Revee Academy (On-Going)

By Maxchy18

85 7 2

Isang akademyang malayo sa normal na kabihasnan ng mga normal na mga tao. Akademyang nakalaan upang hasain at... More

Revee Academy
Chrisianne
Aura
Poseidon
Transferees
Fir
Delphi
The Three Major Gods

Mission

5 0 0
By Maxchy18

AIA'S POV:

"We're not successful in getting her your majesty." We bowed in front of her as respect before standing straight.

We heard her sigh before she calmly faced us and gave us a small smile.

"Ayos lang iyon Aia (aya), alam kong mahihirapan akong makuha siya ngunit hindi ako susuko."

Napangiti kaming apat dahil doon. Ito ang totoo niyang ugali ngunit iba ang tingin sa kanya ng lahat.

"Magbabayad ang siyang magbabayad. Gagawin ko ang lahat upang mabuo kaming muli." Dugtong niya na siyang dahilan upang mapangisi kaming lahat ng narito sa throne room ng aming reyna.

"May nakakita ba sa inyo?" Napailing kami sa tanong niya upang mapahinga siya ng maayos.

"Aia, hinahanap ka nga pala ng iyong ina. Umuwi ka na muna sa inyo. Ipapatawag na lamang kita kapag may ipag-uutos muli ako sa iyo. Maraming salamat." Tumango ako at nagbigay-galang sa aming reyna at tsaka napagpasyahang umuwi na sa aming bayan.

CLEA'S POV:

Pagkalabas ni Aia ay kami naman ang binalingan ng tingin ng reyna. Katulad kanina'y marahan niya kaming nginitian na tila hindi siya dismayado sa resulta ng binigay niyang misyon sa amin.

Paniguradong ngayon ay naghahanda na ang lahat ng Revees sa pagbabalik niya.

Ano pa nga ba'ng aasahan namin sa kanila? Paniguradong tuluyan nang nalason ng mga halimaw na iyon ang lahat ng mamamayan ng Revee Empire at masama na naman ang tingin nila sa aming reyna.

"Clea hija, may ipapagawa akong muli sa iyo." Nakangiti nitong wika na siyang tinanguan ko at ang pag-alis nila Hebe at Themis na kasama namin kanina ni Aia.

"Papasok kayo sa Revee Academy upang mas mahasa kayo at upang bantayan siya. Hindi niya maaaring mahawakan o mapatay ang aking Κόρη (korh). Magkakapatayan muna kami bago niya siya makanti." Utos niya sa akin. Mula sa malumanay niyang tinig ay naging marahas at nanggagalaiti ito, palatandaan ng kaniyang galit at determinasyong lumaban hanggang sa huli.

"Sino ho mahal na reyna ang aking makakasamang papasok sa paaralang iyon?" Tanong ko na hindi niya muna sinagot bagkus ay lumingon siya sa kaniyang kaliwa kung saan lumabas ang kaniyang mga anak na si Azi at Chrysler na nasa anyong tao nila.

"Azi, Chrysler, kayo si Clea at si Bia ang aatasan at papapasukin ko sa academy. Alam niyo na naman ang dapat niyong gawin roon kaya sana huwag niyo akong bibiguin." Wika niya na kinatango namin bilang pagsang-ayon sa kaniya.

Hinding hindi ka namin bibiguin mahal na reyna.

"Kailan kami magtutungo roon ina?" Tanong ni Azi na pinakamatandang anak ng reyna.

"Sa Lunes." Sagot niya dahilan ng biglaang pagtitili namin ni Bia na nasa tabi ko na pala. Napakunot ang noo ko. Kailan pa dumating 'tong babaeng to dito?  "Alam kong nananabik na kayong makita siyang muli ngunit huwag kayong gagawa ng hakbang na hindi sinasangguni sa akin." Dagdag ng reyna na tinanguan naming lahat.

"Ngunit paano kami makakalapit sa kanya mahal na reyna kung kaibigan at pinalilibutan siya ng mga Reveeles?" Tanong kong siyang kinailing ni Bia at Chrysler. O-k? Ako na ang walang alam. I mentally face-palmed.

"Of course we'll not going to tell them who we really are. Not totally." Sagot ni Azi. Tumango at napakagat labi na lang ako dahil sa pagkapahiya. Malay ko ba?

Natawa na lang ang reyna sa amin tsaka kami pinaalis upang maghanda at makapagpahinga.

Uuwi muna ako sa bahay para makita sila ama't ina bago ang misyon namin. Tatlong araw din kasi kaming nawala sa paglalakbay sa unang misyong pinagawa sa amin ngunit hindi rin naman kami nagtagumpay.

Pagkarating ko sa bahay ay nilapag ko sa kusina ang mga dala-dala kong mga pasalubong at pagkain na nilagay ko sa aking Revee purse para hindi ako mahirapan tsaka ko hinanap sila ama at ina.

"Inay? Itay? Narito na ho ang pinakamaganda at pinakamahusay ninyong anak na si Clea. Nasaan ho kayo?" Pagtatawag ko sa kanila pero walang sumagot ni isa kaya

Napakunot ang noo ko pero napangisi rin nang may maramdaman akong paparating na enerhiya mula sa likod at gilid ko.

Agad akong nagteleport paalis sa kusina. Nagkasalubong ang atake nilang dalawa at sumabog pero minus ang impact kasi agad nila iyong nakontrol at na diffuse.

Nakanguso kong sinalubong ang nakangiting mukha ng mga magulang ko. Sanay na ako sa ganito nilang routine, sige.

"Ina! Ama! Kagagaling ko lang po sa bakbakan at pag-uubos ng enerhiya tapos mala training na naman ang kakaharapin ko mula sa inyo?" Natawa naman sila ng mahina sa reklamo ko tsaka kami nagyakapan.

"Paumanhin anak ngunit kailangan mong masanay sa ganito dahil paano--" pinutol ko na ang sasabihin niya at ako na ang nagtuloy habang nakapokerface at pinipigilang umirap.

"Dahil paano na lang kapag sa digmaan? Kapag may umatake sa iyo ng ganoon edi handa ka na ngayon pa lang."

Natawa naman sila pareho dahil alam nilang rinding-rindi na ako sa paulit-ulit na salita nila. Alam ko naman iyon. Kabisado ko na nga e pero kasi naman --- a basta kailangan ko na nga palang magpahinga.

"Ama, ina, may misyon ulit kami. Ipapadala kami ng reyna sa academy at sa lunes na po kami papasok." Pagbubukas ko ng topic sa kanila habang inaayos ang mga pasalubong at pinamili kong pagkain.

"Kung gayon ay dapat ka na munang magpahinga at mag-ayos. Kami na riyan. Salamat nga pala rito sa mga pinamili mo hindi na mahihirapan ang iyong inang upang pumunta ng bayan para mamili." Napatango naman ako bilang pagsang-ayon kay ama.

Si ina naman ay tinulungan na rin ako sa pag-aayos-- hindi pala tinulungan, inagaw niya na sa akin ang pag-aayos at sinabihang magpahinga na lamang sa kwarto at tatawagin na lang ako kapag kakain na kaya sinunod ko na lang siya.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay pumunta muna ako sa paliguan ko at tsaka nag-shower at nagpalit ng damit pambahay. Nag white oversized shirt lang ako at short shorts. Nilugay ko na lang ang buhok ko dahil matutulog lang rin naman ako tsaka ako humiga sa kama ko.

Headmaster

"Babalik na siya. Kailangan nating mas maghanda dahil siguradong uubusin niya tayo." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni King Firios.

Alam naming babalik na ang Cursed Priestess pero bakit ganito ang reaksiyon niya? Mukha siyang kabado pero determinado. Lahat naman kami determinadong manalo sa mga may balak manira ng mundo namin.

"Firios alam namin. Pinag-iigting na ni Klein ang pag-eensayo ng mga bata sa academy at dinoble na rin ang seguridad sa lahat ng lugar." Pagpapakalma naman ni Queen Sephi sa kanya.

"Kamusta ang sinasabi mong kakaibang dalaga sa Akademya?" Napalingon kaming lahat mula kila Sephi at Firios papunta kay Poseidon.

Oo, siya si Poseidon the God of the sea. One of the Olympians and King of all kings second after Zeus na nasa Olympus.

"Sa ngayon ay inoobserbahan pa namin siya ngunit--" pauna kong sagot na pinutol ko dahil hindi ko alam kung bakit may parte sa aking dapat hindi sabihin sa kanilang lahat ang nalalaman tungkol sa nangyayari sa isa naming estudyante.

"Ngunit ano Klein?" Tanong naman ni King Tyson ng Earth Village.

Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot.

"May kakaiba sa kaniya. Kakaiba ang aurang lumalabas sa katawan niya." Isa ito sa gumugulo sa mga isip namin ng mga trainors pero siyempre hindi lang yan ang dapat kong sabihin pero iyon lang ang gusto kong i-open sa kanila. Hindi ko alam kung bakit.

Mag-uusap tayo mamaya Klein. Alam kong hindi lang iyan ang nangyayari sa kaniya ngunit sa ngayon ay ilihim mo na lamang muna ang iba pa.

Napalunok ako ng marinig ang nakakakilabot na tinig ni King Poseidon sa utak ko.

Masusunod po Mahal na Hari.

"Sa ngayon ay mag-obserba na muna kayo sa inyong butihing lugar at siguraduhing ligtas ang lahat." Utos ni King Poseidon sa mga hari't reyna sa malamig nitong tono na siyang tinalima at tinanguan nilang lahat.

"Triplehin mo na rin ang seguridad sa Akademya. Siguraduhin mong walang makakapasok na mga kahina-hinala sa paaralan." Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa akin na siyang ikinalunok ko ulit. Hindi ko kinakaya ang presensya niya.

"Adjourned." Isang salita at nagsitayuan na kami't bumalik na sa aming mga lugar.

Pagkabalik ko sa Academy ay nagulat na lang ako ng makitang pinapalibutan ng mga estudyante ang opisina ko.

Anong nangyayari rito?

"Grabe sino ba siya?"

"Ang lakas niya. Napatumba niya na si Princess Jacky at si Prince Air."

Ano raw? Sinong sinasabi nila?

Dali-dali akong tumakbo papasok ng opisina ko kung saan nadatnan kong sabog sabog ang mga gamit sa opisina ko at sa sulok ay ang mga Reveeles na nakadepensa sa sarili at pilit pinapakalma ang dalagang ngayon ay nakalutang sa ere at may golden sword sa kanang kamay at golden trident naman sa kaliwang kamay.

Sino ba talaga itong batang ito?

Kikilos na sana ako para lapitan at pakalmahin ang dalaga nang biglang sumulpot mula sa likuran ng dalaga si King Poseidon at hinawakan ito sa noo na siyang kinapikit nito at pagkawala ng liwanag sa katawan niya maski ng ulirat niya.

Akmang mahuhulog na siya mula sa ere ng saluhin siya ni King Poseidon na nakalutang pa rin sa likuran niya at marahang bumaba habang pangko ang dalaga. Binaba niya ito sa kama at hiniga at kinumutan tsaka siya lumingon sa aming gulat ang ekspresyon.

"Kakaiba ngang tunay ang estudyante mong ito Klein. Alagaan, gabayan at siguraduhin niyong ligtas siya lagi. Hindi niya pa kabisado ang kanyang kapangyarihan."

" Don't worry King, we will train her to control--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumingon siya sa akin.

"Ako ang mag-eensayo sa paggamit niya ng kapangyarihan." Wika niya na siyang ikinagulat naming lahat ulit. A-anong?

Anong meron sa batang ito at gusto ni Poseidon na siya ang mag ensayo sa kaniya?

"Also with all the Reveeles and the upcoming transferees." Dugtong niya na dahilan para lalong mangunot ang noo ko. Wala namang pumunta rito sa akin para humabol na mag-enroll.

"Focus on training the other students, me and Hades will train the Reveeles and this child. " Sunod-sunod na sabi niya na tinanguan ko na lamang. Hindi pa rin nakakapag-react ang mga batang Reveeles at tulala pa rin silang nakatingin kay King Poseidon.

⚔️⚔️⚔️

Let's be Unstoppable like this people's determination!

Unstoppable by Sia

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 116K 26
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
48.4K 753 17
DELULU & GUILT PLEASURE
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...