehas naming hinahabol ang aming hininga habang kinukuha naman ni Hugh ang laruan ni Archie na hindi na ulit hinabol pa ni Archie.

Hinimas ko ang ulo ni Archie at tumango kay Hugh.

"Palibhasa, nag-ggym ka eh," sabi ko rito.

Tumawa lamang ito at tumingin din sa aso. "You tired, buddy?" he asked the dog and pet him on the head too. Medyo nagdikit pa ang aming kamay, dahilan para agad ding bawiin ni Hgh ang kaniyang hawak.

"Water?" he asked me.

Tumango lamang ako habang patuloy sa pagpaypay ng aking kamay sa aking mukha. Pagod na pagod na 'ko! 'Di ko alam na ganoon kami katagal maglalaro!

It was fun. Puro nga ako tawa, lalo na noong mabangga ako ni Archie, dahilan para mapahiga ako sa lupa. His paws are now imprinted on my white shirt!

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na rin si Hugh. He was carrying a plastic on the other hand, inside was three bottles of cold water. Nang lumipat ang aking tingin sa kaniyang kabilang kamay ay may hawak-hawak naman siya na dirty ice cream.

"Here," he said and offered me the ice cream.

Napatigil pa ako ngunit nang makitang unti-unti nang tumatapon ang natutunaw na ice cream sa gilid ng kamay ni Hugh ay agad kong tinaas ang aking kamay para kunin iyon.

"Bakit may ice cream?" nagtataka kong tanong at dinilaan ang gilid noon na natutunaw na dahil sa init.

"I saw a vendor selling some, so I bought you one."

"Thanks," I said as a small smile crept up to my lips.

Umupo siya sa tabi ni Archie at agad nagbukas ng isang bote ng tubig. I was surprised when he gave it to me first. Mabilis ko lamang iyon tinanggap at uminom din mula doon.

Napansin ko na lamang itong naglagay ng tubig sa kaniyang palad at inilapit kay Archie. The dog immediately drank from the water on his hand.

"Thank you for today, Hugh," I said as I continued to stare at him as he gave the dog a drink.

Binaling niya ang kaniyang tingin sa aking gawi dahilan para magtagpo ang aming mga mata. My heart immediately beat faster than the normal pace as I averted my eyes on the dog.

"I didn't even get to buy you much. Are you sure that it's enough for me to make it up to you?" malumanay ang boses niyang tanong.

Makulit akong tumango rito. "Yup! Pero, sino nagsabing hindi mo pa ako masyadong nabibilhan ng kung ano-ano? May alam pa akong nagtitinda ng corn dog doon sa gilid, tapos manglilibre ka pa ng hapunan," pang-aasar ko rito.

Honestly, hindi naman kailangan na gumastos siya nang sobrang laki para lamang makabawi sa akin. It's more than enough that I had fun today.

"I'll treat you to a corndog place then," sagot nito.

"Hoy, seryoso?" gulat kong tanong. "Ako nalang ang bibili! Charot ko lang 'yon eh!"

"No. Do you want one now? I can buy it already," tanong nito kasabay ng pagtayo niya mula sa bench.

"Hoy, umupo ka nga! Ako na nga ang bibili, para 'tong tanga," natatawa kong sagot at agad tumingin sa aking maliit na bag na dala at kukuha na sana ng pera mula doon nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa taas ng aking ulo.

"I'll buy it now, Jade. Just take care of Archie for me for a little while," he said.

Nang iangat ko ang aking tingin sa kanya ay may maliit nang ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi. Tumakbo ito papunta kung saan nakapwesto ang bilihan ng corndog.

Nang tumingin ako sa aking gilid ay napansin ko pa ang nakabukas nitong inumin ng tubig. Hindi pa nga ata siya nakakapagpahinga eh!

Dumapo ang aking tingin kay Archie na nakatitig lang din sa akin pabalik. "Sipag at ang bait ng tito mo 'no?" sabi ko rito.

I started referring to Hugh as Archie's uncle since kapatid naman pala niya si Hana. It would be weird if I still call him Archie's dad when the mother is just his sister.

Ilang minuto na ang lumilipas nang hindi pa rin bumabalik si Hugh. I grabbed the plastic that still had two bottles in there, one is full while the other one was half-used.

Hinawakan ko si Archie sa leash at nagsimula na ulit kaming maglakad sa stall ng corndog. We were only ten steps away from the store when I saw Hugh, who was patiently waiting for the corndog to finish cooking.

His arms were crossed on top of his chest, while he was just staring at the stall.

I let out a soft laugh when I saw him. Parang sobrang mapasensya siyang tao. Mukha tuloy siyang batang naghihintay na ibigay ang kaniyang candy bilang reward!

Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang biglaang tumakbo si Archie at dahil sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kaniyang leash ay nasama na rin ako sa pagtakbo nito.

"Archie!" saway ko sa aso ngunit hindi siya tumigil sa pagtakbo.

Kumahol pa si Archie nang makalapit kami kay Hugh. Dahil sa sobrang bilis ng kaniyang pagtakbo at paghinto ay halos tumilapon na ako amin harapan.

Buti na lamang at agad lang ding nakaharang ang katawan ni Hugh dahilan para masalo niya ako. I felt his hand on the side of my waist as he stopped me from falling further.

"Archie!" nagtatampo kong tawag kay Archie at binigyan ito ng masamang tingin.

Nakakahiya! Muntikan pa tuloy akong masubsob sa kay Hugh! Baka hindi ko na kayanin pa at ibaon na lamang ang aking sarili sa sobrang hiya kapag nangyari 'yon!

"Woah there, buddy," nag-aalalang banggit ni Hugh habang nakatingin sa aso. "Are you okay, Jade?" nag-aalala nitong tanong sa akin.

Nang iangat ko ang aking tingin sa kaniya ay agad kong napansin kung gaano kalapit ang kaniyang mukha sa akin. I can already smell his scent because of how close we are!

Kahit na pinawisan at tumakbo-takbo na siya kanina ay amoy baby powder pa rin siya! Unlike his manly scent the other time I met and examined him, he now smells like a baby.

Agad akong napaatras dahil unti-unti na rin akong na-conscious sa aking amoy. Baka amoy pawis na ako!

"O-okay lang ako. Masyado lang talagang excited 'tong si Archie nang makita ka," awkward kong sagot.

To avoid the awkwardness, agad akong nag-isip ng masasabi para walang dead air.

"Amoy baby ka 'no?" I blurted out.

Napapikit na lamang ako nang mapagtantuan ang aking sinabi. Ang bobo mo, Jade! Mas lalo lang magiging awkward dahil sa sinabi mo eh!

A small smile appeared on Hugh's lips as he let out a soft chuckle. "Is that a good thing or a bad thing?" natatawa nitong tanong.

"I-it's a good thing! Bagay nga sa 'yo yung amoy... I prefer that much more than the manly scent you always wear. Hindi masyadong masakit sa ilong, fresh lang, ganon," sagot ko, sinubukang bawiin ang nasabi ko.

Totoo naman. It's better than the other cologne. Mas mild kasi ito.

"I'll take note of that," he said.

Pagtapos ay agad din dumating ang corndog na inorder niya. He gave me one piece and he ate the other.

Naglakad-lakad na lamang kami habang kinakain ang corndog. Nang mapagod at dumilim-dilim na rin ay nagpasya na kaming kumain. Inaya ko siya sa isang karinderya na paborito kong pinupuntahan.

Umorder ako ng adobo habang siya ay umorder naman ng beef steak. I immediately started eating when the food was served.

Napapikit na lamang ako sa sobrang sarap nang maisubo ang pagkain. "Ang sarap talaga ng adobo nila dito!" I exclaimed.

"You love adobo?" tanong ni Hugh.

"Yeah. Isa sa nga paborito kong ulam!" tuwang-tuwa kong sagot.

"Maybe someday, I can cook adobo for you," saad niya.

Nanlaki ang aking mga mata sa sobrabg excitement nang marinig ang sinabi niya.

"Talaga ba? Promise mo 'yan, ah?"

"Yeah. I promise, Jade. I'll cook you adobo next time," he said with a small smile.

Kahit na sobrang simple lang ng araw namin ay sobrang saya naman. I had so much fun! Kahit na hindi pa rin siya kumbinsido na nakabawi na siya sa akin dahil hindi siya gaanong napagastos ay pinipilit ko pa rin itong masaya nga ang araw ko ngayon dahil sa kanilang dalawa ni Archie.

It was just a simple day at the park, but it was for sure fun.

As long as it made me smile, it was more than enough for me.

 ⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

67.7K 1.6K 57
"You will always be my best girl, my favorite and my everything." *** Phaedra Ramirez is a kind, intelligent and multi -talented person. At a young a...
3.1K 87 39
SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an architecture student from PUP Manila, c...
106K 1.3K 46
[Imperfect Girls Series #3] In each gentle drop together with its white and soft clouds that darkens to heavy gray ones, the wet soil and earthy scen...
39.7K 1.1K 38
Nexus Band Series #2 Jethro Yanez