That Time I Got Reincarnated...

By Messy_Pixie

247K 14.9K 1.4K

Matapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabu... More

Prolouge
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
NO PLEASE DON'T. 😭😭
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
THAT TIME I GOT REINCARNATED AS A FOX (S1)

26

4.2K 269 34
By Messy_Pixie


Bakit ang laki naman nito?

Hinawakan ko ang itlog at kinatok. Hindi naman 'to madaling mabasag 'di ba? Totoong itlog ba 'to? Idinikit ko ang tenga ko sa itlog pero wala akong marinig kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Fake siguro.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at napangiti ng may makitang banyo sa loob ng kwarto. Doon na ako umihi. Naghugas ako ng kamay at napatingin sa sarili sa salamin.

"Huh?" Hinawakan ko ang mukha ko.

Tangina, ang ganda. Pinakatitigan ko ang mata ko at napangiti nang makitang kulay asul 'yon. Ang slim din ng mukha ko. Gosh, napakaganda ko naman.

Ngumiti ako sa harap ng salamin at nag-peace sign. Shuta ang ganda ko!

"Ahh!" Nagulat ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw kasabay ng bahagyang pagyanig ng lugar.

Mabilis aking tumakbo palabas ng kwarto.

"Royalties, nandito na ang wyvern," nag-aalalang sabi ng centaurus.

Tumakbo naman ako pabalik sa sa kwarto namin at nakita ang mga kasama ko na nagmamadaling nagbihis ng damit pang proteksyon.

Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at sinundan 'yon ng malakas na sigaw ng dragon. Dahil ang tagal nila maglagay ay nauna na akong lumabas.

Mula sa malaking bintana ay nakita ko ang wyvern na panay ang buga ng apoy. Ang laki naman nito! Baka patay na kami bago namin matalo 'yan.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para makalabas na agad ng mansyon.

"You're here." Napatingin ako sa nagsalita at napangiti ng makita ko si Achilles.

Ang gwapo niya kahit bagong gising.

Nandito na rin ang mga lalaki pati ang Royalties sa kaharian na 'to. Ang bagal talaga ng mga babaeng 'yon.

"Let's take it down," seryosong sabi ni Alexandria.

Naghanda na silang lahat na lumusob at ako ay umupo na lang sa gilid. I mean, marami sila tapos malakas naman siguro kaya hindi na nila ako need.

Kaya nila 'yan, mahihirapan nga lang.

Ah!

"Ako na bahala sa mga sibilyan," sabi ko at tumulong sa pagpapalikas ng mga tao.

"Ang anak ko, naiwan sa loob!" Napatingin ako sa tinuturo niyang nasusunog na bahay.

"Ayaw mo ng toasted child?" tanong ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya mabilis akong napaiwas.

"Joke lang, eh." Tumakbo ako papunta sa bahay na nasusunog.

"Mama! Mama!" Itinapat ko ang kamay ko sa bahay at nagpalabas ng tubig.

Nagmumukha akong bumbero nito.

Nang maapula ang apoy ay nakita ko ang bata na umiiyak. Obvious na sobrang basa ng damit niya at may kaunting lapnos ang katawan niya.

"Halika ka." Binuhat ko siya at itinakbo kung saan naroon ang ang safe zone.

"Ang sakit, ang sakit po!" umiiyak na sigaw niya.

"Gusto mo dagdagan natin?" Mabilis siyang umiling. "Oh edi manahimik ka at sumasakit ang tenga ko sa lakas ng boses mo."

Nang makapunta kami sa safe zone ay agad siyang niyakap ng Mama niya. Pinagaling ko naman ang sugat niya.

"Huwag kang umiyak lang kapag nangyari 'yon, big boy ka na. Kailangan mong maging matapang." Ginulo ko ang buhok niya at napatingin sa Wyvern.

Mukhang nanghihina na ito dahil hindi na pantay ang pagpagaspas ng pakpak niya.

Nanood lang ako mula sa malayo hanggang sa natamaan ni Kreyos ng kapangyarihan niya ang pakpak ng Wyvern. Nanghihina itong bumagsak sa lupa kaya tumakbo na ako papunta ro'n.

"Whoa, ang laki," sabi ko.

Mas malaki pala siya sa malapitan.

Hinagisan ng net ang Wyvern para kung sakaling lilipad ulit 'to ay hindi siya makakatakas. Tumingin ako sa mukha ng Wyvern. Buhay pa naman siya pero mukhang napagod din.

"Ha! Grabe ang mana na nagamit ko!" sigaw ni Lana.

Pumwesto ako sa mata ng Wyvern at inilagay ang dalawang kamay ko sa tuhod para mas makita lalo.

"Ang anak ko."

Huh?

Napakurap ako.

"Ibalik niyo saakin ang anak ko."

Nanlalaki ang mga mata kong lumayo sa dragon. Nagsalita siya! Tumingin ako sa paligid pero parang wala silang naririnig. Hello?! 'Yung dragon po nagsasalita.

"Pakiusao. Ang anak ko."

"Sino ang anak mo?" tanong ko.

Tumingin naman saakin ang wyvern.

"Naiintindihan mo ako?" Tumango ako.

Sa katunayan ay hindi naman nakakatakot ang boses niya. Boses babae siya at malumanay magsalita.

"Tulungan mo ako. Kinuha nila ang anak ko," sabi niya.

"Paano nila—" Napatigil ako sa pagsasalita ng may ma-realize ako.

'Yung itlog sa kwarto! Itlog niya 'yon!

Mabilis akong tumakbo pabalik sa mansyon.

"Fiera! Saan ka pupunta?!"

"Fei!"

Hindi ko na lang sila pinansin at binuksan lahat ng kwarto na makita ko. Nakalimutan ko kasi kung saang pinto 'yon at pare-parehas ng design ang pinto nila.

Nang makita ko ang itlog ay maingat kong kinuha 'yon. Napangiwi pa ako dahil mabigat ang itlog. Sinong baliw ang magnanakaw ng itlog ng wyvern?!

Nang makabalik ako sa labas ay gulat silang napatingin saakin. Lumapit ako sa wyvern na sinusubukang kumilos.

"Tanggalin niyo ang net," sabi ko.

"Why? Baka umatake—" Pinutol ko ang pagsasalita ni Luca.

"Tanggalin niyo." Wala silang nagawa kundi tanggalin ang net.

Nang gumalaw ang wyvern ay napansin kong naging alerto sila. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang itlog.

"Anak ko."

"Paano nagkaroon ng itlog ng wyvern dito?" takang tanong ni Augustin.

"That is the reason why she attacking your kingdom. Nakita ko 'yan sa isang kwarto sa loob ng mansyon niyo kaya for sure ay nandito din ang kumuha n'yan," sabi ko.

"I swear, we never told anyone to get wyvern's egg," sabi niya.

Hindi ko na lang siya sinagot at nanatiling nakatingin lang sa itlog. Nakarinig kami ng mahinang pagbiyak.

"Ano 'yon?" tanong ni Isabela.

Oh, mukhang lalabas na ang baby wyvern.

Lahat kami ay napangiti ng makalabas ang wyvern sa loob ng itlog. Ang liit nito at ang cute.

"We're sorry that someone in our kingdom stole your child, I will assure that this will never happen again," sabi ni Augustin.

Hinawakan ko ang wyvern at pinagaling ang mga natamo nitong sugat.

Nakarinig naman kami ng tunog ng mga kabayo. Dalawang lalaki at isang babae at dumating. Hindi sila familiar pero mukhang noble rin sila.

"W-wyvern!" sigaw ng isang lalaki at inilabas ang espada niya.

"Daniel, ayos na. Gusto niya lang makuha ang anak niya." Natigilan si Daniel at nanlaki ang mata.

Mabilis itong lumapit sa wyvern at lumuhod sa harap ng wyvern. Iniyuko pa niya ang ulo niya.

"Sorry! Sorry! Nakita ko kasi ang itlog sa tabi ng ilog at walang akong nakitang next ro'n kaya akala ko ay nahulog o iniwan kaya dinala ko muna rito! Hindi ko intensyon na kunin ang anak mo, balak ko rin hanapin ang Ina nito kapag natapos na kami sa misyon namin," mabilis na sabi nito.

Napasimangot ako. Hindi na sana niya kinuha pa.

Tumingin saakin ang wyvern at inilapit saakin ang anak niya.

"Pwede kong hawakan?" tanong ko.

Tumango siya kaya binuhat ko ang anak niya. Hala, ang cute talaga. Bumuga ito ng apoy kaya mabilis akong umiwas. Inosente naman itong tumingin saakin kaya ibinalik ko na siya sa nanay niya.

Baka ako pa ang matusta. Lumipad na paalis ang wyvern kaya napataas ang kilay ko. Mga tao talaga, ang daming ginawagawang kapahamakan.

"Fiera, ang galing mo,"rinig kong sabi ni Achilles.

Ngumiti ako at akmang sasagot ng may humilaw ng kamay ko.

"Ah, you're so beautiful." Kunot-noo akong tumingin sa lalaki na humapit ng bewang ko.

Isa siya sa mga tao na kadarating lang kanina. Sino ba 'to at feeling close?

"Are you willing to be my wife?" tanong niya.

"Hero! Me! I'm willing!" sigaw ng kasama niyang babae pero hindi siya nito pinansin.

Napangiwi ako at itinulak siya palayo.

"No thanks," sabi ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Ngumiti siya saakin.

"I'm willing to gave all of my love to you." Dude, ew.

"Ah, hehe." Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at pinunas ang likod ng palad ko sa damit.

Gwapo naman siya at matipuno kaso mukhang may sira sa utak.

"But—"

"Get away from her." Okay, hilain niyo lang ako. Doon kayo masaya eh.

"Who are you?" taas kilay na tanong ng lalaki.

"I'm her Master," seryosong sabi ni Kreyos.

"Master? Are you working with this kid?" tanong niya.

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya niya at pinilit na ngumiti.

"Guardian niya ako," sabi ko.

"Oh, you must be powerful. Bagay ka maging asawa ko," sabi niya.

Nakapakagat ako ng labi at naniningkit ang mga matang tumingin kay Augustin.

"Allowed ba akong sapakin 'to?" tanong ko sa kanya.

Tawa lang ang isinagot niya kaya napasimangot ako.

"My future wife is so harsh," natatawang sabi ng lalaki. "I'm Christian."

"Sino?"

"Me, I'm Christian."

"Nagtanong." Hinawi ko ang buhok ko at nagsimula ng maglakad papasok sa mansyon.

"Wait, may I know your name?!" sigaw ni Christian.

Ngumisi ako at lumingon sa kanya. "Gusto mong malaman?"

"I really do," nakangiti niyang sabi.

"Bek Lee Ako," sabi ko.

"Oh, Bek Lee Ako!" nakangiti niyang sigaw.

Mabilis akong tumalikod para pigilan ang pagtawa ko. Bano.

"Haba talaga ng hair, Fei," sabi ni Lana na sumunod din pala saakin.

"Nakakairita rin ang gano'n, gusto ka nila kasi maganda ka," sabi ko at humikab.

"Ay, 'yun lang." Wala nang nagsalita saamin hanggang sa mabakabalik kami sa kwarto.

Humiga ako sa kama at hindi na naghilamos o nagbihis pa. Masyado akong inaantok para gawin ang mga bagay na 'yon.

"Bukas mamasyal tayo," sabi ni Lana.

"May pera ba kayong dala? Libre niyo 'ko," sabi ko habang nakapikit.

"Of course, magi-stay muna tayo rito ng ilang days bago bumalik. Hay, bakasyon!" sigaw ni Lana.

Hindi na ako nakarinig ng ingay sa kanya kaya hinayaan ko na ang sarili ko na makatulog.


A/N: Legit na sobrang antok ako habang sinusulat ko 'to kaya sorry kung may lutang na sentence o mali maling salita. HAHAHHAHA.



Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
64.1K 2.9K 44
If you fall inside your novel and can also travel through other dimensions.. what will you do If ever that would happen to you? But then again, unexp...
69.5K 4.5K 23
She can't remember anything.
4.4K 192 44
Pinilit ng ama ni Sofia na ilayo at mailigtas sya sa napipintong trahedya pero huli na ng pasukin ang kanilang bahay, pinasuot kay Sofia ang isang ne...