Daydreamers Series: Can I Sti...

By shinayawaara

11K 177 24

Hindi naniniwala si Akira na pwedeng magkainlove-an ang dalawang magkaibigan at manatili pa ring magkaibigan... More

Authors' Interview
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Epilogue
Author's Note

Chapter 9

503 9 1
By shinayawaara

Maayos naman ang naging resulta ng family dinner nila. Nabanggit na din ni James ang intension na pakasalan si Nicole. Kahit na halatang nagulat ay wala naman nagawa ang mga magulang nila ng binata. Ipinaliwanag nila na sila dapat ag masunod sa magiging kinabukasan nila.

"Mukhang wala na kaming magagawa pa. Ang mahalaga ay maging masaya kayo." Sabi ng Papa ni James.

Masaya naman sila ni James sa naging kahinatnan ng dinner nila. Masayang masaya ito na pwede na itong magpakasal at si Nicole.

"Hi Chad" nakangiting bati niya sa binata. Magkasama sila ni Allison na pumunta sa café nito.

"Hi Girlfriend" nakangiting sagot naman ni Chad sa kanya.

Agad namang namula ang mukha ni Akira. Alam niyang pinagtitripan lang siya ni Chad. One week na ang nakalipas mula ng family dinner nila at ngayon lang sila ulit nagkita ni Chad.

"Girlfriend?????" gulat na tanong ni Allison. "Teka nga! Anong meron at bakit parang hindi yata ako updated?" pagtataray nito at nagpapalit palit ang tingin nito sa kanila ni Chad.

"Huwag mong pansinin iyan si Chad. Tara na dun sa mesa" iwas niya at hinila na ito palapit sa lamesa.

"Kelan pa kayo nagkasundo ni Chad?" agad na tanong nito. "Wait, nung nakaraang nakita ko din kayo sinabi din ni Chad na girlfriend ka niya. Kelan pa naging kayo?!"

"Walang kami okay?"

"Ako pa ba ang paglilihiman mo Akira?" nagtatampong sabi ni Allison. Wala siyang choice kundi ipagtapat ang totoo dito. Ayaw niyang sumama ang loob nito sa kanya.

Hindi nagsalita si Allison. Mataman lang itong nakikinig sa kanya.

"Alam mo naiinis na talaga ako dyan sa James na iyan ah. At ikaw naman masyadong martir. Tama si Johana dapat sayo pinapabaril sa Luneta eh. Ngayon napilitan ka pang magsinungaling sa parents mo."

"Ngayon lang naman eh. Gusto ko lang talaga tulungan si James. Saka gusto ko na din kumawala sa pesteng engagement namin."

"Aba tama lang noh! Kumukulo talaga ang dugo ko." Asar na sabi nito. "Kung hindi lang talaga sa pakiusap mo binuhusan ko na ng asido yang si James tapos dinukot ko ang mga mata niya at yung atay at balunbalunan niya ipinakain ko na sa aso!"

Napailing na lang si Akira. May pagkabrutal ang kaibigan niya pero alam niyang concern lamang ito sa kanya. Maya maya ay lumapit sa kanila ang isang waiter. May dala itong isang bungkos ng bulaklak at iniabot sa kanya.

"Sa akin? Sure ka?" nagtatakang tanong niya sa waiter. Wala naman siyang kilalang pwedeng magbigay sa kanya ng bulaklak.

"Opo. Pinapabigay po ng Boss ko" anito sabay tingin kay Chad.

Sabay din naman nilang sinundan ng tingin ni Allison si Chad. Ang loko ay bigla ba namang kumindat sa kanya!

Baliw talaga itong lalaking ito!

Tinignan niya ang card na kalakip ng bulaklak na ibinigay sa kanya.

Hi Girlfriend! Flowers to make you smile

Napataas bigla ang kilay ni Akira sa nabasa. Pero infairness hindi rin niya napigilang mapangiti.

"For a pretend boyfriend, napakasweet ni Chad" sabi ni Allison. Nakibasa din pala ito sa card na hawak niya.

"Yeah right. Nakakainis. Pero Sweet"

Oo na! Ako na ang kinikilig!

First time niyang makatanggap ng bulaklak kaya naman iba ang pakiramdam niya. Ganito pala ang pakiramdam. Para siyang babaeng babae. Parang ang ganda ganda niya!

***

Matapos ang naging pagkikita nila ni Chad sa Café nito ay hindi na muli sila nagkita nang binata. Naging busy na din kasi si Akira dahil nirarush na siya ng editor niya na tapusin ang mga pending projects niya kaya madalas ay nakatambay lang siya sa bahay nila. Paminsan minsan ay dumadalaw si James sa kanila. Subalit sadyang iniiwasan niya ito. Kung ano-ano ang ibinibigay niyang dahilan kay James wag lang siyang makipagkita dito. Subalit isang araw ay hindi inaasahang bisita ang dumalaw sa kanya.

"Nicole? ANong ginagawa mo dito?"' nagtatakang tanong niya ng pumasok ito sa kwarto niya.

Naupo ito sa kama niya. "Your Maid let me in"

"'I see. Anong maipaglilingkod ko sayo?"

Mula sa bag na dala nito ay naglabas ito ng mga magazines. Napansin ni Akira na wedding magazines iyon.

"Well, I can't decide kasi kung ano ang pipiliin ko. Can you help me out?" malambing na sabi nito.

"Kahit na ano naman ang isuot mo for sure babagay iyon sayo. You're so pretty you know"'

"'I know. But I don't want to be just pretty. I want to be the most beautiful girl on our wedding day"

"Lahat naman ng babaeng ikinakasal eh siyang pinakamaganda sa araw ng kasal niya"' sagot ni Akira. "Pero sige ano bang maitutulong ko? Alam mo kasi wala akong alam sa fashion eh. Kaya baka hindi rin kita matulungan"

"'I just need to hear your opinion."'

Napilitang pumayag na din si Akira. Subalit hindi niya alam kung sadyang wala ba talaga siyang alam sa fashion o talagang nananadya si Nicole na lahat ng sinasabi niya ay kinokontra nito.

"Mukhang hindi mo naman kailangan ng opinion ko eh"' hindi mapigilang sabi niya. Naiinis na kasi siya. Inistorbo na nito ang pagsusulat niya tapos ganito pa ang ginagawa sa kanya.

"Well, your taste sucks! No wonder James never like you"

Hindi maintindihan ni Akira kung bakit parang nagkaroon ng sungay ang Nicole na kaharap niya ngayon. Hindi na ito ang sweet na Nicole na una niyang nakilala.

"What?"' gulat na tanong niya.

"I know that you love James. He told me that. But sad to say girl, you are not his type. So you better back off! Okay na kami. We love each other so much. So huwag ka nang umeksena" pagtataray pa nito.

Now she knows. Ito ang tunay na Nicole. Ang anumang ipinakita nito sa kaniya ay isa lamang malaking pagbabalat-kayo.

"Excuse me lang ah! Hindi ko alam ang sinasabi mo. I never said that I love James. And besides, hindi ako photobomber. Marunong din akong magselfie!"' asar na sagot ni Akira.

Mukha namang hindi naintindihan ni Nicole kung ano ang sinasabi niya. Wala na siyang pakialam. Ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay mawala sa harapan niya ang plastic na babaeng ito. Mukhang nagpunta talaga ito sa bahay niya para lang ipahiya siya.

Tumayo siya at lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"'Pwede ka ng umalis. Busy pa ako." Pagtataboy niya kay Nicole.

Tumayo naman si Nicole at akmang lalabas na ng silid niya ng pigilan niya ito. Nagtatakang tinignan siya nito.

"'Yung mga basura mo wag mong iwan dito"' tukoy niya sa dala nitong wedding magazines.

Inis namang pinagdadampot ni Nicole ang mga magazines nito at tuluyan nang lumabas ng silid niya. Agad namang isinara ni Akira ang pinto at animo nanghihinang napasandal sa likod ng pintuan niya. Hindi niya din napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

She felt betrayed. Akala niya ay kaibigan talaga ang turing sa kanya ni Nicole.

She felt betrayed. Hindi niya lubos na akalain na sasabihin ni James sa nobya nito na may gusto siya sa binata. Maski nga siya ay hindi pa magawang aminin iyon kay James iyon pala ay all along alam na nito ang nararamdaman niya.


She felt betrayed. By her own feelings dahil hindi ganun kasakit ang nararamdaman ng puso niya. Parang may kulang.

Tunog ng cellphone niya ang pumutol sa pag-iyak ni Akira. Wala na sana siyang balak na sagutin ito kung hindi nga lamang niya nakita kung sino ang tumatawag.

It's Chad.

Pakiramdam ni Akira ay biglang sumikdo ang puso niya. Agad agad na sinagot niya ang tawag.

"Hello" nanginginig ang boses na sagot niya.

"Akira? Okay ka lang ba? Bakit parang garalgal yata ang boses mo?" bakas ng pag-aalala ang boses ni Chad sa kabilang linya.

Inalis muna ni Akira ang bikig sa lalamunan bago siya nagsalita.

"Okay lang ako. Kagigising ko lang kasi. Bakit ka nga pala napatawag?"' pagsisinungaling niya.

"Well, invite sana kita na pumunta sa Café ngayon. Anniversary kasi medyo may konting celebration. Pero kung di ka pwede okay lang. Pero sana pwede ka"'

Napangiti naman si Akira kahit na hindi naman siya nakikita ni Chad sa kabilang linya.

"Sure. Pupunta ako. Magbibihis lang ako"'



"Thanks Aki, see you!"'

"'Yeah. See you"'

Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag. Napangiti si Akira. Pakiramdam niya ay biglang gumaan ang pakiramdam niya. Parang nawala lahat ang badtrip niya sa mundo, kay James at sa bruhildang si Nicole sa isang simpleng tawag lang ni Chad. Namiss niya ang binata. Namiss niya ang boses nito. Namiss niya ang kakulitan nito.

Excited na bumangon si Akira at naghanap ng maisusuot na damit para sa anniversary party ng Café ni Chad. Excited na siyang makita muli ang binata. Hindi niya alam kung bakit subalit iyon ang nararamdaman ng puso niya.

For now, susundin niya muna ang gusto nito. Saka na niya tatanungin ang puso niya kung bakit.

***

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
56.8K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...