HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 6

345 5 0
By arisxixey

CHAPTER 6

Halos isang linggo akong walang trabaho. Nakatambay lang ako sa bahay, kahit papaano naman ay may ipon ako na mga delata kaya ayun na lang ang kinain ko. Hindi din ako lumabas ng bahay.

Pero matapos ang ikapitong araw ng pagiging unemployed ko, bumibili ako sa tindahan malapit doon sa building ng Vasco Empire ay nakita ako ng guard ni Sir Achie kaya ang nangyari, dinala nila ako sa office.

In short, nagtrabaho ulit ako. Kaya hanggang ngayon ay nandito ako. Halos dalawang buwan na din ang nakaraan simula ng mangyari ang katangahan kong 'yon. Hindi nga kami masyado nag-uusap nun. Tahimik ako at tahimik din siya, ginagawa niya mga papeles niya, nililinis ko naman iyong mga bintana at magsulat ng mga makakatulong sa magkakapatid.

At ngayon, may tumawag sa telepono. Kikitain daw ako. Sa halos isang taon ko na sa kompanyang ito, hindi ko alam kung mabait ba talaga ang Nanay at Tatay ni Sir. Though mga hindi abot ng lima ang beses na nakita ko sila simula noong naging P.A. ako ni Sir Achie kasi nagtatago ako eh o hindi kaya'y nasa Cr.

Ang sabi sa tawag eh maghintay lang daw ako at may susundo sa akin. Tutal tapos ko naman na ang trabaho ko at alas onse pa lang, nagsimula na akong maglakad pababa sa hagdan kasi baka umakyat pa sila tapos pababa ako, edi hindi kami nagkita niyan.

Sa ilang beses kong pagtataas-baba sa mga hagdanang ito ay kahit papaano hindi na ako medyo napapagod at hindi na ako gaano kabagal tulad noong dati na sobrang sumasakit ang mga hita ko sa sobrang paglalakad pataas o pababa.

Halos bente minutos din akong bumaba sa hagdan at saktong paglabas ko sa may hallway patungo sa hagdanan eh pumasok ang mga naka uniform na suit na itim at shade. Ganito talaga ang mga nakikita kong guard ng mga mayayamang pamilya sa telebisyon.

"She's there."

Nagsabay ang kanilang paglingon sa gawi ko dahilan para makakuha ng atensyon at mga mapanuring mata ng mga taong naglalabas-masok sa building.

"Good morning po," saad ko pero hindi naman sila nagsalita.

Sinabihan lang nila ako na sundan ko sila at dadalhin nila ako kay Sir Vasco. Habang pasakay ako, hindi ko mapigilan ang kabahan. Paano kung prank pala 'to? Tapos kikidnapin ako, manghihingi ng ransom money e wala kami nun! Paano na lang ang mga bata at si ate ko?

"We're not kidnapping you, Ma'am. Mr. Vasco wants to see you for some private reason...I said that because you look like you're overthinking here or maybe thinking that we're kidnaping you and will order a ransom money."

Napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang talaga. At tsaka, pati mga guard nila, English din. Paano ako nito makipag-usap kung minsan ay hindi ko ma-express and sasabihin ko?

Tumango tango na lang ako at hinintay na dumating kami sa bahay. And o how wrong I was, hindi lang ito bahay. Mansion! Ano pa nga ba ang ine-expect ko sa pamilya nila? Mga bilyonaryo.

Bumukas ang malaking gate at doon ay bumungad sa amin ang isang malaking fountain sa gitna, umikot doon ang sasakyan at tumigil sa mag hagdan papasok ng mansyon nila. Nakaawang ang bibig kong bumaba sa puting van nila at doon na lang ako naka-recover sa pagkabigla nang may lumapit na maid at nagtanong kong ako nga ba si Maya na siyang tinanguan ko bago niya ako iginiya papasok.

"Woah."

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ang kabuuan ng loob. May grand staircase sila na paikot pababa at napakalaki ng space. Mamahalin din ang mga gamit na nakadisplay lalo na iyong mga vase at mga painting na nakasabit sa dingding. Ang ganda.

Hinahangaan ko pa din ang mga desinyo ng lugar nang marinig ko ang boses ng isang lalaki kaya agad akong napalingon.

"Are you Maya Pedrosa?"

Nang matingnan ko kung sino ay walang iba kundi ang Ama ni Sir Achie. No other than Vlad Mere Vasco—one of the ruthless businessman around the world.

"S-Sir," saad ko at marahang yumuko para magbigay galang sa tanyag na Vasco.

Napansin ko din na naroon ang Asawa ni Sir, Ma'am Fasaia. May kausap ito sa telepeno sa may gilid at nang matapos ito ay tumingin ito sa gawi ko at ngumiti na siyang nginitian ko din. Ngiting nahihiya!

"So you are Maya, the lady my Son's talking about." Napatitig ako sa sinabi ni Ma'am.

Ako? Binabanggit ni Sir Achie sa mga magulang niya? Hala, wait.

Hindi kaya sinumbong ako ni Sir Achie sa Mama at Papa niya? Pero ilang buwan na nangyari 'yun!

Pero baka ngayon lang hindi busy ang parents niya kaya ngayon ka lang din pagbabayarin sa kasalanan mo.

Ani ng nasa utak ko na nagpatakip sa umaawang kong bibig. Lagot ka Maya! Wahhhh!

Walang pasabi akong lumuhod at magsimulang humingi ng tawad sa nakatayong mag-asawa.

"Maam, Sir, sorry po talaga! Hindi ko po sinasadya iyong ginawa ko! Nainis po ako sa boss ko, hindi niyo sana ako tanggalin sa trabaho! Hindi na po mauulit, promise! Hindi ko na papalitan ang asukal na puti ng asin! Sorry po!" Kulang na lang ay halikan ko ang mga sapatos at sandal nilang mag-asawa.

Nakaluhod ako habang nakayuko at humingi ng pasensiya sa nagawa. Nang marinig ko ang halakhak nilang dalawa.

"You did what?"

"HAHAHA! Fuck, you did that?"

Tanong nilang dalawa na ikinatanga ko. Hindi ba sila galit dahil sa ginawa ko? Niloko ko ang Anak nila no'ng ginawa ko ang bagay na 'yun pero bakit parang hindi sila galit? Bagkos tuwang tuwa sila?

"Oh God, stand up, dear. You're so funny, " tumatawa nitong saad kaya agad akong tumayo at pinagpag ang jeans ko sa may tuhod kahit hindi naman talaga madumi ang tiles, baka nga iyong jeans ko pa ang madumi.

"I agree about that, my love."

Matapos ang eksenang iyon ay pinagtimpla nila ako ng juice na talagang ikinalaki ng mata ko sa sobrang sarap. Galing daw sa ibang bansa iyon kaya paniguradong masarap na siyang ilang beses kong tinanguan.

Gusto ko pa nga sana manghingi kasi unang beses ako nakainom ng gano'n kasarap na juice—24/7 na juice, tapos nestie pa lang ang matandaan kong naiinom kong juice—pero umalis na iyong maid kaya nanghinayang ako ng kaunti pero nawala din nang magsimulang magsalita ang si Sir Vasco patungkol sa tunay nilang pakay kung bakit ako pinatawag dito.

"So the reason why we brought you here is that our son is sick---"

"Hala! Si Sir Achie?" Nang mapagtanto kong pinutol ko ang pagsasalita niya ay agad akong humingi ng tawad. "Ay hehe, sorry po. Nagulat lang ako. Hindi naman kasi nagkakasakit iyon. Simula noong nagtrabaho ako sa kaniya."

Peke akong ngumiti at kalaunan ay napakamot sa ulo. Puro katangahan na lang Maya.

"Yes, obviously..." Oo nga naman, wala ng Anak sila Ma'am at Sir. Maliban na lang kung nangabi---.

"And he requested that you take care of him while he's sick since you work for him, he said. And don't worry, our son is just upstairs, in his room in this mansion...He wouldn't let us kasi na magdala ng nurse na mag-aalaga sa kaniya 24/7. That's why you're here."

Napatango tango naman ako at agad na nginitian ang mag-asawa na nakatingin sa akin sa kaharap na sofa.

"Okay po, Sir. Babantayan ko po si Sir sa abot ng makakaya ko po." Paniniguro ko sa kanila na hindi mali ang ginawa ni Sir na ako ang mag-aalaga sa kaniya.

Gusto niya bang maalagaan ng isang Maya Pedrosa.

No sweat.

Char.

"The maid will guide you upstair and one more thing. Huwag kang lumabas ng bigla bigla kasi may mga aso kami na pinakawalan sa buong palibot ng mansyon. Just for the security. So be careful."

"Yes, Sir!" saad ko at sumaludo sa kaniya na ikinangiti nilang pareho. Humaba naman ang nguso ko. I was serious doing that!

"Let's go Ma'am?"

"Ay, Ate huwag mo na po ako tawaging Ma'am. Katulong lang din po ako ni Sir. I'm Maya po," pagpapakilala ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon kaya nagmukha akong nagpakilala sa hangin ng mansyon na 'to.

Feeling ko din ay kaedad lang ito ni Sir kaya ni-Ate ko na lang. Masabihan pa ako ng walang galang sa mga nakakatanda sa akin. Nang lingunin ko si Ate ay deretso lang ang tingin nito at parang walang emosyon. Sumunod na lang ako dahil nakakahiya kung paghihintayin ko pa siya.

Habang naglalakad pataas sa sosyal na hagdan, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa mga paintings na nakasabit. May family picture dito, silang tatlo—Sina Mr. and Mrs. Vasco at si Sir Achie—may painting na ang magulang lang tapos may painting na si Sir lang mag isa.

Ang pogi mo d'yan Sir ah. Hindi mapaghahalataan na bakla.

"This way, Ma'am." Napalingon ako kay Ateng maid. Tumango ako ay nang huminto siya sa isang pinto ay nalaman kong nasa loob nga si Sir Achie dahil may nakasulat na pangalan sa may pinto.

Achie Miel Vasco at may nakalagay sa baba ng pangalan.

"You are not allowed to enter," basa ko.

Bakit kaya? Ayaw niya kayang makita ang mga barbie collection niya? Si Sir talaga.

"You can knock and say your name. But, if Master Achie won't reply, just use this card and slide it in here." Napatingin ako sa pinto. Ngayon ko lang na realize na parang sa palabas ang pinto ni Sir. Iyong gaya sa mga hotel? Card card gano'n.

Tumango ako at tinanggap ang itim na card. Pagkatapos tumalikod ni Ateng maid ay sumilip ko muna ang koridor para siguraduhin na bumaba na siya at nang masiguro ko na, nagsimula na akong kumatok at nagpakilala.

"Sir? Si Maya ho ito."

Ilang beses ko pa sinubukan ngunit ng lumipas ang pang limang pagtatawag at pagpapakilala ko, ginamit ko na ang card na binigay sa'kin kanina. Tumunog ito ng tatlong beses bago nah kulay green and ilaw na sa tingin ko ay hudyat na bukas na ang pinto.

At hindi nga ako nagkamali. Nang maitulak ko na ang pinto, bumungad sa aking ang malaking silid. Hindi gaanong maliwanag kaya may kadiliman ang ibang parte ng kuwarto.

Napansin ko ang natutulog na lalaki na sa tingin ko ay bakla kaya lumapit ako dito. Maingat ang bawat paghakbang sa takot na baka'y magising ang mahimbing na natutulog.

Nang matingnan ko ng maayos ang tulog na mukha ni Sir ay ngayon ko lang napansin na mahahaba pala ang kaniyang pilik mata. Nakaawang din ang kaniyang mapupulang labi. Ang namumula niyang pisngi na sa isip ko'y dahil sa kaniyang lagnat, at ang minsang pagkunot ng kaniyang noo na wari ko'y dahil sa isang panaginip.

Kinapa ko ang kaniyang noo at napagtantong mainit na naman siya. Napatingin ako sa ibabaw drawer na katabi ng kama, may isang maliit na planggana doon at pampunas.

Naalala ko din ang sinabi ni Ma'am kanina habang sinasabi niya ang mga dapat kong gawin.

"Punasan mo siya kung makakaya mo man, hindi kasi siya pumayag na punasan ng Nurse na nagbabantay sa kaniya kanina. Nagpalit lang iyon ng damit dahil nga gusto niyang ikaw ang magpunas sa kaniya."

Nangunot pa ang noo ko dahil bakit ako tapos naalala ko na personal assistant niya pala ako kaya trabaho ko ang alagaan at pagsilbihan siya.

Umiling-iling akong dinampot ang bimpo at sinimulang basain ito at ipinunas sa noo at leeg niya. Inalis ko din muna ang makapal niyang kumot at sinimulang punasan ang mga braso at hiya niya.

Halos sampong minuto din akong magpupunas bago ibalik ang pagkakakumot sa kaniya. Paano ba naman kasi ang likot niya, panay palipat lipat ng posisyon, tatagilid, hihiga ng maayos tapos babaling na naman sa kung saan tas manginginig dahil sa lamig.



SUMILIP ako sa malaking bintana na may makapal na kurtina dahilan para hindi makapasok ang sinag ng araw sa kuwarto. Natutulog pa din si Sir kaya ang ginawa ko ay naupo sa malamig na sahig dahil ayoko naman makialam sa gamit ni Sir ng walang paalam.

Sobrang sama ng nangyari sa'kin noong ginalaw ko iyong gamit na hindi sa akin sa bahay ng Mama ko noon. Madaming bugbog ay pasa ang natanggap ko nun kaya ayoko ko mangyari iyon ulit kahit na hindi man gawin ni Sir. Mas mabuti ng sigurado.

Ala una na at hanggang ngayon ay tulog pa din si Sir. Nakahilig lang ako sa closet dito sa kwarto, may kalayuan iyon sa kama pero tanaw ko naman kung gagalaw siya o magigising. Balak ko sana siyang gisingin para makakain at makainom ng gamot para makapag pahinga muli pero nakakahiya naman lalo na at may sakit.

Nag-isip muna ako ng ilang minuto bago ko tuluyang napagdesisyonan na bababa para manghingi ng lugaw para ipakain kay Sir. May biscuit ako kanina at iyon na lang ang kinain ko tutal sanay akong hindi kumain ng tatlong beses sa isang araw, minsan nga ay pitong beses lang sa isang linggo dahil sa hirap ng buhay mag-isa—kahit na may Ate ako sa bahay pero hindi naman lagi naglalagi doon.

Nang marating ko ang dulo ng hagdan, tinakbo ko ang guard na nakatayo doon sa may pintong sirado.

"Kuya, nasaan po ang kusina?" tanong ko. Malay ko ba kung saan, ito ang unang beses kong makapunta dito at sa sobrang laki ba naman dito. Tumingin sa akin ang guard at deretsong sumagot.

"Levis, bring ma'am to the kitchen."

Magtatanong sana ako kung sinong Levis ang sinasabi niyang nang gumalaw ang katapat nitong guard din at lumapit bago iginiya ang daan.

"Right this way, Ma'am."

Napakamot ako sa batok at napanguso, puro ba englis ang mga taong nandito? Mapapasubok na ata ang englis ko sa lagay kong ito.

Sumunod ako kay kuyang English speaking at dinala nga niya ako doon. Napaawang ang bibig ko sa laki ng kusina nila.

Kasing laki 'to ng tinitirhan ko ah!

"This is the Kitchen, Ma'am. I shall take my leave."

Puro English jusko naman.

Nang makaalis ang lalaki kanina, ibinalik ko ang tingin ko sa mga taong nasa malaking kusina. Puro may mga kaniya kaniyang trabaho ito at hindi man lang ako napansin kaya ang ginawa ko ay...

"Tao po?" sabay sabay silang tumingin sa direksyon ko at agad kong naisip ang ginawa ko. Ano 'yun Maya? Bibili ka ba? Hindi mo afford tumigil ka!

"Yes, Ma'am? What can we help you?" tanong ng isang Chef ay lumapit sa akin. Napakamot naman ako ng ulo. Puro na lang englis!

"Ahm ano po kasi. Si Sir Achie po may sakit 'di ba?" panimula ko. 

Medyo nahihiya din akong tumitig dahil mukhang hindi naman mga pilipino ang nandito sa kusinang ito eh.

"Yes, we all know that. What is it that makes you scratch your head?"

"May lugaw po kayo?" deretsong tanong ko. Napatigil din ang lahat nang marinig ang tanong ko. Hindi ba nila alam ang lugaw?

"Lugaw?"

"Opo, it's a rice po but not really rice when serve." Ha. Ano daw? Hindi ko din maintindihan sarili ko. Bigas tapos hindi bigas kung ihahain? Ano na lang? Tubig? Jusko Maya, nag-englis ka pa, palpak naman.

"Basta po lugaw. Nakakatulong po iyong sa mga sakit dahil mabilis lang po iyon kainin kaya nagbabakasali akong meron kayo nun para ayun ang ipakain ko kay Sir na natutulog sa taas." Tumango tango naman ang Chef na kausap ko bago ako giniya sa harap ng lutuan.

"I can't remember how to make a lugaw so I'll let you cook it with my supervision. We can't be so sure especially it's about Master's health we're talking about." Sumang-ayon na lang ako kahit gusto kong sabihin na hindi ko naman lalasunin ang Master nila, gusto ko pang magtrabaho at mabuhay ano.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin para maluto agad at makakain si Sir. Hindi ko din dinamihann dahil si Sir lang naman ang kakain. Sobrang easy lang sa akin ito lutuin. Baka cheif din ako sa dati kong bahay. Katulong ako doon eh—kila Mama.

Umabot lamang ng halos bente minutos ang pagluluto ko nang mapagdesisyonan ko na tama na iyon. Nakatingin lang din sa akin ang mga nagluluto din kanina.

Feel ko tuloy nasa isang cooking show ako, pero sa cooking show ko is naka-zipper ang bibig ko. Pati paglunok ko ng laway pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko ba o hindi.  Take note, halos kinse ata na nagluluto ang narito. Tatlo lang ang kakain pero pakiramdam ko laging mag pyesta sa dami ng hinahandang pagkain.

Hinahanda ko na ang paglalagyan ko ng niluto kong lugaw nang mabulabog kami sa isang sigaw. At nang marinig ko ang pangalan ko ay agad akong tumakbo palabas ng kusina at nakita kong nahihirapang naglalakad pababa si Sir Achie sa hagdan.

Ano bang nasa utak ni Sir? Paano kung mahulog siya? Edi mas lumala pa sakit niya.

"Master!" sabay na sigaw ng guard at tumakbo sa hagdan. Nagsilabasan din ang mga maid. Sinong hindi lalabas kung maririnig mong nagsisisisgaw ang boss mo.

"Where the hell is Maya? She's supposed to be here now!" sigaw ni Sir.

Napatakip naman ako ng bibig ko. Nasa may likod ko iyong mga chef at sabay kong naramdaman ang tingin nila sa akin nang banggitin ang ni Sir Achie ang pangalan ko.

"And who the hell wiped my body?! I didn't allow anyone! Where is Maya?!"

Iyong mga tingin nila, parang sinasabi nilang 'do something', 'you are Maya so you need to calm him down.', mga gano'ng tingin.

"Ahm, Sir? Andito po ako?" patanong kong pag-aagaw ng atensyon niya. Nagwawala kasi parang bata! Ayaw pahawak sa guard e alam niyang nahihilo siya. Psh.

Agad siyang natigil sa kakasigaw nang makalapit ako sa kaniya. Umakbay siya sa akin na parang may dalang yakap na hinayaan ko na lang dahil alam kong nahihilo pa siya lalo na't hindi pa kumakain. Nagtangkang tumulong iyong mga guard ng English speaking pero ayaw magpahawak ni Sir.

"Ako na lang po ang bahala. Pakidala na lang po ng lugaw na nasa kusina. Maraming salamat."

Dahan dahan lang kaming humahakbang ni Sir sa hagdan sa takot na baka madisgrasya. Kahit ramdam ko ang mga tingin nila ay buti na lang nagsalita iyong unang kinausap ko na guard kanina ma bumalik na sila sa trabaho.

Habang paakyat kami, nagpapasalamat ako na medyo hindi na nanghihina si Sir Achie at baka bukas o sa makalawa ay magiging maayos na ang pakiramdam niya. Buti nga at hindi niya masyadong pinapabigat ang sarili niya habang nakaakbay sa akin at ako naman ay nakaalalay sa beywang niya. Nagpailing din ako nang magsalita siya.

"I thought you won't come here and take care of me, Maya."

"KAKAIN KA o kakain ka?" mas matigas kong tanong. Eh paano ba naman kasi! Halos limang minuto na akong paulit ulit ng tanong sa kaniya dahil ayaw niyang kumain at wala daw siyang gana.

"There's no other options?" maarteng tanong nito at ngumuso. Cute. Ay teka lang. Anong cute. Galit ako, galit ka Maya.

"Anong other options? Sir Achie naman, gusto mo bang gumaling o hindi?" naiinis kong tanong.

Kanina ko pa hawak ang maliit na bowl na may laman ng lugaw na niluto ko para sa kaniya. Tapos mag-eenarte siya? Gusto mo sanang sabihin na huwag niyang ipaandar ang pagiging bakla niya lalo na at may sakit siya. Pero ayaw talaga sa halip ay nagkumot ito at humiga ng patalikod sa akin dahilan para ilagay ko ang lugaw sa may ibabaw ng drawer na kinalalagyan ng planggana at bimpo kanina.

So hindi ka kakain. Tingnan natin ang pagkatigas ng ulo mo.

"Kung wala kang balak na kumain, sige lang. Aalis na lang ako at magpupunas ng babasaging dingding sa office mo. Sasabihan ko na lang ang Mama mo na ayaw mo ng magpaalaga sa akin." Tumalikod ako at pinakiramdaman si Sir. Hindi pa din siya gumagalaw at nanatiling nakatalikod.

Dahan dahan din ang paglalakad ko para bigyan siya ng oras at nang hindi ko siya naramdamang gumalaw, sinubukas ko ulit.

"Sige Sir Achie, mauuna na po ako. Pagaling ka po."

Pinihit ko ang doorknob at gumawa ito ng mahinang ingay sabay ng paggalaw ng nasa kama.

"Maya, stop. Fine, I'll eat it. Just don't leave."

Isang ngiti ang nabuo sa labi ko at pumalakpak ako ng isang beses bago ko siya nilingon at nginitian ng kay laki na nagpakunot ng noo niya.

"Huwag mo na akong kunutan ng noo d'yan. Here, eat ka na." Inilahad ko ang lugaw sa kaniya ay kutsara. Tinitingnan niya lang iyon na nagpakunot naman ng noo ko.

"Ano? Aalis ako o kakain ka?" Muli itong ngumuso at biglang namula ang tenga.

"Feed me," bulong nito.

Hindi ko alam na nagiging baldado ka pala kapag may sakit ka. Hindi naman ganito ang Mama, Kuya at Ate ko kapag nagkakasakit. At lalong hindi ako gano'n. Kapag nagkakasakit ako ay talagang tahimik lang ako. Ako nagluluto para sa sarili ko kasi wala namang may pakialam sa akin, ginagawa ko pa din mga karaniwang gawain ko tulad noong hindi pa ako nagkakasakit. May sakit o lagnat, trabaho kung ayaw mong mamatay sa gutom.

"Ahh, Sir." Ibinuka niya naman ang bibig niya at sunod sunod iyon dahil masarap daw. Isang ngiti lang ang itunugon ko dahil masaya akong nasarapan siya sa luto ko.

"You cooked this?" Tumango ako at ibinigay sa kaniya ang baso at gamot na nasa platito.

"Yes, Sir." Napa-hmm siya at tumango tango.

"Its actually good. Hindi kasi ganito ang timpla ng mga naluluto ni Manang Sally sa bahay ko." Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo ba ito bahay, Sir?"

"HAHAHA, no of course. This is not my house. This place is for events and some celebration of the company is held." Napa-ahh na lamang ako sa sagot niya. Kaya siguro napakaraming nagluluto dahil talagang kailangan nila iyon kung gusto nilang makakain ng marami ang mga dadalo.

Ininom niya na muna ang mga gamot at inayos ko ang kumot niya bago pinakiramdaman ang noo niya.

"Masakit pa din ba ang ulo mo?" Umiling siya.

"Nilalamig ka pa din ba ng sobra?" Umiling ulit siya.

"So kunting lamig na lang ang nararamdaman mo?" Tumango siya na ikinangiti ko.

"Mabuti kung gano'n Sir Achie. Magpagaling ka para makabalik ka na sa trabaho, miss ka na ng mga empleyado mo," saad ko at kaunting natawa.

"Eh ikaw?"

Kinunutan ko siya ng noo at lumayo na sa kama.

"Anong ako? Lagi naman kitang nakikita Sir."

Tumitig lang siya kaya nginitian ko ulit siya. "Magpahinga ka na po, Sir. Kailangan niyo po iyon. Saka niyo na lang ako sigawan kung sakali, kapag magaling ka na. Okay po? Hindi po ako aalis." 

Tumango siya at nahiga. Ilang segundo lang ang lumipas ay lumingon pa ulit siya na ikinatawa ko. "Dito nga lang po ako." Tumango siya at nahiga ulit.

Nilalaro ko lang ang mga daliri ko habang hinihintay siyang makatulog, tumitingin din ako sa kabuuan ng silid niya at ngayon ko lang napagtantong lalaking lalaki ang dating. Kulay gray at itim din ang kulay ng halos mga gamit niya. Pagdating sa pintura ng dingding, kulay ng ceiling fan na sobrang laki, sa mga vase at book shelf na nakakabit sa dingding, halos lahat ganoon lang ang kulay.

Kung ako ang papipiliin, gusto ko talaga light color na purple. Parang ang kalmado kasi sa mata tingnan. Meron akong damit nun na gano'n ang kulay, nabili ko sa ukay-ukay ng sampong peso kaso kinuha ni Ate Rose dahil mas bagay daw sa kaniya at sa akin, hindi. Ibinigay ko syempre. Baka magkapasa na naman ako kapag hindi ko ibinigay.

Napagtanto kong bumaba na muna saglit at isauli itong pinaglagyan ko ng pagkain ni Sir sa kusina kasi baka langgamin kahit may kaalatan ang lugaw na 'to.

Dahan dahan lang din ang paghakbang ko pababa dahil ayoko maka estorbo sa mga taong naroon sa baba. Nakita ko ang dalawang guard na napatingin sa akin at akmang magsasalita nang pinigilan ko sila na tumahimik habang ang daliri ko ay nasa labi ko at itinuro ang taas tapos umaktong natutulog.

Sana naman gets nila iyon 'di ba. Shh, natutulog si Sir Achie sa taas. Alam ko namang hindi talaga kami maririnig ni Sir Achie dito sa baba dahil medyo mataas naman ang dingding sa taas.  Pero napangiti na lang ako ng nauto ko sila.

Habang dahan dahan akong naglalakad sa pasilyo papunta sa kusina ay nakita ko ang paglabas ng isang itim na aso mula sa kusina kaya tumigil ako sa harap nito. Malayo pa din kasi unti ang pintuan ng kusina kaya hindi nila ako maririnig panigurado.

"Hello, doggie."

Continue Reading

You'll Also Like

13K 183 78
Meet Fletcher Gael Fernandez and Ashanti Phoenix Bautista.. Are you ready to read their story?
5.5K 127 14
Alery is every woman's dream, nasa kaniya na ang lahat. And yes, while he has everything, wala sa isip niya ang salitang pamilya at pagseseryoso sa s...
1.6K 60 22
It started when I accidentally kiss Him.
1.9K 130 25
Tagalog/English Lilian grew up knowing only one thing about her life and that is the fact that she was abandoned. As she grew older the mystery surr...