Center Empire Princess

By aliferose

33.1K 2.9K 184

A princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She... More

1. Reincarnation
2. Hope
3. Queen
4. Cruelty
5. North Prince
6. Chief
7. Marks
8. Trustworthy
9. Charm
10. Fearful
11. Assassin
12. In-love
13. Prince from the East
14. Slaves
15. East Kingdom
16. Doubt
17. Her slaves
18. Evening
19. Noche
20. He perceive
21. Covetous
22. Trepidation
23. Impede
24. Rage
25. Comfort
26. Dilemma
27. Carelessly
28. Gallant
29. Duo
30. Condition
31. Second Thoughts
32. Find a way
33. Summon
34. Killaro's fall
35. His wife
36. Spring scene
37. She's at fault
38. Frustration
39. Wrong Abduction
40. Honestly
41. Naive
42. The Innocent
43. Avenge
44. Illusion
45. Breakdowns
46. Possession
47. Pure
49. A Pleaser
50. How do men think?
51. Bond
52. Handling it
53. Conscientious
54. His gift
55. Responsibility
56. Tame
57. Forthcoming Holocaust
58. Caution
59. Ictus
60. Peace or War
61. Solution
62. Loyalty
63. Thief's pulchritude
64. For her own good
65. Who's THEM?
66. Scar Devotion
67. Twisted Scheme
68. Retraction
69. Agreement
70. Two-Faced Prince
71. Breed
72. desire
73. Knight in Shining Amore
74. Agony
75. Attempt

48. Palasio Rangya

117 14 1
By aliferose


Farrah

Pinunasan ko ang pulang kulay na nasa leeg at pisnge ni Liam. Nakalimutan ko na nag-lagay pala ako ng pang-kulay sa labi.

"Tanggalin mo nga iyan mamaya upang hindi sagabal." Anito.

Napatawa ako, "isa pang halik." Nguso ko at umiwas-iwas naman s'ya.

"Mahal ko, tigilan mo iyan." Saway n'ya na ikinatawa ko. Posisyon namin? Nakapatong pa rin ako sa kanya.

"Kamahalan? Narito na tayo."

"Bigyan mo kami ng ilang minuto, bantayan ang pinto." Utos sa kawal.

Dahan-dahan akong bumaba at inalalayan nya naman ang bewang ko, "baka maapakan mo ang iyong bestida, dahan-dahan."

Marahan akong napatawa, "yes, I know."

Nang maayos na namin ang aming mga sarili ay sabay kaming lumabas ni Liam suot ang aming maskara, "bakit kailangan pa nating suotin ang maskara?" Tanong ko.

"Upang hindi nila makita ang ating anyo. Alam at kilala naman nila kung sino ang nagmamay-ari o may suot ng iba't ibang maskara kaya kilala na nila kung sino dapat ang mga sisilbihan." Paliwanag nito.

Wala pa rin akong maintindihan. Paano ba naman kasi, ni-hindi n'ya sinabi kung anong lugar ang aming papasukin.

"Maligayang pag-dating sa Palasio Rangya." Anito at hinapit ang aking bewang papasok sa gate ng isang mansion.

Sa labas pa lamang ng mansion ay may mga tao nang nagsasaya at umiinom ng alak.

'Wow, this is new...'

"Dito ako pumupunta kapag nahihirapan akong mag-isip nang maayos." Anito sabay buntong hininga.

"Nahihirapan rin pala makapag-isip ang prinsipe ng silangan." Aking kapilyahan.

Napatawa naman s'ya bago kami pumasok sa mansion. Marami ring mga tao, dim lang ang ilaw sa mansion, kalmado lamang ang musika, ngunit ang mga tao'y...

"Nakakapag-isip ka nang maayos sa pamamagitan ng pag-tambay sa lugar na puro inuman at sugalan?" Pagtataka ko at tumango s'ya.

"Huwag kang mag-alala, mahal ko." Hinaplos n'ya ang aking buhok.

"Maligayang pag-babalik sa aking palasio, pinakamamahal kong prinsipe." May lumapit na lalaki at humalik sa pisnge ni Liam.

"Magandang gabi, Doña Cintia... narito nga pala ang Prinsesa Farrah, ang napakagandang asawa ko." Pakilala ni Liam sa'kin. Yumuko ako sa tapat ng lalaki at agad n'ya naman akong pinigilan, "m-mahal na Prinsesa Farrah, patawad kung magulo ang aking kapaligiran." Yumuko s'ya, umayos ang tindig, gayundin ang pagkalalaki ng kanyang boses.

"Walang problema, kasiyahan ang ipinunta namin dito at hindi naghahangad ng kaguluhan." Malambing ang aking tono. I can't sense danger from this person but I can say na he's really.... girly.

Lilingunin ko lang dapat ang Prinsipe Liam nang mahagip ng mata ko si Sebastian. Ang duke ng Asther na si Sebastian, may kahalikan s'yang kung sinong lalaki at nakikita kong nae-enjoy n'ya naman ang kanilang ginagawa.

"Ang duke ng Asther... bakit s'ya naririto?" Tanong ko sa dalawang kasama ko.

"M-Mahal na prinsesa, ano, m-magpapaliwanag ako..." Tila'y takot na takot ang Doña Cintia.

"Doña Cintia, ang mga bagay na ito ay hindi na kailangan ng paliwanag." Sabi ko at lumapit kila Sebastian. Dumilat ang kanyang mga mata at tinulak ang lalaking kanyang kahalikan.

"M-Mahal na prinsesa..."

'Nakilala n'ya agad ako? Kahit may suot akong maskara?'

"Mahal kong prinsipe, maiwan n'yo muna kami." Bulong ko kay Liam.

Itinaas n'ya ang aking kamay at hinalikan ito, "kung iyan ang iyong kagustuhan, mahal ko." Hinila n'ya pa ang lalaking kasama ni Sebastian.

Umupo ako sa tabi n'ya at napabuga ng hangin, "ito ba ay ginagawa mo para sa pera o interesado ka talaga sa lalaki?"

Napansin ko ang palad n'yang napayukom dahil sa aking sinabi. Alam ko naman na medyo nakaka-offend ang tanong ko lalo na at hindi ko alam ang kwento n'ya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay, "patawad, papakinggan kita."

"Wala ka bang balak sirain ang kontrata mo bilang kerida ko?" Tanong ko.

Parang nagulantang pa s'ya sa aking katanungan. Tinignan ko ang kabuuan ng kanyang reaksyon na parang hindi pa nap-proseso sa utak n'ya kung ano nanamang ugali ang pinapakita ko.

"H-Hindi ko alam ang aking isasagot, kamahalan. Ikaw lamang ang makakapagdesisyon n'yan." Anito.

"Sebastian, gaano ka na katagal pumupunta rito?" Tanong ko.

"H-Halos isang taon na, kamahalan. Malaya kasi akong nakakakilos dito, walang isyu, kaya ko maging ako." Matapat na sabi n'ya.

'Kayang maging sarili mo? Sa lugar na 'to? Hindi na nakakapagtaka kung bakit naririto si Liam.'

"Mahal na duke, ilang beses mo nang nakita si Liam dito?" Preskong tanong ko at sumulyap pa kay Liam na nasa hindi kalayuan. Naroon s'ya sa counter at kausap si Doña.

"Pagkatapos ng pananatili natin sa silangan ay tumigil na rin s'ya sa pag-punta rito. Iyan si Doña Cintia? Parang naging magulang iyan dito at parang halos lahat ng tao aampunin na n'ya." Paliwanag nito at bumungisngis.

"Kahit ganyan si Doña, hindi n'ya ginagamit ang kanyang nasasakupan sa kaguluhan. Talagang maituturing parang bahay ang mansyon na 'to." Dugtong pa nito.

"H-Huwag kang mag-alala, kamahalan. Wala namang umaaligid na tao sa prinsipe. Hindi ko nga alam kung bakit puro inom lamang ang ginagawa n'ya rito, mas madami namang inumin sa silangan at mas maganda talaga ang kuwalidad." Ang tungkol kay Liam naman ang kanyang pinaliwanag.

"Aasikasuhin ko ang kontrata mo bukas, ayoko sumira ng kaligayahan. Nakikita ko namang masaya ka sa kung sino ka. Maaari ka bang dumalo sa kaarawan ko, mahal na duke?" Aya ko.

Tumango s'ya, "ikinagagalak ko, kamahalan." Marahan ang kanyang pag-yuko.

Tumayo s'ya at lumapit sa counter. Si Liam naman ang lumapit sa kinauupuan ko.

"Kumusta ang inyong pag-uusap?" Tanong n'ya.

"Maayos lang, hindi ka ba mag-sasaya, mahal ko?" Hinaplos ko s'ya sa pisnge. Tinanggal ko ang kanyang maskara at pinagmasdan ang kanyang hindi makatotohanang kagwapuhan.

'Parang ginayuma ata ako ng lalaking 'to, bakit lalo s'yang gumagwapo?'

"Bakit parang mas masigla na ang katauhan mo kaysa sa una nating pagkikita? Parang ang gwapo mo ngayon." Pagtataka ko sa sarili at hinubad na rin ang suot na maskara.

Marahan s'yang tumawa bago sagutin ang aking tanong, "ikaw ba naman ang nag-alaga, sinong hindi titino?"

"Kailan ka pa natutong manalita ng ganyan? Ha? Liam?" Tinaasan ko s'ya ng isang kilay.

"Mula sa'yo, mahal ko. Ang ganda mo." Anito at mapaglarong hinalikan ako sa pisnge.

"Nagugutom ka ba? Kukuhanan kita ng makakain." Anito. Tumango na lamang ako bilang sang-ayon.

Napanghilamos ako ng aking palad sa mukha nang maalala ang gulong nangyari. Tiningnan ko ang aking magkabilang palad, nakikita ko pa rin ang mga bahid ng dugo. Pumapasok pa rin sa aking isipan ang mga nangyari sa kanila.

"Sh*t, bakit ba hindi ko agad nagawan ng paraan ang bagay na iyon?" Tanong ko sa aking sarili. Nararamdaman ko nanamang namamasa ang aking mga mata.

"May mga bagay talagang hindi mo maagapan ngunit magagawan mo ng paraan."

Tumaas ang aking paningin sa taong nasa aking harapan, si Doña Cintia. Hindi ako nagpahalata na namamasa ang aking mga mata at umiwas ng tingin.

"Mahal na prinsesa, wala kang dapat ikahiya rito sa mansyon. Ligtas ang katauhan mo rito sa publiko. May problema ka, kamahalan?" Tanong nito.

Tumango ako, "ang daming nangyayari sa emperyo. Isinama nga ako rito ni Liam, nagbabakasali s'yang kumalma ako."

"Nagtataka nga ako kung paano kayo nag-mahalan. Ang ibig kong sabihin ay talagang hindi ko talaga kayo makausap nang ganito dati. Talagang hindi kayo pumapansin ng mga karaniwang tao, at noong nakita ko 'tong si Liam na nag-iisang umiinom dito sa mansyon? Alam ko na agad na sumusuko na s'ya sa mga tungkulin n'ya." Tumawa ang Doña.

"Ang bigat lamang sa pakiramdam, pinagmasdan ko lamang ang malamig na katawan ng mga tao sa bayan. Wala manlang akong nagawa... gusto kong paslangin silang lahat..." Nagngangalit ang aking puso.

"Kamahalan, hindi natin pinapairal ang galit natin. Bakit hindi mo muna ilabas bago ka mag-desisyon?"

"Paano?" Tanong ko.

"Marami akong bote na walang laman dun sa likuran ng mansyon. Basagin mo lahat para gumaan ang pakiramdam mo." Napangiti s'ya.

Pilit akong napatawa, "pupuntahan ko iyan mamaya."

"O siya, kumain ka na muna upang may enerhiya ka." Hinaplos n'ya ang buhok ko bago s'ya lumisan.

Maya-maya'y dumating na si Liam na may dalang pagkain at inumin. Sinabihan ko sa kasama n'yang katulong na dagdagan ang inumin na agad n'ya namang sinunod.

"Wala ka namang balak magpakalunod sa alak, ano?" Tanong ni Liam at napatawa na lamang ako.

Kumain naman agad ako at ginawang tubig ang alak. Gusto ko nang mapabilis ang paglabas ng galit upang matapos na ang lahat ng 'to. Para makapag-plano na agad kami.

"Farrah."

Hindi ko sila mapapatawad sa mga pinanggagawa nila. Dadaloy ang dugo nila sa gitnang emperyo habang ang ulo nila'y nakasabit sa harapan ng palasyo.

"Farrah, enough." Pag-agaw ni Liam sa bote ng alak na tinutungga ko.

Hinayaan ko s'yang alisin ang bote na nasa kamay ko at kumuha ng panibago sa lamesa at mabilis na ininom ito.

"Relax, ligtas naman ang lugar na 'to diba?" Marahan akong tumawa. Ramdam ko na ang tama ng alak kaya pupunta na ako ngayon sa likuran ng mansyon.

"Pupunta lamang ako sa palikuran." Paalam ko kay Liam at umalis na sa aming pwesto. Pagdating ko sa counter ay agad akong nagpahatid kay Doña sa likuran ng mansyon.

Inabot n'ya sa'kin ang dos por dos upang ihampas ko raw sa mga bote, "salamat." Sabi ko.

"Walang anuman, mag-iingat ka sa mga bubog." Anito bago bumalik sa loob.

Sinimulan ko nang hampasin ng kahoy ang mga bote at tumalsik ito kung saan-saan at nadaplisan pa ako sa braso. Halos wala naman na akong maramdaman kaya pinagpatuloy ko ang paghampas sa mga bote.

"T*NGINA N'YO! HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD SA MGA GINAWA N'YO! LAHAT NA LANG!" Inis na hiyaw ko at pinagpatuloy ang pag-hampas sa bubog. Halos humagulgol na rin ako sa iyak.

Halos duguan na ang kamay at braso ko dahil sa bubog na tumalsik sa aking balat. Dumating si Liam at hinila ang dos por dos mula sa'kin.

"Tama na, magpahinga ka na." Niyakap n'ya ako mula sa likuran.

"Liam, pabayaan mo muna ako... paki-usap..." Usal ko.

"Hindi, magpahinga ka na, mahal ko... tama na." Hinalikan n'ya ang likuran ng aking tenga bago ako buhatin. Bumalik kami sa loob ng mansyon.

"Doña Cintia, pwede bang makihiram muna ng kwarto?" Tanong ni Liam.

"Sige lang, gamutin mo ang kanyang mga sugat." Paalala ni Doña at tumango naman si Liam bago mag-lakad.

"Ibaba mo na lamang ako, kaya ko mag-lakad." Sabi ko. Hindi n'ya ako pinansin at nag-patuloy sa kanyang paglalakad.

"Huwag kang mag-salita, paparusahan kita." Seryosong sambit nito.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
149K 7.7K 82
[Complete] A gang leader, school president, playboy and a campus crush. Who would she choose? Kenji: Don't go without me Akira: Are you eating again...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
36.9K 1.6K 49
[COMPLETED] A story where the villain is the main character. "No one can stop an evil who was once an angel." She was raped, molested, and got killed...