The Mistress

By PrincessHimaya

177K 3.4K 513

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 45

3.4K 96 9
By PrincessHimaya

My jaw dropped as my system tried to accept what Tito Marky told me. Guilt immediately crept me. I shook my head and laughed without a humor. Tito must be kidding me, right?  My parents would never do that.

"T-Tito..." I gulped. "Oo na, ako na ang magbabayad nito. Just stop playing around." I said hoping for him to say that he's just kidding me. I inhaled when his face remained serious.

"Hindi nila 'iyon magagawa..." sabi ko nang ma realized na hindi nga siya nagbibiro.

"Ginawa na nga. Look Lana, it's not your fault. Alam kong sisisihin mo ang sarili mo kaya uunahan na kita."

Nanayo ang balahibo ko kasabay nang hindi maunawaang pagsisisi. Kahit saan tingnan, kasalan ko pa rin ang lahat. Kung siguro itinago ko na lang ang lahat sa mga magulang ko, hindi sana gano'n ang mangyayari.

Imbis na kumain ay hindi ako nakakain nang maayos. Binabagabag na ako ng aking konsensya. Ang isiping inilibing ang mama niya nang wala man lang...kabaong ay mas lalong nagpapalalim sa pagsisi ko sa sarili.

Noong araw ding iyon ay hindi ko tinapos ang trabaho ko at agaran nang umuwi upang kausapin ang mga magulang ko. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman ang lahat galing mismo sa kanila.

Naabutan ko pa ang mga magulang ko na masayang nag-uusap at nanonuod ng TV kasama ang kapatid ko. Nakuha ko naman agad ang atensiyon nila at gulat sila pareho nang makita ako. Nakita ko pang tumingin sa pambisig na relos si daddy. His brows were furrowed when he return his gazes to me.

"Any problem? Ngayon ka lang umuwi nang maaga," si daddy.

"Oo nga anak. Hindi sa ayaw ka naming umuwi nang maaga pero... may nangyari ba?" nagtatakang tanong naman ni mommy.

"Gusto ko sana kayong makausap ni daddy..." I said directly and my gaze went to my brother. Hoping he'll get the hint.

"I'm going upstairs..." sabay tayo ng kapatid ko.

"What is it, anak?" tanong agad ni mommy sa akin at mas lalong dinadaga ang dibdib ko na magtanong. Natatakot akong mapatunayan ang sinabi ni Tito Marky.

"About Mike's mom..." I said and I saw my mom a bit stunned but immediately regaining her composure. Unlike dad, who remained silent.

"What about her, Lana?" si mommy ulit.

"What did you do to her mom?" walang paligoy ligoy kong tanong.

Hindi ko man lang nakitaan nang gulat sa mukha ang mga magulang ko na para bang alam na nila kung ano ang tinutukoy ko.

"Nothing..." dad replied.

"Alam ko na dad, please. Sabihin n'yo na sa akin ang totoo..." I pleaded.

Hindi na ako magawang tingnan ni mommy at kay daddy na lang nakatuon ang mga titig niya. Tila si daddy lang ang hinihintay niyang magsalita.

"It was just a little prize they get-."

"Little prize, dad?" I cut him off. "Her mom didn't even had a coffin!" I spat habang hinahanapan ng pagsisisi sa mukha ni daddy.
Panay naman ang himas ni mommy sa bisig niya.

"What do you expect us to do, Lana? Sit back and  watch you drowning by too much pain? They violated your feelings and dignity as a woman!" dad's voice thundered and it made me a bit scared.

"Lana..." si mommy na malamlam akong tiningnan.

Umiling ako. "Kung sa inyo iyon nangyari, ano sa tingin n'yo ang mararamdam ko dad?"

Hindi sila umimik at nag-iwas nang tingin sa akin si daddy. For this moment, nagtataka ako kung papaano pa ako nagagawang harapin ni Mike at ang pamilya ko kung gano'n ang kinahinatnan ng mama niya. Kahit pa man siguro gaano pa kasama ang mga magulang natin, kahit disente man lang na libingan...o kabaong ay maibigay natin sa kanila.

"Alam ko, na...nagawa n'yo lang iyon dahil sa akin. Pero dad...hindi na iyon maka-tao." I said fully aware how hard it must be for Mike to see her mom being burried without...a coffin.

"We love you, Lana and we understand your feelings. Hindi namin hahayaang may makapanakit sa'yo..." si daddy ulit.

"Pero hindi ibig sabihin na gagawa na kayo ng isang bagay na hindi katanggap-tanggap daddy..." Sabi ko at palipat lipat sa kanila ni mommy ang paningin ko. "Yes, Mike violated my feelings...but it doesn't mean we have the right to do that to her mom. Dahil kung sakaling...sa inyo iyon nangyari daddy? Hinding hindi ko mapapatawad ang taong gagawa no'n sa magulang ko."

Hindi na humaba pa ang usapan namin at umakyat na ako sa taas. Dinaramdam ang grabeng pagsisisi sa mga nangyari. Ang pagkamatay ng anak ni Shelly at ang tungkol sa  mama ni Mike. Hindi ako makahanap ng rason para hindi sisihin ang sarili dahil bali-baliktarin man ang mundo, sa akin nagsimula ang lahat.

Alam kong hindi ako makakatulog sa gabi na iyon kaya napag desisyonan kong umalis sa bahay. I went to a place where I could temporarily forget the guilt...and everything.

Hawak ang pang-limang baso ng vodka at diretsong tinungga iyon. Nahihilo na ako at hindi pa nakakatulong ang ilaw sa paligid na sumasayaw. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakauwi pero hindi ko na muna inisip iyon.

A warm hand encircled my waist kaya napatingin ako sa likuran. A tall moreno guy that's smiling and checking me maliciously.
Umupo siya sa tabing upuan ko at sinilip pa nang husto ang mukha ko.

"You look drunk. Do you want me to drive you...home?" He smirked looking at me.

Umiling ako, nahihirapang magsalita. "Ay-yoko umuwi! Iinom ako!" Sabi ko at nakuha pang humingi ulit ng bagong maiinom.

"Come on, tara na. Hindi mo na kaya," aniya at pinapaikot na niya ang daliri sa beywang ko. Iritado ko naman siyang sinipat. Naiirita na sa kanya.

"Ayoko nga!" medyo napalakas kong sabi sabay alis sa kamay niya sa beywang ko. Akala ko titigil na siya ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ko.

"Halika na. There's a hotel few blocks away from here," he offered like it would convinced me.

"There's a police station few blocks away from here, too. You'd surely stay there for the night if you won't fucking take off of your hand," a deep voice behind me said.

Inis na napatingin sa kung sino man sa likuran ko ang lalaki ngunit umalis pa rin siya. I thanked mentally whoever the guy behind me shooed the annoying moreno guy.

Nang makita sa gilid ng mga mata ko ang lalaking nakatayo ay tamad akong nag-angat nang tingin. I cursed mentally when it was Mike...or I'm just hallucinating because of too much alcohol?

Right. Nagha-hallucinate ako dahil kinakain na ako ng konsensiya ko. Kaya ito, nakikita ko na siya kahit saan.

Tinuro ko siya. "A-lam mo...kamukha mo ex ko," sabi ko at nangingiti. "That stupid guy who's treating me...na parang walang nangyari," dugtong ko pa. Nanatili namang nakatayo ang ilusyong Mike sa gilid ko at nakatitig lang sa akin.

"Paano mo 'ko nagagawang tingnan nang gan'yan, ha? Hindi ka ba nagagalit sa akin? S-Sa mga ginawa ko sa iyo? Stupido ka ba, ha? Stupid!" I exclaimed, pouring my hearts content. I was really convinced that the guy beside me was just a hallucination when he suddenly talked.

"Are you done? Umuwi na tayo..." aniya sa isang galit na boses at madali akong nag-angat nang tingin. Nagawa ko pang tusukin ang tiyan niya gamit ang daliri ko para siguraduhing totoong nandito siya sa harap ko ngayon.

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko at mukhang nagtataka kung bakit ko iyon ginawa. Parang umalis lahat sa sistema ko ang alak at agad napatayo para umalis pero bigo akong magawa iyon dahil agad akong nahilo. Bumagsak ako sa bisig niya at nahawakan niya ako sa beywang at kabilang kamay.

Mariin akong pumikit nang maamoy ang pabango niya. Hindi ko ito gusto.

"Let's go and do not say any word," he commanded with his voice full of authority.

Like a puppet, I obeyed him while he's guiding me palabas ng club. Kinapa ko agad ang bag ko para kunin ang susi pero kinuha niyang bigla ang bag ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Akin na!" Sabi ko, mas masama ang tingin niya sa akin.

"Ano'ng gagawin mo sa bag ko, ha?" iritado kong sabi at mahigpit ang hawak niya sa siko at beywang ko papalapit sa...sasakyan niya. Napatigil ako sa paglalakad dahil nasa kabila naka parking ang sasakyan ko.

"Akin na sabi ang bag ko! Doon 'yong sasakyan ko..." itinuro ko pa kung saan mismo naka park ito.

"And? You think I'd let youvdrive in that state?" Masungit niyang sabi.

"Magta-taxi na lang ako!" Sagot ko pa at hinahaklit ang katawan kong dikit na dikit sa kanya.

"So, I'm the taxi," he said and continued walking until we stopped in front of his car. His car beeped, sign that it was unlocked. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

Wala naman na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob at mas lalong hindi ko iyon nagustuhan dahil amoy na amoy ko sa loob ang pabango niya. Hindi dahil sa ayaw ko no'n, kundi dahil kakaiba ang dulot na pakiramdam noon sa akin.

Pumikit na lang ako,hinintay siyang makapasok sa loob. Akala ko magsasalita pa siya pero buti na lang hindi. Nang lumipas ang ilang minuto, nagmulat ako nang tingin at inaninag kung nasaan na ba kami. Kumunot agad ang noo ko nang hindi pamilyar sa akin ang daan.

His eyes were focused on the road and his jaw were tightly clenched like he's holding something. Saan niya kaya ako dadalhin? Maghihiganti na kaya siya sa akin? Maniningil na kaya siya dahil sa ginawa ng pamilya ko sa mama niya?

"P-Papatayin mo ba 'ko?" I asked him at halos lagutan ako nang hininga nang huminto siya bigla sa pagda drive. Buti na lang walang nakasunod sa amin!

"Are you crazy? Papatayin mo ba 'ko sa nerbiyos?!" Sabi ko at hawak ang puso ko.

He stared at me languidly.

"Ano'ng pinagkaiba no'n sa tanong mo kanina?"

I glared at him. "E, saan mo nga ako dadalhin? Hindi ito ang papuntang bahay namin!"

Tumaas ang kilay niya. "Sino naman ang may sabing sa inyo kita iuuwi? Sa akin ka uuwi."

Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala.
Kinokolekta ng isipan ko bawat salitang sinabi niya kung tama ba ang pagkarinig ko no'n. Puwede namang nabingi lang ako dahil sa alak 'di ba?

"N-No way! A-Ayoko! Uuwi na ako!" Protesta ko habang pinapaandar na niya ulit ang sasakyan.

"Pauwi na nga sabi tayo," sagot niya pa na mas lalong nagpa irita sa akin.

"Sa amin ako uuwi!"

"Sa akin."

"Sa bahay namin!"

"Sa bahay ko."

"Ayoko!"

"Pake ko."

Sumigaw ako sa inis at hindi man lang siya natinag. Gusto kong haklitin ang kamay niya sa pagmamaneho pero baka madisgrasya pa kami. Hindi siya nakikinig sa akin kahit naglumpasay pa ako sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang matayog na building.

Iritado akong bumaba at sinamaan siya nang tingin nang pagbuksan niya ako ng pinto pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"This is kidnapping, mind you." I murmured while walking and he's behind me.

"Then be it. Just walk," masungit niyang sabi at  hindi na maipinta ang mukha ko sa inis. Pero sa loob loob ko, kinakabahan na ako. Police siya dati, kaya hindi na siguro sa kanya bago ang patayin ang mga masasamng tao. Hindi sa sinasabi kong masamang tao ako pero, may kasalanan ako sa kanya.

Nang tumigil ang elavator sa pinakaitaas na palapag,namangha ako nang makitang walang mga pintong naroon kundi ang nag-iisang nasa dulo. He owned the whole floor?

Tumigil kami sa isang malaki at magarang pinto at inilagay niya ang isang daliri niya roon. Namangha ako, key card pa ang gamit ko sa condo ko.

He opened the door widely and instructed me to get in. I nervously walk slowly and scanned the place, trying to see any paraphernalia's that he could use against me. But all I had to see was a black and gray themed room. The interior was modern and few paintings was familiar to me. It's spacious, enough for a family, I guess.

"Here," aniya at inabot sa akin ang isang baso ng tubig at gamot sa kabilang kamay niya.

Sa pagiging abala ko sa paligid, hindi ko man lang napansing pumunta pala siya sa kusina. But, that medicine. Is he gonna poison me?

"It's for your headache tomorrow,Lana." Sabi niya na tila naririg niya ang takbo ng utak ko.

I gulped before taking the medicine and water. Pinanghalatian ko iyo at ibinigay sa kanya ulit. Binigay ko sa kanya ang baso at inilagay niya lang iyon sa mesa.

"May kwarto sa kanan, doon ka maligo at magpalit ng damit," utos niya.

Hinarap ko siya para mag protesta pero nanunusok ang titig niya sa akin kaya sa susunod ko na lang gagawin iyon. I found myself taking a hot bath in his spacious bathroom. Iniisip ko kung paano ba ako bumagsak sa banyo niya at ngayo'y naliligo.

Half hour passed, lumabas ako at saka pa naisip na wala akong magagamit na damit pamalit! To add more horror, I found him sitting at the edge of the bed and drying his hair using the towel. Wearing white tshirt and a sweat shorts.

Tumikhim ako at napabaling siya sa akin. He turned to me immediately and his eyes were fixated at my...body? Or I was just assuming. Naka tuwalya lang ako.

"Damit ko?" Tanong ko.

Ilang segundo pa bago siya sumagot at nang magpang-abot ang paningin namin ay kinabahan ako sa nakita sa mga mata niya.

Itinuro niya ang isang pinto, hula ko ay walk-in closet niya. Padabog akong naglakad agad doon at pakiramdam ko nakahubad ako kahit may tuwalya naman. At ramdam kong nakatitig siya sa akin ngayon.

Iritado ko siyang binalingan at napahinga na lang ako nang malalim nang tama nga ang hinala ko. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako naiirita.

"Ano ang isusuot ko dito?" Sabay turo ko sa mga damir niya sa loob na puro panlalaki.

"My shirts, shorts. Anything, you want."

I groaned in annoyance.

"Sinabi ko na 'di ba na iuwi mo 'ko! Tingnan mo, wala akong maisuot dito!"

He sighed. "You're home, Lana. And about the clothes, kukuha tayo sa inyo bukas," he normally said and smirked.

"Huh? Lasing ka yata. Nakainom ka ba?" I asked him while laughing. Couldn't believe what he just said.

"I'm afraid I'm not," kaswal niyang sagot.

Nasisiraan na ba siya ng bait? This is purely kidnapping at balak pa niyang kunin ang mga damit ko sa amin?

"You're crazy..."

"I am," he answered with his deep low voice while staring at me intently.

Tumalikod na ako at pumili na ng  maisusuot at napili ko ang kaparehas ng suot niya. Twinning pa tuloy kami. Pero hindi iyon sinadya 'no! Talaga lang wala akong ibang mapili! Malaki sa akin masyado ang damit at shorts niya pero okay na rin 'to kaysa wala.

"Matutulog na 'ko," anunsiyo ko sa kanya dahil mukhang wala siyang balak umalis.

The room lights were dim kaya sakto lang para makita ko ang ekspresyon sa mukya niya. The room was painted with dark colour so it's a bit dark though there's still a dim light.

"Right, goodnight." Sagot niya at nagsimula nang naglakad paalis ng kwarto. Nilagpasan na niya ako at pinanuod ko ang paglabas niya.

Napaupo ako sa kama at napahinga nang malalim. How could he be so nice to me when he has all the right to get mad at me? Masyado lang ba siyang mabait para komprontahin ako sa lahat? O baka mabait lang talaga siya sa akin dahil gusto niyang manalo? Para siya ang piliin ko para sa kompanya namin.

Siguro nga gano'n.

Pumikit ako at kinumbinsi ang sarili na gano'n nga siguro ang rason niya kung bakit niya man ito ginagawa. He's trying to win me, to impressed me for the sake of his business. This is all about business, nothing more.

I fell asleep immediately and was horrified when I had a hard time breathing, like...someone is choking me. I opened my eyes and was shocked to see her. She's choking me and smiling devilishly. Mike's mom was choking me.

"Mamatay ka na! Mamatay ka na! Hindi kita matatanggap! Sinira mo lahat! Sinira mo!"

A tear fell from my eyes and was trying to reach her. Nawawalan na ako nang hininga at pakiramdam ko ito na ang katapusan ko. I managed to kicked her and shout as loud as I could, asking for help.

"Baby, wake up!" Napabalikwas ako at nakita si Mike sa harapan ko. He looks worried as ever and massaging my back. Trying to calm me down.

"Nananaginip ka. Are you okay?" He asked, never taking off of his eyes.

I hugged him without hesitation and cried my heart out. Takot na takot ako at parang totoo ang lahat. Dahil sa panaginip na iyon, ramdam na ramdam ko ang galit sa akin ng mama niya.

He hugged me so tightly and burried his face to my neck. Giving me feathery kisses that somehow made me calm.

"It's alright. Nandito lang ako..." he comforted me habang humihikbi ako sa takot.

"Y-Your mom...she hates me," I said, lips trembling. I could feel his warmth and the loud beating of his heart.

"I don't hate you," sagot niya, magkayakap pa rin kami at nanatiling nasa balikat ko ang ulo niya.

"Hindi niya ako...tanggap," parang bata akong nagsusumbong sa kanya.

"Tanggap kita..."

Another tear fell from me. I didn't know if it's still about the dream or something else.

"Mahal na mahal ka niya..." sabi ko, nahihirapan nang huminga dahil sa paninikip ng dibdib.

"Mahal pa rin kita..." he answered making my chest felt painful.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
436K 9.4K 33
Dela Madre Series #1 [Doctor/Nurse] Started: 06/24/2020 End: 12/24/2020
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
58.5K 2K 24
"B-binuo kita... dinurog mo naman ako," Hindi lahat ng pinapakasalan ay happy ending na. Minsan sa loob ng pagsasama, maraming hadlang, maraming pags...