The Way I Loved You (TOA Seri...

By Mirklore

1.3K 92 316

Tales of Alison Series #1 If being devoted to public worship's a part of the criteria to be considered as a r... More

The Way I Loved You (TOA Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 10

34 4 7
By Mirklore

Cristine was really happy when I told her that Ate Weng still does accept people who want to join our organization. At dahil kaagad siyang nagsabi, isasali siya sa induction ceremony na gaganapin sa Linggo.

Kaagad niya akong sinabihan na pinapa-rush niya ang pinapatahing uniporme. Ilang araw na lamang ay gaganapin na iyon kaya't dapat na makahabol.

I tried to divert my attention by writing drafts for my new story. My outline was already done so are my character profiles so I started with the first few chapters.

Hindi pa ako sigurado sa ilang parte kaya naman hindi ko pa sinasabi kay Micko. Siguro, ipapatingin ko na lamang kapag marami-rami na ang naisulat ko.

"Buti hindi ka magq-quit?" tanong ni Pam nang minsa'y makitambay ako sa kanila.

"Bakit naman ako magq-quit?" I questioned back and put a piece of chip in my mouth.

"E, kasi 'di ba, sumali ka para makita siya? Umaasa ka pa rin ba na magiging okay kayo after no'ng nakaraan?"

I swallowed the food inside my mouth before protruding my lips. The truth is, I thought about that for the past few days. I joined the org for him but since I was already rejected, there's no more reason for me to stay.

But then, I don't want to quit. For some reason, I somehow enjoy being part of the Children of Mary Immaculate. The procession last Sunday was tiring but somehow... fun and meaningful. Well, before my talk with Juancho happened, of course.

Hindi na ako masyadong umaasang magkakamabutihan pa kami. Siyempre, gusto ko pa rin naman siya. Subalit hindi na kagaya noong nakaraan na mag-a-assume ako ng kung ano-ano.

Maybe, I'll just focus on the organization while still admiring him until my heart gets exhausted.

"Hindi ako umaasa, Pamela. Gusto ko lang mag-stay. Alam mo na, for a change. At saka, sayang ang uniform. Siguradong magagalit si Mama 'pag sinabi kong nag-quit ako agad e, halos kasasali lang din natin," sambit ko na lamang.

"Sabagay," sagot niya at kumain na lang ng chichirya.

Nang dumating ang Sabado ay nagtungo kami sa may simbahan para sa practice sa gaganaping induction. Dahil mayroong mga matatandang umuokupa ng loob ng simbahan ay doon kami sa katabing basketball court ng barangay.

Ni-ready ko ang sarili ko para sa araw na ito, halos isang linggo mula nang makausap ko siya. Sa ngayon ay hindi pa ito dumarating.

"Sharik!" tawag ng kung sino sa akin.

Nilingon ko iyon at natanaw si Cristine na papalapit. Tinitigan din siya ni Pamela na bahagyang mayroong pagtataka sa mukha, siguradong kuryoso kung sino ito.

Nginitian ko si Cristine. "Hi, nandiyan ka na pala."

"Oo, hinatid ako ni Daddy," masayang anito at tinitigan din ang aking pinsan. I cleared my throat.

"Uh... Cristine, si Pamela, pinsan ko," saad ko, "Pam, si Cristine. School friend."

Cristine smiled and waved at my cousin. "Hi! Nice to meet you!"

Ngumiti lang din si Pamela at tinanguan ito. Tumabi sa amin ang bagong dating habang hinihintay pa ang ilang miyembro. Sa paghihintay ay walang ibang sinabi si Cristine bukod sa kung gaano siya ka-excited.

"Sana pansinin niya ako! Kakapalan ko talaga mukha ko at magpapakilala. Sabi nila, the percentage of getting the boy you like is higher when you do the first move!"

I forced a smile as I nodded at the thing she said. That does not apply to every situation, though. Ako rin ata ang nag-first move pero sa huli, hindi naman tumalab.

"Masungit 'yon, sobra. Good luck na lang sa'yo," sagot ni Pamela.

"Mukha namang masungit siya e. Kahit sa malayo, laging seryoso ang mukha. Hindi bale, ako ang magpapabago sa kanya!"

Hindi ko alam subalit sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng iritasyon sa kaklase at kaibigan. Alam ko namang wala siyang kasalanan dahil hindi naman niya batid na may gusto rin ako sa lalaking tinutukoy niya subalit hindi ko lang talaga mapigilan.

"Paano mo naman gagawin 'yon?" si Pam, medyo angat na ang kilay.

Cristine shrugged. "I don't know. Pero susubukan ko siyang kausapin mamaya."

I stared at Cristine. She has long, straight, and shiny hair that flows perfectly on her slender waist. Mas maputi siya sa akin at mas matangkad. Maamo rin ang kanyang mukha, iyong tipo na hindi makabasag-pinggan.

Hindi mo nga aakalain na kaya niyang mag-first move, e. Ang hinhin kasi tignan.

Indeed, you cannot judge a book by its cover.

I forced myself to stop staring at her. Mas lalo lang akong mai-insecure kung ipagpapatuloy ko ang pag-iisip ng mga ganitong bagay.

Nagkaroon ng ilang bulong-bulungan. Marami sa mga miyembro ang napatingin sa may entrance ng court kung saan pumasok si Juancho. Nakasuot ito ng simpleng black sweat pants, gray shirt, at adidas na sliders.

"Ayan na ang main event," ani Cristine at humagikgik sa aking gilid.

Diretso lamang ang tingin ni Juancho hanggang sa makarating sa banda ng mga KBS. Binati siya ng mga ito na simple niyang sinagot ng ilang tango.

Bumuntonghininga ako at inalis ang tingin sa kanya at nilipat kay Pam. Nakasimangot ito habang bahagyang inginu-nguso ang isa pang katabi ko.

I stared at her apologetically. Kahit naman nakakainis si Cristine, kaibigan ko pa rin siya. Pipilitin ko na lamang huwag masagad kung sakali mang ipagpapatuloy ang ginagawa.

Tutal ay naisip ko, ayaw rin ni Juancho sa mga kagaya kong sumali rito dahil sa kanya. Kung mag-fi-first move si Cristine, mahahalata niya naman siguro. Hindi ko rin naman siya puwedeng balaan. Siguradong uusisain niya kung paano ko nalaman.

Kaya hahayaan ko na lang siguro. And who knows? Sa ganda at talino ni Cristine, may chance na mapansin siya.

Iniisip ko pa lang, tila humahapdi na ang puso ko.

Sabi nang huwag mag-isip ng kung ano-ano e! Hindi ka talaga natututo.

"Start na tayo, guys!" si Ate Weng at nagsimulang tipunin kami sa gitna ng covered court. Mayroong mga upuan doon na hiniram daw nila sa barangay hall na katabi lang mismo rin ng court.

Habang nagtutungo sa mga upuan ay hindi sinasadyang nakasalubong ko si Juancho. Nasa akin ang mga mata niya na walang bahid ng ekspresyon.

Mabilis lamang iyon dahil kaagad kong pinutol. Dumiretso ako sa upuang nakalaan para sa amin.

"Nagkatinginan kami," Cristine delightfully whispered after we settled down. Halatang kinikilig ito sa tinginan daw na naganap sa kanila.

Ngumiti na lamang ako at ibinaling ang pokus sa harap. Nagkaroon muna ng short praise bago nagsimula ang practice. Ate Weng briefed us about what will happen and distributed pieces of paper. Para raw iyon sa sasabihing vow ng bawat ranggo.

Nauna kaming tinawag para roon. Nakayuko ako habang naglalakad patungo sa harap kasama ang mga kasamahan kabilang na si Pamela at Cristine.

Thankfully, while saying those words, we are to face the altar. Kaya naman nakatalikod kami sa ibang miyembro sa buong recital.

Pinilit kong labanan ang temptasyon na tapunan siya ng tingin pagkatapos namin sa harapan. But he's really just like a magnet that my metal eyes cannot resist. In the end, I still failed.

Sa ikalawang pagkakataon nang araw na iyon ay nagtagpo ulit ang aming paningin. Gaya kanina ay mabilis lamang iyon dahil kailangan kong tignan ang daan pabalik sa aking upuan.

Hindi ko na siya tinitigan nang maupo subalit mula sa gilid ng aking mga mata ay nahahagip kong nasa akin pa rin ang tingin niya.

Anong tinitingin-tingin ng isang 'to? Akala ko ba, ayaw sa akin?

Pinagalitan ko ang sarili kong nagsisimula na naman. Inisip ko lamang na noong huling beses akong nag-assume, sakit ang inabot ko.

Never again.

Nagkaroon kami ng break matapos ang unang round ng practice. Uulit daw mamaya dahil ayaw ni Ate Weng na mayroong magkamali bukas sapagkat maraming mga tao dahil gaganapin ang induction ceremony bago matapos ang misa.

"Softdrinks tayo, Sharik. Inuuhaw ako," aya sa akin ni Pamela.

Pumayag ako dahil maging ako ay nakakaramdam ng uhaw. Binalingan ko si Cristine sa aking tabi.

"Sama ka, Tine?"

She shook her head. "Hindi na, kayo na lang."

Tumango ako at sumama na kay Pamela. Maging ang ibang miyembro ay nagsisitayuan upang bumili rin siguro ng makakain o maiinom.

"Ilang taon mo nang kaibigan 'yon?" tanong ni Pam habang naglalakad.

"Simula no'ng grade nine, bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang, hindi ko lang siya feel. Uh... hindi ka ba nagseselos? Ang dami niyang sinasabi kanina!"

"Bakit naman ako magseselos? Hindi naman akin si Juancho," saad ko. "At saka, buhay niya 'yon. Kung magfi-first move man siya, choice niya 'yon. As if puwede ko siyang pigilan."

Tumawid kami ng kalsada patungo sa tindahan sa tapat. Natigil na kami sa pag-uusap ni Pam patungkol doon sapagkat nahimigan niya ata na wala ako sa mood pag-usapan.

We bought a big bottle of coke. Pinahati na lamang namin sa dalawa. Mas makakatipid kasi kapag ganito.

Doon na rin namin ininom ang mga iyon. Subalit dahil sa mabagal ako, hindi ko pa rin ubos ang sa akin nang mag-ayang bumalik si Pamela.

Bumagal ang mga hakbang ko nang mula sa malayo ay may masulyapan. Si Cristine na nakaupo patagilid habang mukhang kinakausap ang nakatalikod sa aking si Juancho. I can see her smile as she's trying to say something to him. Hindi ko naman makita ang mukha ng lalaki sapagkat nakatalikod nga.

"Ang bilis ha?" ani Pam at siniko ako. "Ano? Hindi ka pa rin ba nagseselos?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko gusto ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Sinabi ko kanina na hindi ako nagseselos subalit sinong niloloko ko?

"Mauna ka na. Itatapon ko pa 'tong plastic at straw," sambit ko sa pinsan at kaagad na tumalikod.

Wala naman akong karapatang magselos dahil hindi naman kami. Ni wala nga siyang gusto sa akin. Ako lamang ang mayroong interes.

Kaya nakakainis na ganito ang nararamdaman ko. Seeing Cristine looking so delighted while talking to him with that proximity is making my eyes moist.

Lumapit ako sa isang basurahan sa gilid, medyo malayo sa nakararami. Pinilit kong ubusin ang soft drinks dahil sayang bago ko itinapon iyon sa basurahan.

"Hi," isang tinig ng lalaki ang aking narinig.

Bumaling ako rito nang nakakunot ang noo. Pamilyar ang mukha niya dahil isa ito sa mga sakristan. Hindi ko nga lang batid ang pangalan.

Hindi masyadong matangkad, maybe around three to four inches taller than me. He is fair and look just fine. Medyo hindi ko lang gusto ang awra. Parang maangas na ewan.

"Hello," I greeted back for I don't want to be a snob.

"Ikaw 'yong nakaraan, 'di ba? Iyong kausap ni Juancho?"

I bit the insides of my lower lip at that question. "U-Uh... bakit?"

Why did he ask me about that? Did he happen to hear my confession? Oh God, I hope not.

"Wala lang. Kung may gusto ka do'n, wala kang pag-asa. Hindi ka papansinin no'n."

Irritation rose within me. I raised a brow like a bitch. "Ano naman sa'yo?"

Ngumisi siya, dahilan ng pag-igting ng inis ko. Sino ba ang isang 'to?

"Sharina, hindi ba?"

I did not confirm it. My silence made him laugh.

"Maganda ka, Sharina. Huwag mo lang sayangin sa mga taong walang interes sa'yo. May iba naman diyan na paglalaanan ka ng atensyon."

Napatiim-bagang ako. "At sino naman 'yon? Ikaw?"

His smirk grew wider. "Kung gusto mo, bakit hindi?"

I pressed my lips together and tore my gaze from him. This man is starting to get into my nerves. Ni hindi ko man nga siya kakilala at kung ano-ano na ang pinagsasasabi. May pagka-pakialamero.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagnanais na itulak siya roon sa basurahan. Ang ayoko pa naman sa lahat ay iyong mga maaangas na parang hari ang tingin sa sarili.

I was about to snap at him when a voice hindered me to do so.

"Mariano."

Sabay kaming napalingon sa baritono at may bahid ng lamig na tinig. Nakita ko si Juancho na nakatindig at nakapamulsa habang mariing nakatitig sa lalaking gusto kong itapon sa basurahan.

Anong ginagawa ng isang 'to rito? Hindi ba, busy siya makipag-usap kay Cristine?

"Go back there," he muttered firmly.

"Nag-uusap pa kami ni Sharina," tugon naman ng isa.

Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Juancho. Ang madidilim niyang mata ay tila mas dumilim sa pagkakataong ito. He glanced at me for a while before glaring at the guy.

"I said go back there," he repeated, sounding more dangerous. Tila nagbababala ang tinig niya.

Bumahid ang iritasyon sa mukha ng lalaking Mariano ata ang ngalan o apelyido. Walang imik itong tumalikod at nagmartsa pabalik sa kinaroroonan ng ibang miyembro.

The moment he was gone, Juancho's attention drifted on me. I retained my resting bitch face, trying to battle his dark stares.

Aalis na sana ako nang humarang ang kanyang katawan. Napahinto ako at tiningala siya.

"What did he tell you?" he asked me.

I gritted my teeth. "Wala naman."

"Sharina," he uttered my name in a serious manner, sounding like a parent who's warning his stubborn child.

But if there's something stubborn, it would be my heart, without a single doubt. I am irritated but why does this freaking organ thump with his every stare?

"Wala nga." Tinapangan ko ang tingin ko at inangat ang baba, pinipilit na itago ang nararamdamang kaba. "Mags-start na ulit ang practice."

Humakbang ako at nilampasan siya.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...