The Mistress

By PrincessHimaya

177K 3.4K 513

Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Akala... More

SYPNOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas

Kabanata 42

3.2K 78 11
By PrincessHimaya

Happy Valentine's Day! ❤️

Indeed, TJ brought healthy foods. A part of me was happy because I had dismayed Mike. But the other part of me was...apologetic. I did the right thing, right? I can't let my guard down, at isa pa, he's a married person. Ayoko nang ma involve pa sa buhay niya.

"Lana!" napaigtad ako sa gulat nang tawagin ako ni TJ kahit nasa harapan ko lang siya, habang kumakain kami ng tanghalian.

Mike already left, but he brought my mind with him.

"H-Huh?" nakatanga kong tanong sa kanya.

Nakangiti lang siya sa akin. May kinuha siyang bigla sa gilid ng bibig ko at dahil sa gulat ko ay hindi na ako nakailag pa. Ipinakita niya sa akin ang isang butil ng kanin. Pero hindi iyon ikinagulat ko ng husto. Mas nagulat ako nang kainin niya ang butil ng kanin.

He smiled and something felt weird the way he smile at me.

"Saan ba lumilipad ang isip mo?" aniya sa akin at wala sa sarili akong napainom ng tubig dahil sa kakaibang nararamdaman.

"N-Nothing...Marami lang akong iniisip...sa trabaho," giit ko.

Tumango siya. "Hmm... At ginugulo ka pa ng ex mo," komento niya.

Mukhang hindi naman ako ginugulo ni Mike. Talagang gusto niya lang yatang manalo para sa business niya. Of course we're a big time company at makakabuti nga iyon sa kanila kung magkataong mapili ko man.

"Hindi na niya ako guguluhin. Tungkol sa negosyo lang ang ipinunta niya dito, TJ."

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Mike na lumayo raw ako kay TJ. Wala naman akong nakikitang mali sa kanya at kahit pa man hindi ko pa siya sinasagot ay hindi niya naman ako pini-pressure tungkol doon. He's more of a friend than a suitor to me.

"Sagutin mo na kasi ako para ako na lang ang isipin mo," pabiro niyang sinabi kaya napatawa ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si TJ. Sumama ako sa kanya hanggang sa lobby dahil natatakam akong uminom ng kape. Nang maka-order na ako ng kape ay naglakad na rin ako papuntang elevator nang may masalubong akong mga empleyado.

"Ang sarap ng manok 'no? Bigay 'yon ni Iza kasi marami raw," sabi noong isa.

"Hindi kaya marunong magluto 'yon! E, kanino 'yon galing?" anas naman ng isa pang babae.

Pa simple naman akong napatigil at tiningnan ang sapatos ko para marinig ko pa ang pag-uusap nila.

"Galing daw sa bisita ni Miss Lana."

I knew it! Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pakiramdam ko ay uminit ang teynga ko sa narinig. Bakit niya naman ibinigay kay Iza ang manok? Puwede namang dalhin niya ito pabalik!

Nag-aalburuto ang sistema ko sa hindi malamang dahilan kung bakit ako biglang nainis. Sobrang swerte pa na nakita ko si Iza sa table niya na kumakain ng hita ng manok habang abala sa cellphone niya. Mukhang sarap na sarap pa!
Padabog kong inilagapak ang kamay ko sa table niya kaya muntik nang maitapon ang dala niyang manok.

Namimilog ang mga mata niya nang makita ako at dali-dali siyang nagpunas ng kamay at bibig.

"Miss? May kailangan kayo?"

I looked at the remaining chicken. Kumukulo talaga ang dugo ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil, nasarapan naman talaga ako pero nagsinungaling akong hindi masarap? E, tama lang naman ;yong ginawa ko 'di ba para panghinaan siya ng loob dahil wala naman talagang pag-asang piliin ko siya. Kaya bakit ganito ang nararamdaman ko sa bwiset na manok na 'yan?!

Umiling ako and calmed myself bago pa naglakad papasok sa loob ng opisina ko. Tulala akong nakaupo sa swivel hair at parang nababagabag dahil sa ginawa. Dapat masaya ako sa nagawa, pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman ko? Ibig ba sabihin nito...

V called me 'cause she wanted to hangout. I think I need it today para naman hindi kung ano ano na lang ang isipin ko. Papalapit na 'ko sa nasabing restaurant ni V nang mapansin ko ang isang pamilyar na sasakyan sa isang coffee shop. That was... TJ's car. Maybe he's meeting someone. But the next scene made me gasped.

TJ was holding the girls elbow, guiding her to his car. Hindi ako puwedeng magkamali. Bakit sila magkasama ni Shelly? Magkakilala...sila? Imposible! Hindi kilala ni TJ si Shelly. Kaya bakit sila magkasama? If Shelly wasn't a waitress, siguro iisipin kong sa negosyo lang kaya sila nagkita. But Shelly has no business at all. I am sure of that. So, why the heck are they together?

Simula nang masaksihan ko iyon, mas lalo lang nadagdagan ang mga iniisip ko kahit pa kasama ko na si V.

"Hindi mo pa rin ba siya sinasagot?" tanong ni V na hindi ko naintindihan agad dahil lumilipad talaga ang utak ko.

"I saw TJ...with Shelly earlier V," malayong sagot ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya. "What? Why?...I mean...magkakilala ba sila?"

I shook my head dahil wala rin akong ideya.

"Hindi ko alam. Pero naalala mo no'ng magdo-double date tayo? It seemed like he doesn't know Shelly at all..."

"God. Masama ang kutob ko, Lana. Heto na naman tayo sa mga traydor!" iritado niyang sabi.

"H-Hindi kaya...magkakilala naman talaga sila?" kinakabahan kong saad.

Nabuhay ang takot at kaba sa dibdib ko. Paano kung...isang malaking kasinungalingan na na naman ang dinaraan ko? Paano kung gano'n nga? Ano'ng balak nila? Hindi kaya ginagamit ni Shelly si TJ para makipaghiganti sa akin?

"Act normal like you didn't saw them. Antayin natin kung may kakaiba bang gagawin si TJ. Be careful, Lana..."

Dahil nga sa nasaksihan ko, nalagyan ng lamat ang mabuting pagtingin ko kay TJ. Natatakot na akong maloko ulit. Ayoko nang bumalik sa dati. Where I  was got fooled in the front of my face.

"Miss Lana, may lunch appointment na naman po kayo ngayon-"

Tamad ko siyang binalingan. "Silang lahat ba?" Tumingin siya sa dala niyang ipad bago pa nagsalita ulit. "Sa apat lang po Miss Lana. Wala po ang ex n'yo,"

Napakunot ang noo ko. Bakit hindi siya nagpa set ng lunch sa akin ngayon? Akala ko ba next time ay aayusin na niya? What happened? Not that I want him here, though. But...if he wanted to be chosen, dapat nagpapabilib siya sa akin!

"Ipa send mo na lang dito ang mga pagkain, Iza. Ayaw kong kausapin sila isa-isa."

"Oramismo, Miss Lana," ani Iza at lumabas na ulit nang opisina.

The lunch came and my office looked like there's a feast. Wala akong magawa, kundi tikman ang lahat nang nasa mesa. There were classic steaks, mediterranean dish and some local dishes, too. Sasama yata ang tiyan ko sa kakatikim ng ibat't-ibang pagkain nito. Hindi ko pa man natitikman ang lahat ay tinawag ko na ang aking sekretarya.

"Sa inyo na 'yan. Hindi ko mauubos, tinikman ko lang," sabi ko at napatingin siya sa mga pagkain.

"Talaga Miss? Thank you Miss Lana! Tatawag lang po ako ng tutulong sa akin sa pagkuha nito." Tumango ako at excited siyang umalis. Dala niya pagbalik ang ibang empleyado at nagpasalamat rin sa akin.

Huli si Iza sa opisina ko at napatingin ako sa relos ko. Puwede pa naman siyang humabol...ng appointment.

"Iza..." I called her.

"Yes Miss?"

I was a bit hesitant to ask her if...Mike really did not set an appointment today. Teka...bakit ko ba pino-problema ang lalaking 'yon? E, ano naman kung hindi siya nag set ng lunch ngayon? Hindi ko na problema 'yon!

I was deeply bothered that my day end without meeting him. Hindi pa nakatulong na masama na ang takbo ng utak ko para kay TJ. But I'm giving him the benefit of the doubt. Hanggat hindi ko mapapatunayan na may ugnayan sila ni Shelly, hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya bilang isang kaibigan...at least for me.

My employees were busy decorating because tomorrow is Valentine's Day, which I allowed them to celebrate. Puwede silang pumasok at puwedeng hindi. It depends to them. I value the importance of that day so much. Though, love should be celebrated everyday, that day is extra special to everyone. Alam kong hindi rin holiday bukas, kaya ako na lang ang magbibigay no'n sa mga empleyado ko.

Heart shaped baloons all over the building including my office. Napangiti ako habang pinapanuod ang janitor na tinutulungan ang mga empleyado ko sa paglalagay ng dekorasyon. I'm sure, my dad is already planning something special for my mom. Siguro, ang kapatid ko na lang ang ede-date ko bukas. Aagahan ko na lang sa pagtapos ng mga gawain ko.

It's five pm and I was ready to go home. Nagpaalam na ako sa mga tao sa opisina ko na abala pa rin sa decorations nang pumasok si Iza at may malaking ngiti sa labi niya na ipinagtaka ko.

"Miss Lana, uwi na po kayo?" aniya kahit halata naman dahil dala ko na ang bag ko.

"Bakit?"

Ngumiti pa siya lalo. "May naghihintay po sa inyo sa baba..."

Biglang malakas na kalabog sa dibdib ko ang aking naramdaman kahit hindi ko pa man alam kung sino. At the back of my head, iniisip kong si...Mike iyon. But he'd wait for me at this our? Iza also did not tell me that I have an appointment with him today. Kaya baka hindi siya. Hindi kaya...

"Sino?" tanong ko, nauupos ang kaninang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Surprise raw po, Miss Lana. Bumaba na lang po kayo."

Pababa na ako at naguguluhan na ako, kinakabahan na ako na parang hindi... kasi may hula ako na parang mali. Kung sino man ang nasa baba, parang hindi pa rin ako sasaya dahil kung si TJ man, may lamat na ang utak ko patungkol sa kanya. Kaya bawat gawin niya ay may kutob na akong masama.

Nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa lobby na ako. Naglakad na ako at nakikita ko na ang labasan papunta sa parking lot. My eyes narrowed when I saw a crowd lurking at the parking lot as if there's a celebrity. They were looking at the car that's familiar to me. Women were giggling into something.

Nang mapansin ako ng iba ay parang hinati ang daraanan ko. Smile were plastered on their faces. I continued walking outside 'till I saw...him. My heart was a bit...disappointed or something.

I smiled.

"Are you waiting for me? Bakit hindi ka na lang umakyat," sabi ko kay TJ na nakapamulsa, in his black pants. His plain shirt was tucked in. Kagaya sa mga pormahan ng mga koreans.

"May iba pa ba akong hihintayin sa building na 'to?" he said while smirking.

Napabaling ako sa likuran ko at nahihiyang nag-usap kunyari ang mga naroon. Akala mo naman talaga hindi ko alam na pinapanuod nila kami.

"Why...are they looking at you?" kuryoso kong tanong dahil hindi naman sila makiki chismis kung wala lang.

He clicked his tongue and offered his hand. Without hesitation, my hand landed to his. For a moment, I realized how different the feeling is when I'm holding Mike's hand over TJ's. I can't point out which one making it different. Maybe because of the warmth? But I can feel TJ's warm hand. Or is it about...the nervousness I always feel whenever my skin touched Mike's?

We went at the back of his car. Akala ko sinundo niya lang ako pero nagtataka ako kung bakit doon niya ako dinala.

"I'll be busy tomorrow, so..."

Binuksan niya agad ang pintuan ng sasakyan at nagulat ako sa nakita. The back was decorated by red baloons, flowers and those big letters for Valentine's Day. There's even a red velvet cake on the side and a red box, it seemed like it's a gift.

"TJ..." hindi makapaniwala kong sabi.

Totoo, nasurpresa ako. Dahilan kung bakit naisip ko kung tama ba na pinagdududahan ko si TJ nang masama. Maybe I'm just too judgemental? Pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung bakit ako ganito.

"Do you like it?" masaya niyang tanong sa akin at dahan-dahan akong tumango.

"Hindi mo naman na kailangan gawin 'to, TJ," saad ko.

He took my hand and held it. His eyes never leaving mine. Guilt creep through me  as I looked into his eyes. I didn't saw any pretentions. Kung ano ang nakikita ko sa kanya noon ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Isa siyang mabuting tao.

"I'm courting you, so this is really normal. More to go kung hindi mo pa ako sasagutin ngayon," he chuckled.

I observed the beating inside my chest. I'm not nervous but I'm happy. If this was Mike, I'm sure I am nervous as fuck...but I don't know if I will be happy. How would I know kung gusto ko na nga si TJ?

"No pressure, Lana. Chill!" aniya nang hindi ako sumagot dahil kung ano-ano na ang tumatakbo sa utak ko.

Isa pa, bakit ko ba siya kinukumpara sa taong may asawa na? God! Nakakahiya ka Lana kung nababasa lang ni TJ ang takbo ng utak mo ngayon!

Sa daming tumatakbo sa utak ko, hindi ko na napansin na maingay na pala ang paligid namin. Others were taking pictures of us at hindi na ako umangal doon. TJ handed me the boquet of white roses that reminds me of something...someone.
We went to a well-known restaurant for its famous dishes. The place was decorated just for the hearts day tomorrow.

Iginiya kami ng waitress sa isang reserved table na nag-iisa lang sa malayong gilid ng restaurant. Nang makalapit kami sa mismong table, mayroon pa palang isang table sa likuran namin. Hindi kasi iyon kita dahil sa divider roon at may mga nakalagay pang kung ano-anong palamuti.

Naupo na ako at kaharap ko si TJ. Kitang-kita ko ang table sa likuran niya na may nakalagay na 'reserved'.

I let TJ order for us at habang naghihintay sa pagkain namin, kahit saan na napunta ang usapan namin. Umabot pa kami sa mga nangyari sa nakaraan.

"If I was him, hahayaan kong mamatay ang magulang ko at ikaw ang pipiliin ko, Lana. Ganyan ka kaimportante sa akin," seryoso niyang sinabi sa akin at nakatingin lang sa mga mata ko. "Dahil hindi niya nagawa ang piliin ka, ibig sabihin, hindi ka gano'n ka importante sa kanya...hindi gano'n ka mahal..."

My heart hammered at his last words. Hindi gano'n ka mahal. Baka nga. Pero kung ako si Mike, kaya ko kayang hindi sundin ang gusto ng magulang ko habang naghihingalo sila? Hindi ko yata kaya 'yon. Kahit pa labag sa kalooban ko, siguro susundin ko pa rin ang gusto nila. Maybe that's what Mike did.

Maybe...he doesn't love Shelly?

Our food came at natakam ako dahil hindi ko pa nata-try ang mga nakita kong pagkain. The food was paired with champagne. Our conversation went on but with a different topic. Naramdaman siguro ni TJ na ayaw kong pag-usapan ang nakaraan dahil hindi naman ako sumasagot sa kanya. Tanging pagod na ngiti lang ang naibibigay ko.

Nagsasalita si TJ nang mahagip ng mga mata ko ang isang malapad na likod ng isang lalaki. A dark  blue button down shirt with black pants. He's with a girl, looking very sophisticated in her red dress. When the man guided the woman on her chair, my heart painfully thumped at the sight. I bowed down my head and sipped all the champagne that's left on my glass.

Sa dinami-dami ng restaurant sa lugar na ito ay dito pa nila napiling mag date? At malapit pa talaga sa amin ni TJ?  Hindi pa nila kami nakikita dahil nakatalikod na si Shelly sa amin at nasa gilid pa niya si Mike...or...they already saw us no'ng papalapit pa lang sila sa table?

Biglang nawalan ako nang gana. Para na rin akong nabibingi at wala ana akong marinig sa kung ano mang pinagsasabi ni TJ. My mind was immediately occupied by them. Isang beses akong napatingin ulit sa likuran ni TJ at nahigit ko yata ang hininga ko nang magpang-abot ang mga paningin namin ni Mike.

He doesn't looked surprised. So, he saw us earlier, huh? The waiter gave them the menu and Mike's gazes has no plans on shifting it to his companion. Kaya naman, saglit na bumaling sa amin si Shelly. Nanunusok ang tingin niya sa akin at pinagtaasan pa ako ng kilay sabay sabay sarkasmong ngumiti sa akin.

"TJ...I wanna go home," I commanded but it sounded like I was pleading. I can't stay in a place with them any longer.

Kumunot ang noo ni TJ. Gulat sa gusto kong mangyari.

"Hindi pa tayo umaabot ng isang oras dito, Lana. Desert haven't serve yet," he explained.

Nagi-guilty din naman ako sa kagustuhan kong umalis. Pero nakakahiya rin naman kay TJ na wala na sa kanya nakatuon ang buong atensiyon ko.

"May problema ba sa inyo, Lana? May emergency ba?" kuryoso niyang tanong at halatang dismayado na.

Umiling ako at napatingin ulit sa likuran niya. Napansin niya iyon kaya napabaling din siya.

"Great. I understand. Your ex with...who's that girl again?"

Para lumamig ang batok ko sa tanong niya. Paanong hindi niya nakikilala si Shelly gayong nagkasama na sila? Is he really...lying to me? Nanginig ang bibig ko sa galit. Ito na naman ulit.

Niloloko na naman ako ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 1.1K 35
Vanessa Alvarez, the spoiled brat and the black sheep of her clan. She loves playing and teasing her college instructor, Gian. Bunga sa maitim niyang...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
204K 6K 37
Idée Fixe is an idea that dominates one's mind especially for a prolonged period or often called obsession.
58.4K 2K 24
"B-binuo kita... dinurog mo naman ako," Hindi lahat ng pinapakasalan ay happy ending na. Minsan sa loob ng pagsasama, maraming hadlang, maraming pags...