HER HALF (COMPLETED)

Autorstwa arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... Więcej

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 3

458 4 0
Autorstwa arisxixey


Kamusta Valentine's Day niyo?

CHAPTER 3

"Take a seat, may kukunin lang ako."

I know naman na hindi na ito ang una kung pasok dito. Pero ngayon ang unang beses na masilayan ko at maobserbahan ang desinyo ng buong silid. Malaki ito at may parang sariling sala pa habang ang mesa eh nasa may dulo ng kuwarto at sa likod nito ay tanaw ang mga nagtataasang building ng bansa. Gawa kasi sa glass ang ibang bahagi ng dingding ng silid.

Hindi ko tuloy napigilan na tumayo at lumapit sa may babasaging dingding at dinapo ang kamay rito. Isang malaking ngiti ang nabuo sa aking labi dahil sa nararanasan ko. Para akong ibon sa taas ng tanawin at sa lawak ng natatanaw ko. Patawa-tawa kong ibinuka ang braso ko at ginaya iyong sa palabas na Titanic na sina Jack at Rose.

Kapangalan pa ng Ate ko pero malayo naman sa ugali.

"Upo ka muna, Maya." Napatigil naman ako sa ginagawa at nawala ang ngiti ko nang mapagtanto ang inakto ko.

Nagmukha akong bata na ngayon lang nakaranas ng ganito!

Ay ngayon lang pala talaga.

"Ay sorry po." Agad akong sumunod sa sinabi niya at naupo sa pang-isahang mesa doon sa parang sala ng opisina. 

Hindi ko nilalayo ang tingin ko sa babasaging dingding o bintana kahit nararamdaman kong palapit si Sir sa akin.  At tama nga ang hinala ko nang parahan niyang iniyoko ang ulo ko kahit nabigla at sinabihang huwag gumalaw dahil gagamutin niya daw ang sugat ko.

"Does this hurt?" tanong niya patungkol sa paglagay niya ng alcohol sa sugat.

"Opo, Sir pero keri lang."

Hum lang sinagot niya at nang matapos siya ay marahan niyang itinaas ulit ang ulo ko.  At sinabihan na akong bumalik sa trabaho.

Para akong lutang na naglalakad sa pasilyo ng floor na 'to hanggang sa muntik na akong makapilok sa hagdan dahil may nakalimutan akong isang hakbang. Aba gusto talaga ata akong patayin ng hagdan na 'to.

"Puro kamalasan na lang ha, nakakagigil na."

Kahit pagod ang paa ko kakalakad pababa sa hagdan ay wala akong magawa dahil kailangan kong bumalik sa first floor at gawin ang mga trabaho ko. Sana nga lang ay hindi nagtaka ang ibang katrabaho ko na medyo matagal ako nawala.

"3rd floor, argh. Malapit na," gigil kong bulong sa sarili. Kulang na lang ay magdabog ako ng sobra sa bawat hakbang na tinatahak ko.

At nang makatapak ako sa first floor ay parang gusto ko na lang umupo sa sahig. Buti nga at may kunting pasilyo pang dapat lakarin bago makita sa likod ng kompanya kung saan kami naka-assign.

Habang naglalakad ako pabalik sa pwesto ko ay hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang naging usapan namin at kung gaano kagaan ang kaniyang mga kamay habang nilalagyan ng alcohol ang sugat ko sabay ihip dito.

"Kapag sobrang sumakit, just say so ha para mag-stop ako," aniya at tumango ako.

Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa totoo lang, ito siguro ang una na may naggamot sa akin na sobrang gentle. Iyong mga naggagamot kasi sa akin ay parang galit. Kesyo napakalampa kaya naaaksidente e hindi ko naman talaga sinasadya.

E kung sila magkasugat tapos sabihan kong laway nila ihugas o ipunas nila sa dugong umagos kasi masasayang ang tubig. Hindi lang nila nararanasan iyong mga pinagdaanan ko sa kanila e.

Tapos kapag may nakitang band aid magtatanong agad ng, "Wow may pambili ka? Nagnakaw ka ng pera sa'kin 'no?" Like hello? Ate, naririnig mo ba sinasabi mo. May ipon din kaya kaunti dahil kapag nasa klase, ginagawa ko iyong assignments ng iba tapos babayaran nila ako.

Dadagdag pa 'yan ng, "Asus. Hindi lang maarte ang kapatid na meron ako, sinungaling pa."

Tumahimik na lang ako dahil ayaw kong humaba ang usapan naming dalawa. Sa edad na bente, as much as possible, ayoko na makipag-usap sa kanila ng sobrang tagal.

Puwede nilang isipin and paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan but that will never change the fact that I know myself more than they do.

I remember nga noong nagka-sprain si Ate, she was 19 that time. Then si Mama wala sa bahay. Sino ba naman kasing tanga ang makakalimot sa huling hakbang ng hagdanan, si Ate Rose lang siguro. Kakaselpon niya 'yun, hindi na tumutingin sa hinahakbangan. Kaya ang nangyari, bugbog ang inabot ko kahit hindi ko naman kasalanan ang nangyari. Hindi ko naman hawak ang huling hakbang ng hagdanan para makalimutan niya 'di ba.

"There, okay na. What happened ba kasi?"

Conyo ni Sir. Ang sinagot ko na lang sa kaniya nun is napasobra ang kamot ko sa batok kaya nagkasugat kahit alam kong hindi niya binili iyong rason ko. Pagkatapos ko magpasalamat ay agad akong umalis kasi need ko pa magtrabaho at baka magtaka iyong mga kasamahan ko at kung bakit masyadong matagal akong nawala.

Alam naman na natin ang takbo ng utak ng iba. Sa sobrang assuming, kahit nakakasakit na, hala sige pa din.

Nang marating ko ang pwesto ko, agad kong kinuha ang walis na nakahilig sa isang dingding sa gilid at agad na nagsimula akong magtrabaho. Hindi nakatakas sa tenga ko ang bulong bulong ng mga kasamahan ko habang naglalakad ako papalapit sa walis ko.

"Ang tagal niyang bumalik. Magkakalahating oras ata sila doon."

"Oo nga eh, baka kung ano ng ginawa nila," segunda ng kabulungan niya.

"Pero wala namang nilalabasan ng mabilis." Napatigil ako sa narinig.

Are they whispering about me having sex with my boss? The hell?

"Jenny, may problema po ba tayo?" inosente kong tanong na nagpatigil sa kanilang dalawa. Nagulat siguro sila at narinig ko ang usapan nila.

Hindi nila alam na maski tunog ng paparating na tao e minsan ay nararamdaman ko at naririnig ko. Gawain ko 'yan noong nasa bahay pa ako ni Mama. Sa tuwing papalapit sila sa kusina o sa kwarto ko ay pinakiramdaman ko ang mga pag-apak nila at kilalanin kung sino ang papalapit.

Hasa na ako sa field na 'to.

"A-Ah e, wala ah!" depensa ni Jenny. Agad niya namang siniko ang kasama niyang nakikipag-bulungan sa kaniya at gano'n din ang sinabi. 

"Okay po, balik na po kayo sa trabaho. Baka po pagalitan tayo ni Ma'am lahat kapag nahuli kayong may pinag-uusapan," saad ko na may pekeng ngiti sa mga labi.

Agad naman nila akong tinalikuran pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ikot ng mata ni Nelda—iyong kabulungan ni Jenny.

"Mga chismosa. Walang magawa sa buhay kundi ang pag-usapan at makialam sa buhay ng iba. Psh."

Bumalik na ako sa trabaho at nang makauwi na ako ay sobrang pagod ang naramdaman ko.  Inihiga ko ang katawan ko sa matigas kong kama. Pikit mata kong inalis ang nakasukbit kong bente pesos na sling bag na medyo malaki kaya talagang gamit na gamit ko.

Inayos ko ang nag-iisang unan ko at ni-pat ito kahit hindi naman na magbabago dahil matigas na talaga ang unan na 'to. Malakas na buntong hininga ang binitawan ko bago ko ibinuka ang aking mata muli.

"Hahay," tangin saad ko bago pilot na tumayo kahit gustong gusto na matulog ng katawan ko.

Kinuha ko ang bag na nakalagay sa uluhan ko kanina at kinuha ang panyo, kailangan kong labhan iyon para may magamit ako bukas. Need ko ng panyo araw araw kasi talagang nakakapawis ang mga gawain doon kahit magwawalis ka lang at minsan ay mag-aalsa ng mga box. Lalo na't isa lang ang meron ako dahil tinitipid ko ang pera ko.

Nagpalit na din ako ng daster na bigay ni aling Basya. Kahit papaano e may iba akong masusuot. Nilalabhan ko ang daster na 'to matapos ang tatlong gabi na paggamit ko. Mahal ang bayarin sa tubig kaya kailangan kong mag tipid. 

Bawat gabi ko lang naman iyon nasusuot kaya hindi gaanong gamit. Magpapalit din ako kapag maggigising ng maaga tapos isasampay sa isang hanger para mahanginan.

"I won't give up, on us. Even if the sky gets rough," mahina kong pagkanta. Paborito ko talaga ang kantang ito.

Kahit na wala akong naging boyfriend ay ang ginagawa ko ay kinakantahan ko na lang ang sarili ko. Tinutukoy na huwag akong sumuko sa kahit ano man ang pagdadaanan ko. Na kahit magtapon ng madami at mahirap na problema ay haharapin ko ito ng buo kong puso at lakas.

Nang matapos ko ang paglalaba sa panyo na hindi naman masyadong maraming tubig ang nagamit, ay sinampay ko ito sa alambreng meron ako sa loob, malapit sa bintanang walang babasagin o kahoy, plain window lang at bukas dahilan para makapasok ang malamig na hangin at para mas mabilis matuyo kung doon ko isasampay ang nilabhan ko.

Huwag lang umulan ay matutuyo ito.

"Ang lamig," bulong ko doon sa bintana habang dinadama ang malamig na hangin. 

Napatanaw ako sa likod ng apartment na ito. Walang ibang bahay meron dito. Tanging ang tinitirhan ko lang ang nandito ay nakapalibot dito ay ang matataas na damo at ibang puno sa likod. Madilim doon pero rinig ko ang mga tunog ng dahon na nagagalaw ng hangin.

Nanatili muna ako doon ng ilang minuto pa bago naisipan bumalik sa kuwarto at mahiga. Nang makahiga ako ulit sa matigas kong kama, dumapo ang tingin ko sa jeans na nakasabit sa may hook sa likod ng pinto.

Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nangyari kanina sa trabaho.

Ang panyo ni Sir Achie!

Mabilis pa sa normal kong galaw ang pagtayo ko sa kama at pagkapa ko sa suot ko kanina. At hindi nga ako nagkamali. Nandoon nga ang panyo ni Sir Achie. Napatampal ako sa noo ko.

Iniisip ko ang mangyayari kapag nalaman ng iba kong kasama na ang panyo ni Sir ay nasa akin. Nag-isip pa ako kung lalabhan ko ba ngayon at baka hindi matuyo bukas kasi medyo late na din. At tsaka wala akong downy, ambango pa naman nito, paniguradong mahal 'to at dapat mabango ko ding isauli. Baka sa susunod na araw, bibili na lang din ako mamayang kapag nadaan ako sa tindahan.

"Ang ganda ng design, siguro mga 200 bili ni Sir nito," saad ko sa sarili.

Muli kong inamoy ang panyo at in fairness, hindi gaanong kumapit ang amoy ko dito. Sabagay, sa mukha ko lang naman ipinunas. Pero need ka ding labhan.

Tinupi ko na lang iyon at inilagay sa mesang kulang na lang ay lagyan ng maliit pero may kabigatan ng bagay ay magko-collapse na.

Nang mahiga akong muli ay may nabuong ngiti sa labi ko. Hindi ko aakalaing may magmamasakit pa pala sa'kin.

Mas lumaki ang ngiti ko nang maalala ang pag-ayos ni Sir Achie ng naka-bun kong buhok na nagulo dahil sa ilang minuto kong pag-akyat sa hagdan. Sumagi nga sa isip ko na baka bakla siya kasi sobrang galing niya at sobrang gentle ng pagkakaayos niya. Para bang sanay na sanay siya.

Kapag nagbigay pa ng sign si Sir ay baka isipin ko talagang bakla siya, ayaw niya lang sabihin kasi siya ang nag-iisang Anak nila Mr and Mrs Vasco.

Pinatay ko ang ilaw at sinindihan ang lamparang magsisilbing ilaw ko sa pagtulog at magdamag para iwas mahal sa kuryente. Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na.




"SALAMAT, Aling Basya, mauuna na po kami." May ngiti niya akong tinanguan.

Agad ko din namang ibinigay ang isang supot ng pagkain kay MJ. Nagkita kasi ulit kami kaya binilhan ko na lang din ulit sila. Wala naman masama. Mas pag-iigihan ko na lang na magtrabaho para hindi bawasan ang sahod ko.

"Thank you, Ate Maya!" saad niya bago nagpaalam sa akin at ako nama'y dumeretso na sa malapit na tindahan para bumili ng downy.

"'Yong kulay pink po, Ate," saad ko at tinanggap ang isang sachet, nagbayad at inilagay ko na sa bag ko bago naglakad patungo sa likod ng kompanya.

"Good morning, Kuya Billy." Ipinasuri ko ang bag ko sa kaniya at tumawa na lang nang magtanong siya bakit daw may downy ako sa bag.

"Para po pampabango sa damit ko po kapag maglalaba ako mamayang gabi."

"Salamat, Kuya. Pasok na po ako." At tuluyan na akong pumasom at pumunta sa kwarto kung saan namin iniiwan ang mga gamit namin.

Pagpasok ko ay wala ni isa kong kasamahan ang naroon. Siguro ay napaaga ako ng sobra. Inilagay ko na muna doon sa may parang locker iyong bag ko at inayos na ang buhok. Naligo ako ngayon kaya buti na lang ay natuyo na. 

Nang naka-bun na ito ay kahit hindi ko gaanong kita ang sugat ay hindi na ito gaanong mahapdi. Pasalamat na lang ako sa paggamot ni Sir Achie sa sugat ko kahapon at madaling naghilom.

Sinusuklay ko gamit tig limang piso kong suklay na galing sa lahat singko sa palengke nang napatalon ako dahil malakas na nagbukas ang pinto at nang lingunin ko kung bakit at sino ay iniluwa doon si Alexandria. Galit na galit ang mukha nito at ano mang oras ay susugudin ako nito.

Ano na naman ang ginawa ko?

"Malandi ka!" sigaw niya at tinakbo ang pagitan namin bago hilahin ang naka-bun kong buhok. Napayoko ako dahil hindi ako makapumiglas dahil saktong sakto sa hawak niya ang pagkakaayos ng buhok ko.

"Alexandria, ano ba! Nasasaktan ako!" sigaw ko din pabalik dahil walang tigil niyang hinihila ang buhok ko at wala akong magawa dahil hawak hawak nga niya.

"Malandi ka! Lahat na lang, Maya! Lahat na lang!" bulyaw niya sa akin ay hinila ako palabas sa silid.

Magpapasalamat na lang ako at wala pang kasamahan namin ang dumadating. Dahil kung meron, panibagong dagdag na naman sa kahirapan ko sa trabaho. As much as possible gusto ko ng payapa.

"Ano bang ginawa ko sa'yo?!" tanong ko at sa pagkakataong ito ay nilakasan ko din ang paghawak sa kamay niya dahilan para masaktan siya ng kaunti at lumuwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

Nahilo ako doon ah. Ano na naman bang ginawa ko sa babaeng 'to.

"Masakit, Maya ha!" aniya at hinawakan ang kamay niya. Gusto kong iikot ang mga mata ko sa mga oras na 'yun. Hawak lang 'yun nasaktan na siya, paano kung magkaroon ako ng lakas ng loob sabunutan siya pabalik?

"Mahina lang 'yon, Alexandria. Huwag ka pong maarte. At ano bang ginawa ko sa'yo? Bigla ka na lang papasok doon e sa pagkakaalala ko ayaw mong may kahati kaya nga sa Mama mo ka nakahiwalay 'di ba."

Napahawak ako sa buhok kong sumakit. Ano bang nakain ng babaeng 'to at bigla na lang mananabunot.

"Anong ginawa niyo ni Achie kahapon sa office niya?!" tanong niya. Malapit ng lumabas eyeballs niya sa mata niya tas malapit na siyang magbuga ng apoy.

"Ano? Sumagot ka! Anong ginawa niyo ni Achie?!"

Achie? Hindi ba at boss niya din 'yun? Porket ba close si Sir Achie at ang Mama niya ay hindi na niya tatawaging Sir si Sir Achie?

Habang nakatitig ako sa kaniya na kulang na lang ay kumuha ng baril at barilin ako, doon ko napagtantong gusto niya si Sir Achie.

Ang baklang 'yun? I mean ang mukhang baklang 'yun?

"Wala kaming ginawa, okay? Kung ano man ang nasa utak mo ngayon na pilit mong pinapaniwalaan, hindi iyan nangyari," kalmado kong saad. Ayoko naman masabihan na war freak, I don't wanna lose this job.

Tutal mas matanda ako sa kaniya, iintindihin ko na lang kahit hindi ko naranasan na maintindihan ng nakakatanda kong mga kapatid at Ina.

"Liar!"

Pagod kong hinimas ang noo ko. Ang kulit. Sabing walang nangyari.

"Ano bang gusto mong marinig? Na nagtalik kami, gano'n? Saan mo naman narinig ang fake news na 'yan?" seryoso kong tanong at mas sumeryoso pa ang tingin ko sa kaniya na ikinatigil niya.

"Sa ano! K-Kila Jenny at Nelda." Ang nga chismosa na 'yun.

"Kung sa kanila nga, well hindi iyan totoo. May  sinabi lang si Sir sa akin at umalis na agad ako."

"So bakit ang tagal mo doon? Lagpas kalahating oras—no, isang oras?" pangungulit niya. 

Argh! Bakit ba kailangan kong mag-explain sa kaniya?

"Sige ikaw, kaya mong lakadin ang first floor to 20th ng sampong minuto? Come on, Alexandria. Ang aga aga pa at gumagawa ka na ng eskandalo." Natahimik siya. Pero alam kong marami pa siyang tanong na tumatakbo sa utak niya gayong kung titingnan siya ay hindi siya mapakali.

"Takot ako sa elevator. Something happened before, that's why right now I'm scared of riding elevator. Kaya ko tinahak ang hagdan at ako'y natagalan. Does that answer your curiosity? Besides, kung papatol man ako kay Sir, hindi mangyayari 'yun dahil sobrang layo ng agwat naming dalawa. Nasa ulap siya, ako nasa putik."

Hindi ko na siya tiningnan muli dahil tahimik na lang siya habang nakatayo doon. Sobrang agad pa lang at stress na kami parehas. Ayoko masira ang araw ko. Buti ay hindi na siya nagtanong. Naging tahimik at payapa ang buong araw ko.

Nagtrabaho ako tulad ng ginagawa ko at naglakad pauwi. Kinausap ko din si Jenny at Nelda para iklaro ang mga sinabi nila. Buti nga at hindi na nakaabot kay Ma'am Kalim ang nangyaring sabunutan namin.

Hawak hawak ko ang sling bag ko at palabas na ako sa kuwarto kung saan inilalagay ang mga gamit ng trabahante at napagtanto kong ginabi ako ngayon. May inutos kasi si Ma'am Kalim sa'kin, pinalipat niya iyong mga box sa storage room sa second floor.

Ako na takot sa elevator, paulit ulit akong baba-akyat sa hagdan. Hindi ko nga maramdaman ang hiya ko dahil siguro sa pagod. Pakiramdam ko din ay hihiwalay sa balikat ko ang mga braso ko. Isipin niyo, halos kinse na box ang inilipat ko, pero hindi naman gaanong mabigat kasi box ng bond papers at ink ng printer lang naman. Sadyang napagod lang talaga iyong paa ko at braso.

Umupo muna ako saglit sa labas ng kuwartong pinanggalingan ko at humilig sa pinto. Hindi ko namalayang napaidlip pala ako. Nagising na lang ako nang maramdaman kong parang tinatapik ang braso ko.

At nang buksan ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Sir Achie na nakaluhod ang isang tuhod sa sahig.

"Hala, Sir!" Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo dahilan ng pagumpog ko sa noo niya. Paanong naumpog ka, Maya?! Katangahan mo naman umaapaw na ng sobra!

"Aray," bulong ko at hinawakan ang ulo ko.

Nakita ko si Sir na tuluyan na ngang napaupo sa sahig at hawak ang noo.

"How the hell is that even possible?" rinig kong tanong niya sa sarili niya habang hinihimas ang noo niya.

Huwag naman sana magkabukol.

"Sir, sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya," mabilis kong paghingi ng tawad.

"When I'm around you, I tend to be so clumsy. Fuck."

"Ho?" tanong ko namg hindi ko marinig ang sinasabi niya.

"You could have been more careful while standing up, I said." Napayoko ako at nilaro ang mga daliri ko.

Marahan ko ding hinimas ang ulo ko na naka-recover na mula sa pagkakauntog sa noo ni Sir.

Hindi ko talaga maintindihan kung paanong nauntog ako sa kaniya. Ano 'yun lunapit talaga ulo ko sa noo niya tapos nag-hi? Jusko naman.

"Sorry po, tatanggalin mo na po ba ako sa trabaho?" mahina kong tanong pero alam kong narinig niya kasi tahimik naman na.

"Huh? Why would I?" tumigil siya.

"You're the reason why I agree to be the here as the CEO."

Itong si Sir Achie talaga, mahilig bumulong. Para siyang bubuyog. Bzz bzz.

"Ano?"

"Wala. I came here to check and nakita kitang nakaupo at natutulog. So I waited for you to wake up. I've been sitting here with your for an hour now, I guess."

"Isang oras? Hala anong oras na ba?" Tumingin siya sa relo niya at pinailaw iyon.

"Wow, pwede pala 'yong ganiyan?"manghang bulong ko sa sarili.

"12:45 AM"

"ALAS DOSE?!" hindi ko napigilang sigaw sa kaniya kaya napaatras siya. Humingi agad ako ng paumanhin.

Nagsimula akong kabahan dahil baka umuwi si Ate ngayon doon sa bahay at hindi niya ako madatnan. Baka kung anong sabihin at isipin na naman nun. Mabubulyawan niya na naman ako nito.

"Sige, Sir. Uuwi na po ako---"

"What? At this hour?" tumango ako habang pinipilot ang sling bag pero dahil sa katangahan ko na naman. Imbes na maayos ang pagkakapulot ko ay mabaliktad ang bag kaya naman ay nasa sahig ngayon ang mga lamat ng bag ko.

Mabuti na lang talaga at medyo may ilaw galing sa exit area ay umaabot dito kahit papaano kaya naman ay hindi ako masyadong nahirapan sa pagpulot ng gamit ko.

"Downy?" rinig kong tanong niya na agad nagpa-trigger ng utak ko about sa panyo niya.

Mabilis akong tumayo at maling galaw na naman ang nagawa ko. Kung kanina ang noo niya ang nauntog ko, ngayon ay ang baba niya naman.

"What the."

"Aray... Sir naman kasi! Huwag ka kasing mag-lean!"

"Im not leaning, Maya. I'm just looking!" he replied.

"Anong titingnan mo sa gamit ko? Walang wala ang mga 'yan sa gamit mo!" Sa mga sandaling 'yun ay nakalimutan ko boss ko siya.

"Im just curious! What's a Downy doing in your bag!"

"E bakit tumataas ang boses mo!"

"You're raising your voice at me too!"

"Aish," tanging lumabas sa bibig ko at bumalik sa pagpulot ng maliliit na sandreyo.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin sabay turo sa hindi kalayuan na spot.

"Doon ka. Baka kapag tumayo ako ay mauntog na naman ako sa'yo at sa kung saan pa tumama." Tama nga ang ginawa ko dahil muli na naman siyang umaambang tumingin sa may bag kong nasa sahig.

"Okay," sagot niya at sinunod nga ang sinabi ko.

"Hindi pa ako tapos. Hindi porket boss kita ay ikaw lagi ang masusunod. Besides, tapos na work hour kaya simpleng tao ka na lang," pagpuputol ko ng katahimikan nang mapansin kong umaamba siyang lumapit muli sa'kin.

"I want to help," he lowly said.

"Kaya ko na. D'yan ka na lang para hindi madumihan ang kamay mo."

"Last one, done!" nakangiti kong saad nang mapulot ang huling sandreyo. Para kasi iyon sa buhok ko kapag gusto kong i-braid ang buhok ko. Maliliit iyon na hair ties.

"Iyong panyo mo, Sir," panimula ko.

"What about that?"

"Pwede ko bang bilhin 'yun? Bilhin ko ng 150, tutal feel ko mga 90+ lang iyon tulad nung nakita ko sa palengke.

Sumama ang timpla ng mukha ko ng mahina siyang tumawa at masundan ng halakhak.

"Ano? Bakit ka tumatawa?" inis kong tanong sa kaniya.

Napa-facepalm na lang ako nang dumaan ang ilang minuto ay tumatawa pa din siya. Kaya ginawa ko na lang ang sa tingin kong makakabalik sa kaniya da reyalidad.

Nag walk out ako.

Tawa ng tawa, mabulunan ka sana sa sarili mong laway. Tsk.

"Hey, wait." Tumigil ako sa paghakbang.

"O ano?" tanong ko. "Tapos ka ng tawanan ako?"

"Im not laughing at you..ahm a little. But I'm laughing because of the price you said." Tumatawa pa din siya pero hindi na tulad ng kanina na kulang na lang magpaikot-ikot siya sa sahig habang tumatawa m

"Anong nakakatawa? Sa palengke, nakita ko 'yung gano'ng style...tig 99 pesos lang. Tapos ikaw ayaw mong ipagbili sa akin ng 150?" naiinis ko pa ding saad.

Nagsimula na naman siyang tumawa. Ano bang problema mo? Para kang bak---bakla? Napasinghap ako nang mapagtanto ang pumasok sa isip ko.

Hindi kaya naalala niya ang kabaklaan niya? Kasi 'di ba, 150 iyong sinasabi nila sa mga lalaki? Oh my god! Pangalawang sign na 'to!

"What' with that face?" biglang seryoso niyang tanong na ikinalki ng ngiti ko.

"Hehe, wala." Nakangiti pa din ako. Tinatago ko sa ngiti ko ang tumatakbo sa utak ko. Paano nga kung gano'n si Sir? 

"Not convinced... Anyway, about the price you're saying, the price of that handkerchief is a hundred times of what you just said."

"Ano?!" Hindi ko napigilang mapataas ang boses ko ulit.

"Its 15 thousand something."

"15 THOUSAND?!"

Jusko! Anong panyo ba iyon? Galing ba iyon sa Santo? May halo bang gold iyon? Tapos sabi alok ko, 150? Wala na ba akong ginawang hindi puro katangahan? Gusto ko na lang magtago o hindi kaya'y kainin ng sementong tinatapakan ko ngayon.

Nakakahiya! Nakakahiya ka Maya! Argh!

------------

Author's Note:

The handkerchief Achie's talking about worth $309 USD, equivalent to 15,864.68 Philippine peso.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

7.2K 970 21
He is determined to revenge his brother's death. And he plans to torture the sister of the woman he is seeking and marry her. Then what happen when t...
29.2K 627 29
"Choose one, you will be my bride or my Wife?" He is possesive He is wild He is obssessed I hate him I hate my husband I hate my boss But his so...
1.9K 130 25
Tagalog/English Lilian grew up knowing only one thing about her life and that is the fact that she was abandoned. As she grew older the mystery surr...
1.1M 28.4K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...