That Time I Got Reincarnated...

Messy_Pixie

247K 14.9K 1.4K

Matapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabu... Еще

Prolouge
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
NO PLEASE DON'T. 😭😭
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
THAT TIME I GOT REINCARNATED AS A FOX (S1)

30

4.2K 283 17
Messy_Pixie


Nang makauwi kami ay sinalubong ako ng mga bata. Halos buong araw ay dikit sila ng dikit saakin kahit saan ako magpunta. Buti nga ay pwedeng hindi kami pumasok ngayon. Nilayuan lang nila ako ng ibigay ko sa kanila ang candy na napalanunan ko sa horro house.

Ang mga sobrang pagkain naman ay ipinamigay namin sa ibang studyante at nagtira lang ng para saamin. Nagbigay na rin ako ng chocolate na nasa jar. Ngayon ko lang napansin ang pangalan ng brand kasi hind masyadong kita at maliit.

Tsikolet. Sino naman kaya ang may-ari ng shop na 'yon at gano'ng pangalan talaga ang napili.

Ngayon ay nasa klase na kami ay unang subject namin at training. Wala na sanang mangyari na dahilan kung bakit isang subject lang ang mapapasukan ko.

Nasa training ground kami ngayon at hinihintay na lang ang guro. Sa gilid ay mayroong pana, palaso, at espada na gawa sa kahoy.

"Tingnan mo nga naman, paano kaya nakapasok dito ang demi-human?" Napatingin ako sa lalaking lumapit saakin at ngumisi.

Napataas ang kilay ko at tiningnan siya mulo ulo hanggang paa. Tumayo rin ang isang babae at dalawa pang lalaki. Wow, bullies? For the first time, ah.

"Dumaan ako sa gate kaya ako nakapasok dito," sabi ko at ngumiti.

Bumakas naman ang inis sa mukha niya pero agad din na nawala.

"You're too brave for a demi-human, eh, mahihina namam ang lahi niyo, 'di ba?" Nagtawanan ang mga kasama niya at hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi nila.

Bakit ang dami kong nakakausap na may saltik sa ulo?

"Ricky, stop being a bully," sabi ni Viana at lumapit saamin.

"Shut up, Viana," sabi ng babaeng kasama niya.

"Hindi ba dapat mas manahimik ang payaso?" taas kilay na sagot ni Viana.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Hindi lang pala ako nakakahalata na mukhang clown ang babae sa kapal ng make-up niya.

"You, don't you know me?!" Nagkibit-balikat lang si Viana na mas lalong ikinainis ng babae.

"Kilala kasi ang mga Royalties, kaya matapang. Sa hitsura mo ay mukhang nilandi mo lang si Prince Kreyos," sabi ni Ricky.

Medyo napangiwi pa ako ng marinig ang Prince sa pangalan ni Kreyos. Ang pangit, parang 'yung lalaking kaharap ko ngayon.

"Hindi ba dapat nililinisan ang ang maduming babaeng kagaya niya?" Napaawang ang labi ko ng buhusan ako ng tubig ng isang lalaki.

Huminga ako ng malalim. Kalma, baka mabasag mo ang mukha n'yan at ikaw pa ang may kasalanan.

"Hoy!" Napatingin ako sa babaeng kakarating lang.

Nakita ko si Isabela na tinatali ang buhok habang mabilis na naglalakad papalapit saamin.

"Sino may sabing buhusan mo siya ng tubig?!" Akmang susugurin niya ang lalaki ng pigilan siya ni Viana.

"Calm down, Isabela!"

"Bitiwan mo ako! Ang kapal ng kalyo mo sa mukha, lalaki ka! Ano?! Halika rito! Bubugbugin kita ng pumangit ka pa lalo!" Napahilot na lang ako ng sintido ko at tumayo.

"Ano bang kailangan niyo?" bagot na tanong ko. "Ano naman sa inyo kung nandito ako? Ano naman sa inyo kung close ako sa mga Royalties, ah, masama ang mainggit," nakangising sabi ko.

"You're just a demi-human!" Napatabingi ang mukha ko ng sampalin niya ako.

Kinagat ko ang labi ko sa inis at sinampal din siya pabalik. Mukhang nagulat ang Ricky sa ginawa ko kaya kinuha kong pagkakataon 'yon para sampalin ko siya ulit.

"Una sa lahat, wala kang karapatang saktan ako." Sa pangatlong pagkakataon ay lumapat ang palad ko sa pisngi niya. "Pangalawa, wala kang karapatan para laitin ako. Sino ang sinasabi mong mahina?"

Nagpakawala ako ng kapangyarihan sa kamay ko at itinutok sa kanya.

"I can burn you alive in a second and there's a reason why I'm here." Naglakad ako palapit sa kanya na ikinatras nila.

Hindi na ako nagulat ng mapatid ito at napaupo sa lupa kaya napangisi ako.

"I'll tell this to Dean!" sigaw niya.

"Tell her, I don't care. Wala naman silang magagawa kapag nakita ka nilang nasusunog na," sabi ko.

Bumakas ang takot sa mukha niya. Pinawala ko ang kapangyarihan ko at yumuko para titigan siya sa mukha.

"I will never flirt with my Master. I'm his guardian afterall," wika ko ang ngumiti.

Nanlaki naman ang mata niya at mabilis na tumayo. Tumakbo siya palayo saamin kaya napahalakhak ako. Ang lakas ng loob, takot naman pala.

"An-ang cool! As expected to your highness!" Akmang yayakapin ako ni Viana ng mapatigil siya. "I don't deserve to hold a precious person like you, ahh! You look even more beautiful!"

Napairap naman ako at napatingin kay Isabela na nakanguso habang masama pa rin ang tingin sa mga bully. Napailing ako at pinitik ang noo niya.

"Okay na," sabi ko.

"Hmp."

Sakto namang dumating na si Ma'am kaya umayos na kaming lahat.

"Get your weapon, let's start our training." Tumayo naman ang mga estudyante kaya tumayo na rin kami para kumuha.

Napili kong kunin ay ang espada. Wala akong alam kung paano gumamit nito kaya basta basta ko na lang iwinasiwas ng walang tinatamaan.

"Report: Acquired title, sword master. Obtain, God speed."

Ah, great. Gets ko na kung ano ang sinasabi ng boses na 'yon. Sword master?! Eh kakahawak ko pa nga lang ng espada!

"May problema ba?" tanong ni Isabela.

Mukhang napansin niyang napahinto ako kaya nagtanong. Umiling ako at napabuntong hininga at ibinalik ang espada. Kinuha ko ang bow at pinaglaruancang string nito. Parang ang tibay, ah.

"Report: Acquired title, sharp shooter. Obtain, eagle eyes."

Punyeta! Ano ba?! Ako ba ang main character dito at ganito ang nangyayari saakin?! Ugh! Gusto ko mag training kahit papano! Kapag nagpatuloy pa 'to, magiging over powered na ako.

Kasalanan 'to ni Tania. Bakit pa kasi ako ginawang guardian kung pwede na maging normal na tao na lang ako sa normal na bayan.

"Fiera? Bakit parang maiiyak ka na?" tanong ni Isabela

Ngumuso ako at ibinalik ang bow at kinuha ulit ang espada.

"Wala," sagot ko at bumalik sa upuan.

"You already know me, right?" Tumango naman ang mga estudyante sa tanong ng teacher.

"Gosh, she's the worst trainor ever," sabi ni Viana. "Napaka strikto niya magturo."

"I will give you ten minutes to warm up. Hindi nagiging madali ang training ngayon." Nakarinig kaagad ako ng iba't ibang reklamo na hindi naman pinansin ng guro.

Nagsimula na kaming mag-stretching. Ginagaya ko na lang ang ginagawa ng ibang estudyante ng mawalan ako ng ideya kung paano ako magwa-warm up. Hindi naman kasi ako nagi-exercise noon sa past life ko.

Kung iisipin ay parang normal na babae lang ako na sikat at mayaman. Pero ako 'yung babae na walang pakialam sa mga gano'n kasi nga I was seeking for love and attention dati to my family but it turns out na ako lang pala nag-iisip na hindi nila ako mahal.

It's hurt to leave them pero wala na akong magagawa kasi hindi na ako nababagay sa mundong 'yon. Nandito na ang bago kong buhay, ayos na ang nabigyan ako ng pagkakataon na makita sila at malaman na mali ako.

Matapos namin na mag-warm up ay nagsimula nang matawag ng pangalan si Ma'am. Unang tinawag si Ricky dahil a ang start ng apelyido niya.

"Start, now." Nilabanan ni Ricky ang isang dummy na naging madali sa kanya.

Ngumisi ito na para bang proud sa ginawa niya.

"Next round." Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Ma'am.

Naging dalawa ang kalaban niya, hanggang, naging tatlo. Hindi niya na kinaya ang tatlong tao kaya napangisi ako. Ganyan nangyayari sa mayabang.

Nanood lang kami sa laban ng ibang estudyante. Hanggang si Viana na ang tinawag. Nagulat pa ako ng umabot siya sa limang dummy at siya ang pinakamaraming napabagsan sa lahat ng tinawag.

Siyempre, huli akong tatawagin kasi ako ng huling nag-enroll.

"Waah!" Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ng makitang tinakbuhan ni Isabela ang dalawang dummy.

Napailing na lang si Ma'am at may isinulat sa papel niya na hawak niya.

"Fiera." Tumayo ako at lumakad sa gitna.

"Go Fei," sabi ni Isabela at nag-thumbs up pa.

"Your highness, beat them up!"

Palihim akong napangiti at nawala 'yon ng makita ang grupo nila Ricky na nakangisi saakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at hinanda ang sarili ko.

"Five," sabi ni Ma'am.

Nagtaka naman ako.

"Ano pong five?" Hindi siya sumagot at nagulat na lang ako ng tumayo ang limang dummy.

Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Teka, bakit lima kaagad?

"Ma'am—" Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng sumugod silang lima saakin.

Agad kong sinipa ang dummy at iniwasan ang iba pang sumusugod saakin. Ginalaw ko ng espada ko, akala ko ay matatagalan ako sa pagpapatumba sa kanila pero hindi.

Napakagat ako ng labi at napabuntonghininga. May galit ba saakin ang teacher na 'to? Saka hindi ko rin alam na kaya kong lumaban ng gano'n, pakiramdam ko kasi lumakas ang reflexes ko.

"Hmm." Seryosong tumingin saakin si Ma'am. "Twenty."

"Pero Ma'am, ang unfair naman po," reklamo ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "I see that you're stronger than the others. Of course, I need to see how far can you go."

Nakasimangot akonf humarap sa mga dummy. Huminga ako ng malalim at sumugod na sa kanila. Ako lang ba o mukhang madali talaga silang mapatumba?

Sa tingin ko ay hindi pa umaabot ng limang minuto ay natapos ko na kaagad sila. To my surprise, wala akong naramdamang pagod.

"Fiera, where are you from?" tanong ni Ma'am.

Napangiwi ako. Anong isasagot ko? Sa earth?

"From far away?" patanong kong sabi.

"You had a great move. You look like a veteran wielding a sword," sabi niya.

"Thank you po." Siyempre kailangan kong magpasalamat kasi pinuri ako.

Kahit hindi ko rin alam kung bakit ang first timer na katulad ko ay naging sword master.

"Tommorow, I will give you a test. If you passed, you will be exempted from my subject." Natahimik ako sa sinabi niya.

Seryoso ang boses niya kaya alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Well, bawas gawain kung makapasa man ako.

"I'll accept."



Продолжить чтение

Вам также понравится

310K 14.9K 59
Isa lamang akong ordinaryong college student na walang ibang inatupag kundi ang mag aral ng mabuti. Hindi ako laki sa yaman. Kailangan kong magbanat...
64.2K 2.9K 44
If you fall inside your novel and can also travel through other dimensions.. what will you do If ever that would happen to you? But then again, unexp...
Flee To DEATH cea

Ужасы

5.8K 366 23
Rianah Caddel is the only child of world the famous businessmen Mrs. Abrianah Barlowe Caddel and Mr. Richard Laurier Caddel. But because of the amoun...
1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...