Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

3.8M 106K 36.3K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 10

106K 3.2K 1.7K
By elyjindria

"Paano ba gamitin ito?" bulong ko habang tinitingnan ang cellphone na binili ni Senyorito Zamir para sa akin. 

Naramdaman kong napatingin si senyorito sa direksyon ko, ngunit agad ding binaling ang tingin sa daan. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ngayon dahil babalik na kami sa hacienda. Sana talaga ay hindi ako sermunan ng mayordoma. 

"Nakikita ko nang malinaw ang sarili ko, senyorito!" tuwang tuwa na sinabi ko nang mapunta sa camera ang cellphone. 

Hindi naman kumibo si senyorito at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Kumuha na lang ako ng picture ko. Napasinghap ako nang makitang nagkakaroon 'yon ng iba ibang kulay. May mga sungay sungay pa at nagiging aso rin ako... Bakit ganito ito? 

"S-Senyorito, pwede ka rin po maging aso sa cellphone?" tanong ko saka muling tiningnan ang sarili ko. Inilabas ko ang dila ko at napasinghap ako nang may lumabas din na dila ng aso roon. "D-Dumidila po ang aso, senyorito."

Tila narindi si senyorito sa pag-iingay ko. Itinigil n'ya sa gilid ng kalsada ang kotse saka hinablot mula sa akin ang cellphone ko. "These are fucking filters, Elaine. You can be a dog, a bunny, a cat or anything in your picture with the help of this fucking filters," tila iritadong sinabi n'ya. 

"F-Fucking filters?" tanong ko. 

Napaawang ang labi ng senyorito habang nakatingin sa akin. "I mean... fuck this" napabuga ng hangin si senyorito, tila nag-iipon ng pasensya. "Just filters, walang fucking," paliwanag n'ya. 

Napatango ako. "Filters pala."

Napabuntonghininga si senyorito saka bahagyang lumapit sa akin para ipakita ang cellphone. "This is the camera, as you can see, there are filters here. You can also take a video using this. Mapupunta 'yon sa gallery... Tingnan mo." Nag-picture kaming dalawa ni senyorito. Agad akong ngumiti sa camera samantalang si senyorito ay seryoso lang ang mukha. Pinindot ni senyorito ang gallery pagkatapos. "See? It's in the gallery. You can also search on google as long as you have wi-fi or data. You can download application or games here on playstore. You can also save the number of your family and friends here in the contacts. Alam mo na 'to... Dapat hindi naka-silent ang cellphone mo dahil tatawagan kita o ite-text. My number is already saved here."

Napaawang na lang ang labi ko habang nakikinig kay senyorito. Ngayon ko lang yata siya narinig na nagsalita nang gan'yan kahaba at dire-diretso. Naririnig ko lang siya na nagsasalita nang mahaba kapag nakikipag-away siya kina Senyora Eleanor... Mukhang hindi naman siya ganoong kasama kagaya ng nasa isip ko. Kaya rin siguro nagiging komportable ako sa kan'ya nang paunti-unti. 

"Senyorito, ano po ang pangalan mo sa contacts ko?" tanong ko saka tumingin sa kan'ya. 

Napakunot ang noo n'ya. "Zamir, of course" tipid na sagot n'ya. 

Kinuha ko mula sa kan'ya ang cellphone at agad na pinindot ang contacts. Napasilip na lang si senyorito sa ginagawa ko. Agad kong nilagyan ng 'senyorito' sa unahan ang pangalan n'ya sa contacts ko. Natigilan ako nang mapansing may mga hugis, mukha, at disenyo rin na pwedeng ilagay. Napatingin ako kay senyorito na nakatitig lang sa akin. 

"Senyorito, ano po ang magandang disenyo na pwede kong ilagay sa tabi ng pangalan mo?" tanong ko. 

"You mean... emoji?" nakakunot-noong tanong n'ya. "Why do you have to put that? Ang corny."

"Para meron pong disenyo sa pangalan," agad na sagot ko. 

"Whatever, put whatever you want," masungit na sabi na lang ni senyorito saka napatingin sa kalsada. 

Napatango na lang ako at naglagay ng hugis puso, bituin, at nakangiting mukha iyon. Nagdagdag na rin ako ng aso, pusa, pati ng palaka. Naramdaman kong napatingin si senyorito sa cellphone ko. 

"What the fuck? Bakit may mga hayop diyan?" nakakunot-noong tanong n'ya. 

"Ayaw mo po sa hayop, senyorito?" Binura ko na lang ang hayop sa tabi ng pangalan n'ya at pinalitan iyon ng mukha na anghel, pati ng puno at bulaklak.

"My goodness," narinig kong bulong ng senyorito at napaiwas na lang ng tingin. 

"Ayaw n'yo rin po ba nito, senyorito?" tanong ko. 

"Bahala ka na... Why the hell am I wasting my time with you?" narinig ko pang bulong n'ya. 

Napangiti na lang ako saka muling kumuha ng litrato. Napahagikhik na lang ako dahil nilagyan ko iyon kuneho na filter. Napatingin ako kay senyorito na napatingin din sa akin. Agad kong tinapat sa kan'ya ang camera saka pinindot ang filter na may sungay, agad ko siyang kinuhanan ng litrato. 

"Tingnan mo po, senyorito... Bagay na bagay sa 'yo," tumatawang sabi ko saka ipinakita sa kan'ya iyon. 

Napakunot ang noo ni senyorito. "Sinasabi mo bang para akong demonyo?" masungit na tanong n'ya. 

"H-Hindi po sa gano'n, senyorito... Ang ibig ko lang po sabihin ay medyo masama po ang ugali mo," depensa ko. 

Bahagyang napaawang ang labi ng senyorito. Napabuga na lang siya ng hangin at tumawa nang mapakla. "This woman is unbelievable." Napailing siya saka nagsimula ng magmaneho. 

Napangiti na lang ako at muling ibinaling ang atensyon sa cellphone ko. Hindi talaga ako marunong gumamit ng ganito kagandang cellphone. De pindot lang ang cellphone ko noon, ngayon lang yata ako nakahawak ng ganito. 

"Paano ko kaya ipapaliwanag kina nanay ito?" bulong ko habang nagkakalikot pa rin sa cellphone. 

"Tell them I gave you my spare phone and you couldn't refuse," sabi na lang ni senyorito.

Napatango na lang ako kahit hindi ko alam kung paniniwalaan nila iyon. Tahimik na nagpindot na lang ako sa cellphone at hindi na nagsalita pa. 

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa hacienda. Bago ako bumaba ng kotse ay inabot ko muna kay senyorito ang paper bag na may laman na damit na binili n'ya sa halagang pitong libo. Napakunot ang noo n'ya sa ginawa ko. 

"Senyorito, sinasauli ko na po ito. Salamat po," sabi ko na lang saka inabot sa kan'ya iyon. 

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko riyan? Isusuot ko?" sarkastikong tanong n'ya. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka umiling. "Akin na lang po ba ito?"

"Yeah, do whatever you want," sabi na lang n'ya. 

"Pwede ko po bang ibenta 'to?" pahabol na tanong ko. 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng senyorito saka napatingin sa akin. "Damn... are you for real?"

"Sabi n'yo po sa akin na 'to," bulong ko saka napatungo. 

Napabuga ng hangin si senyorito saka tumango. "Fine, do whatever you want," sabi na lang n'ya saka bumaba ng kotse. 

Napangiti na lang ako at lumabas na rin ng kotse bitbit ang paper bag. Kay Ria ko na lang ibebenta ito dahil mahilig siya sa magagandang damit. Hindi ko rin naman kasi magagamit ito, hindi naman ako naalis, saka kung may lakad man ako, hindi naman ako nagsusuot ng ganito kagandang damit.

Humabol ako kay senyorito na mabilis na naglalakad. "Senyorito, ayos lang po ba talaga na ibenta ko ito? Hindi ka magagalit?" tanong ko habang pilit na hinahabol ang lakad n'ya. 

Napatigil si Senyorito Zamir saka tumingin sa akin. "Do you really like simpler clothes than that designer brand and expensive as fuck dress?" nakakunot-noong tanong n'ya. 

Alanganing ngumiti ako at tumango. "S-Senyorito, mas komportable po ako sa simpleng mga kasuotan."

Napabuga ng hangin ang senyorito at napaiwas ng tingin. "I'll take note of that next time," bulong n'ya na hindi ko gaanong narinig. 

"Po?" 

"Nothing," sabi na lang ni senyorito saka mabilis na pumasok sa mansyon. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka napailing. Hindi ko alam kung bakit tila nabawasan ang pagiging suplado ng senyorito sa paningin ko. Napangiti na lang ako at masiglang pumasok sa mansyon. Agad akong nagtungo sa maid's quarter at naabutan ko ro'n ang ilang mga kasamahan ko pati na rin si Ria. Agad akong lumapit sa kan'ya at kinuha ang uniporme ko. 

"Pst, Elaine... Ano ba'ng trabaho mo kay Senyorito Zamir? Pinapahirapan ka ba n'ya o inaalila nang sobra?" bulong ni Ria sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na halos lahat ng nasa silid ay sa amin nakatingin. 

"H-Ha?" naitanong ko na lang. 

"Sus, kalat na kalat na rito sa mansyon na pinahihirapan kang maigi ni senyorito. Grabe talaga siya," napapailing na sabi n'ya pa. 

"R-Ria, hindi naman ako pinahihirapan ng senyorito."

"H'wag ka ng magkaila sa akin. Ano ka ba? Magkaibigan tayong dalawa kaya h'wag ka ng mahiya sa akin... Tingnan mo nga oh, mukhang pagod na pagod ka talaga. Ano ba ang pinagagawa sa 'yo ng poging suplado na 'yon?" tila nag-aalalang tanong n'ya saka hinaplos ang pisngi ko. Napakunot ang noo n'ya saka mas tumitig sa akin. "Mukha kang pagod pero mukha ka ring blooming. Namumula pa nang kaunti ang pisngi mo."

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya saka kinuha ang dress sa paper bag. "Ria, gusto mo bang bilhin sa akin ito?" pag-iwas ko na lang sa usapan. "Ibibigay ko na lang ito sa 'yo, ibawas mo sa utang ko," nakangiting sabi ko. "Maganda 'yan, bagong bili at isang beses lang nasuot. Kapag kumita ako, babayaran ko ang utang ko sa 'yo kasama na ang interes."

Napasinghap si Ria saka agad na kinuha sa akin ang dress. "Wow, ang ganda naman nito teh. Halatang orig pa! Sige kunin ko na 'to... Nako, mukhang kasyang kasya sa akin."

Pagkatapos naming magkwentuhan, agad din kaming lumabas bago pa kami mabulyawan ng mayordoma... Masakit pa rin ang ilang parte ng katawan ko ngunit hindi ko alam kung bakit tila magaan ang puso ko... Ganito ba ang epekto ng pakikipagtalik ko sa senyorito o sadyang masaya lang ako?

"I know right! He's even planning to come here para lang manligaw. He's really a catch! Balak ko na siyang sagutin pag punta n'ya rito."

Natigilan ako sa pagmo-mop ng sahig nang makitang papalapit si Senyorita Adrianna. Bahagya akong umatras sa dadaanan n'ya upang bigyan siya ng daan. May kausap siya sa cellphone n'ya. Tumahimik na lang ako at hinintay siya na makadaan. Ngunit natigilan ako nang mapatigil siya saka tumingin sa akin. Napalunok na lang ako at napatungo. 

"I'm gonna talk to you later, girl. Bye," sabi ng senyorita. 

Narinig ko ang matunog n'yang takong na palapit sa akin. Bahagya kong inangat ang mukha ko saka tumingin sa kan'ya. Napalunok ako at napasinghap nang makita siya sa malapitan... Napakaganda ni Senyorita Adrianna. Kamukhang kamukha nito si Senyora Eleanor, tila batang bersyon ito ng senyora. 

"Who are you?" tanong n'ya. 

"E-Elaine po ang pangalan ko, senyorita," magalang na sagot ko saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. 

"Look at me," utos n'ya. 

Agad kong sinunod iyon saka tumingin sa kan'ya. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkunot ng noo n'ya pati ang pagkuyom ng kamao n'ya. Napalunok na lang ako at napakapit nang mahigpit sa hawakan ng mop dahil sa kaba. 

"Don't show your face to me again... and don't come here tomorrow and the day after tomorrow."

Nagtatakang napatingin ako sa senyorita. "B-Bakit po? May nagawa po ba akong mali?" 

"Just do what I say! H'wag ka ng puro tanong! Kapag nakita kita rito bukas, malalagot ka sa akin," pananakot n'ya saka agad din akong tinalikuran at umalis. 

Hinabol ko na lang ng tingin ang senyorita... Bakit siya nagagalit sa akin? May nagawa ba akong mali sa kan'ya?

BUONG ARAW na hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Senyorita Adrianna. Hindi ko maisip kung ano ang nagawa ko upang magalit siya sa akin... Sana ay wala akong nagawang mali at sana hindi ako maalis sa trabaho. Malaking tulong sa amin ang pagt-trabaho ko sa hacienda. Malaking kawalan sa amin kapag natanggal ako sa trabaho. 

"Huy, Elaine. Ang lalim ng iniisip mo riyan. Halika nga rito, ayusin mo 'yang damit mo. Bakit ba ibinababa mo nang ibinababa iyang skirt mo?" tanong ni Ria saka inayos ang skirt na suot ko. 

Tumingin ako sa salamin habang nilalagyan ni Ria ng kaunting lipstick ang mga labi ko. Naka-duty kami ngayong gabi sa bahay-aliwan. Waitress kami rito pero kailangan pa rin naming magdamit nang ganito. Kaya kung minsan ay may mga pangyayari na nababastos kami ni Ria, hindi lang talaga ako makaalis dahil sayang ang kinikita ko rito. Pandagdag din sa ipon namin para maipagamot si Nanay. 

"Grabe, Elaine, ang ganda mo talaga teh. Kung lalaki lang ako, malamang patay na patay ako sa 'yo," napapailing na sabi ni Ria saka inayos ang buhok ko. 

Pakiramdam ko nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi n'ya. "A-Ano ka ba, Ria? Hindi naman ako maganda."

"Ay sus. Oo na, hindi ka na maganda kasi sobrang ganda mo... Let's go na," sabi na lang n'ya saka hinila ako palabas ng dressing room. 

Agad na bumungad sa amin ang maingat at ang nakakahilong ilaw sa bahay-aliwan. Napabuga na lang ako ng hangin at pasimpleng ibinaba ang suot kong skirt. Agad na kaming nagtungo ni Ria sa counter para kuhanin ang maliit na notebook at ballpen. Naghiwalay na kami para magsimulang magtrabaho. 

"Ano po ang order n'yo, Sir?" tanong ko sa isang customer nang kawayan ako nito. 

"Apat na beer saka sisig... Upo ka na rin sa tabi ko," nakangising sabi nito. 

Tipid na ngumiti na lang ako at umiling. "Paumanhin po, hindi po ako umuupo sa tabi po ng customer. Pwede po akong magtawag po ng iba kung gusto n'yo po," magalang na sabi ko na lang. 

"Sus, h'wag ka ng maarte. Babayaran naman kita."

Napabuga na lang ako ng hangin. Ito agad ang bubungad sa akin. Akala ko pa naman ay maya-maya pa ang ganito. Mukha rin kasing marami ng nainom ang customer na ito dahil marami ng bote sa mesa n'ya at namumula na rin ang buong mukha n'ya pati na ang leeg. 

Napailing na lang ako at tinalikuran siya. Akmang lilipat na ako sa kabilang customer na tumatawag ngunit natigilan ako nang mapatingin sa isang mesa... May isang pamilyar na lalaki ang nakaupo ro'n. Napaawang na lang ang labi ko nang makita kung sino iyon... Si Senyorito Zamir.

Ano ang ginagawa n'ya rito?!

Napalunok ako habang nakatingin sa kan'ya. Tumingin siya sa akin, pababa sa suot ko at hindi nakawala sa paningin ko ang pagkunot ng noo n'ya na tila ba hindi n'ya nagustuhan iyon. Ininom n'ya ang natitirang beer sa bote n'ya bago siya tumayo at naglakad papalapit sa akin... nakatingin siya nang masama na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kan'ya. 

Kusang kumilos ang mga paa ko ata unti-unting umatras. Ang lakas ng kabog ng puso ko at tila sasabog 'yon ano mang oras. Napalunok na lang ako at umatras nang umatras ngunit natigilan ako nang agad n'ya akong nalapitan saka napahawak sa braso ko. 

"S-Senyorito..."

"What the fuck are you doing in this place, Elaine?!" galit na asik n'ya. Humigpit ang hawak n'ya sa braso ko saka muling tumingin sa suot ko. "Fucking hell," mariing sinabi n'ya saka muling tumingin nang masama sa akin. 

"N-Nagta-trabaho po ako rito, senyorito. Kung maaari lang na bitiwan n'yo ako dahil--"

"No. I'm not allowing you to work here any longer."

Natigilan ako sa sinabi n'ya. "S-Senyorito... bakit n'yo po sinasabi iyan? B-Bakit po ayaw n'yo akong payagan na magtrabaho rito?"

"If you don't want me to kill those motherfucking assholes who look at you as if they wanna devour you... just do what I say."

Napasinghap na lang ako nang basta ako nito hinila palabas ng bahay-aliwan. Gusto ko ang magprotesta, wala akong nagawa dahil hindi hamak na mas malakas siya sa akin, dagdag pa na nanghihina ang buong katawan ko ngayon. 

"S-Senyorito... kailangan kong bumalik sa trabaho... K-Kailangan kong kumita pa ng pera," sabi ko na lang nang makalabas na kami sa bahay-aliwan. Pinilit kong alisin ang pagkakahawak n'ya sa palapulsuhan ko ngunit hindi siya nagpatinag. 

Kinuha ng senyorito ang wallet n'ya mula sa bulsa ng suot n'yang pantalon. Binitiwan n'ya ang kamay ko saka kinuha ang lahat ng laman ng wallet n'ya na puro libo ang halaga saka inabot sa kamay ko. 

"I will pay you five or ten times of how much you earn here... But in return, you will only serve me and not those fucking assholes... just me, Maria Elaine."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
8K 190 4
Sylestia wanted nothing but a good future. Sick and tired of her poor provincial life, Syl left her hometown without bidding goodbye to anyone-pati n...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.6M 37.9K 18
(COMPLETED) Love is not just all about feelings, sparks, and butterflies. Love needs understanding, limitation, respect, trust, and deep connection...