Shit! lihim na napamura si Ram. Sa kakasilip niya kina Andrei at Hana ay hindi niya namalayang matutumba na pala ang silyang kinauupuan niya. Nasa likurang bahagi kasi siya ng classroom at natatabunan siya ng mga nagsisitayuang officers kaya kung 'di siya sisilip, 'di niya makikita kung ano na ang nangyayari sa dalawa. Kaya ayon, sa sahig ang bagsak niya.
Nagtawanan ang lahat, lalo na iyong mga kaklase niya. Noon kumaripas ng takbo si Hana palabas ng silid. At bago pa niya napigil ang sarili ay nakasunod na siya dito.
He was running after her. At noong abutan niya ito ay agad niyang ginagap ang isa nitong kamay nang hindi siya tumitigil sa pagtakbo. He began dragging her along. He didn't know where to go. Basta ang alam lang niya, he had to bring her somewhere. Somewhere where they can be alone.
Natagpuan na lamang niya ang mga sarili nilang nasa likurang bahagi na ng paaralan. Noon lang niya napagtantong mapuno pala sa bahaging iyon. Hindi pa kasi siya nakarating doon ni minsan.
"Malawak pa pala dito," he said, more to himself. Medyo habol pa niya ang paghinga dahil sa ginawang pagtakbo.
"Hindi mo alam?"
Napalingon siya kay Hana. It was only then that he realized that he was still holding her hand. Agad niya itong binitawan.
Naroon ang pagtataka sa mukha nito. Hindi niya alam kung alin ang mas ipinagtataka nito, ang malamang hindi niya alam na madaming puno sa likuran ng paaralan? O ang ginawa niyang biglang paghatak dito papunta doon.
"Ngayon ka lang nakapunta sa parteng ito? Alam mo bang parte pa 'to ng mga lupain niyo?" ang muli nitong tanong.
Nagkibit-balikat siya.
"I didn't know. And I don't care."
"Ganyan ba talaga 'pag lumaki kang nakukuha mo lahat ng gusto mo? Hindi mo naa-appreciate kung anong meron ka?"
Muli siyang napabaling dito. Round, beautiful eyes stared back at him.
"Ba't ba ang dami mong napapansin ha?" aniya dito.
"Bakit? Totoo naman, 'di ba?" She pouted. She actually looked cute.
"Ewan ko," aniya sabay bawi ng tingin mula dito. Ipinako niya ang mga mata sa kawalan.
May nakita siyang nakausling ugat mula sa isa sa mga nagtatayugang mga punong-kahoy. Lumapit siya dito at saka umupo doon.
"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" anito. "At bakit mo ako sinundan?"
Bakit nga ba? he asked himself.
"At bakit ka nandudoon, 'di ka naman officer?" ang muli nitong tanong. She was still standing on the spot where he left her.
"We are all required to help out on the school activities," he explained. "Requirement ni Ms. Dimalang." He was referring to his class adviser na siya ring adviser ng Student Council.
"Eh, bakit mo nga ako sinusundan?" pangungulit nito.
"Ba't ka ba tanong ng tanong?"
"Ba't ba ayaw mo akong sagutin?"
"So, do I need to answer every question you ask?"
"Hindi naman lahat. Iyon lang may kinalaman sa akin. Eh, sinundan mo ako, hinatak mo pa ako papunta dito. Siyempre, magtatanong ako kung bakit."
"I don't know!" aniya dito.
"Anong I don't know!"
"Hindi ko alam."
"Pwede ba 'yon?"
"Pwede."
"Hindi kaya! Lahat naman ng ginagawa ng mga tao, may rason," she insisted.
"So what do you want me to say? That I like you kaya kita sinundan? That I want to be alone with you kaya kita dinala dito?"
Namula itong bigla. Mabilis itong nag-iwas ng tingin.
"Hindi kaya!" anito.
Katahimikan.
She looked cute when she's blushing.
"Nasu-suffocate na kasi ako dun sa loob ng walang kwenta nilang Marriage Booth," he explained. "I need to go somewhere else."
Hindi ito kumibo. She looked dissapointed.
"Kaya mo ako sinundan? Kaya mo ako hinatak papunta dito?" anito. Di pa nakuntento.
"Oo, nga. Kulit!" aniya.
"Bored ka doon sa loob kaya mo ako dinala dito? Bakit, close ba tayo?"
Natawa siya.
"Oh, anong nakakatawa doon sa sinabi ko?"
"Ikaw. Nakakatawa ka," aniya.
"Ginawa mo pa akong clown." Umismid ito.
Walang anu-ano'y umupo na din ito sa isa pang nakausling ugat. Ipinatong nito ang panga nito sa nakataas na mga tuhod. Pagkatapos ay nag-drawing ito ng kung anu-ano sa lupa gamit ang sariling hintuturo.
"Ayaw mo pang bumalik doon?" aniya.
Umiling ito. "Ayoko. Nakakahiya."
"Kanino ka naman mahihiya?"
"Sa kanilang lahat," anito.
"Kay Andrei? You like him?"
Bigla itong nagtaas ng mukha.
"Hindi, ah!" she denied.
She was lying, of course. Alam ng buong klase nila ni crush nito si Andrei. Halata naman kasi.
At kung bakit tila big deal ito sa kanya ay hindi niya alam. He didn't want to think that he was starting to like her. She's not her type.
He looked at her again. Nakatungo pa din ito at nagdo-drawing sa lupa. Parang ang lalim-lalim ng iniisip nito.
"What are you thinking?" aniya.
"Ha?"
"Ang sabi ko, anong iniisip mo?"
"Wala. Iniisip ko lang kung hinahanap na ba ako noong baklang trainor ko. Kung ano ang kalalabasan noong pageant sa Friday. Kung napakain na ba si Blackie. Kung nakahanap na ba ng pambiling gamot si Tatay. Kung sinong nagbayad para "ikasal" kami ni Andrei. At kung anong nakain mo at tila ambait mo ngayon."
Malakas siyang natawa.
"Know what, I like you!" Pati siya nagulat sa kanyang nasabi.
"Ha?"
"W-wala," aniya.
"Hindi. May sinabi ka, eh."
"Wala nga sabi."
"Meron!"
"Wala. Kulit!" Tumayo siya at nagpagpag ng pantalon. "Bumalik ka na nga sa classroom niyo at kailangan ko nang umalis. Baka ma-rape ka pa diyan, konsensiya ko pa," he said as he was leaving her.
He had to go. Baka kung saan pa mapunta ang usapan.